You are on page 1of 19

Cohesive Devices

Pumunta ako sa Maynila na kung saan ang Maynila ang


kabisera ng Pilipinas. Nadatnan ko si Diego sa Quiapo Church.
Pagkatapos magdasal si Diego ay nakita na ako sa labas ni
Diego.Nilibot namin ang Luneta. Ang Luneta ay lugar na kung
saan naganap ang pagkamartir ni Rizal. Nilibot namin ang
Intramuros gamit ang kabayo.Pero ang kabayo ay napagod
kaya pinainom muna ang kabayo.Higit sa lahat, nakita na
namin ang Fort Santiago. Ang Fort Santigo ay isang
makasaysayang pook sa Maynila.
Sagutan:

1. Malinaw at maayos ba ang daloy ng konteksto? Ipaliwanag.


2. Ano ano ang napansin mo sa pagkakabuo ng konteksto?
3. Kung ikaw ang sumulat ng kontekstong ito, paano mo ito
isusulat ng malinaw at maayos ang kaisipan?
Cohesive Device

• Ito ay mga salitang ginagamit upang maging maayos


at malinaw ang daloy ng kuwento, pahayag at gamit
sa pangungusap ng may pagkakaugnayan.
Gamit ng Cohesive Device
• Kung ang mga pangungusap, idea, at detalye ay malinaw na
nagkakaugnay sa isang konteksto, madali na itong
maunawaan ng mambabasa. Malaking tulong ang tamang
paggamit ng mga cohesive devices para makabuo ng
makabuluhang teksto. Kung ang isinulat ng awtor ay malinaw
na naunawaan at naisabuhay ng mambabasa,
nangangahulugang nagtagumpay ang awtor sa kaniyang
isinulat.
• Reperensiya (Reference) Ito ang paggamit ng mga salitang
maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-
uusapan sa pangungusap. Tinutukoy nito ang anapora at
katapora.
Anapora- kapag ang panghalip ay nasa hulihan ng
pangungusap.
Katapora- kapag ang panghalip ay nasa unahan ng
pangungusap.
• Substitusyon-Paggamit ng ibang salitang ipinapalit sa halip
na muling ulitin ang salita.
Hal :
Bumigay na ang aking laptop kaya bumili ako ng bago.
Ang salitang laptop ay napalitan ng bago.
• Elipsis- May ibinabawas na bahagi ng pangungusap subalit
inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa
mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang
naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng
nawalang salita.
Hal:
Nagpunta si Nadine sa mall at namili si Nadine sa mall.
Nagpunta si Nadine sa mall at namili.
• Pang-ugnay- Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng “at” sa
pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at
pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito, higit na
nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa
pagitan ng mga pinag-uugnay.

• Kohesyong Leksikal- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto


upang magkaroon ito ng kohesyon. May dalawang uri ito.
1. Reiterasyon kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses.
a. Pag-uulit o repetisyon
Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga
batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lamang.
b. Pag-iisa-isa
Nagtanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay
talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.
c. Pagbibigay Kahulugan
Marami sa mga batang mangagawa ay nagmula sa mga
pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naisasantabi
kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
2. Kolokasyon- mga salitang magkapareha o magkasalungat.
• nanay-tatay
• hilaga-timog
• puti-itim
• maliit-Malaki
• dukha-mahirap
Wastong gamit ng Cohesive Devices
1. Pagpapahayag ng pagdaragdag
Halimbawa: ganoon din , gayundin , saka , bilang
karagdagan , dagdag pa rito
2. Pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuan
Halimbawa: maliban sa , sa mga , ka, kina , bukod sa , sa
mga , kay, kina
3. Dahilan o resulta ng kaganapan o pangyayari
Halimbawa: kaya , kaya naman , dahil , dahil sa , sa mga ,
kay , kina, sapagkat, dahil dito , bunga nito
4. Kondisyon , bunga , o kinalabasan
Halimbawa: sana , kung , kapag , sa sandaling , basta
5. Taliwas o salungat
Halimbawa: pero , ngunit , sa halip , kahit ( na )
6. Pagsang-ayon ,o di pagsang-ayon
Halimbawa: kung gayon, kung ganoon , dahil dio ,
samakatwid, kung kaya
7. Pananaw
Halimbawa: ayon sa , sa mga , kay , kina, para sa , mula
sa pananaw , sa paningin ng , ng mga , alinsunod sa
8. Probabilidad , sapantaha , paninindigan
Halimbawa: maaari , puwede , possible , marahil , siguro,
tiyak
9. Pagbabago ng paksa o tagpuan
Halimbawa: gayunman , ganoon pa man , sa kabilang
dako, banda, sa isang banda, samantala
10. Pagbibigay – linaw sa isang ideya
Halimbawa: sa madaling salita, sabi , bilang paglilinaw,
kung gayon, samakuwid, kaya, bilang pagwawakas, bilang
kongklusyon
Tukuyin kung ang sumusunod na panghalip na tinutukoy ay ANAPORA
o KATAPORA.
Tukuyin kung substitusyon, elipsis, pang-ugnay o leksikal ang ginamit na
cohesive devices sa mga sumusunod. Gawing gabay ang mga salitang
nakasulat nang madiin (bold) at isulat sa patlang ang sagot.

You might also like