You are on page 1of 2

Sina Casmir at Amira

ni Norrelie M. Monsalud, Don Brigido Miraflor IS – Jesmag Sta. Cruz

“Ahhh!!...” patuloy na bumagsak sa lupa at nagpagulong-gulong ang dalawang taong may pambihirang kapangyarihan. “Nasaan
tayo?”, tanong ni Casmir sa kaniyang kapatid na si Amira. Sa mundo ng mga tao napadpad ang magkapatid na sina Casmir at Amira
nang dalhin sila ng liwanag dito mula sa kanilang kaharian ng Savada. Ang magkapatid ay may taglay na agimat sa pakikipagtunggali.
Si Casmir na may kapangyarihang pasunurin ang hangin gamit ang kaniyang payong na taglay ang talas ng sibat sa tuwing ihahagis
samantalang si Amira naman na may kakayahang pasunurin ang tubig gamit lamang ang kaniyang sombrero na aglay ang bigat ng
bakal sa tuwing ihahampas. Narito sila para sa isang misyon. Isang misyon na magliligtas sa mga tao sa dalang panganib ni Ruzo.
Isang araw, napagdesisyonan ng magkapatid na tumungo sa malapit na bayan upang alamin ang tradisyon at paniniwala ng mga
nilalang dito nang sa ganoo’y makasabay sila sa nakagawiang pamumuhay sa mundo ng mga tao. Layunin din ng magkapatid na
mabatid rin nila ang kanilang misyon ngunit hindi inaasahan nang may tumambad sa kanilang harapan sa kasagsagan ng paglalakbay.
“Sino ka? Ano ang iyong ginagawa sa mundong ito?”, ang tanong ni Casmir sa misteryosong nilalang na kanilang kaharap. Ang
nilalang na ito ay si Ruzo, ang pumatay sa magulang ng magkapatid na hindi pa natutuklasan ng dalawa. May kapangyarihan din
siyang bumuga ng apoy na nagmumula sa kaniyang bibig na kayang kumitil sa buhay kung nanaisin. “Magandang araw sa inyo, ako si
Ruzo mula sa kaharian ng Ravasta, nagagalak akong makilala kayo”, sambit ni Ruzo sa magkapatid na may matalas na tingin at
mapagbirong ekspresyon ng katawan. Dahil sa tagpong ito ay nagkaroon ng agam-agam si Casmir na baka ang nilalang na iyon ay
may masamang motibo sa pagsunod sa kanila sa mundo ng mga tao na siyang magiging tinik sa misyon na iniatang sa kanilang
dalawa, ang magiging mortal na kaaway ng magkapatid na magpapahirap sa sangkatauhan. Patuloy na naglakbay ang magkapatid.
Lumipas ang mga araw at gabi ay kabi-kabila ang bayang kanilang natutulungan hanggang sa dumating ang hindi inaasahang muling
pagtatagpo ng dalawang panig. Isang pagtatagpo na gigimbal sa sangkatauhan ayon sa propesiya. Sa di kalayuang bayan ay naroroong
muli si Ruzo, “lilipulin ko ang sangkatauhan at ako ang maghahari sa mundong ito”, sambit niya habang patuloy na nagbubuga ng
apoy sa paligid sa unang bayan na kaniyang sasakupin. “Walang makapipigil sa aking mithiing maging hari
magpakailanman! ...hahaha”. Sa oras na ito ay wala ng iba pang pagpipilian ang mga tao kundi magtago at umasa na lamang sa
himala. Hanggang sa bigla na lamang huminto ang pagbuga niya ng apoy ng siya’y tamaan ng lumilipad na payong ni Casmir. “Ruzo,
ang sigaw ni Casmir, itigil mo na ang iyong maitim na balak dahil tiyak kaming hinding-hindi ka magtatagumpay habang kami’y
narito. “Walang puwang sa mundong ito ang tulad mong nilalang na gumagawa ng mali sa kapuwa”, dagdag pa niya. “Tama ka riyan
aking kapatid, sambit ni Amira na itataas na ang sandatang sombrero upang pasunurin ang tubig. “Tama nga ang hinala ni Casmir
noong una ka pa man naming nakaharap, hindi ka na mapagkakatiwalan”, dagdag pa niya. “Wala kayong karapatan na pigilan ako sa
aking nais, mga lapastangan”, sambit ni Ruzo na biglang binugahan ng apoy ang magkapatid mabuti na lamang at sila’y nakailag.
Dahil sa pangyayaring ito, namutawi ang kaba’t takot sa mga tao dahil sa unang pagkakataon ay nakasaksi sila ng ganitong klaseng
