You are on page 1of 1

May dalawang uri ng kaantasan ang paghahambing:

1. Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang


dalawang ihinahambing ay may patas na katangian.

Hal. Pareho silang maganda.


Magkasing puti ang blouse na iyon.

2. Paghahambing na di-magkatulad - ginagamit ito kung ang


pinaghahambing ay maymagkaibang katangian. May dalawa
itong uri:

a.Pasahol- kung ang hinahambing ay mas maliit.

Hal. Di-gaanong mabigat ang bag ko ngayon kaysa kahapon.


Hindi ko lubhang naintindihan ang turo ng bago nating titser.

b.Palamang- kung ang hinahambing ay mas malaki o naka hihigit


sa pinaghahambingan,gumagamit ito ng mga salitang higit, labis
at di-hamak.

Hal. Labis ang saya ang naramdaman ni Ana noong nakita niya
ang tatay niya.
Di-hamak na mas maganda ang proyekto ni Ana kay Lito.

You might also like