You are on page 1of 5

ROMAN C.

VILLALON MEMORIAL
COLLEGES FOUNDATION, INC.
East Kibawe, Kibawe, Bukidnon

BASIC EDUCATION DEPARTMENT


JUNIOR HIGH SCHOOL (School ID: 404988)
SENIOR HIGH SCHOOL (School ID: 349021)

Grade 9 FILIPINO

Name of Student: _________________________________ Grade & Section: ___________________


Module No: 4 Track/Strand (for SHS): _____________
Subject Teacher: ________________________ Inclusive Dates: ____________________
Score Obtained: ____________________
Over Perfect Score: _________________

Unit Topic: Noli Me Tangere sa Puso ng mga Asyano


Module Topic: Buod ng Kabanata IV at V ng Noli Me Tangere: Erehe at Subersibo at Bituin sa
Karimlan
“Katiwalian sa pamahalaan, iwaksi at labanan
Upang ang katarungan maghari sa lipunan.”
Content Standards: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa isang obra maestrang
pampanitikan ng Pilipinas
Performance Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer o storyboard
Standards: tungkol sa isa ilang tauhan ng Noli Me Tangere na binago ang mga katangian
(dekonstruksiyon)

Competencies/Skills: a. Nakapagsusuri ng isyung nangyayari sa kasalukuyan


b. Nakikilala ang kasalungat na kahulugan ng salita
c. Natutukoy ang mahahalagang detalye ng binasa
Specific Learning
Objectives: Nakapagsusuri ng isyung nangyayari sa kasalukuyan

Expected Task for the Ang mga mag-aaral ay…


Module (ETM):
Nakakapagsuri ng mga kaisipan

Learning Activity 1 Masakit mang tanggapin ngunit minsan ay may katotohanan ang kasabihang
“may piring ang batas.” Maraming Pilipino lalo na ang mga mangmang at walang salapi
ang nagdusa’t naghirap sa kulungan nang matagal dahil sa paratang na wala naming
katotohanan.

Ipagpalagay na nabalitaan mong ang isa sa mga mahal mo sa buhay ay na


namumuhay nang marangal ay naparatangang nagkasala sa kasong hindi naman niya
ginawa. Ano-ano ang gagawin mo upang siya ay iyong matulungan sa problemang
kanyang kinakaharap? Itala ang iyong sagot sa Star Chart sa ibaba.
Understanding the Noli Me Tangere Buod Kabanata 4: Erehe
Lesson
at Pilibustero
Lumabas si Ibarra upang makalanghap ng sariwang hangin. Binaybay niya
ang daan papuntang plasa ng Binondo.

Napansin niya na ganun parin ang itsura ng lugar. Pitong taon siya nawala
pero parang nawala lang siya ng napakaikling gabi dahil wala man lang
nagbago.

Nandoon parin ang ang mga tindera ng prutas at gulay bago siya umalis
papuntang Europa. Sa paningin ni Ibarra ay wala man lang pag-unlad ang
siyudad na iyon.

Habang pinagmamasdan ang paligid may naramdaman siyang tumapik sa


kaniyang balikat. Naroon si Tinyente Guevarra. Nagtanong si Ibarra sa
tinyente kung alam niya ba ang dahilan ng pagkabilanggo ng ama.

Isinalaysay ni Tinyente Guevarra ang dahilan habang sila ay pabalik sa


kwartel. Ayon sa kwento ng tinyente, si Don Rafael ang pinakamayan sa
kanyang lalawigan. Marami ang gumagalang at nagmamahal sa kaniya,
meron din namang mga galit at naiinggit.

Ilang buwan matapos ang pag-alis ni Ibarra, naging mainit sa isa’t-isa sina
Don Rafael at Padre Damaso. Inakusahan si Don Rafael na hindi
nangungumpisal.

Nung mga panahon na iyon ay mayroong isang Kastilang artilyero na


naging tampulan ng tukso dahil sa kamang-mangan. Isang araw ay
binigyan ng isang dokumento ang artilyero, nagdunung-dunungan ito sa
pagbasa.

Pinagtatawanan siya ng isang grupo ng mga bata. Sa galit ng kastila ay


hinabol nito ang mga paslit. Nang hindi niya mahabol ang mga nang-
aasar na bata ay binato niya ito ng baston.

Tumama naman ang baston sa ulo ng isang bata dahilan kung bakit ito
natumba sa kalsada. Kinuha naman ng artilyero ang pagkakataon para
pagsisipain ito. Nagkataong dumaan doon si Don Rafael.

Hinawakan agad niya ang artilyero sa bisig at inawat ito. Dahil sa malaking
pangangatawang ni Don Rafael, inakala nilang sinasaktan nito ang
artilyero.

