You are on page 1of 1

Maikling Pagsusulit sa Filipino 7

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik ng tamang sagot. Ilagay ang sagot sa puwang na inihanda.

_______1. Sa kuwentong "Naging Sultan si Pilandok, ano ang nagpapakita ng pagiging hindi mabuting pinuno ng sultan?
a. Nagpaparusa sa mga nagkasala.
b. Nakikinig sa kuwento ng isang dating bilanggo.
c. Nasilaw sa maraming kayamanan.
d. Iniwan ang kaharian kay Pilandok.
_______2. Ang mga kuwentong ating tinalakay ay kuwentong _____
a. Kwentong-nayon
b. Kwentong-bayan
c. Kwentong-pambansa
d. Kwentong-rehiyon
_______3. Piliin ang 2 kaugalian/tradisyon ng mga taga-Mindanao na nasalamin natin sa mga kuwentong-bayang pinag-
aralan.
a. Pag-aasawa ng mga lalaking Muslim ng higit sa isa.
b. Pag-aasawa ng matanda na
c. Hindi pagpapagupit ng mga lalaking mandirigma.
d. Pagkakaroon ng mga Sultan o Datu bilang pinuno.
_______4. Nagpahagis ang Sultan sa dagat ____nakumbinsi siya sa kuwento ni Pilandok.
a. sa katunayan
b. kaya
c. sapagkat
d. bilang patunay
_______ 5. Isang tradisyon ng mga Maranaw na mag-asawa ng matanda na ang mga Datu. Wasto o Mali.
a. Wasto
b. Mali
  _______ 6. Ang mga salitang kasi, sapagkat, dahil, ay mga salitang ginagamit sa pagpapahayag ng
a. hinuha
b. patunay
c. sanhi
d. bunga
_______7. Ano ang masasalamin mula sa tagpuang binanggit at inilarawan sa kuwentong bayan na “Naging Sultan si
Pilandok”?
a. Ang lawak ng kabundukan at kapatagan ng mga Pilipinong Muslim
b. Ang mga Maranao na nakatira sa paligid ng lawa ng Lanao at napaliligiran ng anyong tubig
c. Ang kayamanang taglay at kasaganahan sa buhay ng mga taong naninirahan sa Mindanao.
d. Pangingisda ang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga Pilipinong Muslim.
_______8. Ang mga pahayag sa pagbibigay ng patunay ay ginagamit sa paglalahad ng_________
a. dahilan
b. bunga
c. ebidensya
d. hinuha
_______9. Ano ang masasalamin sa isang kuwentong-bayan?
a. Tradisyon
b. paniniwala
c. kultura ng isang lugar
d. lahat ng nabanggit
_______10. Nanggilalas ang sultan nang makita si Pilandok sa kanyang magarang kasuotan. Ano ang kasingkahulugan ng
salitang may salungguhit.
a. nagulat
b. nakatali
c. nahullog
d. nautal

You might also like