You are on page 1of 1

Ang Alamat Ng Marinduque

Ang simula ng kwentong ito ay ang pagsasalarawan sa kagandahan ni Mutya Maria na


sinasabihang noong unang panahon ay reyna ng Katagalugan. Si Datu Batumbakal na syang ama
ni Maria. Dahil sa kagandahan ni Maria marami ang sa kanya ay nabibighani. Ilan dito ang mga
datu ng mga kalapit na lugar. Ngunit ni isa sa kanila ay walang nagustuhan si Maria bagkus ang
kanyang iniibig ay si Garduke na simpleng mamamayan lamang. Subalit tutol ang ama ni Maria sa
pagsuyo ng binata sa kanyang anak na si Maria.

Ang gitna ng kwento ay nagsimula sa pagbabawal ng ama ni Maria kay


Duke na pumunta sa palasyo at maging ang pakikipagkita sa dalagang si
Maria. Labis na kinabahala at kinalungkot ng dalaga ang pangyayaring
iyon. Hinamon ni Maria si Duke na sya ay ipaglaban kung sya ay
talagang sinisinta ng binata. Sa tagpong ito, napagpasiyahan nilang
magkita sa hardin ng palasyo pagsapit ng dilim.

Ang wakas ng kwento ay naging isang malungkot na trahedya


sapagkat nalaman ng Datu ang kanilang lihim na pagkikita. Dito nya
piang-utos na ang dugong maharlika ay maaari lamang umibig sa isa ring
may dugong maharlika. At dahil nilabag ni Maria at Duke ang utos na ito,
si Duke at pinugutan ng ulo. Ito ay naging usap usapan at tinawag ang
lugar na iyon na Marinduque mula sa ngalan ng dalawang
magkasintahang sila Maria at Duke.

You might also like