You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON 5 - BICOL
SANGAY NG CATANDUANES
VIRAC, CATANDUANES

FILIPINO 7 - KWARTER 4
GAWAING PAGKATUTO BILANG 3
Paglalahad ng solusyon sa suliraning natagpuan sa akda

Pangalan: ________________________________________________________________
Antas/Baitang: _______________________________________Petsa: ________________

I. PANIMULANG KONSEPTO
Sa ating pang araw-araw pamumuhay ay hindi maiiwasan magkaroon
ng mga suliranin, bagama’t ang bawat suliranin ay mayroong katumbas na
solusyon. Tulad na lamang ng akdang Ibong Adarna, makatatagpo tayo ng
napakarami at posibleng dahilan ng isang suliranin. Alamin at tukuyin ang
mga suliranin at magiging solusyon na nararapat para rito. Basahin ang buod
ng akdang Ibong Adarna at unawain ang kuwento.
Narito ang kahulugan ng suliranin at solusyon na maaaring makatulong
saiyo upang matukoy ang mga ito sa babasahing akda.

SULIRANIN AT SOLUSYON

Suliranin – mga problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kwento.


Ito ang nagbibigay daan upang magkaroon ng kulay at kawili-wili ang mga
pangyayari sa kwento. Dito makikita kung paano kakaharapin ng mga
tauhan ang paglutas sa suliraning kinakaharap.

Solusyon – ay mga kasagutan o mga paraang isinagawa upang


malutas ang mga suliranin na kinakaharap ng isang tao.

Buod ng Ibong Adarna

Nagkaroon ng malalang sakit ang hari ng Berbanya na si Don Fernando dahil


sa isang masamang panaginip.

1
Nakita niya sa kaniyang
panaginip na pinaslang ng
dalawang buhong ang bunso niyang
anak na si Don Pedro at
pagkatapos ay inihulog ito sa balon.

Ayon sa isang medikong


paham, tanging ang awit lamang ng
Ibong Adarna ang
makakapagpagaling ng
karamdaman ng hari.

Inutusan ng hari ang


panganay na anak na si Don Pedro
na magtungo sa bundok Tabor at
hanapin ang puno ng Piedras Platas
dahil dito dumadapo ang Ibong Adarna. Nabigo itong mahuli ang Ibong Adarna dahil
naging bato ito nang mapatakan ng dumi ng ibon.

Sunod na inutusan ng hari si Don Diego ngunit nabigo rin ito. Natulad lamang
siya sa sinapit ng panganay na kapatid.

Huling inutusan ni Haring Fernando ang paborito niyang anak na si Don Juan.
Sa kaniyang paglalakbay ay tinulungan siya ng isang matandang ermitanyo kaya
nailigtas niya ang kaniyang mga kapatid na naging bato.

Nang pabalik na sa Berbanya ay pinagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego


si Don Juan. Binugbog nila ito at iniwang nakahandusay sa daan habang sila ay
umuwi sa kaharian dala ang ibong Adarna.

Muling tinulungan ng ermitanyo si Don Juan kaya ito nakabalik sa Berbanya.

Nagalit si Don Fernando nang malaman ang pagtataksil nina Don Pedro at
Don Diego. Napatawad naman ito ng hari dahil inihingi ito ng tawad ni Don Juan.

Dahil sa anking ganda ay nawili ang hari sa ibon. Sa takot na mawala ang
ibon ay inutusan niya ang tatlong anak na magbantay. Nakatulog si Don Juan
habang nagbabantay sa ibon at pinakawalan ng dalawang magkapatid ang Ibong
Adarna.

Dahil sa takot na baka maparusahan ng ama ay tumakas ito at naglakbay


hanggang sa makarating sa Armenya upang doon manirahan. Doon ay sinundan
naman siya ng kaniyang mga kapatid.

May natuklasan sila doon na mahiwagang balon. Lahat sila ay nagtangkang


bumaba ngunit si Don Juan lang ang nakapagpatuloy hanggang sa pinakailalim na

2
bahagi. Nang maabot ang kailalimang bahagi ay natuklasan niya ang isang lugar na
malaparaiso sa ganda.

Nakilala niya doon sina Donya Juana at Prinsesa Leonora. Natalo niya ang
mga tagapag-bantay ng mga prinsesa katulad ng higante at serpyente na may
pitong ulo. Inilabas niya ang mga ito sa balon ngunit biglang naalala ni Prinsesa
Leonora ang naiwang singsing.

