You are on page 1of 246

Tormented Fate

Watch the teaser video! :)


Made by: Seventh Sanctum's OP
Lines by: MisaCrayola

*TORMENTED FATE *

PAREHO nilang ipinaglalaban na sila ang tangi at nag-iisang anak ni Crescent. Sa


pagku-krus ng mga landas nila ituturing nila bilang pinakamatinding kaaway ang
isa't-isa. Sa pagtapak nila pare-pareho sa Underground world, tutuklasin nila ang
katotohanan sa mga katauhan nila.

Si Shin, nabuhay siya na may matinding poot at walang tiwala sa mga nasa paligid
niya. Lumaki siya na nakikipaglaban para mabuhay at nais niyang makuha ang
kapangyarihan niya bilang itinalagang Thanatos ( The one that God hated, strongest
evil possesion ). Papatayin niya ang lahat ng mga anghel na naging dahilan ng
pagkawala ng minamahal niyang ama, kasama na roon ang itinalagang Eros ( The one
that God cherished and Love, A girl with pure heart ) para mabuhay at maging unang
Emperador ng Abyscentine ang Underground World na noon ay kilala bilang Abyss.

Si Crescentine, ang itinalagang tagapagligtas ng Eros at nabuhay kasama ang


kinilalang inang anghel na si Rozen. Kung hindi niya magagawang patayin ang
Thanatos parehong magwawakas ang buhay nila nang napiling Eros, ang Eros na
pipiliting pasukin ang puso niya kahit suntok sa buwan. Napagkaitan ng pagmamahal
ng mga totoong magulang. Huling yugto na ng buhay ng ama niya ang nakita dahil
pinaniniwalaan niya na ang nagpanggap at impostor na anak ng ama ang nagtamasa ng
lahat na dapat ay nasakanya. Ngunit paano kung maging ang pinaniniwalaan at mga
pinagtitiwalaan niya ay nililinlang siya? Isa lamang ang gusto niyang makamit ang
maging unang Emperador ng Underground World na ipinamana ni Crescent sa nag iisang
anak nito at naniniwala siya na walang ibang anak si Crescent maliban sakanya.

Ngunit isang balita ang nagpasiklab ng labanan, marami ang naghangad na maging
emperador at pareho nilang hindi hahayaan ang paglalapastangan sakanilang ama.
Handa nilang baliktarin ang mundo mahanap at mapatay lang ang mga kalaban.

SOON @ MISA_CRAYOLA

Kindly put this on your library to keep you updated. ;) Thankyou!

Prologue
Dedicated 'to sa napakasipag na taga-gawa ng ibang mga cover ko. Hahahaha! Ang
busy niya pero hindi pa din siya nagsusungit sa'kin. hahaha! I love it. *u*
Nakakahiya lang magpaulit-ulit sakanya pero nakakaadik kasi siya gumawa hahaha!
Maraming thankyouuu sa'yo.. ;> Next time uli ha? hahaha kapag madami ka ng time..
*u* SO BLESSED na natagpuan kita sa facebook haha! *u*
@MysteriousMilkShake <3

PROLOGUE

" Bilang kinatawan na Eros,kinakailangan mong mapatay ang itinakdang Thanatos sa


lalo't madaling panahon. Crestia, si Crescentine ang nakatakdang maging taga-pag
ligtas mo. Siya ang napili bilang karugtong ng buhay mo. Kung mamamatay ka,
mamamatay rin siya. Kung sakali naman na una siyang mamatay sa'yo maaari kang
mamili ng panibagong tagapag-ligtas. " Wika ng isang boses na nagmumula sa kataasan
ng kanilang banal na lugar. Isang lugar kung saan tila ka nakaapak sa mga ulap
bilang kalupaan at ang kataasan niyon ay isang nagliliwanag na kalapati na siyang
pinagmumulan ng boses ng kanilang Diyos.
Nakatitig doon si Crestia habang marahan ang pagtango. Unang beses niyang
nagmulat sa ganoong katawan at edad na labing-walo. Samantalang wala siyang kahit
na anong alaala maliban sa sinabi ng tila mga anghel na siya ang napiling tagapag-
ligtas ng kanilang lahi.
"Makikilala mo si Crescentine sa pagbaba mo sa lupa. Kailangang
paslangin ang Thanatos! "
" Kailangan niyang mamatay. Kailangan iligtas ang lahat. " Aniya na buong
puso ang pagsunod na nararamdaman.
Sa pagmulat ng mga mata ni Kana tuluyan ng nabura lahat ng mga alaala niya tungkol
sa kanyang tunay at ikalawang pamilya. Maging ang pag-ibig na ipinangako nila sa
isa't-isa ni Shin na lumaking kasama niya bago siya patayin ng mga anghel. Ang mga
anghel na naglinis ng kaluluwa niya at inilipat siya sa isang huwad na katawan na
kinikilala ngayon bilang si Crestia Bell ang napiling Eros.

Isang lalaki ang nakakuha ng atensyon niya, ang lalaking kinamartyran niya ng husto
si Crescentine. Ang kanyang tagapagligtas at nakatakdang ipagtanggol siya sa
Thanatos na handang pumatay sakanya.
Ang Thanatos na hindi niya nakilala na dating itinangi ng puso niya na si Shin.
Kung sakaling mabatid niya ang katotohanan sino ang pipiliin niyang iligtas? Ang
buhay niya kasama ang lalaking bagong minamahal o ang dating minamahal na hindi
niya gustong masugatan man lamang noon ngunit nagawa niya ngayon?
Habang nasasaktan at nagdurusa si Shin naroon sa tabi niya si Jasmine ang Pureblood
vampire princess. Ang babaeng isip bata, sobrang kulit at walang tigil sa
pakikipag-away sakanya. Hindi niya magawang magalit dito dahil bigla itong umiiyak
na dahilan para magmukha siyang may kasalanan.

Sa pagsasanga-sanga ng mga landas nila magsisimula ang RBW Series 2: Tormented


Fate! *u*Series 1 lang ang Raised by Wolves Book 1 and 2. :) Abangan n'yo may isa
pang series na mula sa pamilya ng werewolves! *u* Series 3 on September! *u*

*********
Information para sa dating libro: Ang Sacred Island na kinalilibingan ni Crescent
at Kana ay hindi po Snow Island na pinanggalingan ni Rozen Maiden. Ang Sacred
Island ang dating isla na pinanggalingan ni April at Lian na naging kagrupo niya
kumbaga nirenovate nila at pinangalanang Sacred Island. ;) Salamat! <3
#MisaCrayola
@FB: Jobelle Rivera ( MisaCrayola )

PART I:Third Son

PART I:
TORMENTED FATE THEME SONG: ( Pinaghugutan!)
WELCOME TO THE BLACK PARADE by MCR
DISENCHANTED by MCR
Mama by MCR
Brave heart ( Moonlight Version )
Over Soul by Hayashibara Megumi
Parallel hearts - FictionJunction

" THIRD SON "

- ALICE -
" Greece! " Sigaw ko. Nasaan na siya? " Lacie! Xerxes! " Ang sakit ng ulo ko.
Noong nasa Abyss kami bigla na lamang nagkaroon ng pagyanig at inikot-ikot ako sa
kawalan. Masyadong malakas ang hangin at resulta nga ang malalalim na sugat ko.
Nasa kakahuyan ako? Anong lugar 'to? Pinilit kong pawiin ang luha ko. I'm not weak
..
" Greece! " Sa'ming lahat siya ang pinakasugatan. Kung tinamaan din siya ng ganoon
kalakas na hangin.. Kinagat ko ng mariin ang labi ko .. Hindi na nga siya makatayo
sa pinsala at marami na siyang dugong nawala.
" Saan ka galing? " Isang babae na highschool ang lumapit sa'kin. Nakita kong naka
uniform siya.
" Gaano 'to kalayo sa Imperial Palace?" Tanong ko sa kanya.
" Imperial Palace? " Tila nagtaka siya. " Bakit ka pupunta doon? Ginagawa na kasi
siya at hindi p'wedeng pasukin. " anya
" Ginagawa? "
" Oo, after ng destruction ng pagbagsak ng floating fortress ngayon lang siya
ginagawa. It's been ten years simula nung muntik ng magunaw ang buong mundo, "
" Ten years? " Nagkakaunawaan ba kami?!
" Sumama ka muna sa'kin. " Inalalayan niya ko. Sumama naman ako. Nagpalinga-linga
ako sa paligid. Nasaan na sila? Please, sana ligtas silang tatlo.
" Namatay na ang lola ko. Ako lang mag-isa dito, hindi niya ko kasing galing pero
kaya kong hulaan ang mangyayari sa hinaharap. Mga vision lang at hindi ko pa
gaanong nakokontrol, bigla na lang siyang lalabas. " Anya ng abutan ako ng tuwalya
matapos makaligo.
Kurtina lang ang takip ng paliguan. Lumabas akong naka tuwalya lang. Maliit lang
ang bahay niya. Halatang isang manggagamot ang nakatira. Antigo ang bahay at
manipis na kama lang ang nakalagay sa malaking papag. Kung titignan ng buong-buo
isang buong kuwarto lang iyon at walang karangya-rangya at pribadong mga kuwarto.
Kahit ang lutuan niya ay pinalilingasan pa niya.
" Pasensiya ka na sa bahay ko, " anya na nakangiti ng tumayo sa pinalilingasan at
mukhang may iluluto siya. Naupo ako sa isang antigong bangkito.
" Masyado ngang malinis, " totoo, sobrang linis. Marami silang kagamitan kahit may
kaliitan ang bahay. Noon ko lang napansin na may isa pa palang kuwarto sa kabilang
dako, akala ko kurtina lang.
" Itong nasa labas ang kama ni Lola. Iyon namang nasa loob ang kuwarto ko.. Doon ka
na lamang, p'wede ka din dito tutal ay wala naman akong kasama." Siya na pumunta
sa isang closet at humanap ng kung ano at sunod inabutan niya ko ng susuotin.
Totoo nga kayang sampung taon na ang nakakalipas? Parang imposible. Ano nga bang
imposible sa loob ng abyss?
" Sino ang nagpapalakad ng Imperial Palace? I mean, sino ang nagpapagawa? " titig
ko sa kanya ng makapagbihis na 'ko. Sinenyasan niya kong maupo dahil kakain na.
Pakiramdam ko hindi ako gutom sa kakaisip kung nasaan sila. Kung nakaligtas ba ...
" Sa totoo walang may alam. Pero sa natanaw ko sa hinaharap ang Imperyo noon ang
magiging tanggapan ng mga nilalang na makakasali sa isang laro sa ibang mundo.
Isang lalaking may pilak na buhok ang naroon.
Si Crescent kaya?!
" Noong namatay si Crescent, isa siyang Werewolf sumunod ang lola ko tatlong araw
matapos niyang mamatay. Hindi ko makakalimutan ang sinabi niya na .. Magkakaroon
siya ng tatlong tagapagmana.. "
" Imposible! " Namatay siya at paano naman siya magkakaroon ng tatlong
tagapagmana?! " Kailan siya namatay? "
" Pitong taon na siyang patay .. " Siya na tila nabigla sa pagtaas ng boses ko. So
tama ako? Sampung taon na ang nakakalipas?
" Paano siya magkakaroon ng tagapagmana kung namatay ang anak niya?" Kung pitong
taon, tatlong taon pa siyang nabuhay? Pwedeng sa mga panahon na 'yon nagkaroon pa
siya ng mga anak?
" Tatlong lalaki na sinasabing anak sila ng namayapang si Crescent, ang mag-aagawan
sa iniwanan niya. Tatlong magkakaibang hangarin.. Isa sa kanila ang nakakasalamuha
ko at isang buwan ko na siyang minamatyagan," aniya na ikinatutok ko sa kanya.
"Paano mo nalaman na siya 'yon? " takang tanong ko.
" Magkamukha sila. May tatlo siyang hikaw sa tenga na magkakasunod na tatlong
iba't-ibang kulay ng bato. Kulay abo ang mga mata niya at sa tingin ko siya ang may
pinakamalakas na kapangyarihan sa tatlo,"
" Bakit ang dami mong alam? " Deretsong tanong ko. Saglit siyang natahimik.
" Noon pa man sinusubaybayan na ng Lola ko ang pamilya ni Crescent. Kakaiba ang
kalakasan nila lalo na ng kambal, hindi rin namin alam kung bakit kami biniyayaan
ng kakayahan na matanaw ang magaganap at mangyayari sa buhay nila. Hindi naman sila
kadugo ngunit madalas na may impormasyon na pumapasok sa isip ko tungkol sa
kanila," aniya na mukha namang totoo. " Hindi ako mamamatay na hindi nalalaman ang
sagot, "desididong wika niya.
" Bakit mo sinasabi sa'kin yan?" Nagtataka ako. Paanong hindi, sinasabi niya sakin
lahat to. Alam ba niyang..
" Nakita ko ang imahe mo sa kakahuyan. Siguradong kadugo ka nila tama ba? Tanda ko
ang bawat lugar kaya nga tumakbo ako patungo sa lugar kung nasaan ka, " ngiti niya
sa'kin.
" Oo.. " Tipid na sagot ko.
" Kumain ka na ..

" GREECE .. Lacie .. Xerxes .. " Bulong ko sa hangin. Nandito ako sa labas ng bahay
at masarap ang hangin dahil sobrang lamig.
" Pasensya ka na, hindi ko alam kung nasaan sila. " Si Hyukie na katabi ko.
Niyakap ko ang tuhod ko at ipinatong doon ang baba ko.
"Wala 'yon, sabi mo nakikita mo ang nagaganap sa kambal na si Crescent at Light
alam mo ba kung nasaan si Light?" Ngayon na wala na si Crescent siya na lang ang
maaring makatulong sa 'kin na makita ang tatlo.
" Malaki ang tiyansa na ang nagbubukas ng lagusan sa ibang mundo na ginawa ni
Crescent ay si Light, sabi ko nga sa'yo silang dalawa ang madalas kong makita, "
seryoso niyang turan sa tabi ko.
"Sa Imperial palace?!" gulat na tanong ko.
"Nasisiguro ko na patay na si Crescent, hindi ko na siya nararamdaman pero maaring
magbalik siya, " tila mag bikig sa lalamunan si Hyukie.
"Magbalik? Pero sabi mo kanina naging krystal na siya at nadurog? Kapag naging
ganoon wala ng pag-asang mabuhay?"
" There's a demon inside his body, there's a lot of evil possession at ang balak
niyang buhayin ang ama niya ang papatay sa napakaraming buhay, wala siyang takot at
mas lalong wala siyang awa -"aniya na hindi ko maunawaan.
"Sino bang tinutukoy mo? "
" Si Seventh Sanctum ang ikapitong anak ng Demon Lord na umaasang muling mabubuhay,
sa ngayon para siyang pangkaraniwang estudyante pero nakikita ko ang mga dugo sa
kamay niya na hindi nakikita ng pangkaraniwang mga mata. Magkaiba ang kulay ng mga
mata niya sa totoo at siya ang may pinakamalaking porsiyento na anak ni Crescent,"

NAG-IWAN ng palaisipan sa'kin ang sinabi niyang ika-pitong anak ng Demon Lord na
nagpapakita lamang ng pangalan niya bilang Seventh or the Seventh son. Sanctum,
kilala raw ang apelyidong iyon ng magkakapatid or Sanctum Brothers ibig sabihin
pito silang lalaki. Kaya paano siya naging anak ni Crescent?! Argh! Masisiraan ako
ng ulo.
Nagpapagaling lang ako ng mga pinsala ko at ayon kay Hyukie sasamahan niya 'kong
pumunta kay Light. Pero parang gusto ko munang makita si Seventh bago ko lisanin
ang lugar na 'to.
Anak pa rin siya ni Crescent. Ano bang nakakapagtaka sa pag-uugali ni Seventh? Kung
pagbabatayan naman si Crescent na pinagmulan niya.
Huminga ako ng malalim bago ko ipinikit ang mga mata ko. Nakikita ko silang tatlo
sa mga panaginip ko. Nasaan na nga ba sila? Buhay pa ba sila? Sana..hindi ko
napigil ang mga luhang kuwala sa mga mata ko.

NAGSUOT ako ng uniporme ni Hyukie at pinahiram niya ko ng dating ID niya. Itinaob


ko lang siya para hindi mapansin na hindi ako ang nasa larawan. Sabay kaming
pumasok ng eskuwelahan para ipakita niya sa'kin ang anak ni Crescent.

Natagpuan naman namin siya sa lilim ng punong narra na nakasandal sa


pagkakaupo at nakapikit habang nakalagay ang headset. Kung titignan nga para siyang
si Light at Crescent.. Pero bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko? Parang takot na
hindi ko maintindihan sa biglaan niyang pagmulat.
" Seventh ang ginagamit niyang pangalan, " ulit ni Hyukie. Ilang beses na niyang
sinabi 'yan. Pareho kaming nabigla ng mawala siya sa kinauupuan niya kaya
nagpalinga-linga kami.
Kumapit sa'kin si Hyukie ng mahigpit , hindi ko siya maramdaman.
"Kanina n'yo pa 'ko tinititigan baka matunaw na 'ko niyan, " boses na malamig pa
yata sa yelo ang narinig ko sa likuran namin kaya nilingon namin siya pareho. Pero
wala siya sa likod at napaatras ako ng pagtingin namin sa unahan nasa harapan na
namin si Seventh.
" Tita Alice, " Inilahad niya ang kamay niya at bakit kakaiba siya tumingin parang
tumatagos at nakapanlalamig. Teka, kilala niya ko. Kinuha niya ng kusa ang kamay ko
at kinamayan, kasing lamig ng kamay niya ang boses niya. "Buhay ka pala, Tita "
bigla niya kong niyakap at ang ikinabigla ko ay ang ibinulong niya sa'kin.
" Nasaksihan mo kung paano ko inilabas ng wala ng buhay, nasaksihan mo rin kung
paano ibinigay ng aking ama ang kalahati ng buhay niya para iligtas ako sa
kamatayan, at kasalanan n'yong lahat kung bakit siya namatay ng hindi ko nakikita.
Lahat tayo babagsak sa impiyerno, at wala kayong laban dahil tirahan ko 'yon, "
tumawa siya ng pagak bago ko iniwan ng tila natulos sa kinatatayuan. Bakit ako
nakaramdam ng takot sa kanya? Nangingilabot ako sa boses niya ..
Paano ko makakalimutan ang batang isinilang ni Lyra na wala ng buhay.
Nakita ko rin kung paano siya idaan ni Crescent sa Blood circle, halos ubusin ni
Crescent noon ang dugo niya para makagawa ng tetragama pra ibalik ang buhay ng anak
niya. Pero hindi ko alam kung nabuhay siya.
"Ikatlong anak?!" hinarap ko si Hyukie na tila kinakabahan din. Wala na
si Seventh ng makapag isip-isip ako. " Kung siya ang anak ni Crescent, diba dapat
siya ang unang anak? " tanong ko pa.
"Iyon nga ang problema tatlong anak ni Crescent ang lumabas ng mamatay
siya. Pero si Seventh wala pa siyang isang taon na lumalabas. Wala rin siyang ibang
pagkakakilanlan maliban sa anak siya ng isang pinakamayamang negosyante. Silang
pitong Sanctum brothers, at sa tingin ko ang negosyante na nasa birth certificate
niya ay walang iba kundi ang Demon Lord na nagkakatawang tao sa mundong ito,"
paliwanag niya.
"Nasaan ang dalawa? " nakakalito na!
"Hindi ko alam, isa ang kinilala ni Crescent at sa tingin ko may
kinikilalang anak si Lyra," -- Hyukie
"Paanong nangyaring tatlo sila?!"
"Kung alam ko lang ang sagot, " - Hyukie

UMALIS ako bitbit ang dalahin na si Seventh ang totoong anak. Gusto kong makilala
ang dalawang impostor. Pero may kinikilala si Lyra, kung gano'n mas madali kong
matatagpuan ang isa sa kanila? Patungo kami sa Imperial palace, umaasa na si Light
ang may pilak na buhok na isa sa magpapasiklab ng digmaan. Pero bakit niya gagawin
'yon? Kailangan ko ring mahanap si Xerxes, Greece at Lacie.
"Simula ng mamatay si Crescent, marami ng naglabasan na iba't ibang
motibo para sa mundong nilikha niya. At dalawa sa mga anak niya ang nagpapanggap
para maging tagapagmana niya.. Kung sana hindi si Seventh ang totoo .. He will
surely become the most heartless tyrant emperror. -- Hyukie

**
READ.VOTE.COMMENT!
So may survivor na tayo sa nawawalang apat. Tatlo na lang. Chapter 1 Soon! Dito ko
na lang 'to nilagay at hindi ko na hiniwalay para hindi na kayo mahirapan
maghanap . Ang bait ko na! *u* hahaha I love you all! *u* <3 Dedicated to
Hyukie_Eld o diba lumabas ka agad? *u*
Ikinalulungkot ko po ang balitang hindi na umabot ang matandang bulag sa BOOK 3
;<.
Oy! Wag puro basa bumoto ka! Pektusan kita ng bente e! *u* ADD n'yo na ko sa FB
para marami na tayong nagkukulitan haha! Jobelle Rivera(MisaCrayola)

TF 1: It begins here

CHAPTER 1

"It begins here"

White Wings Academy

Crestia Bell 's POV


"He's so hot!"
" Crest! I love you! "
"Waah! He's so good in sleeping look!"
Napadaan ako sa classroom ni Crescentine, Crest for short kung saan nasa bintana
ang limang babae na nagpapasasa sa pagsilay kay Crest na puro tulog. It's been two
years simula ng maging Ina-inahan ko si Rozen Maiden sa pagpapalaki sa'kin. Ang
anak niya ang napiling tagapagligtas ko.
"Hi Crestia," bati ni Iguel sa 'kin. Walang may alam na ako ang
kanilang Eros, kailangan kong maging masikreto. Habang hindi pa namin natatagpuan
ang Thanatos, mananatili ang ganitong pag-iingat namin. Magkahawig ang pangalan
namin kaya naniniwala ang karamihan na magkapatid kami.
"Hi, Iguel " ganting bati ko. Lahat kami nakasuot ng puting uniporme.
Lahat halos ng makikita sa lugar na 'to ay kulay ginto at perlas. Mukha kaming mga
anghel at naniniwala kaming lahat na anghel kaming lahat ng lupa. Hindi literal na
anghel ng bibliya ngunit isinasabuhay namin ang pagiging mabuti at malinis ang
kaloobang anghel.
"Crest!" Tawag ko sa kanya ng makita kong naglalakad siya palabas ng tarangkahan.
Hindi niya ko nilingon, kaya patakbong hinabol ko siya. Tss! Palagi niya kong
iniiwanan. Sinabi ko na two years na kaming nakatira sa iisang bahay. Pero mas
close pa sa'kin ang mga ibang ka-eskuwela ko kesa sa kanya. Snob siya at sobrang
suplado. Kahit si Mommy Rozen, pinagsusungitan niya. Pero hindi naman siya
palasagot at hindi rin siya nagmumura.
Nakita kong huminto siya kaya mabilis ko siyang naabutan. Magsasalita
sana ako ng tinignan niya 'ko. Tila konektado ang isipan namin na nakakapag-usap
kahit walang buka ang mga bibig namin.
"Wag kang makikipag-away, hindi pa tayo sigurado na sila 'yon," bulong
ko sa isipan ng magkatama ang mga mata namin. Dumiretso ako ng tingin at nakita ko
ang tatlong lalaking nag uusap-usap. May nagtatangkang pumatay sa 'kin na hindi
naman magiging madali sa kanila. Pero iyon ang hula. Hula nga, ibig sabihin may
posibilidad talaga na hindi 'yon totoo.
"Hindi lahat ng narito ay may dugong anghel, ang iba rito mas masansang
ang amoy ng demonyo, " wika ng isang lalaki ng makalagpas kami. Lumingon ako sa
kanila ang sasama talaga ng bibig nila kaya nagagalit si Crest sa kanila!
" Umalis na tayo" gabi na rin. Nasa Isla ng mga anghel kami nakatira
kaya hindi ganoon kalayo ang bahay namin sa nag-iisang eskuwelahan namin. Hinawakan
ko siya sa braso. Pero sa isang iglap wala na siya sa tabi ko at narinig ko na lang
ang pagsigaw ng tatlong lalaki na ngayon ay nakahandusay na.
"Ang bilis, "halos ibulong ko 'yon.
"Hindi mo ba alam na nasusuka ako sainyong lahat!" Si Crescentine na
tinapakan sa ulo ang isang lalaki na nakahawak sa paa nito para pigilin. Tumayo ang
isang lalaki na naglabas ng espada para saksakin si Crescentine pero bago ko pa
masabi 'yon sa kanya nahawakan na niya ang espada at nabali iyon sa pagkakahawak
lang, " Ayoko sa mga katulad n'yo, hindi naman kayo totoo! Hindi ako bata para
maniwalang mga anghel kayo!"
Tila ko estatwang nakatitig lang sa nangyayari. Sinasaktan niya ng
husto ang tatlo na nagmamakaawa na. Lahat ng narito sa eskuwelahan ay hindi pa
matatawag na anghel hangga't hindi natatapos ang sampung taon sa akademiya na
nakadepende kung kailan nila sisimulan.
Madalas siyang pag-initan ng mga lalaki. Sinasabi nila na anak si
Crescentine ng demonyo. Wala akong alam sa papa niya, walang nagsasabi kahit si
Rozen tikom ang bibig niya. Gusto kong malaman lahat sa kanya.. Dahil.. gusto ko
siya.. Minamahal ko siya at isa ako sa taga-hanga niya. Pero hindi siya ngumingiti.
Madalas lang na tinitignan niya ang kuwintas niya na may kung anong iniisip.
Sa totoo, may problema siya sa emosyonal. May pagkakataon na hindi ko
siya maintindihan, kung bakit naghuhukay siya na tila may hinahanap at hugas ng
hugas ng kamay na tila may mantsang nais tanggalin doon. Noong una, pinagtatakpan
pa ni Rozen ang ginagawa ni Crescentine sa pamamagitan ng pagtatanim sa mga lupang
binubungkal nito. Napaniwala niya ko ng ilang buwan pero habang tumatagal at
kalaliman na ng gabi niya ginagawa, nagsimula na 'kong magtaka.
"Tama na!" Pinigil ko siya dahil baka mapatay pa niya ang tatlong
lugmok na at duguan. May mga nasa paligid na namin. Pero bakit wala isa sa kanila
ang tumulong? May mga nakangisi, nagulat at may ilan naman na nagtalikuran. Isang
taon na kaming estudyante rito.Pero ngayon ko lang siya nakitang manakit na halos
pumatay.
"Bitiwan mo 'ko!" Tinanggal niya ang kamay ko at halos itulak ako.
Umalis siya na hindi ako nililingon. Pati ba talaga sa 'kin nasusuka siya?
Kailangan ko talagang malaman kung sino ang ama niya. Kailangan ko ng mga pruweba.
Bakit parang suwail na anghel ang kinalalabasan niya? Isa siya sa pinakamalakas.
Isa rin siya sa pinaka-problema ng eskuwelahan, sa katunayan limang beses ng
nakakatanggap si Rozen ng pulang liham ukol sa pagiging problem student ni
Crescentine.

Jasmine's POV
NASAKSIHAN ko nang ikasal ang kuya ko sa girlfriend ni Shin na s
Nicole. Hindi ko pa rin mapigilang isipin na kaming apat ay nagdurusa dahil sa
maling pamantayan ng buhay. I do love my brother, I think? Incest? Fine, siguro
nga. Ilang buwan na rin simula ng ikasal sila. Mas matanda ako kay Shin pero hindi
ko talaga nafi-feel ang tanda ko sa kanya. Siguro nga childish ako, aminado naman
ako do'n haler? Princess ako, Pureblood Vampire Princess LANG naman.
Lumabas ako ng may kalakihang bahay na tinitirhan namin. Oo nagsasama
na kami ni Shin. Pero dahil lang 'yon kay daddy at kung p'wede lang na h'wag kaming
magkakasalubong sa bahay para hindi kami magkaasaran. Ikatlong araw pa lang namin
dito sa Dark Island, kung saan kami dinala ni Tito Frey dahil nandito si papa.
Speaking of dark Island, madilim talaga dito. Ang umaga rito ay
makulimlim at ang tanghaling tapat ganoon rin, kapag papagabi na nagkukulay kahel
na hanggang sa dumilim. Kulay kahel na dahil pagabi na. Habang naglalakad ako,
napatigil ako sa di kalayuan sa dalawang lalaking nakita ko. Obviously it was my
dad and Shin. Nakatayo si papa 15 meters away from Shin. Habang si Shin nakaluhod
siya at nakahawak ang mga kamay sa lupa.
Kahit naman madalas kami mag-away ng lalaking 'to, nag-aalala pa rin
ako sa kanya. He do love his father to the point na unti-unti na rin niyang
pinapatay ang sarili niya. Ngayon pa nga lang dinudugo na siya sa dami ng pinsalang
natamo niya. Naiintiriga na talaga ko sa kapangyarihan na gusto niyang bawiin kay
daddy.
"Winning against me? Kayang-kaya kitang patayin ngayon. H'wag mo ng
ipagpilitan, kahit ang galusan ako hindi mo kayang gawin," sabi ni papa. Medyo
mapang-asar din 'to, kung ako sinabihan niya mapipikon ako.
Nakuyom ni Shin ang palad niya at tila gigil na gigil na sinuntok ang
lupang wala namang kalaban-laban. Mamaya suntukin siya no'n baka magulat siya! Bad-
ass bad boy! Ang dami na naman niyang sugat, kawawa na 'to -pangatlong araw ng
bugbog wala ba siyang day-off sa pagpapakasakit? To make it clear, si daddy ang
kinakalaban niya at walang duda naman na talo siya. Kung si kuya nga hindi niya
kakayanin. I' not saying this dahil pamilya ko sila. Pero dahil nasaksihan ko kung
paano lumaki ang kapatid ko at the same time paano siya sinanay ni daddy na parang
laruang laging ibinabalibag kaya nga nagagalit si mommy.
Opinyon ko lang naman, sobra niyang sinasaktan ang sarili niya para
lang sundan ang iniwang anino ng papa niya. Naalala ko pa kung paano ko siya
inabutan sa Mansion ng ideklara ni papa na ampon niya si Shin. Naaawa ako sa kanya
dahil para siyang bear na nagwawala dahil nahuli sa pangangaso. Sumisigaw siya at
tinatawag niya ang mama at papa niya. Sinasabi niya rin na si daddy ang pumatay sa
papa niya. Sobrang galit siya at kahit ang titigan siya hindi ko magawa. Gusto ko
naman siyang maging kaybigan dati pero itinutulak niya ko palayo. Ilang beses nga
niyang winasak ang mga stuffed toy ko. Masama talaga ang ugali niya! Ang ganda ko
naman na kumakaibigan sa kanya! Tss.
Tumayo na siya at papalapit sa 'kin. Pero nilagpasan niya lang naman
ako habang pinupunasan niya ng bibig niyang may dugo. Dahil sa paghahangad niyang
kunin ang iniwan ng papa niya, pinabayaan niya kay kuya ang girlfriend niya. Ang
sakit kaya no'n, pero kinakalimutan na niya ang sarili niyang kasiyahan. Kung
tutuusin kaya niyang kunin si Nicole, pero hindi siya nakipaglaban.
"Princess, " si daddy nakalapit na siya sa 'kin.
"Dad, bakit mo ba kami dinala dito?" hindi ko mapigil itanong.
"Para malayo kayo sa kapatid mo, " si dad. Double meaning yata 'yon!
"Sige na, h'wag ka munang magbubuntis, " ngiti pa ni dad bago naglaho.
"Tss, magbubuntis? Magkasama nga lang kami ng higit isang oras na kami
lang dalawa nagkakailangan na kami. May mangyari pang intimate sa'min? Sa lahat
yata ng lalaki siya ang nagpapaisip sa 'kin na ang pangit pangit kong babae kaya
hindi ko man lang siya maakit kahit kaunti! Naa. Hindi ko siya inaakit 'no! Nasaan
na ba yon?
I smell his blood, Stop it Jasmine! Hindi mo dapat dine-desire ang dugo
niya, baka malason ka sa sama ng ugali niya! Naloloka na 'ko, sinundan ko na lang
ang amoy ng dugo niya.
Natagpuan ko siya sa likuran ng bahay. Topless siya at umm.. gosh!
Teenager pa lang 'to pero bakit ang yummy na? Look at that abs! O'my! His wounds
fits him, parang ang HOTTIE niya talaga paking tape! Sa kanya lang yata bumagay ang
mga galos-galos at sugat-sugat na katawan.
" Pumpkin, maglaba ka na, " Inihagis niya sa'kin yung yaaak! Ang daming
dugo ng shirt niya. Tinatapon na kaya ang ganito! Hmm.. But I love the smell of his
blood -addicting?
"Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na MUNCHKIN ang tawag sa'kin ni
daddy hindi PUMPKIN! " iritang wika ko. Imagine naman ang pumpkin scary yun 'e!
"Daming arte, " anya na bumabalik na naman ang kahabaan ng sungay sa
pambubuwisit! Naglakad na siya papunta sa 'kin. Nakikita ko na ng malapitan ang Oh-
so-yummy abs niya. P'wede ko kayang pindutin? *u*
"O' ano? " Napaatras ako. Tinitigan niya 'ko tapos bumaba ang mukha niya kapantay
ng mukha ko, " Bakit ba! " Napaatras ako lalo kasi naman ngumisi siya. I smell his
breath, mint flavor. *u* Teka? Hahalikan ba niya 'ko? Napapikit ako at nayakap ko
ang T'shirt niya na dumikit yata sa damit ko. Tagal naman! Iminulat ko ang isang
mata ko at nakita kong wala na siya at naglalakad na papasok sa back door ng bahay.
"Assuming? " turo ko sa sarili ko. Ang pangit niya, bakit ko siya i-aasume?!
Sobrang pangit niya period. Hindi siya pangit, ang guwapo niya at yummy! Bulong ng
malandi kong isipan. Tss!
"Pumpkin!" sigaw niya, ano may nawawala na naman sa kanya?! Pinuntahan ko siya sa
loob inamoy ko muna ang blood stained t'shirt niya bago ko inilagay sa isang
malaking basket.
"Why?!" Sigaw ko ng makapasok ako sa loob. Dadalawa lang kami pero ang
ingay namin.
" Nothing," anya na nasa loob na ng bathroom. Hmp! May saltik talaga sa
utak. Trip niyan mang-asar pro may time na para naman akong bula na hindi nakikita
at hindi kinikibo. May mood swing 'yan, na 'ko nakakatakot parang baliw!

**
"MASTER SEVENTH!" sigaw ni Tamtam sa lalaking may tatlong batong hikaw sa kaliwang
tenga na abala sa pagkain sa loob ng maliit na inuupahang kuwarto ng noodles.
Kitang-kita ang malaking pagkakahawig niya kay Crescent.
"Ang ingay mo, pakukuluan kita!" lumabi si Seventh at tinuloy ang
paghigop sa sabaw ng noodles. Taglamig at taghirap ang buhay niya.
" Master!" sigaw pa ni Tamtam na isang elf, guardian na kulay green ang
kasuotan at isang dangkal lang ang taas. Nasa ibabaw ito ng mesa at kinukulit si
Seventh. " Kailangan mo ng kumilos! Kailangan mapatay mo na ang dalawang impostor!
Iyan ang bilin ng papa mo sa'yo di ba?!" ang liit ng boses nito na matining.
"Narinig mong sinabi niya?" Natatawang tanong ni Seventh.
"Kapag namatay ang dalawang impostor muling dadaloy ang dugo ng iyong
ama at sa paraan ng pagbabalik ng kaluluwa, babalik siya!" si Tamtam
"Wag ka ngang excited, hindi pa nga sila malalakas. Mahihina pa sila
kaya wala silang kakuwenta-kuwenta kalaban. Magiging tao muna ako pansamantala,
kailangan ko ng trabaho para mabuhay," tumayo na si Seventh at nag-inat.
"Masteeeeeer!" sigaw ni Tamtam na nagtangkang lumipad pero na shoot sa
mainit na sabaw ng noodles na ikinatawa ni Seventh at inilahad ang kamay para doon
ito umakyat. Umiiyak ito na parang batang paslit.
" Hindi ko sigurado kung babalik siya kagaya ng nakasaad sa sulat. Isa
lang ang sigurado ko.. Ang dalawang umaangkin ng pangalan ko ay katulad ng dugong
dumadaloy sa 'kin, at siyempre titignan ko muna kung karapat-dapat pa ba siyang
buhayin o tama lang na mamatay na siya ng panghabang-panahon. At ako na anak niya
ang magiging Diyos," ngisi ni Seventh, " Nandito ako para mabuhay hindi para muling
mamatay,"deklara niya.

READ/VOTE/COMMENT! <3
Thank you for reading! GODBLESS.

Sa mga naguguluhan bakit may isa pang existing son, si Seventh nga, hindi ko yata
naipaliwanag dito na may ikatlo pang lalabas. Sa facebook ko 'yon pinost. Kung may
katanungan kayo, paki comment n'yo na lang. Sasagot ako kung hindi spoiler sa
kuwento. Tatlo silang nagsasabi na anak sila ni Crescent, pero iba-iba ang motibo
ng mga prinsipe kayo na ang tumuklas kung sino ang totoong nagmamay-ari sa ibong
adarna! *u* P'wede rin na wala naman pala talaga siyang anak, who knows? ;) RBW
ang inupdate ko dahil most requested sa FB. Lovelots! Lagi tayo mag-iingay sa FB
haha.
<3 MisaCrayola

TF2: Li.Ly?

CHAPTER 2

SHIN'S POV
" Papa," ngiti ko sa puntod niya. Hindi ako masaya dahil nakangiti ako.
Naiinis ako sa sarili ko na hindi ko man lang magawang patunayan na anak niya 'ko.
Mahina ako, simula ng mawala ang kapangyarihan ko para na 'kong paslit na
nangangapa lagi sa dilim. Kahit pa may kakayahan naman ako ngayon, hindi
mapapantayan niyon ang kapangyarihan ni Vincent. Oo nga kinakalaban ko siya. Pero
alam ko na wala akong laban sa kanya kaya nga madalas na pinipikon ko lang siya
dahil sa ganoong paraan ko lang siya matatalo.
Sa sacred island, dito nakalagay ang labi ni papa at Kana. Pakiramdam
ko kalahati ng buhay ko ang nawala ng magkasunod silang bawiin sa'min ni mama. Kung
wala siguro si mama, matagal na 'kong sumunod sa kanila. "Ikinakahiya mo na ba
'ko?" mapait kong tanong kay papa.
Naalala ko pa ang araw na 'yon. Nang araw na sariwa pa ang lahat-lahat
sa'kin ang naging pagkawala nila. Pero dinala ako ni Vlad patungo sa mundo ng mga
pureblood kung saan nakaranas ako ng mga mapanghusgang tingin. Masamang nilalang
ang tingin ng nakararami kay papa, at kahit ganoon wala ako kahit katiting na
pakiramdam na sana hindi na lang siya ang naging ama ko. Siguro nga masama siya sa
iba, pero sa'min ni mama mabuti siya, ganoon rin kay Kana. Sobra niya kaming
inalagaan at minahal.
"Master Shin!" aya na naman si Tomo kaya nangiti na lang ako ng makita
ko siya na nakalapit na. "Mabuti at dumalaw ka, akala ko nakalimutan mo na ang
Panginoon!" may tissue pa talaga siyang handa? Pinunasan niya ang gilid ng mga mata
niya.
"Nasaan ang asawa mo?" si Hunter. Halos narito lahat ang mga kasamahan
ni papa at kaibigan sa isla na 'to. May sinasaliksik sila na hindi ko naman planong
alamin dahil may isa akong mithiin. Ang pasukin at angkinin ang underground world.
"Hindi ko pa siya asawa," I pouted. Mauubusan ako ng pasensiya sa
babaeng 'yon. Mabuti na lang at may photo shoot siya ngayon. She's a designer,
model at kung anu-ano pang pinapasok ng babaeng 'yon. Isama pa na game developer
siya na kinatutuwaan ko naman dahil nagagamit ko pag nabobored akong makipag-away
sa kanya.
"Doon din naman pupunta 'yon" tawa niya tss. -_-
"Bakit ba hindi ka pa nag-aasawa Tito Hunter?" tanong ko sabay abot ng
ibinibigay niyang milk chocolate na nilagyan na niya ng straw kaya sinipsip ko na
lang.
"Hindi pa handa ang babaeng gusto ko," sagot ni Tito Hunter.
"Sino?" nangunot ang noo ko.
"Si Lyra, sino pa ba?!" sinundan niya ng malakas na tawa na muntik ko
ng ikasamid.
"Ano?!!!!" sabay naming sigaw ni Tomo.
"O' Teka " inakbayan ako ni Tito Hunter, " .. may nabalitaan ako, may
mga nanliligaw sa mama mo, tito mo naman ako kaya ako na lang ---"
Napatingin kaming tatlo sa kalangitan ng sunod-sunod na kulog at kidlat
ang nakita at narinig namin. " Hala, hindi payag si papa, " ngiti ko kay Tito na
nakaawang pa din ang labi. Sinipsip ko na lang ang chocolate milk.
"Bwisit naman 'tong si Crescent, " bulong ni Tito Hunter.

