You are on page 1of 25

Filipino

Narra 8

Maikling
Kuwento
Presented by : Deann Kenneth R. Calamba
Aliana Murphy C. Doloque
Hello, classmates!
We are the Woops!
Keri! Woops!

Filipino I Narra 8
Meet the Woops! Keri!
Woops!

Deann Aliana
Group Leader Resource Collector
Researcher Summarizer
Maikling Kuwento
•Ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning
magsalaysay ng mga pangyayari at mag iwan ng kakintalan. Sinasabing ito ay
bunga ng malawak na ima- hinasyon na maaaring hinango sa isang tunay na
pangyayari. Ito ay nagtataglay ng isang pangunahing tauhan na may suliranin,
may tagpuan at banghay.

•Karaniwang natatapos basahin sa isang upuan lamang.

•Ito'y nagdudulot ng aliw at


karaniwang kapupulutan ng mga aral sa buhay

Filipino I Narra 8
Edgar Allan Poe (Enero 19, 1809 - Oktubre 7,
1849)
•isang Amerikanong manunulat.

•Nakilala siya dahil sa pagsulat ng nakagigimbal na mga


maiikling kuwento at mga tula

•Kinilala siya bilang Ama Ng Maikling Kuwento

•Ayon sakaniya, ang Maikling Kuwento ay isang akdang


pampanitikang likha ng guniguni at bungang -isip na
hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.

Filipino I Narra 8
Deogracias A. Rosario
•Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila,
ngunit binawian rin ng buhay noong 26 Nobyembre 1936
sa edad na 42.
• Mas nakilala siya sa mga naging ambag niya sa larangan ng
maikling kuwento.

•"Kung Ipaghiganti ang Puso" - unang maikling kuwentong


Tagalog, nailathala sa Liwayway noong Marso 21, 1924.

•Nakapagsulat siya ng mahigit sa 80 maikling kuwento, 2 maikling


nobela, 2 de-seryeng nobela, at maraming personal na sanaysay,
artikulo at tula.

Filipino I Narra 8
Mga Elemento Ng Maikling Kuwento

2. Tagpuan
• Tauhan
•Ang nagbibigay-buhay sa maikling •Tumutukoy sa panahon at lugar kung saan
kuwento. nangyayari ang maikling kuwento
.
•Maaaring maging mabuti o masama. • Maaring ito ay sa panahon ng tag-ulan, tag-
init, umaga, tanghali, gabi, sa lungsod o
lalawigan, sa bundok o ilog.

Filipino I Narra 8
Mga Elemento Ng Maikling Kuwento

3. Banghay 4. Suliranin
Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng Ito ay tumutukoy sa problema na haharapin ng
mga pangyayari sa kwento. Mayroong mga tauhan sa kuwento.
limang (5) bahagi ang banghay:

Filipino I Narra 8
3. Kasukdulan
Limang bahagi ng Banghay: Ito ang pinakamataas at kapana-panabik na pangyayari
sa isang kuwento. Dito nagaganap ang tunggalian ng
• Panimula o Simula dalawang magkaibang pwersa.
Dito ipinakikilala ang mga tauhan gayundin kung saan
at paano nagsimula ang kuwento.

4. Kalakasana
Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang
2. Saglit na Kasiglahan
naaayos ang suliranin o problema at nagbibigay daan
Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang sa wakas. Dito malalaman kung magtatagumpay ba
masasangkot sa suliranin. ang pangunahing tauhan o hindi.

5. Wakas
Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang
kuwento kung saan ang kahihinatnan o resolusyon ng
kuwento ay maaaring masaya o malungkot. Filipino 8
Mga Elemento Ng Maikling Kuwento
6. Paksang Diwa
5. Tunggalian
Ito ay ang kaisipang iniikiran ng may-akda.
Karaniwan itong isang pangungusap lamang at
Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa ito ay direktang tumutukoy sa paksang pinag-
sarili, tao laban sa lipunan, o tao laban sa uusapan. Hindi na kailangan pang banggitin
kalikasan. ang tauhan, tagpuan o ang mga pangyayari sa
kuwento. Ito ay ang pinaka-kaluluwa ng
kwento

Filipino I Narra 8
Uri ng Maikling Kuwento
Kuwento ng Pag-Ibig
Ito ay naglalahad ng mga pangyayari tungkol sa pag-iibigang
tunay ng dalawang tao anuman ang kahinatnan ng kanilang
kapalaran.

❖ Ang diwa ng kuwento ay ukol sa pag-iibigan ng pangunahing


tauhan at ng kanyang katambal na tauhan.

Filipino I Narra 8
Uri ng Maikling Kuwento
Kuwento ng Katutubong kulay
Nakapokus sa kapaligiran at ang tagpuang ginagalawan ng mga
tauhan sa loob ng kuwento. Nagbibigay-diin sa pananamit,
pamumuhay, at kaugalian ng mga tao sa isang partikular na lugar.

❖ Halimbawa nito ang kuwentong "Suyuan sa Tubigan" ni


Macario Pineda.

