You are on page 1of 7

KAANTASAN NG PANG-URI

Inihanda ni: Bb. Nishia D. Roque


ILARAWAN MO

Umisip ng isang salitang naglalarawan na sa iyong palagay ay


sumisimbolo sa nakaraang taon mo.
PANG-URI

• Ang pang-uri ay bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa


pangangalan o panghalip.
• Naririto ang iba’t ibang kaantasan ng pang-uri:
KAANTASAN NG PANG-URI

LANTAY ang anyo ng pang-uri kung ito ay naglalarawan lamang sa iisang


pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Malaki ang responsibilidad ng mga magulang sa pagpapalaki ng mga anak.
KAANTASAN NG PANG-URI

PAHAMBING ang pang-uri kung ito ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang


pangngalan o panghalip. May dalawang uri ng pahambing:
Pahambing na Pasahol o Palamang- Nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na
katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit
ito ng mga katagang higit, mas, lalong, di gaano, di gasino at iba pa.
Halimbawa:
Mas mahirap ang hamon sa mga magulang ngayon kaysa noon.
KAANTASAN NG PANG-URI

Pahambing na Patulad- Nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na katangian


ng dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng
panlaping tulad ng sing/sin/sim, magsing, kasing o ng mga salitang kapwa o
pareho.
Halimbawa:
Ang telebisyon at Internet ay parehong masama kapag nasobrahan.
KAANTASAN NG PANG-URI

PASUKDOL ang pang-uri kung ito ay nagpapakita ng pinakamatindi o pinakasukdulang katangian


sa paghahambing ng higit sa dalawang pangngalan o panghalip. Gumagamit ng mga pariralang
pinaka-, napaka- pagka- kasunod ng pag-uulit ng salitang ugat o ng mga salitang katulad ng ubod
ng, hari ng, sakdal, sobra.
Halimbawa:
Pinakamalaking hamon sa lahat ang magpalaki ng mabubuti at magagandang asal na mga anak sa
panahong nagkalat ang masasamang impuwensiya sa lipunan.

You might also like