You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Laguna
District of Santa Cruz
Vicenta S. David National High School
Satellite Campus of Santa Cruz Integrated National High School Iskor:
Gatid, Santa Cruz Laguna

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7 Parent’s Signature

A. Panuto: Tukuyin kung ano ang katangian ng tauhan o kaya’y ang damdaming namayani sa bawat pahayag. Piliin
ang titik ng tamang sagot.
1. “Nakakahiya, ngunit totoong ang ating panahon ay henerasyon na ng panggagaya, panghuhuwad, panloloko, krimen,
pagsasamantala...”
A. pagkadismaya B. panghihinayang C. pagkainggit D. paghanga
2. “Tuwing mangingibang-bansa ka’y nagiging hungkag at tuyot ang buhay naming mag-iina. Kailangan nating
subaybayan ang mga bata sa kanilang paglaki.”
A. pag-aalala B.pagkadismaya C. pagmamahal D. pangungulila
3. “Hindi ko naman inaasahang maging Rizal ka, o Bonifacio, o Magsaysay ka; ngunit isipin mong maliit mang kandila’y
nakapagbibigay rin ng liwanag. Anak, nangangapa na ang marami sa lumalaganap na kadiliman!”
A. pagpapaalala B. pagkainis C. pagmamalaki D. pagyayabang
4. “Sa harap ng mga kasalukuyang pangyayari, hindi ko maubos-isipin kung paano ‘muling dadakila’ ang Pilipinas”
A. maawain sa sarili B. mapagmalaki C. nawawalan ng pag-asa D. mapagmahal
5. “Hindi ko na masikmura ang mga kabuluka’t katiwaliang aking nakikita, nadarama, nababasa. Sayang at hindi ako
naging nobelista o mandudula, kung nagkatao’y baka isang Noli na rin o isang Kahapon, Ngayon at Bukas ang masusulat
ko.”
A. natatakot B. nadidismaya C. nalulungkot D. nagbabanta
B. Panuto. Bigyang hinuha ang pangyayari sa kwento (Reynang Matapat). Sagutin nang buong husay ang mga
sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Reynang Matapat(Maikling Kuwento ng Mindanao)


