You are on page 1of 4

__________________________________________________________________________

FILIPINO 9

GAWAING PAMPAGKATUTO

ARALIN BLG. 4 KWARTER: Ikaapat

NILALAMAN: Ang Buod ng mga Pangyayari sa Buhay ni Crisostomo Ibarra at Maria Clara (Mga Kabanata 1-5, 43-45,60-64)

PANGALAN: _________________________________ SEKSYON: _______________ GURO: ___________________________

I. MELC
A.Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay katangian (F9WG-IVc-59)
B. Napapangkat ang mga salita ayon sa antas ng pormalidad ng gamit nito. (level of formality) (F9PT-IVd-58)
C. Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng:
- damdamin
- matibay na paninindigan (F9WG-Ivd-60)

Basahin at unawain.
Ang buod ng mga pangyayari sa buhay ni Crisostomo Ibarra at Maria Clara.

Naghandog ng masaganang hapunan si Kapitan Tiyago para sa pagdating ni Crisostomo Ibarra anak ng kaniyang nasirang matalik na
kaibigan na si Don Rafael Ibarra. Marami ang nagsidalo. Napag-usapan nila ang pag-aaral ni Ibarra sa Europa na hinangaan ng lahat maliban kay
Padre Damaso na dalawang beses ipinahiya ang binata ngunit pinagpasensiyahan niya ito.

Nang matapos ang hapunan, si Ibarra ay nagpaalam. Sumabay sa kanya si Tenyente Guevarra. Ang Tenyente ay nagsalaysay ng
pagkamatay ng kanyang ama sa bilangguan. Ayon sa Tenyente, si Don Rafael Ibarra ay ibinilanggo dahil sa hindi sinasadyang pagkakapatay sa isang
mangmang na Kastilang tagasingil ng buwis. Kinaumagahan, dinalaw ni Ibarra si Maria Clara. Ginunita nila ang mga araw ng kanilang pagmamahalan
simula pa ng kanilang pagkabata. Kinabukasan, Araw ng mga Patay, natuklasan ni Ibarra na nawawala ang puntod ng kaniyang ama. Napag-alaman
niya sa sepulturero na ipinahukay ni Padre Damaso ang bangkay ng kaniyang ama at ipinalipat sa libingan ng mga Intsik ngunit dahil umuulan at
napakabigat ng bangkay, itinapon na lamang ito sa lawa. Nakaramdam ng matinding galit si Ibarra. Nang lisanin niya ang libingan ay nakasalubong
niya si Padre Salvi at napagbuntunan niya ito ng galit. Ang tanging nasabi ng pari sa binata ay wala siyang kinalaman sa mga pangyayari at hindi siya
ang kura ng San Diego ng mga panahong iyon.

Sa kabila ng lahat, tinangka niyang kalimutan ang mga nangyari at sa halip ay ipinagpatuloy na lamang niya ang isang mabuting adhikain. Ito
ang pagpapatayo ng isang paaralan.

Ngunit isang araw ng paghuhugos sa paaralang ipinapatayo ni Ibarra, nangyari ang hindi inaasahan. Ang taong namahala sa paghuhugos ay
nabagsakan ng batong inihuhugos at namatay. Nang umuwi si Ibarra, naging panauhin niya si Elias na nagtapat sa kanya ng masamang balak ng
taong namahala sa paghuhugos. Sinabi ni Elias na hatol na hatol ng Diyos ang naganap na pangyayari. Si Elias ay ang pilotong iniligtas ni Ibarra sa
buwaya nang siya, si Maria Clara at ang kanilang mga kaibigan ay nagkaroon ng kasiyahan.

Si Ibarra ay naghandog ng isang pananghalian pagkatapos ng paghuhugos. Sa hindi inaasahang pangyayari, dumating si Padre Damaso at
hinamak niya ang pagkatao ng ama ni Ibarra. Hindi na napigilan ni Ibarra ang sarili kaya’t nilundag niya ang pari at tinangkang sasaksakin ngunit
mabilis na pumagitna si Maria Clara sa dalawa. Ito ang dahilan kung bakit si Ibarra ay hinatulan ng pagiging excomulgado. Ito rin ang naging dahilan
upang utusan ni Padre Damaso si Kapitan Tiago na sirain ang kasunduan na ipakasal si Maria Clara sa binata.

