You are on page 1of 7

Takdang Gawain Para sa Modyul 1

Pangalan : Kristine Joyce A. Aranza Kurso at Taon: BSED FIL2A


Iskor________

Panuto: Tugunan nang maayos ang mga sumusunod.


Ipasa ito sa Setyembre 9, 2021.

Pag-unawa sa Paksa
1. Ipaliwanag sa iyong sariling pananalita ang mahigpit na kaugnayan ng makata at ng tula.

Sagot: Ang makata ito ay isang tao na kung saan siya ay dalubhasa sa paggwa ng isang
tula at siyang ang nagsisilbi na kinikilala ng lahat dahil sa kanyang obra maestra na
napakamalikhain sa pagkomposo ng isang tula. Ang isang makata nakakbuo siya sa
paggwa ng isang tula batay sa kanyang nararamdaman o sa mga bagay-bagay na
makakapagbigay linaw sa kanyang sarili. Ang tula ito ya nanggaling sa makata na kung
saan nakahanay ang damdamin ng isang makata sa kanyang ginawa na tula, bilang
makata ang paggawa ng isang tula ay dapat may sukat, tugma, inidayog at karikatan
kahit anong tulang basta pinagsasama ng makata iyan sa paggawa ito ay pa rin ang tula
dahil mayroong siyang mga saknong. Tula na kung saan dito matutuklasan kung ano nais
ipahiwatig na damdamin ng isang makata.

2. Bilang tulang tradisyonal, anu-ano ang mga pinapaksa ng mga tanaga batay sa mga
naging halimbawa sa aralin?

Sagot: Batay sa naging halimbawa sa modyul ang kanilang mga karaniwang pinapaksa sa
paggawa ng tulang tradisyunal ng mga tanaga ay mga tungkol sa buhay na kung saan
abg isang tanaga ay nais niya ipabatid sa mga tao na tayo ay pantay-pantay lang sa kahit
anong aspekto ng buhay at huwag mapagmayabang sa kung anong meron tayo.

3. Ano ang dahilan kung bakit mahalagang maitala at matalakay ang mga tulang laji at
ambahan?

Sagot: Ang tulang laji at ambahan ay napakahalagang siyang maitala at matalakay sa


aralin dahil ang tulang laji ito ay tungkol sa iba’t – ibang karansan sa buhay ng tao. At
ang ambahan naman ay isang awiting bayan na kung saan ito ay ginagamit sa
pagpapatahan ng isang sanggol na kung saan proteksyon sa mga nangyayari.
4. Paano naiiba sa paksa at anyo ang tulang tradisyonal sa tulang moderno? Anuano ang
mga pinapaksa sa mga tulang tradisyonal? Sa tulang moderno?

Sagot: Ang kaibahan ng tulang tradisyonal sa tulag modern ay sa tulang tradisyunal ang
karaniwang pinapaksa dittoay tungkol sa pag-ibig, kahalagahan, kalikasan at iba pa
karanasang “unibersal” na pinapahalagahan sa lipunan. Samantala, sa Tulang modern
naman ay isang ekspiremental sa mga nilalaman at sa anyo halimbawa dito sa
karaniwang pinapaksa sa kanya ay tungkol sa pagtataksil na kung saan ito ay pumapaksa
sa bagay na nagaganap sa modernong mundo.

5. Ano ang silbi ng tula sa yugto ng mga kasaysayan sa lipunang Pilipino?


Sagot: Ang silbi ng tula sa atin sa kasaysayan sa panlipunan ng Pilipino, ito ay
napakahalaga bagkus ito ay nakaukit na at nakasanayan ng mga Pilipino. Ito ay isang
yaman natin na dapat paunlarin .

6. Ano ang kahalagahan ng paglinang ng mga tulang nasa ating wika ngunit nasa anyong
banyaga?
Sagot: Katulad na lamang ni Dr. Jose Rizal na isang mahusay na mnunulat ginamit niya
ang kanyang sariling wika upang mas lalo’t makilala ang kanyang kinatauyan kung saan
siya nanggaling. Ang kanyang wika na nilimbag ay minamahal na ngayon ng bawat
Pilipino at pinapagahalagahn dahil ito ay ang sariling wika at atin.