**
"HINDI ko gustong gambalain ang damdamin mo Shin," pasimula ni Frances ng naroon na
kami sa mahabang mesa sa loob ng malaking Mansion na nagsisilbing laboratoryo ng
pananaliksik nila. Isang kuwarto ang kinaroroonan namin na nasa underground ang
p'westo para sa mga importanteng usapin. Nakatayo sa likuran ko si Tita
Diyosa(Vishnu), nakaupo namang tulad ko sa kabilang side ng mesa si Frances at si
Tito Hunter na nakaupo rin sa kabisera.
"May nalaman kami," seryosong wika ni Tita Diyosa kaya nilingon ko
siya. Pero bago pa niya ko sagutin sumagot na si Tito Hunter.
"May nagbubukas ng underground world. Tayo lamang ang nakakarating
doon. Pero ngayon nahihirapan na kaming makapasok sa loob, parang may kumokontrol
sa lagusan na nakatanim sa mga isipan natin," - Hunter
"Tama, ang Underground world na dating mga laman lamang ng Abyss ang
naroon ay nagiging mapayapang lugar na. Nawawala na ang mga halimaw sa loob ng
Abyss na tila may naglilinis, " - Vishnu.
"Ibig sabihin may ibang nakakapasok maliban sa'tin? Sino ang gagawa
no'n?" takang tanong ko.
" Pilak ang buhok ayon sa huling saksi na nakausap ko sa Abyss. Kung
hindi lamang siya binawian ng buhay malalaman ko agad kung sino ang pumapatay sa
mga nilalang ng Abyss," ani Frances.
"Pilak ang buhok? " hindi ko alam kung anong ire-react ko.
" Si Crescent at Light ay may pilak na buhok, maaaring si Light, maaari
ring si Xerxes lalo pa't hanggang ngayon hindi pa siya nagbabalik. Ikatlo maaaring
si Neo ay nakapasok rin sa loob at kung nagkaganoon nga -" Itinigil ni Frances ang
sinasabi niya at tumingin ng matiim sa'kin, " Kailangan mo ng magpalakas, malakas
si Neo at alam mo na nagawa niyang pantayan ang iyong ama. Bagama't natalo siya, sa
lakas mo ngayon alam nating hindi mo pa nararating kahit kalahating porsiyento ni
Crescent," tahasang wika niya sa 'kin. Totoo nga naman, wala pa 'ko kahit ata
sampung porsiyento
"Shin, ingatan mo ang sarili mo baby!" si Tita Diyosa na pinisil ang
magkabilang balikat ko. Hanggang ngayon baby pa din ako sa paningin niya? -_-
"Hindi mo ba kakausapin si Light?" tanong ni Tito Hunter sa 'kin. Siya
ang kakambal ni papa. Magkamukha sila. Pero kahit kailan hindi ko siya nakita, sa
malayo lamang. Ayoko siyang makita, hindi dahil galit ako sa kanya kundi natatakot
akong makita si papa sa kanya.
Nagkaroon siya ng isang harem na ipinakilala noon. Nakita ko siya sa
malayo pero hindi ko nilapitan. Iniiwasan ko siya pero kinakamusta niya ko madalas
sa mga sulat. Pero kahit isa wala akong sulat na ibinalik sa kanya. Kahit ganoon,
hindi siya tumigil magpadala tuwing kaarawan ko, at lalong hindi niya itinigil ang
pag-iimbita sa'kin na kitain ko siya at kausapin.
"Bakit ko siya kailangang kausapin?" tanong ko na nasa mainit na
tsokolate na nasa harapan ko ang atensyon. Nang makita ko si Light, kahit pa
malayuan kamukhang-kamukha siya ni papa.
"Para matanggal na siya sa listahan ng suspetsa natin sakaling matanong
mo siya tungkol sa underground world," ani Frances.
"Si Xerxes, katulad ng tatlo pang kasama niya ay hindi na nagbalik.
Maaaring nasawi sila kaya si Light at Neo lamang ang naiisip naming nakakapasok sa
Underground na may pilak na buhok, " - Vishnu
"Isa pa, " si Frances na may iniatras na papel na parang flyers sa'kin.
Tinignan kong mabuti kung anong nilalaman niyon na dapat kong malaman. Nabigla ako
sa nakita ko.
" Ipinagkakalat ng kung sino na buhay si Crescent," si Tito Hunter na
seryoso ang pagkakabigkas niyon na bihira lang sa kanya.
Sa lahat ng nais maging Diyos, iniimbitahan ko kayong magtungo sa
Leviathyan para subukin, bago ko kayo ipadala sa Underground World at ang sino man
ang nag-iisa at huling nakatayo ang magkakamit ng Underground at ang kapangyarihan
ko'y isasalin ko sa kanya, - Crescent
"Shin, marami ng nakakaalam ng tungkol sa existence ng Underground. At
dahil dito na hindi namin matunton ang pinagmumulan, dumarami ang naghahangad sa
Abyscentine, " ani Frances. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero may
nabubuhay na galit sa puso ko. Bakit kailangang gamitin ng kung sino ang pangalan
ng aking ama? Ano ang mithiin ng nilalang na 'to? Bakit hindi niya angkinin ang
underground kung gusto niya? Bakit naghahangad pa siya ng digmaan?

**
"PULUTIN n'yong lahat 'yan!" utos ng Head Mistress ng makita ang mga nagkalat na
papel sa White Wings Academy. Hindi nila malaman kung saan nanggaling iyon. Hindi
dapat madampot ng mga estudyante iyon, lalo pa't mapaghangad na puso ang nais ng
gumawa niyon. Hindi tamang ang mga anghel ng lupa ay maging mapaghangad sa
kapangyarihan ng isang masamang nilalang na katulad ni Crescent.
" Head Mistress, may mga nakadampot ng estudyante!" wika ng isang guro.
"Bawiin n'yo! Alamin n'yo kung sino ang nagkakalat nito sa
eskuwelahan!" sigaw ng Head Mistress.
"Cres-cen-tine! " sigaw ni Crestia na nakita na itong nakaupo sa gilid
ng isang puno at nilalaro ang pendant nito na may pangalan nito. Mabilis ang
paglalakad ni Crestia para hindi na siya nito matakasan. " For you," Inabutan niya
'to ng tatlong pirasong blue rose na kinuha niya pa sa hardin ng Head Mistress.
Pilya talaga siya paminsan-minsan.
"Basted ka na," ani Crescentine na isinara ang dalawang bukas na
butones sa unahang bahagi ng polo nito.
"Waaaah!" she pouted sabay upo sa tabi nito.
"Ninakaw mo 'yan tapos ibibigay mo sa'kin? " Ipinikit nito ng mariin
ang mga mata dahil naistorbo na naman siya ng kadaldalan nito.
"Hindi ko 'to ninakaw no! Hindi lang ako nagpaalam! Isa pa abala si
Head Mistress sa pagpapapulot ng mga ganitong papel," ani Crestia na ikinamulat ng
mga mata ni Crescentine. Turo-turo ni Crestia ang papel na nakaikot sa tatlong
rosas na hindi nito pinagkaabalahang basahin.
"Bakit? Janitress na siya ngayon? "ngisi ni Crescentine. Noon pa man
mainit ang dugo ng Head Mistress sa kanya. Madalas siyang nangangako dito na hindi
na makikipag-away pero ilang araw lang hayan na naman siya. Kung hindi lang talaga
dahil kay Rozen baka pinalayas na siya.
"Hindi, pero nagmamadali siya, " nagtaka na rin si Crestia at tinanggal
ang pagkakaikot ng papel sa tatlong rosas na inilagay niya sa kandungan at binasa
ng malakas ang nakasulat roon na ikinagulat niya at pinagsisihan. Sa lahat ng nais
maging Diyos, iniimbitahan ko kayong magtungo sa Leviathyan para subukin, bago ko
kayo ipadala sa Underground World at ang sino man ang nag-iisa at huling nakatayo
ang magkakamit ng Underground at ang kapangyarihan ko'y isasalin ko sa kanya, -
Crescent ..
Nang lingunin ni Crestia si Crescentine ay naroon ang pagkabigla sa mukha nito. Si
Crescent ang ama nito, maaari nga kayang buhay siya? Sising-sisi talaga siya dahil
labis ang pagkagimbal nito.
"Saan ang Leviathyan?" halos bulong nitong tanong,
"H'wag mong sabihing pupunta ka! Mapanganib sa lugar na 'yon! Isa pa
hindi papayag si Inang Rozen!.. Teka! " Napatayo si Crestia ng makitang tumayo si
Crescentine at tila balisang-balisa ito. Hinayaan na niya ang mga rosas at sinundan
ito. Ang tanga-tanga niya para hindi muna basahin iyon, ang masama pa binasa niya
ng malakas ng hindi inuunawa ang nakasulat doon.

**
"CRESCENT," tawag ni Lyra sa pangalan ng asawa. Hinahawakan niya ang mukha nito sa
larawan. Nakangiti ito na parang isang anghel. Namumugto ang mga mata niya sa labis
na pag-iyak. She missed her man. Nakahiga siya sa kama at nakatagilid habang katabi
ang larawan ng minamahal.
"Mi, " si Chin na lumipad patungo sa unan ni Lyra at naiiyak rin. "
Hindi ko alam bakit hindi na natin siya makasama sa panaginip, mi .. " hindi
magawang sabihin ni Chin ang totoo na tuluyan ng naglaho si Crescent.
" Mamamatay na yata ako," humikbing sabi ni Lyra. Ilang taon nang
nawawala si Crescent at sobra-sbora na ang pagpapanggap niyang maayos siya.
Nawawala na rin siya sa sarili dahil madalas niya itong hanapin kay Shin n sa
tuwing maririnig siya na hinahanap si Crescent dito ay nalulungkot ng labis, kaya
nga hindi ito pala uwi sa kanya dahil tanong siya ng tanong kung nakita na nito ang
ama.
"Hindi niya gustong nalulungkot ka, di ba alam mo naman 'yon, Mi?"Hindi
na mapigil ni Chin ang pag-iyak dahil tila nga susuko na ito.
"Hindi ko na kaya, mahal na mahal ko kasi siya, bakit hindi na siya
nagpapakita sa'kin. " malakas na iyak ni Lyra na ikinapag-alala ni Yen na
kadarating lamang. Hindi nito nakikita si Chin kaya naman iniisip niyang bumibigay
na talaga si Lyra sa sobrang paghahanap sa asawa nito.
"Lady Scarlet," naupo si Yen sa gilid ng kama nito at hinaplos ang
buhok nito. Kung sana ay makahanap ito ng bagong pag-ibig para naman hindi na ito
nagdurusa sa araw-araw. Maraming nagkakagusto kay Lyra ngunit sarao ang puso nito
para sa iba. Tila ba hindi ito magbubukas ng basta-basta dahil sobra ang naging
pagmamahal nito kay Crescent. Malaki na si Shin. Pero tila laging kahapon lang
namatay si Crescent para kay Lyra.
"Gusto ko na talagang mamatay, nagiging pabigat lang ako sa anak ko, "
magang-maga na ang mata ni Lyra. Sa labis na pag-aalala nagawa ni Yen na tunguhin
ang telepono sa labas ng kuwarto nito at tinawagan ang tanging taong maaring
makapagpatahan dito.
"Please," aniya matapos sabihin sa kausap ang problema. Nangiti siya ng
sumangayon ito. Binalikan niya si Lyra na ganoon pa rin ang sitwasyon. Awang-awa na
siya dito. Wala pang isang oras naroon na ang hinihintay niya.
"Mukha talagang iisa sila, " bulong ni Yen ng sunduin ang lalaki na
ngumiti naman agad. Sinamahan niya 'to sa kuwarto ni Lyra at naupo agad ito sa
gilid ng kama.
"Lyra,"
Napamulat ng marahan si Lyra ng marinig ang pamilyar na boses. "Crescent," bumalong
na naman ang masaganang luha ni Lyra ng makita ang mukha ng asawa niyang buhay na
buhay.
"Paaalisin mo ba uli ako? " ngiti ni Light. Umiling si Lyra at lalong
bumagsak ang mga luha. Alam na alam niyang si Light ang lalaking nasa harapan niya.
Pero ito na lamang ang makakapagpagaan ng loob niya. Ang makita at marinig ang
boses na katulad ng kay Crescent. She's hopeless.
Madalas siyang puntahan ni Light noon. Pero pinaaalis niya lang 'to.
Kahit ganoon hindi niya nakitang napikon ito sa pinapakita niyang masamang ugali.
Mahilig lang 'tong ngumiti na ikinaiba nito kay Crescent. Hindi ito mabilis mainis
katulad ng asawa na sana ay ganoon na lamang si Light. Gusto niyang bumalik ang
asawa niya.

IN FAVOR kayo LILY? Wala ng CRESLY. *u*


THANK YOU. Salamat hahaha *u* Baka ihold ko na 'to dahil ito ang may pinakamaliit
na count ng votes at comments kesa sa YSAL, ST at ABTVK kaya po maraming salamat sa
patuloy na nagbabasa at nagmamahal. ;) Alam ko kasi yung iba nagpapadami pa ng mga
chapters hahaha bago basahin.
Bumoto ka wag kang tamad! hahaha ;D

#MisaCrayola
#Jobelle Rivera(MisaCrayola) fb

TF 3: Red and Black

TORMENTED FATE
CHAPTER 3

" MONIQUE," marahang hinaplos ni Light ang mukha ng walang buhay na dalaga na
nakahiga sa mga talulot ng bulaklak na magpasahanggang ngayon ay mabango pa rin.
Iyon ay isang underground sa ilalim ng lupain ni Xerxes, kung saan siya dati
nakalagak noong panahon na hindi pa siya nabubuhay.
Kapansin-pansin na tila lamang ito natutulog habang nakasuot ng
magandang bestidang kulay dilaw na hanggang tuhod at may hawak na itim na kuwintas
na yari sa makinang na bato.
"Kailan pa siya namatay?" boses ng isang babae ang pababa sa hagdanan
ang umabala kay Light.
"Eight years? " sagot ni Light na tumayo na at hinarap ang babae " It's
been eight years ng bigla na lang siyang mawalan ng malay, sinikreto niyang may
karamdaman siya," dugtong ni Light.
"Mahirap talagang maging tao," wika pa ng babae na nakahalukikip at
natatago ang mukha sa dilim dahil hindi pa ito tuluyang bumababa at nakahinto lang
sa huling apat na baitang.
"Hindi ko alam kung bakit nananatili siyang sariwa, wala akong ginawa
sa kanya dahil alam ko naman na isa siyang tao. Ayoko siyang pahirapan," ani Light
na binalikan ng tingin ang dalagang nahihimbing.
"Pumayag kang magkaroon ng Harem dahil namatay siya. Hinihintay nila
na magkaroon ka ng dalawang lalaking anak, bakit hindi mo pa sila bigyan para naman
mas maasikaso mo ang mas mahalagang bagay? Wala na siyang buhay, walong taon na,
siguro panahon na para pakawalan mo siya. P'wede mo rin siyang idaan sa cremation
para naman hindi mo isipin na buhay pa siya sa ganyang lagay," wika pa ng babaeng
hindi nagpapakilala. Hindi na kumibo si Light. " Ingatan mo ang sarili mo, iwasan
mong mahalin si Lyra hangga't kaya mo," tumawa ito ng mahina, " naniniwala ako na
ang kambal, madalas pareho ng gusto sa babae," anito na umakyat ng muli pataas.

NEO'S CRIB
"Kikilalanin mo ngayon ang lahat ng miyembro ng samahan," ani Zuki kay Neo na abala
sa pagpapaikot ng upuan niya.
"Katulad ng sinabi ko, iharap n'yo lang sa'kin ang karapat-dapat, "
wika ni Neo na inikot ang upuan paharap kay Zuki. Ito ang partner in crime niya ika
nga sanggang dikit. Babae ito na amazona kung kumilos. She can play innocent. Pero
kayang-kaya nitong pumatay ng isang daan sa loob lamang ng ilang minuto. Nakilala
niya si Zuki noong mapinsala siya ng lubos kay Crescent. Kung hindi dahil dito baka
patay na siya. Hindi niya iniisip na mas superior siya dito. Pero mismong si Zuki
ang may gusto na maging kanang-kamay niya lang dahil wala itong balak maging isang
pinuno, gusto lang nitong pumatay ng pumatay ng mga walang silbi. Nakaupo ito sa
mismong glass table niya.
"Tingin ko may magiging paborito ka," wika ng isang lalaking papasok pa
lang. Sabay napatingin ang dalawa kay Lander na may kulay asul na mga mata at
bughaw na buhok.
"Sino naman?" nakakalumbabang tanong ni Neo.
"Ako ba wala? " ani Zuki na wala pang ideya sa mukha ng mga bagong
miyembro nila. Inilabas niya ang matatalas at mahahabang kuko at ngumisi. Papatayin
niya ang mga ito gamit ang limampung porsiyento ng lakas niya. Kapag may
nakaligtas, opisyal na miyembro na nila ito.
"Kasama sa mga baguhan ang anak ni Crescent," ani Lander. Ang bagot na
mukha ni Neo ay napalitan ng pagkabigla at kasunod ang ngiti. " Shin Crescent
Wolveus," dagdag pa ni Lander na ngumisi din.
"Nabalitaan kong pumanaw na si Crescent, huli na nga. Paligtasin n'yo
siya, gusto ko siyang makita ng buhay at mas lalong gusto ko siyang maging
estudyante," ngiti ni Neo. Alam niyang may anak si Crescent, ngunit magpasahanggang
ngayon wala pa itong pangalan. Hindi pa matunog ang pangalan ni Shin, kaya naman
siya ang gagawa ng paraan para bigyan ng panibagong kikilalanin ang mundo sa
makabagong henerasyon.
"Ano naman ang mapapala mo sa isang teenager?" kunot noong tanong ni
Zuki.
"Mula siya sa bloodline ni Crescent, nasisiguro kong malakas siya.
Kailangan lang pigain," ani Neo.
"Para saan? Pigain? Mabuhay pa kaya sa'yo 'yon? Sa kasadistahan mong
'yan?!"mapang-asar na tanong ni Zuki.
" Malakas siya. Kahit pa sabihin na hindi naman ganoon kaespesyal ang
lakas niya, kayang-kaya niyang makapasa sa'yo Zuki," siguradong tugon ni Lander.
"Pero wag n'yo siyang saktan, ako ng bahala sa kanya," singit ni Neo na
nasasabik makita ang anak ni Crescent.
"Bago kaya magdaldalan, pakibasa " si Ylerys na tila laging badtrip ang
pumasok sa opisina ni Neo at may inilapag na flyer na tinignan ng tatlo.
"CRESCENT?!!!!" Bayolente ang reaksyon ng tatlo.
"May kung sino ang gumagamit ng pangalan niya. Kaya sa tingin ko ang
gusto mong maging estudyante ay mas uunahing puntahan ang Leviathyan kesa
asikasuhin ang pagiging miyembro niya sa Black Organization," wika pa ni Ylerys na
pinasadahan ng kamay ang buhok sa bangs hanggang sa dulo. Kulay itim ang buhok niya
at mayroon siyang antipara sa mata. Sa kanilang apat, siya ang may pinakamasungit
na aura.
"ANG PROBLEMA MUKHA NAMANG HINDI SIYA HANDA!" ani Ylerys na hinampas
ang glass table na nagcrack hanggang mahati sa gitna. Napatapik na lang sa noo si
Neo.
"Ano ba!" Mabilis na nakatalon si Zuki papunta sa likuran ni Neo at
hinawakan ang sandalan ng upuan nito," Ganyan talaga siya basta obsession niya ang
usapan,"pang-aasar ni Zuki. Alam kasi nilang die hard fan ni Crescent si Ylerys
kaya walang nakakapagtaka na kilala nito ang anak ni Crescent. O baka nga dito pa
nadiskubre ni Shin ang Black Organization, minsan kasi nitong sinabi sakanila na
dapat maging kagrupo nila ang anak ni Crescent.
**
" Eeeh! Gusto ko ngang pumunta sa cat walk e!" asar na wika ni Jasmine kay Shin na
iiwanan siyang mag-isa sa mansion nila para magbantay.
"Tumigil ka," inambaan ni Shin ng kutos si Jasmine.
"Bahala ka diyan!" Inis na inirapan ni Jasmine si Shin at nagpapadyak
na nagtungo sa isang silya at naupo ng nanunulis ang nguso.
"Aalis na 'ko," ani Shin.
Mabilis pa sa alas kuwatro na naabutan 'to ni Jasmine sa labas ng
pintuan at hinila 'to sa damit. " Ayoko mag-isa ang lungkot dito! Isama mo na lang
ako!" aniya na pilit itong hinihila.
"Tss. Mamimiss mo 'ko gano'n? Masaya ka pag kasama mo 'ko? " Ngisi ni
Shin na inaasar ang dalaga.
"Mukha mo! Pero isama mo na 'ko, Dalian mo na! Fiancee mo 'ko kaya
dapat lang na isinasama mo 'ko kahit saan ka pumunta! "
"Hanggang sa pagligo isasama kita?! Ayoko nga kagatin mo pa ... "
Namula si Shin.
"WAAAAH! ANG BASTOS MO!! "Kinagat ni Jasmine ang kamay ni Shin sa
sobrang gigil.
"Aray! "pinitik ni Shin ang noo nito kaya humiwalay 'to agad at sapo
ang noo. " Ewan nga sa'yo," mauubusan siya ng pasensiya dito.
"Saan ka ba pupunta? May makakain ba tayo do'n? Ayoko ng maruruming
lugar, dapat din may titirhan tayo, ayoko ng natutulog sa gubat, ayoko ng...."
"ISA PA!" babala niya kay Jasmine na nakahawak sa braso niya na agad
bumitiw at nag peace sign.
"Wag ka na magalit. Marami akong dalang pera at hindi kita gugutumin!"
Pakita ni Jasmine sa black card niya na siyang ginagamit nila sa black market at
iba pang pamilihan na para lamang sa katulad nila, " Swipe, Swipe, Swipe!" anito na
iminuwestra pa ang pag su-swipe ng card na ikinailing ni Shin.
"Kahit magutom ako, kesa makasama ka," bulong ni Shin.
"Oy ha! Naririnig kita! "hinampas niya sa braso si Shin na ikinasama ng
tingin nito.
"Sorry," peace sign muli ni Jasmine.
"Kamusta na kaya siya?" ani Jasmine sa isipan. Bigla naalala niya ang
batang kamukha ni Crescent. Kamukha pa rin kaya ito ni Crescent ngayon? Sayang at
hindi na niya 'to nakita uli. "Saan pala tayo pupunta?" kulit pa niya kay Shin na
laging iritable kapag nagsasalita siya.
"Kay Light,"
"Walang galang 'to! Tito mo 'yon e, dapat Uncle Light! "
"Shut up!"
"Ano naman sasabihin mo sa kanya?" tila naexcite si Jasmine.
Magkamukhang-magkamukha daw ang dalawa. Hindi pa niya talaga nakikita ng malapitan
si Light. Hindi naman malapit sa isa't isa ang mga magulang niya at ang lalaki kaya
naman gusto niya talaga 'tong makita para masiguro kung totoong magkamukhang-
magkamukha si Light at Crescent.

BLACK MARKET
" CRESCENT?" Nangunot ang noo ni Aleissa na prente ang pagkakadekuwatro sa isang
high stool sa bar na mismong nasa capital ng black market. Tinungga niya ang alak
sa kopita bago tinignan ang papel na inabot ni Rayhanna.
Kung kanina panay ang indak niya kahit nakaupo dahil sa masisiglang
kanta ngayon ay nagtataka siya.
"This is impossible!" aniya na ibinalik ang papel kay Rayhanna at
sumenyas ng isa pa sa nag f-flairing na bartender.
"Impostor 'to siyempre. Pero masyadong kumalat ang pagkakaroon ng
Underground world, " ani Rayhanna na napipikon na sa kaiinom ni Aleissa araw-araw.
"According to his plan .. " napaisip si Aleissa sa sinabi at napatingin
kay Rayhanna. "It can't be... "Mabilis siyang bumaba at planong umalis na sa
maingay na lugar. Napapailing na ibinigay ni Rayhanna ang black card sa bartender
na mabilis naman nitong na i-swipe sa isang machine at ibinalik agad.
"Saan ka ba pupunta?!" Tanong ni Rayhanna kay Aleissa ng makalabas
sila.
"Bago patayin ni Dark ang isang Crescent, sinabi niya na magiging
isang arena ng pinakamalalakas ang underground world, ipamamana niya ang lugar sa
tanging anak niya kung sakaling maaabot nito ang ekspektasyon niya! Ibig sabihin
lang may iba pa siyang pinagsabihan no'n bukod sa'kin? Ito ang plano niya noon pa!
" ani Aleissa. Nagtungo sila sa liblib na parte at doon bumuo ng magic circle at sa
ilang saglit nakarating sila sa Underground world. Tinungo nila ang Castle of
Glass.
"Bakit ba tayo nagmamadali?" ani Rayhanna nang pababa na sila sa hagdanan patungo
sa kailaliman ng kastilyo. Pagkababa nila sa kadulu-duluhan ng kung ilang daang
hagdanan kusang nagbukas ang mga ilaw na dinaraanan nila. Hanggang sa marating nila
ang isang kuwarto na agad nagbukas dahil si Aleissa mismo ang gumawa ng
tarangkahahan.
"Isang taon na tayong hindi napupunta dito, sa tingin mo nagtampo siya?" Pang-uuyam
ni Rayhanna na inilibot ang paningin. Napakaganda ng lugar. Maayos na maayos ang
mga kandilang kulay pula na naglalakihan na hindi pa nagagamit, tila iyon mga
librong nakahanay. Totoong yari sa pilak at ginto ang mga simbolo na nasa mga pader
katulad ng mga inukit sa pyramid na hanggang ngayon ay walang interpretasyon kung
bakit iyon nakalagay. Nakikita nila ang repleksyon nila halos sa tila yelong
tapakan ng buong lugar.
Nilakad nila ang kaliwang bahagi at tumambad ang isang salaming parihaba na may mga
disenyong simbolismo na maaaring may kahulugan din. Inilapat ni Aleissa ang kamay
doon at bumukas ang glass walls at pumasok sila sa loob. Ang huling hantungan ni
Crescent nang mamatay ito sa Floating fortress ni Neo noon.
Natagpuan nila ang higaan nito na may kurtina ang bawat paligid na kinailangan pang
hawiin ni Aleissa para masilip ang lalaking nahihimlay nang higit sampung taon.
Nanlaki ang mata nila pareho at nagkatitigan.
"NASAAN SI CRESCENT?!" sabay nilang tanong sa isa't isa.

_____________
MALAKAS ang simoy ng hangin ng magising si Lyra. Kakaiba ang ihip niyon parang may
paparating na bagyo. Bumangon siya para isara ang bintana at kasunod niya si Chin
na nagising sa pag galaw ni Lyra sa higaan. Bago isara ni Lyra ang bintana may
bumagsak sa paanan niya na isang pulang rosas na may nakataling itim na laso t itim
na sobre.

READ. VOTE. COMMENT! *u*


60 votes next chapter.
THANKYOU sa patuloy na nagbabasa. Naks naman! Ang dami n'yo na ayaw 'tong itigil. I
love you all hihi. *u* More votes and more comments para naman sinisipag ako ditey
hahaha! *u* <3
ADD ME: Jobelle Rivera ( MisaCrayola ) FB
MisaCrayola's group chat.chat! *u*
<3A/N

Sorry kung iho-hold ko ang TORMENTED FATE. Sa kadahilanang pagtutuunan ko ng pansin


ang ADOPTED BY THE VAMPIRE KING, YOU SUCK AT LOVE at siyempre SLAVE TRADE. Salamat
sa pag suporta sa mga stories ko lalo sa SLAVE TRADE kaya ako natutuwa kasi
dumarami kayo haha! Akala ko kas hanggang 20 lang ang magbabasa no'n dahil third
person siya at masyadong malalim ang ibang tagalog na pinipilit ko namang pababawin
kapag inuupdate ko na.

Hindi ko inaabandona ang TORMENTED FATE sa totoo niyan gusto ko kasi na priority
'to at ang PSYCHO DISORDER kahit pa hindi siya gaanong binabasa, dahil lang pareho
ko silang trip isulat at natutuwa ako. Haha! *u* Huwag kayong mag-alala matatapos
din agad ang SLAVE TRADE at ABTVK hindi na rin 'to magtatagal. Naabandona ko kasi
ang ABTVK ng tapusin ko ang RBW 2 at nawala na ko sa plot kaya nalulungkot ako para
sa series ni Vincent. T-T

PLEASSSSEEEE! UNAWAIN N'YO KO. GUSTO KO KAPAG SINULAT KO 'TO WALA SIYANG GAANONG
KAAGAW KASI ANG DAMING CHARACTER mamaya magulat kayo nagkapalit-palit ang name ng
bida ko hahaha! Para din happy basahin n'yo ang mga On-going ko ha? Salamat!

#MisaCrayola
FB: Jobelle Rivera(MisaCrayola)

TF 4: Candle

TORMENTED FATE
CHAPTER FOUR
" CANDLE "

" Siguro kay Master Light 'yan nanggaling," wika ni Yen kay Lyra na titig na titig
sa pulang rosas habang nakabukas sa glass table ang sulat na naroon. Hindi alam ni
Lyra kung totoo nga bang galing kay Light ang sulat na 'yon. Wala naman siyang
makitang palatandaan. Ang sinasabi lamang sa sulat ay " Kamatayan man ang matalos,
sa puso ika'y igagapos, " nangiti siya at isinira ang sobre.
"Saan nga pala tayo pupunta?" Tanong ni Lyra sa nakatayong si Yen.
"Ipinapatawag kayo ni Master Wolveus," sagot ni Yen na ngumiti. Tila
naman maganda ang araw ni Lyra ngayon.
Makalipas ang dalawang oras lulan na sila ng sasakyan patungo sa La
confide kung saan napili ni Wolveus na kitain si Lyra. Kasama niya si Yen na
kalapit ng driver nilang isa ring bampira.
"Gusto ko ng makita si Shin, " malungkot na wika ni Lyra. Alam niya na
iniiwasan siya nito dahil para na siyang nababaliw na hinahanap dito si Crescent.
"Gusto mong puntahan natin siya Lady Scarlet?" ngiti ni Yen kay Lyra.
"Alam mo ba kung nasaan siya?" Ngiti ni Lyra. Hindi niya kasi alam kung
saan ito dinala ni Vlad.
"Sabi sa 'kin ni Angela( isa sa tagasunod ni Crescent) nasa La Confide
si Shin kasama si Jasmine," sagot ni Yen na ikinatuwa ni Lyra. Pupuntahan niya 'to
matapos kausapin ang ama ni Crescent -sobra na siyang nag-aalala sa anak niyang
nahihirapan dahil sa kalokahan niya. Maraming taon na ang lumipas, siguro kailangan
naman niyang ayusin ang sarili para dito, kung umasta siya parang kapatid lang siya
nito -take note mas bata pa!

*******
"CRESCENTINE! " Gigil na tawag ni Crestia sa lalaking patawid kaya napatingin ito
sa kanya ng nakakunot ang noo.
"Don't follow me!" asik nito pero nameywang lang si Crestia at tinaasan
ito ng kilay.
"I told you, kakausapin pa tayo ni mommy Rozen! Pasaway, " hinawakan ni
Crestia sa braso si Crescentine at naghilahan talaga sila sa gitna ng pedestrian
lane. Balak na nga niyang tumakas, natilihan lang talaga ni Crestia aalis siya nang
walang paalam. His mother can't defend his father sa mga elders ng Snow Island.
Bakit kailangan niyang mag stay sa isang lugar kung saan hindi siya matatahimik?
Still he can't accept his father's death, lalo na hindi niya 'to nagawang
pagalingin. Gusto niyang malaman kung nasaan ang labi nito at siya ang nararapat
mag-ingat niyon at hindi ang ibang tao. Pero hindi naman sinasabi ni Rozen sa kanya
kung saan matatagpuan ang pamilya ng ama.

Ang lugar na 'yon ang nilalabasan nila mula sa pinanggalingan nila.


Mundo iyon ng mga mortal, doon sila naglalabas masok sa tinatawag nilang portal.
Kung sa lugar nila si manggagaling daraan sila sa malaking salamin sa forbidden
door at dito nga sila lalabas lalo pa't walang CCTV na nakalagay doon at hindi
daanin ng tao. Napakabihira lang dahil paliblib ang lugar, nadadaanan lang siguro
kung may trip mag gala sa kakahuyan.
"Stop it! " gigil na hinawakan ni Crescentine ang kamay ni Crestia nang
makarinig sila ng tatlong busina na ikinalingon nilang dalawa ng sabay.
"Tignan mo! Nakakaistorbo na tayo! " si Crestia na hinila sa bus stop
si Crescentine na sumama na lang dahil ang kulit nito at naiirita siya.
"Pasensiya na po," pinilit ni Crestia na abutin ang ulo ni Crescentine
at itungo katulad ng sa kanya. Very apologetic na sila.
"Next time h'wag kayong magharutan sa gitna ng daan," natatawang wika
ng babaeng nasa loob ng sasakyan na halatang nabigla ng mag-angat nang tingin si
Crescentine na hinila na si Crestia. Napasadahan pa ng tingin ni Cresentine ang
babae sa backseat dahil bukas ang bintana ng sasakyan nito at nakapikit na parang
isang anghel. Parang may kung ano siyang naramdaman -dikta ng dugo?
Nagkusot ng mata si Yen nang mapagtantong kahawig ni Shin ang lalaking
may kasamang babae. Iyon lang mas malaki ang pagkakahawig nang nakita niya kay
Crescent ngunit bago pa niya gisingin si Lyra ay hinila na nang lalaki ang kasama
nitong babae patungo sa liblib na lugar na hindi naman mapapasok ng sasakyan dahil
kakahuyan na.
Hindi na lang niya sinabi kay Lyra dahil baka kung ano pang isipin
nito. Nakarating sila sa bukana nang kagubatan na nilakad na lamang nilang dalawa
ni Lyra at naiwan sa sasakyan ang driver nila.
"Matagal na 'kong hindi nakapunta dito," pinilit ni Lyra na ngumiti
kahit pa naalala niya sa bawat tapakan niya si Crescent. Lahat nang naroon ay
nagpapaalala sa asawang namatay dahil sa pagpo-protekta sa kanila. He may be bad.
But he's a loving and caring husband who loved his wife and son unconditionally.
JASMINE'S POV

"What should I do?" Nakagat ko ang lowerlip ko. Hindi ko alam ano ba
ang dapat kong unahin? Ang kalagayan ng kapatid ko na may sakit o ang pagsama dito
kay Shin? By the way sinabi ng ex niya - slash asawa na nang kapatid kong si
Vincent na may nag-claimed na anak ni Crescent na kamukhang-kamukha naman ni
Crescent! What the eff! Ang pantasya kong lalaki since childhood may dirty little
secret? May anak sa iba? Goodness for sake! Kaya heto hindi na natahimik ang
lalaking kasama ko at panay ang ikot sa harapan ko, I rolled my eyes for heaven's
sake naman ang daming problema ng mundong 'to! (Mababasa n'yo ang part na 'to sa
ABTVK part II: Bleeding )

"Please, pareho lang tayong may iniisip 'wag ka namang ikot nang ikot!"
irita kong wika sa kanya pero iniwan niya lang ako sa sala. Naman! Magang-maga nga
ang mata ko dahil sa nangyayari sa kapatid ko, for sure may kinalaman yung asawa
niyang echuseraa! Humanda siya sa 'kin kapag nalaman kong may ginagawa siya sa
kapatid ko! Grrr ..

"I'll go by myself, puntahan mo na ang kapatid mo, " si Shin nang


bumalik kaya napatayo siya sa sobrang tuwa.

"Salamat! "Mabilis niyang niyakap si Shin at agad ding bumitiw na tila


napahiya. "That's a .. " ano nga ba? Namula siya at agad tinalikuran ito.

"Don't touch Nicole! I swear you'll pay fot that! " sabi niya kaya
halos magdikit ang kilay ko .That witchty bitchy girl na nagtatago sa pretty
innocent look niya, kaya naman nagawa niyang kunin ang loob ni Shin na may pagka
demonyo at ganoon din nang kapatid kong mahaba rin ang sungay pero sa 'kin super
sweet! *u*

"Okay fine!" Pagsang-ayon ko bago umakyat sa kuwarto ko. Mag-eempake na


'ko bago pa magbago ang isip niya.

*****
LYRA'S POV
Nabigla ako sa sinabi ni ama (Wolveus). Magkaharap kami ngayon sito sa
bulwagan, kami lang dalawa dahil iyon ang gusto niya pribado. Parang nabingi ako sa
sinabi niya.
"Nagkamali ata ako nang unawa ama, baka p'wedeng ulitin mo,"
kinakabahan ako na parang sasabog ang isipan ko sa narinig ko. Nakatalikod siya sa
'kin at tila hirap na hirap ulitin ang mga sinabi pero muli niya 'kong nilingon.
"Lyra, pakasalan mo si Light, " sa ikalawang pagkakataon ay inulit ni
ama ang sinabi niya kaya napaawang ang labi ko. " Si Shin, pabalikin mo na lamang
siya dito para iharap ko bilang tagapagmana nang aming lahi. Napakalaki nang
magaganap na pagtitipon at kailangan ay apong lalaki, " anito na tila nakaisip ng
ibang paraan at nagkaroon ng ngiti sa labi.
"Ama, alam mo naman na may misyon si Shin! Siya ang tagapagmana ni
Crescent, hindi p'wede .. Hindi ko siya mapipigilan sa mga gusto niya, iyon ang
pinag-usapan namin ni Crescent!"
"Lyra, kung pakakasalan mo si Light iyon ang magiging kaganapan sa araw
na 'yon kesa pagpapakilala ng tagapagmana, pakiusap tulungan mo 'ko. Hanggang
ngayon walang may alam sa kanila na hindi iisa si Crescent at Light, at noong
ikasal kayo ni Crescent wala naman sa lahi namin ang imbitado kaya iisipin nilang
kalapastanganan iyon," wika ni Ama na talaga naman nakikita ko ang kabigatan na
dinadala niya.
Paanong hindi niya 'yon mararamdaman? Mabibigat na kadugo nito ang
darating. Lahat ng namumuno sa bawat panig ng mundo ay darating. Dalawa lang naman
ang p'wede kong pagpilian -pakasalan si Light, o pabalikin si Shin.
"Alam kong mahal mo si Crescent, hindi man tama pero magkamukha naman
sila ni Light. Matagal na rin siyang pumanaw at alam kong gugustuhin niya rin na
maging masaya ka, " dagdag pa nito.
Hanggang sa makauwi ako blangko ang isipan ko. Bakit ang bilis? Tutol
ang puso ko, pero hindi ko kayang tutulan si Shin -kahit nga alam kong mapanganib
at p'wede niyang ikamatay hindi ko siya pinipigilan. Ito ang gusto ni Crescent,
kinamatayan niya at pinaghirapan ang mundong ginawa niya para sa 'min, paano ko
maatim na ipamigay lang iyon sa iba?
Kung hindi gusto ni Shin, kakalimutan na namin iyon at hahayaan sa iba
pero pursigido siya. Gusto niyang makuha ang para sa kanya, para ngang nakikini-
kinita ko nang magiging katulad siya ni Crescent pagdating ng panahon.

*******

"MASTER!" Sigaw ni Tamtam nang tumalon pababa ng punong kinatatayuan si Seventh


para sundan ang papaalis na sasakyan ni Lyra.
"Bakit ba?" ngiti ni Seventh sa guardian niyang dumapo sa balikat niya.
"Siya ba ang mama mo? Ang ganda-ganda naman niya!'' humahangang wika ni
Tamtam na ikinagiti ni Seventh.
"May tamang panahon," wika ni Seventh habang tinatanaw ang sasakyan na
maliit na sa paningin dahil sa kalayuan nito. " She's innocent, wala siyang alam
sa lahat ng nagaganap. No one can touch her, she'll be the Queen of everything
soon," ngisi niya.
"Master," nag-aalalang tawag ni Tamtam dito. Sa isang iglap nakita niya
ang isang mata nito lang ang nagkulay pula kaya kinabahan siya at natakot na
nagsumiksik sa loob ng bulsa ng jacket nito. Hindi siya sasantuhin ng mga matang
'yon!
Umalis na sila sa lugar na 'yon at nagtungo sa black market sa
pamamagitan lang ng teleportation. Nakasuot ng itim na jacket na hoodie si Seventh,
kumikinang ang mga hikaw nito at hindi nawawala ang ngiti. Napailing na lang si
Tamtam na nagtatago pa rin sa loob ng bulsa nito para makapagpahinga.
Matingkad ang pagiging pula ng isang mata ni Seventh nagliliwanag iyon
at tila may ninanais ang mga labi nito na binasa nito at kinagat. May ilang
napapatingin sa kanya dahil sa kakaibang ngiti at kapansin-pansin na pulang mata.
Sa kasamaang palad lahat ng tumingin sa mata ni Seventh ng harap-harapan na tumagal
ng tatlong segundo ay agad inaatake ng pagdurugo ang utak at nilalabasan na ng mga
dugo sa tenga, ilong at maging sa mata kaya napalabas si Tamtam ng marinig ang mga
sigaw na tila pinaparusahan ng matindi.
"Master anong nangyari?" usisa ni Tamtam na agad tinignan ang mga
nagsisinigaw na halos sampu ang bilang at pinagkakaguluhan ng mga tao dahil sa
kakaibang mga sigaw na parang nagmamakaawa pa at sinisiritan ng dugo sa bawat butas
ng mga katawan -natutuyot rin ang mga balat nito at nakita pa ni Tamtam na
itinuturo si Seventh ng isa na natabunan na ng mga taong nakikiusyoso.
"Master," natakot si Tamtam at agad bumalik sa bulsa ni Seventh. May
panahon talaga na gusto lang nitong pumatay ng pumatay. Deadly - ang mga mata ni
Seventh ang pinaka-matinding sandata nito. Hindi nito kailangang kumilos, hindi
nito kailangang magsalita ng mga spells dahil ang mga mata nito ang ipinamana ni
Crescent -ang mga matang may kakayahang sumira at umubos ng sangkatauhan.
Ngunit bukod sa mga mata nito ay magaling itong makipaglaban. Higit pa
sa butas ng karayom ang pinagdaanan ni Seventh sa kamay ng itinuring nitong ama
-ang amang nagpangalan dito ng Seventh Sanctum - Sanctum brothers are not related
in blood. Silang pito ay itinuring lamang na anak ng Demon Lord at pinangalanang
first, second, third, fourth, fifth, sixth and seventh. Ngunit sa pito si Seventh
ang kinaiinisan, mapang-insulto ito at mapangmaliit -palagi itong nakangiti at
hindi mo magagawang galitin.
Maging si Tamtam ay hindi sukat ang kakayahan nito. Palagi lang
nakikipaglaro si Seventh, hindi ito nagseseryoso -ngayon pa nga lang ay kaya na
nitong sabihin na tapos na ang labanan. Siya ang tagapagmana, siya ang
pinakamalakas, ang pinag-iisipan na lamang nito ay kung bubuhayin nito ang amang
nahihimlay.
Nakarating sila sa isang lugar nang kilalang manghuhula sa malaking
mansion. Bibihira lamang ang tinatanggap nitong panauhin, isa si Seventh sa
kinagigiliwan ng babaeng nasa apatnapu na ang edad kung titignan.
"Sinabi ko sa 'yo hindi pa buhay si Crescent, " wika ng Esmeral na
inanyayahang pumasok sa isang malaking silid si Seventh na nakatanggal na ang hood
at lumilipad na si Tamtam. Umingit ang pintuan ng buksan ni Esmeral at tumambad
doon ang mga itim at pulang kandila na malalaki at maliliit na halos pumuno sa
kuwarto. Gitna lamang ang wala ay may tetragamang naroon -mga walang sindi ang
kandila
"Kung nabuhay siya magsisindi ang mga kandilang 'yan, nasisiguro kong
mahihirapan ang sino man na ibalik siya, " wika ni Esmeral na isinarado na ang
pintuan at sinamahan si Seventh sa sala para maupo. Ngunit sa paglapat nang pintuan
hindi nila nasaksihan ang pagsindi ng pinakamalaking kandila. Nagkaroon iyon ng
asul na apoy at mabilis ang pagpatak ng mga natutunaw na parte kaya nagkakalat ang
itim na kandila na nasa pinakagitna pa ng bituin sa tetragama.
Napahinto naman si Seventh at binalikan nang tingin ang nakapinid na pintuan, "
Bakit parang may kakaiba? " sa sarili na lang niya sinabi y'on at sumunod na kay
Esmeral. Isa ito sa pinakamagaling na manghuhula, ito ang nakaatas na alamin kung
nagbalik ba o hindi si Crescent sa mundo.

