You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON

Castañas National High School


Brgy. Castañ as Sariaya, Quezon
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

WEEK 1 | Pinagmulan ng Kwentong Bayan

Pangalan : Filipino 7
Baitang at Pangkat : S.Y. 2020 – 2021

MGA PAALALA:
1. Para sa week 1, gamiting gabay ang pahina 1 hanggang pahina 9 sa module.
2. Sagutan ang mga inilaang gawain para sa iyo nang may kahusayan.
3. Ang mga gawain ay sasagutan sa inilaang sagutang papel.
4. Ang bawat gawain ay may mga panuto na dapat sundin upang maayos mong maisagawa ang mga ito.
5. Kung may hindi malinaw sa iyo ay magtanong sa iyong guro.
6. Tiyaking masagutan ang bawat gawain na inihanda para sa iyo. Sikaping huwag iiwanang kulang ang sagot sa
anumang gawain
7. Lagyan ng CHECK ang box ng mga bahagi na iyong natapos bilang patunay na ito ay maayos mong naisagawa.

PRE-TEST
GAWAIN 1
GAWAIN 2
GAWAIN 3
GAWAIN 4
GAWAIN 5
GAWAIN 6
MAIKLING PAGSUSULIT

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

_____1. Ito ay kuwentong nagmula sa bawat pook na naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng kanilang lugar.
A. maikling kuwento C. epiko
B. kuwentong-bayan D. alamat
_____2. Ano ang masasalamin sa isang kuwentong-bayan?
A. tradisyon C. kultura ng isang lugar
B. paniniwala at kaugalian D. lahat ng nabanggit

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Panuto: Hanapin sa talaan sa ibaba ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salitang may salungguhit sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang
iyong sagot sa patlang sa talahanayan.

Pangungusap Kasingkahulugan Kasalungat


 Si Pilandok ay kinagigiliwan ng taga-Maranao. 1. ________ 2. ________

 Nanggilalas ang sultan nang makita si Pilandok sa kanyang magarang kasuotan. 3. ________ 4. ________

 “Ililihim po natin ang bagay na ito,” wika ni Pilandok sa Sultan. 5. ________ 6. ________

 Hintay, ang sansala ng sultan sa pag-alis ni Pilandok. 7. ________ 8. ________

 Pumayag ang Sultan sa ibinigay na hiling ni Pilandok 9. ________ 10. ________

a. kalmado b. itatago c. kinatutuwaan d. sumang-ayon e. sumalungat


f. kinaiinisan g. tumutol h. pumayag i. ibubunyag j. nagulat

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Panuto: Matapos mong unawain ang kuwento ni Pilandok, sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
_______1. Paano naging sultan si Pilandok?
1
A. niloko niya ang sultan C. pinatay niya ang sultan
B. pinalayas niya ang sultan D. siniraan niya ang sultan
_______2. Alin sa sumusunod ang ibinigay na dahilan ni Pilandok upang makumbinsi ang sultan na pumunta sa ilalim ng dagat?
A. kaharian sa ilalim ng dagat C. ninuno sa ilalim ng dagat
B. kayamanan sa ilalim ng dagat D. trono ng pagiging sultan sa ilalim ng dagat
_______3. Anong kultura o kaugalian ng mga Muslim ang masasalamin sa kuwentong-bayang “Naging Sultan si Pilandok”?
A. Ang pagkakaroon ng kapangyarihan
B. Ang paraan ng kanilang pamumuhay
C. Ang pagkakaroon ng sultan bilang pinuno ng kanilang lugar
D. Ang estado ng kanilang buhay na tanging mga mayayaman lamang ang pinapayagang manamit ng kulay ginto at tumira sa malalaking bahay.
_______4. Ano ang mensaheng mapupulot mula sa kuwnetong-bayan na “Naging Sultan si Pilandok”?
A. Maging tuso sa lahat ng pagkakataon.
B. Huwag maniwala sa mga sabi-sabi.
C. Matutong dumiskarte sa oras ng kagipitan at pangangailangan
D. Huwag maging gahaman sa kayamanan at matutong makunteto kung ano ang meron ka.
_______5. Ano ang masasalamin mula sa tagpuang binanggit at inilarawan sa kuwentong bayan na “Naging Sultan si Pilandok”?
A. Masasalamin dito ang lawak ng kabundukan at kapatagan ng mga Pilipinong Muslim.
B. Masasalamin dito ang mga Maranao na nakatira sa paligid ng lawa ng Lanao at napaliligiran ng anyong tubig.
C. Masasalamin dito na pangigisda ang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga Pilipinong Muslim.
D. Masasalamin dito ang kayamanang taglay at kasaganahan sa buhay ng mga taong naninirahan sa Mindanao.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4