Nagkasakit si Maria Clara. Ginamot ng huwad na doktor na si Don Tiburcio de Espadaña ang dalaga. Ipinakilala ni Doña Victorina si Linares
kay Padre Damaso kaya naisip ng pari na ipakasal ang binatang Espanyol kay Maria Clara.

Gumaling si Maria Clara ngunit hindi sa gamot na ibinigay ni Don Tiburcio kundi dahil sa mga gamot na ipinadala ni Ibarra kay sinang. Naging
panauhin ni Kapitan Tiago ang Kapitan Heneral. Nabalitaan niya ang mga pangyayaring kinasangkutan nina Ibarra at Padre Damaso. Nang makausap
ng Heneral si Ibarra, naging palagay ang loob nito sa binata. Sa kanyang tulong, naalis ang pagiging excolmugado ni Ibarra. Sa kasawiang palad,
nagkaroon ng kaguluhan sa kuwartel at si Ibarra ang pinagbintangan kaya’t siya ay hinuli at ibinilanggo kahit wala siyang kasalanan sa mga pangyayari.
Ang kasunduang pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares ay ipinaalam sa pamamagitan ng isang hapunan sa bahay ni Kapitan Tiago. Samantala, si
Ibarra ay nakatakas sa bilangguan sa tulong ni Elias. Nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap sina Ibarra at Maria Clara. Ipinagtapat ni Ibarra na
siya ay napahamak dahil sa mga sulat na ibinigay niya kay Maria Clara. Ang mga ito ay ginamit sa hukuman. Ngunit, ayon sa dalaga, ang mga sulat na
iyon ay nakuha sa kanya dahil sa pagbabanta at pananakot. Ipinagtapat ni Maria Clara kay Ibarra na siya ay anak ni Padre Damaso. Ang lihim ng
kaniyang pagkatao ay nalaman ni Padre salvi sa isang sulat na naiwan ng kanyang tunay na ama sa kumbento. Ito ang ipinagpalit ni Padre Salvi sa
mga sulat ni Ibarra kay Maria Clara. Ipinagtapat din ni Maria Clara kay Ibarra na siya ay magpapakasal kay Linares upang ingatan ang dangal ng
kanyang ina ngunit ang kaniyang pag-ibig ay mananatiling nakaukol lamang kay Ibarra.

Pagkatapos mag-usap nina Ibarra at Maria Clara, sumakay ang binata sa bangka kung saan naghihintay si Elias. Pinahiga ni Elias sa bangka
ang binata at tinabunan niya ito ng mga damo. Binagtas nila ang Ilog Pasig. Ngunit hindi sila nakaligtas sa mga guwardiya sibil. Pinaulanan ng bala ang
bangka nina Ibarra. Mabilis na lumundag sa tubig si Elias upang iligaw ang mga tumutugis sa kanila. Kumalat ang balitang patay na si Ibarra. Nawalan
ng pag-asa si Maria Clara kaya’t nakiusap siya kina Kapitan tiago at Padre Damaso na siya ay payagang pumasok sa kumbento upang magmongha.
Sa kabila ng pagtutol ni Padre Damaso sa kagustuhan ni Maria Claria, wala itong nagawa kung hindi ang pumayag nang sabihin ng dalaga na dalawa
lamang ang kanyang pinagpipilian: ang kumbento o ang kamatayan.

Ang balitang kumalat ay walang katotohanan. Nang makarating si Elias sa gubat, siya ay sugatan at naghihingalo. Siya ay tinamaan nang
paulanan siya ng bala ng mga guwardiya sibil nang siya ay lumundag sa tubig upang iligtas si Ibarra.
Talakayin Natin!

