You are on page 1of 6

MTB-MLE

Quarter 3: Week 3
Learning Activity Sheet
Pangalan: ________________________Ikatlong Markahan-Ikatlong Linggo
Pangkat: _________________________Petsa: ______________________

SALITANG MAGKASINGKAHULUGAN, MAGKASALUNGAT AT


MAGKASINGTUNOG

I. PANIMULA
Ang mga salitang magkasingkahulugan ay mga salitang magkatulad ang kahulugan
o pareho ang ibig sabihin. Mahalagang malaman mo ang kahulugan ng isang salita upang
madaling maibigay ang kasingkahulugan nito. Napadadali rin nito ang paggamit sa
pangungusap, tula, mensahe na nais ipabatid sa mambabasa.

Halimbawa:

malikot magulo
mahirap dukha
pandak bansot
mataas matangkad
luntian berde
tahimik payapa
maluwang malapad
makitid masikip

Ang tawag sa pares ng salita na magkabaligtad ang kahulugan ay mga


salitang magkasalungat.

Halimbawa:
sarado bukas
marami kaunti
tulog gising
tama mali
mahal mura
mababaw malalim
gutom busog
Salitang magkasingtunog naman ang tawag sa mga salitang magkatunog
o magkapareho ang baybay at bigkas ngunit magkaiba ang kahulugan.

Halimbawa:
puno isang uri ng halaman
pu´no umaapaw sa dami
paso napaso sa mainit na bagay
pa´so isang uri ng bagay na pinaglalagyan ng halaman
mahal mataas na presyo
ma´hal isang emosyon na ipinapadama sa mga tao
gabi isang uri ng gulay
ga´bi madilim na bahagi ng mundo
talon anyong lupa
ta´lon lumundag

Kasanayang Pampagkatuto at Koda:


Identify and use synonyms, antonyms, homonyms
(when applicable) and words with multiple meanings correctly. (MT1VCD-
IIIa-i-3.1)

Pagsasanay 1-Panuto: Kulayan ng dilaw ang lobo kung ang pares ng salita ay
magkasingkahulugan.

1. mahinhin 2. mahina 3. marikit


mayumi malakas maganda

4. mabilis 5. mabango
matulin
masamyo
Pagsasanay 2- Panuto: Isulat sa patlang ang kasingkahulugan ng salitang
nakasalungguhit upang mabuo ang pangungusap.

1. Magiting si Jose Rizal. Siya ay ___________________.

a. matalino b. matapang c. mayaman

2. Palaki ng palaki ang bilang ng may sakit na COVID-19. Ang


___________________ na dulot nito ay nakamamatay.

a. salot b. sakuna c. pandemya

3. Mabagal tumakbo si Pilo. ___________________ din siya sa lahat


ng bagay.

a. Mabilis c. Mahina c. Makupad

4. Ang watawat ng Pilipinas ay sumasagisag sa ating kalayaan. Tuwing


Lunes, ang ating ___________________ ay itinataas.

a. perlas b. bandila c. hinirang

5. Maganda ang himig na kinakanta ni Sarah. Ang ___________


nito ay nakakaiyak.

a. kanta b. kumpas c. tono

Pagsasanay 3- Panuto: Basahin ang pangkat ng mga salita.


Bilugan ang salitang magkasingkahulugan sa bawat parihaba.

1. tama wasto mali

2. masaya maligaya malungkot

3. bughaw berde asul

4. tuwid diretso pahiga

5. hanapbuhay aksidente trabaho


Pagsasanay 4- Panuto: Pagtambalin ang larawang magkasalungat sa Hanay A
at Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

________ 1. A.

________ 2. B.

________ 3. C.

________ 4. D.

________ 5. E.
Pagsasanay 5- Panuto: Isulat sa patlang ang tamang kasalungat na salita sa
bawat bilang.

1. malambot 2. gabi 5. babae


__________________ ___________________ _________________

4. puti 5. magaan
___________________ ___________________

Pagsasanay 6- Panuto: Lagyan ng MK ang patlang kung ang pares ng mga


salita ay magkasingkahulugan at lagyan ng MS kung ito ay magkasalungat.

______ 1. marunong - matalino

______ 2. berde - luntian

______ 3. una - dulo

______ 4. malalim - mababaw

______5. mahirap – dukha

You might also like