You are on page 1of 1

Kabanata 24: Muling Pagpapakita ng Ibong

Adarna (Saknong 758 – 794)


Nagising si Don Juan dahil sa pag-awit ng ibong adarna. Sa pag-awit nito,
isinasalaysay niya ang dahilan kung bakit siya tumakas at kung ano ang
masamang balak ng dalawa niyang kapatid.

Sinabihan siya ng ibong adarna na magtungo sa Reyno De Los Cristales, ang


kaharian na matatagpuan sa dakong silangan.

Ang hari dito na si Haring Salermo ay isang tuso at matalinong hari at may
tatlong magagandang dilag na supling na sina Prinsesa Isabel, Juana at Maria
Blanca.

Dapat niyang pillin si Prinsesa Maria Blanca dahil walang kaparis ang ganda nito.
Habang ang umaasang si Prinsesa Leonora ay patuloy na tumatangis sa
pagkawala ni Don Juan.

Talasalitaan:

 Isinalaysay – ikinuwento
 Magtungo – magpunta
 Tuso – mapanlinlang, pamanlamang
 Dilag – magandang babae
 Supling – anak
 Kaparis – katulad
 Tumatangis – umiiyak

You might also like