You are on page 1of 40

ARALIN 14

Gramatikang Filipino

null

ARALIN-14.pptx Page 1 of 40
Gramatika o balarila, ang agham sa paggamit
ng salita at ang kanilang pagkakaugnay-ugnay
at ang mga bahagi at tungkulin ng mga salita sa
isang pangungusap ay isinisaalang-alang nito.

null

ARALIN-14.pptx Page 2 of 40
Kalapit din sa gramatika ang kawastuhan ng
pangungusap na gagamitin, pasulat man o
pasalita na kinakailangang umayon sa tamang
gramatikal istruktyur: ang kaayusan o sintaks,
kahulugan o organisasyon o pagkabuo at
maging ang panahunan ng mga salita
(Bendalan, 2013).

null

ARALIN-14.pptx Page 3 of 40
1. Pagpili ng angkop na salita

Nakasalalay sa salitang gagamitin ang malinaw na


pagpapahayag. Dapat tandaan ang kahalagahan ng
paggamit ng angkop na salita sa isang pahayag dahil may
mga salitang kahit tama ang kahulugan ay hindi naman
ang mga ito angkop na gamitin.

null

ARALIN-14.pptx Page 4 of 40
1.Pagpili ng angkop na salita
Tingnan at suriin ang sumusunod na halimbawa:

A. (Mali) Alam mo, bagay na bagay kay Cindy ang


kanyang makipot na bunganga.

B. (Tama) Alam mo, bagay na bagay kay Cindy ang


kanyang makipot na bibig.

C. (Mali) Maarte sa mga laruan ang bunsong anak ni


Aling Mercedes.

D. (Tama) Mapili sa mga laruan ang bunsong anak ni


Aling Mercedes.

null

ARALIN-14.pptx Page 5 of 40
1.Pagpili ng angkop na salita

Sa ating wika, may mga salitang pare-pareho ang


kahulugan subalit may kani- kaniyang gamit sa pahayag
(Bernales et al., 2012):

Halimbawa:

bundok, tumpok, pumpon, tambak


kawangis, kahawig, kamukha
sabayan, samahan, saliwan, lahukan
daanan, pasadahan
aalis, yayao, lilisan

null

ARALIN-14.pptx Page 6 of 40
1.Pagpili ng angkop na salita

May mga pagkakataon din na kinakailangang gumamit


ng eupemismo o paglulumanay sa isang pahayag kahit
na may mga tuwirang salita naman para rito (Bernales et
al., 2012):

Halimbawa:

pinagsamantalahan sa halip ng ginahasa


namayapa sa halip ng namatay
palikuran sa halip ng kubeta

null

ARALIN-14.pptx Page 7 of 40

2. Mga Uri ng Salitang Ginagamit sa Pagpapahayag


(Montera et al., 2012)

null

ARALIN-14.pptx Page 8 of 40
2. Mga Uri ng Salitang Ginagamit sa Pagpapahayag

A. Likas- mga salitang katutubo


Halimbawa: isda, gulay, aklat, bituin, bato, mata, kahoy,
pagkain, pera, langit

B. Likha- mga inimbentong salita bunga ng pangangailangan ng


mga mamamayan sa kanilang pakikipagtalastasan
Halimbawa: telebabad, tapsilog, kapuso, kapamilya, lobat,
pabebe,

1. Pabebe- isang pang-uri na ang ibig sabhin ay umarteng


parang baby o magpa-baby o magpa-cute.

null

ARALIN-14.pptx Page 9 of 40
C. Hiram/Hango- mga salitang buhat sa ibang wika

Halimbawa:
hayskul, lektyur, brodkast, dyip, bintana, basketbol, orkestra,
epektibo, drayber, iskor, ekspert

null

ARALIN-14.pptx Page 10 of 40
3. Ang tamang pagbigkas ng Salita Gamit
ang diin

null

ARALIN-14.pptx Page 11 of 40
3. Ang tamang pagbigkas ng Salita Gamit ang
diin
Narito ang halimbawa sa isang komersyal (Batnag et al.,
2011):

Lalaki: Tayo na ba?