7. Bakit tinawag na tulang kongkreto ang tula ni Gigantoca na "Sayang"?


Sagot: Tinawag na tulang kongkreto ang tula ni Gigantoca na “Sayang” dahil sa kanyang
hugis at sa anyo nito na nakahugis ang kanyang mga pagkataludturan na hugis gripo at
ditto pinapakita sa imahe na bawat sa pagpatak ng letra ito ay inihahalintulad sa sayang
na tubig,

\
Paglinang sa
Pagkamalikhain

1. Bumuo ng dalawang bugtong na ang isa ay nakasulat sa iyong bernakular na wika at ang
isa naman ay sa wikang Filipino. Sundin ang mga inilarawang katangian ng bugtong mula
sa binasang talakayan. Gawing paksa ang mga bagay na may kinalaman sa kasalukuyang
pandemic. Isaad sa tapat nito ang sagot.

1. 2.
di
Bernakular Wikang Filipino

Indi mo makita nga ara Bawat Pilipino


siya, nakakulong
Pero mabatyagan mo
Kahit walang
nga may balatian ka. kasalanan.
Sagot: Sagot:
Covid-19 Quarantine

2. Gumawa ng isang tanagang moderno na taliwas sa paksang tinalakay sa tanagang


tradisyonal.

Walang kasalanang Pilipino’y nakakulong

Takot sa kalaban na nakaabang

Takot sa panlasa’y mawala

Baka sa isang iglap buhay na ang mawawala.


3. Magbasa ng tig-iisang halimbawa ng Epiko, Awit at Kurido at gawan ng pinakamaikling buod
ng mga ito. Isulat sa separadong papel.

Biag ni Lam-ang
(Epiko)

Si Biag ni Lam-ang ay nagmula sa HIlagang Luzon na pinakapopular na epiko.


Umiikot ang epikong bayan sa buhay ng Pangunahing tauhan na si lam ang. Mayroong
anak na si Don Juan at Namongan. Bago isinilang ni Namongan si Lam-ang, inutusan
ng kaniyang ina ang kanyang ama na si Don Juan na manguha ng mga kahoy. Ngunit
hindi na bumalik si Don Juan hanggang sa lumabas na sa Lam-ang. Pambihirang bata
si Lam-ang dahil kaya na iyang magsalita at may taglay siyang kakaibang lakas.
Itinanong ni Lam-ang kung nasaan ang kaniyang ama. Ngunit hindi niya namalayan na
lumusob na si Don Juan sa mga Igorot. Mayroong mga tribo na kung saan pinuntahan
sa Don Juan ng mga igorot at doon nag umpisa ang pagkawala ng bawat pangkat nila.
Nang napagka-alaman ni Lam-ang tungkol sa kanyang ama na si Don Juan ay
dali-dali itong pumunta sa grupo ng mga igorot na may halong galit at gusto
makipaghiganti sa nangyari. Ang kanyang ina na si Namongan ay pilit nitong pinipigilan
si Lam-ang sa pangkat ng mga igorot, lubos nitong nakita na nabihag ang kanyang ama
ng mga igorot. Nagkaharap sila at, nagkaroon ng mensahe ang mga igorot kay Lam-
ang na umuwi na para hindi na siya madamay sa sinapit ng kanyang ama. Ngunit sa
sobrang galit ay napsigaw ng malakas si Lam-ang at biglang nayanig ang lupa sa
lanyang malakas na sigaw.
Nagtalo-talo ang mga igorot at si lam-ang, hanggang san a galusan si Lam-ang
dahil sa mga sibat ng Igorot na hinahagis sa kanya. Nang, kinuha ni Lam-ang kanyang
mga sibat ay ditto nawalan ng mga pwersa ang mga igorot. At tuluyang umuwi si Lam-
ang sa kanila at nagpahinga. Bigla niyang sinuyo ang isang dalaga na si Ines
Kannoyan. Nagpaalam siya sa mga magulang nito at pumayag naman kaagad.
Mayroon lamang siyang mga dala kay Ines na alay kapantay sa kayamanan ni Ines.
Hindi sila bingo nio at nagdala ng dalawang barkong puno ng ginto at sa huli tuluyang
silang ikinasal.
Ibong Adarna
(Kurido)

