You are on page 1of 2

SANTIAGO NATIONAL HIGH SCHOOL

Ikatlong Markahang Pagsusulit


Filipino 10- SY 2022-2023

Pangalan: ___________________________________Seksiyon: ____________ Iskor: _________


Panuto: Basahin at unawain ang bawat teksto. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying-dagat ng Kenya. Nagtagumpay siya sa pananakop ng Trono
ng Pate na unang napunta sa kanyang pinsang si Haring Ahmad na kauna-unahang namuno sa Islam. Ang pagbabago ay
naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan
sa pagsalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Liongo ng
isang papuri. Habang ang parirala (refrain) nito ay inawit ng mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa
tanikala na hindi nakita ng bantay. Nakatakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa
kagubatan. Nagsanay siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala ay pakana ng hari upang siya ay muling madakip ngunit muli
na naman siyang nakatakas. Naging bayani si Liongo sa digmaan laban sa Gala (Wagala) kaya naibigay ng hari ang
kanyang anak na dalaga upang mapabilang sa kanyang pamilya si Liongo. Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang
lalaki na nagtraydor at pumatay sa kanya.

_____1. Batay sa binasang akda, anong tema ang nangingibabaw dito?


a. katangian at kahinaan ng tauhan c. mga paniniwalang panrelihiyon
b. mga aral sa buhay d. pinagmulan ng buhay sa daigdig
_____ 2.Sa iyong sariling palagay, alin sa mga sumusunod na pangyayari ang suliranin sa akdang binasa?
a. Nakatakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan
b. Nais ni Haring ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito
c. Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki
d. Naging bayani si Liongo sa digmaan laban sa Gala (Wagala)
_____3. Alin sa mga katangiang ang ipinakita ni Liongo batay sa kaniyang mga desisyon sa buhay?
a. maalalahanin b. mapagkumbaba c. mahinahon d. malakas ang loob
_____4. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng gahaman o mapusok sa kapangyarihan ng
kaharian?
a. Naibigay ng hari ang kanyang anak na dalaga upang mapabilang sa kanyang pamilya si Liongo.
b. Nais ni harang Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito.
c. Nakatakas siya at naninirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan.
d. Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa kanya.
______5. Batay sa akda, alin sa mga pagpipiliang salita ang nangangahulugang pamamahala ng mga
kalalakihan sa pagsasalin ng trono?
a. Matrillenear b. Refrain c. Patrillenear d. Pate
______ 6. Naging bayani si Liongo sa digmaan laban sa Gala, ano ang salitang pinagmulan ng salitang Gala?
a. Wagala b. Waala c.Wagla d. Walagwa
______7. Habang ang parirala nito ay inawit ng mga nasa labas ng bilangguan. Paano nabuo ang salitang
bilangguan?
a. Bilanggo+an b. bi+lang+guan c. bilang+guan d. bi+langgo+an
______8. Si Haring Ahmad na kinikilalang kauna-unahang namuno sa Islam, ano ang salitang ugat ng salitang
may salungguhit?
a. unahan b. una c. kauna d. kaunahan

1.“Oo, sinabi ko sa aking magulang ang tungkol sa amin ng Tatang, kinagalitan ako at pinagbantaan na kung ako’y
maagang mag-aasawa akoy kanilang papatayin.”
2. “Kung gayo’y, bakit mo naging asawa si Tatang”, tanong ni Irene.
3.“Sapagkat…. Ang pag-ibig ay isang sintigas ng bato, di nadudurog sa hampas ng alon, di natitinag sa kinalalagayan,
mamatay, mabuhay, laging sariwa….” Sabi ng nanay.
4. “Kaya pala lagi nang kakaba-kaba ang aking dibdib simula nang makilala ko si Daniel na bumibili ng paninda kong
Sampaguita,” ang sabi ni Irene.
5“Umiibig ka na?”.At ngayon ay iiwan mo kami dahil sa lalaking yan?” ang sabi ng ina at napaiyak.
“hindi po, inang…hindi po ako umiibig….” Iyon na ang huling nasabi ni Irene sa kanyang ina.
6. Pagkaraan ng ilang araw, nawala ang dalaginding. Sumama rin sa lalaking “itinulak ng bibig, kabig ng dibdib“.
7. “Sadyang makapangyarihan ang pag-ibig, Pagpalain nawa sila, Diyos”.. ito ang nasabi ng butihing ina.