Babae: Tayo na. (At tumayo ang babae)

Ang ibig sabihin ng lalaki ay: Magkasintahan na ba tayo? o Girlfriend


na ba kita? Ang tayo (ikaw at ako) ay mabagal ang bigkas at walang
impit na tunog. Ang posible sanang sagot ng babae ay “oo” o “hindi”,
ngunit inulit niya ito gamit ang ibang diin—ang salitang tayo na may
impit na tunog sa dulo.

null

ARALIN-14.pptx Page 12 of 40
3. Ang tamang pagbigkas ng Salita Gamit ang
diin
Apat na Uri ng salita ayon sa diin:

A. Malumay- Halimbawa: tao, tatay, lalaki, magulang, ilaw

B. Malumi- Halimbawa: hati, bata, diwa, dila

C. Mabilis- Halimbawa: takbo, bulaklak, batas, tatak,

D. Maragsa-Halimbawa: dugo, yugto, salita, dukha

null

ARALIN-14.pptx Page 13 of 40
3. Ang tamang pagbigkas ng Salita Gamit ang
diin

null

ARALIN-14.pptx Page 14 of 40
3. Ang tamang pagbigkas ng Salita Gamit ang
diin

null

ARALIN-14.pptx Page 15 of 40
3. Ang tamang pagbigkas ng Salita Gamit ang
diin

Ang mga marka sa itaas ng mga patinig sa nabanggit na mga


halimbawa ay tinatawag na tuldik. Bagama't hindi na
gaanong ginagamit ngayon, ipinakikita ng mga ito kung
paano bibigkasin ang isang salita.

Tandaan: walang tuldik ang malumay na salita, paiwa ang


tawag sa tuldik ng mga salitang malumi, pakupya ang sa mga
salitang maragsa, at pahilis naman sa mga salitang mabilis.

null

ARALIN-14.pptx Page 16 of 40
3. Ang tamang pagbigkas ng Salita Gamit ang
diin
Upang makaiwas sa kalituhan, mahalaga ring matutuhan ang
angkop na pagbigkas ng mga salita ayon sa diin (Batnag et al., 2011):

Tingnan ang halimbawa ng diyalogo sa ibaba:


Hukom: Ikaw ba ang pumatay?
Nakasakdal: Hindi po ako si Teryo.

Kung susuriin mo nang mabuti, walang kaugnayan sa isa't isa ang


palitan ng mga pangungusap ng hukom at nakasakdal, dahil may
pagkakamali sa bigkas o pagsulat. Ganito dapat ang sinabi ng
nasasakdal: “Hindi po ako, si Teryo.” Ang kuwit (comma) ay
nagpapakita ng ng sandaling tigil pagkatapos ng salitang “ako” na ang
ibig sabihin ay hindi siya (nasakdal) ang pumatay kundi si Teryo.

null

ARALIN-14.pptx Page 17 of 40
3. Ang tamang pagbigkas ng Salita Gamit ang
diin

Isa pang halimbawa: (Batnag et al., 2011).


Myra: Bakit hindi mo sa akin sinabi?
Dolly: Bakit hindi mo sinabi sa akin?