Mayroong isang hari sa Berbanya na si Don Fernando, siya ay nagkarron ng malalang


sakit at mayroon siyang napanigipan ukol dito

Ayon sa isang medikong kanilang pinuntahan, ay tanging awitin lamang ng isang ibong
adarna ang lunas sa kanyang malubhang sakit.Nagtungo sa Bundok ng Tabor ang
panganay niyang anak na si Don Pedro sa kautusan ng hari upang hanapin ang isang
malaking puno ng piedras platas dahil dito dumadapo ang isang Ibong Adarna, ngunit
nabigo si Don Pedro sa pagkahuli dahil mistulang naging bato ito nang mapatakan ng
dumi ng ibon.Sumunod si Don Diego ang pinag-utusan, ngunit nabigo din ito at gumaya
siya kay Don Pedro at parehas silang sinapit. Ang huli niyang inutusan ay si Don Juan
ang kanyang pinakapaboritong anak. Sa kanyang paglalakbay patungo sa Bundok ng
tabor ay may nakita itong isang ermitanyo at siya ay tinulungan nito kaya nailigtas niya
ang kanyang kapatid na naging bato.

Nang sila ay pabalik na sa Berbanya ay binugbog ni Don Pedro at Don Diego si Don
Juan at iniwan itong nakalapag sa daan habang sila pauwi sa kanilang kaharian na dala
ang ibong adarna. Ang isang ermitanyo ay tinulungan niya muli si Don Juan na bumalik
sa Berbanya. Dahil sa sinapit ni Don Juan nagalit ang kanilang ama, ngunit pinatawad
din ng hari si Don Pedro at Don Juan bilang kahilingan ni Don Juan na patawarin. Dahil
sa angking ganda ay nawili ang hari sa ibon. Sa takot na mawala ang ibon ay inutusan
niya ang tatlong anak na magbantay. Doon ay sinundan naman siya ng kaniyang mga
kapatid. Natalo niya ang mga tagapag-bantay ng mga prinsesa katulad ng higante at
serpyente. Lahat sila ay nagtangkang bumaba ngunit si Don Juan lang ang
nakapagpatuloy hanggang sa pinakailalim na bahagi. Nang makarating sa baba ng
balon ay pintol ni Don Pedro ang lubid. Muling nagkita ang kaniyang alagang lobo upang
iligtas si Don Juan. Inutusan ng ibon na pumunta ang prinsipe sa Reyno delos Cristales.
Inabot siya ng isang buwan sa paglalakbay bago tuluyang makarating sa banyo.

At doon ay humarap siya sa mga ibat’-ibang pagsubok na Haring Salermo para


mapayagan na mapasakanya si Maria Blanca. Sa huling pagkakataon ay naisahan ng
hari si Don Juan. Tumakas si Maria Blanca at sumama kay Don Juan nang malaman
nito ang balak kay Don Juan. Nang makabalik na sa Berbanya tuluyang nakalimot si
don Juan at inibig ito si Prinsesa Leonora. Hindi naman matanggap ni Maria Blanca at
siya ay nagpanggap bilang emperatris na bisita sa araw ng kasal nina Don Juan at
Prinsesa Leonora.