READ. VOTE. COMMENT! *u*


Maraming salamat sa paghihintay! Loveyouuuuu all.. <3
MisaCrayola
FB: Jobelle Rivera(MisaCrayola)

TF 5: Red Scorpions

** Bago n'yo basahin. Paalala lamang, to avoid confusions basahin nang marahan.
About kay Crescentine, Shin at Seventh. Don't cha worry ang pinanggalingan nila ay
marereveal na sa kani-kanilang POV. Lahat pa ng lumalabas ay pagpapakilala sa mga
characters, napakarami pong papasok na bagong tauhan kaya pakilista na ang bawat
grupo sa papel hahaha! Ganito .. Team Neo .. Team Scorpions.. Team Shin.. at anu-
ano pa hahaha! *u* O'sha mahaba na sa ending uli ako eekstra.
#MisaCrayola

TORMENTED FATE
CHAPTER 5
" RED SCORPIONS "

SCENE 1
" Magkasundo tayo Light, "sabi ni Lyra sa pagitan nang paghinga ng malalim. Para sa
ikabubuti ng anak niya, para sa hindi pag hadlang dito ng iba. Kailangan nitong
magawa ang mga bagay na iniwanan dito ni Crescent.
Magkatitigan sila sa loob ng tanggapan ng bisita ng mga Rainsworth. Bakit ba
kasi kamukha ni Crescent si Light? Pakiramdam niya kaharap niya ang asawa. Isipin
pa lang si Crescent parang pinanghihinaan na siya ng tuhod.
" Anong gusto mo? " Nakangiti naman si Light kaya naiinis na naman si Lyra.
Bakit ba ang hilig nitong ngumiti? Kung si Crescent 'to tataasan siya nito
panigurado ng kilay. Bakit ba gusto niyang maging katulad ni Crescent si Light?
Ganoon ba talaga siya kadesperadang muling makasama ang asawa?

SCENE 2
" Hindi pa siya gano'n kalakas pero nakikita ko na agad sa mga mata niya ang
pagnanasang maging pinakamalakas," ngisi ni Neo habang nakaupo sa mala trono niyang
upuan habang kumakain ng cookies at nakatingin sa malaking monitor.
Kasalukuyang naroon si Shin at nakikipaglaban sa iba pang nais maging
miyembro nila. Malakas ito, pero wala pa siyang nakikitang espesyal sa kakayahan
nito.
"Sa tingin mo ba may ibubuga 'yan? " Ani Zuki na aminado naman na malakas si
Shin. Pero may magagawa pa kaya ito sa huling palapag kung saan naroon na ang
pinakamalalakas na napili? Hindi nila kailangan ng maraming aalagaan. Tatlo o
limang kasapi lamang ay ayos na.
"Hindi mo naman kailangang madaliin, teenager lang 'yan dadaan pa sa
proseso!" ani Ylerys na ikinakibit na lamang ng balikat ni Zuki. Pareho silang nasa
likuran ni Neo.
Nakikipaglaban si Shin at kitang-kita ang pagiging bihasa ng kamay nito sa
pagpaslang. Sa isipan ni Neo, iniisip niya na ano ba ang magagawa niya para
palakasin ito? Sa kabatirang namatay na si Crescent, parang gusto niyang akuin ang
pangangalaga kay Shin. Kamay lang nito ang ginagamit sa pagpaslang. Katulad ni
Crescent hindi ito nagpapalit anyo bilang taong-lobo, mas lumalamang na
pagkakamalan mo 'tong bampira dahil mahahabang kuko lang nito ang pinampapaslang
nito.
Nakatitig sila sa monitor. Nangiti si Neo na natapos ni Shin ang tatlumpung
kalaban nito na talaga namang patapon. Gasgas lang ang tinamo nito at nadumihan
lang ang damit nito ng mga dugo mula sa mga kalabang mandirigma na bagsak at
duguan.
"Dalhin na siya sa huling palapag," wika ni Neo nang pindutin ang asul na
buton sa upuan na awtomatikong nakakonekta sa bawat palapag na pinapanood niya.
"Pero may mga maglalaban pa? Baka nakalimutan mo lang," ani Lander na siyang
husgado sa nagaganap na labanan.
"Gusto ko siyang makitang lumalaban," Nakagat ni Neo ang labi niya na
ikinadugo niyon. Hindi niya mapigil magdiwang ang isipan. Si Shin Crescent Wolveus,
titignan niya at susukatin ang kapangyarihan nito. Hindi siya dapat biguin ni Shin
lalo pa't buhay na buhay ang dugo niya.
**
HULING PALAPAG
Hindi alam ni Shin kung bakit lalaban uli siya. Ang alam niya sa susunod pa. Sino
ba talaga ang namumuno? Gusto niya 'tong makilala dahil baka ito lamang ang
makatulong sa kanya.
Naabutan niya agad ang mga naglalakihang nilalang. Malalakas ang mga ito
tignan at may natatanging babae siyang nakita. Napaangat ang kilay niya dahil mukha
itong takot na takot at nanginginig pa. Nakatirintas pa ng dalawa ang mga buhok
nito at nakasuot ng school uniform. May kasama ba 'to sa mga naroon?
Labing lima lang silang lahat. Wala pa naman sinasabi na maglaban-laban
sila sa buong palapag na magsisilbing arena nila.
"Ha -hi!" Bati sa kanya ng babae na tila kinakabahan pang kausapin siya.
Tinanguan niya lang 'to bilang sagot na ikinangiti ng dalaga at mabilis na
lumapit kay Shin. Doon lang napansin ni Shin ang Katana(Japanese sword) na
nakasukbit sa balikat nito. Kalaban kaya niya 'to?
SPEAKER: Ang limang matitira ay magiging opisyal na miyembro. Kayo na ang
magtakda kung kailan n'yo sisimulan ang labanan.
Nagkatinginan silang lahat. Nag-aarok ang mga tingin kung panahon na para
sumugod sila o ilang segundo pa bago nila simulant ang laban. Mapapasok niya nag
organisasyon. Lahat daraanan niya mapalakas lang ang taglay na kakayahan. Hindi pa
raw siya handa para makuhang muli ang kapangyarihan. Patutunayan niya kay Vlad na
kayang-kaya na niya. Siya lamang at wala nang iba ang maaaring maging tagapagmana
ni Crescent.
"Matitira tayong dalawa! " wika ng babae na twang-tuwa kay Shin na abala
naman ang isip sa kung sino nga ba ang nasal ikod ng pagpapakalat ng mga papel na
nagsasabing mula iyon sa ama? Isipin pa lang niya na nalalapastangan si Crescent
binabalot na nang panibugho ang puso niya.
Tila ba nagkakaunaawaan sila at sabay-sabay na sumugod sa isa't isa. Iba't
iba ang armas pandigma ng mga ito, malalaking talim, malalaking panghampas na may
libo-libong matutulis na mala-punyal na kutsilyo at ang iba naman ay nagpapalabas
mg armas gamit ang mahika. There's no rule, mandaya ka man sa laban ang mahalaga
may matirang buhay sa kanila na magsisilbing panalo.
"Galingan mo!" Cheer sa kanya ni Channel.
Isang malaking lalaki agad ang kumalaban sa kanya. Tila ito sumo wrestler sa
laki ngunit mabilis ang kilos nito na akala mo ay walang bigat na dinadala.
Malaking mala baseball bat na gawa sa bakal ang hawak nito na punong-puno ng blade.
" Sino ang magtatago kay Crescent?! Hindi p'wedeng mawala siya!" Gigil na paikot-
ikot si Aleissa sa loob ng kuwarto niya sa mundo ng mga mortal, habang si Rihanna
ay nakasandal lang sa pader at nakahalukipkip habang nakapikit. Mataman niyang
iniisip paano at sino ang maglalabas kay Crescent sa underground.
"Hindi ako naniniwalang buhay na siya! "Bwisit na wika ni Aleissa.
"Ano bang ikinababahala mo?!" wika ni Rihanna na nagmulat na nang mga mata,
sa ingay ba naman nitong si Aleissa makakaisip pa siya ng matino?
"Paano kung buhayin nila ang katawan niya pero hindi niya kaluluwa? Paano na
ang mangyayari? Bago siya lumisan dulot ng kamatayan may sinabi siya sa 'kin limang
gabi bago siya mamatay."
"H'wag mong hahayaang buhayin ako nang kahit sino. Hayaan mo na lamang akong
magpahinga, bantayan mo na lang ang pamilya ko at paminsang alamin ang kalagayan
nila. Hayaan mo nang hindi malaman ni Lyra na may katawan pa 'kong maiiwan, ganoon
rin ang anak ko. Aasahan ko na hindi n'yo siya pababayaan. Hindi ko yata kakayaning
mamili sa kanila, hayaan mong sila ang makipaglaban sa buhay nila."
"Teka nga, ang gulo ng huling part!" ani Rihanna.
"Iyon ang sinabi niya! " pagtatanggol ni Aleissa sa alaala. Hindi niya
malilimutan dahil nauulinigan pa niya ang boses nito.
" Kanino siya mamimili kay Lyra at Shin, bakit? Makipaglaban sa buhay nila?
Diba si Shin lang naman ang makikipaglaban dahil hindi maaring sumama si Lyra sa
kanya dahil ayaw nga siyang magalusan ni Crescent, " nakataas pa ang kilay ni
Rihanna.
"Hindi pababayaan ang anak niya... Hayaan silang makipaglaban sa buhay nila?"
Ang dalawang salitang inulit ni Aleissa ang ngayon nama'y gumagambala sa kanya.
"Wala na ba siyang sinabi?" - Rihanna
"Sabi pa niya ' Kayo nang bahala sa 'king itim na tupa. Mahihirapan kayong
pakisamahan siya, hindi talaga nawawala ang suwail na anak ' tumatawa pa nga siya
nang sinabi niya 'yan? " ani Aleissa.
"Hindi suwail si Shin! " Koro nilang dalawa. Kaya nagkangitian sila. They
both loved Shin na parang kadugo nila.
SCENE 3
" Nangangati na ang mga kamay kong kilalanin ang mga nilalang na papapasukin natin
sa underground world. " bulong ni Ice sa kasamahan na si Alexis na abala na naman
sa computer nito at cookies. Hindi man lang siya nito pinansin kaya naman ang sarap
balibagin nito. Sobrang nerd pa ng look ng babae pero magaling ito at isa pa napili
sila ni Crescent iyon ang paniniwala nila. Ngunit wala silang nakikitang mukha
nito gayunman malaki ang paniniwala nila dito.
" Scorpions!" Malakas ang boses at preskong-presko ang boses ni Loreto na
paparating. Bumuga na lang sa hangin si Alexis dahil hindi talaga siya matatapos
lalo pa't dumating na ang maingay na lalaki. Scorpions- ang tawag nila sa isa't-
isa. Red Scorpions ang pangalan ng grupo nila at nang islang inaapakan nila at
inaangkin. Ibinigay iyon sa kanila ni Crescent kasama ang malaking toreng base nila
na kumpleto sa lahat ng kagamitan.
"Hanggang ngayon hindi ko talaga makuha ang sagot kung bakit tayo ang
ginagamit niyang instrumento, gusto ko rin kasing sumali," ngisi ni Loreto na
nakitingin din sa bintana para tignan ang magiging arena nang unang pagsubok na
pagdadanakan ng maraming dugo.
"Hinahanap na nang iba pang scorpions ang mga natatangi at pinakamalalakas na
nilalang. " ani Ice. Sila lamang tatlo ang natira sa base nila.
Katulad nila, napili sila ni Crescent nang may itim na paru-paro ang lumapit
sa kanila. Ngunit hindi nahahawakan ang paru-paro na tila kaluluwa lamang. At nang
dapuan sila niyon ay may lumabas na isang maliit na nilalang na tinatawag na
guardian o maliit na fairy at sinabing napili sila ni Crescent bilang isang
scorpions.
Walang buhay at nahihimlay si Crescent iyon ang unang sinabi sa kanila.
Dalawang taon na ang nakakalipas. At sa mga araw na 'to isa lang ang alam nila.
Buhay na ito at naroon lamang sa kung saan at isa sa mga araw na 'to ay haharapin
silang mga scorpions nito -mga tapat at walang bahid nang pagtataksil ang mga puso.

Sa ngayon may mga itim na paru-paro ang naglabasan isang linggo na ang nakakalipas.
Bilang mga scorpions, kailangan nilang hanapin ang mga nilalang na dadapuan nang
mga ito. Ang ikalawang utos, ang paghahanap sa pinakamalalakas para maging hari.
"Masyadong makapangyarihan ang pangalan niya. Isang beses lang ang panawagan
natin pero marami na ang nagbigay interes," -Loreto

SCENE 4
"Mabibilis ang mga scorpions, napakagaling ninyong pumili. Malalakas sila at
masasabi kong mahihirapan sa kanila ang mga magbabalak maging hari," wika nang
isang kulay asul na kasuotan na makinang na maliit na guardian. Lumipad ito patungo
sa isang lalaking nahihimlay sa isang magandang kama na napapalamutian ng
mamahaling kurtina na may mga diamante.
Dumapo siya sa kamay nito at tuwang-tuwa. "Master Crescent, maligayang
pagbabalik, " malambing na wika niya rito at tumawa na parang kinikiliti ng gumalaw
ang daliri nito na siyang kinatutuntungan ng malilit niyang paa.

Dedicated "Javier " hahaha! Ayan na ha? Makakatulog ka na, hahaha! Thank yo sa
pagsubaybay mula sa una magpahanggang ngayon. ;3

READ. VOTE. COMMENT


Usapang matino, every 60 votes mag-uupdate ako dito. Kapag 55 na mag tatype na ko
ng next chapter hahahaha! QUESTIONS? Sa FB na lang kapag questions. ;3 pwede rin
dito kung hindi naman mahabang explanation ang kailangan n'yo haha! Hinati ko na
siya by scene, para di kayo malito gaano lalo pa't puro bago ang mga pangalang
lumalabas. ;3
FB: Jobelle Rivera(MisaCrayola)

TF 6: Who am I?

CHAPTER 6
" WHO AM I?"

" Sino ang may gawa sa 'yo niyan!" Histerikal na tanong ni Frances nang makitang
sugatan si Shin.
Naglabasan rin sa base sila April at Lian para alamin kung ano ang
ipinuputak ni Frances.
"Waaaahhh! Sinong nanakit sa 'yo!" Segundang reaksyon ni Lian na
nilapitan si Shin.
"Hoy babae! Sino ka ha?" Duro ni Frances sa isang nerdy na babae.
"Papasukin n'yo nga muna kami tita's," natatawang sabat ni Shin dahil
mukhang aabutin sila nang pasiyam sa dami ng tanong ng mga ito.
"Hello! Vishnu, pumunta ka't madali! May nanakit kay Shin, juskoo!" sabi ni Frances
sa kabilang linya.
"Tita Frances," angil ni Shin, maliit na bagay lang naman ang natamo
niya. Gasgas, mabababaw na sugat ano pa kapag malalim? Kung dito rin nakatira ang
mama niya panigurado na isa na rin 'to sa O.A
"Tingin ko ito talaga ang may kasalanan e," duro ni Lian nang sandok sa
nakaupong si Channel na agad humawak sa braso ni Shin na inamoy pa nito.
Ang bango naman niya! Ang guwapo pa!
Kung babalikan nila ang nangyari sa huling palapag. Walang duda na
malalakas nga ang mga naroon. Wala namang lumalaban sa kanya at mukhang madali lang
siyang ligpitin at iyon ang taktika niya para ito ang mga mag-away away at ihuli
siya. Atleast, matitira na lamang ang kakalabanin niya. Sa kabutihang palad hindi
na niya kinailangan lumaban dahil lima ang kailangang matira at isa siya sa
natirang limang buhay kabilang si Shin.
Magaling makipaglaban si Shin. Pinilit niyang sumama dito lalo pa't
wala naman siyang uuwian na. Lumayas na siya sa sariling isla para maglakbay.
"Sabihin mo na kung sino ang nanakit sa 'yo!" Sabi ni Angela na
inilabas ang espada nito.
Natawa na lang si Shin, " Power rangers, nagugutom na 'ko. Iniwan ako ni Jasmine,
hay! Ginugutom niya ko tita's .. "
"Ohhhh! Ang cute mo pa rin talaga baby Shin," wika ni Frances na
ikinanguso ni Shin. Baby pa ba talaga siya? Tila nga madapa lang siya mukha ng
papatay ang mga ito." Kakain ka na, maghahanda na kami. Pero hindi kasama sa budget
'yang mukhang tutubi," taas ni Frances ng kilay kay Channel na napangiwi.
"Tutubi?" ulit ni Shin. "Kamusta na kaya si Pumpkin?" wala sa wisyo na
tanong ni Shin kaya napatitig sa kanya ang charlie's angels niyang mga tita na tila
sinusuri siya. "What's with that look?" he asked curiously.
" Naiisip n'yo ba ang naiisip ko?" ani Angela na ikinatango pa ng
dalawa.
"Wala namang sapak sa utak 'tong mga tita mo?" bulong ni Channel kay
Shin na natawa ng malakas. Mukha ngang may mga sapak na sa utan ang mga tita niya.
"Tita's, baka kailangan n'yo na talaga ng mga boyfriend," komento ni
Shin sa tatlo na ibinalik ang tingin sa kanya.
"Mama," Napatayo si Shin nang makita si Lyra na kapapasok lang. May
kung ano sa ngiti nito. Sadness? Pero agad ding nawala.
"Shin, can we talk?" sabi ni Lyra na nagtungo sa parte ng terasa kaya
sumunod naman siya sa ina.
"Why are you here?" Disgusto na tanong niya kay Light na naroon. He
might be resemblance with his father. Pero hindi niya maipagkakailang ito ang papa
niya. Hindi pareho ng ekspresyon ang dalawa. Sinalubong nga agad siya ng ngiti ni
Light.
"Shin, " humugot nang hininga si Lyra. Pipigilin niya ang mga luha
niya.
"Ma?" Nagtatanong na ang mga mata ni Shin dahil sa kakaibang kinikilos
ni Lyra.
"Magpapakasal na kami ni Light, "
Tila iyon bombang sumabog sa pandinig ni Shin na hindi na nagawang kumilos pa. His
mother's joke is unforgivable!
" You're joking right? " Shin
"Three days from now," dugtong ni Light.
"Mama," Hindi magawa ni Shin na magsalita. Parang biglang gumuho ang
mundo niya. Alam niya na nahihirapan ang mama niya sa pagkawala ng papa niya.
Kahit pa ilang taon na ang lumipas, higit isang dekada na nga pero para sa kanya
hindi pa 'yon ganoon katagal. Sariwang-sariwa pa rin sa kanya ang alaala ng papa
niya. Dito pa talaga sinabi ng mga ito? Sa lugar kung nasaan nakalibing ang papa
niya. What does it mean? Nagpaalam na rin ito sa puntod ng papa niya na alam niyang
tutol pero wala na 'tong boses para magsalita.
Hindi niya magawang sumbatan si Lyra. Palaging sinasabi ng papa niya na
huwag niyang pasasamain ang loob nito. Be a man. Be her strength. Be his mother's
hero.
"Mag-usap muna kayo," bulong ni Light kay Lyra bago ito umalis at
iwanan silang dalawa.
Lyra bit her lower lip as if she was holding her tears.
Seeing her son kneeling on the floor and begging her not to do that shit makes her
heart broke into a million pieces. Her son is the only reason why she kept on
standing in this world without Crescent.
"Bakit ka magpapakasal sa kanya? Dahil ba magkamukha sila? Hindi naman
sila iisa, diba sabi mo si papa lang? " Nakaluhod na hinawakan ni Shin ang kamay
ni Lyra. Hindi na napigil ni Lyra ang mga luha nang makitang umiiyak ang
pinakamamahal niyang anak.
" Hindi mo na ba mahal si papa? Siya na ba ang gusto mo? " Sinasabi pa lang ni
Shin ang mga salitang iyon para nang nilalamukos ang puso niya. Kahit pa dalawa ang
nawala sa kanila, hindi niya iniisip na wala na siyang pamilya. Pero kapag
nagpakasal si Lyra sa iba, magkakaroon ito ng ibang anak, para bang iiwanan na siya
nitong mag-isa.
"Mahal na mahal ka ni mama, ano man ang mangyari," pinilit niyang sabihin nang
walang bikig ang mga salitang iyon. Hindi niya magawang sabihin na mahal na mahal
pa rin niya si Crescent kahit gusto niyang ipagsigawan na ito lang ang lalaking
mamahalin niya hanggang sa huling yugto ng buhay niya.
" You want me to hate you as long as I'm living?!" He tried not to shout. Siguro
nga mama niya si Lyra. Pero tila ba kaedad lang naman niya 'to kung ituring at
kausapin minsan. Ito na nga lang ang nagpapalakas sa kanya iiwanan pa siya nito?
"Please. A-accept him as your Father.. Hindi ko naman sinabing palitan
natin ang-- "
" Hindi papalitan!" Tumayo si Shin, " Sinabi mo na nga na tanggapin ko
siyang ama hindi pa papalitan si papa?! "Hindi na niya napigil ang pagsigaw.
"SHIN!!" Dumating si Gabriel Nightray kasama si Miguel at agad itong
pinigilan si braso.
" Mama mo siya, bakit mo pinagtataasan ng boses?!" Mataas ang boses ni
Gabriel.
Napalakas ang pag-iyak ni Lyra sa huling tinuran ni Shin. Pakiramdam
niya gusto na niyang mamatay na nga lang kesa magpaulit-ulit iyon sa pandinig niya.
"She's no longer my mother. My mom is dead." Madiin ang huling salitang
sinabi nito bago lisanin ang terasa.
Hinang-hina ang mga tuhod ni Lyra kaya napaupo siya at malakas ang
naging pag-iyak. Nilapitan naman agad siya ni Gabriel.
Nasaktan niya nang husto si Shin. Nasaktan rin naman siya. Hindi niya gustong
pigilan ito sa nais nito. Hinihintay 'to ni Crescent sa mundo kung saan ipinamana
nito sa anak.

***
JASMINE'S POV
"Ikakasal na si Tita Lyra kay Light?" Gulat na bulalas ko. Napatingin
naman sa 'kin si Daddy kasi nakinig ako sa usapan nila ng isang wolf general na
iniimbitahan si dad. After that incident kay kuya nang umalis siya bigla para
hanapin ang impakta niyang asawa na isa palang incantationer. For sure ginayuma
lang nung ex ni Shin ang kuya Vincent ko! Pero ngayon nagpapagaling na siya, thank
you for the genius Dr. Faust Nightray!
"Jasmine," My father eyed me like a hawk! Gosh, I'm dead!
"Thank you, I will surely come, " sabi ni dad na daig pang nabroken
hearted. Siyempre naman loyalist ni Crescent 'yan, me too! Decade na nga ang
lumipas nang mamatay siya, but it doesn't mean na papalitan agad ni Tita si
Crescent. Agad-agad ba? Matagal na talaga ang lumipas e.
Pagkaalis noong Wolf General pinaupo ako ni dad sa visitor seat. I'm
dead!
"Princess Jasmine Zordick," sabi ni Dad na nakatayo na sa harap ko.
"Yes dad?" Nag puppy eyes ako. He really loves me kaya hindi niya 'ko
pagagalitan.
"Tss! " kinutusan niya 'ko waaah!
"Dad! Totoo ba? "
Tumango siya parang nasaktan ako. Feeling ko kasi hindi matatanggap ni
Shin.
" You'll come with me, for sure nandoon naman si Shin," ani dad na wala
nang ibang sinabi pa.
" How about Shin? " nag-aalalang tanong ko.
"He's not a child anymore. Kung pinili ni Lyra tama lang na hayaan
niyang maging masaya ang mama niya. Matagal na rin, hindi tumatanda si Lyra at
kailangan niya pa rin talagang magkaroon ng asawa," sabi ni dad.
Nag-aalala ako sa kanya. Tumawag ako sa Sacred Island at sumagot naman si Tita
Lian. Bago lang din nalaman ni Shin. Naiiyak ako, ewan ko ba. Pakiramdam ko sobra
siyang nasasaktan. Umalis si Shin kaya naman tumawag ako sa La Confide, kay
Vishnu .. Kung sakaling pumunta doon si Shin sabihin sa 'kin.
Naupo ako sa gilid ng kama ko. Hindi naman kami ganoon ka close, wala
na 'kong ibang kilalang matatawagan. May kakilala ako pero hindi ko alam ang mga
number.
" Princess Jasmine,"
Nabigla ako nang may tumawag sa 'kin sa labas ng pintuan ko. Masyadong malalim ang
iniisip ko.
"Yes? " dungaw ko sa pintuan.
"Naiwan n'yo, may tumawag kasi.. Kaso namatay na," alanganing wika
niya.
"Sige, salamat," naiwan ko pala ang cellphone ko sa dining table. Hindi
naman ako dapat magtatagal kay daddy kaya iniwan ko doon kaso nawala sa isip ko
nang malaman ko na magpapakasal na si Tita Lyra.
Pagkasara ko nang pintuan tinignan ko kung sino ba ang tumawag sa'kin.
Napaawang ang labi ko. Si Shin tumatawag. " MonsterFiancee missed call "
It means he needs me? Nakagat ko ang labi ko at tinawagan siya. Bakit
ba 'ko kinakabahan? Crush ko siya.. Kaunti lang.. Hindi na 'ko bata para kiligin!
May problema nga siya inuna ko pa ang kalandian ko?
"Nasa'n ka? Bakit hindi ka na umuuwi? "Bungad agad niya sa mataas na
tono.
"Nasa Dark Island ka ba?" tanong ko.
"Dalian mo," sabi niya kaya naman nagmadali nga ko tsss. Alipin lang?!
"Daddy! Uuwi na 'ko, ihatid mo naman ako!" Sigaw ko sa buong mansion
kaya tumigil sila sa ginagawa nila.
"Namiss mo na si Shin?!" Tukso ni Ate Faith na nasa sala.
"No! He needs me, ang ganda ganda ko kasi. Para naman ma good mood siya
kapag nakita niya ang pagiging Diyosa ko," sabi ko.
"Shocks! Nag-sesex na kayo?! Minor pa 'yon ---" Nasapo ni Ate ang bibig
niya namula ako ng husto.
"Princess Jasmine!" Si mama na biglang dumating at pinanlakihan ako ng
mata.
"Mapapangasawa naman niya 'yon, " si Daddy na lalo kong ikinapula. Para
na 'kong kamatis.
"VLAD!!!" Malakas na sigaw ni mommy na ikinatawa ni daddy.
"Let's go munchkin, ihahatid na kita," si daddy na nilapitan si mommy
at kiniss sa noo. "Later Queen," kinindatan pa niya si mommy na nagtaas nang kilay
pero ngumiti din. Donya Nidora style? Tss!
**
Malakas ang simoy ng hangin ng magdesisyon akong pumunta sa puntod niya.
Nahihirapan ako, hindi na 'ko makapag-isip ng maayos. Ayokong nasasaktan si Shin,
siya na nga lang ang meron ako.
Madilim na rin. "Crescent," mapait kong tawag sa kanya. Hindi ko na
naman mapigil ang luha ko. Still, hindi ako maging okay na wala na siya sa buhay
ko.
Nagbukas ako ng kandila para naman makita ko siya ng maayos. Pero sa pagbukas
niyon may bumagsak na itim na sobre na may nakatali na namang pulang rosas. Sa
pagkakataong 'to mas mabilis ang tibok ng puso ko.
Naupo ako bago ko binuksan ang sobre. Pakiramdam ko nanlaki ang ulo
ko sa nakita ko. Penmanship niya 'to hindi ako p'wedeng magkamali.
Ipinanganak ako sa pinakamalamig na panahon
Nasaktan, iniwan at at malaki ang galit na lumisan
Hinanap ko ang pagmamahal na hindi ko alam kung ano ba talaga ang
kahulugan
Nabuhay sa kamalian at pilit itinatama ang sarili sa isa pang
kamalian
Pagmamahal, sa isang maliit na anghel ko lang pala matatagpuan.
Ngunit pinaglayo kami ng kamatayan,
Pawiin mo ang mga luha, dahil kahit kailan hindi kita iniwan.
Bumalong ang mga luha ko. Pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko. Hindi na yata
ako makahinga. Sa tanong niyang " Sino ako?" Iisa lang at wala nang iba ang sagot
ko.
" Crescent ... "

READ. VOTE. COMMENT! <3


Tinanggal ko ang My Soon to be Brother in law, ewan ko bakit sila nagkakaisa ng
Tormented Fate T^T , nastress ako kanina akala ko hindi ko na naman 'to magagamit.
Dedicated to babysis" GothicReader"..

O' ayan ha? 61 votes nag update ako.


Ngayon naman 65 votes ang updates hihi. Lovelots everyone! <3
#MisaCrayola

TF 6: Seventh Crescent
**
Dedicated to Charlene Anacio - di ko alam ang username mo dito hahaha! Lovelots
thankyou sa pagsuporta at walang sawang pagbabasa ng mga nakakaloka kong story
hahaha! <3

CHAPTER 6
" SEVENTH CRESCENT "

Master Seventh!" Tawag ni Tamtam sa lalaking nag-iisang nakatayo habang ang


paligid nito'y puno ng mga patay na nilalang. Malayo siya rito dahil naka-atake na
naman ang pagiging halimaw nito.
Kalaliman na ng gabi sa bayan na iyon ng mga bayarang assassin. Wala
pang limang minuto naubos na nito ang lahat ng nasa base na higit dalawang daan ang
bilang. Dugo ang nangingibabaw na amoy sa paligid.
"Sa kabila ng mukha niyang anghel, tignan mo't nagagawa niya 'yan ng
wala man lang nararamdamang awa. Nasisiguro kong lalaki siya na mahihigitan ang
kanyang ama, " wika ng isang boses lalaki na may kalakihan. Madilim ang paligid
nito at tanging sa malaking salaming antigo lang nito pinanonood si Seventh.
Nasaksihan niya kung paano nito pinaslang ang mga kalaban gamit lamang ang kaliwang
kamay nito.
"Left-handed si Crescent na hindi nakuha ni Seventh," wika naman ng
babae na nakahawak sa likuran ng swivel chair ng lalaki.
"Nagkakamali ka, kaliwete si Seventh sadya lang maliit na bagay lang
sa kanya ang tumapos ng buhay," ngisi ng lalaki.
"Ikaw lang ang sinusunod niya, ngunit kung patuloy siyang magiging
malakas hindi malayong iwanan ka na rin niya," wika pa ng babae.
" Aking kamahalan," boses ng isa pang babae na papalapit sa dalawa.
Nagliliyab ang mga apoy sa paligid na nagsisilbing ilaw ng mala-kuwebang iyon. "
Narito si Shin Crescent para bisitahin kayo," dugtong nito. Sabay na umayos ang
dalawa at agad nawala sa screen si Seventh.

Tamtam's POV
"Master Seventh!" Sigaw ko. Kahit maliit ako naririnig naman niya
'ko. Hindi bingi ang master ko, higit sa lahat sobrang cute ko kaya he can't take
his eyes off me! So don't dare to touch my master or else I cursed you to death!
They used to call my Master " Crimson-Eyed-Demon" he was hated by his
brothers. Hindi iyong mga impostor brother niya kundi iyong mga kinalakihan niyang
kapatid na si First to sixth. Sanctum brothers trained to kill brutally. Hindi sila
nagtatanong kung bakit o ano ang dahilan bakit kailangan ipapatay ang mga tao o
nilalang na 'yon. Para silang mga robot na sinusunod lang ang utos ng tinatawag
nilang "Father" hindi siya si Crescent na biological Father ni Master pero siya ang
nag-aruga at dumurog ng puso ko sa tuwing nasasaktan si Master sa mga pinaggagawa
niya! But my master, sobrang lakas na niya kumpara noon.
Simula ng mamatay ang ama niya doon nadiskubre ang kakaibang mata
niya na kayang pumatay sa pamamagitan ng pagtitig lang. The cursed eye, iyon si
Master Seventh. Pero madalas naman siyang ngumiti, hindi siya nagagalit. Siguro
kahit ganito siya alone with me, hindi nawawala ang pagmamahal niya sa mama niya.
Lyra Scarlet Rainsworth Wolveus. Sa totoo niyan wala na sigurong
mahalaga sa kanya maliban sa kanyang ina. He promised himself that his mother will
be the queen of everything. He hated his father so much, pero alam ko na ang
biggest insecurity na nararamdaman niya ay hindi niya magawang higitan ang ama
niya. Pakiramdam niya kulang pa lahat ng ginagawa niya para mahigitan ito.
Pero isang bagay ang hindi ko maunawaan. Maybe it will broke your
heart, pero si Master Seventh ang nagpapadala ng sulat kay Lyra. Penmanship ni
Master Crescent pero si Master Seventh lamang ang gumagawa no'n. Gusto niyang
maging masaya ang mama niya kahit pa gamit ang lalaking kinamumuhian niya. Gustong-
gusto niyang nakikitang ngumingiti ang mama niya.
Nasasaktan akong isipin na pretended siyang masaya at kuntento. Pero
alam ko na sobra lang niyang iniingatan ang mama niya kaya hindi niya magawang
magpakilala. Ayaw niyang magulo ang isip nito dahil may kinikilala itong anak na
"Shin" ang palayaw na ibinigay.
Pumapatay siya ng walang awa. Bata, matanda o anu pa man. Wala siyang
pakialam. Sabihin na nating wala siyang puso. Saan pa ba siya magmamana? Kung may
puso si Master Crescent bakit siya nag-iwan ng tatlong anak sa mundong ito ng
walang matinong paliwanag at kasagutan?
Naniniwala ako na si Master ang totoo. Pero hindi ko rin mapigil
isipin kung bakit magkakamukha silang tatlo. Guardian ako ni Master Seventh simula
ng isilang siya isinilang na rin ako. At wala akong nakaraan maliban sa unang
nagkita kami at hanggang ngayon. Para bang nilikha ako para sa kanya.
Alam ko na sinusunod lang niya ang inuutos sa kanya dahil gusto
niyang protektahan ang mama niya sa mga magtatangka rito. Kapag umalis siya sa
mundo ng mga mortal, hiniling niya sa Demon General na si Adra na alagaan ang
kanyang ina. Kapalit ng mga sinunod niyang utos nito.
Sa totoo, walang may gusto kay Master. Masama ang tingin ng
nakararami sa kanya. Totoo naman, hindi niya gusto ng kahinaan kaya hindi ko talaga
maimahe na magmamahal siya ng babae. Sabi niya lang, ang mama niya ang pipili ng
babaeng mapapangasawa niya.
Nakaupo lang ako sa sa book shelf sa ibabaw ng side table kung saan
nagsusulat na naman siya. Nakita kong nasabunutan niya ang sarili niya. Siya mismo
ang lumoloko sa ina niya. Para magkaroon ito ng pag-asa. Kabayanihan ba 'to o
kamartyran? Hindi na babalik si Master Crescent -he clearly stated that he will
rest in peace. Babalik lang siya kapag susunduin na niya si Lyra patungo sa
kabilang buhay.
"Kukunin ko na siya," biglang sabi ni Master kaya sa gulat ko nahulog
ako pasubasob sa mesa. Una ulo ang sakit! T^T
"Master?" nagtatanong ang mga tingin ko. Lumipad ako at sinundan siya
ng tumayo siya at magtungo sa isang kuwarto. Ito talaga ang base niya. Ang lugar at
toreng iniwan ng ama niya. " Saan mo naman siya dadalhin?" Aalis kami. Pupunta na
kami ng underground. Bukas ikakasal ang mama niya kay Light. Hindi siya p'wedeng
biglang magpakita! It will ruined everything.
"She need to rest, saglit lang naman habang wala pa 'kong pagdadalhan
sa kanya." Sabi ni Master Seventh nanlaki ang mata ko ng makakita ako ng isang
coffin na gawa sa salamin. Hindi siya basta salamin -gawa siya sa mamahaling puting
hiyas. "Kailangan ko ng mga rosas para makapagpahinga siya ng maayos," dugtong pa
ni Master.
"Master, ginagawan mo na nga siya ng sulat. Hindi ba sobra-sobra na
'to? Hindi mo ba siya gustong maging masaya? Sabi mo nga hindi naman siya nababagay
sa ama mo.. " Mahina lang iyon dahil natatakot ako sa kanya.
"Oo hindi sila bagay! Pero wala ng mas babagay sa kanya maliban sa
'king ama!" Nanlilisik ang mata niyang lumingon sa 'kin. " Hindi mo ba nakikita na
sobra siyang nahihirapan. Dahil lang sa simpleng sulat tuwang-tuwa na siya! Naaawa
na 'ko sa kanya! Hindi ko na alam ang gagawin ko!" sigaw niya kaya napaluha ako. I
know, nahihirapan siya. Si Lady Lyra lang naman ang weakness niya.
Matapos ang ilang minuto maayos na uli siya. Iniwanan niya ang kwarto
kaya lumabas rin ako kasunod niya.
"Pupunta ka sa kasal?" Tanong ko ulit sa kanya ng paalis na kami sa
tore.
" Ano pa ba?" ngisi niya kasabay na naman ng pagpupula ng isang mata
niya. Sabi niya anak siya ni Dark Crescent -medyo hindi ko nauunawaan. Siguro kasi
Light ang pangalan ng kakambal ni Master Crescent kaya considering na si Light at
Dark sila? Gano'n ba? -_-
Pero may kakaiba kasi talaga. Tatlo sila at si Master alam na alam
niya ang dahilan kung bakit tatlo sila. Hindi rin sila triplets dahil tinatawag nga
niyang impostor ang dalawa. Sabihin pang pare-pareho sila ng pangalan. Pero paano
maipapaliwanag na magkakamukha naman talaga sila? Pero si Shin Crescent Wolveus,
bakit parang lahat siya ang pinakagusto? Sige mukha naman kasing hindi existing si
Crescentine dahil itinatago siya ng mga anghel na talagang uubusin ni Master
Seventh at pipinuhin sa tamang panahon.
Pero si Shin ang pinakamahina. At si Shin lamang ang ipinakilalang
anak ni Crescent? Masakit sa ulong isipin - kung si Master ang totoo bakit si Shin
ang dapat nasa kalagayan niya? Kung impostor si Shin bakit ito ang inilapit ni
Crescent kay Lyra? Pero naniniwala ako na si Master Seventh ang totoo! Period. No
erase!

***
Akala ko nagbibiro lang siya. Pero napatunganga ako sa kakisigan ni
Master Seventh sa kanyang maskara. Handa na siyang pasukin ang kasalang magaganap.
Napakasaya ng buong lugar at talaga namang nangangamoy ang mga mababangong bulaklak
at wari ba'y pati ang mga ibon ay tuwang-tuwa sa magiging kasalan. He wear black
formal attire. Nangungusap ang mga labi niya at huwag na lang sanang pakatitigan
ang mata niya -magkaiba ang kulay niyon.
Bumuntong hininga ako dahil itinago naman pala niya ang mukha niya akala ko kasi
papasok siya ng ganoon ang itsura niya. Siyempre naman -maging sa kastilyo ng mga
Wolveus si Shin ang kinikilalang anak.
Sumilid na 'ko sa loob ng bulsa niya sa suit. Napakarami namang
dumalo kasi. Sumisilip ako kung ano ba ang dinaraanan namin. Nangiti ako ng may
maiabot na invitation si Master, saan naman niya kinuha? May halos patayin siyang
bisita para lang makakuha ng invitation e! -__-
Ang gagara ng mga kasuotan nila at makukulay. Tila talaga isang
magandang palasyo ang lugar ng mga Wolveus, para silang totoong hari at reyna na
sa tuwing may party talagang bongga at pawang mga bigating tao sa lipunan ang
kabilang.
Kinakabahan ako hindi dahil baka saktan nila si Master. Natatakot
lang ako na baka pati 'tong mga kalahi niya hindi makaligtas sa kalupitan niya.
Tumigil si Master Seventh sa paglalakad nang makita ang mama niya na naglalakad
suot ang mahaba at napakagandang puting-puting gown na bitbit ng dalawang batang
babae. Nakaikot ang mga buhok niya na ginawang mukhang bulaklak at may ilang
hiblang nakabagsak na sinadya dahil kinulot iyon. Manipis lang ang make-up niya
pero tila lalo siyang gumaganda. Napakaputi niya at papalapit na siya kay Light na
nakangiting naghihintay. Nakasuot ito ng silver at kahit anong kurap ang gawin ko
kamukha niya talaga si Master Seventh!
"Bakit tinuloy pa rin niya ang kasal kahit sinulatan ko na siya!?"
Tiim-bagang na tanong ni Master Seventh. Kinilabutan na naman ako. Paano kung
magwala siya dito? Oo nga bakit itinutuloy pa rin niya? Ang layunin pa naman ng
sulat ay upang ipaalam na buhay na si Master Crescent pero bakit? Hindi kaya may
damdamin si Lady Lyra kay Light? Isipin ko pa lang 'yon pakiramdam ko sa impiyerno
na pupulutin si Light!
Nabigla ako ng maglakad siya palapit kay Lady Lyra na umagaw ng
atensyong ng marami. At lalo akong napanganga ng makita kong tatanggalin niya ang
maskara niya! OH NO! O.O
Halos tumigil ang mundo ng lahat dahil sa estrangherong papasok na
tanging nakamaskara. Lahat ay naghihintay sa mukhang ilalantad nito. Magkakagulo
sakaling tatlo ang lumabas na anak ni Master Crescent!
Lumingon si Lady Lyra na tila naghihintay rin kay Master Seventh.
Napapagitnaan siya ni Light at Master Seventh.
"Sino ka?! " Malakas na sigaw ng isa sa kapatid ni Master Crescent na
hindi ko alam ang pangalan. Tila talaga tumigil ang mundo at kitang-kita ko ang
pagkagitla sa mga mukha nila ng lumantad ang mukha ni Master Seventh.
"Surprise!" Sabi ni Master sabay ngiti.