_____9. Surin sa mga sumusunod na pangyayari sa lipunan na masasalamin sa binasang kuwento?


a. Pagbabarkada c. Maagang pag-aasawa ng mga kabataan
b. Kahirapan d. Broken Family
_____10. “ Pagkaraan ng ilang araw, nawala ang dalaginding “ Ano ang iyong mahihinuha sa kaganapan ng pangyayari?
a. nagpatiwakal ang dalagiding b. nagtanan c. nakidnap ng puting van d. nagbakasyon
_____11. Piliin ang tumpak na salita ang hindi kaugnay sa salitang dalaginding?
a. dalaga b. dalagita c. neneng d. tiyang
_____12. Anong salita ang maaaring maiugnay sa pahayag na kabig ng dibdib?
a. Iniibig b. mortal na kaaway c. matalik na kaibigan d. kamag-anak
_____13.” Di- natitinag sa kinalalagyan” Anong salita ang iyong mabubuo na nagpapakita ng
kaugnayan ng salitang may salungguhit?
a. di-maiaalis b. di-malilimutan c. di-maipapakita d. di-maipadadama
____ 14. “Ang pag-ibig ay isang damdaming sintigas ng bato ay di nadudurog sa hampas ng alon, di natitinag
sa kinalalagyan, mamatay, mabuhay, laging sariwa”, ano isinasaad ng pahayag na ito?
a. Ang pag-ibig ay nagdudulot ng kayamanan para sa lahat.
b. Ang pag-ibig ay isang magnanakaw na di mo man namalayan ang pagdating.
c. Ang pag-ibig ay nagbibigay kulay sa lahat ng nasaktan.
d. Ang pag-ibig ay makapangyarihang damdamin na mahirap pigilin.
____15. Bilang isa sa mga kabataan, anong impresyon ang iyong mabubuo sa akdang binasa?
a. Ang magulang ay laging kumukontra sa iniibig ng anak.
b. Higit na mas mabuting huwag magpadalos-dalos sa bugso ng damdamin.
c. Karapatan ng anak na sundin ang gusto kahit na ayaw ng magulang.
d. Ang pag-ibig kung nandiyan na ay huwag ng paghintayin.
Para sa Bilang
Ayaw ni Okonkwo sa mahihina. Sa ganoong paraan niya pilit iwinawaksi ang tumatak na pagkatao ng kaniyang amang si
Unoka sa kanilang pamayanan. Tamad, baon sa utang, mahina at walang kwenta sapagkat ni isang laban ay walang
naipanalo ang kaniyang ama. Mag-isang hinubog ni Okonkwo ang kaniyang kapalaran. Nagsumikap maiangat ang buhay,
ang magkaroon ng maraming ari-arian sapat na upang magkaroon ng tatlong asawa, titulo sa mga laban at higit sa lahat,
pagkilala mula sa katribo.
_____16. Ipinakita ni Okonkwo ang katatagan ng kaniyang sarili, kalayaan ng pag-iisip at nakakakilos, ano ang
teoryang pampanitikan ang angkop dito?
a. Sikolohikal b. Feminismo c. Humanismo d. Romantisismo
_____17. Alin sa mga pahayag ang nag-udyok kay Okonkwo upang maiangat ang pagkatao?
a. ayaw niyang magpatulad sa ama c. gustong magkaroon ng tatlong asawa
b. nais niyang kilalanin ng mga katribo d. maging matapang na mandirigma
_____18. Nagsumikap maiangat ang buhay, at magkaroon ng maraming ari-arian sapat na upang magkaroon
ng tatlong asawa, anong salita ang maaaring maiugnay sa salitang ari-arian?
a. alahas b. kayamanan c. sandata d. tribo
_____19. Batay sa binasang talata anong salita ang hindi napabilang ayon sa pangyayari na nadaanan ni
Okonkwo?
a. labanan b. digmaan c. sigalot d. katribo
_____20. Aling pang-ugnay ang angkop na bubuo sa diwa ng pahayag, “Walang kuwenta ____ ni isang laban
ay walang naipanalo ang ama”.
a. upang b. sapagkat c. ngunit d. pero
_____21. Ang magkaroon ng maraming ari-arian sapat na upang magkaroon ng tatlong asawa. Alin sa mga pang-
Angkop ang ginamit sa salitang may salungguhit?
a. ng b. na c. g d. at

Ang Alaga ni Barbara Kimenye


_____22. “Ang Alaga” ay isang ______a. maikling kuwento b.nobela c. dula d. epiko
_____23. Anong klaseng dokumento ang nagkalat sa mesa ng kawaning pumalit ni
Kibuka a. kompidensyal b. papeles c. sertipiko d. tseke
_____24. Ang matalik na kaibigan ni Kibuka a. Musisi b. Yosefu c. Miriamu d. Nathaniel
_____25. Anong klaseng kawani si Kibuka?
a. napakasinop b. mapagkakatiwalaan c.matanda d. nanininwala

You might also like