Muling bumalik si Don Juan sa balon upang kuhanin ang singsing. Nang
makarating sa baba ng balon ay pinutol ni Don Pedro ang lubid.

Inutusan ni Prinsesa Leonora ang kaniyang alagang lobo upang iligtas si Don
Juan.

Nang makaligtas at gumaling ang kanyang mga sugat ay muling nagkita si


Don Juan at ang Ibong Adarna. Inutusan ng ibon na pumunta ang prinsipe sa Reyno
delos Cristales.

Ginabayan siya ng mga ermitanyo at inihatid siya ng isang olikornyo papunta


sa reyno. Inabot siya ng isang buwan sa paglalakbay bago tuluyang makarating sa
banyo na paliguan ni Maria Blanca, isa sa mga prinsesa ng Reyno delos Cristales na
anak ng tusong hari na si Salermo.

Doon ay humarap siya sa iba’t-ibang pagsubok ni Haring Salermo upang


payagan na mapasakanya ang anak na si Maria Blanca. Sa huling pagkakataon ay
naisahan ng hari si Don Juan.

Nalaman ni Maria Blanca ang plano ng ama kaya tumakas siya kasama si
Don Juan. Dahil sa galit ay isinumpa ni Haring Salermo na makakalimot si Don Juan
at pagtataksilan si Maria Blanca.

Nang makabalik sa kaharian ng Berbanya ay nakalimot nga si Don Juan at


inibig si Prinsesa Leonora. Hindi ito matanggap ni Maria Blanca kung kaya’t
nagpanggap siya bilang emperatris na panauhin sa kasal nina Don Juan at Prinsesa
Leonora.

Gumawa ito ng paraan upang ipaalala sa prinsipe ang mga pagsubok na


napagdaan at ang pag-iibigan nilang dalawa ngunit nanatiling tapat si Don Juan kay
Prinsesa Leonora.

Paglaon ay muling bumalik ang alaala ni Don Juan at humingi ng tawad.


Nangako ito na hindi na muli magtataksil.

Ipinamana kay Don Diego at Prinsesa Leonora ang kaharian ng Berbanya


samantalang si Don Juan at Maria Blanca naman ang namuno sa Reyno delos
Cristales

3
II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

1. Nagmumungkahi ng angkop na solusyon sa mga suliraning narinig


mula sa akda. (F7PN-IVc-d-19)
2. Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga
suliraning panlipunan na dapat mabigyan ng solusyon.
(F7PB-IVc-d-21)

III. GAWAIN

Gawain 1

Panuto: Tukuyin ang mga suliraning matatagpuan sa binasang buod ng


Ibong Adarna. Bawat suliranin ay bibigyan ng katumbas na solusyon mula
sa iyong sariling hinuha. Ang bawat suliranin ay mayroong katumbas na
dawalang puntos gayundin ang solusyon. Gawin ito tulad ng binigay sa
ibabang halimbawa.

Halimbawa:

SULIRANIN MULA SA IBONG


SOLUSYON (2 puntos)
ADARNA (2 puntos)
1. Pagkakaroon ng malubhang sakit ni 1. Paglalakbay sa kagubatan upang
Haring Fernando. hanapin ang lunas dito,

Gawain 2

Panuto: Tukuyin ang mga suliraning kinakaharap ng ating lipunan sa


panahong ito. Tulad ng naunang ginawa, magbibigay rin ng inyong sariling
hinuhang solusyon sa inyong nailahad na solusyon.

SULIRANIN PANLIPUNAN SOLUSYON (2 puntos)


1. Pagdami ng bilang ng tinatamaan ng 1. Pagsunod sa mga safety protocols na
Covid. ipinatutupad.

Gawain 3 – POSTER MAKING

4
Panuto: Iguhit kung anong mensahe ang nais na ipahatid ng iyong binasang
buod ng Ibong Adarna lalong-lalo na sa nangyari sa pagitan ng magkakapatid
na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.

PAMANTAYAN PUNTOS
Orihinalidad ng iginuhit. 5
Pagkamalikhain. 5
Nilalaman o mensahe ng iginuhit. 5
KABUUAN 15

IV. SANGGUNIAN

https://noypi.com.ph/ibong-adarna-buod-ng-buong-kwento/
https://www.pngitem.com/middle/hmhmihR_transparent-ibong-adarna-png-png-
download/

Inihanda ni:

AGNES H. SAMBAJON
Guro I
Bagamanoc RDHS

You might also like