_****_
" Master Crescent, hindi mo ba pipigilan ang kasal?" Wika ni Lily isang maliit
rin guardian sa lalaking nakatalikod at umiinom ng wine sa kopita nito. Nakabagsak
ang mahaba at makinang na pilak na buhok nito. Nakasuot lamang rin ito ng puting
roba at tila may tinatanaw sa glass wall.
"Kung babalikan ko siya at mawawala rin lang ako masasaktan ko uli si
Lyra." Iyon ang sinagot ni Crescent na tila wala sa wisyo.
Sa pagharap nito sa lumilipad na si Lily ay tila ito nabato-balani.
Bakit kahit nagkalat ang kamukha nito ay napakakisig ni Crescent? Tila ito may
kakaibang aura na kahit sinong babae ay hindi mapipigil ang sariling hangaan ito?
Hindi ito nakangiti ngunit ang manipis at mamula-mulang labi nito, ang matangos na
ilong, mahahabang pilik mata at ang magkaibang kulay na mga mata. Tila hindi
kakayanin ng pintor o iskultor na gayahin ang perpektong mukha nito. Totoo bang ang
lalaking nasa harapan niya ay iisang babae lang ang minahal sa tanang buhay?
Masyado naman suwerte si Lyra!
Magkamukhang-magkamukha si Crescent at Light pero bakit parang iba
ang hatak na nagagawa ni Crescent? O baka naman sa pagkakahimlay nito ay naragdagan
ang kakisigang taglay nito?
Ipinilig ni Lily ang ulo niya at minasdan ang tatlong hourglass na
tinitignan ni Crescent. Isang pula, asul at itim. "Master Crescent, palagi mong
tatandaan hindi ka maaaring makialam sa labanang magaganap. Iyan ang gusto mong
ipaalala ko sa 'yo, isa lang sa kanila ang maaaring mabuhay. Isa lang sa kanila.. "
Malungkot na saad ni Lily na ang tutok ng mata ay kay Crescent.
"Isa lang sa kanila, " tinalikuran na siya ni Crescent at muling
nagtungo malapit sa wall glass at kinuha ang kopita ng wine. Oras na gumalaw ang
hourglass -magsisimula na ang taning sa mga buhay nito"Kung sino man ang gumawa
nito sa 'king mga anak ay hindi ko lang basta papatayin, hanggang sa kahuli-
hulihang lahi niya dudurugin ko." tiim-bagang na wika ni Crescent. " Isang
Thanatos, Isang karugtong buhay ng Eros at ang kanyang si Seventh na lahat ng
imortal sa mundo ay nagtututok ng sandata at nagbabalak itong patayin o maging
kasangkapan sa digmaan.
May iniabot si Crescent na tatlong kuwintas na pendulum ang pendant
kay Lily. Hindi na nagsalita si Crescent kaya bumuntong hininga na lamang si Lily.
Hindi ito p'wedeng makialam pero para saan ang pendulum? Malamang sa malamang na
proteksyon ang mga pendulum na 'yon para sa tatlo.

READ. VOTE. COMMENT! <3


Malinaw na alam ni Crescent na tatlo ang anak niya.
Malapit na ang pagsasanga-sanga ng landas nilang tatlo.
Choose your bet.. Shin? Crescentine? Seventh?
Next chapter
- SHIN and CRESCENTINE VIEW
TF 7: Seventh

TORMENTED FATE

CHAPTER 7

Nasaan siya?" Tila tuwang wika ni Adra na agad sumampa sa hagdanang bato pataas sa
kanyang trono.

" SHIN! " Tuwang niyakap ni Adra ang kanyang apo. "Akala ko kinalimutan
mo na 'ko, kamusta ka naman ha?" hinawakan niya 'to sa magkabilang balikat.

"Wala akong mapuntahan Lolo," wika ni Shin na agad nginitian si Evil


ang kasamang asawa ni Adra.

"May problema ka ba?" ani Evil.

"Magpapakasal na si mama kay Light," tila may kirot pa rin iyon sa


tuwing sinasabi ni Shin.

Nagkatinginan naman si Adra at Evil.

Alam ni Evil na ito ang pinakagusto ni Adra dahil ito ang inalagaan at inaruga nito
na parang isang mamahaling diamante na hindi maaring hawakan ninuman. Ngunit hindi
niya maikakaila na si Seventh ay higit na malakas sa kanilang si Shin. Kung
makakamit ni Shin ang pagiging Thanatos nito na lamang ang tanging pag-asa para
magapi si Seventh.
" Tumutol ka ba?" Tanong ni Adra.

" Wala akong magawa," bumuntong hininga si Shin at pilit ngumiti.

"Nawawala ang kasiglahan mo! Dati naman napakasigla mong bata ka!"
pagalit na wika ni Evil. Simula ng mamatay si Crescent parang dinala nito ang
kalahating pagkatao ni Shin.

Alam rin ni Shin na ganoon ang nangyari sa kanya. Ang taong


pinakahinahangaan at inrerespeto niya ay bigla na lamang silang iniwang mag-isa ng
mama niya. At ngayon hindi niya talaga alam kung saan ba siya tatayo. Gusto niyang
maging katulad ng gusto ng kanyang ama, pero dahil na rin sa nararamdaman niyang
pagkababa pakiramdam niya ikinakahiya na siya nito bilang anak. Wala siyang rutang
sinusunod kaya ang ginagawa niya ay sinusundan lang ang mga yapak nito na lalo
lamang nagdidikdik sa kanya sa katotohanang wala siyang kakayahang pantayan man
lamang ito.

" I want my Father ... back .." wala sa wisyo na sabi ni Shin.

"Shin, hindi na siya babalik." Matigas na wika ni Adra na ikinangiti ng


mapait ni Shin. Totoo naman na hindi na 'to babalik. Ang kanyang ama ay matagal
nang lumisan. " Kung gusto mong maging malakas katulad niya, kung gusto mong maging
Emperador ng mundong iniwan niya kailangang malakas ka na sampung beses sa kung ano
ka ngayon," wika ni Adra. " Kalimutan mo ang underground kung sakaling hindi ka na
lalakas pa, Shin sa pagtapak mo sa lugar na 'yon may matindi kang makakalaban. Sa
kalagayan mo ngayon, sa loob lang ng sampung minuto kayang-kaya ka niyang kitilin
ng hindi gumagamit ng dalawampung porsyento ng kapangyarihan niya." Litanya pa ni
Adra na ikinakunot ng noo ni Shin.

"Shin, nakikita namin ang mga ginagawa mo. Alam namin na may
kinabibilangan kang organisasyon, maaaring matulungan ka nilang ilabas ang pagiging
Thanatos mo. Kalimutan mo na muna ang nangyayari kay Lyra, maging manhid ka na at
iwasan mong magsama ng mga nilalang na kailangan mo pang protektahan dahil sila
lang ang magiging kahinaan mo," - Evil

Pakiramdam ni Shin hindi mawawala sa isip niya na mapapangasawa ng kakambal ng ama


ang kanyang ina. Pero ito rin ang dahilan kung bakit gusto niyang maging mas
malakas, sana man lang kahit siya matupad niya ang pangako sa ama na siya ang
magiging emperador ng mundong iniwan nito.
Nagtungo sila ni Channel sa Black Organization para harapin at
kilalanin ang pinuno. Opisyal na silang miyembro ni Channel sa organisasyon kaya
naman makikilala na nila ang grupo nito.

Sa isang itim na gusali sila pumasok. Isang nagngangalang Lander ang


sumalubong sa kanila at siya mismong nagdala sa kanila sa ikatlong palapag gamit
ang escalator na kung matatakutin ka sa heights ay huwag mo ng subukang lumingon sa
likod sa sobrang taas ng tatahakin ng escalator na 'yon.

"Shin! Mamamatay na yata ako!" Histerikal na sabi ni Channel na di


sinasadyang mapatingin sa likurang bahagi nila. Ganoon na lamang ang takot niya
nang mapansing tila tuldok na lamang ang kanina'y pintuang pinasukan nila sa
sobrang taas na natahak nila gamit ang escalator.

"Hindi ka mahuhulog, hindi mo na dapat tinitignan pa ang nasa likuran


mo kasi baka sumuko ka pa imbis na magpatuloy." Sagot ni Shin na dagling nakapawi
ng takot ni Channel na kunot noong napatitig dito.

"Hugot? " Nangingiting tanong niya. Nangiwi siya ng maalala ang tawag
sa kanya ng mga tita's nito " Tutubi" malaki raw kasi ang salamin niya sa mata.
Kailangan niya talagang itago ang sarili upang pagbayarin lahat ng may kasalanan sa
kanya. Darating din ang oras na sasabihin niya kay Shin ang tungkol sa kanya
-sakaling makuha nito nang husto ang tiwala niya.

Nakarating sila sa tuktok at doon hinarang ni Ylerys si Channel at ang


pinapasok lamang sa awtomatikong pintuang bakal na bumubukas ay si Shin. Dinala
siya ni Ylerys sa isang kuwarto at doon niya natagpuan ang mga miyembro ng Black
Org. Pero ang ikinapagtataka niya ay kung bakit si Shin ay iniba ng kuwarto?

"Miyembro ba 'to? Bakit mukhang hipan ko lang mamamatay na? " Tatawa-
tawang sabi ng isang lalaking singkit ang mata at mukhang monghe dahil walang
buhok. Gayunman malaki at matangkad ito na 7'5 kung tititgnan ni Channel na naka-
flat shoes at 5'4 lamang ang takad.

"'Di nga?" Isang babaeng halos lumuwa ang malaking dibdib ang lumapit
sa kanya at tumungo pa para siyasatin siya. Mas matangkad ito at mukhang bihasa sa
pakikipaglaban. Nasa 5'8 ang taas nito at may kulay blonde na buhok na tila
Christmas tree ang disenyo na hanggang balikat. Yari sa balat ng hayop ang kasuotan
nito at lantad na lantad na lantad ang hita dahil maiksi rin ang short nito na
gawa rin sa balat ng hayop katulad ng boots nito. Malakas itong tignan, isama pa
ang mga knuckles nito na tila walang sasantuhin.
*

Nabigla si Lyra nang makita ang lalaking kaedaran ni Shin ilang


kilometro ang layo sa kanya. Ang mukha nito ay walang dudang si Crescent at Light
maliban sa hikaw nitong tatlong iba't ibang kulay sa kaliwa.

Hindi maikakaila ni Lyra na sa unang tingin pa lamang dito at habang


tumatagal wala siyang pagdadalawang-isip na ang paraan nito nang pagtingin at pag
ngiti ay kasing panganib nang kay Crescent.

"Mama," Inilahad n I Seventh ang kamay niya kay Lyra na lalong


napaawang ang bibig. May anak siya at si Shin iyon ngunit kung sasabihin nitong
anak niya rin ito magagawa ba niyang sabihing hindi?

"Sino ka?" Si Light iyon na agad nakalapit kay Lyra.

Tumaas ang isang kilay ni Seventh dahil tila masama ang tingin sa kanya ng pamilya
ng ama. Siyempre si Shin pa rin ang kilala ng mga ito.

"Sasama ka sa 'kin o papaslangin ko ang lahat nang nandito? Mama,"


inikot ni Seventh ang paningin nang walang ngiti ngunit pagbalik ng tingin nito kay
Lyra ay nakangiti na ito at naghihintay ng sagot.

"Halika na, hinihintay ka na namin ni papa," muli ay inilahad nito ang


kamay kay Lyra.

"Baka nagpapanggap lang siya," si Light na nag-aalala dahil baka sumama


si Lyra sa estrangherong kamukha ni Shin.

"Mama, naiinip na 'ko, " pagkasabi niyon ay dumilim na ang buong


paligid. Pero hindi napapansin iyon ng mga naroon na takang-taka rin sa nagaganap.
"Ayokong magpakita sa 'yo ng dugo peo kung sapilitan kitang -" nabigla si Seventh
nang takbuhin siya ni Lyra at yakapin.

"Halika na," sabi ni Lyra na nag-angat ng ulo at nginitian ang


nagpapakilalang anak niya.

Hindi makakilos si Seventh sa pagkabigla. Si Tamtam ay naipit dahil


nasa bulsa ito ni Seventh.

"Halika na, ginugulo mo ang isip ko pero nararamdaman ko na totoo ang


sinasabi mo, puntahan na natin ang papa mo," maging si Lyra hindi mapaniwalaan si
Crescent ang pupuntahan nila pero walang duda na si Crescent ang ama ng lalaking
nasa harapan niya. Kung magsalita ito ay parang si Crescent at katulad ng asawa
masyado itong mainipin.

Nang makabawi si Seventh sa pagkabigla ay umihip ang malakas na hangin


at naglaho sila ni Lyra. Hindi niya maipaliwanag ang nadarama dahil inaasahan
niyang mas una niyang mahahawakan ang kamay nito at hindi siya nito agad
tatanggapin pero niyakap siya nito at walang pag-aalinlangang sasama sa kanya.

Dinala niya 'to sa tore na nagsisilbing laboratoryo ni Crescent noon.


Napakaganda ni Lyra sa paningin ni Seventh ang kanyang ina lang ang babaeng
mahalaga sa kanya. Alam niya na sumama lang ito dahil sa " papa " na sinabi niya
ngunit paano kung gustuhin na nitong umalis? Wala siyang magagawa kundi ang
patulugin na lang muna ito at gisingin sa pagbabalik niya.

"Ang tagal ng seremonya, nagugutom na 'ko," Sabi ni Lyra na hindi


bumibitiw sa pagkakahawak kay Seventh habang umaakyat sila sa matarik na hagdan
patungo sa tuktok ng tore.

"Nagugutom na siya Master! Wala naman tayong kinakain maliban sa


noodles!" si Tamtam na lumabas na sa bulsa ni Seventh na ikinatuwa ni Lyra dahil
mayroon din siyang ganoon pero bigla na lamang naglaho si Chin. Nagpaalam naman ito
na may mahalaga lang gagawin at babalikan rin siya. Nasaan na nga kaya ang madaldal
niyang guardian?

"Hintayin mo 'ko mama, ano bang kakainin mo?" Tanong ni Seventh nang
maihatid niya sa isang kuwarto si Lyra na agad nagtanggal ng sandals at naupo sa
gilid ng kama.

"Para namang bata ang tinatanong mo, " Lyra pouted.

"Master, para ngang mas matanda ka pa sa kanya," bulong ni Tamtam na


hindi naman pinansin ni Seventh.
"Sige sasabihin ko, kakabisaduhin mo ha? Kapag hindi mo nakabisado hay!
mahina ka sa pag-alala!" sabi ni Lyra na magsisimula na sana nang sumingit si
Tamtam.

"Master Seventh! Makakalimutin ka , ako na lang! Panigurado mabubuwisit


ka lang kasi makakalimutan mo ang mga sinasabi ni Lady Lyra," wika ni Tamtam na
ikinatawa ni Lyra.

"Anak ka nga niyang talaga," nasabi na lang ni Lyra kaya parehong


napatingin sa kanya ang dalawa. Pero ngumiti na lang si Lyra at sinabi ang mga
ipinabibili niya. Tapos na siyang magsalita pero hindi pa rin umaalis si Seventh.

"Hindi kita iiwanan, dito lang ako, promise!" nanumpa si Lyra kaya
tumango si Seventh at doon lang umalis. Napabuntong hininga na lamang si Lyra.
Seventh looks like Crescent's duplicate.

Dalawa na ang anak niya. Naguguluhan siya pero hindi niya kayang
baliwalain ang damdamin na naniniwalang anak niya rin si Seventh. Hindi niya
gustong magpakasal kaya sumama na siya nang tuluyan dito, isa pa usapan nila ni
Light na kapag may pumigil ng kasal hindi sila tutuloy.

Alam niyang wala naman siyang Crescent na aabutan, wala na si Crescent at kahit
anong katangahan ang pairalin niya wala ng Crescent na babalik sa kanya.

Kapag tinitignan niya si Seventh parang nakikita niya si Crescent. Pati


ang reaksyon nito ay Crescent na Crescent. Her eyes was longing for Crescent's
action na hindi niya nakikita kay Light kahit magkamukha ang dalawa. Pero nang
iabot ni Seventh ang kamay sa kanya nasisiguro niya na kadugo ni Crescent si
Seventh dahil maging si Shin ay hindi rin naman palangiti at mukhang misteryoso na
nakuha rin nito sa ama.

"Crescent, sabi mo kapag may nagpakilalang mga anak ko h'wag ko silang


hindi tatanggapin. Mas mabuti na lang na ikaw ang makasakit sa kanila basta 'wag
ako," bulong ni Lyra sa hangin. Iyon ang akala niyang birong habilin ni Crescent
pero nang makita niya si Seventh , doon niya napagtanto na hindi pa nga talaga
tapos ang misyon niya sa mundo. " Crescent, gabayan mo si Shin. Iniwanan na niya
'ko, di ba iyon ang gusto mo ang lumayo siya sa 'kin nang hindi ako iniisip?
Crescent papunta na siya sa mundong inilaan mo sa kanya, lagot ka sa 'kin pag
nasaktan ang baby ko!" Bumuntong hininga na lamang siya.

Ito ang hinihintay niyang pagkakataon ang tuparin ang mga iniwang
salita ni Crescent. Ngayon na nasa tabi niya si Seventh, inaasahan niya si Light na
hahanapin pa ang isang anak na sinasabi ni Crescent. Si Light lamang ang
pinagsabihan niya ng mga habilin ni Crescent na parang alam na ang limitasyon ng
buhay nito noon. Pinilit siya ni Light na magsalita dahil pinipilit nito na nakita
nito sa mata nito ang kalunos-lunos na sasapitin ng mundo sa isang kadugo ni
Crescent kaya nasabi niya dito na may dalawa pang magpapakilalang anak niya at
mag-ingat siya sa mga impostor. Kaya gulong-gulo siya -iisa lang dapat pero bakit
kailanganin tanggapin pa niya ang dalawa?

Kalahating oras lang dumating na sila Seventh na tinitignan lang pinamili nila sa
mahabang table.

"Master, tinanong mo ba kung paano lutuin 'yan?" si Tamtam na


nakatingin din sa maraming sangkap na nasa malaking mesa.

"Parang ang daming kalokohan ng pagkain na 'to," halos magdikit ang


kilay ni Seventh.

"Noodles lang kasi ang alam mo, Master" si Tamtam kaya pinitik na 'to
ni Seventh kaya humagis ito at bumunggo sa kanang dibdib ni Lyra na kadarating
lang.

"Akala ko lamok na malaki," natatawang sabi ni Lyra na nakapangkasal pa


rin at tila hirap na hirap na dahil hawak-hawak pa nito.

Nagwika nang ilang kataga si Tam-Tam at inihampas ang stick kay Lyra na
tila wala naman naramdaman at sa isang iglap napalitan ang kasuotan niya nang
simpleng bestida lang kaya natuwa si Lyra.

"Ang galing, salamat thumbelina!"hinalikan ni Lyra si Tamtam na


kinilig at lumipad pasunod kay Lyra na natatawang tinitignan si Seventh na tila
lulusawin ang repolyo sa sobrang pagtataka.

"Ako ang magluluto," marunong na talaga siyang magluto, si Crescent ba


naman ang nagturo sa kanya sa loob ng tatlong taon.

Nangingiti si Lyra dahil ang antukin ni Seventh. Kanina lang pinapanood


siya nito pero ngayon nakatungo na 'to sa mesa at nilalaro ni Tamtam ang mahabang
pilik-mata dahil tulog na ito.

"Mahilig talaga siyang matulog Lady Lyra, iyan lang ang gawain niya at
kumain ng noodles!"

Natawa si Lyra ang kulit kasi ni Tamtam pero atleast hindi napipikon si
Seventh dito, mukha pa naman mabilis mainis si Seventh katulad ni Crescent.

"May pagkakataon din na isang buwan siyang natutulog ng walang


gisingan! Pagkatapos gigising siya at kakain ng maraming noodles!" Ani Tamtam pa,
ewan ni Lyra bakit natatawa siya imbis na mag-alala at mukhang puro noodles lang
ang kinakain ni Seventh.

READ. VOTE. COMMENT <3

Dedicated to J'Mar Viloria o ayan dito na po ha? hahahaha! Sino-sino ba mga lalaki
kong readers? Taas kamay nga o/ hahaha dali na..

Maraming salamat ha? hahaha! P'wede bang ikaw na lang kesa si Vincent ang kay
Shine? hahaha charot!

O' huling silay n'yo na kay Seventh 'yan ha? Sobra-sobra na kayo! hahahaha..

65 votes na tayo bago next chapter ;3

#MisaCrayola

Sino magpapa-add sa Fb i-list n'yo na lang sa baba. *u* <3

TF 8: Body, Soul, Shadow


TF 8: Body, Soul, Shadow

"Kapag ganito nang ganito hindi natin matatagpuan iyong sinasabing lugar," Wika
ni Crestia sa kay Crescentine na wala namang reaksyon. Paano napakaraming barko
pero walang may gustong maghatid sa kanila sa islang sinasabi sa kumakalat na papel
kung nasaan si Crescent.

"Sino bang may sabing sumama ka?" Malamig na wika ni Crescentine na


ikinanguso ni Crestia. Napakasungit talaga nito, ipinagpapasalamat na lang niya na
tila wala itong kahilig-hilig sa babae kahit halos magkanda haba-haba ang mga ulo
ng babae para lang masundan ito ng tanaw.

"Sa daungan black market darating ang barko ni Crescent tama ba? Iyon
na ang maghahatid sa 'tin? Sa tingin mo napaaga tayo?" Tanong ng isang manlalakbay
na may malaking pangangatawan na may nakasukbit na gitara na maaaring isa ring
sandata. Sa panahon ngayon napakarami ng bihasa sa pag gawa ng sandata.

"May ilang buwan pa tayo para manatili sa black market," wika ng isa
pang lalaki.

Dahil sa narinig nila Crestia hindi na sila nagpatumpik-tumpik at


nagtungo sa black market. Doon nila napagtanto na ang halos lahat ng sakay sa barko
ay nais ring sumakay sa nasabing barko na sa Black Market lang dadaong.

"Hindi ka ba natatakot sa papa mo?" tanong ni Crestia kay Crescentine.


Lumayo talaga sila sa iba dahil bugnutin si Crescentine kapag maraming naririnig.
Ewan ba niya, tila lagi itong may menstruation.

CRESTIA BELL'S POV

"Bakit?" Tinaasan ba naman ako ng kilay?!

"Wala, tignan mo parang ang sama niya kasi. Iyong pinag-uusapan nila,"
sabi ko. Paano ba naman kung paano pumatay ang papa niya ang pinag-uusapan, at ang
pagiging child of misfortune nito ay kalat na kalat, samantalang isang malaking
dagok sa isang isla kapag ipinanganak kang isa sa mga may pulang mata dahil iyon
daw ay lilikha ng delubyo, kasiraan, kamatayan at parusa sa isang tribo, isla o
angkan.

"Nasa dugo ng mga misfortune ang pagiging mabangis na hayop," wika ng


isang babae na mukhang papatay agad. Binalikan ko na lang ng tingin si Crescentine,
pagkita ko nakabukas na naman ang tatlong butones ng white polo niya.

"Ano ba!" Galit na hinawakan ko ang polo niya para isara, gawain ko 'to
madalas.
"Mainit, " tinabig niya ang kamay ko. Hindi ba niya alam ayokong makita
ng iba 'yon? Tss. Kitang-kita ko ang kuwintas niya " Crescentine" it was given by
his father who died a long time ago. Alam ko na hindi siya naniniwalang buhay ang
papa niya. Pero tila bingi siya kapag sinasabing masamang nilalang ang ama niya,
kung nasa eskuwelahan kami makikipag-way 'to habang walang pumipigil dito na mataas
hindi ito titigil kaya karamihan halos mamatay na. Salamat nga't importanteng
nilalang si Rozen Maiden kaya hindi siya pinaaalis sa lugar.

Para sa kanya ito ang pinakamabuti. Gusto niya 'tong madalaw sa puntod
at kung sakaling man na may gumagamit dito sa pansariling interes, gusto lang niya
ng maringal na libing sa amang pumanaw na pero ginagamit pa rin sa masasama.

Pero bakit kapag naririnig ko ang pangalan ni Crescent parang nakilala


ko na siya noon pa? Parang natatakot ako na nasasabik makita siya? Ewan. Parang
minsan naging masaya ako kasama siya at ganoon rin isa siya sa pinaka-kinatatakutan
ko. Imortal siya, hindi kaya reincarnated lang ako? Hindi imposible 'yon.

"Ngayon lang tayo makakapunta do'n, " sabi ko pa pero wala na naman
siyang balak pakinggan ako. Nag headset na siya. Wala na kaming nakuhang kuwarto
dahil marami ng nauna sa'min, ayaw naman niyang maghintay pa ng susunod na barko
dahil dalawang linggo pa uli bago may dumaong na magtutungo sa black market na
tinatawag nila.

Alam ko ang Black Market ay kilala sa mga kagamitan, sandata at mga


black magic. Naroon din ang mga ilegal na subastahan at walang kahit anong
limitasyon ang pagbabawal doon.

"Bakit?!" Gulat na hinawakan ko siya sa braso dahil bigla siyang


napahawak ng mahigpit sa barandilya ng barko at tila may kakaiba siyang naramdaman
dahil napakamit siya ng mahigpit sa damit niya at halos kuyumin iyon.

"Cresentine?!" mahinang tawag ko sa kanya dahil tila may dinaramdam


siyang masakit. Aatakihin ba siya sa puso?!

Napatingin ako sa kalangitan dahil biglang dumilim samantalang alas


kuwatro pa lamang ng hapon. Nakakabinging tunog ang narinig namin na nakakakilabot.

"Ang tunog ng Abyss?!"ay isang sumigaw no'n kaya lahat halos nakatingin
na lamang sa kalangitan at iginagala ang paningin.

Lahat kami namangha ng makita ang lumalabas na mga naglalakihang kadena


sa kalangitan. Isa ito sa pinakamalaking chain na lalabas at kakaunti na lamang ang
maryroong chain na mula sa Abyss dahil naglaho ang karamihan lalo ang mga mahihina
kasama ng mga master nila ng maging isang ganap na mundo ang abyss.
Namangha akong lalo ng lumabas doon ang ulo ng dragon na naglalagablab
at pulang-pula ang mga mata maraming napatakbo dahil tila kasing laki lamang ng ulo
nito ang barko at nakasungaw pa lamang ito pero kahit ako kinilabutan. Mas malaki
pa nga ata ang ulo niya dahil mukhang kalahati pa lamang ang nakikita namin.

" Naiinip na 'ko, " Isang lalaki ang nagsalita at nakatungtong siya sa
ulunan ng naglalagablab na ulo ng Dragon?!! Hindi siya napapaso.

"Seventh, " isang lalaki ang nagsalita na tila may galit.

"Hi, kapatid ko! "Kumaway ang tinawag na Seventh na tumulay sa malaking


kadena at naupo doon. "Oy, Third Hello!" ulit no'ng Seventh sa lalaking guwapo na
mahaba ang kulay lilang buhok na nakahalukipkip at masama ang tingin kay Seventh.

Binalikan ko ng tingin si Crescentine at nakita kong titig na titig


siya sa lalaki. Hindi ko gaanong mamukhaan kanina ang lalaking bigla-biglang
dumarating dahil sa apoy ng Dragon. Pagbalik ko ng tingin sa kanya kahit ako
napamulagat dahil.... Magkamukha sila?!!!!

" I, the son of Crescent will be the Underground World first Emperor."
Diniinan pa niya ang pagkakasabi niyon pero ang tingin niya ay na kay Crescetine.
Pero binalikan niya ng tingin ang tinatawag niyang Sixth na nasa pinakagitna at
malayo sa'min. Dapat ko bang ipagpasalamat na nalalayo kami sa iba? Hindi nila
napapansin na magkamukha si Seventh at Crescentine?

"Aalis na 'ko kuya, mag-iingat ka ha? "Kumaway pa siya sa tinawag


niyang Third bago naglaho kasunod niyon ang pagbabalik sa dati ng kalangitan.
Kinilabutan ako ng husto.

Narinig ko ang mga sinabi nila hindi na sila lalaban sa Underground.


Kung kanina siyamnapu't siyam ang porsyento ng sasali ngayon limang porsyento na
lang ang gustong magpatuloy.

Nanakot lang ba siya o nagbabala? Kahit ako parang gusto ko ng bumalik


kami ni Crescentine. Natatakot ako para sa kanya.

Pero bakit magkamukha sila? Madaling kilalanin ang dalawa, iba kasi ang
talas ng mata ni Seventh. Parang lawin na hindi mo gustong titigan parang papatay
agad tingin pa lang, nakikita ko rin na punong-puno siya ng dugo. Napakarami na
niyang napaslang kapag ganoon ang natatanaw ko sa isang nilalang kahit pa malinis
siya.

"Crescentine!" Puna ko sa kanya dahil nakita ko na sa paghawak niya sa


malabakal na parte ng barko nagsimula 'yong mag crack. His both eyes turn into red.

**

"SCORPION'S BASE"

"Master Crescent, si Seventh ang may hawak kay Lady Lyra, " ani Chin kay Crescent
na abala sa paglalaro ng baraha sa maliit na deck.

" Malapit na 'kong maniwala na mas kayang maging malakas ng anak sa


kanyang ama," nakangiting wika ni Crescent habang naglalaro.

" Ang ilusyon na nagagawa niya ang pinaka-sandata niya, pero hindi niya
iyon kayang ipanlaban dahil isa lamang iyong ilusyon," wika ni Chin.

"Sino ang nagsabi sa'yong ilusyon lang ang kayang gawin ni Seventh? Sa
tingin mo ba ilusyon lang 'yon? Nakamamatay na ilusyon? " Tanong ni Crescent na
hindi tumitingin kay Chin pero hindi rin nawawala ang ngiti. " Espesyal lahat ng
mga anak ko, nakakalungkot lang isipin na magiging isa sila sa takdang panahon.
Katawan, kaluluwa at anino. Ang aking si Shin, Crescentine at Seventh ay magiging
iisa na lamang sa darating na panahon at magiging si Shin Crescentine Wolveus,"
ani Crescent na wala ng ngiti at pumikit ng mariin. Natanaw niya ang mukha ni Lyra,
it will be hard for her ... Kaya nga hindi niya nagawang sabihin, pero dahil kasama
na nito si Seventh mahihirapan na siyang iwasang saktan ito. Kukunin na niya si
Lyra, kailangan niya 'to para mabalanse ang isipan niya.

READ. VOTE. COMMENT! <3


Dedicated to : Mommy Marivel Cunanan! Hahaha Di-ko talaga malimot yung gift n'yo
hahaha! Surprised much.. ;)) Sobrang Like and Love. <3

TF 9: True Love
TF: TRUE LOVE

I.

" Nagpakita na naman siya," bulong ni Light na nakasuot ng hood. Maging siya
namamangha sa taglay na lakas ni Seventh. Kung nagagawa nitong maglabas ng ganoong
kapangyarihan ano pa ang kaya nitong ibigay sa laban?

Mabilis ang panahon na lumilipas hindi na halos nila maramdaman. Kung


nasaan man si Shin, hindi nila alam. Maging si Jasmine ay bitbit na nito. Paano
nahati sa tatlo ang anak ni Crescent? At paanong magiging iisa sila kung iba-iba ng
kapalaran ang nakasulat sa kanila? Ibang-iba ang sitwasyon ng tatlo. Hindi siya
naniniwala na iisa lang ang tatlong anak ni Crescent. May lihim na si Crescent lang
ang makakasagot.

Matapos magpakita ni Seventh halos sampung porsyento na lamang ng laman


ng barko ang may balak sumama uli sa paglalakbay ng barko ni Crescent sa darating
na ikatatlong araw pa. Black Market, ito lamang ang tanging lugar para sa mga
manlalakbay.

Pagbaba ni Light nakabangga niya ang isang babae na tila may naiwan sa
barko kaya nagkabiglaan sila mabuti na lamang at naalalayan niya 'to sa balakang.

"Sorry po!" Hinging paumanhin ni Crestia na hinang-hina.

"Wala 'yon," ngiti ni Light na natanggal ang nakatalukbong sa ulo at


nang aayusin niya na 'yon ay titig na titig si Crestia sa kanya na tila biglang-
bigla.
" Crestia,"si Crescentine na tila pikon na pikon sa likot nito.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Light.

"Oo," sagot ni Crestia na nilingon si Crescentine para siguruhin kung


magkamukha nga ang dalawa.

Maging si Crescentine nakataas ang kilay na tinignan ang lalaking


iilang dangkal lang ang pagitan sa kanya. Tila rin siya natulos sa kinatatayuan ng
makita ito at makilala ng mga mata niya.

Si Light, hindi niya inaasahan na ito na ang ikatlong anak ni Crescent


na sinasabi ni Lyra. Ganoon kadali niya 'tong natagpuan?! Kung gano'n patungo rin
'to sa Isla ng mga Scorpions?

II.

" SINO KA PARA SABIHIN 'YAN!!!" Sigaw ni Shin ng ubod lakas. Nadakot
niya sa galit ang damuhan. Sugatan siya at wala man lang galos si Neo na nakatayo
sa harapan niya.

"Totoo naman, hindi ba? Mahina ka? I never been this bored ng kami ni
Crescent ang naglaban," tila patalim ang mga salita ni Neo. Ilang beses niya na
'tong kinumpara kay Crescent para masaktan ito.. Para sa kanya, sakit ang
nagpapatibay at nagpapalakas sa mga katulad nilang nakikipagsapalaran madalas sa
labanan.

"You're his son, at naniniwala ako na mas kaya mo siyang higitan!"


Bulyaw ni Neo na walang habas na sinipa si Shin na humagis at tumama sa sampung
naglalakihang puno ng pine trees na ikinabali ng mga iyon.
Agad na sumuka ng dugo si Shin.

"Tama na please!" Humarang si Jasmine kay Neo. Umiiyak ito dahil sa


natatamong paghihirap ni Shin sa loob ng ilang buwan na pananatili ni Shin dito na
parang bilanggo wala pa ring nangyayaring improvement. " Paano siya makakalaban
kung hindi pa man umiigi ang sugat niya sinasaktan mo uli siya!" Galit na sigaw ni
Jasmine na agad nagpula ang mga mata at ikinabiyak ng lupa.

"Hindi ka ba nahihiya na mas malakas pa sa'yo ang babaeng 'to?! " Si


Neo. Nakagat ni Jasmine ang labi niya at tinakbo si Shin para alalayan ito pero
tinabig lang siya nito at pilit na tumayo habang pinupunasan ang labi.

Totoo ang sinabi ni Neo. Mas malakas si Jasmine sa kanya. Kaya nga
imbis na siya ang maging protector nito, isinama 'to sa kanya para siya pa ang
protektahan. Masakit na ipinamumukha ni Neo ang kahinaan niya, pero totoo .. Mahina
siya..

"Tama na, Shin," ani Channel na isa rin sa mga saksi at naaawa rin siya
dito. Hindi dahil sa nasasaktan ito kundi dahil alam niya ang pakiramdam na
ikumpara.

"Kailangan niya 'yan, pero may ilalakas pa ba yan?" Mapang-insulto na


wika ni Zuki na ikinatawa pa ng ibang kasamahan nito. " But under Neo, ewan ko na
lang kung hindi 'yan lumakas, favorite e"dagdag pa niya.

"Pero wala siyang laban kumpara sa mga napili natin," -Lander

"Lahat tayo papasok ng mundong nilikha ni Crescent, pero hindi n'yo ba


nabalitaan na ang pinakamalakas na organisasyon ngayon ay may ipapadalang malalakas
na miyembro? Thunder Guild will surely mess up with us," ani Ylerys.

"Hindi pa rin ba kilala ang pinuno nila?" nilingon ito ni Zuki.

"Walang pagkakakilanlan, pero katulad ni Neo isa rin siyang Necromancer


ang sabi nila," sagot ni Lander.

"Isang Necromancer -" ulit ni Ylerys.


" Kilala lang siya sa pangalan na Beast Master," - Lander.

III.

"Crescent, masdan mo ang regalo ko sa'yo! Makikita mo, makikita mo kung


gaano kabagsik ang larong ihahain ko sa'yo! Lilipulin ko ang lahi mo at magiging
alipin ko kayong lahat sa pamamagitan ng mga imbensyon ko hahahahaha! " Wika ng
isang boses na tuwang-tuwa habang tinatanggal ang mga pulang sapin sa tila malaking
garapon na may mga kone-konektadong kable patungo sa isang malaking tangke ng tulad
ng sa tubig na nakapuwesto sa pinakagitna.

Sa bawat garapon ay may kulay asul na tubig at ang nakakabigla ay ang


tumambad na mga nilalang na nahihimlay doon. Si Xerxes, Monique, Greece, Lacie.

"Sila ang kailangan ko! Sila ang kailangan ko para maperpekto ang
pinakamahalaga kong imbensyon," anito pa na lumakad ang napakaingay na takong ng
sapatos at ibinukas ng kusa ang isang pintuan at doon naman tumambad ang katulad na
mga garapon ang kaibahan lamang ay iisang mukha lang mayroon ang sampung nilalang
na 'yon - ang mukha ng mga anak ni Crescent.

"Aminin mo man o hindi... Ako ang pinakamatalino, Ilang dekada kong


pinangarap 'to, ngayon na ang takdang panahon para bumalik ka sa Master mo, "
IV.

Sa kabilang banda buwan na rin ang lumipas sa pagitan ng pagsasama ni


Lyra at Seventh. Natutuwa siyang kasama ito dahil madalas itong ngumiti at kulitin
ni Tamtam(Babae siya) pero tila na naman sinasakal ang puso niya. Dahil ang araw na
'yon ang kaarawan niya.. Ang kaarawan niya na unang araw din niyang nakita si
Crescent.

Umalis si Seventh dahil may dinadalaw itong sanggol na madalas nitong


ikuwento sa kanya. Isang linggo pa lang yata ng isilang ito. Bumaba siya ng tore
para sumagap ng sariwang hangin. Naglakad siya kahit pa bahagya lamang ang liwanang
na nakasunod sa kanya dahil liwanag lang naman ng buwan.

Halos manlaki ang ulo niya ng mapansin na iyon ang tinatakbuhan niyang
lugar noong bata siya. Ang mga punong iyon, ang tinatapakan niya mismo doon niya
nakita si Crescent sa unang pagkakataon. Ang anghel na tumulong sa isang maruming
paslit.

Bumaha ang emosyon niya nang mapagtanto na iyon ang lugar na matagal
niyang hinanap para balikan. "Crescent," hindi niya mapigil ang pagsalakay ng
pangungulila sa puso niya kaya nanghihina ang mga tuhod niyang napaupo sa damuhan
at walang tigil sa pag-iyak.

Tila lahat ng masayang alaala nila noon ang nananakit sa kanya. "Miss
na miss na kita, bakit kailangan mo kasi akong iwan!Alam mo naman na boba ako tapos
iiwanan mo ko ng maraming tanong tapos! " Malakas ang naging pag-iyak niya.

Naalala niya noong maliit pa siya palagi siya nitong nginingitian,


nilalaro siya nito kahit ayaw niya dahil iba ang tingin niya dito. Natutuwa siya
tuwing lalagyan siya nito ng cuetix dahil talagang salubong na salubong ang kilay
nito. Ilang beses na ba nitong binura ang lipstick niya, ilang beses ba nitong
sinabi sa kanya na mas maganda siya kapag simple lang, na naiinis 'to kapag
gumaganda siya ng gumaganda, iyong pagkakataon na ingat na ingat ito sa kanya.
Kahit ang hina-hina niya mahal na mahal pa rin siya nito. Iyong hindi niya ma-meet
ang expectation nito pero sa isang maliit na bagay na nagagawa niya nakikita nito
at napupuri, at lahat ng kamalian niya tila isang kisap-mata lang nakakalimutan na
nito.

Si Crescent lang naman iyong lalaking kahit sunugin niya ang pagkain,
ngingitian pa siya at sasabihing masarap. Ibinigay nito lahat ng comfort sa kanya
at kahit ilang beses siyang nahusgahan kahit kailan hindi siya nito iniwanan.
Ibinaba nito ang pride sa kanya, mahal na mahal siya nito to the point na kahit ang
pagiging Vampire niya ay tinanggap nito.
Nakakatuwang isipin na ang selfish niya dahil siya lang ang
nakakatanggap no'n. Proudly pareho silang walang karanasan sa " Lovemaking" ng
gawin nila 'yon ni Crescent. Pareho nilang first and last ang isa't isa. Paano ba
niya iisiping may babae ito kung wala nga siyang nakita, maliban kay Rozen na tila
hindi naman kilala ni Crescent noong mga huling parte .. Hindi naman ito titingin
sa iba kung naalala siya nito.

Ang sakit isipin na ikinasal sila, nagkahiwalay, nagkasama at pinaghiwalay uli ng


tadhana.

Walang sino man ang magmamahal sa kanya katulad ng pagmamahal ni


Crescent. Kung tutuusin lahat ng sakripisyo nito at kamatayan ay siya ang dahilan.
Nang mahalin siya nito kinailangan nito laging isaalang-alang ang kaligtasan niya.
Pero kahit kailan hindi sinabi ni Crescent sa kanya na kasalanan niya ang lahat,
dahil ang lagi nitong sinasabi na dahil sa kanya naging masaya ang buhay nito,
hindi lang puro kasakiman ang naiisip nito dahil kapag nakikita siya parang mas
gusto nitong isipin na maging masaya na lamang kasama siya at ang mga anak nila.

Hindi niya talaga maawa ang pag-iyak. Tumayo na siya para bumalik sa
tore at doon na lamang niya itutuloy sa kama niya. Pero tila siya itinulos sa
kinatatayuan ng makita ang isang lalaking kanina lamang ay sanhi ng pag-iyak niya.

Tinatangay ang mahabang buhok nito ng malakas na hangin. Putting-puti


ang suot nito na lalong nagpamukhang anghel dito. Nakatitig sila sa mata ng isa't
isa.

Isa ba 'tong ilusyon? Bumalong ng husto ang luha niya ng sabihin nito
ang katagang " Lyra," napakatagal niyang hinintay na marinig ang pangalan niyang
muli sa lalaking mahal na mahal niya.

"Crescent - " Hinawakan niya ang mukha nito para damahin iyon. Kung
panaginip iyon sana magtagal.

"Ayoko ng balikan ka dahil masasaktan ka. Pero hindi ko kayang mabuhay


ng wala ka sa tabi ko, sinanay mo 'ko do'n Lyra," ngumiti si Crescent habang
hinahaplos ang buhok ni Lyra at isinipit sa tenga nito ang humaharang na buhok sa
mukha nito.

"Crescent," tila lahat ng gusto niyang sabihin ay ibinuod na ng mga


luha sa mata niya.
"Handa ka bang masaktan uli dahil sa'kin Lyra?" malulungkot ang mga
mata ni Crescent. Maging si Lyra ay hindi masiguro kung totoo ba ito o likha lamang
ng imahinasyon niya.

