You are on page 1of 1

Modyul 6 Mga Pahayag sa Paghahambing at Iba pang Kaantasan ng Pang-uri

Ang Pang-uri ay bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigayturing sa pangngalan panghalip.


Naririto ang iba’tibang kaantasan ng panguri: MGA PAHAYAG SA PAGHAHAMBING AT IBA PANG
KAANTASAN NG PANG-URI 1. Lantay  Ang anyo ng pang-uri kung ito ay naglalarawan lamang ng iisang
pangngalan o panghalip. Halimbawa: Malaki ang responsibilidad ng magulang sa pagpapalaki ng mga
anak. Mahirap ang tungkuling ito. 2. Pahambing  Ang pang-uri kung ito ay naghahambing o nagtutulad
ng dalawang pangngalan o panghalip. May dalawang uri ng pang-uring pahambing: a.Pahambing na
Pasahol o Palamang- nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang
pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang higit, mas, lalong, di
gaano, di gasino, at iba pa. halimbawa: Mas mahirap ang hamon sa mga magulang ngayon kaysa noon.
Mas mabuti pa rin ang pagbabasa ng aklat kaysa pagbababad sa harap ng telebisyon. Higit na mapadali
ang gawain gamit ang makabagong teknolohiya ngayon kaysa noon. Di gaanong mahusay si Loisa sa
Math. Di gasino ang kanyang paglakad. 5 b. Pahambing na Patulad- nagsasaad ng magkatulad o
magkapantay na katangian ng dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng
mga panlaping tulad ng sing/sin/sim, magsing, kasing o ng mga salitang kapwa, pareho. Halimbawa: Ang
telebisyon at Internet ay parehong masama kapag nasobrahan. Ang impluwensiyang dulot ng mga ito sa
isipan ay magsindami Magkasing tapang si Rhea at Nicole. Ang buhok ni Issa ay kasing haba ng Buhok ni
Lorna. Ang mga bansang Pilipinas at Cambodia ay kapwa kabilang sa mga bansang makikita sa Asya.
Magkasimputi ang mga bata sa Isla ng Pitong Makasalanan 3. Pasukdol  Ang pang-uri kung ito ay
nagpapakita ng pinakamatindi o pinakasukdulang katangian sa paghahambing ng higit sa dalawang
pangngalan o panghalip. Gumagamit ito ng mga panlaping pinaka-, napaka, pagka- kasunod ng pag-uulit
ng salitang-ugat o ng mga salitang ubod ng, hari ng, sakdal, sobra. Halimbawa: Pinakamalaking hamon sa
lahat ang magpalaki ng mabubuti at may magagandang asal na mga anak sa panahong nagkalat ang
masasamang impluwensiya sa lipunan. Si Dennis ang pinakamatangkad sa kanilang magkakapatid.
Napakagandang panoorin ang mga batang sumasayaw sa entablado. Ubod ng galing sa pagkanta si Arnel
Pineda. Sobrang galling ni Adrian sa pagtula. Baisa-Julian, Ailene, Lontoc, Nestor S., Esguera-Jose,
Carmela, Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 7. 927 Quezon City Ave., Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc. 2017 8/19/20

You might also like