Sa pag-alma ng artilyero, umitsa ito ilang talampakan mula sa


kinatatayuan ni Don Rafael. Tumama ang ulo ng artilyero sa malaking bato
dahilan kung bakit sumuka ito ng dugo at namatay makalipas ang ilang
sandali.
Nag-imbestiga ang pulisya, nakulong si Don Rafael at naglabasan ang
mga lihim na kaaway nito. Inakusahan si Don Rafael na erehe at
pilibustero.

Humingi ng tulong ang tinyente upang mapawalang sala si Don Rafael


nung mga panahong iyon. Subalit walang naglakas ng loob na tumulong
sa pangangamba na baka magkakaso rin sila.

Nagsulputan ang mga kaaway ni Don Rafael at dumami ang huwad na


testigo laban sa kanya. Namatay si Don Rafael sa likod ng mga rehas na
bakal ng walang mahal sa buhay na nakiramay.

Nakakapanghinayang dahil kung kailan nalagutan ng hiniga si Don Rafael


ay saka palang napatunayan na siya ay walang sala.

Talasalitaan:

 Makalanghap – makaamoy
 Tinyente – sundalo
 Kwartel – tirahan
 Inakusahan – pinagbintangan
 Nangungumpisal – nagpatotoo
 Artilyero – namamahala sa mga gamit sa gyera
 Tampulan – tuksuhin
 Kamangmangan – walang alam
 Dunung-dunungan – nagpapanggap na marunong
 Paslit – bata
 Umitsa – bumato
 Erehe – taong di sumasangayon
 Pilibustero – suwail
 Huwad – sinungaling
 Rehas – kulungan

Noli Me Tangere Buod Kabanata 5: Ang


Liwanag sa Gabing Madilim
Dumating si Ibarra sa kanyang tinutuluyan sa Fonda de Lala. Agad itong
naupo sa kanyang silid.

Nagmasid-masid ito sa kapaligiran habang may gulong tumatakbo sa


kanyang isip dahil sa sinapit ng ama.

Natanaw niya mula sa kanyang bintana ang maliwanag na bahay sa kabila


ng ilog. Naririnig niya ang tunog na gawa ng orkestra at ang kalansing ng
mga piggan at kubyertos.

Natanaw din niya ang isang magandang babae na may balingkinitan na


pangangatawan at may kasuotang diyamante at ginto.

Siya si Maria Clara. Giliw na giliw na nakatingin ang lahat sa ganda ng


dalaga. Dahil sa pagod na isip at katawan ni Ibarra ay mabilis siyang
nahimlay.

Talasalitaan:

 Tinutuluyan – tinitirahan
 Nagmasid-masid – tumingin tingin
 Natanaw – nakita
 Kalansing – tunog
 Kubyertos – kutsara
 Balingkinitan – payat
 Nahimlay – nahiga
Learning Activity 2 Kilalanin ang kasalungat ng salitang nakasulat nang pahilig a pangungusap.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Mabagal ang pagsulong ng baying iniwan ng binate ng pitong taon.


a. pagbabago c.pagsubok
b. pagbagsak d. pag unlad

2. Nilibak ng mayamang matandang babae ang pobreng kolektor ng buwis.


a. inabangan c. pinagtabuyan
b. inalipusta d. pinuri

3. Biglang nagsilantad ang mga kalaban ni Don Rafael Ibarra matapos na siya
ay kasuhan ng pamahalaan ng kasong pagpatay.
a. naduwag c. nagtago
b. naglabasan d. natakot

4. natawanan ni Crisostomo Ibarra ang isang babaeng marilag sa isang


tahanan sa kabilang ibayo.
a. kaakit-akit c. mayumi
b. maganda d. pangit

5. Labis na paghihinagpis ang nadama ni Ibarra dahil sa sinapit ng kanyang


ama.
a. kagalakan c. pagdadalamhati
b. kalungkutan d. pagkagalit

Learning Activity 3 Tukuyin kung sino ang inilalarawan ng bawat pahayag sa hanay A. piliin ang tamang
sagot mula sa hanay B. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang.

A B
_________1. Siya ang pinaratangang erehe a. batang lalaki
at subersibo. b. Crisostomo Ibarra
_________2. Siya ang tinamaan ng baston c. Don Rafael Ibarra
na nagging dahilan upang siya d. kolektor ng buwis
ay mawalan ng buhay e. Maria Clara
_________3. Siya ang lalaking nabuwal at f. Tenyente Guevarra
tumama ang ulo sa bato
_________4. Siya ang nagkuwento kay Ibarra
ng sinapit ng kanyang ama.
_________5. Siya ang naksaksi ng mabagal na
pagsulong ng baying kanyang sinilangan.

Learning Activity 4 Bilang isang kabataan na siyang itinuturing na pag-asa ng bayan, ano ang iyong
gagawin upang magkaroon ng hustisya sa bansa? Hustisyang hindi lamang para sa
mayayaman kundi pati narin sa mga mahihirap o walang kaya sa buhay.

Resources/References: Baisa-Julian, Ailene G.,et.al Pinagyamang Pluma 9 pahina 4475-487

You might also like