" Masaktan man ako ng paulit-ulit, mawala ka man ng paulit-ulit


kakayanin ko. Ikaw lang naman ang mahal ko," pinahid niya ang mga luha at hinawakan
ang kamay ni Crescent na tila ayaw iyong bitiwan.

Pagkasabi niya no'n ngumiti na ng husto si Crescent at niyakap siya.


"Hindi na kita iiwanang mag-isa, isasama kita kahit saan ako magtungo, " si
Crescent.

"Please sabihin mong hindi 'to panaginip Crescent!" Sigaw ni Lyra na


ikinabigla ni Crescent. Dahil sa tindi ng emosyon napaiyak si Chin at ang isa pang
tulad nito na tahimik na nagmamasid.

Tila sinasadya pa ng pagkakataon na ibagsak ang ulan. " Mahal na mahal


kita! Nahihirapan akong isipin na wala ka na, kahit saan ako tumingin naiisip
kita," malakas ang naging pag-iyak ni Lyra kaya mahigpit ang naging pagyakap ni
Crescent.

Iyak ng iyak si Chin dahil alam niya na ilang beses itong natulala at
nawala sa wisyo kakaisip kay Crescent. Ilang beses nitong tinangkang magpakamatay
pero sa tuwing maririnig nito ang pangalan ni Shin ay titigil na ito at tila
makasalanang walang tigil sa kahihingi ng tawad.

"Natatakot ako, natatakot akong baka bigla kang maglaho.. Natatakot


akong iwanan mo Crescent!"

Ang malakas na pag-iyak ni Lyra ang nagdulot kay Crescent ng emosyon.


Ipinagpapasalamat niya na umuulan at hindi nito mahahalata na lumuluha siya ng
harapin ang mukha ni Lyra.

"Nagbalik na 'ko, Lyra ... Binalikan ko na kayo, " hindi na niya 'to
pinasagot dahil agad niyang inilapat ang mga labi sa labi ng asawang matagal na
hindi nakasama.

"Master Crescent!!!!" Iyak rin ng iyak si Tomo na niyakap ng husto si


Leo na anyong asong lobo. Sila ang unang pinuntahan ni Crescent at sama-sama silang
susundo kay Lyra.

Pakiramdam ni Lyra lahat ng sakit na nararamdaman niya ay naglaho sa


isang halik at yakap lang nito.

READ. VOTE. COMMENT! <3

80 votes next chapter

First Love never die! ;) Hahaha.

FB#MisaCrayola

Dedicated to FRANCES <3 HAPPY BIRTHDAY! <3 More bday to come hihi. Lovelots! Stay
good as always, wala na 'ko mahihiling sa'yo kundi Lovelife haha! Mero'n na ba? ;DD

TF 10: Girl

Good day! Pasensya sa matagal na update, busy lang at may problema po ako sa
laptop. Hindi napipindot ang letter "k" so puro siya copy paste at oras talaga
ginugugol ko. Pasira na din ang laptop na 'to so hoping na matapos ko lahat ng
stories ko bago 'yon mangyari. Naging busy rin sa school dahil graduating.

TORMENTED FATE
CHAPTER 10

"Paano si Seventh?" Nag-aalalang tanong ni Lyra ay Crescent na kahit saang anggulo


tignan ay malaki talaga ang nakuha rito ni Seventh.
"kaya na niya ang sarili niya Lyra, hindi na siya bata." Walang-anuman
na wika ni Crescent aya napasimangot si Lyra.
"Bakit? " Nangingiti si Crescent dahil parang wala talagang nagbago kay
Lyra kahit sampung taon na ang lumipas.
"Hindi pwede! kailangan magpaalam ako sa kanya,"
" Sulatan mo," sagot ni Crescent na sumandal malapit sa bintana ng
tore. Masyadong malakas ang hangin. Humalukipkip siya at ipinikit ng marahan ang
mga mata. Sa pagkakataong iyon dumaloy sa isipan niya ang lahat ng sanhi ng
kabigatan ng damdamin niya. Ngunit nang imulat niya ang mga mata hindi niya napigil
ang ngiti ng makita si Lyra na nakaupo sa gilid ng kama at halos idikit na ang
mukha sa side table makapagsulat lang ng para sa anak na iiwanan.
Lyra makes him complete.
At sa paglisan nila sa tore na 'yon ang pangakong hinding -hindi na niya iiwanan si
Lyra. Maging mahirap man para sa kanya ng makita ang asawa na nahihirapan sa
kasasapitan ng mga anak nila, wala na siyang magagawa kundi samahan ito sa
paninimdim.
**
JASMINE'S POV
Maulan masyado sa black market ngayon. Naman oooh! Nakakairita ang mga putik chenes
na 'to! Ang ganda-ganda ko pa naman today tapos mamimili lang pala kami. Tinaasan
ko nga ng kilay ang himpaktong fiancée ko na nauuna sakin at tila walang pakialam
sa beauty ko!
Natapos na ang unang paghihirap niya kay Neo. Pinagpahinga muna siya.
Pero tingin ko lahat ng masasakit na salitang ibinato ni Neo kay Shin, ang dahilan
ngayon bakit parang ang gaan ng mga dalahin niya. Nailabas niya lahat ng sama ng
loob na dinaramdam niya.
Hindi ko makakalimutan iyong araw na sumigaw siya habang pilit na
bumabangon, that time akala o mamamatay na siya dahil talagang bugbog na bugbog na
siya. Umiiyak nga ako, pero maganda naman ako habang umiiyak, well.. Lahi 'to.
Sabi niya, " Hindi ... Hindi ko alam kung ano talaga ang gusto kong
gawin! Marami akong tanong na gustong itanong sakanya pero iniwan niya kami ng
walang nalalaman! Sa bawat taong lumilipas marami akong nalalaman tungkol sakanya!
Para bang sa bawat paglalakbay ko, mas makikilala ko siya! Umalis siya nang hindi
man lang iniisip kung anong mangyayari samin ni mama kapag nawala siya! I want to
blame him! But he will always be my hero.. Hindi totoo na ganoon siya kasama, dahil
hindi niya gustong gamitin ko ang kapangyarihan ng pagiging isang Thanatos gusto
niyang tanggalin 'yon sakin. Hindi niya hiniling na maging pinakamalakas ako, ang
hiniling niya lang ay alagaan o si mama maging buhay o man ang apalit niyon! Pero
paano ko siya poprotektahan kung hindi ko kayang maging malakas!" Totoong-totoo ang
mga luha niya.
Hindi ko nga napigil maiyak nang sabihin niya 'yon. Alam ko naman ang
sakit ng mawalan ng magulang. Nang bigla na lamang maglaho si daddy noon, ganoon
rin ang naramdaman ko. Sa mundo na ginagalawan namin, maging espesyal man kami o
makapangyarihan para bang palagi na lamang nakaugnay ang kamatayan. Minsan hiniling
ko na sana pangkaraniwang tao na lamang ako.
Kahit pa sabihin nilang si Neo ay masama. Sa tingin o sakanya magiging
ligtas si Shin. Palagi niyang ginagabayan si Shin kasama ang grupo niya na siya
ring gumagamot kay Shin.
Malapit nang bumukas ang unang labanan na magaganap sa Underground World. Pero
kinakabahan ako, para bang ang mundong iyon ay nalalayo sa katotohanan ng mundong
nilakihan ko. Vampire community man o ang mortal na mundo. Pakiramdam ko puro dugo
at panaghoy ni kamatayan ang matatagpuan ko roon.
Para bang impiyerno ang papasukin naming lahat na nagnanais tumapak sa
lupain na 'yon.
" Pumpkin, ano bang kakainin mo?" asik ni Shin na nakaharap na pala sa
'kin. Haha! Nakatingin kasi ako sa paanan ko na may talsik na. Naka bestida lang
ako na color maroon at lagpas tuhod naman na pinagsisihan ko dahil maputik pala.
Mabuti na lang nailulutang ko ang paa ko. *u*
"Umm, " nag-isip pa ako kaya tinaasan niya ko ng kilay. Naiirita na
naman 'tong pangit na 'to! -_-
" Ano nga?" tanong uli niya na ikinagulat ko! Tss nabitiwan ko pa ang
payong ko na tinangay na ng hangin waaaa!
"Tss! "
"Kunin mo naman ang Ungentle dog mo pa nga! " simangot ko. Iyong cute pa rin,
siyempre pinag-aralan ko palaging maging cute.
"Bahala kang mabasa," sabi niya na tumingin sa ibang direksyon. Namili
na lang ako ng pagkain. Actually nasa screen lang iyong mga pagkain na nasa
malaking counter table tapos I tap mo lang at after 5 minutes hayan na! Pero dapat
i-swipe mo iyong BMC mo or Black market card. Iyon lang ang tinatanggap dito, pero
minsan gold depende sa tindera.
"Kana," sabi ni Shin.
"Ha?" Akala ko may sinasabi siya paglingon o wala na siya at tila may
hinahabol. Hala siya?! Napupu ba siya? Waaa! Paano o bibitbitin 'to mabigat!
Binitbit pa niya ang payong! ><
Palakas ng palakas ang ulan pero hindi pa rin niya ko binabalikan. May
mga tumitingin na sakin. Kaya ko naman lumaban pero ayoko sa ganitong outfit, mala
sailormoon lang ang peg ko no'n.
Naiiyak na 'ko dahil iniwan niya talaga 'ko. Nakakahiya, kaya naglakad
na 'ko. 'Di naman mababasa iyong pagkain dahil nakalock siya na parang noodles.
Hetoooo akoooo! Basang-basa sa ulaaaan!
Uso rito sa black market ang masisipag. Hindi uso sasakyan dito. Iyong
may mga kalesa, sarili nila 'yon. Iyong iba naman may kanya-kanyang trip na
ginawang sasakyan.
Hindi naman ako makauwi. Paano pag hinanap niya 'ko? Iniisip ko siya
samantalang hindi naman niya 'ko iniisip. Naiiyak ako sa awa sa sarili ko,
siyempre Princess ako, special at palaging baby ang turing ni daddy at kuya tapos
siya ginagawa lang akong Cinderella!
Iiyak na sana ako nang bigla na lang tumila ang ulan. Pero ba't parang
pumapatak pa rin sa talampakan ko? Tumingala ako at nakita ko na may nagpapayong sa
'kin halos mapatalon ako sa pagkabigla.
Nagkatitigan kami. Ba't ganon? Para siyang si Crescent?
"Long time no see, " Sabi niya na hindi naman ngumiti. Poker face!
Bigla bumalik sa alaala ko iyong batang kamukha ni Crescent noon na dito ko din
mismong nakita. Sa tabi din ng posteng 'to! At that time wala din siyang ibang
reaksyon!
" Ikaw si..." turo o sa kanya.
"Sino?" Tinaasan niya 'ko ng kilay! Waaa nagiging kahawig niya si Shin
pag ganyan!
" Si...." Sino nga ba siya?
"See? You don't know me," he smiled. Nakagat ko labi ko. Sht! Ang hot
ng smile!
"Ano bang pangalan mo?" ngiti ko rin.
" Zen, " sabi niya na ikinatango ko. Pero ba't ganon? Pwede talagang
maging kamukha ng isang tao ang isa pang tao? Teka, hindi naman tao si Crescent!
Eto ba? Wala naman kakaibang amoy siya, para ngang anghel ang naamoy ko sa kanya?
Sa totoo niyan may kanya-kanyang amoy ang bawat nilalang sa'ming mga
Bampira. Pinag-aralan namin 'yan. Parang kahit wala namang amoy talaga. may
awtomatiko na agad na pumapaso ksa isip namin kung anong nilalang sila base sa amoy
kapag malapit sila.
"Jasmine," sabi ko na talagang ngumiti pa! *u*
" Dito ka lang ba?" tanong niya na tinaasan na naman ako ng kilay.
"Hindi may hinihintay ako," biglang nalukot ang mukha ko dahil si Shin!
Hayyy nasaan ba yon!
"Hatid na kita," sabi niya na tila pag tumanggi ako hindi na ko
pipilitin so ang ending sumama na 'ko para magpahatid. Sa totoo naman kasi
nilalamig na rin ako at nagugutom.
Pero there's something in him. Ba't parang malaki ang hawig niya kay
Shin? Malay ko ba ung anak siya ni Light?
"Don't stare at me, " aniya pero di naman nakatingin sa 'kin kaya
napahiya ako. Amp! B'wisit naman!
Dinala ko siya sa isang hotel kung saan kami naroon ni Shin tumutuloy.
"Samahan mo na 'ko kumain?" alok ko.
"Sige na," aniya na biglang ngumiti.
"Bakit ?" Hinawakan ko ang mukha ko. Grabeng putik naman kung pati
mukha ko tinalsikan.
"Wala, hindi ko lang inaasahan na makikita kita at the same place pa,"
ngiti niya bago kumaway sa 'kin palayo. Pagtalikod niya, nakikita ko si Shin. Kung
hindi lang iba ang kulay ng buhok niya, baka isipin ko pinagbiyak na bunga sila.
Nasaan na ba si Shin? May nakita ba siyang kakilala? Parang ako lang,
nakita ko si... Zen... *u* Nagtuloy na 'ko sa loob ng room namin. Hindi ko pa rin
maiwasang magtaka ba't ganon si Zen at Shin? Kahit facial expression pareho?
Waaaaa! Natampal ko ang noo ko ng muntik na 'kong masubsob sa mahabang sofa sa
sobrang kaiisip! Argggh bahala siya iinitin ko to at kakain na 'ko!
**
Nang mabasa ni Seventh ang sulat ni Lyra na naglalaman na kasama nito ang ama
halos sirain niya ang sulat na iyon. Ngunit hindi maikakila na nabigla siya sa
nalaman. Totoo nga kayang buhay ito? Pero paano? Baka naman kinuha lang ito ng
kung sino?! Pero malaki ang posibilidad na buhay na nga ang amang dahilan ng lahat
ng hinanakit niya sa mundo.
"Master Seventh!" si Tamtam na alalang-alala.
"Aalis na tayo," sagot niya na hindi malaman kung ano ang tunay na
nilalaman ng isipan. Walang emosyon ang mga mata niya kaya sabay nilang tinungo ni
Tamtam ang isang Tribe na pinapapaslang ng Demon Lord na ama-amahan ni Seventh.
Ang Xsos Tribe ang isa sa pinanggagalingan ng mga sangkap sa pagbuo ng
sandata. Masyadong mararamot ang mga naroroon kaya hinihiling na patayin.
Sa isang iglap pinaslang ni Seventh ang mga naroroon nang wala man lang
awang natitira. Puso? Mayroon ba siya no'n? Sa pamamagitan lang ng kanang kamay
niya at mga itim na kuko niyon napapaslang agad ang bawat nialang na madaanan niya.
Hanggang sa mapaslang na niya ang lahat-lahat ng isang libong
naninirahan sa maliit na isla na 'yon ng matanaw niya ang isang sanggol na umiiyak
at nasa ibaba ng sahig at pilit gumagapang.
Bigla naalala niya si Lucylle. Ang hatid na galit sa puso niya sa
paglisan ng ina ay napalitan ng pagbabago ng ekspresyon niya.
"Master?" Maging si Tamtam ay nagtatanong ang boses upang alamin kung
ano ang gagawin sa sanggol.
Tumutulo pa ang dugo sa mga daliri ni Seventh dulot ng pamamaslang
nito. Binuhat niya ang sanggol matapos ipahid ang kamay sa sementadong dingding at
nginitian ang bata na tila naman nagtataka sa lalaking mala-anghel.
"Master saan natin siya dadalhin?" tanong ni Tamtam na lumipad-lipad at
sinundan si Seventh.
" Siya na ngayon si Llianna," ngiti pa ni Seventh. Ngunit ang ngiting
iyon ay makahulugan.
"Si Lliana?!!" Gulat na bulalas ni Tamtam. Si Llianna ang sanggol na
isinilang na patay ng Reynang si Helga na isa sa mga masasabing ulo ng Black-death-
Org. Ngunit wala pang makapagsabi na patay na ang bata dahil paniguradong hindi
nito matatanggap.
***
"Lyra's POV
"Lyra," si Honey my Love! Waaa! Ang hot talaga ng boses niya.
"Yes honey my love so sweet?" bungad ko sa kanya nang nasa kitchen na siya. Bumalik
kami sa dati naming bahay. May ilan lang daw araw bago niya ko isama doon kung saan
man. Pagdungaw o nakagat ko labi ko. Why so guwapo ng mylove ko?
"Itali mo," utos niya sabay turo sa long hair niya waaa! He's so hot
kahit mahaba ang buhok niya! Lumapit naman ako at tinanggal iyong ipit sa buhok ko
at itinali ko ang kanya. Para walang hassle tumuntong ao sa ibabaw ng silya.
Tangkad e! ><
"Pinagtaasan naman," ang sweet ng pagkakasabi niya no'n. He's cooking
for me! How sweet of him naman talaga! *u*
"Thank you, sabi niya na biglang lumingon at hinalikan ako sa labi.
Pero bago pa niya ilayo ang labi niya kinabig ko na ang ulo niya at pinalalim ang
halik namin. Namiss ko siya ng sobra. Nagkatitigan kami matapos 'yon. Iyong titig
niya talaga! Siyang-siya lang ang may kayang magparamdam sakin ng iba't ibang
emosyon sa pamamagitan lamang ng titig na ganon! >,<
"Matagal ka pa diyan honey? "Tanong ko sabay lunok.
"Tapos na," ngiti niya na hinapit ao sa bewang at ibinaba sa semento!
Waaa! Ang tangkad na naman niya sakin. Pero akala ko tapos na ang panlalandi niya
sakin di pa pala hihi! *u*
Hinalian niya ko sa noo at iniangat na naman sa pamamagitan ng paghapit
sa bewang ko paupo sa glass table. Bago pa 'ko humirit hinalikan na niya ko ng
marahan sa labi hanggang sa nagiging mapag-angkin ang mga halik niya na nagbibigay
ng bolta-boltaheng kuryente at init na nanunulay sa bawat himaymay ng ugat ko.
Ipinulupot ko ang mga braso ko sa batok niya at napatingala ako sa
sobrang init ng dulot ng labi niya ng magsimula iyong bumaba sa leeg ko. Kahit
ilang beses akong masaktan, maiwanan, ang mahalaga ako lang ang binabalikan niyang
babae sa mundong ito.
Sabihin mang baliw na baliw ako sa kanya, wala akong pakialam. Alam ko na pareho
lang kami ng nararamdaman. I'm so lucky to have him. Kahit na madalas nakakairita
ang ugali ko, hindi niya ko sinasaktan. Nasasaktan lang ako dahil alam ko na kapag
sinaway niya 'ko, tama siya naiiyak ako dahil kahit ganoon ako yayakapin pa rin
niya 'ko at aamuhin. Si Crescent lang ang mamahalin ko until the end!
Walang sino mang lalaki ang papasok sa puso ko, dahil kahit ilang beses
burahin ang alaala ko, bumabalik at bumabalik pa rin ang damdamin ko para sa kanya.

"Lyra," hinuli niya ang tingin ko kaya nakatitig kami sa isa't isa.
Nakagat ko iyong ibaba ng labi ko, ayoko umiyak. " Mahal na mahal kita, salamat sa
paghihintay," sabi niya na ngumiti doon na bumagsak ang luha ko.
"Mahal na mahal rin kita, kahit mahirap, masakit, palagi kitang
hihintayin dahil sabi mo magsasama tayo hanggang kamatayan 'di ba?" Pilit akong
ngumiti bago niya 'ko hinalikan sa labi.
Binuhat niya 'ko sa isang iglap lang naroon na kami sa kuwarto. Inihiga
niya 'ko ng marahan kasunod niya. Dahan-dahan niyang inisa-isa ang mga butones ng
suot ko, nakangiti pa talaga siya! Nahihiya ako >////< Ang tagal na namin di 'to
ginawa tapos naeexcite din ako! Waaa!
"Virgin uli ako Honey! Dahan-dahan! " sabi ko na natatawa kaya natawa
siya. Shocks! Pati tawa niya nakakapaginit ng katawan! Waaa! Umaakyat sa face ko
ang dugo ko!
" Baka ginagamit mo sa iba yan ha!" Magkukulitan lang ata kami hihi.
*u*
Tumawa na naman siya bwisit kinikilig akooo! >////<
" Wala 'tong silbi kung hindi ikaw ang katabi, " sabi niya sabay mariin
akong hinalikan sa labi. Pero natatawa 'ko kaya naghiwalay din agad ang labi namin.
Nakangiti din siya. Hihihi! Di niya rin mapigil ang Corny niya pero mamamatay ako
sa kiliti ng sinabi niya. *u*
"Tawa ng tawa? First time? " sabi niya kaya lalo akong nangiti,
kinikilig ako ihh! *u*
"Banat mo kasi honey!" sabi ko sabay ngiti ng husto.
"Ewan sa'yo," sabi niya. Ready na kami! *u* hihi. Hinila ko ang tali sa
suot niyang black robe na lalong nagpaputi sa kanya hihi para siyang snowflakes.
Napalunok ako ng lumantad sakin ang katawan niya waaaaaaaaaaaa! >//////////<
Ngayon lang namin gagawin 'to ng may ilaaaaaaaaaaaw! Matagal kong
inasam at pinagarap 'to, pero biglaan ngayon parang duduguin ako sa sobrang init ng
nararamdaman ko waaaaaaaa!
Naniniwala na 'ko na isang God si Crescent. Isa siya sa mga
'kinukuwento sa mythology! Waaaa! Anong panama ni Cupid at nang sinu-sino pa sa
Mythology pag itinapat sa asawa ko?! >/////< Para akong nagbubukas ng wrapper ng
regalo, dahan-dahan at mygooossshhhh nasa ABS na... tas ngiting-ngiti pa siya na
parang tine-tease ako! Waaa!
Nasa baba na waaaaaaaa! O.O Mygoooooshhhhhhhhhhhh! OH... NO .... Ba't
parang lu... lu ... lu... waaaaaaaaa!! >//////< " Ang laki!" nabulalas ko kaya
nabatukan niya ko bigla kahit ako hindi ko alam na masasabi ko 'yon waaaaaa!
Natawa na talaga siya at hinalikan ako sa noo. HUMAYGHAD!
"Babae naman gawin natin Lyra," bulong niya. >//////< Baby girl?!!!!
"Yes, Auntie Marivel requested a baby girl from us, for her birthday"
sabi ni Crescent na di nawawala ang smile.
"Auntie?" Bigla niya na naman ako hinalikan amp! ><
"Yes, you'll meet her soon," aniya pa bago ako nginitian ng ubod ngiti.
Ipinaabot namin ang pagbati kay Auntie Marivel hihi HAPPY HAPPY BIRTHDAY! Dahil
sa'yo gagawa kami ng baby ni Crescent ,waaa! Sana nga baby girl naman para may
kakampi ako hihi *u*.

READ. VOTE. COMMENT! <3


Mula sa RBW and TF .. Ipinaabot nang mga Cast ang pagbati kay Tita Marivel Cunanan!
Marami pong salamat sa pagmamahal at pag-appreciate ng mga stories co. Sobrang
natotouch po ako dahil sainyo hihi.. *u* HAPPY HAPPY BIRTHDAY! May GOD BLESS you
and your FAMILY! *u* Good health and I love you so much! Hmuaaa! *u*

#MisaCrayola<3
FB: Jobelle Rivera(misaCrayola)
Group: MisaCrayola

TF 11: DOG!

TORMENTED FATE

CHAPTER 11

" DOG "

**

COMMERCIAL BREAk

CRESCENT's POV

Si Lyra luto ng luto, masyado niyang ipinapalasap sa'kin ang kagalingan niya sa
pagluluto. Hindi siya makapaghintay kaya nagkaroon kami ng handaan. Si Lyra talaga
masyadong pasikat, pero mahal na mahal ko naman wala akong magagawa.

Ang aking mga Scorpions, hindi pa nila ako nakikita ng personal. May
mga pagkakataon talaga na ang isang katulad ko ay sa pangarap lamang natatanaw ng
iba.

"Lyra! Lyra! " - si Tomo ang ingay na naman nila. Umagang-umaga ganito
ang trip nilang tatlo ang mag-ingay. Si Leo ang isa. Napapamasahe na lang ako sa
ulo, kahit naman anong sakit sa ulo ni Lyra makita ko lang siya nawawala na lahat
ng nararamdaman ko, kahit nga ang panghihina ko hindi o nararamdaman kapag nasa
paligid siya.

" Honey My Love so sweeeeeet! " Sigaw ni Lyra kaya nilingon ko siya.

"Umm honey?" Oh c'mon, hindi pa rin ako sanay tawagin siyang honey.
Pero kailangan dahil magtatampo siya at hindi ako papansinin.

"Tapos ko na ang listahan ng mga iimbitahan natin kapag isisilang na


ang baby natin! So kailangan buuin na natin siya honey kooo! " Naupo siya sa tabi
ko at parang ahas na pumulupot kasama ang paa.

"Lyra, ginagabi-gabi na nga natin 'di ba? " Biro ko sa kanya kaya
namula siya. Hinalikan ko siya sa noo.

"Basahin mo na dalian mo na! " Inginudngod niya sa 'kin ang mga papel
niya.

"Lyra, ilang taon man ang lumipas .... Ang sulat mo walang nagbago,"
nangingiti ako, kaya sumimangot siya at nagbabanta ng magalit.

"Babasahin na... " ngiti ko sa kanya.

" Mula sa'king pagbati, jojobutycuty napakasipag mong mag komento sa aming
istorya, nabuhay namatay at nabuhay na 'ko muli, nandiyan ka pa rin abangan mo
ang aming munting prinsesa. Jriesaimiel, salamat din sa iyong walang sawang
pagbabasa ng aming istoryang hindi na nabigyan ng katapusan napakasipag mo, ang mga
tulad ninyo ay talaga namang nararapat pasalamatan. Redmoon_03? Sandali lang, bakit
naman "hi" lang ang hinihingi mo sa 'kin? Malaki ang utang na loob ko sa 'yo, kung
hindi dahil sa inyo hindi ako muling mabubuhay, narinig lamang ang inyong
panawagan. Hanggang yakap lamang ang kaya kong ibigay sa'yo, ang labi ko ay para
lamang kay Lyra.

Shia_Yoshiro, sa tuwing mababasa ko ang pangalan mo naiisip ko ang paborito kong


dragon na si Yoshi, inaasahan ko ang pagdalo mo sa aming nalalapit na pagkakaroon
ng supling na babae ...Salamat sa pagtangkilik sa aming istorya, sana naman hindi
ka pa nasasawa, lalo na sa ugali kong nakakaboring dahil sa sobrang kabutihan at
walang bahid dungis na kasalanan sa mundong ibabaw.

Chiizkeeyk, marami ka bang supply ng cheese cake? Favorite ni Lyra 'yon, aasahan ko
na i-sponsoran mo kami ng cheesecake. Nakakagutom ka namang batiin, ang sipag-sipag
mo rin mag comment sana naman hindi a pa napapagod, ipamasahe mo na lamang ang
kamay mo sa 'kin kapag napapagod ka na at magiging maayos ka na muli.
MyCuteLittleDarling, ano bang ninanais mong malaman sa amin ni Lyra? H'wag kang
mag-aalala iseshare o sa'yo ang recipe kung paano magkakaroon ng babaeng anak.
Basta h'wag mo kaming pagsawaan, minsan ka lang makakita ng forever sa isang
istorya, aalis ka pa?

Salamat sa inyong lahat. Imbitado kayo sa aming simpleng binyagan


pagdating ng aming prinsesa. Lumapit na kayo at hanggang yakap lang, oohh .. ang
nguso tumutulis, mahirap, masasapak tayong dalawa ni Lyra.

Ninanais ko namang ide-dicate ang parteng ito kay Beianne, naniniwala


ako na sa totoong mundo mapapatunayan mo ang salitang "To infinity and beyond" no
matter what happen, palagi mong tatandaan na walang makahihigit sa totoong
kahulugan ng pag-ibig. Hindi ko na kailangang sabihing maging matibay ka, alam ko
naman na matibay, tanggapin mo ang aking lubos na paghanga sa'yo.

"Mahal ang dami mo nang nasabi tama na, simulan na uli natin ang pag
gawa fully charge na 'ko!" si Lyra, masakit daw pero gustong-gusto?Carino brutal
din 'tong si Lyra.

"Mahal, kumain ka muna," hinalikan ko siya sa pisngi pero humagikgik


siya. Minsan talaga kakaiba 'tong si Lyra may pikit-pikit pa tapos tatawa? Ibang
hangin ata ang nalanghap nito sa loob ng isang dekada.
"Isa pa dali!" sabi niya sabay turo sa pisngi niya, wala namang kaso
kaya hahalikan ko siya nang bigla siyang humarap at kabigin ako pahalik sa anya.

"Honey nagba-blush ka!" asar niya. Hindi nga?

"Lyra 'wag mo 'kong binibigla ng gano'n!"

"Ihhhhh! Gusto mo rin naman mahal, dito na ba natin gagawin sa sofa?"


sabi ni Lyra kaya awtomatikong umawang ang labi ko at pinanlakihan ko siya ng mata
dahil si Tomo at Leo nasa paligid lang namin!

" Live action ba 'to Panginoon!" si Tomo na nanlalaki ang mata na


nakatungtong pa sa center table kaya malakas ko siyang sinipa pasubasob sa ilalim
ng katapat naming sofa.

"Magtigil ka, Lyra," kinutusan ko siya ng mahina sabay halik sa pisngi


niya at tumayo na 'ko. Medyo mainit ngayon. Nasa yelohan kami pero parang uminit
talaga ang pakiramdam ko.

CRESTIA'S POV!

Waaa! Si Crescentine, nawawala! Naman, umuulan na nga! Ibang-iba ang black market
sa pinagmulan naming lugar na halos puti at ginto ang kulay na makikita.
Samantalang dito hindi ka na dapat magulat pag bigla na lang may magpapatayan sa
harapan mo at hindi ka na rin magugulat na bukas sa kahit na anong edad ang mga
alakan!

"kana!"

Ano ba, hindi pa rin ba nakikita nang sumisigaw na 'yon si kana? Parang
kanina pa 'ko naglalakad at parang palapit siya ng palapit sa'kin. So I decided to
turn my head upon him.

Parang nashocked aming dalawa nang magkita. Teka, another one? Black
naman ang kulay? Tinitigan ko siyang mabuti at ganoon din siya sa' kin pero ang
pangit naman ng tingin niya dahil tila multo ako na nabuhay sa titig niya.

"kana," Hinawakan niya 'ko sa balikat.

"Ako ba?" oo ako! Ako nga kinakausap niya. Waaa!

"Wait, hindi ako si kana," tinanggal ko ang kamay niya at pilit na


ngumiti. Parang may weird na pakiramdam akong hindi ko maexplain na parang gusto ko
siyang tabuhan.

Pero nakatitig pa rin siya sa'kin, waa! He really looks like


Crescentine! Omo! >///<

"kana," sabi niya, aba makulit rin no?

"Hindi nga kana ang pangalan ko, Crestia,Crestia Bell," binuo ko pa


para sure. Binitiwan niya din ako.
"Ayos ka lang ba? Sorry ha? Hindi ako iyong hinahanap mo," sinundot ko
siya sa pisngi dahil kamukha niya talaga si Crescentine pero parang mas matapang
ang mukha nitong isa. Nginitian ko siya nang magdikit ang kilay niya.

"Don't do that again," aniya na hinawakan ang kamay ko and it feels


like boom ba doom doom dooom! >////<

"Malakas na ang ulan," Ishinoot ko siya sa payong ko. Nagkalapit lang


kami nang may bumunggo sa likuran ko. " Ang tangkad mo, nangangalay ako," ngiwi ko.
Magkasing laki sila ni Crescentine.

Hinawakan na naman niya ang kamay ko, actually kinuha niya lang ang
payong at siya na ang humawak.

"Waaaaaa! Nagugutom na 'ko," react ko sabay takip sa bibig ko!


Nakalimutan kong hindi si Crescentine ang kasama ko. Pag siya kasi ang kasama ko
lahat ng daing ginagawa ko, totoo naman na nagugutom ako pero nakakahiya. Baka
isipin niya patay gutom ako! Omo! >////<

Pero hindi naman niya 'ko pinansin dahil ang bilis niya maglakad. Teka
ha? Hindi kasing haba ng binti niya ang binti ko, dapat isipin niya 'yon waaa!
Lakad niya, takbo ko!

"Waaaaaa!" Muntik na 'ko sumubasob ng madulas sa plastic! >///<

" Lampa! Hindi ba pantay ang paa mo o hindi balanse ang paa mo sa
katawan mo?" sabi niya na nakataas ang kilay waaaa! Ang sungit niya! *^*

"Uuwi na 'ko! Akin na ang payong ko! " Nameywang ako sa harapan niya.

" Tss, mababasa ako!"

"Hindi ko kasalanan na hindi ka nagdala ng payong!" tinaasan ko siya ng


boses pero natawa lang siya.

"Anong nakakatawa?" Namumula ako sa inis.

"Para kang hamster na nagagalit!" kinurot niya ang pisngi ko sabay


tawa. " Ang pangit mo pa rin kahit naging dalaga," aniya na lalong ikinasalubong ng
kilay ko!

"Akin na 'yang payong ko! Hindi ka guwapo! Slight lang! "Inagaw ko yung
payong ko waaaaaa! Bakit hindi ko makuha sa kanya!

"Sorry, I'm joking okay?" joking?! Pero tumatawa pa rin


siya! " What do you want?" tanong niya.. Tsss yabang!

"Cake, one whole chicken, ummm ice cream, steak at fruit shake!" Sabi
ko, ang mamahal kaya ng bilihin dito. Tubong lugaw! Mamahalin na mga sinabi ko,
pero special naman daw lahat 'yon 'di ko pa natikman dahil limited lang ang laman
ng ng Black card namin.

"She'll surely break my neck," bulong niya na may inilabas na card.


Waaaa! Mamahalin ang ganoong card basta may silver at gold na lining! Normal lang
kasi ang amin. Color black lang na may crystal blue na lining.

***
"Ang takaw mo naman," sabi niya na napakamot sa ulo. Nakapagbihis na rin siya dahil
may bilihan ng damit sa pinuntahan namin. Para siyang mall pero two floors lang,
pero mukhang ganoon na rin. Ang kaibahan lang nito sa mall siguro dahil may inuman
na naman ng mga tomador!

"Hindi ako pabebe," irap ko sa kanya, ang sarap kumain! Sa pinagmulan


namin bawal kami kumain ng nakakamay dapat laging may poise, ngayon lang ako kumain
ng ganito! Si Crescentine? Ayaw no'n ng ganito kumain panigurado babatukan lang ako
no'n!

"'Yan lang ba talaga sayo?" tanong ko dahil umiinom lang siya ng


coffee.

"Hindi na 'ko makakain mamaya pag kumain ako ngayon," ngiti niya.

"O' ano naman?" takang tanong ko.

"kumain ka na, mukhang galing ka sa digmaan," aniya na tinatawanan na


naman ako, pero infairness ang guwapo niya din talaga. Kamukha niya talaga si
Crescentine pero hindi naman sila pareho ng ugali gaano. Ngumingiti 'to e, si
Crescentine bihira pa sa pag fu-fullmoon ngumiti! ><

Kain lang ako ng kain at bihira nga lang niyang kainin iyong fries
niya. Parang ayaw niya talagang mabusog no? Ba't kaya? Kundi lang tumunog ang
cellphone ang sarap naman pa naman ng kain ko.

"Nasaan ka ba?!" Waaa si Crescentine galit na naman po ang mahal ko!

"Uuwi na 'ko, salamat! Ililibre kita next time pero iyong sa daan lang
mga street street food huh? "Sabi ko sa kanya, tumango naman siya at ngumiti.

"Salamat!" Sabi ko, gusto ko sanang kunin ang number niya pero hindi ko
mai-exit si Crescentine at paniguradong para na naman akong kuting na pinapagalitan
nito! Waaa ang BAD niya po talaga sa'kin all the time! >////< Palaging highblood
parang lahat ng ginagawa ko mali! ><

** SHIN **

Kamukha niya talaga si kana at natutuwa aong makita siya. I know, wala na si kana
at imposible na siya 'yon, I was hoping to see her again. She's so cute pag
kumakain para siyang monster.

Jasmine will never do that. Hindi naman kumakain 'yon katulad ng


babaeng si Crestia. Nakakaganang kumain si Crestia, para ngang nabubusog ako sa
dami nang kinakain niya. Parang pagod na pagod.

Paghatid ko sa kanya sa labas ng GunVan, iyong name ng two floors na


mala mall pero ang labas niya faded black ang kulay. Umuwi na 'ko at paniguradong
nagwawala na ang alaga ko sa loob ng kuwarto namin.

Tumila na rin ang ulan kaya hindi na rin ako nabasa pa. Pag uwi ko
nginitian ko agad siya, si Jasmine. Pero ang sama ng tingin niya sa'kin kaya
nangiwi lang ako. Inirapan pa 'ko, naaupo siya sa sofa at nasa center table ang
laptop niya for sure gumagawa na naman siya ng itsura ng mga bagong tauhan niya sa
game na gagawin niya. She's really an artist. Magaling siya sa lahat halos ng art,
kasama na doon ang pagiging Ma ART- Te.

"Let's eat," pakita o sakanya ng favorite niyang crinkles. Pero


inirapan lang ako at kinuha ang laptop niya. Tumabi ako sa kanya pero sumiksik siya
sa dulong part ng sofa. Umusog ako palapit sa kanya ng mailapag ko sa center table
iyong box ng crinkles na dito lang mabibili yung pinakamasarap.

"Nagugutom na 'ko," seriously, hindi ako kumain para sa kanya! Ang Arte
nito, hindi nakakain ng walang kasabay. Sanay sila na kumakain lagi ng sabay-sabay.
HAPPY FAMILY!

"kumain ka," sabi niya.

Nakita ko nga iyong binili namin na nasa tapat naming sofa, hindi man lang niya
ininit.

"Iinitin ko na,"

"Bahala ka, ikaw naman ang kakain," sabi niya tsss!

"Gutom ka na kanina," sabi ko na tumataas na na ang kilay.

"Uuwi na 'ko sa'min, ginugutom mo lang naman ako! Ang kapal ng mukha
mong ganituhin ako, samantalang sa'min walang nagpapabaya sa'kin!" Sabi niya.
Matutuyuan ako ng dugo dito kaya tumayo na 'ko para mag init ng pagkain namin pero
bigla siyang umiyak. Maramdamin masyado!

"kaain na nga tayo, pagsisilbihan na nga kita mahal na prinsesa!"


sarkastikong wika ko na nagtuloy na rin agad sa kumedor. Sht! Palagi na lang akong
kinokonsensya ng pangit na 'yon!

"Coffee gusto mo?" kalabit niya sa'kin kaya nilingon ko siya.

" Ako na nga, mahal na prinsesa, ayokong mapagod ka pa, pagsisilbihan


kita"ngiti ko sa kanya.

"Hindi ko naman sinabing gawin mo 'kong prinsesa! Isipin mo lang ang


nararamdaman ko, palagi na lang kabaligtaran ang turing mo sa 'kin sa kinalakihan
ko. Feeling ko dati ang ganda ko, pero sa'yo feeling ko ang pangit pangit ko araw-
araw," naiiyak na naman siya. Natampal ko na lang ang noo ko. Seryoso siya?
Ganito nararamdaman niya?

"Sabihin mong maganda ako at hindi totoo lahat ng sinasabi mong pangit
ako!" sabi niya Sht!

"Ayoko!" madiing sagot ko, tapos iiyak na naman siya?! Sht!

" Wala ka talagang kuwenta dapat sayo turuan ng leksyon!" Nanlisik ang
mata niya.

"Oh, kakain na tayo tigilan mo na 'ko!" Tinalikuran ko na siya. Hindi


pa kami mag-asawa nauubusan na 'ko ng dugo sa babaeng 'to ano pag asawa ko na 'to?
Magbigti na lang kaya ako?!

Pagbaba ko ng mga kakainin namin sa long mahogany table bigla niya


'kong hinaltak at O.O --- -Hinalikan!

"Shit!" Nailayo ko siya.

"Ahh, pa virgin! "tinusok-tusok niya iyong pisngi ko at tinatawanan na


'ko ngayon!

Talagang sinasagad niya ang pasensiya ko? Tsss...Hinaltak ko nga siya


sa ulo at hinalikan. Oo na pangalawang beses ko pa lang humalik ng babae, si Nicole
ang una unfortunately asawa na siya ni Vincent.

Nagpipiglas siya at kinakagat niya talaga 'ko! Bwisit! So I decided to


push her into the wall. Hinalikan ko siya nang malalim, she's turning me on. I
know, I know she's pretty but I don't want to admit it - Over my fckng ashes that
I'll admit it!

Jasmine's POV

No! Nabigla lang naman ako ng kiiniss ko siya kanina! No! No! Pinupush
o siya, inaagat pero wala lang 'yon sa kanya until madala na niya 'ko sa halik
niya. For all the demons sake! No! It can't be...

After some minutes na tila kami nag-aaway sa kissing scene para na


kaming nadala pareho na naging sweet ang halik pero siyempre medyo wild siya! Waaa!
Ang virgin kong labi hinahalikan ng isang demonyo!

Wala naman akong kawala dahil isinandal niya 'ko sa wall. I never
thought that kissing makes me feel this good. Parang kakaiba? Parang hindi ganito
ang nai-imagined kong epekto ng kiss? It it because of him? Noooooo!

Masyado siyang malapit sa 'kin and I taste his blood. Kinagat ko kasi
siya! Baka.. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko! Nag-iinit ang mata ko, nag-
iinit kaya lumaban ako ng halik sa kanya para makalimutan kong Vampire ako. Ayoko
siyang kagatin, dahil ayokong malaman na hindi niya 'ko gusto! Ididikta ng dugo
niya ang nararamdaman niya at ayokong masaktan! Oo na, may gusto naman talaga 'ko
sa impaktong demonyong asong 'to!>////<

**

READ. VOTE. COMMENT! <3

Bihira lang mag commercial break si Crescent. Yii! *u* Hahaha! So sino lang ang
mga masipat ko na nagcomment, masyadong marami yan lang ang napili niya haha! Di
Qeri lahat. *u* Ang pagbubukas ng labanan next time! *u*

#MisaCrayola

TF: 12
Scorpions Gate

''Nagdatingan na sila," Ylerys.

" Pero ang triplets lang ang susubukin natin. So, hayaan mo ng makapasok ang lahat"
sagot ni Lander.

Nasa loob na ang iba nating kasama, sila na ang bahalang magmatyag. " Ylerys.