PANG-URI
Isang bahagi ng pananalita na nagbibigay deskripsyon o turing sa ngalan ngtao, bagay hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras at iba pa.

Hal. Mabangis ang leon sa kagubatan. Hal. Mataas ang ipinatayong bahay nila Mang Jose.

KAYARIAN NG PANG-URI

PAYAK- Ito ay binubuo ng salitang ugat lamang.

Hal. Huwag kang makipagtalo sa taong galit.

MAYLAPI- Ito’y mga salitang ugat na kinakabitan ng mga panlaping ka-, ma-, ma-in, ma-hin, -in hin, mala, kasing-, kasim-, kasin-,
sing-, sim-, -sin at kay-.

Hal. Maganda ang suot na polo ni Joseph.

INUULIT- ito’y binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng buong salita o bahagi ng salita.

Hal. Araw-araw na-iigib ng tubig ang mga taga Imus.

TAMBALAN- binubuo ng dalawaang magkaibang salitang pinagsama o pinagtambal na maaaring magkaroon ng ibang kahulugan.

Hal. Balat-sibuyas kung ituring si Will ng kanyang kamag-aral.

Antas ng Wika ayon sa Pormalidad


Ang wika ay nahahati sa iba’t-ibang kategorya, at isa sa kategorya ay ang antas ng wika ayon sa pormalidad.
Ang pormalidad ng salita ay nababatay sa ginagamit ng isang indibidwal batay sa okasyon, katayuan, pagkatao,
ginagalawang lugar o panahon.

Mga Antas
1. Pormal - ito ang antas ng wika na itinuturing na pamantayan sapagkat ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit sa karamihang
nakapag-aral sa wika. Ito ay karaniwang ginagamit sa paaralan at iba pang pangkapaligirang intelektwal.

2. Di-Pormal o Impormal - Ito ang uri ng salita na karaniwang palasak sa pang-araw-araw na pakikisalamuha at pakikipagtalastasan sa
mga kakilala at kaibigan.

Mga uri ng Pormal na Salita


1. Pambansa - Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila. Kadalasan itong ginagamit ng
pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.
Halimbawa:
Ama Doktor
Ina Pulis
Anak Pera
Pulis Hospital
Guro Pamilihan

2. Pampanitikan - Ito ay mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Karaniwang matayog,
masining, at makulay ang mga salita.
Halimbawa
Haligi ng tahanan Salapi
Ilawan ng tahanan Sasakyang Panlupa
Alagad ng simbahan Mabulaklak ang dila
Alagad ng batas Katuwang sa buhay
Sumakabilang-bahay Sasakyang pandagat

Mga Uri ng Di-Pormal na salita


1. Lalawiganin - Ito ay mga bokabularyong dayalektal. Ginagamit ang mga ito sa isang partikular na pook o lalawiganin
Halimbawa:
Iskapo (takas) Atche (ate)
Datong (pera) Banas (init)
Kaon (kain) Itang/Tatang (tatay)
Balay (bahay)
Inang (nanay)

2. Kolokyal - Ito ay mga pang-araw-araw na salitang ginagamit sa pagkakataong impormal. Kasama na rito ang pagpapaikli ng salita.
Halimbawa:
Dalwa (dalawa)
Meron (mayroon) Nasan (Nasaan)
Dyan (diyan) Kelan (Kailan)

3. Balbal - Ito ay mababang antas ng wika. Nagmumula ang mga salitang ito sa mga pangkat ng taong may sariling “code”.
- Ito ay mga salitang Pangkalye o Panlasangan.
- Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga salita.

Halimabawa:
Ermat/mudra (nanay)
Lodi (idol)
Parak (pulis)
Werpa (power)

Gawaing Pampagkatuto Bilang 1:  (10 puntos)


PANUTO: Tukuyin ang kahalagahan at katangian ng bawat tauhan batay sa binasang kabanata. Ibahagi rin ang sariling damdamin kaugnay
sa mga pangyayaring naganap sa tauhan. Gumamit ng pang-uri sa pagbibigay katangian sa tauhan.