mga nilalang na may pambihirang kapangyarihan. Hindi nila batid ang nagaganap sa paligid at naiisip na baka katapusan na ng
mundo. Patuloy ang labanan. Ang dalawang panig ay hindi matinag sa pagtutunggali. Hanggang sa biglang nahawakan ni Ruzo ang
leeg ni Casmir na matindi ang pagnanais na mapatay ito. Dahil diyan ay natakot si Amira at inambaan ng hampas si Ruzo ng sintigas
ng bakal niyang sombrero. Hindi makawala sa tindi ng pagkakasakal si Casmir hanggang sa maya-maya’y may hindi inaasahang
pangyayari ang naganap. Hindi batid ni Ruzo na ang sandata palang payong ni Casmir ay tulad ng sibat na may taglay na lason na
kung itatarak sa katawa’y unti-unti magpapahina sa sistema ng katawan hanggang sa tuluyang mamamatay. Agad itong bumaon sa
katawan ni Ruzo na nanghihina na sa sobrang sakit. “Mapatay man ninyo akong magkapatid ay naipaghiganti ko pa rin ang kasawian
ng aking mga magulang”, sambit ni Ruzo na naghihingalo na ngunit bakas pa rin ang pang-iinis sa mukha. “Ano ang iyong ibig
sabihin?”, tanong ni Casmir, habang si Amira rin ay bakas ang pagtataka at galit kay Ruzo. “Ang mga magulang ninyo ang pumatay
sa mga magulang ko kaya nararapat lamang ang ginawa kong pagpatay din sa kanila bilang ganti”. “Kampon ng demonyo, wala kang
kasinsama”, sambit ni Amira habang dumadaloy ang luha sa kaniyang mga mata. “Matagal na naming hinahanap ang hustisya sa
pagkamatay ng aming mga magulang ngunit di naming sukat akalain na sa’yo rin pala magmumula ang katotohanan!”, pagalit na
sambit ni Amira. Dahil sa pangyayari ito mas umigting ang poot sa dibdib ng magkapatid nang makaengkuwentro nila mismo ang
nilalang na pumatay sa kanilang mga magulang. Kaya naman sa pagnanais na tuluyan nang mapaslang si Ruzo ay iwinagayway ni
Amira ang kaniyang sombrero at napasunod ang tubig na nagpalunod sa masamang nilalang na ito na sinundan pa ng pagtaas ng
paying ni Casmir na hudyat ng pagtawag sa hangin na tuluyang nagtangay sa malayo sa kaawa-awang si Ruzo. Mula noon ay naging
payapa na ang mundo ng mga tao dahil sa magkapatid at sa pagbabayanihan na rin ng mga naninirahan dito upang sugpuin ang
kasamaan. Bilang kasunduan, nangako ang magkapatid na sa tuwing manganganib muli ang mundo ng sangkatauhan ay naririyan
lamang sila at handang tumulong sa mga nangangailangan. Wala ng maaapi at magdurusa sa mundong inilaan sa atin ng Diyos
hangga’t nariyan ang magkapatid nating sina Casmir at Amira.

Pangalan: __________________________________ Petsa: ________________

Pangkat: __________________ Marka: _______________
Panuto: Pag-unawa sa Binasa. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Sino-sino ang tauhang nakilala mo sa kuwento? Ilarawan ang bawat isa.

__________________________________________________________________________________________

2. Bakit napagdesisyonan ng magkapatid na tumungo sa kalapit na bayan? Ilahad ang kanilang layunin.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
3. Bakit nakaramdam ng masama si Casmir nang makatagpo nila si Ruzo? Ano marahil ang motibo ni Ruzo sa
mundo ng mga tao?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
4. Isalaysay muli kung paano napaslang ng magkapatid si Ruzo.

5. Maituturing kayang bayani ang magkapatid sa binasang talata? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
6. Ayon sa kasalukuyang panahon, sino-sino marahil ang maituturing mong bayani ng ating bansa? Tulad din ba
sila ng mga tauhan sa talata? Pangatwiranan.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

You might also like