"Sa palagay ko may isa ng dumarating. " Lander. Nasa ikalawang palapag sila ng
tore. Si Shin ang una nilang nakita. May isang babae itong kasama na nakapayong.
"Ako ng bahala sa kanya," ngisi ni Lander na agad naglaho sa harapan niya. Ewan na
lang niya kung matupad niyang papasukin lang ang ibang manlalakbay. O papatayin na
niya kung wala naman mga potensyal.

****
- Ylerys -

Iisa na lang ako. E diba may dalawa pa? Fck. Kailangan ko pa palang gamitin si
Evitha. Nangisi ako. Evitha is my power spirit. She came from the grave. Siya ay
isang demon beast na nakakulong sa ilalim ng tore. Isa siyang nakakatakot na
kunehong itim at may nagtatalasang mga ngipin. Sa laki niyang iyon na halos
tatlong palapg ng tore na 'to ay kasing bilis ng maliit na kuneho ang kanyang
pagkilos. Di ko naman ipapapatay ang anak ni Lord Crescent. Sa pamamagitan ng
manipulation ko sa contract naming dalawa, mabilis ko siyang mapapahinto.

"Evitha .. Maglalaro tayo," nasa baba na ako ng tore. Pinalabas ko siya at kitang-
kita ko sa dilim ang p agpula ng mga mata niyang kamumulat lang.

" Ikaw na ang bahala kay Seventh, ako ng bahala sa anghel," pinalabas ko na siya.
Wala na akong magagawa kundi ang panoorin si Evitha na pinapaslang ang mga
manlalakbay na gusto rin makapasok sa underground. Puro dugo ang paligid. Ang
iba naman ay gumagawa ng paraan para mapatay si Evitha.

Mga tanga. Espiritu lang siya. Sinugod ko agad si Cresentine nang makita ko
siyang nakatayo kasama ng isang babae. Mabilis ako na parang hangin nangisi ako ng
sipain niya agad ako. Shet! Ang galing, ang bilis ng mga mata niya! Tumalon ako
palayo sa kanya. " No wonder, anak ka nga niya" ngiti ko.

Halata ang bigla sa mukha nung babae. Samantalang nakataas lang ang isang kilay ni
Crescentine. Sa isang iglap naging matalim ang tingin niya.

" What do you want?" He asked. Sht. Wala man lang smile? Ayos na kahit ngisi pero
ang suplado!
" To test you," sagot ko. Sinugod ko sya nang nakangisi. Mabilis na parang isang
bihasang ninja. Natadyakan ko siya ng malakas pero tila may humarang! Paglayo ko
nang bahagya nakita ko na nakaharang ang mga palad nung babae at nakalikha siya ng
shield. Woah. Nice partnership!

"Sige na, papasukin ko na... " Nabigla ako sa pagsigaw ni Evitha. As if she's in
deep pain. Nilingon ko siya sa likuran at laking gulat ko nang nagkalat ang mga
patay na manlalakbay. At..... "Seventh.." naibulong ko na lang sa hangin nang
makita ko siyang nakatayo lang at nakangisi.

Nakaharap na siya sa'kin. Nagwawala si Evitha at sa pagkamangha at kilabot ko sa


nakikita kong pagwawala ni Evitha habang sinasakal ito sa buong katawan ng kadena
mula sa maitim na kalangitan.

" Kill that beast," he whispered. Kasunod no'n ang sabay na pagsigaw namin ni
Evitha sa sakit. Dalawa sila power spirit ko pero bakit parang sa paghihirap ng
katawan ko sa init, hapdi at tila kinakayod ang laman ko mamamatay na 'ko.

"Tama naaaaaa!!!!" Sigaw ko.

"Mula sa nga pakpak ng anghel pagalingin mo ang kadiliman sa kanyang katawan!"


Sigaw babae na kasama ni Crescentine. Isang magandang musika ang narinig ko.
Pero sobrang sakit pa rin pero agad nawala ng hawakan ako nung babae. Si Evitha na
lang ang naghihirap sa apoy ni Seventh. Pagtingin ko sa kamay ko nawala ang
contract ko kay Evitha. Ang babaeng to may kakayanan ng isang pinagpala?!!

" Patawad hindi ko na siya maililigtas," wika ng babae.

"Evithaaaaaaaa!!!" Sigaw ko hanggang lamunin na siya apoy. Hindi ko napigil ang


mga luha ko.

" What a low class beast," sabi ng hayop na si Seventh! At naglaho na siya.
Nakakapanindig balahibo. Ibang-iba siya sa inaasahan ko. Ngayon, masasabi ko na
siya ang may malaking chansang maging unang Emperor.

****

" Crescent," tawag ko sa kanya. Heto na naman kami sa pagiging tahimik niya.
Namimiss ko na si Shin at Seventh Sabi niya may isa pa. Hay! Sana naman nakasama ko
muna sila. Pero ano bang magagawa ko?
"My love?!" Tawag ko pa. Sabi niya aalis na kami dito. Nakaayos na nga ang mga
gamit ko. Biglang my humila sa'kin at niyakap ako mula sa likuran.

" Honey, " hinarap niya 'ko at hinalikan sa noo. " Aalis na tayo," lumawak pa lalo
abg ngiti niya. Kinikilig ako. Sa totoo lang medyo mahirap ang ipinagbubuntis ko.
Am oo, magkakaanak ulit kami. Excited, kasi parang fist time ulit. Ngayon lang
ako makakapag-alaga ng anak.

"Kailangan hindi ka nastress," sabi niya habang hinahaplos ang tiyan ko.

" Hindi naman basta palagi kang nasa tabi ko," ngiti ko sa kanya, sabay lambitin
sa leeg niya. "Ipangako mo sa'kin na hindi mo pababayaan ang mga anak natin. "
may pakiusap sa boses ko. Tumango siya at hinalikan ako sa noo muli.

Hindi pa rin malinaw sa'kin bakit tatlo ang anak namin. Iisa lang ang isinilang
ko. Ayoko magtanong, gusto ko siya mismo ang magsabi. Ang mahalaga mahal ko siya
at ang mga anak namin. He promised me na gagawin niya ang lahat para makita ko ang
isa pa.

"Basta 'wag ka munang mag-isip Lyra, katulad ng sinabi ng babaylan masyadong


sensitibo ang pagbubuntis mo," ang sweet sweet niya talaga. Pumunta ako sa
babaylan kahapon. Kasama ko si Leo. Ang sabi niya buntis ako at nakumpirma kong
tama si Crescent. Babae. Princess. Iyan ang inaasahan ni Crescent.

Nakakatuwa naman kapag kinakausap niya si baby. Sino pa ang makakaligaw kay
Chrysanta kapag ganito ang ama niya? Isama pa si Seventh at Shin. May magtangka pa
kaya? Nangingiti ako kaya napaarko ang kilay ni Crescent.

"Namamaligno ka ba, Lyra?" ang seryoso niya kaya natawa ko at niyakap ko siya.
"Hmmmmm ang bango mo mahal..."

"Nung unang pagbubuntis mo galit ka araw-araw sa'kin," natatawang sabi niya. Oo


nga, samantalang ngayon gusto ko siya palaging naaamoy, kayakap at ipinagluluto.

"Mahal na mahal kita, Crescent. " malambing kong sabi habang inaamoy amoy ko sya
na ikinatatawa niya.

"Wala nang makapaghihiwalay sa'tin Lyra," bulong niya sa'kin kaya lalo ako
nangiti at nag-angat ng mukha para makita siya. Nakita ko ang isang itim na
paruparo na dumapo sa kanya at agad ding naglaho ng pumatong sa balikat niya.

"May... "

"Halika na Lyra," hinawakan niya ko sa bewang at inilakad na 'ko. Ipinilig ko na


lang ang ulo ko. Wala guni-guni ko lang siguro.
READ. VOTE. COMMENT
Thank you! Kagaya ng sinabi ko, lhat ng stories ko sabay-sabay ang update. Saturday
or sunday okay? *u* Salamat!
#MisaCrayola

Mystery

+VISHNU+
"Hay! Namimiss ko na talaga si baby Shin!" bumuga ako ng hangin. Like a Queen
nakaupo ako sa trono.
There goes Hunter and Aya, nag uusap about somethin' na hindi ko marinig.
Yep. Alam namin na buhay si Crescent. Pero bakit hindi ko nadadama ang pressence
niya?
There's no heartbeat. Malakas ang pakiramdam ko, naririnig ko ang buhay at
kamatayan ng mga nakikilala ko. Kahit nakaupo lang ako dito, awtomatiko akong
nakakaramdam.
May kakaiba, at kailangang makumpirma ko iyon.
"Naaalala n'yo ba ang hula ng matandang bulag na babaylan noon bago siya pumanaw?"
biglang tanong ni Aya.
" Isisilang ang isang marikit na sanggol na may pares ng makikinang na batong
althea ang mga mata, ang buhok ay kakulay ng isang yebe kamatayan ang dulot sa
sangkatauhan." ulit ko.
Nagkatinginan kaming tatlo dahil ang karugtong ng salita noon ng matanda ay may
kaugnayan sa pamilya ni Crescent.
"Ang pamilyang biniyayaan ng kapangyarihan at kalakasang kayang gumunaw ng
sangkatauhan, pinasahan ng sumpa ng nagliliyab na apoy ng kailaliman mula sa
kanyang pagbabalik isisilang ang isang sanggol na mula sa kanyang dugo at laman,"
ani Hunter sa seryosong tono.
Si Crescent ang nagbabalik. At si Shin ang isa sa patunay na ang pamilya ni
Crescent ang gugunaw sa sangkatauhan. Ang pagiging Thanatos ni Shin?!
ALTHEA. Ang mga mata sa libro na naisulat daan taon na ang nakalilipas. Kulay
crystal na violet na kulay asul sa malayuan.
"Malakas ang may Althea na mga mata, pumupuksa ng hindi kailangang gamitin ang mga
kamay. Kung totoong may ganoong isisilang kailangan mapatay na siya sa madaling
panahon," ani Aya
"Kung si Crescent nga ang magulang nya?" ako
"Reincarnation siya, sa pamilya lang nila isisilang. Hindi niya tayo kalaban pero
baka hindi niya alam na ganoon ang magiging anak niya," si Aya
"Gugunaw ang mundo, kadamay tayo. Ang Abyss, hindi makapapasok doon ang
pangkaraniwang tao. Chaos, lang ang mundong nilikha ni Crescent," ~ Hunter.

**
Sampung libong manlalakbay mula sa iba't ibang tribo, lahi at antas. Lahat
naghahangad makita at mapagtagumpayan ang larong inihain ni Crescent.
Ang pagkamatay nito ay itinuring na isang palabas lamang ng ilan. Walang nakagapi,
basta na lamang ito naglaho at naging crystal simbolo ng kamatayan nito.

Lahat pagkamangha ang lumarawan. Ang abyss na walang kaayusan, walang hanggang
kadiliman at nakabibingi ang katahimikan.
Tila paulit-ulit kang pinapatay sa kalooban na ngayon ay isa ng tunay na paraiso.
Paraiso ang perpektong paglalarawan dito. Lahat ng magagandang tanawin, kabundukan,
mabangong simoy ng hangin, sariwa at humahalo ang amoy ng mga bulaklak, at ang
floating fortress na gawa sa crystal ngunit sa pinakadulo ng tingin matatagpuan ang
napakalaking kastilyo na yari sa salamin.

Iginagala ng lahat ang paningin. Napakalaki ng lugar, lalong nanabik ang karamihan
Na angkinin ang buong lugar.

Karamihan sa kanila ay nabigong makaharap si Crescent, kaya ang makamit ang


pinaghirapan nito ay makakapagpalubag loob sa kanila.

" Hello!" Boses ng isang babae ang narinig nila. Lumabas sa screen ng floating
fortress ang isang manika na nakaupo sa swivel chair' may puti itong buhok.

Maganda ito at may asul na mga mata na halata naman na hindi ito ang nagsasalita.
"Dahil ngayon ang araw ng pagsisimula ng patimpalak na ito, hayaan n'yong
ipaliwanag ko ang laro. Sa bawat stage mayroon lamang bilang ng survivor na
hihingin "
napalitan ang screen ng mala blue print ng buong abysscentine.

"Una, wala pang rules pero sa ibibigay namin na life watch sa bawat mananalo sa
unang laban ay makikita nyo na nadadagdagan ang rules kaya panatilihin n'yo na
pindutin ang red button."

" Sa mundong ito, kontrol ang buhay n'yo, " wika pa nito. Lahat hindi nakagalaw at
sa ilang saglit bumalik na sila sa dati.
" Ayos a!" Sigaw ng isa.
Totoo nga ang sinasabi nito na kontrolado sila.

" Ninanais ni Master na walang pandarayang magaganap, oras din na tumuntong na ang
unang laban na magaganap kinabukasan wala ng makakaalis dito. You need to survive
or die. Bumuo kayo ng grupo upang makasurvive, mas marami mas malaki ang pag-asa. "

Iba iba ang naging reaksyon ng lahat.

" Ngunit uulitin ko, sa bawat stage may bilang lamang ng mga kalahok na pwedeng
pumasok. Kung limang daan lang ang hinihingi ng pintuan, at limang daan at isa ang
bilang ninyo kailangan nyong magbawas hanggang maging tumpak ang bilang. Hindi
mawawala ang barrier hangga't hindi n'yo itinatama ang bilang. Kung may katanungan
kayo, pakibilisan!" Bumalik sa screen ang manika.

"Kung 500 ang hinihingi


at ang bilang namin ay 450 na lang?" Tanong ng isa. Sa dami nila narinig talaga
nila ang boses nito dahil parang may mic agad sila sa open field na yon.

" Kailangan kumpleto, kapag kulang bye bye! You need to obey the rules, kung gusto
mong maghari nararapat lang na marunong kang sumunod sa bawat detalye,"

" Wala namang kaso kung masira ang lugar?" Isa pa.

Isang malakas na kidlat ang tumama sa malaking puno na nasa harap nila na tila
naroon ang
Speaker kaya nabigla ang mga nasa unahan. Sa pagkamangha nila agad iyong bumalik sa
dati matapos matupok ng apoy mula sa kidlat.

'Perpekto ang mundong ito, may ilang bagay na mabilis bumalik sa dati may ilan na
araw o buwan ang lilipas bago muling maayos. " doll
Ngunit isang tanong ang nagpagimbal kay Shin at Crescentine maging si Seventh na
nasa dulo at naka hood kasama si Tamtam, na nasa loob ng bulsa ng suot niya ay tila
nagkainteres.

"Si Crescent ba ay makikita namin?!" Isang babae.

" hahahahahaha.. Kapag nasa ika-sampung pintuan na kayo, sa tagabantay n'yo roon
itanong. " nawala ito at mga salita na lang ang naiwan sa screen na tila tinatype
pa.

" Magpahinga na kayo. Kayo ng bahala muna sa pahingahan ninyo, bukas ay mayroon na
para sa unang mga kalahok na nagwagi. Maaari kayong umikot at magmasid. Ngunit may
barrier na haharang sainyo kung sakaling hangganan na iyon
ng stage na natatapos n'yo. " naglaho na 'to.

" Tara na Shin ko! Este Shin!" Napapahiyang nauna na si Jasmine. Nagpulasan na rin
kasi ang karamihan.

" Ika-sampung pintuan," ani Shin.

Napailing na lang si Jasmine. Ang sagot tungkol kay Crescent ay naroon. Pero alam
naman nila ang sagot, patay na si Crescent pero bakit parang kahit imposible aasa
ito?

Nilibot nila ang lugar at ang ilan ay narating ang barrier. May ilang tumakbo at
nauntog lang.

Sa hindi nakikitang barrier. Totoo nga na may hangganan. Parang umiikot sila sa
isang bayan lang.

" Inaantok na 'ko, " ani Crestia kay Crescentine na abala sa paglalaro ng kulay
amethyst na apoy sa palad nito.

Wala nga'tong balak umikot. Sa isang malaking puno lang sila lumilim at malalim na
ang gabi. Iniba nito ang kulay ng buhok sa golden brown tulad ng bilin ni Rozen.

Pinaglaho nito ang apoy at umayos ng upo. Idiniretso nito ang binti kaya tuwang-
tuwang nahiga si Crestia sa mga binti nito.

Bukas, magsisimula ang lahat. Kailangan niyang ihanda ang sarili sa madugong
labanan.

"Mas mabuti ng wala tayong grupong samahan, ayoko na malapit sa kanila tapos sa
huli kailangan n'yo rin saktan ang isa't isa. " buntong hininga ni Crestia. Dalawa
lang ang alam nilang maaring makarating sa kastilyo na magsisilbing katapusan ng
laro.

" Matulog ka na," mahinang batok ang sumunod nitong ginawa.

Hindi man niya sabihin, dama ni Crestia na ninanais din nitong makarating sa
ikasampung pintuan. Ang impormasyon sa ama nito ang ninanais nito.

Samantala, si Seventh ay nakahiga ng prente at nakaunan sa dalawang braso habang


nakamasid sa kalangitan. Namangha siya, totoo ngang napakagaling ni Crescent. Pero
hindi siya interesado sa ikasampung pintuan.

Interesado siyang malampasan ito. Bigla naalala niya sa balintanaw niya ang mukha
ni Lucylle.
Pagbalik niya malaki na ito. Sa ngayon nagsisimula pa lamang itong magsalita at
maglakad ng diretso.

"Master Seventh, poprotektahan kita," ani Tamtam na nagsasalita sa pagkakahimbing.


Nakahiga ito sa bandang dibdib niya at nakabaluktot. Nangiti si Seventh sa liit
talaga ?

Ito lang ang kasama niya mula noon. Tatapusin niya agad ang laro, magiging
emperador siya at kukunin niya ang ina. At kung nanaisin ni Lucylle ay isasama niya
ito.

-**-
" Light, bakit ba ayaw mo paniwalaan na buhay si Crescent?" Si Break iyon ang
panganay at hari ng mga Wolves.

Naglapag ito ng coffee sa harap ni Light. Nasa kastilyo siya noon ni Neo na pag
aari na niya at magkakaroon ng daanan mula sa abyss ang parteng iyon.

" Sa inumin kayo nagkaiba, pag tea hindi mo iniinom. " ani Break, natuklasan nito
na hindi siya si Crescent dahil sa inumin. Nakatayo ito habang hinihigop ang laman
ng tasa ng kape.

"Dahil... sumama ka na lang," ani Light na tumayo na at tinungo ang dulong pasilyo.

Nagtataka man ay hindi na kumibo si Break. Kakaiba talaga ito at si Crescent, hindi
niya pa rin mapaniwalaang mga kapatid niya ito.

" Si ama lang ang may alam nito," ani Light na binukas ang pintuan sa pamamagitan
ng susing ginto.

Kunot noong sinundan niya si Light sa loob ng kuwarto. Sumalubong sa kanya ang
maayos at magandang kuwarto na tila pinaespesyal talaga.

Gawa sa ginto ang mga kasangkapan. Maging ang katawan ng lampshade na life size.

Dumako ang paningin niya sa kama. Tila nanlaki ang ulo niya sa nakita.

" Si Crescent," ani Light.

Nakahiga na tila nahihimbing si Crescent. Hindi mahaba ang buhok ngunit iyon nga si
Crescent.

" Hindi makakabalik si dark, naging crystal na siya at nagkalat. Kung totoong
nabuhay siya, ang katawan lang na 'to ang magagamit niya. " ani Light na bumuga ng
hangin.
-------------------------------------------------------
80+ votes for another updates

TF 14: The Game

TF 14: THE GAME


**
"Paano babalik si Crescent, walang paraan talaga akong maisip , Makita kung paano
siya nakabalik! And honestly speaking si Crescent talaga siya, hindi siya huwad o
ano pa man. Pero paano nga yun mangyayari kung nasayo ang katawan niya?" Ani Vishnu
kay Light. Sinadya siya ni Light sa La Confide, kasama nila si Aya, Hunter at Yen
na dating tagapag-alaga ni Lyra .

"Walang tibok ang puso niya, isa lang siyang kaluluwa?" Yen

"May bumubuhay sa kanya. Nasisiguro kong may bumuhay sa kanya at hindi siya
nagbalik ng kusa, " paikot-ikot si Vishnu.

" Tatlo ang anak niya, lahat sila alam nilang sila ang tunay na anak ni Crescent.
Pero kung mahahati ang katawan ng anak niya, dalawa lang sana katulad naming
dalawa, " ani Light na tumanaw sa bukas na bintana.

"Hindi kaya katawan niyang bago ang isa sa mga anak niya?!" ani Hunter kaya
nagkatinginan sila. Ibig sabihin may huwad na anak?

" Kamukha namin ang mga anak niya, kung tutuusin ganoon din ang itsura namin noong
kaedad namin sila. Walang pagkakaiba, ibig sabihin hanggang ngayon hindi gusto ni
Dark na makaisa ang isa pang Crescent. Bigla lang may lumitaw na dalawa pa,
samantalang si Shin lang ang kinilala niyang anak. Mahal na mahal ni Crescent si
Shin, iisa lang ang paraan para mapalabas si Crescent, " ani Light na ikinapagtaka
naman ng mga kasamahan niya.

"Ano?" Nangangamba si Vishnu sa sasabihin ni Light.

"Ilagay sa bingit ng kamatayan si Shin, " seryosong wika ni Light.

"Ano?!! " Gulantang na sigaw ng apat.

"Si Lyra ay hawak na niya, si Shin na lang ang hindi niya nahahawakan sa ngayon.
Maaring isa sa dalawa pang anak niya ang huwad, lalo na ang isang 'yon kakaiba ang
lakas niya. Ang tingin at tindig niya, para siyang si Crescent na walang takot kang
makikita kahit katiting, isa sa kanila ang bagong katawan na kukunin ni Crescent. "
Light
"Nakilala ko na rin ang isa, si Rozen ang nagpalaki sa kanya. Ibig sabihin lang ang
isa pang anak niya na labis ang amoy ng dugo ay siyang walang kinalakihan na
natutukoy, bigla lang siyang lumitaw,"
"Hindi ko mantindihan, pero hindi natin p'wedeng ilagay sa panganib si Shin! Ayoko
nga siyang nasusugatan!" Si Aya.
"Nasa panganib na siya sa pagtapak pa lang niya sa lugar na 'yon. Underground
assassination, may ipinadala silang kilala sa tawag na Sanctum brothers para
kitilin ang buhay ng mga anak ni Crescent. Mga anak sila ng Diablo, sila ang
kumikitil halos ng lahat ng Tribong may malalakas na natatagong kapangyarihan. They
are serving for the Demon Lord, pero hindi natin sila makikilala kung nagpalit
sila ng pangalan sa loob ng Abyss," Hunter
"Kilala ko sila, mga teenager sila na normal lang kung titignan mo. Pero malalakas
talaga sila, piling-pili sila. Sa isang libong kaluluwa , pito lang silang
nakasurvive sa Ice hell. Sila lang ang nabuhay, natalo nila maging ang
pinakamalalakas na namatay dito sa mundo. Kaya inangkin sila bilang anak ng Demon
Lord, wala silang mga alaala ng nakaraan nila kaya ang first to Seventh na pangalan
ang naging tunay nilang pagkakakilanlan ngayon at ang apelyido nga nila ang
Sanctum." Aya

**
UNDERGROUND WORLD

"5680 ang lahat-lahat ng kalahok mapa-elf, manok, baboy, palaka o ano pang may
buhay ang kasama ay kalahok sa bilang." Wika ng boses na bigla-bigla na lamang
pumalahaw sa buong lugar na gumising sa mga natutulog pa at nananahimik. Lahat ay
matamang nakikinig habang ipinapaliwanag nito ang karugtong ng labanan patungo sa
kastilyong salamin, naroon ang huling laban bago ang pagpapataw ng kapangyarihan at
pamamahala ng buong Abyscentine. "Kung mararating n'yo ang ikasampung pintuan may
pagkakataon na kayong lumaya sa loob ng tatlong buwan," napako ang lahat sa screen
ng marinig iyon.

" Walang bilang na ninanais sa ika-11 pintuan, kaya naman kahit iilan na lamang na
bilang ng kalahok ang bumalik. Walang kaso. Hanggang dito na lamang muna! At para
sa unang pintuang bubukas ang bilang na kinakailangan ay ... "

Mataman silang nakikinig lahat. Walang umiimik upang malinaw na marinig ang
sinasabi nito. Ngunit imbis na boses nito ang marinig nia nagblangko ang screen at
sa pagbabalik nito numero na lamang ang nakita nila at lahat sila napamulagat.

"1000?"

Kanya-kanya sila ng usapan.Pero makalipas lang ang ilang Segundo naglabasan na sila
ng mga armas. Halos grupo ang naging labanan dahil may ilang nagkasundo na maging
magkakampi. Ilang oras pa at duguan na ang buong paligid, kitang-kita ang mga
berdugo na nakangiti pa habang pumapatay.

"Mabilis matatapos ang laro na 'to, unang pintuan pa lang ubusan ng lahi,"
natatawang sabi ni Seventh na nasa pinakamataas na puno lang na katulad ng isang
pine tree. Wala siyang balak makipaglaban. Tinitignan niya rin ang screen na
talagang unti-unting nababawasan ang bilang ng tao sa screen, sa ngayon may 2500
pang nabubuhay.
"Master, hindi mo pa ba ulit nakakaharap ang iyong ama? " ani Tamtam kay Seventh na
wala man lang pakialam sa nagaganap at panay lang ang tulog.

"Ano naman sasabihin ko pag nakita ko siya? Welcome back papa! Magpapakulay ako ng
itim na buhok para kamukha ko na ang favorite son mo ha?" sarkastikong wika ni
Seventh na hinanap ng paningin si Shin.
"Napakahina niya," hinanap naman ng paningin niya si Crescentine, " Mas malakas pa
siya kay Favorite son, "

"Master! Naniniwala ako na mahal ka rin niya, ikaw ang pinakamalakas kaya hindi ka
niya inaalala. Ikw na nga ang nagsabi na mahina si Shin, nagkakamali ka lang, " si
Tamtam na nakikipagdiskusyon na naman kay Seventh.

" Si mama lang ang gusto ko," Pinal na sabi ni Seventh.

" Pero hindi mo siya pwedeng kunin, habang buhay si Master Crescent hindi niya
hahayaan na ibigay sa 'yo ang mama mo," Tamtam

Halos lumabas ang puso ni Tamtam sa pagkagulat ng hablutin siya ni Seventh dahil
baka papatayin na siya nito. Ngunit nagkamali siya dahil humahagibis na kasing laki
ng palakol ang tumama sa punong kinalalagyan nila at sa isang iglap naputol iyon.

"Magaling ka ha? Naramdaman mo 'yon?" Isang babaeng nakalutang sa ere na may itim
na ulap na kinapapatungan ang humarap sa kanila. Dito bumalik ang malaking patalim.
"Patayin mo siya Master! Patayin mo siya!" Galit na galit si Tamtam sa babaeng
kinikindatan si Seventh.
""Sumusuko na 'ko, 'wag mo 'kong papatayin," walang kagana-ganang tinaas ni Seventh
ang dalawang kamay niya. Halos malaglag naman ang panga ni Tamtam sa sinabi ni
Seventh.
Parang bruhang tumawa ang babae at agad lumapit kay Seventh pero humarang si
Tamtam.
"Hindi kita papatayin, kasi guwapo ka naman see yah! Pasalamat ka at susubukan kong
matira ka hanggang ika-sampung pintuan," wika ng babae na mabilis na nawala sa
harapan nila.

"Master! "Galit na nilingon ni Tamtam si Seventh pero nawawala na ito. Nagsisimula


na siyang matakot, kaya laking buntong hininga niya ng makitang nakahiga ito sa
tuktok ng isang bundok at natutulog. Napakatamad talaga nito. Sabagay, wala naman
kuwenta ang unang labanan.

Nilapitan na lang niya ito at tinitigan. Nakita ni Tamtam ang isang katulad niyang
Elf guardian na kulay asul at may ibinagsak itong tila pendulum na kuwintas sa
katawan ni Seventh. Bago pa siya nagsalita nagsalita na ito.

" Mula 'yan kay Master Crescent," mataray na sabi nito kaya nameywang si Tamtam.
Pero naglaho na ang asul na katulad niya. Nakita niyang dinampot ni Seventh ang
kuwintas at itinaas. Nangunot ang noo nito pero agad ding isinuot, aya nangiti si
Tamtam wala man lang ba itong itatanong?

Matapos ang unang labanan nakita nila ang pagbukas ng unang barrier. Isang libo na
sila. Maraming naglalaro lang, kung isang libo na lamang sila, gaano pa sila
karami sa darating na ikalawang pintuan?
LYRA *

Mabilis ang panahon sa loob ng Abyscentine sabi ni Crescent. Kung ano ang oras sa
Abyss noon, nabawasan lamang iyon ng iilan. Hanggang ngayon namamangha pa rin ako
sa ganda ng buong lugar, ni sa hinagap hindi ko inaasahan na totoong makakabuo si
Crescent ng isang hiwalay na mundo.
Sa malayuang tingin wala na 'kong nakikita kundi mga hamog na tumatakip sa
kaduluhan. Sa ngayon, hindi ako pwedeng umalis dito sa kastilyo, kakaiba ang
pagbubuntis ko ngayon. Masyadong maselan. Paano ko nasabi? Hindi pa man ganoong
katagal ko siyang pinagbubuntis grabe na niyang pahilabin ang tiyan ko, parang
gusto na niya agad lumabas samantalang maliit pa ang baby bump ko.

Pero nangyayari lang 'yon kapag umaalis si Crescent. Kapag dumarating siya isang
haplos lang niya sa tummy ko natitigil sa pagwawala si baby.Kilalang-kilala niya si
Crescent. Kapag hindi si Crescent ang humahaplos, lalo niya pinasasakit ang tiyan
ko. Hmp! Sa sobrang sakit kasi, kay Leo ko pinahaplos ng magkatawang tao siya,
grabe parang mamamatay na 'ko sa sobrang sakit kaya hayun sinumbong ko siya kay
Crescent hahaha! *u*

"Nakakapagselos 'tong si baby! Mas gusto si Crescent!" Nagkakanda tulis ang nguso
ko sa sinasabi ko amp.

"Lady Lyra, baka nasusumpungan lang talaga," nakangiting sabi sa 'kin ng tagapag-
alaga ko. Kaedad lang siya ni Shin ko, siyempre dalawa na sila kaya pati ni Seventh
ko. Maganda siya, pwede siya kay Seventh pero kasi si Shin di na pwede, forwever
Jasmine siya! Ang ganda-ganda talaga niya, mabuti na lang talaga hindi ko kaedad si
Jasmine baka naagaw pa niya ang asawa ko. Sabagay, maganda rin talaga si Rozen,
mahal nga kasi ako ni Crescent. *u*

Nakaupo ako sa sofa habang inaayusan niya ako ng buhok. Bonding time naming dalawa
ang ganito, hindi ako pwedeng kumausap ng lalaki baka maibigti ako patiwarik ni
Crescent. Marami kasing lalaki ditto, wala silang pangalan kundi "Scorpions" h'wag
naman sanang drug Lord ang drama ni Crescent ngayon!

"Tignan mo," nangingiti pa 'ko sa kanya ng lingunin ko siya bago ko hinaplos ang
tummy ko. 'Di siya nagrereact. " Mas mahal ako ni Crescent kesa sa baby Chrysanta
namin," sabi ko tapos nagsisi lang ako dahil humilab siya ng husto.

"Aray! Nagh-iinit! Aray!" Napapasigaw ako habang hinahawakan ko yung naninigas kong
tiyan. Naiiyak na 'ko!

"Lady Lyra! " Nag-aalalang nilapitan ako ni Hanna.

"Masakit! Sinisipa niya ata ako," tagaktak na yung pawis ko, nagdugo na nga yung
labi ko sa sobrang kagat ko.
"Lyra," si Crescent kaya parang aso akong nag puppy eyes, nagwawala si baby kaya
nilapitan ako ni Crescent at niyakap.
"Ano na naman ginawa mo?" Natatawa pa siya amp! Hinawakan naman niya ang tummy ko
at unti-unti siya naging maamo hanggang bumalik sa dati. Huminga ako ng malalim.
Ayoko na magsalita! ><
Inilalayan niya 'ko hanggang kuwarto namin at marahang iniupo sa kama. Hinalikan
niya 'ko sa noo bago marahang inihiga.

"Magpahinga ka na Lyra, " hinaplos niya ang buhok ko.

" Aalis ka na naman?"


"Narito pa rin ako pag gising mo," nginitian niya 'ko kaya nakangiting tumango ako.
Gusto ko rin magpahinga, pag talaga nananakit ang tiyan ko parang nauubusan din
ako ng energy.

Pag gising ko, hayun nandito pa rin siya. Nakaupo sa gilid ng kama habang marahang
hinahaplos ang tummy ko. I pretended sleeping ng mamulat ako na hindi naman siya sa
'kin nakatingin.
" 'Wag mo ng pahirapan si mama, Chrysanta. 'Wag mo 'kong gagalitin ha?" sabi niya
kaya nangingiti ako. Bumangon na 'ko at niyakap ko siya sa likuran.
"Honey mylove so sweet, I love you." Malambing kong sabi bago ko kinagat ng lips
ko yung cheeks niya hihi. Humarap siya sa 'kin at masuyong hinalikan ako sa noo.
Ano pa kasing hihilingin ko? Wala na! First love never dies talaga ang drama naming
dalawa. *u* Walang eepal, madalas talaga siyang 'di sumasagot ng I love you too
kaya kinikilig ako kapag dumarating yung sometimes niya.
" Mas mahal kita Lyra, " bulong niya kyaaaaaa! Nagblush ako kinikilig ako. (*////*)

* READ. VOTE. COMMENT!


FB: Jobelle Rivera ( MisaCrayola
GROUP: MisaCrayola

90 votes next chapter!

TF 15: Buwitre

As you can see, mahaba ako mag-update pag Tormented Fate almost 3K words compared
sa ibang story ko. Kaya pagpasensyahan n'yo na kung mataas ang hinihingi kong votes
for next chapters.. Marami pang twist na magaganap. Mas luluha kayo dito kumpara sa
mga nakaraan. Never kong hinold ang Series nila Crescent at maaasahan n'yo 'yan
dahil ito talaga ang gustong-gusto kong sinusulat na hindi ko pa rin napagsasawaan
ever since! *u*

TORMENTED FATE
CHAPTER 15

Habang bumubukas ang malaking tarangkahan para sa unang pintuan. Lahat


sila titig na titig kung ano bang klaseng lugar ang una nilang masisilayan. Isang
libo, walang labis at walang kulang ang bilang nila. Siguro nga mas kaunti pa sila
kung walang hinihinging bilang ang unang tarangkahan dahil may mga grupo ng
berdugo na walang awang pumapatay at tila siyang-siya pa sa mga ginagawa.
Gustuhin man ng iba na tumakbo palayo ay wala na silang magagawa dahil
sa ika-sampung pintuan pa ang daanan na magpapalaya sa kanila. Ibig sabihin
kailangan nilang tapusin ang sampung tarangkahan patungo sa papalabas na lagusan.
Jasmine's voice
Kung tutuusuin madali pang laban ang naganap. Sa totoo maraming mga berdugo ang
isang wasiwas lamang ng mga matatalas nilang armas nakakapatay na ng dose-dosenang
nilalang.Kaya mabilis ang naging labanan.
Ang larong ito ay matira ang matibay. Ngunit bakit kaya idinaan sa laro
ang labanan? Bakit hindi niya ipinamana sa anak niya ng hindi nailalagay sa
panganib ang buhay ni Shin? Gusto ko ring malaman ang mga kasagutan. Bakit nga ba
si Shin ang pinili nilang mapangasawa ko, kahit pa itinuturing ng Black Listed ang
mga Werewolves na mula sa pamilya nila Shin.
Nang mawala ang barrier ay bumungad ang isang tarangkahan. Huwad lamang
pala ang natatanaw naming lugar sa tuwing mauuntog kami sa barrier na hindi namin
nakikita. Napasinghap ako ng makita ko ang mga nagliliparang mga naglalakihang
hayop o tamang sabihing mga halimaw ng himpapawid.
Hindi sila mga mukhang hayop na pangkaraniwan, mayroon silang tatlong
mga ulo at ang sukat ay Tatlumpung talampakan marahil. Mapupula at mababagsik ang
nakakatakot na mukha nilang tila pinatandang mga ibon. At ang kanilang mga kuko,
matatalas na tila apat na talampakan ang haba. Malalaki rin ang mga bagwis nila at
paikot-ikot lamang sila.
" Ang mga 'yan ay ang mga buwitre ng Abyss. Akala ko tayo lang ang
magkakalaban, pero mukhang ang larong ito ang sisira ng ulo ko," Natatawang sabi ng
lalaking kalapit ni Shin.
Siya si Khiel, isa siya sa mandirigmang nakasama namin. Mahaba ang
buhok niya na kulay pula at dulo niyon ay tila may pagkadilaw. Nakasama namin siya
sa pakikipaglaban. Aniya, isa siyang Prinsipe mula sa malayong lugar. Ang larong
ito ang susubok sa katatagan niya, at kagustuhang magkaroon ng magandang karanasan.
Naroon na naman ang floating fortress. May screen na naman na lumabas.

