You are on page 1of 2

Mga Bahagi ng Pananalita

1. Pangngalan/NOUN
Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay, hayop, pangyayari, o ideya.
Mga Halimbawa:
 Tatay, Andres Bonifacio, Confucius
 Aso, manok, agila
 Libro, lapis, papel
 Bansa, lungsod, Thailand, Makati

2. Panghalip/PRONOUN
Ang panghalip ay ginagamit panghalili sa pangngalan upang hindi ito uulit-ulitin sa isang pangungusap o
taludtud.
Mga Halimbawa:
Ako, ikaw, siya, tayo, kami, sila, kayo, sina at iba pa.
- Ako ay magaling kumanta.
- Ikaw ay marunong sumayaw.
- Tayo ay pupunta sa palengke.
3. Pandiwa/VERB
Ang pandiwa or salitang-kilos ay tumutukoy sa aksyon ng simuno sa pangungusap.
Mga Halimbawa:
 Kumakain
 Naglaba
 Tumalon
 Kumanta
 Umalis

4. Pangatnig/CONJUNCTION
Ang pangatnig ay ginagamit pang-ugnay sa isang salita o lipon ng mga salita sa isang pangungusap.
Mga Halimbawa:
 Ngunit
 Naging malinis ang Barangay Bancasi dahil sa pagtutulungan ng mga mamamayan.  
 At
 Kailangan nating tulungan si kapitan upang maaayos ang barangay.  
 Subalit
Si Nena ay ginugulo ng kaniyang kapatid habang nag aaral subalit hindi siya nagpatinag at
 Upang
patuloy siyang nag aral.
 Dahil

5. Pang-ukol/PREPOSITION
Ang pang-ukol ay mga salitang ginagamit upang dugtungin ang pangngalan, panghalip, pandiwa o pang-abay
sa pinag-uukulan nito.
Mga Halimbawa:
 Sa
Ayon sa balita, marami ang nasawa sa pagbagsak ng eroplano.
 Ayon sa
 Para sa  Ang proyekto ng mga magulang ay hinggil sa pagpapaganda ng paaralan.
 Hingil sa  Para sa mga nasunugan ang mga damit at pagkain na iyan.

6. Pang-angkop/LIGATURE
Ang pang-angkop ay ang mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na mga salita upang mas madulas ang
pagbasa nito.
Mga Halimbawa:
 na  Maliit na baso
 -ng  Bagong bintana
 -g  Orasang bislog
7. Pang-uri/ADJECTIVE
Ang pang-uri ay ang mga salitang nagbibigay larawan sa ngalan ng tao, bagay, pook, pangyayari, o ideya.
Maaari itong maging kulang o bilang.
Mga Halimbawa:
 Maganda Si Paul ay matangkad at yan ang isang anyo na gusto ko sa isang lalaki.
 Mataas Maganda ang sapatos ni Andrea, galing daw iyon sa ibang bansa na ipinadala ng papa
 Dilaw niyang ofw.
 Matangkad
 Payat Payat ang katawan ng bata, siguro kung siya sa mga bitamina dahil hindi naman siya
kumakain ng mga gulay.
8. Pang-abay/ADVERB
Ang pang-abay ay ang mga salitang nagbibigay-turing sa pang-uri, pandiwa, o kapwa niya pang-abay.
Mga Halimbawa:
 Mabilis niyang kinuha
 Agad na umalis
 Pupunta sa ospital
 Ayaw siyang tantanan

You might also like