Filipino I Narra 8
Uri ng Maikling Kuwento
Kuwento ng Katatakutan
Tungkol sa mga nakasisindak at nakakatakot na mga pangyayari
na makapagpapatindig ng iyong balahibo.

❖ Matindi ang damdaming nagbibigay-buhay sa kuwentong


ganito. Nakapananaig ang damdamin ng takot at lagim na nalikha
ng mga pangyayari sa katha.

Filipino I Narra 8
Uri ng Maikling Kuwento
Kuwento ng Kababalaghan
Tungkol sa mga di kapani-paniwalang pangyayari o kakaibang
mga pangyayari.

Naglalaman ang kuwentong ito ng mga pangyayaring mahirap


paniwalaan sapagkat salungat ito sa batas ng kalikasan at
makatwirang pag-iisip. Ang mga kuwento sa komiks ukol sa mga
nuno sa punso, multo, at aswang ay ilan lamang sa halimbawa ng
ganitong kuwento.

Filipino I Narra 8
Uri ng Maikling Kuwento
Kuwento ng Katatawanan

Ito ay nagbibigay-aliw sa mga mambabasa upang sila'y masiyahan at


matawa. Ang mga galaw ng pangyayari sa kuwentong ito ay magaan,
may mga pangyayaring alanganin, at may himig na nakatatawa ang
akda.

Filipino I Narra 8
Uri ng Maikling Kuwento
Kuwento ng Tauhan

Ang interes ay nasa buhay ng pangunahing tauhan.

❖ Inilalarawan dito ang mga kaugalian, katangian, paniniwala sa


buhay, at prinsipyo ng mga tauhang gumaganap sa kuwento.

Filipino I Narra 8
Uri ng Maikling Kuwento
Kuwento ng Pangyayari
Nagkakaroon ng kakaibang pagbabago sa kapalaran ng
pangunahing tauhan sa bandang huli.
Kasindak-sindak ang mga pagbabagong magaganap.

Binibigyang-diin dito ang kapanapanabik at mahahalagang


pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagpapabago sa tauhan.

Filipino I Narra 8
Uri ng Maikling Kuwento
Kuwento ng Pakikipagsapalaran

❖ Nasa balangkas ng pangyayari ng kuwento ang interes at


kawilihan ng pakikipagsapalaran ng tauhan na batay sa takbo ng
pangyayari.

Filipino I Narra 8
Uri ng Maikling Kuwento
Kuwentong Pasalaysay

❖ May kasaklawan ang katuturan ng kuwento. Payak ang


pagpapahayag at di nagmamalabis ang istilo ng pagsulat.

Filipino I Narra 8
Pang-uri
Salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa isang
pangngalan o panghalip. Ito ay nagsasaad ng uri o katangian
ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.

May iba't ibang kaantasan ng pang-uri. Tinatawag itong


lantay, pahambing, at pasukdol.
Lantay
-tinutukoy ang katangiang sarili ng pangngalan o panghalip na tinuturingan

Karaniwan itong ginagamitan ng panlaping ma-.

Halimbawa:

1.Mabait na bata ang pangunahing tauhan nang siya'y walong taong gulang.

2.Ang ama ng bata ay matipid.

3. Masakit ang kalooban ng anak sa ginawang pagtitipid sa kaniya ng ama.

Filipino I Narra 8
Pahambing
-tinatawag na pang-uring pahambing ang mga pang-uring naghahambing ng dalawang tao,
bagay, pook, at iba pa.

May dalawang uri ng pang-uring pahambing ang isa ay magkatulad, kung pantay o patas ang
katangian ng dalawang pinaghahamb ing na ginagamitan ng mga panlaping sing-, kasing-, at
magkasing-

Halimbawa: 1.Magkasinsipag ang ama at ang anak.


2.Kamukha niya ang kaniyang ina.
3.Kasintangkad ng ama ang kaniyang anak.

Filipino I Narra 8
Pahambing
Ang pahambing na di-magkatulad ay may dalawang uri na naglalarawan ng hindi patas o pantay
na katangian.

Tinatawag itong palamang at pasahol. Palamang kapag ang pinaghahambing ay nakahihigit ang
katangian sa isang pang ngalan o panghalip.

Ginagamitan ito ng salitang lalo, higit, labis, di-hamak, kaysa sa, kaysa kay.

Halimbawa:
1.Higit na matalino ang ama sa pamamalakad ng negosyo kaysa sa kaniyang anak 2.Di-hamak na
masinop sa kabuhayan ang ama kaysa sa anak.
3.Labis na kasipagan sa trabaho ang ipinakita ng anak kaysa sa kaniyang ama.

Filipino I Narra 8
.
Pasukdol
-nagpapakita ito ng pangingibabaw, kahigitan, o pamumukod sa karamihan o lahat.

Makikilala ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng pang-uring lantay at paggamit ng


panlaping pinaka-.

Halimbawa: 1.Pinakamaunawaing ina ang nanay niya.


2.Mabait na mabait ang ina sa kaniyang anak.

Filipino I Narra 8
Maraming
Salamat sa
Pakikinig!
Muli, Kami ang
Woops! Keri! Woops!

You might also like