Si Reyna Sima ay isa sa mga reyna na namuno ng isang kaharian sa ating kapuluan. Nakilala siya dahil sa
katalinuhan, katapatan at sa mahigpit at maayos na pamamalakad sa panunungkulan. Bago pa man dumating ang mga
Kastila sa ating kapuluan ay pinagdarayo na ng mga mangangalakal na Arabe, Intsik at Hindu ang kaharian ng Kutang-
Bato na pinamumunuan ni Reyna Sima. Ang Kutang-Bato ay siya ngayong Cotabato, isa sa pinakamalaking lalawigan sa
Mindanao. Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang tahimik at sagana ang mga taga Kutang-Bato.
Mahigpit niyang ipinasunod ang mga batas at ang sinumang lumalabag sa ipinag-uutos ng Reyna ay pinarurusahan.
Kabilang sa patakaran na mahigpit na ipinatutupad ng reyna ay ang paggalang, paggawa, at katapatan ng kanyang mga
tauhan. Patuloy na dumarating at umaalis ang mga negosyanteng Intsik sa Kaharian ng Kutang-Bato. Napabalita ito dahil
sa maunlad na kalakalan sa kaharian ni Reyna Sima at sa katapatan ng kanyang mga tauhan. Walang kaguluhan at
walang nawawalang bagay sa sinumang mangangalakal habang sila ay nasa kaharian ng Kutang-Bato. Minsan, isang
negosyanteng Intsik na nakipagkalakalan sa kaharian ni Reyna Sima ang nakaiwan ng supot ng ginto sa isang mesa sa
palasyo. Hindi ipinakibo ni Reyna Sima ang supot ng ginto sa mesa. Ipinagbiling mahigpit ng Reyna Sima sa kanyang mga
nasasakupan na walang gagalaw ng naturang supot ng ginto. Ganito kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa kanyang
nasasakupan upang sa ganito ay muling datnan ng may-ari sa lugar na kanyang pinag-iwanan ang supot ng ginto. Mula
noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa pagpapatupad ng kautusan tungkol sa
katapatan.
6.Ano ang naging kalagayan ng pamumuhay ng mga tao sa palasyo ni Reyna Sima?
A. naging maunlad B. naging masagana C. naging tahimik D. Lahat ng nabanggit.
7. Bakit mahigpit na ipinagbilin ni Reyna Sima na huwag gagalawin ang naiwang supot na ginto?
A. Upang hindi mawala C. Upang kanyang kunin
B.Upang dantnan muli ng may-ari kung saan naiwan D. Wala sa nabanggit
8. Ano ang naging hanapbuhay ng mga dayuhang Intsik sa Kaharian ng Kutang-Bato?
A. pagsasaka B. pangingisda C. pangangalakal D. wala sa nabanggit
9. Sino –sino ang mga nangangalakal sa Kaharian ng Kutang-Bato bago pa dumating ang mga Kastila?
A. Arabe B. Hindu C. Intsik D. Lahat ng nabanggit
10. Ano ang kasalukukuyang pangalan ng Kutang-Bato na isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao?
A. Cotabato B. Sultan Kudarat C. Sulu D. Surigao
II. (PAG-UNAWA SA BINASA) Panuto: Piliin sa hanay B ang elemento ng maikling kuwento ng mga piling pangyayari sa
kwento sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot maaring mag-ulit.
______11. Si Reyna Sima ay isa sa mga reyna na namuno A. TAUHAN
ng isang kaharian sa ating kapuluan.
_____12. Ang Kutang-Bato ay siya ngayong Cotabato, isa B. TAGPUAN
sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao.
sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay
nang tahimik at sagana ang mga taga Kutang-Bato
_____13. Minsan, isang negosyanteng Intsik na C. BANGHAY
nakipagkalakalan sa kaharian ni Reyna Sima ang
nakaiwan ng supot ng ginto sa isang mesa sa palasyo.
Hindi ipinakibo ni Reyna Sima ang supot ng ginto sa mesa
_____14. Mahigpit niyang ipinasunod ang mga batas at D. MENSAHE
ang sinumang lumalabag sa ipinag-uutos ng Reyna
ay pinarurusahan.
_____15. Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni
Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa pagpapatupad
ng kautusan tungkol sa katapatan.
B. Panuto: Ibigay ang bunga ng mga sumusunod na sanhi sa pangungusap mula sa maikling kuwentong “ Naging
Sultan si Pilandok. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
Hango sa kwentong “Naging Sultan si Pilandok”
Si Pilandok ay nahatulang makulong sa hawlang bakal at ipatapon sa dagat. Nagkasala di umano sa kasalanang di
nya ginawa. Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan ng kanilang lugar ay nagulat nang makita si Pilandok. Ang Sultan ay
magara ang suot. Nakasukbit pa ang gintong tabak nito. "Hindi ba't ipinatapon na kita sa dagat?", saad ng nagtatakang
Sultan. "Opo mahal na Sultan" tugon naman ni Pilandok. "Kung gayon, paanong nangyari na ikaw ay nasa aking harapan?
Dapat ay patay ka na ngayon" saad naman ng Sultan. Ipinaliwanag ni Pilandok na di sya namatay sapagkat nakita nya di
umano ang mga ninuno sa ilalim nang dagat at siya ay binigyan ng kayamanan. "Marahil ay nasisiraan ka na ng bait" saad
muli ng Sultan. "Kasinungalingan po iyan Mahal na Sultan! Ako na ikinulong sa hawla at ipinatapon sa dagat ay muling
naririto. May kaharian po sa ilalim ng dagat ngunit ang tanging pagpunta roon ay ang pagkulong sa hawla at magpatapon
sa gitna ng dagat" mariing saad ni Pilandok. Nagpasyang umalis na si Pilandok at sinabing hinihintay na ng mga kamag-
anak. Ngunit di pa nakakalayo ay pinigilan ito ng Sultan. Sinabing gusto rin nitong magtungo sa gitna ng dagat upang
makita ang mga ninuno. Pumayag naman si Pilandok at napagkasunduan nila ng Sultan na sya na muna ang mamumuno
habang wala ito. Pagdating nila sa gitna ng dagat ay inihagis ni Pilandok sa gitna nang dagat ang Sultan na nasa loob ng