May sinabi si Dolly sa ibang tao na dapat ay kay Myra niya sinabi.
Mayroon namang hindi sinabi si Myra kay Dolly. Ito ang ipinagtampo ni
Myra kay Dolly: siya ang dapat na nakaalam ng sinabi ni Dolly sa ibang
tao. Samantala, ang pangungusap ni Dolly ay nagtatanong naman kung
bakit may inilihim si Myra, o bakit hindi sinabi sa kanya ang dapat sana'y
sinabi ni Myra. Pareho ang mga salitang bumuo sa pangungusap ng
dalawang nag-uusap ngunit naiba ng puwesto ang pariralang “sa akin”.
Ang pagkakaibang iyon ng puwesto ng isang maikling parirala ay
nagpabago sa kahulugan ng dalawang pangungusap.

null

ARALIN-14.pptx Page 18 of 40
4. Pagsusunud-sunod Ng Mga Sangkap Ng
Pangungusap

null

ARALIN-14.pptx Page 19 of 40
Ang Ayos ng Pangungusap
1. Karaniwan
2. Di karaniwan
Mga di-Ganap na Pangungusap
1. Eksistensyal 7. Pulmolaryong panlipunan
2. Paghanga 8. Pagpapalam
3. Matinding damdamin 9. Pampook
4. Nagsasaad ng Panahon
5. Pagtawag
6. Pagbati

null

ARALIN-14.pptx Page 20 of 40
Uri ng pangungusap ayon sa gamit
1. Pasalaysay o Paturol
2.Pautos/ Pakiusap
3. Patanong
4. Padamdam
Ang mga pangatnig
Conjunction sa Ingles ang pangatnig. Ito ay
mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang
salita, parirala, o sugnay na pinagsunus-sunod
sa pangungusap.

null

ARALIN-14.pptx Page 21 of 40
Mga Cohesive Devices
Cohesive devices ang tawag sa mga
salita at pariralang nag-uugnay sa mga
salita, parirala, at sugnay sa loob ng
pangungusap sa loob ng talata at ng mga
talata sa loob ng komposisyon.
mga halimbawa
taliwas sa, taliwas sa mga, batay sa,
bukod dito, alinsunod sa at marami pa.

null

ARALIN-14.pptx Page 22 of 40
Ang Gamit ng mga Cohesive Devices
1. pagpapahayag ng pagdaragdag
2. pagpapahayag ng kabawasan
3. pagpapahayag ng dahilan-resulta ng isang
pangyayari o kaganapan
4. pagpapahayag ng kondisyon
5. pagpapahayag ng taliwasan,salungatan o
contrast
6. pagpapahayag ng pananaw o punto de bista
7. pagpapahayag ng pagsang-ayon, di-
pagsang-ayon at di-ganap na pagsang-ayon

ARALIN-14.pptx Page 23 of 40
8. pagpapahayag ng probabilidad ,
kakayahan, o panindigan
9. pagpapahayag ng pagbabago ng paksa
o tagpuan
10. pagpapahayag ng pagbibigay-linaw
sa isang ideya, pagbubuod at paglalahat
11. Pagpapahayag ng halimbawa
12. pagpapahayag ng pagpapatunay

ARALIN-14.pptx Page 24 of 40
13. pagpapahayag ng kabaligtaran
14. pagpapahayag ng pagsusunuran ng
kalagayan o pangyayari
15. pagpapahayag ng uugnayan ng mga
pangungusap o talata
16. pagpapahayag ng sabay na kalagayan
o pangyayari

ARALIN-14.pptx Page 25 of 40
Kohesyong Gramatikal
Dalawa ang Kohesyong Gramatikal
1. Anapora
2. Katapora
Mga Uri ng Pangatnig
1. Nag-uugnay ng magkatimbang na yunit
2. Nag-uugnay ng di-magkatimbang na yunit

ARALIN-14.pptx Page 26 of 40
Mga Uri ng Pangatnig
1. Nag-uugnay ng magkatimbang na yunit
b. Pamukod
c. Panalungat o paninsay
2. Nag-uugnay ng di-magkatimbang na yunit
a. Panubali
b. Pananhi
c. Panlinaw

ARALIN-14.pptx Page 27 of 40
Mga Uri ng sugnay
1. Sugnay na makakapag-iisa
2. Sugnay na di-makakapag-iisa
Uri ng pangungusap ayon sa kayarian
1. Payak
2. Tambalan
3. Hugnayan
4. Langkapan

ARALIN-14.pptx Page 28 of 40
Pagbuo ng Pangungusap
1. Dapat nagkakaisa ang mga aspekto ng pandiwa
sa pangungusap.
2. Huwag pasamahin sa pangungusap ang hindi
magkakaugnay na kaisipan.
3. Tiyakin ang timbang na ideya at paralelismo sa
loob ng pangungusap.
4. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang
pangunahing sugnay at ang panulong sugnay.