TAUHAN MGA KATANGIAN AT KAHALAGAHAN NG PANGYAYARING NAGANAP SA TAUHAN DAMDAMIN


TAUHAN

1. Crisostomo Ibarra 

2. Maria Clara 

3. Padre Damaso 

4. Elias  

5. Kapitan Tiyago 

6. Pilosopo Tasyo

7. Basilio

Gawaing Pampagkatuto Bilang 2: (10 puntos)


PANUTO: Ibahagi ang sariling damdamin sa mga pangyayaring naganap sa buhay ng mga tauhan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

___1. Tumangging makipagkamay si Padre Damaso kay Crisostomo Ibarra at ikinaila nitong kaibigan niya ang yumaong ama ng binata.
A. pagkabigla B. pagkainis C. pagkalungkot D. pagkapahiya
___2. Sa kuwento ng binata, marami siyang bansang napuntahan at pinag-aralan ang kanilang wika at kasaysayan.
A. pagkabigla B. pagkatuwa C. pananabik D. pagyayabang
___3. Napagbintangang erehe at pilibustero si Don Rafael Ibarra dahil sa hindi niya pangungumpisal.
A. pagdududa B. pagkaawa C. pagkabigla D. pangamba
___4. Dalagang kinagigiliwan ng mga taga-San diego
A. Sinang B. Maria Clara C. Iday D. Victorina
___5. Binatang Espanyol na ipinagkasundo na pakasal kay Maria Clara
A. Crisosmo Ibarra B. Don Rafael C. Elias D. Don Tasyo
___6. Prayleng muntik nang undayan ng saksak sa leeg ni Crisostomo Ibarra
A. Padre Salvi B. Padre Sibyla C. Padre Damaso D. Padre Martin
___7. Ito ay isang paraan ng panggagaya sa kung ano ang nangyayari sa isang totoong paglilitis sa korte. Ginagawa ito kung minsan ng mga
abogado bilang paghahanda sa totoong paglilitis, gumagamit sila ng mga boluntaryo na gaganap sa mga eksena ng paglilitis para masubok
at makapagsanay sila.
A. Mock Trial B. Debate C. Simposyum D. Brainstorming
___8. Ito ang antas ng wika na itinuturing na pamantayan sapagkat ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit sa karamihang
nakapag-aral sa wika. Ito ay karaniwang ginagamit sa paaralan at iba pang pangkapaligirang intelektwal.
A. Balbal B. Pormal C. Di-Pormal o Impormal D. Kolokyal
__9. Ito ay mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Karaniwang matayog, masining, at makulay ang
mga salita.
A. Lalawiganin B. Pambansa C. Pambansa D. Pampanitikan
__10. Ito ay mga pang-araw-araw na salitang ginagamit sa pagkakataong impormal. Kasama na rito ang pagpapaikli ng salita.
A. Pormal B. Di-Pormal o Impormal C. Balbal D. Kolokyal

PANGWAKAS NA GAWAIN: (10 puntos)

PAKSA: PAGGUHIT NG TAUHAN

Panuto: Pumili ng isang mahalagang tauhan sa nobela at iguhit. Ilarawan gamit ang mga pang-uring nagpapakita ng kanyang mga
katangian .
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

KRAYTIRYA PUNTOS
Mahusay na paglalarawan 5
Naipakita ang katangian ng tauhan 3
Pagkamalikhain/pagkamasining sa pagguhit 2
KABUUAN 10

II. PAGNINILAY:

Panuto: Isulat ang sariling repleksyon kaugnay sa mga araling natutunan sa araw na ito.

Like ko i-share: Tatlong bagay na aking natutuhan sa aralin.


1.
2.

3.

Share ko, comment mo naman: Dalawang kanais-nais na hakbang na aking isasagawa.


1.

Pupusuan Ko Isang kaalamang aking ibabahagi sa iba.


1.

You might also like