hawla. Kaagad na lumubog ang hawla at namatay ang Sultan.Mula noon, si Pilandok na ang naging Sultan.
16. Hindi namatay si Pilandok sapagkat ____________________________________.
A. siya ay may kapangyarihan C. hindi kasi siya talaga lumubog
B. nakita niya ang kanyang mga ninuno D. wala sa nabanggit
17. Ikinulong si Pilandok sa hawla at ipinatapon sa dagat dahil __________________________.
A. nagkasala sa di niya ginawa C.ginusto niyang makulong
B. pinilit siya ng Sultan D. wala sa nabanggit
18. Nagpasyang umalis si Pilandok sapagkat ___________________________________.
A. hinahintay siya ng Sultan C. hinihintay na siya ng kanyang kamag-anak
B.ipapakulong muli siya ng Sultan. D. wala sa nabanggit
19. Hindi pa nakakalayo si Pilandok ay pinigilan siya ng Sultan dahil _______________________.
A. gusto nitong manatili si Pilandok c. gusto niyang makita ang kanyang ninuno
B. gusto niyang manghuli ng isda D. wala sa nabanggit
20. Naging Sultan si Pilandok sapagkat ______________________________.
A. Ibinoto siya ng tao C. pangarap niya ito.
B. namatay na ang sultan ng ihagis sa dagat D. wala sa nabanggit
III. (Paglinang sa Talasalitaan) Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan / kasalungat ng salitang may salungguhit. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
21. Lumalabas ang mag-asawa tuwing takipsilim upang mangaso. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit
sa pangungusap?
A. hatinggabi B. katanghaliang tapat C. madaling-araw D. papalubog na ang araw
22. Kitang-kita sa kanya ng pagiging tuso. Ano ang kasalungat ng salitang tuso?
A. mabuti B. sukab C. taksil D. traydor
23. Halos lumiyad ang dibdib ni Kulasang Uwak sa mga papuring narinig niya sa aso. Ano ang kahulugan ng payahag na
may salungguhit?
A. lumaki ang ulo B. nagmamagaling` C. nagmamalaki D. nasisiyahan
24. Napalaya na ang bilanggong pulitikal kaya makakaabante na muli ang rebolusyong baguhin ang sistema ng
gobyerno.” Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit?
A. makakasulong B. makakaurong C. makakatigil D. Wala sa nabanggit
25. Lubos siyang nagagalak sa piling ng kanyang sinta samakatuwid ay tama ang taong kanyang pinili.” Ano ang
kahulugan ng salitang nagalak.
A. nalungkot B. nalungkot C. natuwa D. Wala sa nabanggit
IV. Panuto: Punan ng wastong pang-ugnay ang mga pangungusap upang mabuo ang diwa nito. Isulat ang (dahil sa,
sapagkat, palibhasa, kasi, naging, kaya bunga nito) sa sagutang papel.
26. Nag-aaral ako nang mabuti ______________ kinakailangan kong ipasa ang lagumang pagsusulit sa Biyernes.
27. Patong-patong na interes sa utang, ______________ gahamang mga kapitalista ang sinapit ng negosyo ni Lofel.
28. _____________’y mayaman kaya wala pakialam si Russel sa nasasayang niyang tuition fee sa tuwing liliban siya sa
klase.
29. Masarap magluto si Anna, ___________’y laki sa pamilya ng mga chef.
30. “Hindi na ako makapapasok next semester _____________mahina ang kita ni Tatay ngayon”, ani Karla.
B. Panuto: Kilalanin ang salita o mga ekspresyong nagsasaad ng posibilidad sa bawat bilang. Salungguhitan ang iyong
kasagutan.
31. Maaari nga kayang maglaho o maubos na ang mga lahi ng hayop na ginagamit na tauhan sa pabula?
32. Sa tingin mo, makakikita pa ba ng panibagong pagkain si Kulasang Uwak matapos makuha ni Aso ang kanyang
tangay-tangay na pagkain?
33. Siguro’y dapat nag-iisip muna nang mabuti ang isang tao bago magpasya sa isang desisyon.
34. Sa palagay ko’y mas makatutulong kung hindi mo agad huhusgahan ang iyong kapuwa.
35. Puwede kayang mas unahin natin pahalagahan ang kapakanan ng iba bago isipin ang ating sarili?
C. Panuto: Kilalanin at isulat sa patlang ang P kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay. Lagyan naman ng DP
kung hindi ito nagpapatunay.
_____36. Pinatutunayan ng mga dokumentaryong ebidensya na ang Pilipinas ay bansang pinakalantad sa mga bagyo.
Dahil sa kinalalagyan nito ay sa mahigit pitong libong islang lantad sa hangin at ulang dala ng mga bagyo.
_____37. Katunayan, sa bawat taon ay may 8-9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR o Philippine Area of
Responsibility.
_____38. Malungkot makita na ang ilan natingmga kababayan ay nawawalan ng mga mahal sa buhay at ari-arian.
_____39. Pinatutunayan ng datos mula sa National Economic and Development Authority na kakailanganin natin ng 361
bilyong piso para sa muling pagbangon ng mga lugar na labis na nasalanta ng bagyong Yolanda.
_____40. Kaya naman, magkaisa at magtulungan tayong lahat para sa ikabubuti ng lahat ng mga Pilipino lalo na ang mga
nasalanta.
V. Panuto: Ang mga sumusunod na pangungusap ay magkakaugnay at tumutukoy sa iisang paksa. Basahin at
unawaing mabuti ang mga ito at isulat ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng kaisipan. Isulat ang letrang A, B, C, D,
E.
_____41. Maingat din ako sa aking pananalita lalo na kapag ako’y nangangatwiran sapagkat ayaw kong makasakit ng
damdamin ng aking kapwa.
_____42. Sa kasalukuyan, nililimi kong mabuti ang maaaring mangyari bago ako magpasya.
_____43. Anupa’t malaki ang pagbabagong naganap sa aking katauhan.
_____44. Noong ako’y bata pa, nagsasalita ako, nag-iisip at nangangatwirang tulad ng bata.
_____45. Ngayong ako’y mayroon nang sapat na gulang, iniwan ko na ang asal bata.

