You are on page 1of 19

Ang pang-uri ay bahagi

ng pananalitang
naglalarawan o
nagbibigay-turing sa
pangngalan o panghalip.
KAANTASAN
NG
PANG-URI
1. Lantay ang anyo ng
pang-uri kung ito ay
naglalarawan lamang ng
iisang pangngalan o
panghalip.
Halimbawa:
 Malaki ang responsibilidad
ng mga magulang sa
pagpapalaki ng mga anak.
 Mahirap ang tungkulin ito.
2. Pahambing ang pang-
uring ito ay
naghahambing o
nagtutulad ng dalawang
pangngalan o panghalip.
Dalawang Uri
Ng
pahambing
A. Pahambing na pasahol o palamang
– ito ay nagsasaad ng nakahihigit o
nakakalamang ng katangian sa isa sa
dalawang pangngalan o panghalip na
pinaghahambing. Gumagamit ito ng
mga katagang lugit,mas,lalong,di
gaano,at iba pa.
Halimbawa:
 Mas mahirap ang hamon sa mga
magulang ngayon kaysa noon.
 Mas mabuti pa rin ang pagbabasa
ng aklat kaysa pagbababad sa
harap ng internet.
B. Pahambing na patulad- ito ay
nagsasaad o magkapantay na
katangian ng dalawang pangngalan o
panghalip na pinaghahambing.
Gumagamit ito ng mga panlaping tulad
ng sing/sin/sim,kasing o ng mga
salitang kapwa,pareho.
Halimbawa:
 Ang telebisyon at internet ay
parehong masama kapag
nasobrahan.
 Ang impluwensiyang dulot ng mga
ito sa isipan ay magsindami.
3. Pasukdol ang pang-uri kung ito ay
nagpapakita ng pinakamatindi o
pinakasukdulang katangian sa
paghahambing ng higit sa dalawang
pangangalan o panghalip. Gumagamit
ito ng salitang ubod ng, hari ng,
sakdal,sobra.
Halimbawa:
 Ang pinakamalaking hamon para sa
lahat ng magulang ay kung paano
mapapalaki nang mabuti at may
magagandang asal ang mga anak sa
panahong nagkalat ang
masasamang impluwensiya sa
lipunan.
SUBUKAN
NATIN!!!
SUBUKAN
NATIN!!!
Panuto: tukuyin kong anong antas ng panguri ang ginamit sa
mga nakasalungguhit na salita..
1. Walang kasinghusay ang batang sumayaw ng Bayle.
PAHAMBING NA PATULAD
2. Tahimik ang lungsod ng Davao. LANTAY
3. Kapwa magagarang kotse ang natanggap ng mag-asawa
mula sa kompanya. PAHAMBING NA PATULAD
4. Lalong makipot ang mga pook ng Villa Berde kaysa Villa
Catalina. PAHAMBING NA PASAHOL O PALAMANG
5. Lalong magalang ang estudyante noon kaysa ngayon.
PAHAMBING NA PASAHOL O PALAMANG
6. Walang kapantay ang pagmamahal ng mga magulang.
LANTAY
7. Simputi ng labanos ang kanyang kutis.
PAHAMBING NA PATULAD
8. Kalakas-lakasan na ang ginawang pagbuhat niya sa
dumpbell. LANTAY
9.Gabundok na labada ang nilabhan ng nanay. LANTAY
10. Di-gasinong nakapag-aral si Judith tulad ni Maria.
PAHAMBING NA PASAHOL O PALAMANG

You might also like