You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
TAMPILISAN DISTRICT

Paaralan Baitang/Antas 7
Guro Asignatura Filipino
ARAW
Pang-apat/
Petsa/Oras Markahan
W1/D3

a. Natatalakay ang mga tauhan sa akda.


I. LAYUNIN b. Nabibigyang halaga ang kahalagahan ng bawat tauhan sa akda.
c. Naisasagawa ang mga gawaing inihanda ng guro.

Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa ng


Mga Kasanayan sa
Pagkatuto at Koda binasang bahagi ng akda (F7PB-IVa-b-2)

II. PAKSA Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna

III.
PAMAMARAAN
 Gamit ang Roleta sa SilVerTek magbigay ng mga tanong tungkol sa mga
A. Pangganyak
tauhan sa Ibong Adarna at ang katangian nito.
B. Presentasyon ng Ilalahad sa klase ang paksang tatalakayin na tungkol sa Mahahalagang
Paksa Tauhan ng Ibong Adarna
C. Pagtatalakay Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna

Makikita sa ibaba ang mga tauhang nagbigay-buhay sa makulay na


mundo ng koridong Ibong Adarna. Halina’t iyong isa-isang kilalanin ang
mga tauhang ito, gayundin ang kani-kanilang gagampanang papel upang
dito pa lang ay malaman mo na kung ano-ano ang aasahan sa kani-
kanilang pakikipagsapalarang nagbigay rikit o kagandahan sa isang walang
kamatayang korido ng bayan.
Ibong Adarna – Ang makapangyarihang ibong nakatira sa puno ng
Piedras Platas na makikita sa Bundok Tabor. Ang mahiwagang ibong
tanging makapagpapagaling kay Haring Fernando sa pamamagitan ng
magandang tinig nito.

Haring Fernando – Siya ang hari ng Kahariang Berbanya na nagkaroon


ng malubhang karamdaman.
Reyna Valeriana – Siya ang kabiyak ni Haring Fernando at ina nina Don
Juan, Don Pedro at Don Diego.
Don Pedro – Siya ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna
Valeriana na nakipagsapalarang hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok
Tabor.
Don Diego – Siya ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna
Valeriana. Siya ay tumungo rin sa kabundukan upang hanapin ang ibong
makapagpapagaling sa kanilang amang may malubhang karamdaman.
Don Juan – Siya ang makisig na bunsong anak nina Haring Fernando at
Reyna Valeriana. Siya ang prinsipeng nakahuli sa Ibong Adarna sa
Bundok Tabor.
Donya Maria – Siya ang anak ni Haring Salermo na may taglay na
kapangyarihan. Siya ay isa sa mga babaeng minahal ni Don Juan.
Haring Salermo – Siya ang hari ng Kahariang Reyno de los Cristales na
nagbigay ng matinding pagsubok kay Don Juan.
Donya Leonora – Siya ang magandang prinsesa ng Kaharian sa Armenya
na nagpakita ng tunay na pag-ibig kay Don Juan.
Donya Juana – Isa siya sa mga prinsesa ng Kaharian sa Armenya na
kapatid ni Donya Leonora.
Donya Isabel – ang kapatid ni Donya Maria Blanca.
Donya Juana – kapatid ni Donya Maria Blanca.
Ang Ermitanyo – matandang naninirahan sa Bundok Tabor, isa sa mga
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
TAMPILISAN DISTRICT

tumulong kay Don Juan.


Ermitanyong Uugod-ugod – ang tumulong kay Don Juan upang
mapanumbalik ang dati nitong lakas matapos siyang pagtaksilan nina Don
Pedro at Don Diego.
Arsobispo – ang humatol na dapat ikasal sina Don Juan at Donya
Leonora.
Lobo – ang alaga ni Donya Leonora na siyang gumamot kay Don Juan sa
Kaharian ng Armenya.
Ang Higante – ang may bihag at nagbabantay kay Donya Juana.
Ang Serpyente – malaking ahas na may pitong ulo na siyang nagbabantay
kay Donya Leonora.

GAWAIN 1(PAGSASATAO)

-Pumili ng tauhan mula sa Ibong Adarna pagkatapos gagayahin nila ito.

GAWAIN 2 (TSART)
-Gamit ang tsart sa ibaba ibigay ang pagkakakilanlan ng mga tauhan sa
D. Paglalapat ibaba.

TAUHAN KATANGIAN

1. Don Pedro

2.Don Diego
3. Don Juan

Panuto: Gumawa ng Family Tree ng pamilyang ikinararangal sa Berbanya


at magtala ng mga impormasyon tungkol sa kanila.

E.Paglalahat

F. Pagpapahalaga Panuto: Ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat tauhan sa akda. Gamitin


ang Flow Chart para sa sagot.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
TAMPILISAN DISTRICT

IV.Ebalwasyon Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa
iyong sagutang papel ang letra ng pinakatamang sagot.

_____1. Kaharian na pinamumunuan ni Haring Salermo.

A. Berbanya B. Reyno de los Cristales


C. Crotona D. Bundok Tabor
____ 2. Anak ni Haring Salermo na may taglay na kapangyarihan. Isa sa mga
babaeng minahal ni Don Juan.
A. Donya Maria B. Donya Leonora
C. Donya Juana D. Reyna Valeriana
____ 3. Tumulong kay Don Juan upang mapanumbalik ang dati nitong lakas
matapos pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego
A. Matandang Leproso B. Ermitanyong Uugod-ugod
C. Lobo D. Ermitanyo
____ 4. Magandang prinsesa ng Kaharian ng Armenya na nagpakita ng tunay na
pagmamahal kay Don Juan.

A. Donya Maria B. Donya Leonora


C. Donya Juana D. Reyna Valeriana

____ 5. Matandang naninirahan sa Bundok Tabor, isa sa mga tumulong kay Don
Juan.
A. Matandang Leproso B. Ermitanyong Uugod-ugod
C. Lobo D. Ermitanyo
____6. Alin sa sumusunod ang katangian ni Don Pedro?
A. Masunuring anak B. Taksil sa kapatid
C. Mapagmahal sa magulang D. Maalaga sa kapatid
____7. Paano mo ipapakita ang pagmamalasakit sa mga matatanda ?
A. Sa pamamagitan ng pagbigay ng kaunting pagkain.
B. Sa pamamagitan ng pagtulong sa pagtawid sa daan.
C. Sa pamamagitan ng pagbigay ng bagong damit
D. Sa pamamagitan ng pagsigaw upang makarinig nang mabuti.
____8. Saan nakatira ang Ibong Adarna?
A. Piedras Platas B. Higera C. Mangga D. Gubat
____9. Sino ang ina ng tatlong prinsepeng magkakapatid?

A. Donya Maria B. Donya Leonora


C. Donya Juana D. Reyna Valeriana
____10. Ang alaga ni Donya Leonora na siyang gumamot kay Don Juan sa
Kaharian ng Armenya.
A. Lobo B. Ahas C. Higante D. Pusa
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
TAMPILISAN DISTRICT

Panuto: Gawan ng maikling buoda ng unang bahagi ng Ibong Adarna


V.Takdang-aralin

Inihanda ni :

MERIAME ESCRAMAN-VILLAESPIN
TI/TININGGAAN NHS

SUSI SA PAGWAWASTO

1. B

2. A

3. B

4. B

5. D

6. B

7. B

8. A

9. D

10. A

You might also like