Panuto: Piliin ang tamang hinuha ukol sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
_________1. Sinabi ni Pilandok na papaano na ang pamumuno sa kaharian.
A. Si Pilandok ay nag-aalala para sa kaharian.
B. Si Pilandok ay may galit sa kaharian
C. Si Pilandok ay walang pakiaalam sa kaharian.
D. Si Pilandok ay may balak para sa kaharian.
_________2. Nanggilalas ang sultan nang makita si Pilandok sa kanyang magarang kasuotan.
A. Ang Sultan ay natuwa kay Pilandok
B. Ang Sultan ay namangha ng makita si Pilandok
C. Ang Sultan ay natakot ng makita si Pilandok
D. Ang Sultan ay may pagmamahal kay Pilandok
_________3. “Ililihim po natin ang bagay na ito,” wika ni Pilandok sa Sultan.
A. Si Pilandok ay may sorpresa sa Sultan.
B. Si Pilandok ay may balak na masama sa Sultan
C. Si Pilandok ay may regalo sa Sultan.
D. Si Pilandok ay matapat sa Sultan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5


Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba at isulat ang iyong sagot sa loob ng lima (5) hanggang sampung (10) pangungusap sa inilaang sulatan sa ibaba
(50pts)
Tanong:
Gaano kahalaga ang isang kuwentong bayan sa lugar na pinagmulan nito? Ano ang sinasalamin nito? Sa paanong ka makatutulong upang mapalaganap
at mapanatiling buhay ang mga kuwentong bayan saating bansa? At magbigay ng hinuha kung ano ang maaaring mangyari kung mawawala ang
kuwentong bayan sa panitikan ng Pilipinas

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

2
Basahin Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay
May may pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay. Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo ay
makapagpatunay at ang ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa mga tagapakinig. Karaniwang ang mga pahayag na
ito ay dinurugtungan na rin ng datos o ebidensiya na lalo para makapagpapatunay sa katotohanan ng inilalahad.
Naririto ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay:
 May dokumentaryong ebidensiya – ang mga ebidensiyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan, o naka- video
 Kapani-paniwala – ipinakikita ng salitang ito na ang mga ebidensiya, patunay, at kalakip na datos ay kapani-paniwala at maaaring
makapagpatunay
 Taglay ang matibay na kongklusyon – isang katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba, o impormasyong totoo ang kongklusyon
 Nagpapahiwatig – hindi direktang makikita, maririnig, mahihipo ang ebidensiya subalit sa pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang
katatohanan
 Nagpapakita – salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay totoo o tunay
 Nagpapatunay/katunayan – salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinahahayag

 Pinatutunayan ng mga detalye – makikita mula sa mga detalye ang patunay sa isang pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye para
makita ang katotohanan sa pahayag.

Alam mo ba na…
Ang mga salita o katagang talagang, sadyang, totoong, tunay nga at iba pang kauri nito ay mga pahayag/salitang nagbibigay ng patunay.
Karaniwang ang mga ito ay sinasamahan ng ebidensya o batayan. Maaaring gamitin ang mga katagang gaya, kahit pa, sapagkat, kasi dahil at
iba pa.

Mga halimbawa:
1. Tunay ngang nakalulungkot ang mag-isa gaya ng naranasan ni Ina nan gang kanyang mga anak ay umalis na sa kanyang piling.
2. Talagang nakababahala ang lagay ni Ina kahit pa makalabas siyang ospital ngayon sapagkat matanda na siya.
3. Sadyang hindi maipinta ang lungkot sa mukha ni Ina sapagkat tila nakalimutan na siya ng kayang mga anak.
4. Totoong dapat nating pahalagahan ang ating magulang dahil sila ang nagbigay-buhay sa atin.

Sa pagbibigay ng patunay,karaniwang pinaikli lamang ang sagot. Pinatutunayan na lamang ang pahayag, kaya hindi na inuulit ang sinasabi
ng kausap. Gaya nito:

Nakawiwili ang aklat na ito.


