You are on page 1of 20

ARALIN 1

MGA TAUHAN
Natutukoy ang damdaming
1 namamayani sa mga tauhan
batay sa napakinggan

Nakikilala ang katangian ng mga


Layunin 2 tauhan batay sa pahayag na
napakinggan

Nailalarawan ang pisikal na anyo


3 ng mga tauhan
Bida Kontrabida
KUNG IKAW AY...
● Ano ang tungkulin ng tauhan sa isang akda?

● Bakit mahalagang malaman ang pagkakaiba ng


protagonista at antagonista?

● Ano ang epekto ng pagkakaroon ng mga tauhang


lapad o bilog sa nilalaman ng isang kuwento?
Ang tauhan ang siyang nagbibigay-buhay sa
1 kuwento.

Mahalagang matukoy ang pagkakaiba ng


protagonista at antagonista upang mas maging
2 malinaw sa mga nakikinig o nagbabasa o nanonood
ang tungkuling ginagampanan ng mga tauhan sa
4 kuwento.
Ang mga tauhang lapad o bilog ay nagdudulot ng
kapanabikan sa mga nagbabasa o nanonood ng
3 isang akda kaugnay sa katangian ng mga tauhan sa
pagtatapos ng kuwento.
● Ang tauhan ang siyang kumikilos sa loob ng
isang akda.
● Ang pangunahing tauhan ay maaaring
protagonista at antagonista.
● Ang protagonista ay ang bida sa kuwento.
● Ang antagonista ay maituturing na
kontrabida sa kuwento.
● Ang pantulong na tauhan, bagama’t maliit
na papel ang ginagampanan, ay may malaking
ambag sa galaw o daloy sa mga pangyayari sa
kuwento.
Mga Tauhan sa Ibong Adarna
Don Pedro
Siya ang panganay na anak ni Haring
Fernando. Sa tatlo, siya ang pinakamacho ang
katawan at kaiman ang postura.Tinaksilan niya
ang kanyang kapatid dahil sa selos.Magiging
asawa niya rin si Princesa Leonora.

Don Juan
Siya ang bunsong anak ni Haring Fernando. Sa
tatlo, siya ang pinakamahal ni Don Fernando
dahil siya ay puno ng kabaitan. Mahal na mahal
rin ni Don Juan ang mga kapatid niya.Siya din
ang nakahuli sa Ibong Adarna.Magiging asawa
niya naman si Princesa Maria Blanca.
Don Diego
Siya ang pangalawang anak ni Don
Fernando at Donya Valeriana. Sa tatlo, siya
ang pinakatahimik. Lagi siyang sumusunod
sa mga utos ni Don Pedro.Magiging asawa
niya rin si Princesa Juana.

Haring Fernando
Siya ang hari ng Berbanya.Asawa siya ni
Reyna Valeriana.Mayroon siyang tatlong
anak,sina Don Juan,Don Pedro at Don
Diego.Siya ang nagkasakit dahil sa kanyang
masamang panaginip.Ang tanging lunas
lamang sa kanyang sakit ay ang awit ng
Ibong Adarna.
Reyna Valeriana
Si Donya Valeriana ay ang asawa ni Don
Fernando. Siya ang reyna ng
Berbanya.Anak niya sila Don Juan,Don
Diego at Don Pedro. Kinala ng ibang tao na
siya ay mabait at maganda.

Ibong Adarna
Ito ang tanging ibon na nagpagaling sa
sakit ni Don Fernando.Siya ay dumadapo
sa Piedras Platas na nasa Bundok
Tabor.Itinuturing niyang si Don Juan
ang nag mamayari sa kanya.
Princesa Leonora
Siya ang kapatid nina Princesa Maria
Blanca at Princesa Juana.Nakatira sa
loob ng mahiwagang balon.At sa huli,siya
din ang nagging asawa ni Don Pedro.

Princesa Maria Blanca


Siya ay isang magandang princesa sa Reyno De
Los Cristales. Gumagamit siya ng puting majika.
Siya ang tinukoy ng Ibong Adarna kay Don
Juan.Nagiibigan silang dalawa ni Don Juan.Ama
niya si Haring Salermo.Naging asawa niya rin si
Don Juan.
Princesa Juana
Siya ang unang natagpuan sa
mahiwagang balon ni Don Juan.Siya ang
unang mahal ni Don Juan.Niligtas din
siya ni Don Juan mula sa Higante.

Haring Salermo
Siya ang ama ni Donya Maria Blanca.
Gumagamit siya ng itim na mahika.Siya
ang hari ng Reyno De Los Cristales.Siya
ang tumututol sa pag-iibigan ng kanyang
anak na si Maria Blanca at ni Don Juan.
Leproso
Siya ang tumulong kay Don Juan
papunta sa Piedras Platas.Binigyan
siya ni Don Juan ng pagkain.

Manggagamot
Siya ay nanggamot kay Don Fernando.
Sinabi niya na ang Ibong Adarna ang
gamot sa sakit niya. Siya ang tanging
nakabatid sa sakit ni Haring Fernando.
Higante
Siya ay isang dambuhala na
nagbabantay kay Donya Juana.Pinatay
siya ni Don Juan para mailigtas si Donya
Juana.

Serpyente
Siya ang may pitong-ulo.Kapag
pinatulan mo ang isa, matutubo muli
ang ulo. Nagbabantay siya kay
Leonora. Pinatay din siya ni Don
Juan.
Lobo
Siya ang tumulong kay Don Juan
sa kanyang mga sugat.Binuhusan
niya si Don Juan at tsaka gumaling
si Don Juan.

Agila
Siya ang sinakyan ni Don Juan
papuntang Reyno De Los Cristales.
Arsobispo
Siya ay kasunod sa hari,siya ang
nakapagbigay ng desisyon.Sinabi niya na
dapat si Donya Leonora ay ikakasal kay
Don Juan at hindi si Maria Blanca,pero
sa wakas,sina Maria Blanca at Juan pa
rin ang ikinasal.

Unang Ermitanyo
Siya ay isang matandang lalaki na nakatira
sa kabundukan na tumulong kay Don Juan
hulihin ang Ibong Adarna at iligtas ang
kanyang mga kapatid.
Ermitanyo 2: Siya ang
Ermitanyong may mahabang
balbas na nagbigay ng panuto kay
Don Juan upang hanapin ang isa
pang Ermitanyong tutulong sa
kanya.

Ermitanyo 3: Siya ang huling


Ermitanyo na tumulong sa kanya.
Ipinapunta niya si Don Juan sa
Delos Cristales sa likod ng isang
Agila.
● Ano ang protagonista?
● Ano ang antagonista?
● Sa iyong palagay, sino-sino ang mga
protagonista sa kuwento? antagonista?
Kung ikaw ay bibigyan ng
pagkakataon na gumanap sa isang
tauhan ng Ibong Adarna, sino ang
iyong pipiliin at bakit?

You might also like