You are on page 1of 4

CRISTINE S.

AVILES Abril 14, 2016


Bachelor of Elementary Education

Banghay Aralin sa Filipino (Wika)


Antas ng Pang-Uri

I. Mga Layunin:

a. Nasusuri ang pang-uri sa paglalarawan ng tao at bagay.


b. Nagagamit ang iba’t ibang antas ng pang-uri sa paglalarawan ng tao at bagay.
Pagsasanib sa Pagbasa
- Nakapagbibigay ng sariling palagay o kuro-kuro tungkol sa maaaring kalabasan kung:

a. May pagbabago o pangyayari sa kwento.


b. May pagbabago sa pananaw ng tauhan sa kwento.

II. Paksang Aralin:

A. Paksa: Antas ng Pang-Uri


Pamagat ng Kuwento: Birong-Pinoy
B. Sanggunian: Batayang Aklat sa Hiyas sa Wika V, pahina 112-114
C. Saloobin: Pagbibigayan at Mapagkumbaba
D. Kagamitan: larawan ng iba’t ibang bagay, totoong bagay, aklat at tsart

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain
Kahapon klas, napag-aralan natin ang tungkol sa Pang-Uri. Ano nga ba ang Pang-Uri? Sinong
makapagbibigay ng halimbawa ng pang-uri at gamitin ito sa pangungusap?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Magbubunot ng isa-isa ang limang bata ng pang-uri at gamitin ito sa pangungusap. (Gamit ang
papel).

1. mainit 6. malinis
2. matamis 7. matalino
3. maganda 8. mapagbigay
4. masipag 9. mabagal
5. makulay 10. Malakas

- Ano ang tawag natin sa mga salitang ginamit ninyo sa pangungusap?

2. Paglalahad

a. Klas, bago natin talakayin ang bago nating aralin, basahin muna natin ang kwentong
pinamagatang “Birong-Pinoy”.
b. Pamantayan sa Pagbasa
- Ano ang mg dapat nating tandaan na mga pamantayan sa pagbasa?
c. Pagbabasa ng mga tanong sa kwento.
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Sino ang may pinakabagong bisikleta?
3. Kanino ibinigay ang lumang bisikleta? Kanino ito nanggaling?
4. Sa tingin ninyo, anong kaugalian meron si Edong? Dapat ba natin siyang pamarisan?
5. Anong aral ang pwede nating mapulot sa kwento?
3. Pagtatalakay

Pag-aralan natin ang nasa tsart.

Pangngalan Lantay ng Pahambing Pahambing Pasukdol

1. kaibigan gwapo mas gwapo pinakagwapo


2. bisikleta bago higit na bago napakabago
3. kamote malalaki, maliliit kasinlaki, kasinliit ubod ng laki, napakaliit

Mayroon tayong tatlong antas ng Pang-uri. Ito ay ang Lantay, Pahambing, at Pasukdol.

1. Lantay – tumutukoy ito sa iisang katangian ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa:
1. Maganda ang buwan.
2. Malawak ang lupain ng aming tatay.

2. Pahambing – ito ay naghahambing sa mga katangian ng dalawang tao, bagay, o pangyayari. Dito
gumagamit tayo ng panlaping magkasing, mas o higit.

Halimbawa:
1. Higit na maganda ang aking nanay kaysa sa aking ate.
2. Mas matangkad si Emy kaysa kay Michelle.

3. Pasukdol – ito ay naghahambing sa mga katangian ng tatlo o higit pang tao, bagay o pangyayari.

Halimbawa:
1. Si Nemy ang pinakamagaling sa lahat ng magkakapatid.
2. Si Lorna ang napakagaling umawit sa kanilang tatlo nina Kenna at Jerick.

4. Paglalahat

1. Ano ang Pang-uri?


2. Anu-ano ang mga antas ng pang-uri? Magbigay ng pangungusap sa bawat antas ng pang-uri
at sabihin ang mga salitang ginamit dito.

5. Paglalapat

Panuto: Sabihin ang mga nawawalang salita sa bawat patlang ng kaantasan ng pang-uri.