"Ang mga lumilipad na 'yan ay may bilang na isang Libo katulad ninyo. Ang iba ay
nagtatago ang iba ay lalabas na rin maya-maya. Ang ikalawang tarangkahan ay
nangangailangan ng nine-hundred survivors! Ngunit ang mga nakikita ninyong mga
buwitre ng Abyss ay nakahandang puksain kayo, patayin. Sa loob ng tatlong gabi,
kailangan ninyong panatilihin na mabubuo ninyo ang bilang na siyam na raan. Dahil
kung hindi, dito na nagtatapos ang lahat, " Sinundan nito iyon ng tila tawa ng
mangkukulam.
Napalunok ako. Isang daan lang ang maaring mamatay, sa loob ng tatlong
gabi ang isang libong buwitre ng Abyss na ito ang makakasama namin? Wala man lang
kaming matataguan kundi mga malalaking bato. Walang kahit na anong maganda sa
ikalawang tarangkahan. Sa katunayan mukha siyang disyerto. Maging ang mga bundok ay
halos makalbo na at iilan lamang ang may mga dahon na puno. Ngunit malamig naman
ang simoy ng hangin.
" Hindi natin kailangang pumatay, kailangan nating protektahan ang
isa't isa, dahil sa loob ng tatlong gabi at sa ganyan karaming bilang ng mga
halimaw na 'yan. Imposibleng hindi mamatay ang masusugatan ng matatalas nilang
kuko." Sabi ko kay Shin.
" Paano natin pananatilihin ang bilang natin na isang daan lamang ang
maaaring masawi, napakarami pa rin natin at kanya-kanya na sila ng grupong
nagpupulasan para makakuha ng magandang lugar," si Khiel.
"May bilang naman na nasa screen, kapag nababawasan tayo, " tukoy ni Shin sa
floating fortress na may nakasulat na " 1000" ibig sabihin iyon ang bilang nila. "
Hindi natin alam kung kailan sila lilipad, kung kailan sila mananalakay. Kung
gutom ba ang dahilan para salakayin nila tayo o ang amoy ng dugo, " ani Shin na
alam ko ang tinutukoy. May ilang sugatan, at sa labas ng mundong ito kung saan may
mga pangkaraniwang buwitre na mahilig kumain ng mga laman na sariwa.
"Ikalawang pintuan pa lamang mahirap na," boses ng isang babae na agad
kong nilingon. Kilala ba namin siya? May mahaba siyang buhok na may pagkakulay
blonde kapag matatamaan ng liwanag ngunit parang kulay gray siya sa madalas.
Maganda siya pero mas maganda ako.
"Nandito ka?" si Shin na halatang nabigla kaya halos magdikit ang kilay
ko. Tinabig ko si Khiel para makalapit ako kay Shin.
"Oo, nakita rin kita kanina sa unang stage. Nabigla nga ako, kaya heto
nawawala na naman ang kasama ko kaya nilapitan kita," ngiti noong babae kay Shin.
" Baka mapahamak ka dito, isa pa.. " si Shin na ikinainis ko dahil
parang nag-aalala siya doon sa babae.
"Hindi, ayos lang ako. Kailangan talaga namin marating ang kastilyo
para sa ---"
"Wow ha?! Parang telenobela!" Singit ko sa gitna nila. Baka akala nila
nagsoshooting sila, mabuti ng magkaliwanagan kami. Wala akong interes malaman kung
bakit siya nandito, pero bakit ba sila magkakilala? And excuse me?! Kailan pa
naging concern ang lalaking 'to sa ibang babae maliban sa ASAWA na ng kapatid ko na
EX niyang si Nicole!
"Pasensya na, may kasama ka pala, " sabi noong babaeng Mahinhin.
"Ay, hindi niya 'ko kasama, baliw lang ako dito na umeepal sa usapan n'yo, "
sarkastiko kong sabi kaya para siyang natakot. Iyon lang?!
"Jasmine!" saway ni Shin sa 'kin.
"Sige mauuna na 'ko, " sabi ni Girl. Edi maganda!
"Sasamahan na kitang hanapin ang kasama mo," sabi ni Shin. Wow ha?!
Kailan pa siya bumait? Teka nga? Ganito ba talaga mga type niya? Iyong mahinhin?
Mahinay magsalita? Sus! If I know, mas maarte pa deep inside 'yan sa 'kin!
"Ha? 'Wag na, kaya ko na 'to, pasensya na sa istorbo miss, " tumungo pa
siya. Japanese ang peg?
"Sasamahan na nga kita Crestia," sabi ni Shin kaya halos malaglag ang
panga ko. " Ikaw na muna ang bahala kay Jasmine, 'wag kang magkakamali amasona
'yan," pinagbilin pa niya 'ko sa hindi pa namin gaano kakilalang si Khiel.
Mygoodness! Samantalang itong babaeng mahinhin na papansin ang pag -entra na
nagngangalang Crestia ang ayaw niyang mapahamak? Ouch ha!
"Sana madali ka ng mga buwitre na 'yan! " Bulong ko hmp!
"Saan ka pupunta?" si Khiel.
"Basta! Sabihin mo pagbalik ni Shin, nakain na 'ko ng pangit na mga
buwitre na 'yan! " Malakas kong sabi pero mukhang hindi ako narinig ng Shin na
pangit na 'yon dahil abala siya sa pagkilala doon sa mahinhin na babae. Kiber! Mas
maganda ako sa kanya. Mukha siyang alila ko hmp!
Mabilis ang paglalakad ko, siyempre hahanap ako ng pagtataguan namin.
Para makapag beauty rest naman ako, tatlong araw 'din 'yon. Bakit kaya liparan lang
ng liparan ang mga buwitre na 'to? Wala naman sinabing ubusin namin sila, so it
means kung hindi naman sila susugod para lang pala silang disenyo sa kalangitan?
Wow.
Napatingin ako sa screen ng marinig ko ang pamilyar na pag galaw ng mga
numero. Nakita kong mabilis na nababasan ang 1000. May pumapatay? Pero bakit wala
naman akong naririnig? Malakas ang pandinig ko, mabilis ako makaamoy ng dugo. May
sira kaya?!
980 na lang ang bilang ....
May malakas na ugong na umlingawngaw masakit sa ulo kung magtatagal
parang duduguin ang tenga ko. Mabuti na lang at tumigil agad. Pagtigil naman
biglang bumaba ang tingin ng mga buwitre at sa isang iglap may mga nagtatakbuhan na
at pilit lumalaban sa mga sumusugod na halimaw mula sa himpapawid.
"Hindi sila madaling kalaban kung ganito sila karami! " Si Khiel na
sinundan nga ako. Handa na siyang lumaban dahil kahit ka humanda susugurin ka ng
mga buwitre. Kinakakabahan ako sa tuwing gumagalaw ang bilang ng mga natiitrang
buhay. Tatlong araw, pero wala pang dalawang oras dalawampu ... hindi apat napu na
ang namamatay!
Bumulong ako ng mga spell bago nagtaasan ang mga buhok ko pataas dulot
ng malakas na hangin na nalilikha ko. Umangat ako ng sampung talampakan bago ako
sumigaw ng malakas. This is one of my ability. Killing Scream. Nang ipikit ko ang
mga mata ko, nag concentrate ako kung sino lamang ang mga patatamaan ko at iyon na
nga ang mga buwitre. Tatlumpung metro lamang ang aabutin ng sigaw na 'yon kaya
saglit na napatigil sila at nagkaroon ang mga malalapit sa 'kin ng pagkakataon na
pagpira-pirasuhin ang mga malalapit na buwitre. Hiningal agad ako pagbaba ko.
Hangin lang ang magagamit ko sa stage na 'to. Wala akong makitang tubig
kundi disyerto. Kailangan pa dumadaloy na tubig para magamit ko ang pinakamalakas
kong kakayahan. Pero nasa ikalawa -- No, stage 1 pa nga lang ito dahil ang unang
pagbabawas ay pagsisimula pa lamang ng laro.
"Shit! " Malakas na sigaw ng isang lalaki. Nanlaki rin ang mga mata ko
ng bumaba na sa 930 ang bilang namin. Pero patuloy pa rin kaming sinusugod ng mga
buwitre na 'to. No, please! Kailangan namin makarating kahit sa sampung pintuan,
para kay Shin. Oo kaya namin magsurvive pero ang papabawas na bilang ang nagtatakda
ng papatapos na laro!
"Lumabas na kasi kayong lahat! Paano natin poprotektahan ang isa't isa kung
nagtatago kayo! Matatapos ang larong 'to sa araw din na 'to kapag mas inuna n'yo
ang mga sarili nyo!" Sigaw ng isang lalaking malayo sa 'kin. Nagkakagulo na nga
dahil talagang nanunugod ang mga buwitre na marami na ring napapaslang. Pero isang
libo ang bilang ng mga ito. Itong nasa paligid ko ay wala pang limampu ang
namamatay, si Shin nasaan ba sila?!
Kasing laki ito ng isang buong bayan at kung tatanawin ko sa iba't
ibang dako may nagaganap na labanan.
"Walang maliligtas sa lugar na 'to dahil papatayin lang nila tayo dito
kapag hindi natin naitama ang bilang natin! " Sigaw ng isang babae.
Dahil sa mga boses na pinakikinggan ko hindi ko namalayan na sa
paglingon ko sa likuran papasugod na ang isang buwitre sa 'kin at agad naman akong
napapikit. Pero hindi pa rin ako tinatamaan ng matalas na tuka niya kaya nagmulat
ako. Nakita ko ang isang lalaking nakatalikod at ng humarap siya sa 'kin ... Hindi
ko maikakaila na siya iyong nakilala ko na kamukha ni Crescent sa black Market.
"May pakpak ka," nasabi ko na lang ng makita ko ang paglalaho ng bagwis
niya.Nginitian niya lang ako. Para siyang anghel --- puting-puti siya.
**
"Nauubos tayo, " sabi ni Shin habang hawak kamay si Crestia na naiilang man pero
parang may kakaiba sa hawak ng kamay ni Shin. Parang kampante siya. Marami na itong
napatay na buwitre at sa totoo lang wala siyang kapangyarihang malakas para
tulungan s Shin. Kumbaga sa isang laro, isa siyang trap card - secret weapon, pero
hindi siya pang digmaan isa lamang siyang kagamitan sa digmaan.
Nababakas ang pag-aalala sa boses ni Shin na pilit siyang
ipinagtatanggol. Kaya nga hinawakan na nito ang palad niya. Para talagang hindi
sila magkakalayo.
"Marami ng namamatay, hindi maganda ang lugar na 'to. Kailangan nating
malaman kung ano ang dahilan bakit patuloy silang sumusugod! Isa pa, parang may
kakaiba sa bilang na nagaganap kanina sa monitor. Napakapayapa pero dalawampu ang
namatay bago magsimula ang pagsugod nila, " ani Crestia na tumitig ng husto sa
screen. Napakaingay, hindi siya makakapagconcentrate para alamin ang pinagmumulan
ng ikalawang hugong na pumailanlang sa buong bayan na tila gumising na ng husto sa
mga buwitre.
"Ang tunog na 'yon, kailangan natin siyang masira! Daihl kung hindi
papatayin nila tayong lahat sa lugar na 'to!" ani Crestia kay Shin. " Ayon siya, "
turo niya ng makita ang isang bundok na may tila isang canyon ang itsura. Pero
bukod naman kasi doon wala ng iba pang pwedeng pagmulan ng tugtog.
"Paano ko mararating 'yon ng mabilis?" Kahit si Shin hindi alam kung
paano mararating ang lugar na 'yon. Kaya niyang maglaho ngunit sa lugar na 'yon
kanina pa niya ilang beses sinubukang maglaho at ratingin si Jasmine kasama si
Crestia pero nabigo siya. Limitado ang kakayahan na nagagamit nila sa lugar.
"Halika na!" wika ni Crestia na inilabas ang bagwis ng isang anghel.
Nabigla si Shin ng malaman na isa siyang anghel.
"Bakit ka nandito kung isa kang anghel?" Hindi napigil ni Shin itanong.
Hindi nga kaya ito si Kana na naging isang ganap na anghel katulad ng pangarap
nito?
"May mahalagang dahilan. Pero kailangan na nating umalis, habang
patungo tayo roon pakiusap lumaban ka sa mga buwitre dahil hindi kita matutulungang
lumaban. Ang lugar na 'to ay nililimitahan ang bilis ng mga pakpak ko, " sa sinabi
ni Crestia. Nagtungo ang dalagang anghel sa likuran ni Shin att niyakap ito upang
pakiramdaman at iisipin niyang kasing gaan lamang ito ng balahibo ng ibon, ganoon
silang mga anghel kaya nakakabuhat ng mabibigat na bagay.
Sa isang iglap lumilipad na sila katulad ng ibang buwitre. Sinugod sila ng mga
ito, ngunit nagagawa naman ni Shin na patayin ang mga ito sa isang iglap.
Napapansin ni Crestia na imbis na humihina ito dahl sa pagod ay tila mas lumalakas
pa ito sa pakikipaglaban. Samantalang kanina parang mabilis itong manghina.
Kakaibang kakayahan ang nagtatago sa kalooban ni Shin at lumalabas lamang kaya iyon
dahil sa kagipitan?
"Malapit na tayo, " wika ni Crestia ng makita ang mala-canyon na muling
nagbuga ng malakas na ingay na halos bumingi sa kanila kaya naman halos mahulog
sila pabulusok sa ibaba. Ngunit tulad ng isang ibon nilabanan ni Crestia ang
napakalakas na hangin ring nagmumula sa canyon na iyon.
"Sirain mo agad, dahil h... hindi ko na kakayaning lumipad ng
matagal ... Inuubos .. ng lugar na 'to ang kapangyarihan ko.." ani Crestia kay
Shin.
SAMANTALA mas bumibilis ang mga buwitre sa pagdami. Dahil lahat na ng wala sa
himpapawid kanina ay naroon na at nagdidilim na sa dami at kapal ng bilang nga ito
na sumusugod. Pinoproterktahan na nila ang isa't isa para hindi malagasan ng
bilang. Saka na lamang nila iisipin ang mga sobrang bilang, mas mahalaga iyon
ngayon kesa magpatayan sila dahil marami na ring sugatan.
"Master Seventh, hindi ka pwedeng matulog ng matagal ha!" si Tamtam
habang nilalaro ang pilik-mata ng natutulog na si Seventh. Sa ngayon nasa loob
sila ng isang kuweba at tila hindi ito natitinag sa ingay sa labas. Kasama nila ang
isang pulang buwitre na kinahihigaan ni Seventh. Mas Malaki ito at sakop ang buong
kuweba. Ang ulo lang nito ang naiiba sapagkat tila dragon ang tatlong ulo nito na
ngayon ay pare-pareho ng nakatayo. Nauna ang isa ng umugong ang unang tunog
hanggang naging tatlo na tila ba ito ang gumigising sa mga ito.
Sa ika-sampung pintuan mabubunyag ang lahat. Lalo na ang
nagaganap sa larong inihain ni Crescent. Dahil sa pintuan pa lamang na 'yon
paniguradong masasagot na ang tunay na sitwasyon ng larong nagaganap. Ang sikreto
ni Crescent ay mabubuksan na ang bawat pahina.
SA loob ng kuwarto ni Lyra at Crescent naroon ang mga larawan ni Shin
kasama nila at ni Kana. Ang pamilya nila --- hindi napigil ni Lyra ang mga luha ng
kunin ang isang kuwadro. Ibang-iba na ang mga ito kapag tumatanda, si Shin ang
nakasama niya habang lumalaki at totoo na pilit 'tong hinusgahan ng marami dahil
kay Crescent. Pero kahit kailan wala siyang narinig dito na sana hindi na lamang
ito ang naging ama niya - mahal na mahal ni Shin si Crescent kaya nga kahit
mamatay ito sa papasukin nito ay hindi ito nagdalawang isip.
Minahal sila ng buo ni Crescent maging si Kana na hindi nito kadugo.
Nararamdaman niyang hindi pa ganoon kaganap ang buhay ni Crescent. Ngayon nga may
panibago na naman silang anak, at nakikita na naman niya ang pag-aalala ni Crescent
sa kanya. Sana maayos na mundo at tamang pagkakataon na ang mamulatan ni Chrysanta.
Sana dumating ang oras na maunawaan niya rin ang lahat ng pangyayari sa buhay nila.

Dedicated kila "Raophairie" maraming salamat sa pagkakagusto sa stories ko.


Nakakatuwa kapag isang barkadahan ang nagkakagusto ng genre na isinusulat ko. *u*
Sa totoo niyan, wala akong naging classmate ngayon na same ko ng genre na gusto
haha hindi ko rin pinagsasabing nagsusulat ako sa wattpad. Kaya thank you, and
advance merry Christmas sainyong lahat! Pleaaaaseeee! Support this story until the
end.. :) Thank you..
#MisaCrayola
FB: Jobelle Rivera
Group: MisaCrayola
----------*** 95 VOTES next chapter ***
-----------

TF 16 SEVENTH SANCTUM

" Bakit nasa kanya ang lahat, bakit pagdating sa 'kin... " Hindi niya maituloy ang
sasabihin ng lingunin ang isang malaking lalaking mapula ang balat at nakaupo sa
malaking itim na batong nakakorteng upuan. Napakadilim ng kuwarto kaya walang
maaaninag sakaling mamatay ay mangasul-ngasul na apoy na nagsisilbing ilaw sa
bawat poste.

"Shin, hindi mo pa mauunawaan ang lahat, " sagot ng lalaki na may malalim at
malamig na boses. Naroon lamang ito at hindi niya nakitang umalis sa kalapit ng
kwarto niya. Dalawa lamang ang nakakasama niya, ito na Master at si Mathilda na
isang masunuring kawaksi nito.

" May tamang panahon para bawiin mo ang lahat sa kanya, Shin kung magiging mahina
ka nang dahil lang sa damdamin mo hindi ka magiging malakas, hindi mo makakamit ang
pagtatangi nya sa'yo, dahil ang Shin na nakikita mo ay kaya nang gunawin ang mundo.
Napakalakas niya," dagdag pa nito. Ang nakikita nila ay si Shin na inakong anak ni
Crescent. Nasa Abyss ang mag ama at may mga kasama ito habang kinakausap ang isang
batang babae na may pulang mata.

Nakikita nila sa salamin na malaki ang nagaganap doon.


"Daigin mo ang kapangyarihan niya, durugin mo siya hanggang sa maging abo, tandaan
mo Shin ikaw ang magiging pinakamalakas! " Ang huling sinabi nito ang paulit-ulit
na umalingawngaw sa isipan niya.
Dinadala ko ang pangalan na ibinigay ng aking ama. Gusto niya ng isang martyr na
anak, nandito na 'ko. Habang kalangitan ang nakikita ng isa, impiyerno naman
maging ang tuktok ng lupang tinatapakan ko.

Gusto ko siyang iwanan, pagtaksilan, itakwil bilang ama pero kapag ginawa ko 'yon
mag iisa ako. Pero sabagay, higit pa sa pagiging mag-isa ang magmakaawa kang hingin
ang pagmamahal niya.

Kahit kailan hindi niya 'ko nginitian. Iniiwasan niya 'ko ng tingin na parang isang
nakakadiring bagay na makikita niya.

"Bakit hindi mo 'ko isama, papa. Bakit itinatago mo 'ko dito, bakit nasa dilim lang
ako. " tanong ko sa kanya ng akmang aalis na siya. Palaging ganoon ang sitwasyon,
nakakasawa na.

" Dito ka lang, hindi ka dapat makilala ni Lyra," malamig na tono niya bago
tuluyang lumisan at isarado ang pintuan na nagsisilbing harang sa kalayaan ko.
Sanay na 'ko sa kadiliman sa loob ng apat na sulok na kwarto nito. Pakiramdam ko,
ikabubulag ko kapag nakatanaw ako ng liwanag.
Kahit kailan hindi ko nakita ang repleksyon ko. Ang sabi nila, magkamukha lang kami
ng isa pang Shin. Pero hindi ko makuha bakit siya lang ang masaya.

Hindi lang malamig na pakikitungo niya ang naramdaman ko, kundi ang unang kamatayan
ko, sa kanya unang nagmula. Pinatay niya ko sa salitang binitiwan niya.
Matapos kong unawain at paniwalaan ang kasinungalingan niya. Itataboy niya lang ako
at maging ang pangalan na SHIN ay tinanggal niya sa 'kin.
Pero kahit ganoon, inunawa ko pa rin siya na baka nalilito siya dahil pareho kami
ng pangalan. Pero unti-unti ring nilamon ng sakit, galit at inggit ang puso ko.

Ilang beses kong hinintay na mapansin niya 'ko. Siya kasi ang ama ko, pero nalilito
na 'ko bakit ako lang ang itinatago. Ano bang meron sa 'kin? Ano bang repleksyon
ko? Nakakatakot ba 'ko? Kapag ba makikita ako ni mama hindi niya rin ako
magugustuhan? Pero bakit sabi nila magkamukha lang kami ng isa pang Shin.

"Tamtam, hindi ka ba babalik?" Siya ang guardian ko. Nagkaisip ako na nakikita ko
siya.
Ang liwanag niya at maliit lang na bata na nagliliwanag. Pero hindi siya
nakakapagsalita. Pero nagalit si papa sa kanya at bigla na lang siyang nawala.
Sinasama niya kasi ako palabas. Pinahid ko ang luha ko. Darating ang oras na aalis
ako dito kapag bumalik si Tamtam sasama na 'ko sakanya.
"Seven, halika na ilalabas na kita," si papa. Ilalabas niya 'ko?
Oo Seven ang ipinangalan niya sa 'kin, limang taong gulang ako. Hindi ko nga alam
bakit Seven.
Sa mundong ito mabilis ang oras. Sa Abyss napakabagal. Sa daigdig ang itinuturing
nilang normal.
"Ibabalik ko sayo si Tamtam sa isang kondisyon, " Tumungo siya sa 'kin kaya nakita
ko ang magkaibang kulay ng nagliliwanag na mga mata niya.
" Susundin mo 'ko sa lahat ng sasabihin ko, kapag nagkamali ka hindi mo na siya
makikita," malamig ang tono niya kaya tumango na lang ako. Tumayo siya at hinawakan
ako sa kamay.
"Masyado pa siyang bata!" Boses iyon ni Mathilda. Siya ang isa sa nag-aalaga sakin
dito.
"Anak ko siya, nasakin ang karapatan. " Pero kahit kailan hindi niya ko binigyan ng
karapatan.

Iyon lang naman ang sabi niya. Nginitian ko na lang si Mathilda na puno ng pag-
aalala. Salamat Mathilda at kay Lolo.

" Lumabas kami ng impiyernong lugar na 'yon, nakita ko sa unang pagkakataon ang
labas ng mundong iyon. Mapanglaw, mapula ang kalangitan at tila madugo ang paligid.

"Seven, "tumungo siya at tinitigan ako.


"Bakit hindi na lang ikaw ang pumatay sa'kin," walang emosyong tanong ko. Nabigla
siya sa sinabi ko.
Gusto niya 'kong mamatay nasisiguro ko. Matagal na, nabubulag lang niya ko.

"Babalikan kita, hindi kita pababayaan," Paliwanag niya. Kaya mapait na lang akong
ngumiti. Alam ko at alam niya na hindi ako mabubuhay sa mapanganib na lugar na 'to.

" Babalik ka, sinabi mo 'yan" aasa pa rin ako sa kanya hanggang huli. Lalaban ako
sa lugar na 'to na kahit naghihingalo ako hihintayin ko siya! Pero manloloko siya
mas nauna nga siyang mamatay sakin!
Nakita ko uli si Tamtam makalipas ang dalawang taon. Matapos kong mabuhay at
pumatay ng libo-libong nililitis na kaluluwa. Mabubuhay ako para patayin si Shin at
makita si mama.
Lahat ng hinagpis at kamiseralebhan ko binuhos ko sa kanila. Kung wala na siya para
iakyat ako sa daigdig ng mga buhay gagawa ako ng paraan kahit ang ibenta at
ipasakop ang kaluluwa ko.
Si mama, kukunin ko siya. Si papa? Wala siguro siyang kaluluwa kaya hindi ko siya
natagpuan dito.
"Master! " si Tamtam na sasalubungin ako. Sabi ng tagabantay sa dulong pintuan may
nauna na daw na nakarating sakin. Lima na at pang anim ako.
" Nandito na pala ang aking si Sixth Sanctum, " sabi noong lalaking nasa anyong
tao. Paglibot ko ng paningin ko sa tila impiyernong lugar na 'to may nakita kong
limang lalaki na nauna na sakin.
"Seven ang pangalan ko, " pinaningkitan ko ng mata ang sinasabi nilang Demon Lord
na nasa anyo ng binatang lalaking taga daigdig.
"Pero anak na kita, isa pa aanim lang kayo para maging si Seventh ka ---"
" Pilitin mong maging pito kami, ayoko ng pang-anim, "

"Bigyan mo 'ko ng dahilan para hindi ko palitan ang pangalan mo, isa pa may alaala
ka ba?" Nagtatakang tanong niya.
May bumulong sa kanyang babae na tatlo ang mata tss.
"Master, walang alaala ang mga kaluluwa na napapasok doon, nakikipaglaban ang mga
naroon para mabuhay sa ikalawang pagkakataon. " si Tamtam sakin
"Ikaw pala ang anak ni Crescent, sige papayag ako sa gusto mo. " Ngumisi siya.
"Crescent, naririnig mo ba 'ko, hindi ka niya binigo Iyon nga lang, anak ko na
siya. Siya na si Seventh Sanctum at pag-aari ko na siya,"sinundan niya nang
nakakainsultong tawa at wala akong pakialam kung anak niya ko o hindi. Ang gusto ko
makaakyat sa daigdig ng mga buhay.

" Narinig ko, " boses ni papa. Pakiramdam ko nasa lalamunan ang tibok ng pulso ko.
Bakit siya nandito? Inikot ko ang paningin ko. Nasasabik akong makita siya, malakas
ako. Matutuwa na kaya siya?

Iminuwestra ng lalaki --- ng bago kong ama ang isang pintuan na tila gawa sa
matibay na bakal ng may nakakainsultong ngiti.

Mabilis akong tumakbo palapit doon at tinulak ko ang pintuan. At muli ko siyang
nakita.

Naka-kadena, mahaba ang buhok niya at nakaupo sa gilid ng maliit na kama. I see
pain misery and agony upon his face.

"Patay na rin siya at ang kaluluwa niya ay matagal ng nabili ng Demon Master," wika
ng babaeng kasunod ko. Katulad mo, kapag namatay ka dito ka pa rin babagsak at
pahihirapan bawat oras. Pero guwapo pa rin siya kahit nahihirapan! " Humagikgik pa
ang babaeng may tatlong mata na sumunod samin ni Tamtam.
" Ang mga katulad n'yo ay dito babagsak, dahil siya ang paborito ng Master kaya
nandito siya at espesyal na paghihirap ang dinaranas, " sabi pa ng pangit na
babaeng gusto ko ng patayin.
"Papa, "lalapitan ko siya pero nang tignan niya ko parang may galit sa mga mata
niya at may hangin na tila tumulak sakin palabas at malakas na sumara ang pintuan.
Narinig ko... narinig kong nahihirapan siya, pinipilit niyang h'wag lakasan ang
impit niya, pinahihirapan siya at iginagapos.
"Gusto mo ba siyang palayain? Alam mo bang walang pinakamalakas sa mundong ito
maliban sa 'kin," Ang Demon Lord. Ang pinakamataas, gaano ba siya kalakas?!
"Oras oras pinapatay ko ang kaluluwa niya, dahil masyado siyang matigas. Kaya nga
paborito ko siya, pero kaya ko siyang palayain Seventh... kaya ko, " hinawakan niya
ang baba ko at tiningala naging kulay pulang paligid ng itim ng mga mata niya at
tila asul ang gitna niyon.
"Hindi ko siya palalayain, ayoko na sakanya. Ayaw niya rin sakin, hindi na siya ang
ama ko. Ikaw na, kahit magdusa siya, mahirapan wala akong pakialam. Mas magiging
malakas ako, papatayin ko si Shin, mapapasakin si mama, at hihigitan ko maging
ikaw!"
Tinawanan niya lang ako pero nang hawakan niya ang ulo ko may mainit na enerhiya na
nagmumula sa kamay niya, patungo sa buong katawan ko. Kakaibang lakas.
"My favorite son, rule the world. Ipakita mong ikaw ang aking tagapagmana!"

READ. VOTE. COMMENT!


90 VOTES next chapter.

TF: Cresly

TF: CRESLY

NAPAKABILIS na ng paglipad ni Shin sa tulong ni Crestia. Pababa ng pababa ang mga


bilang nila at nasa umpisa pa lamang sila, wala pa sila sa ¼ ng laban pero may
posibilidad ng matalo sila. Gaano ba talaga kalakas si Crescent? Kakaiba ang nabuo
niyang mundo, oo alam ng marami na ito ang formless, shapeless, endless dark-hell
of Abyss. Ang kulungan ng mga Diablo, demonyo aat pinagmumulan ng mga buhay na
binuo ng pagkamuhi. Pero ang paraisong itsura nito ay nakapanghihinayang sirain,
napakatalino niya para mabuo ang ganitong klase ng mundo.
Maraming sumama sa labanan na Malaki ang paghanga kay Crescent. He
might be the bad-ass Wolf beast pero pagdating sa palakasan marami ang humahanga
dito.
Nabigla si Crestia ng makita niya ang ngisi sa labi ni Shin, nag-iba
ang itsura ng mata nito kahit ang ngiti nito. Para itong demonyo hindi niya nga
namalayan kung paano nito winasak ang maingay na pinagmumulan ng pagwawala ng mga
Buwitre dahil sa pagkabigla. Tila ba ibang-iba ito sa kasama niya.
Hanggang sa makababa sila parang hindi pa rin nga siya natatauhan.
"Jasmine, nasaan ba ang babaeng 'yon, " inis na sabi ni Shin na iniikot
ang mga mata sa paligid. Is he aware of sudden changed of his eyes kaya?
Hindi nila namalayan kung ano ang bilang nila basta na lamang nagbukas ang lagusan
para sa ikalawang tarangkahan. Nawala ang agam-agam ni Crestia ng makita ang
sumunod na tarangkahan. Maraming tao, isang pamilihan ng mga sandata, kainan at
tila isang maliit na pamayanan. Lahat silang natitira ay namangha sa nakita. Anong
laro ang naghihintay sa kanila sa loob niyon?
"Shin, kanina ang mga mata mo." Hindi napigil ni Crestia na hawakan sa
braso si Shin na halatang nabigla at kunot ang noon a nilingon siya pero agad ring
ngumiti at ginulo ang buhok niya.
"'Wag mong isipin 'yon, kalimutan mo na," sabi nito. May gusto pa
siyang sabihin pero naputol iyon ng may dumating na isang maliit na asul na
guardian at may ibinigay itong crystal pendulum kay Shin na kinabakasan ng
pagkabigla.
"Master Shin, hinihintay ka na niya," wika ng guardian na agad naglaho
sa harapan nila.
Samantala si Jasmine naman ay kasama ni Crescentine at Khiel na
talagang hindi na siya halos pinalaban. Bakit palagi niyang nakikita si Zen
(Crescentine) sa t'wing masama ang loob niya kay Shin?
Tila mga abong naglaho ang mga buwitre. Hindi nga nila alam kung ano
ang naganap na pagsabog sa isang taas ng burol. Naalala niya si Shin kaya inikot
niya ang paningin. Nakagat niya ang ibabang labi, paano kung napaslang na ito?!
Nakita ni Jasmine ang tila asul na liwanag na papalapit sa kanila, maliit lamang
iyon Hanggang sa lumapit ,ay isa pala iyong guardian na elf na lumilipad at
nagtungo kay Crescentine. May ibinigay itong isang Crystal pendulum.
"Master Crescentine, hinihintay ka na ng iyong ama. Inaasahan niyang
makikita ka sa Kastilyong salamin, " wika ng guardian na agad naglaho.
Parang nagulong bigla ang Sistema ni Jasmine. Crescentine? Si Shin ....
Shin Crescent ang pangalan nito pero itong kamukha ni Crescent ay si Crescentine
at may ama ito sa lugar na 'yon? Hindi kaya nagkamali ang guardian na 'yon dahil
kahawig ni Zen si Crescent? Pero ang Crystal Pendulum na ibinigay nito ay para kay
Shin.
" Shin Crescent ..." - Jasmine
"Shin Crescentine, paano mo nalaman?" Tila nagtataka ito sa kanya pero
mas lallo lamang siyang nagulat. Kambal kaya si Shin at ito?Posible naman dahil sa
magkamukha naman talaga ang dalawa at pareho silang kahawig ni Crescent. Nananakit
ang ulo niya kaiisip.
" Crescent, " Hindi mapigil ni Lyra ang mga luhang umalpas sa pisngi niya ng
isilang niya si Chrysanta Wolveus. Nasa mundo sila ng mga mortal upang mapabilis
ang paghihintay nilang dalawa. Nakatira sila sa kastilyo ng mga Wolveus na alam na
palang nagbalik si Crescent.
"Lyra, buhay siya .. " Si Crescent na hindi mawala ang ngiti sa labi ng
makita sa tabi ni Lyra ang sanggol na isinilang nito. Hindi ito kinuha sa kanila,
magiging isa lang si Chrysanta sa mundo. Naiiyak si Lyra na makitang naluluha rin
si Crescent.
"Inilagaan mo kaya siya, walang araw na hindi siya gumagalaw kahit nasa
tiyan ko pa siya. She really love your voice, " ani Lyra na pumikit ng halikan siya
ni Crescent sa noo. He's so warm, minsan ang cold nito. Pero walang duda na ito si
Crescent na minamahal niya ng labis, though there's a lot of black butterflies na
lumalapit dito sa tuwing nakikita ko siyang napapagod. He never gets tired ng
ganoon kadali before, pero parang healer ang mga black butterflies dahil after noon
dumapo at maglaho sa bahagi ng katawan ni Crescent ay agad na bumabalik ang lakas
nito.
Hindi niya sinasabi dito ang mga nakikita niya. Nanghihina si Crescent,
alam niya na ayaw nitong ipaalam sa kanya ang nararamdaman nitong panghihina. Si
Tomo at Leo parang may alam sila pero tikom ang bibig nila. Natatakot siyang
panadalian niya lang 'tong makakasama, natatakot siyang muling maiwanan. Sampung
taon siyang nagpipilit lumaban sa lungkot na nararamdaman sa tuwing naalala si
Crescent. Why she need to be this weak?
"Magpahinga ka na muna Lyra, " nakangiting hinaplos nito ang buhok
niya. Ang mga mata ni Crescent, puno ng pagmamahal pero bakit parang may sakit?
Ipinikit na lang niya ang mga mata. All those years na wala ito, natuto rin siyang
maging malakas na babae.
Mabilis nakatulog si Lyra dahil mahirap talagang ilabas si Chrysanta.
Nag-iinit ang buong tiyan niya kaya napaiyak talaga siya nito bago lumabas. Sa
madaling salita, si Crescent ang nagpaanak sa kanya kaya hindi napigil ni Lyra ang
mga ngiti habang inilalabas niya kanina si Chrysanta. Nakaktuwang masdan ang
pagtaas at baba ng kilay ni Crescent at ang pag-aalala nito sa tuwing mapapasigaw
siya sa sakit.
" Stay this little baby, subukan mong maging ganito na lang kaliit
dahil ayokong masaktan ka, " sabi ni Crescent kay Chrysanta na marahang iminulat
ang mga mata nito, Althea ang mga mata ng anak niya at humagikgik ito. Napakaganda
nitong bata, silver hair, pointed nose, heart shaped face at red-small cute lips.
Nangiti rin si Crescent.
Hinalikan niya 'to sa noo. Mas mahirap pa lang magkaroon ng babaeng
anak para sa isang ama.
Wala siyang kinatatakutan, he betrayed even his ally before. He's a real beast who
killed even innocent civillians. He really wanted to be the most powerful and
create a world where he can continued his life with Light. Pero pinagtaksilan siya
nito, until he met Lyra the girl who changed every plan that he has. Again, he
wanted to create the world where no one will hurt her, nagbago ang plano niya dahil
lahat na ng gusto niya ay para kay Lyra even his life he wanted to offer with the
sweet and loving wife of him.
Now, he regret being the beast. Kung hindi siya naging ganid sa
kapangyarihan, kung hindi siya nabuhay sa pagkamuhi at hindi siya nakipaglaban para
lang sa kasiyahan niyang pumatay at makakita ng maraming dugo habang siya na lamang
ang nag-iisang nakatayo na wala man lang kagalos-galos. Sana, hindi ang pamilya
niya lalo na ang mga anak niya ang sinisingil ng tadhana sa mga nagawa niyang
kasalanan at dahil sa pinagdadaanan ng mga anak nila masasaktan din si Lyra.
Kasalanan niya ang lahat.
Those black butterflies are souls. He need souls to stay alive. Humans or even
beast from Abyss. Tama, lahat ng namamatay sa Abyss na nilikha niyang laro ay
pumapasok sa katawan niya at nakikipag-isa. Nagiging itim na paru-paro ang mga ito
at pumapasok sa katawan niya. May kailangan siyang tapusin before he accept his
defeat.
Hindi niya gustong nakikita si Seventh. Seventh appeared like a
reflection to him and he hated his owned reflection. Hindi niya 'to masisisi kung
bakit namumuhi 'to sa kanya at sa pananatili niyang kasama ito ay hindi na rin ito
nagsasalita hindi katulad noon na maliit pa ito. He really grew up like him.
Si Seventh ang nakasama niya ng mamatay siya. Bago s'ya makulong sa
apat na sulok ng kuwarto na 'yon nakakasama pa niya sa panaginip si Lyra pero ng
tuluyan siyang maisara napawi na rin ang kasiyahan niya. Dinudurog siya sa loob ng
selda na 'yon, ganoon ang pakiramdam niya kahit wala naman nananakit sa kanya.
Pakiramdam na dinudurog at minamartilyo ang mga buto niya. Ilang taon
niyang dinanas ang iba't ibang paghihirap. That Demon Lord Sanctum beast, really
love to hear his screamed in deep pain. At bihira lang nito iyon matamo, dahil
maraming pagkakataon na tahimik si Crescent as if he doesn't feel anything. May
kailangan pa siyang puntahan, lalaban siya hanggang kamatayan mailigtas lang ang
mag-ina niya.

***
"Light, "
Halos maibuga ni Light ang iniinom at nanlamig ang pakiramdam niya ng marinig ang
boses ni Crescent. Nasa balkonahe siya at sumisimsim ng kape habang iniisip kung
paano nila mapapasok ang loob ng Abyss.
"Crescent, " paglingon niya wala ito kaya nagtaka siya. Akala niya
talaga narinig niya ito.
Samantalang si Vishnu na nakabantay kay Crescent ay tila hindi na
nabigla ng makita ang isang anino na papalapit sa walang buhay na katawan ni
Crescent.
"Nagbalik ka na nga talaga, " ani Vishnu na nginitian si Dark at
hinayaan itong lapitan ang nahihimlay na katawan nito. Naupo si Dark sa gilid ng
kama at unti-unting naglaho na tila abo at nasisiguro niyang papasok na ito sa
katawan na inabandona nito.
Nang mapag isip-isip ni Light na maaring si Dark iyon at kukunin ang
katawan nito ay humangos siya para marating ang kuwarto nito na nasa dulo ng
pasilyo at ng makarating siya ay naabutan niya si Vishnu na nakaupo at
nakadekuwatro habang nakamasid sa katawan ni Crescent na nakatayo na at nginitian
si Light.
"Iisa na kami uli, " tila inosente ang ngiti ni Crescent. " Salamat,
gusto mo bang mahanap na sila? Bibigyan kita ng hint Light, ang minahal mo, ang mga
nawawala ay nasa baliw na scientist na 'yon. Malaki ang utang na loob ko sa kanya
noon, pero pinatay ko na siya ewan ko kung bakit nabuhay pa siya. Light, kapag
nahuli ka ng isa pang buwan sa oras ng mundong ito, magiging katawan na lamang sila
na pinapagana ng baliw na 'yon. Neo is way more better than him, nakita mo si Ceres
ganoon na ang mangyayari sa kanila. " natatawang sabi ni Crescent bago naghanap ng
maisusuot sa malaking aparador bago nagtungo sa banyo para maligo.
Habang bumabagsak ang tubig mula sa dutsa ng shower ay inaalala ni
Crescent kung ano ba ang mga dapat niyang gawin.Babalik na siya sa kastilyo at
ipakikilala ang kanilang prinsesa ni Lyra.
May itim na paru-paro na naman na lumapit sa kanya. Iba iyon sa mga
kaluluwa dahil iyon ay mensahe ng Death God. Lima ang kilalang Demon Gods at ang
isa roon ay ang itinuturing niyang ama na pinag-alaga niya kay Shin.
Ang apat ay sina : Gremory and Death God, ito ang may kontrol ng kamatayan ng mga
tao at ito rin ang kinamumuhian ng mga anghel. Si Gremory ang tagapagsugo ng
Thanatos sakaling may isisilang na Eros. Ito ang nagbibigay ng mga itim na anghel
sa Thanatos bilang tagapag-alaga
Legion : Ito naman ang pinakamapanlinlang. Mahilig itong makisama sa mga tao at
nagpaparami ng mga sugo na nasa ilalim nito. Kaya nitong kumontrol ng mga isipan at
ipaako ang kasalanan sa ibang tao sa pamamagitan lamang ng mapanlinlang na tingin
nito. Napakahilig nito sa babae.
Shaytan: Ang dahilan ng pagkawasak, lindol, baha, madalas nananalo ito sa mga
pagbulong sa mga nilalang lalo na sa tao na pumaslang o magdesisyon ng mali.
Limitado lang ang kapangyarihan nito at ni Legion sa mga tao.
Si Adramelech ang ama niya ang pangatlo , si Gremory ang ikalawa at ang
pinakamalakas na si Lilac Sanctum ang siyang pinakamataas, pinakamalakas ang
nagpapahirap. Ang walang sawang pumapatay na buo ng pagdurusa, kaya nitong bigay
lahat ng kahilingan ngunit depende iyon sa humihiling kung magugustuhan ba nito.
Kung titignan kaedad lamang ng mga anak niya si Lilac, nagbabago ang anyo nito
depende sa naisin nito. Hindi ito mahilig lumaban, mahilig itong magbigay ng
kapangyarihan at bawiin kapagdaka. Mahilig ito sa laro at alam ni Crescent na
ninanais nitong mamatay ang mga anak niya para pahirapan ang mga kaluluwa nito.

Si Seventh ang nagkakamit ng kapangyarihan ni Lilac. Sa ngayon isa si Seventh sa


itinuturing nitong anak na nabahagian nito ng dunong at kapangyarihan.Kaya naman
kung iisipin niya, napakaraming sagabal sa mga plano niya. Nangingiti na lang siya
sa tuwing maalala si Lyra, mawawalan ba siya ng pag-asa at katinuan kung kasama
niya ito? Kahit ang pinakamadugong parte ng buhay niya ay magiging masaya makita
niya lamang ito sa tabi niya.

"Crescent! Bakit naputol na naman ang buhok mo?" Nanganga si Lyra, kumakain siya ng
magana kasama si Tomo ng makita niya iyon. Hinalikan siya ni Crescent sa noo at
tumabi sa kanya. Kinuha nito ang tinidor sa kamay niya at tumusok ng pinutol nitong
cake sa pinggan ni Lyra at kinain kaya lalong namilog ang mata ni Lyra.
"kumakain ka na?" tanong ni Lyra na ngiting-ngiti. Sa totoo kasi, puro tea lang ito
kapag kasama niya at hindi kumakain. Hindi na nga lang siya nagtatanong dahil baka
may malaman pa siyang makakasakit sa kanya. Pero ngayon, parang normal na si
Crescent.
"Lyra, " nginunguso ni Crescent ang kuwarto kaya nagdikit ang kilay ni
Lyra at namutawi ang "Bakit?" na tanong. Pero yung ngiti ni Crescent sinamahan ng
pamumula. Pagtingin ni Lyra sa kalendaryo - December na kaya napapailing siya.
Kahit anong tamad ni Crescent sa kama kapag sumasapit ang mga buwan na
masipag ito ay alam niya. September, December, January.
"Baka makabuo na naman tayo, " natatawang hampas ni Lyra kay Crescent
pero tumayo na siya at naupo sa hita ni Crescent at hinalikan ito sa labi na agad
nitong tinugon.
"Ay mga eskandaloso!" si Tomo na atgad nagtatakbo paalis ng dining
tabler pero nilingon pa at tinignan ang dalawa na ngayon ay naglalambingan na at
buhat si Lyra parang bagong kasal.

READ. VOTE. COMMENT! <3


FB: Jobelle Rivera(MisaCrayola)

TF: TEASER(SPOILER)

* Good evening! Kindly watch the teaser at the top. :) So iyan ay mula sa
malikhaing pag gawa ng OP ni Seventh Sanctum (R.S) Mula sa pinagsama-samang anime,
I hope maramdaman n'yo ang mga dapat ninyong maramdaman. Ang throwing lines, if
ever na medyo mabagal kayo magbasa I-stop nyo na lang sa part na nabilisan kayo sa
mga wordings saka nyo nalang iplay. Thankyou! :)

You can also check it on YTB: https://www.youtube.com/watch?


v=pZrJV2Yn9Q4&feature=youtu.be

Merry Christmas! :) Please, pretty pretty please comment down para alam ko ang
naramdaman n'yo at ang reaction n'yo especially sa last part. :) Still ang next
update po ay kapag kumota na sa votes ang last chapter.
#MisaCrayola

TF 18: Marked

Walang special chapter sang CRESLY dahil hindi naabot ang voting kaya
itutuloy na natin ang story. Pero don't cha worry, next chapter meron ng
CRESLY! :) Si Shin ang nasa picture thankss!

