You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III-Central Luzon
Schools Division of Zambales
Botolan District
LOOB BUNGA HIGH SCHOOL

MGA PAHAYAG SA
PAGHAHAMBING

CARMI F. LACUESTA
TEACHER I
PAGTALAKAY SA PAKSA

PANG-URI

Bahagi ng panalitang naglalarawan o


nagbibigayturing sa pangngalan panghalip.
MGA PAHAYAG SA PAGHAHAMBING
Dalawang Uri Ng Paghahambing

1. Paghahambing na magkatulad- Ginagamit ito kung ang


dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian.
Ginagamitan ito ng mga panlaping ka, magka, ga, sing, kasing,
magsing, magkasing, at mga salitangparis, wangis/ kawangis,
gaya, tulad, hawig/ kahawig, mistula, mukha/ kamukha.
Halimbawa:

1. Ang telebisyon at internet ay parehong masama kapag


nasobrahan.
2. Ang impluwensiyang dulot ng mga ito sa isipan ay
magsindami.
3. Magkamukha lamang ng kultura ang India at Singapore.
4. Kasimbilis ng trak ang bus na dumaan.
2. Paghahambing na di-magkatulad- Ginagamit ito kung ang
dalawang pinaghahambing ay may magkaibang katangian.
Gumagamit ito ng mga katagang higit, mas, lalong, di gaano, di
gasino, at iba pa.
Dalawang Uri Ng Paghahambing na di-magkatulad

1. Hambingang Pasahol- May mahigit na katangian ang


pinaghahambingan sa bagay na inihahambing.

Halimbawa:
a. Sa wakas nito, mas mainam pa ring magpakumbaba kaysa
magmataas.
b. Higit na mahirap ang gawain gamit ang makabagong
teknolohiya noon kaysa ngayon.
Dalawang Uri Ng Paghahambing na di-magkatulad

2. Hambingang Palamang- may mahigit na katangian ang


inihahambing sa bagay na pinaghahambingan.

Halimbawa:
a. Mas mabuti pa rin ang pagbabasa ng aklat kaysa
pagbababad sa harap ng telebisyon.
b. Higit na madali ang gawain gamit ang makabagong
teknolohiya ngayon kaysa noon.

You might also like