VI.46-50. Panuto:Ibigay ang sariling opinyon batay sa paksang:“Angkop bang gamitin ang mga hayop bilang tauhan sa
akdang pampanitikan tulad ng pabula?” Gumamit ng mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad.

Prepared by: Mischelle V. Papa


Teacher Reviewed by: John Edward B. San Juan
Teacher in Charge

Approved by: Gerardo M. Andal


OIC-Asst. Principal II
SUSI SA PAGWAWASTO
UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT
FILIPINO 7

1. A 26. sapagkat
2. A 27. dahil sa
3. A 28. palibhasa
4. C 29. palibhasa
5. B 30. kasi
6. D 31. Maaari
7. B 32. Sa tingin mo
8. C 33. Siguro
9. D 34. Sa palagay ko
10. A 35. Puwede
11. A 36. P
12. B 37. P
13. C 38. PD
14. C 39. P
15. D 40. DP
16. C 41. D
17. A 42. E
18. C 43. B
19. C 44. A
20. B 45. C
21. D 46. IBASE ANG MARKA SA PAMANTAYAN
22. A 47.
23. B 48.
24. B 49.
25. C 50.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Laguna
District of Santa Cruz
Vicenta S. David National High School
Satellite Campus of Santa Cruz Integrated National High School
Gatid, Santa Cruz Laguna
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Unang Panahunang Pagsusulit sa Filipino 7
LAYUNIN BILANG BAHAGDAN BILANG NG KINALALAG KOGNITIB LEBEL NG
NG NG BILANG AYTEM YAN NG NA KAHIRAPAN
ARAW NG AYTEM AYTEM KASANAYAN
F7PN-Id-e-3 3 11 5 1-5 Pagsusuri Mataas
Nakikilala ang katangian ng
mga tauhan batay sa tono at
paraan ng kanilang pananalita
F7PN-Id-e-3 3 11 5 6-10 Pag-unawa Madali
Nahihinuha ang kalalabasan ng
mga pangyayari batay sa
akdang napakinggan
F7PB-If-g-4 2 7 5 11-15 Pag-unawa Madali
Naiisa-isa ang mga elemento ng
maikling kuwento mula sa
Mindanao
F7PB-Id-e-3 3 11 5 16-20 Pag-unawa Madali
Natutukoy ang sanhi at bunga
ng mga pangyayari
F7PT-Ia-b-1 2 7 5 21-25 Pag-unawa Madali
Naibibigay ang kasingkahulugan
at kasalungat na kahulugan ng
salita ayon sa gamit sa
pangungusap
F7WG-Id-e-3 3 11 5 26-30 Paggamit Mataas
Nagagamit nang wasto ang mga
pang-ugnay na ginagamit sa
pagbibigay ng sanhi at bunga ng
mga pangyayari (sapagkat,
dahil, kasi, at iba pa)
F7WG-I-cd-2 2 7 5 31-35 Pagsusuri Mataas
Nagagamit ang mga
ekspresyong naghahayag ng
posibilidad (maaari, baka, at iba
pa)
F7WG-Ia-b-1 3 11 5 36-40 Pag-unawa Madali
Nagagamit nang wasto ang mga
pahayag sa pagbibigay ng mga
patunay.
F F7PS-Id-e-4 3 11 5 41-45 Pagsusuri Mataas
Naisasalaysay nang maayos at
wasto ang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari
F7PU-Ic-d-2 3 11 5 46-50 Pagbuo Mahirap
Naipahahayag nang pasulat ang
damdamin at saloobin tungkol
sa paggamit ng mga hayop
bilang mga tauhang nagsasalita
at kumikilos na parang tao o
vice versa
KABUUAN 27 100 50 50
Prepared by: Mischelle V. Papa Reviewed by: John Edward B. San Juan Approved by: Gerardo M. Andal
Teacher Teacher in Charge OIC- Asst. Principal II

You might also like