A. Lantay Pahambing Pasukdol


1. matamis ___________ _____________
2. _______ mas mabango _____________
3. _______ ___________ pinakamayaman
4. malayo ___________ _____________
5. _______ ___________ pinakamasaya
6. _______ mas mabigat _____________
7. _______ mas maliit _____________
8. mainit ___________ _____________
9. malakas ___________ _____________
10. ______ mas maingay _____________

B. Gumawa ng pangungusap sa tatlong antas ng pang-uri gamit ang mga larawan at totoong bagay.

IV. Pagtataya

Panuto: Bilugan ang ginamit na pang-uri sa bawat pangungusap at isulat sa patlang kung antas ng pang-
uri ito.
_____________ 1. Matamis ang manggang bigay sa akin.
_____________ 2. Malaki ng nakuha niyang tinapay.
_____________ 3. Pinakamarunong siya sa klase.
_____________ 4. Higit na masinop si Edna kysa kay Emy.
_____________ 5. Magkasingluwag ang damit nating dalawa.
_____________ 6. Magkasintaas kami ng aking kaibigan.
_____________ 7. Higit na masaya ang buhay sa bukid kaysa sa lungsod.
_____________ 8. Mas marunong si Alfredo kaysa kay Renato.
_____________ 9. Masipag sa gawaing bahay ang kapatid ko.
_____________ 10. Magaling ang aking kapatid na umawit.

V. Takdang Aralin:
Pumili ng tatlong pang-uri at gamitin ang mga ito sa pangngusap gamit ang tatlong antas ng
pang-uri.

Inihanda ni:

CRISTINE S. AVILES
Applicant

Pangalan: _____________________________ Petsa: ____________

Panuto: Bilugan ang ginamit na pang-uri sa bawat pangungusap at isulat sa patlang kung antas ng pang-
uri ito.

_____________ 1. Matamis ang manggang bigay sa akin.


_____________ 2. Malaki ng nakuha niyang tinapay.
_____________ 3. Pinakamarunong siya sa klase.
_____________ 4. Higit na masinop si Edna kysa kay Emy.
_____________ 5. Magkasingluwag ang damit nating dalawa.
_____________ 6. Magkasintaas kami ng aking kaibigan.
_____________ 7. Higit na masaya ang buhay sa bukid kaysa sa lungsod.
_____________ 8. Mas marunong si Alfredo kaysa kay Renato.
_____________ 9. Masipag sa gawaing bahay ang kapatid ko.
_____________ 10. Magaling ang aking kapatid na umawit.
Panuto: Bilugan ang ginamit na pang-uri sa bawat pangungusap at isulat sa patlang kung antas ng pang-
uri ito.

_____________ 1. Matamis ang manggang bigay sa akin.


_____________ 2. Malaki ng nakuha niyang tinapay.
_____________ 3. Pinakamarunong siya sa klase.
_____________ 4. Higit na masinop si Edna kysa kay Emy.
_____________ 5. Magkasingluwag ang damit nating dalawa.
_____________ 6. Magkasintaas kami ng aking kaibigan.
_____________ 7. Higit na masaya ang buhay sa bukid kaysa sa lungsod.
_____________ 8. Mas marunong si Alfredo kaysa kay Renato.
_____________ 9. Masipag sa gawaing bahay ang kapatid ko.
_____________ 10. Magaling ang aking kapatid na umawit.

Panuto: Bilugan ang ginamit na pang-uri sa bawat pangungusap at isulat sa patlang kung antas ng pang-
uri ito.

_____________ 1. Matamis ang manggang bigay sa akin.


_____________ 2. Malaki ng nakuha niyang tinapay.
_____________ 3. Pinakamarunong siya sa klase.
_____________ 4. Higit na masinop si Edna kysa kay Emy.
_____________ 5. Magkasingluwag ang damit nating dalawa.
_____________ 6. Magkasintaas kami ng aking kaibigan.
_____________ 7. Higit na masaya ang buhay sa bukid kaysa sa lungsod.
_____________ 8. Mas marunong si Alfredo kaysa kay Renato.
_____________ 9. Masipag sa gawaing bahay ang kapatid ko.
_____________ 10. Magaling ang aking kapatid na umawit.

You might also like