You are on page 1of 12

Ang rondalya ay isang pangkat ng

mga instrumentong may kuwerdas. Ito


ay kinabibilangan ng mga instrumentong
may tono at maaring gamitin na
pansaliw sa pag-awit at maari rin
namang tumugtog bilang isang pangkat.
Karaniwang ginagamit ang rondalya
sa mga pagtitipong Filipiniana, sa mga
pataltuntunan sa paaralan at sa pistang
bayan.
Lima ang pangunahing
instrumentong bumubuo ng rondalya;
ang bandurya, oktabina, laud at baho
de arko. Ang instrumentong ito ay may
tiyak na tono at may kani-kaniyang
timbre kaya’t mayroong bahagi sa awit
o komposisyong musikal na bagay sa
kani-kanilang tunog. Ang rondalya ay
maihahambing sa pag-awit ng may
apatang tinig.
Ang bandurya ay may
maraming kuwerdas. Mayroon
itong tatlong kuwerdas sa bawat
tono. Ito ay tinutugtog sa
pamamagitan ng “pick” na
pinagpapabalikbalik nang
mabilis sa isang tono ng
magkakalapit na kuwerdas. Ito
ay maaaring ihambing sa
soprano. Karaniwang tinutugtog
nito ang pangunahing himig o
melodiya.
Ang oktabina ay mas
malaki kaysa bandurya at ang
hugis ay tulad ng isang
gitarang maliit. Tulad ng
bandurya ay marami rin itong
kuwerdas na tinutugtog sa
pamamagitan ng “pick”. Ito
ang tenor ng grupo sapagkat
mataginting ang timbre nito.
Ang hugis ng laud ay
tulad ng sa bandurya subalit
ito ay mas malaki nang
kaunti. Ang laud ay may
maraming kuwerdas at
tinutugtog tulad ng sa
bandurya at oktabina.
Mababa ang tunog ng laud
at ito ang sumusuporta sa
melodiya. Ito ang alto ng
rondalya.
Ang baho de arko ang
pinakamalaking instrumento
ng rondalya. Kasintaas ito ng
tao kaya’t ang tumutugtog nito
ay nakatayo. Apat lamang ang
kuwerdas ng baho de arko at
ang mga ito ay tinutugtog sa
pamamagitan ng pagkalabit ng
mga daliri. Matataba ang
kuwerdas nito kaya’t ang
timbre ay mababa.
Isang daloy na himig
lamang ang natutugtog ng
bandurya, oktabina, laud at
baho kaya’t kinakailangan
ang instrumentong pansaliw.
Ang gitara ang nagbibigay
ng akorde bilang pansaliw sa
mga melodiyang
nanggagaling sa mga
instrumento ng rondalya.
Panuto: Basahing mabuti ang mga
sumusunod na tanong. Piliin ang titik
nang wastong sagot.
1.Alin sa mga instrumentong rondalya ang
karaniwang tumutugtog ng pangunahing
himig?
A. oktabina
B. bandurya
C. piano
D. laud
2. Alin sa mga instrumento ang
magkakatulad ang hugis?
A. bandurya at oktabina
B. bandurya at laud
C. laud at oktabina
D. gitara at laud
3. Alin sa mga sumsusunod na
instrumentong ginagamit sa rondalya
ang maaaring gamiting pansaliw?
A. laud B. oktabina C. gitara
4. Alin sa grupo ng instrumentong rondalya
ang itinuturing na tenor ng grupo?
A. bandurya
B. gitara
C. laud
D. oktabina
5. Saan maaring ihambing ang rondalya?
A. sa pag-awit ng may limahang himig
B. sa pag-awit ng may apatang himig
C. sa pag-awit ng dalawahang himig
D. sa pag-awit ng may tatluhang himig.
Panuto: Iguhit ang mga
instrumentong rondalya sa
inyong notebook. Lagyan ng
kulay upang maging
maganda ang ginawa.

You might also like