ARALIN-14.pptx Page 29 of 40
5. Gamitin ang tinig na balintayak ng pandiwa
kapag ang simuno ng pangungusap ay hindi
siyang gumagawa ng kilos.
6. Huwag ilayo ang salitang panuring sa
tinuturingang salita.
7. Sa Filipino, nauuna ang panaguri kaysa
simuno sa karaniwang ayos ng pangungusap.
8. Iwasan ang pagsama-sama ng maraming
kaisipan sa isang pangungusap.

ARALIN-14.pptx Page 30 of 40
Mga Bahagi ng Pananalita
1. Pangngalan – panawag ito sa ngalan
ng tao, hayop, bagay, pook at
pangyayari.
Mga Uri ng Pangalan:
a. Pantangi - specific
b. Pambalana – generalize

ARALIN-14.pptx Page 31 of 40
Kailanan ng Pangalan
a. Isahan
b. Dalawahan
c. Maramihan
Kasarian ng Pangngalan
a. Panlalaki
b. Pambabae
c. Di-tiyak
d. Walang kasarian

ARALIN-14.pptx Page 32 of 40
Kalikasan ng Pangngalan
a. Likas
b. Likha
c. Ligaw
Kayarian o Anyo ng Pangngalan
a. Payak
b. Maylapi
c. Inuulit
d. Tambalan

ARALIN-14.pptx Page 33 of 40
2. Panghalip – salitang panghalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop,
pook at pangyayari.
Mga Uri ng Panghalip
a. Panao
Unang panauhan
Ikalawang Panauhan
Ikatlong Panauhan
b. Pamatlig
c. Pananong
d. Panaklaw

ARALIN-14.pptx Page 34 of 40
3. Pandiwa – nagsasaad ng kilos o galaw ng
lipon ng salita sa mga pangungusap
Mga Aspekto ng Pandiwa
a. Perpektibo
b. Imperprktibo
c. Panaklaw

ARALIN-14.pptx Page 35 of 40
Mga Pokus ng Pandiwa
a. Aktor Pokus
b. Gol Pokus
c. Benepaktib Pokus
d. Direksyunal Pokus
e. Lokatib Pokus
f. Kawasatib Pokus
g. Instrumental Pokus
h. Resiprokal Pokus

ARALIN-14.pptx Page 36 of 40
Mga Tinig ng Pandiwa
a. Tukuyan
b. Balintayak
4. Pang-uri
Ito ang mga salitang nagpapahayag ng
katangian o mga salitang naglalarawan

ARALIN-14.pptx Page 37 of 40
Kaantasan ng Pang-uri
a. Lantay
b. Pahambing
c. Pasukdol
Mga Pang-uring Pamilang
a. Patakaran/Kardinal
b. Panunuran/Ordinal
c. Pamahagi/Fraksyunal
d. Patakda

ARALIN-14.pptx Page 38 of 40
5. Pang-abay
bahagi ng pananalita na nagbibigay turing sa
pandiwa, sa pang-uri o kapwa pang-abay.
Mga Uri ng Pang-abay
a. Pamanahon
b. Panlunan
c. Panggaano
d. Pamaraan

ARALIN-14.pptx Page 39 of 40
e. Pang-agam
f. Panang-ayon
g. Pananggi
h. Panulad
i. Panunuran
j. Pamitagan
k. Pananong
l. Panturing

ARALIN-14.pptx Page 40 of 40

You might also like