Gumawa ito ng paraan upang ipaalala sa Prinsipe ang mga pagsubok na napagdaanan
at ang kanilang pag-iibigan nilang dalawa. Nangako ito na hindi na muli magtaksil. Don
Juan at Maria Blanca naman ang namuno sa Reyno Delos Cristales.
Salita at Buhay ni Mariang Alimango

(Awit)

Sa kaharian ng Hungary, nilunod ni Juan dela Costa ang kanyang asawang si Dalida
Catala matapos umibig sa masamang si Quicay. Nagpakasal sina Juan at Quicay, na labis na
ikinalungkot ni Maria, ang anak nina Juan at Dalida, dahil inaabuso siya ni Quicay at ginagawa
siyang gawaing bahay. Isang araw, habang kumukuha ng tubig si Maria sa balon, isang
dambuhalang alimango ang lumapit sa kanya, sinabi sa kanya na si Dalida iyon, at dapat tiisin
ni Maria ang kanyang kapalaran. Nakita ni Quicay si Maria na nakikipag-usap sa alimango at
gumawa ng plano na kailangan ni Maria na patayin ang alimango at lutuin ito. Sinabihan ni
Dalida si Maria na sundin ang utos, sa kondisyon na ang kanyang anak na babae ay dapat itabi
ang lahat ng mga basura at tanggihan ang mga piraso at ilibing ang mga ito sa tabi ng balon.
Mula sa mga ito, sabi ni Dalida, sa kalaunan ay sisibol ang isang engkantadong puno na
namumunga na magbibigay kay Maria ng anumang gusto niya.

Noong labing pitong taong gulang si Maria, ipinagdiwang ni Haring Enrico ang isang
tagumpay laban sa mga Turko sa isang misa. Dinaluhan ito ni Quicay at ng kanyang mga anak
na sina Serapia at Felisa ngunit naiwan si Maria na walang maisuot. Naalala ni Maria ang
pangako ng kanyang ina at mabilis siyang bumili ng mga damit, alahas, karwahe, at dalawang
alilang babae mula sa mga magic fruit. Dumalo siya sa misa at nakuha ang puso ni Haring
Enrico, ngunit iniwasan niya ito sa huling sandali, nag-iwan ng tsinelas bilang tanging
palatandaan niya sa kanyang pagkakakilanlan. Sa kalaunan ay nahanap muli siya ni Enrico sa
pamamagitan ng pagpapaalam sa bawat babae na subukan ang nag-iisang tsinelas hanggang
sa makakita siya ng tamang-tama. Pagkatapos ay pinakasalan ni Enrico si Maria, na sa
kanyang kabaitan ay hinayaan silang manirahan sa palasyo kasama sina Quicay, Serapia at
Felisa.

Isang araw, habang si Enrico ay wala sa pakikipaglaban sa mga Saracen, nanganak si


Maria ng triplets. Ninakaw ni Quicay ang mga sanggol at pinalitan sila ng tatlong tuta, na
humantong sa pagkakulong ni Maria. Pagkatapos ay iniwan ni Quicay ang mga sanggol upang
mamatay sa kagubatan, ngunit iniligtas sila ng pastol na si Urbino, na pinangalanan silang
Fernando, Pedro, at Francisco at pinalaki sila bilang kanyang sariling mga anak. Nang ang mga
prinsipe ay walong taong gulang, ang Hungary ay sinalakay ni Haring Miramon ng Africa, na
binihag si Enrico at ang lahat ng kanyang maharlika. Sina Urbino, Fernando, Pedro, at
Francisco ay humawak ng armas at palayain ang mga bihag. Nang makita ni Maria ang mga
lalaki, bumulwak ang gatas mula sa kanyang dibdib patungo sa kanilang mga bibig. Sa
pamamagitan ng tandang ito, nakilala nina Maria at Enrico ang kanilang mga anak, ngunit hindi
agad kumilos si Enrique sa pagtataksil ni Quicay, dahil muling sinalakay ng tumatakas na
Miramon ang Hungary kasama ang pinunong Turko na si Bajazet. Madaling natalo nina Enrico,
Fernando, Pedro, at Francisco ang kanilang mga kaaway. Nang matapos ang labanan, pinatay
si Quicay at ang kanyang mga anak na babae
4. Magsaliksik ng kahulugan ng Fliptop at Spoken Poetry at ilahad ang iyong sariling reaksyon
ukol sa mga ito bilang mga makabagong anyo ng panulaan. Isaad ang iyong pinagkunan ng
impormasyon.