A, totoo iyan | Talaga | Tunay nga

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6


A. Panuto: Isulat sa patlang ang P kung ang pahayag ay nagbibigay ng patunay at DP naman kung hindi nagsasaad ng patunay.

_______1. Unti-unting nabibigyang-pansin ang mga personalidad mula sa Mindano at bilang patunay rito, ang tatlong matataas na personalidad sa
pamahalaan (pangulo, senate president, at speaker of the house) ay pawang mga taga-Mindanao.
_______2. Ang Department of Agriculture ay maglalaan ng 30 bilyong pisong badyet para makamit ng bansa ang pagkakaroon ng sapat na bigas o
pagkain sa loob ng dalawang taon.
_______3. Pinatutunayan ng mga dokumentaryong ebidensya na ang Pilipinas ay bansang pinakalantad sa mga bagyo dahil sa kinalalagyan nito at sa
mahigit 7 libong islang lantas sa hangin at ulang dala ng bagyo.
_______4. Huwag lang sana tayong salantain ng malalakas na bagyo.
_______5. Ang pagkasira ng kapaligiran ay dahil sa epekto ng maling pagmimina ay tinututulan ng ating saligang batas. Katunayan, may tinatawag na
Writ of Kalikasan na nagsasaad ng ating karapatan para sa malusog na kapaligiran.

B. Panuto: Pumili ng isang salita mula sa iyong nabas sa “Alam mo ba na…” at bumuo ng sariling pangungusap mula rito at bigyan ng ebidensya. (10
puntos bawat bilang)
1.__________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________

3
____________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________________________.

2.__________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________________________.

Maigsing Pagsusulit
A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Pumili ng sagot mula sa kahon. Isulat ang letra ng iyong napiling sagot sa patlang
a. kapani-paniwala b. kuwentong bayan c. nagpapahiwatig d. talaga e. Hasmin
f. Farida g. pagbunot sa buhok h. ebidensya i. Pilandok j. sadya

_______1. Ito ay mga kathang-isip na kuwento o salaysay na ang mga kumakatawan ay ang mga pag-uugali at mga turo ng mga mamamayan sa isang
lipunan.
_______2. Sa kulturang Muslim, ang kanyang karakter ay sumisimbolo bilang isang manloloko o mapaglinlang.
_______3. Ang pahayag na ito ay nagpapakita ng mga ebidensiya, patunay, at kalakip na datos ay kapani-paniwala at maaaring makapagpatunay.
_______4. Siya ang batang-bata at malambing na napangasawa ng datu.
_______5. Karaniwang ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan nito upang lalo na para makapagpapatunay sa katotohanan ng inilalahad.
_______6. Ang pahayag na ito ay hindi direktang makikita, maririnig, mahihipo ang ebidensiya subalit sa pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang
katatohanan
_______7. Siya ang babaeng sintanda ng datu na kanyang ring napangasawa.
_______8. Ito ang naging dahilan ng pagkakalbo ng datu
_______9. Ito ay mga salita na ginagamit sa pagbibigay ng patunay
_______10.

B. Panuto: Isulat sa patlang ang P kung ang pahayag ay nagbibigay ng patunay at DP naman kung hindi nagsasaad ng patunay.
_______11. Umaasa ang marami na may pagbabago nga sa kani-kanilang buhay.
_______12. Maging handa tayo sa pagdating ng mga mapinsalang bagyo.
_______13. Katunayan, sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR o Philippine Area of Responsibility.
_______14. Ang mahigit labing-anim na milyong boto para kay Pangulong Duterte at patunay na nakatawag-pansin sa maraming mamamayang Pilipino
ang kanyang pangakong pagbabago.
_______15. Pinatutunayan ng ginawang pag-audit sa mga operasyon ng minahan sa bansa na may ilang minahang sumisira sa kapaligiran kaya naman
apat sa mga minahang ito ay ipinasara ng DENR.

LISTAHAN NG MARKA SA UNANG LINGGO

Mga Gawain Aytem Marka

Pre-test 50

Gawain 1 2

Gawain 2 10

Gawain 3 5

Gawain 4 3

Gawain 5 50

Gawain 6 25

Maigsing Pagsusulit 15

KABUUAN 160

You might also like