You are on page 1of 8

Filipino 7

Ikaapat na Markahan

Modyul 2 Para sa Sariling Pagkatuto

Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna


Manunulat: Melanie C. Reyes at Abegail C. Calimag
Tagasuri: Flerida A. Cruz at Leda L. Tolentino/ Editor: Leda L. Tolentino at Cindy Macaso
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 Modyul 2 ukol sa Mahahalagang Tauhan ng
Ibong Adarna.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat
mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at
mga dapat mo pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at
naunawaan sa mga naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa
kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng ibat
ibang pagsasanay na dapat sagutin ng mga
mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang
konsepto na dapat bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral

MGA INAASAHAN
Nakapaloob sa modyul na ito ang mga mahahalagang tauhan ng Ibong
Adarna, ang kanilang mga katangian at ginampanan sa kuwento. Dito ay
malalaman mo kung ano-ano ang aasahan sa kani-kanilang pakikipagsapalaran sa
akda.
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:
1. Matutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ng akdang binasa.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Kilalanin ang tauhan sa bawat bilang. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot.

_____1. Ang tawag sa kaharian nina Haring Fernando at Donya Valeriana.


A. Albanya C. Krotona
B. Armenya D. Berbanya

_____2. Ang punong tirahan ng mahiwagang Ibong Adarna.


A. Piedras Platas C. Piedro de Oro
B. Reyno Delos Cristales D. Piedras Blanca

_____3. Bunsong anak ni Haring Fernando na labis niyang minamahal.


A. Don Pedro C. Don Juan
B. Don Diego D. Don Lucas

______4. Prinsesang may mahika blankang taglay.


A. Donya Maria C. Donya Leonora
B. Donya Juana D. Donya Isabel

______5. Haring hinahangaan ng kanyang nasasakupan.


A. Matandang Ermitanyo C. Haring Fernando
B. Haring Salermo D. Arsobispo

______6. Ang may bihag kay Donya Leonora sa palasyo nito sa ilalim ng balon
A. Lobo C. Agila
B. Higante D. Serpyente

BALIK-ARAL

Panuto: Magbigay ng impormasyon sa sumusunod na salita at ipakita ng


kaugnayan nito sa isa’t isa.

1. tulang romansa

2. tulang pasalaysay

3. Edad Media

4. dayuhang panitikan

ARALIN
Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna

Makikita sa ibaba ang mga tauhang nagbigay-buhay sa makulay na mundo ng


koridong Ibong Adarna. Halina’t iyong isa-isang kilalanin ang mga tauhang ito,
gayundin ang kani-kanilang gagampanang papel upang dito pa lang ay malaman
mo na kung ano-ano ang aasahan sa kani-kanilang pakikipagsapalarang nagbigay
rikit o kagandahan sa isang walang kamatayang korido ng bayan.

Ibong Adarna – Ang makapangyarihang ibong nakatira sa puno ng Piedras Platas


na makikita sa Bundok Tabor. Ang mahiwagang ibong tanging makapagpapagaling
kay Haring Fernando sa pamamagitan ng magandang tinig nito.

Haring Fernando – Siya ang hari ng Kahariang Berbanya na nagkaroon ng


malubhang karamdaman.

Reyna Valeriana – Siya ang kabiyak ni Haring Fernando at ina nina Don Juan,
Don Pedro at Don Diego.
Don Pedro – Siya ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana
na nakipagsapalarang hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok Tabor.

Don Diego – Siya ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana.
Siya ay tumungo rin sa kabundukan upang hanapin ang ibong makapagpapagaling
sa kanilang amang may malubhang karamdaman.
Don Juan – Siya ang makisig na bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna
Valeriana. Siya ang prinsipeng nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor.

Donya Maria – Siya ang anak ni Haring Salermo na may taglay na kapangyarihan.
Siya ay isa sa mga babaeng minahal ni Don Juan.

Haring Salermo – Siya ang hari ng Kahariang Reyno de los Cristales na nagbigay
ng matinding pagsubok kay Don Juan.

Donya Leonora – Siya ang magandang prinsesa ng Kaharian sa Armenya na


nagpakita ng tunay na pag-ibig kay Don Juan.

Donya Juana – Isa siya sa mga prinsesa ng Kaharian sa Armenya na kapatid ni


Donya Leonora.

Donya Isabel – ang kapatid ni Donya Maria Blanca.

Donya Juana – kapatid ni Donya Maria Blanca.

Ang Ermitanyo – matandang naninirahan sa Bundok Tabor, isa sa mga tumulong


kay Don Juan.

Ermitanyong Uugod-ugod – ang tumulong kay Don Juan upang mapanumbalik


ang dati nitong lakas matapos siyang pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego.

Arsobispo – ang humatol na dapat ikasal sina Don Juan at Donya Leonora.

Lobo – ang alaga ni Donya Leonora na siyang gumamot kay Don Juan sa Kaharian
ng Armenya.

Ang Higante – ang may bihag at nagbabantay kay Donya Juana.

Ang Serpyente – malaking ahas na may pitong ulo na siyang nagbabantay kay
Donya Leonora.
MGA PAGSASANAY

A. Panuto: Kilalanin ang tauhan sa bawat bilang sa tulong ng mga


impormasyong naglalarawan sa kanila. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

____________ 1. May malambing na tinig, hatinggabi kung dumating sa Piedras


Platas na kanyang tirahan.

____________ 2. Panganay na anak na may tindig na pagkainam.

____________ 3. Reyna na walang kasingganda sa kaharian ng Berbanya.

____________ 4. May ugaling malumanay na pangalawang anak nina Haring


Fernando.

____________ 5. Ang hari ng Reyno de los Cristales.


B. Panuto: Gumawa ng Family Tree ng pamilyang ikinararangal sa Berbanya at
magtala ng mga impormasyon tungkol sa kanila.
PAGLALAHAT

 Nalaman ko o natutuhan ko sa araw na ito na _________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
 Ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat tauhan sa akda. Gamitin ang Flow
Chart para sa sagot.

Kahalagahan
ng tauhan ng
Ibong Adarna
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy na tauhan sa Hanay A. Isulat sa
patlang ang titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B
_____1. Kaharian na pinamumunuan ni A. Ermitanyo
Haring Salermo.
____ 2. Anak ni Haring Salermo na may taglay B. Donya Leonora
na kapangyarihan. Isa sa mga babaeng
minahal ni Don Juan.

____ 3. Tumulong kay Don Juan upang C. Ermitanyong Uugod-ugod


mapanumbalik ang dati nitong lakas
matapos pagtaksilan nina Don Pedro at Don
Diego

____ 4. Magandang prinsesa ng Kaharian ng D. Reyno de los Cristales


Armenya na nagpakita ng tunay na
pagmamahal kay Don Juan.

____ 5. Matandang naninirahan sa Bundok E. Donya Maria


Tabor, isa sa mga tumulong kay Don Juan.

You might also like