Fliptop

Batay sa aking pagsasaliksik tungkol sa kahulugan ng fliptop, Ang Fliptop ay isang uri ng
rap na kung saan ito ay tampok na ngayon at ginagamit sa paraan ng tagisan ng talino at sa
pagsalita o sa tinatawag na “ Rap Battle”. Ang Fliptop ito ay maituturi ng makabagong
balagtasan ngayon dahil ito ay isang uri ng pakikipagtalastasan kung saan kayo ay
nagkakaroon ng debate tungkol sa usapin. Kapag tayo ay nakapanood at nakarinig ng mga
Fliptop na bidyo tayo ay na-eeganyo sa talakayan kahit wala itong pormal na paksa. Pero bilang
manonood tayo ay maaaliw sa kanilang diskusyon na kanilang pinagtatalunan. Tayo bilang
isang tao, bilang isang manonood pwede tayo magkaroon o makabuo ng Fliptop na tinatawag
kahit sa bahay dahil pwede itong gawin pampalipas na oras at para na din mahasa ang ating
mga utak sa mabilis na pag-iisip na pagdedebatehan. Ito ay nagbibigay ng kasiglahan at
pamapagana sa mga manonood sa ating industriya ngayon. Maraming sikat na mga artista ang
mga gumawa nito at sila ay nahasa hanggang sila ay nakilalang mahusay sa pag Fliptop
katulad nina; “Sinio, Loonie, Balakid at Zaito” iyan yung mga iilan sa Fliptop na kadalasan kung
nakikita at nariring sa mga bidyo. Dahil sa pag-unald at sa patuloy na pagbabago ng ating
industriya tayo ay sumasabay sa pagbabago ng ating wika. Pero kahit hindi pormal ang
talakayan sa pag Fliptop pero ito ay nagdudulot ng kabutihan para sa ating panitikan .

Pinagkunan: “RAP,RAP…WIKA NG FLIPTOP”


http://thetody.blogspt.com/2015/09/papanimulakaligiran-fliptop-ay-ating.html?m=1

Spoken Poetry

Ang Spoken word Poetry ay isang uri ng tula na kung saan ito ay may akda na kung
saan inilalahad ng may akda ang kanyang gawa. Ito ay tinatanghal sa mga paaralan at sa iba’t-
ibang paligsahan na mayroong kategorya nito. Ito ay isang kulturang popular na ngayon ay
umiiral na sa mga kabataan, hindi lamang ito tampok dito sa Pilipinas pati narin sa buong mundi
ay kilala ang salitang “Spoken Word Poetry”.Sa paggawa nito ang nilalaman ng tulang ito ay
mayroong saloobin na damdamin na kung saan nais niya ibahagi ang kanyang nararamdaman
at ipahayag. Sa pagbigkas ng spoken Poetry ito ay mayroong tono na sa bawat pagbigkas
bawat salita itoi ay may kalaliman na damdamin na bilang madla ikaw ay madadala sa emosyon
na nais ipahiwatig ng may akda. Sa pagsulat ng spoken poetry dapat ikaw ay may
pinaghuhugutan na inspirasyon at motibasyon sa paggawa dahil ito ang mas makakatulong
sayo bilang akda na mas lalo maganda ang pagkagawa ng tula at maging malikhain. Sa
pagbuo nito dapat ito ay binigyang diin sa bawat boses pataas man o pababa. Sa ngayon, ito
ay sikat na at kilala dahil sa makabagong teknolohiya na kumakalat at maraming Pilipino ang
tumangkilik ditto at patuloy na tinatangkilik hanggang sa ngayon. Ito ay isang uri ng
makabagong tula na Malaya at walang anumang istruktura ang pagsulat nito at ito ay kinupkop
at naging bahagi na sa mga kabataan ngayon sa kultura .

Pinagkunan: “Spoken Word Poetry Tungkol sa Wika Halimbawa At Kahulugan”


https://newspapers.ph/2021/10/spoken-word-poetry-tungkol-sa-wika-halimbawa-at-kahulugan/

You might also like