TORMENTED FATE
"MARKED "

"Sasamahan natin si Light para hanapin ang mga nawawala, kung kasama natin sila
Greece nasisiguro ko na mas madaragdagan ang pwersa ng grupo natin. Tama si Light,
siya lang ang may kakayahang magbukas ng lagusan sa Abyss at kailangan natin siyang
tulungan," mahabang paliwanag ni Kae habang nagpupulong sila sa bulwagan ng La
Confide.
"Nasaan si Aleissa? Ang babaeng 'yon talaga!" Asar na wika ni Vishnu na pataas-taas
ang kilay. Malakas ang Misfortune na 'yon at matutulungan sila pero nawawala na
naman ito.
"Alam n'yo naman na ang loyalty niya ay na kay Crescent, paano kung traydurin niya
tayo?" singit ni Hunter.
"Traydor? Bakit? Kalaban na ba tayo ni Master? Hindi ko siya kalaban, he's my
master, if the aimed of this group is to betrayed him, ayoko na, " Angela
exclaimed.
"Tama siya, Master namin siya at ang rason kung bakit gusto naming sumama ay dahil
kay Shin. Matagal man naming siyang hindi nakita gusto pa rin naming siyang
protektahan, hindi ko siya kayang pagtaksilan," - Lian
""No, we will never betrayed him! We are his Ally! " Biglang bawi ni Hunter sa
sinabi niya.
Matalim ang tinging ipinukol sa kanya ng mga kagrupo ni Crescent.
"Ally? Or fake ally? Nakita kitang nakikipag-usap sa mga Pureblood Vampire, at
hindi kaila sa'min na si Vincent Zordick ay nagpahayag ng digmaan para lamang
wasakin ang Abyss, at marami na silang gustong patayin ang buong pamilya ni
Master!" Angela.
Napasabunot na lamang si Hunter sa ulo niya. Kung ngayon pa lamang ay nahihirapan
na silang magkaisa paano pa sila magkakasundo sa iisang misyon? Walang tiwala ang
mga taga-sunod ni Crescent kay Light at ang makipagtulungan dito ay Malaki talagang
pagdududa para sa mga ito.
Pagkatapos ng usapan na 'yon ay nagtungo si Vishnu sa isang lugar sa kagubatan at
natagpuan niya ang isang maliit na base na tila isang tanggapan lamang. Dire-
diretso siya at sinalubong siya ng isang lalaking nagngangalang Winter.
"Nasaan si Crescent?" Tanong ni Vishnu na humalukipkip at nakipagsukatan ng tingin
sa matipuno at guwapong lalaking tila tutupukin siya sa yelo at kalamigan ng mga
tingin nito.
"Gusto niyang alamin kung sasali ka na sa Scorpions, at kung magiging isa ka sa
'min isasama na kita, " sabi ni Winter na bahagyang tumaas gilid ng labi. There's
something about this --gay? Parang may kakaiba itong puwersa. Magtataka pa ba
siya? Kung ninanais ni Crescent maging miyembro ng Scorpion ito, ibig sabihin may
kakaiba itong potensyal.
"Oo, sasama na ako, " Walang abisong sagot ni Vishnu. Hindi lang ito para sa kanya,
kailangan mahanap niya si Shin, kung si Crescent na mismo ang humihila sa kanya ay
susunggaban na niya. Kung aasa siya kay Light, baka mamatay na si Shin sa loob ng
Abyss. Bawat oras nanganganib ito at kailangan niya 'tong ilabas sa Abyss at ang
matuklasan ang tunay na kasalanan ni Crescent sa pangyayaring nagaganap.
Sumakay sila sa isang Dragon chained patungo sa kuta ng mga Scorpions. Kilala
ngayon ang Scorpions bilang isa sa pinakamalakas na grupo at ang magkakapatid na
Sanctum na siyang may kinalaman sa walang habas na pamamaslang.
"Hoy, lalaking guwapo hindi mo man lang ipinakilala ang pangalan nmo sa Diyosa!"
Malakas na wika ni Vishnu dahil malakas ang hangin sa himpapawid.
" Hindi ako interesadong makilala ka," sagot nito.
"Oh gooshhh! Ang kapal ng face mo, sa 'kin ka rin babagsak at aanakan mo 'ko ng
isang dosena hihihi.. "
"Bakit espesyal ka at si Master pa ang nag imbita sa 'yo, " -Winter, habang
magkatalikuran sila.
"Selos ka agad Sweetheart, " ani Vishnu na malanding inakap sa likuran si Winter na
tila nanigas sa ginawa niya.
Ano ba!" Asar na inaalis nito ang kamay niya.
"Wag ka ng magselos sweetheart, ikaw talaga, first love ko lang siya pero ikaw
naman ang gusto kong umanak ng labing dalawa sa'kin hihi! " anni Vishnu na
pinaghahawakan sa kung saan-saan si Winter na nanlalaki ang mga mata.
"Ano ba! Papatayin kita kapag.... " Nanlaki lalo ang mata ni Winter ng mahawakan
nito ang hindi na nasabi ng bibig niya na pinisil-pisil nito. Bakit asiya
makagalaw, anong ginagawa nitong mahika sa kanya!
***
SCENE 2
"Shin bakit?!" Mabilis na dinaluhan ni Jasmine si Shin ng nasa kuwarto na sila na
inokupa nila sa loob ng pamayanang nabungaran nila. Tatlong araw daw sila roon bago
ibukas ang pintuan ng pagbabawas ng mga natitirang kalahok.
"Ahhhh! Sht!" Nagwawala si Shin habang sinusuntok nito ang kinalulugmukang semento
na unti-unting nagkakaroon ng pagkakabitak-bitak. "Ahhhh! Fck.."
Galit na galit ito habang nakasapo sa ulo, tila dumaranas ito ng labis na sakit.
Naniningkit ang mata nito at nagpupula kaya kabadong-kabado si Jasmine. Nag-aaway
pa sila kani-kanina tapos bigla na lamang itong humiyaw sa sakit at napaupo sa
semento. Panay ang suntok nito sa semento na tila may hindi ito makontrol sa
katawan.
"Shin, ano bang problema mo?" Naiiyak na tanong ni Jasmine kay Shin na pilit niyang
inaakap na baka sakaling makahinahon dito. Paghimas niya sa likuran ni Shin ay
napapasong tinanggal niya ang kamay kaya nang kumalas siya kay Shin ay agad niyang
tinungo ang likuran nito at kabadong inangat niya ang damit nito.
Nanginginig pa ang mga kamay niya dahil sa tension ng pagsigaw nito at agad niyang
nasapo ang bibig ng makita ang tila nagdurugong likuran nito habang may pulang
linyang gumuguhit doon. Isang bilog na tila may kumakayod na hindi nakikitang pang
guhit.
"Uhhhhhhh.. shit...!" Hiyaw ni Shin kaya hindi alam ni Jasmine kung anong gagawin
kaya agad niyang niyakap ito sa harapan at binulungan niya 'to ng mga katagang
natutunan niya para magpatulog sa isang nilalang. Unti-unti itong kumakalma
hanggang tuluyan ng lumungayngay ang ulo nito na iniayos niya.
Ginamit niya ang puwersa niya bilang vampire upang maiangat ito at marahang ilapat
sa may kaliitang kama na sasapat naman sa kanila. Teka, siya dapat ang sa kama pero
dahil nandoon na ito ay sasamahan na lang niya 'to sa kama. Alangan naman na sa
sofa siya? Hindi pwede, hindi siya makakatulog ng maayos doon!
Naupo siya sa gilid ng kama at marahang iniangat ang damit nito sa likuran dahil
nakatagilid naman ito. Kinuhanan niya iyon ng larawan gamit ang cellphone niya,
kapag nakarating sila sa ika-sampung pintuan at hinayaan silang makalabas nga
katulad ng sinabi ng announcer aalamin niya kung ano ang markang kumakalat sa
likuran ni Shin.
Inayos niya 'to ng higa at hinaplos ang mukha nito. " Ang guwapo pero ang sungit,
crush na crush kita bata pa lang ako kaso ang salbahe mo nun sa 'kin kaya hate na
kita! Hay, pero pag ganitong tulog ka I like you na, " nangingiting aniya dito
kasunod ng paghalik sa noo nito at walang pasintabi siyang lumapit dito at niyakap
ito dahil napakalamig ng klima at kailangan niya ng body heat.
SCENE 3
"Hindi ko alam kung tama yung naramdaman ko, " nakagat ni Crestia ang ibaba ng labi
niya habang mataman nakikinig si Crescentine sa kanya. Pinagpapahinga muna sila sa
isang pamayanan na 'yon, hpara rin bumili ng mga sandata kung nais, at makakain na
maayos. Lahat ng naroon ay hindi pangkaraniwang nagtitinda lang ng pagkain o
kagamitan. Mga halimaw ang iba, tao man ay may dugong halimaw.
"Ano bang nararamdaman mo?" Tanong ni Crescentine na pinagmamasdan ang bawat
pumapasok sa pintuan ng pinasukan nilang kainan.

"Ayoko sanang sabihin sa'yo, pero parang hindi naman tama iyon. Tingin ko kasi,
hindi lang ikaw ang anak ni Crescent, " ani Crestia na nagpaarko ng kilay ni
Crescentine.
"Impostor lang sila, ako ang totoo kaya naman kahit gaano pa sila karami wala akong
pakialam sa kanila. Ang gusto ko lang magkaroon ng maayos na libing si papa at kung
totoo man na maari siyang buhay sasama na 'ko sa kanya, "
"Ha? Hindi ka na babalik sa 'tin?"
"Hindi na, ikaw lang naman ang orihinal na taga roon. Ayoko sa lugar na 'yon,
ngayon na nakamit ko na ang kalayaan ko gagawin ko ang lahat para matapos ang laban
na 'to. Kasama ka, makakarating tayo sa tuktok ng larong 'to," ani Crescentine.
Ngumiti na lang si Crestia. Oo, alam niya na dahil sa pagiging Eros at kakambal
buhay niya ito hindi pwedeng mamatay ang isa sa kanila dahil magiging kasawian rin
iyon ng isa. Nag-usap na sila na mas uunahin nila ang laro kesa sa pagpatay sa
Thanatos na hindi pa rin nila nakikilala. Tutal ay wala pa namang awit at trumpeta
na kailangan na nilang ipaglaban ang buhay nila dahil nalalabi na ang oras nila.
Ayon sa Inang Rozen nila, ang trumpeta at awit ay maririnig nila sa mga puso nila.
Ibig sabihin pang kanila lang, at sila lang rin ang makakarinig. Napawi ang ngiti
ni Crestia ng pumutok ang basong hawak ni Crescentine at bumagsak ito sa kinauupuan
at narinig niya ang paghiyaw nito. May masakit ba dito? Nasaktan ba 'to sa laban?
Hindi niya napigil ang mga luha niya ng tila hindi siya nito naririnig at sumisigaw
lang sa tila pagpaparusa rito.

"Crescentine!" Dinaluhan niya 'to habang napalapit sa kanila ang ilan. Nag-iiba
ang anyo ng mata nito, anong nangyayari kay Crescentine? Sumisigaw ito na tila
sinusunod ito at wala itong magawa, ano bang ikinasasakit ng katawan nito? Mukha
naman na kahit galos mula sa huling laban ay wala ito!
SCENE 4
"Master Seventh! Ayos ka lang ba?!" Nag-aalalang tanong ni Tamtam
kay Seventh na napahawak sa pintuan ng kuwarto nito. Lalabas sana sila pero
napahigpit ang kapit nito sa gilid ng pintuan at agad na lumarawan ang kakaibang
sakit na bumalatay sa mukha nito na tinitikis nito.
"Tam, ayos lang ako, binibiro lang kita," nginitian ni Seventh si
Tamtam na mangiyak-ngiyak na kaya agad itong lumipad payakap kay Seventh sa parteng
leeg nito kaya nangiti si Seventh at pumikit ng mariin. Nagsisimula na ang
pagkawasak ng katawan nila. Hangga't hindi sila nagiging isang tatlo, patuloy
silang maghihirap na hahantong sa maaga nilang kamatayang tatlo. At hindi siya ang
mamatay sa kanila, pipiliin pa niyang magdusa sa impiyerno ng ipinaglalaban ang
buhay kesa magpaalipin ang kaluluwa niya kay Shin!
Nagkaroon na siya ng sariling buhay, pagkatao, pagkakakilanlan, iba na
ang pangalan niya at binura na niya ang pinagmulan niya kaya hinding-hindi niya
ibibigay ang buhay para kay Shin at sakupin lang nito. Kailangan malaman ng mama
niya ang totoo, ang katotohanan kung bakit sila ISINUMPA!
"Master, nangako ka na babalikan natin si Lucylle hindi ba? Nangako ka
na makakabalik tayo ng buo ka na, " ani Tamtam. Alam niya na may kakaibang
nangyayari kaya ang mga luha ni Tamtam ay hindi maawat. Naniniwala siya sa
kakayahan ni Seventh, pero ang kapangyarihan nito at ang labis na puwersa ay
maaring maging sanhi ng kamatayan nito. Ayon kay Crescent noon, hindi kakayanin ng
katawan ni Seventh ang labis na kapangyarihan na lumalabas dito kapag galit na
galit ito -at ang labis ay nakakawasak.
"Babalik tayo, " nakangiting wika ni Seventh kay Tamtam. Espesyal ito sa kanya, ito
ang tanging mayroon siya ng maiwanan siya ng lahat, nang ibalik ito ng papa niya ay
nagsasalita na ito at hindi na niya itinanong kay Tamtam paano itong nakapagsalita
dahil dati ay pipi ito.
DAHIL sa dinanas na unang pagmamarka sa kanila ng kamatayan o ng Demon na
responsable sa buhay nilang tatlo naramdaman na nila ang labis na pangangailangang
ipaglaban ang buhay nila. Tama nang hindi sila magkakasama, magkakakilala, mas
masakit lang ang magiging pagtatapos nila.
Mula sa iisang lugar, iba-iba lang ng puwesto ay naranasan nila ang unang pagyeyebe
sa loob ng Abyss.
Si Seventh na inilahad ang kamay habang bumabagsak ang malamig at mabilis matunaw
na yebe kasunod ng mapait na ngiti.
Samantalang si Crescentine ay dinadama ang lamig na dulot niyon sa katawan
niyhabang naroon siya sa tuktok ng isang maliit na bundok.
Nasa sa likuran niya si Crestia na malungkot ang mga ngiti. Base sa paghaplos niya
sa nabuong marka sa likuran nito nalaman niya na isa iyong sumpa ng kamatayan na
kapag nabuo ang simbolismo na may ¼ ng nakaguhit ay tiyak ang magiging kamatayan
nito. Napakalupit ng tadhana at kahit saan lumingon ang lalaking minamahal niya ay
kamatayan pa rin ang sasalubong dito.
Maging siya ay kamatayan pa rin ang idudulot dito bilang tagapagtanggol niya dahil
ito ang napili na karugtong na buhay niyang isang Eros. Oo, ito dapat ang
poprotekta sa kanya pero gagawin niya ang lahat para maprotektahan lamang ito.
Dahil mahal na mahal niya si Crescentine.
Si Shin naman ay nakatanaw lang sa bintana at malayo ang iniisip. Nasa alaala niya
ang kanyang ama, ang araw na binalikan siya nito na dahilan ng mapait na ngiti
niya. Nalala niya ang pagiging mapag-alaga nito kahit madalas na pinapagalitan siya
nito, kahit na anong marinig niyang masama dito ay wala siyang pakialam ang
mahalaga bumalik ito. Bumalik ito sa kanila ng mama niya na sobra ng nangungulila
dito.
Kapag naging Emperador siya, nasisiguro niyang matutuwa si Lyra at kahit paano
maaampat ang luha nito sa mga pinagdaanang sakit at halos pagkawala ng sigla simula
ng lumisan ang asawa nitong minamahal ng labis.
Nakagat ni Jasmine ang ibabang labi niya. Hindi niya talaga gustong nakikita ang
pag bagsak ng yebe kasama si Shin. Noon pa man ay tila isang nakakalungkot na bagay
para dito ang mga yebe na nagpapalaala dito sa ama nitong lumisan higit sampung
taon na ang lumilipas. Niyakap niya 'to sa likuran at narinig niya ang paghikbi
nito. Kahit pa gaano ito katigas, kasuplado o kahit ano bang negatibong ugali nito
pagdating kay Crescent nagiging malambot ito na parang kailangan nito ng
masasandalan.
Mahal na mahal ni Shin ang mama at papa niya kaya nga kahit imposible ang
kahilingan nito ay ang pagkabuo ng pamilya nito. "Bakit ang sama ng kapalaran sa
'kin? Bakit kinuha niya si Kana at isinunod niya si papa? Bakit parang hindi man
lang kami nagiging masaya ng matagal? " Tanong nito na hindi masagot ni Jasmine
dahil naiiyak na rin siya dahil sa pagtangis nito.
If she only ease the pain, the suffering, the heartache of the man she secretly
love ginawa na niya. Pero isa lang naman talaga ang makakahilom dito, ang katapusan
ng laro at ang kasagutan sa mga katanungan sa isipan nito.

READ. VOTE. COMMENT! <3


FB: Jobelle Rivera(MisaCrayola)
Dedicated 'to sa'yo. Maraming-maraming salamat sa patuloy na pagbabasa ng TF kahit
pa medyo madrama siya at hindi lovestory. Sa napapansin n'yo puro Family lang nila
ang involve, kasi lulutasin na natin lahat ng mystery bago natin pasukin ang mga
puso nila. *u*

Who's your bet?


- Shin?
-Crescentine?
- Seventh?
WHY?
New Year Special Lyra and Crescent

Dedicated 'to sa lahat ng active na voters and commenters! *u* Sana hindi kayo
magsawang basahin ang istorya nila. So malapit na ang fighting scene, noon nagsali
ako ng mga names from readers kung hindi ko na naisama names nyo nalimot ko na.
Naformat kasi ang laptop ko, alam n'yo na pasira-sira nakakainis na nga haha! So
heto na sila :

New Year Special Lyra and Crescent

NEW YEAR SPECIAL

" Palagi na lamang akong inaalila! Kung makikita ko lang sana ang babaeng
itinadhana sa 'kin edi sana hindi ako naiinggit sa 'king Panginoon! Namatay ng
paulit-ulit aba'y pagbangon guwapo pa rin! Bakit masyadong pinagpala ang aking
Panginoon sa lahat-lahat!" Inarte ni Tomo habang papunas-punas ng mga figurine sa
iba't ibang paligid ng kastilyong salamin. Nananatili sila roon ni Lyra, para ngang
pinalalaki nito kaagad si Chrysanta dahil kung hindi ay dapat nasa Abyss sila para
kung gaano kabagal ang oras doon ay ganoon rin kabagal ang paglaki ng sanggol.

"Tomo, ang ganda-ganda talaga ni Chrysanta, kung hindi lamang siya isang Prinsesa.
"Sabi ni Leo na anyong tao habang karga-karga si Chrysanta ngayon. Paano ba naman
ay nagbabalak yatang gumawa ng isang buong batalyon si Crescent ng anak at kakain
na lang ang inilalabas sa kuwarto.

"Kung nabubuhay lang sana si Kana. Sabi ng Panginoon isang anghel si Kana kaya
hindi niya nakita sa pinatunguhan niya na malamang sa malamang impiyerno!" Tumawa
ng malakas si Tomo at agad ding napawi ng makita si Crescent na walang kangiti-
ngiti sa kanya kaya agad siyang napalunok.

" Pumunta ka sa mga Scorpions, kumuha ka ng tatlong makakasama ninyo ditong babae.
At iabot mo 'to kay Vishnu, " may inihagis na nakabilog na itim na papel si
Crescent na agad sinalo ni Tomo. Si Vishnu? Kabilang na sa Scorpions? Napakalakas
ng grupo na 'yon na ang misyon ay ligpit ang Sanctum Brothers. Bakit nga kaya
ipinaliligpit ng Panginoon niya ang magkakapatid na 'yon? Kilalang berdugo ang mga
kalalakihang iyon. Pero ano bang kinalaman ng mga iyon sa Panginoon niya?

"Princess," nginitian agad ni Crescent si Chrysanta na kinuha nito kay Leo. Narinig
nila ang hagikgik nito na tila musika. " Gusto mo bang ipasyal ka ni papa?" kausap
ni Crescent na ikinakangiti ni Leo at Tomo. Hindi nawawala ang ngiti ni Crescent
habang kinakausap ang sanggol na naringgan nila ng salitang " Papa " Chrysanta's
first word."Gusto mo bang makilala ang mga kuya mo ha Princess?" Sa sinasabi ni
Crescent nagsisimula silang magtaka. Napapatango na lang sila ng marealize na baka
ang Scorpions ang tinutukoy ni Crescent.
Umalis na ito sa harapan nila at nagtungo sa terasa kasama si Chrysanta. Hanggang
sa glass door patungong terasa kitang-kita nila na kinakausap ito ni Crescent. Para
daw mabilis itong matutong magsalita kailangang kausapin ito. Kaya nga maya't maya
rin nilang kinakausap si Chrysanta kapag gising ito at sasagot naman ito na akala
mo nauunawaan sila.

"Nasaan si Crescent?" Kabababa lang ni Lyra at mukhang kaliligo lang nito katulad
ni Crescent ng bumaba at bakit nga parang bihis na bihis ang mga ito?

"Aalis kayo Lyra?" si Tomo

" Sabi niya may pupuntahan daw kami, magdedate kami pero kasama si Princess! Isa pa
may ipapakita daw siya sa 'kin," sabi ni Lyra na ngumiti habang binabagtas nito ang
saan patungo sa terasa.

Ibang-iba na si Lyra sa batang babae noon. At sa babaeng naiwan ni Crescent ng


sampung taon. Napakaganda ni Lyra at talaga naman na mayroon na itong perperktong
katawan at unti-unti na ring lumalabas ang pagiging mapang-akit na bampira nito.

LYRA'S POV
Nagtungo kami sa kastilyo ng mga Wolveus at sinalubong kami ng pamilya niya ng
buong lugod. Nakakapagtaka man na nandito si Light at hindi naman sila
nagkakailangan ni Crescent hindi na 'ko kumibo. Dahil ang pansin ko ay nasa
kastilyo.
Parang ang laki ng ipinagbago niyon. Hindi pala parang, Malaki talaga ang
ipinagbago. Para iyong isang kastilyong pang digma. Ang buong lupain rin na Malaki
ang sakop ay mayroon ng barrier kaya hindi na basta-basta mapapasok. Tila ba handa
ang kastilyo sa isang kakaibang laban na maaring magaganap.
Sa lumipas na sampung taon alam ko na maraming nagbago at sa mga panahon na 'yon
alam ko na kilalang-kilala talaga ang mga Wolveus pagdating sa pinakamalalakas sa
lahi nila. Maraming nagtangkang sumakop pero lahat nauwi sa malagim na kamatayan.
Mabilis na naging berdugo ang lahat ng mamamayan na kalahi ni Crescent na
naninirahan sa paligid ng kastilyo.
Nakakapangambang wala ng maayos at pangkaraniwang buhay na aabutan si Chrysanta sa
paglaki niya. Maging ang sangkatauhan ay mayroon na ring iba't ibang alyansang
nabubuo. Pero ganoon pa man naniniwala ako na hindi kami pababayaan ni Crescent.
Sana hindi na niya ko iwanan pa uli.
"Honey Loves?" nakangiting ipinulot ko ang kamay ko sa braso ni Crescent. Patungo
kami sa likuran ng kastilyo at naiwan namin si Chrysanta sa pamilya niya. Hangang-
hanga sila kay Chrysanta, ewan ko ba sobra kasi talaga ang ganda niya, kakaiba
parang hindi ko maisip na naglabas ako ng katulad niya.
Pero kapag titignan ko si Crescent alam ko na kanino siya nagmana. Princess or Snow
white ang tawag ni Crescent kay Chrysanta. Sobrang lambing niya kay Chrysanta. May
pagkakataon na nagigising ako na gising na sila ni Crescent at kinakausap siya ni
Crescent. Nakakatuwa rin na dahil kay Chrysanta, nakakapagselos man hindi nawawala
ng matagal sa tabi naming si Crescent.Kaya nga may mga bisita kami na sila na mismo
ang pumupunta rito iyon lang hindi ko pa rin alam ang pinag-uusapan nila.
Isang malawak na hardin ng iba't ibang bulaklak ang inabutan namin. Nakakatuwa na
ganito pa rin ang lugar kung saan madalas ko siyang hinihintay na magbalik.
Nginitian niya ko at kinabig payakap at inangkin ang labi ko.
"Mag sexy time tayo dito?" Sabi ko ng hilahin niya ko sa isang kubo na ngayon ko
lang nakita.
"Oo?" Sabi niya na nangingiti. Ang guwapo naman niya sobra-sobra na! ><
Napakalamig ng panahon at maya-maya nga bumagsak ang mga yebe. Pagpasok namin sa
loob halatang kagagawa lang. Imposible naman kay Crescent 'to.
"Maingay sa kastilyo, " hinila niya ko pakandong sa kanya ng makaupo siya sa kamang
pang dalawahan.
" Crescent, hindi ka ba napapagod?" Natatawang tanong ko habang inikot ko ang braso
ko sa batok niya. Hindi rin ako napapagod at nasasabik ako palagi sa kanya. Dahil
kapag hindi na naman panahon niya jusko! Nakakainis hindi man lang ako diligan
minsan hihi. *u* Ngayon lunod sa dilig!
"Honey, 'wag kang magpapaapekto sa iba. You're the sweetest, bravest and loving
one. Don't let them take away the light in your eyes, iyan lang ang kaya kong
sundan pabalik sa'yo. " Mahinang sabi niya habang inihihiga niya 'ko ng marahan sa
kama.
Nginitian ko siya. " Who ever you are, Crescent alam mo naman na hinding-hndi kita
iiwan. Magsasama tayo at magsisimula ng bagong buhay basta 'wag mo 'kong gaanong
pinaglilihiman, " sabi ko sa kanya bago ko siya kinabig pahalik sa labi ko.
Marahan, tila may malamyos na musika. Mapag-angkin, mapagkalinga.
He bit my ear. I started moaning when he finally kissed my neck. Marahan lang
siyang kumilos ngayon, pinag-iingatan niya talaga ako. Ibang-iba siya sa ibang
lalaki na mahilig sa rough - bihira lang siya maging ganoon kapag talagang nasa
boiling point siya hihi. Pinuri ibinagsak rin.
Nakagat ko ang labi ko ng maglandas ang kamay niya sa dibdib ko at kumubkob doon.
Waaaaah! Nag-iinit ang katawan ko, nahihiya pa rin ako kapag nabubuhay ang dulo ng
dibdib ko sa isang dampi niya lang parang pati lahat ng balahibo ko nagtatayuan.
Pinagpala niya ang katawan ko ng haplos, halik at pagmamahal niya. In an instant
nawala lahat ng suot namin, Waaaah! Ayokong tignan ang katawan niya masyado akong
nagnanasa. Kasi naman ang guwapo na niya sobra tapos ang ganda pa ng katawan niya.
Ang ingay ko habang pinagpapala niya ko. Kagat na kagat ko na nga ang labi ko.
Masyado talagang nadadala ang katawan ko sa init ng labi at kamay niya isama pa
iyong minsan nagdidikit ang katawan namin. Gusto ko siyang kagatin, pati
paghahangad ko sa dugo niya lalong tumitindi. Pero napapansin ko na inaantok siya
kapag kinakagat ko, hindi ko alam kung dahil ba mas malakas na 'kong uminom ng dugo
niya o baka dahil nanghihina pa rin siya?
"Crescent," I moaned when he finally reach my core. What makes me happy? He never
had intimate relationship sa ibang babae iyong ginagawa namin hindi niya ginagawa
sa iba. Paanong hindi ko siya mamahalin ng sobra? Ipinapakita, ipinaparamdam niya
na ako lang ang pinakamagandang babae sa buhay niya. He may be bad, but when it
comes to me kahit ipakita ang pagluha niya nagagawa niya. May dahilan ba para
iwanan ko siya?
Nagpupula na ang mga mata ko. I need his blood, I need him inside me too, I need
him so bad. Hindi ko alam kung kakayanin kong pigilin ang urge kong kagatin siya at
namnamin ang dugo niya. Pero baka mabitin ako! I'm getting insane, hindi ako
makapagdecide!
Nakipagpalit ako ng pwesto sa kanya. I'm a monster again at nabigla siya pero
nangiti rin at marahan akong kinintalan ng halik sa labi bago umayos ng higa. I
kissed him torridly first, I miss his sweet lips. Bago ako bumaba sa leeg niya, I
gently licked his pale neck, mas maganda pa yata ang leeg ni Crescent sa 'kin! Why
he need to be this perfect??!
Hind ko itinuloy ang pagkagat sa kanya. " Crescent, sabi ni Alunsina may Wolf
ability kaso sa kama. Will you please do it to me? Ayoko pang kagatin ka, " I bit
my lower lip. Damn, I smell his blood, nababaliw ako sa bango ng dugo niya.
Tumutulis na rin ang kuko ko.
"Ayokong masaktan ka Lyra, " hinawakan niya ang pisngi ko.
"I'm fine, please? " Hinalikan ko siya ng mapangahas. Damn, his lips! It's bleeding
dahil sa pagiging mapangahas ko. Hanggang sa nagsimula na nga siyang mag-iba ng
kulay ng mga mata. Naging brilliant red at sa isang iglap nagkapalit na naman kami
ng pwesto at sa lakas ng pwersa naibagsak namin ang kama na hindi ko ikinagulat
kundi ikina-excite ko pa nga.
Ito lang kasi ang paraan para mapigilan niya 'ko. He literally sucked my neck,
sobrang pwersa ng mga hawak niya at natatalo ako sa mga pagtatangka kong kagatin
siya. Pain and pleasure, nang mag-isa kami. Sa tuwing mag-iiba kami ng pwesto lalo
sa tila pagwawasak namin ng lugar na 'to. Palaging nakaalalay ang kamay niyang isa
sa ulo ko at ang isa ay sa likuran ko. Hindi niya talaga ko hinahayaang masaktan.
Sabi ni Alunsina, Break's wife, hindi nakakapagpigil ang ganitong ability nila.
Kaya nga sira palagi ang kuwarto nila at buwan bago siya makarecover. Parang
nawawala na nga iyong tino ko lalo kapag iisa kami, hindi ko magawang sabihin iyong
word na Faster, faster baka tumigil! Sasabihin niya para na naman akong pornstar.
Hihi
Kinakagat niya ko pero marahan lang alam kong nagpipigil siya. Marami na kaming
naibagsak: Mesa, upuan, nabasag na bintana, nagkalaglagang mga frames. In short
binagyo ang kubo looks like. hihi
Pero siguro dahil sa pagiging aktibo ng vampire's blood ko kahit isadlak niya 'ko
sa bakal ng malakas at halos mabali yun nandoon pa rin yung excitement. Inaangkin
niya 'ko ng paulit-ulit, hinahagkan ang labi ko at nalalasahan ko ang dugo dahil
pareho na yatang dumudugo ang labi namin. Lahat yata ng pwesto nasubukan namin at
ang ending sa carpet kami nagtapos. Bakit nga pag nag aano kaming dalawa, after
feeling ko sobrang ganda ko? Ayan, gandang-ganda na naman ako sa sarili ko. *u*
Ang dami niyang kalmot. Nakakainis! I place myself on his top. I kissed him before
licking his neck. Ibinaon ko ang pangil ko, I taste his blood. It's really
addicting, mind blowing. Marami na 'kong naiinom kaya kahit ayoko pang umawat ay
pinigil ko na ang sarili ko. I licked his neck once again. Bumabalik na 'ko sa
wisyo at naroon ang mapasinghap ako dahil ang dami kong ginawang kalmot sa kanya,
even his hand. Ang dami ba namang hinampasan, kinagat ko rin yung kamay niya
kanina. Pero kasi iningatan niya pa rin ako, palagi pa rin siyang nakaalalay kahit
alam ko na out of control na siya.
"I love you honeybabe, " Malambing at may pag-aalala kong sabi sa kanya. Nginitian
niya ko, weak smile pero hinila niya ko at kinintalan ng halik sa labi. Pagbalik
namin ko na siya gagamutin, I love his smell. Bakit kaya naiiba ang amoy ng dugo
niya? Kakaiba parang refreshing nga siya! Umm... marami na 'kong naamoy na dugo sa
iba pero iba iyong kanya.
" Mahal na mahal kita Lyra," sabi niya bago ako binuhat at dinala sa loob ng
paliguan sabay kaming naligo sa ilalim ng shower. Pinupunasan ko yng katawan niya
ng sponge hihi. Waaaaah! >< Tama na ang landi ko na sobra pero pasilip pa nga nung
lower part waaaahhhh! I'm getting hot na naman!
"Masakit ba honey?" Tanong ko sa kanya dahil ang dami ko talagang kalmot sa kanya
at mukhang malalim. "Buti hindi nasugatan ang mukha mo," natatawang sabi ko.
"Nasaktan ka ba?" Masuyo niya kong hinawakan sa magkabilang pisngi.
"Hindi, ikaw nga ang nasaktan! " Nasa shower talaga kami naglalandian. Nangiti ako
ng ngisian niya 'ko. Waaaaah! Another round?! Oh gosssh! (*//////*)
**
PAGKABALIK namin kinuha agad namin si Chrysanta at pumasok kami sa kuwarto. Ang
tamad ni Crescent makipag-usap, napagod kasi siya kaya saglit lang na nilaro niya
si Chrysanta nakatulog na siya. Nasa gitna namin si Chrysanta na nakasiksik kay
Crescent at nakahawak sa damit nito na tila ayaw maiwanan.
Ngiting-ngiti ako ng mapansin ko ang isang kakaibang blood compact sa kamay ni
Crescent. Pero agad ding naglaho. Ilusyon lang siguro. Hinagkan ko siya sa noo at
si Chrysanta sa pisngi. Sana maging maayos ang buhay namin. Iyon lang naman ang
gusto ko, hindi naman perpekto ang mahalaga lang maipon ko ang pamilya ko. I know,
hindi niya hahayaang saktan kami ng iba. So Crescent, mahal niya kami. Kung
makikita siya ni Shin, matutuwa siya. Si Seventh, ano na kayang nangyari sa kanya?
Naroon din kaya siya?

Minna! Thank you! :). Papasok na tayo sa fighting scenes! Sana kayanin ko hahaha!
*u* Asahan n'yo ang maayos na plot ng kuwento. Surely, you'll ove every chapter
kahit may kirot minsan. I love you.
#MisaCrayola
Add me: Jobelle Rivera (misaCrayola)
Page: MisaCrayola

TF 19: ELFHORA

TF 19: ELFHORA

Alam ko na ang Demon Lord ang greatest Enemy ng Wolveus Family. Sino nga ba ang
makakaharap niya? Is it Crescent? Seventh? Crescentine or Shin? O baka naman may
hidden agenda si Demon Lord, we'll find out soon! :)

Sa bawat araw, oras, minuto at segundo ay mahalaga. Habang patuloy sa


pakikipaglaban, pakikipag-isa si Shin sa ibang mga kalahok ay siya namang
naglalapit sa kanilang tatlo sa isa't isa. Habang kumakaunti sila, natitira ang mga
pinakamalalakas palapit sila ng palapit sa pintuan ng katotohanan. Ang pintuan na
kinasasabikan nila ang ika-sampu.
Ngayon na nasa ika-anim na pintuan na sila at ang natitira na lamang ay limampung
kalahok unti-unti na ring sumisikip ang daanan patungo sa kasukdulan ng laro. Pero
wala silang kahit anong iniisip kung di ang makaligtas, makita si Crescent kung
maari at iba't iba man ang dahilan nila sa iisang salita lang sila magsisimula.
"Bakit?"
Sa pagbukas ng ika-anim na pintuan alam nila na ang pagtitiwala ay hindi makakabuti
sa larong gipitan lalo na kung ang taya ay sarili mong buhay. Naipikit nila ang mga
mata ng salubungin sila ng liwanag pero nagpatuloy sila paglalakad hanggang sumara
ang tarangkahan.
Kanya-kanya silang pulasan sa iba't ibang direksyon para iwasan ang mga sibat na
nagliliparan. Ang ilan ay tinamaan dahil hindi agad nakapag-adjust ang mga mata sa
pagsilaw ng liwanag.
May gumamit ng shield para protektahan ang mga kasama, ang ilan naman ay gumamit ng
sandata para wasakin ang mga sibat na napakabilis at napakarami ng mga bilang na
sumasalubong sa kanila.
Habang si Shin ay pinoprotektahan ni Jasmine gamit ang sariling kakayahan na Shield
ay pinoprotektahan naman ni Crestia si Crescentine gamit ang pakpak niya na tila
naging kulay tanso upang hindi sila masaktan.
"Isa lamang iyang warm welcome na nakarating kayo sa stage ko, " Isang babae ang
lumitaw na may kaliskis ng isang ahas na kulay berde habang nakasuot ito ng baluti
at ang buhok nito ay nakataas. Malalaki ang muscle nito sa katawan at kulay berde
maging ang nagtatalasang kuko nito.
Nagbagsakan at naglaho ang mga sandata ng marating nito ang lupa kaya agad nilang
tinignan ang paligid at pare-pareho silang napasinghap, may ibang walang reaksyon
ng makita nila na ang tanging tinatapakan ng bawat isa sa kanila na lamang ang
natitirang lupa ng lugar ang buong paligid ay kulay berdeng kumunoy na tila
nakalulusaw. Ang buong lugar ay parang isang kagubatan, mga naglalakihang
matatandang puno na may mga baging na at ang babaeng bumati sa kanila ay
nakatungtong sa isang malaking ala-berdeng batong buhay. Nagsimula nilang maamoy
ang tila gasolina na hindi nila matatagalan ng isang oras.
" Ako si Elfhora ang isa sa pinaka-mataas na Demon ng Ice hell. Lahat kayo ay
bibigyan ko ng pagkakataon na sugurin ako ng sabay-sabay, ngunit pakaiwasan ninyo
ang mga kumunoy dahil paniguradong malulusaw ang mga katawan ninyo, " wika ng babae
na ngumisi pa. " Ngunit kakalabanin ko lang kayo pag naging tatlumpu na lamang
kayo, kaya ngayon pa lang patayin na ninyo ang isa't isa, huwag kayong mag-alala
walang hinihinging bilang ang susunod na pintuan. At bago ko makalimutan, ang
katawan ninyo halimaw man o kung anong uri ng hayop kayo ay hindi tatagal ng isang
oras sa lugar na ito, lahat kayo mamamatay unti-unti kaya kung ako sa inyo patayin
na ninyo ang mga walang silbi, " ani Elfhora na tumawa ng malakas na may
pangmamaliit sa kanila bago naglaho sa tuntungang bato.
"Shin, iyong tubig na berde parang lumalapit sa mga paa ko, " naiiyak na sabi ni
Jasmine. Nagsisimula siyang matakot dahil ayaw niyang malusaw basta-basta.
"Jasmine, 'wag kang gagalaw diyan," ani Shin na naghahanap ng mas malaking lupa.
Sampung hakbang ang layo niya kay Jasmine.
"Ayos ka lang ba?" Isang babaeng may tansong pakpak ang nakita nila. Si Crestia,
hinawakan nito si Jasmine pero tinanggal lang ni Jasmine ang mga kamay ni Crestia.
"Hindi mo ko tutulungan, ibabagsak mo 'ko sa tubig na 'yan nasisiguro ko! " Sunod-
sunod ang mga luha ni Jasmine habang nanginginig ang mga paa niya. Masyadong maliit
ang natitirang lupa sa kanya.
"AAAAAAAAH! "
"WAAAAG ! "
Sunod-sunod na sigawan ang narinig nila. May nagsisimula ng pumaslang may lumilipat
na malaking talim ng sandata ibig sabihin may naghagis no'n at nakita nga nila ang
isang babaeng lumulutang. May mga nakakalutang talaga na isang biyaya para sa mga
ito ang stage na 'to.
"Patayin na natin silang lahat," wika ng lalaking Malaki ang bulto at mukhang nasa
walong talampakan ang taas at nagagawa nitong lusungin ang nakalulusaw na berdeng
kumunoy at sa tuwing itataas nito ang pang-apak ay may usok na naglalabasan sa paa
nito senyales na sinusubukan ng kumunoy na sunugin ito pero matibay ang bakal na
nasa paa nito.
"Tama ka diyan BELGOR!" Wika ng isa pang babae na maiksi ang buhok at mukha itong
bampira dahil nakakaakit ito at may matalim na kulay pulang mata. Naupo ito sa
balikat ng tinawag nitong Belgor.
"Hindi ko pa siya nakikita, ngayon lang, iyong Belgor," ani Crestia. Sa laki nito
imposibleng hindi nila ito mapansin.
"Si Belgor ay aming sandata, " wika ng isa pang babae na kanina pa nakalutang. Pero
agad itong sumuka ng dugo ng may lumilipat na espada ang tumama sa likuran nito,
tagusan na ikinagulat nila lalo na ng kapatid nitong may maiksing buhok.
" Hindi ka niya sasaktan Jasmine, sumama ka na sa kanya. Mapapatay lang nila tayo
dito!" ani Shin na sinusubukan na hindi ipagsigawan iyon dahil natatakot rin siyang
kainin ng kumunoy si Jasmine.
"Ayoko! Papatayin niya 'ko! Ang sabi ng daddy ko sa'yo lang ako magtitiwala at
hindi sa iba!" sigaw ni Jasmine na wala ng maisip na gagawin, hindi niya alam kung
may kakayahan siyang makakakontra doon dahil sa sobrang pagkatakot hindi na siya
makapag-isip ng maayos.
"Crestia bumaba ka! Papatayin nila lahat ng lumlipad! Mas madaling patayin ang nasa
itaas dahil iilan lang kayo!" boses iyon ni Crescentine kaya agad na bumaba si
Crestia sa lupa na walang nakatayo. Nasaan si Crescentine? Inilibot niya ang
paningin at nakita niya 'tong nakikipaglaban sa BELGOR na halimaw at sandata ng
babaeng may iba namang kalaban. Mabilis si Crescentine kaya nagagawa nitong
makipaglaban kahit hindi nito ibaba ang paa, hangga't may hangin kakayanin nilang
mga anghel.
"Shin! " Sigaw ni Jasmine ng makitang may papalapit sa kanyang espada na hindi nila
alam kung sino ba talaga ang may-ari at saktong tatama sa kanya. Pero bago pa siya
tamaan niyon ay nakuha na siya ng isang lalaki na binitbit siya at inilagay sa
batong tinutuntungan ni Elfhora kanina. Nakita niya lang ang pilak na buhok nito
pero wala na siyang nakita sa loob ng ilang segundong pagkakaupo niya.
"Jasmine, ayos ka lang ba? " Nasa tabi na niya si Shin at hinahawakan ang mukha
niya. Tinitignan nito kung nasaktan siya. " Nang tinawag mo 'ko biglang may kumuha
sa'yo pero hindi ko siya nakita dahil tatama sa 'kin ang espada, maayos ka lang
ba?" Nag-aalala ang boses ni Shin kaya nagawa ni Jasmine na ngumiti at inakap ito.
Akala niya talaga kakainin siya ng kumunoy at tatamaan ng espada.
"Mamaya na kayo maglandian! May mga sumusugod na hindi natin alam kung sino ang may
ari ng mga sandatang 'yon!" Si Khiel na nakalutang gamit ang tila apoy sa paanan
nito. Elemento ng apoy ang kakayahan nito.
"Paano si Jasmine?" Tanong ni Shin, hindi niya alam kung iiwan niya si Jasmine
paano kung biglang may sumugod dito? Pakiramdam niya nagblangko ang isip niya.
Nakaramdam siya ng takot na mawala ito sa kanya.
**
"Master Seventh, bakit mo inilgtas ang babaeng 'yon!" Pulang-pula ang mukha ni
Tamtam nang tanungin si Seventh na pinag-ilaw ang magic circle sa parteng dibdib
nito. Bahaya lang itong nakalutang at nasa ibang direksyon sila kung saan walang
nagaganap na gulo.
" Kapatid siya ni Vincent Zordick, para naman may kaunti akong isusumbat sa kanya
sakaling bawalan niya 'kong makita si Lucylle, " ngiti ni Seventh. Si Lucylle ang
anak ni Vincent at Nicole, isang children of misfortune ang anak ni Vincent at
lahat ng paraan gagawin niya para ilayo ito sa mga mapanghusga dahil ito ang
pinakamagandang sanggol na nakita niya.
"Saan tayo pupunta Master?" Takang tanong ni Tamtam ng makitang may malaking magic
circle na gumuhit sa berdeng tubig, alam niya na isa iyon sa kakayahan ni Seventh
ang makarating sa ibang lugar gamit ang magic circle na namana nito kay Lilac ang
pangalang ginagamit ngayon ng Demon Lord.
" Papatayin si Alfombra," wika ni Seventh.
"Elfhora Master! " Ani Tamtam na agad sumilid sa damit ni Seventh at todo hawak sa
tela niyon para hindi siya liparin ng hangin. Napakabango talaga ng Master niya at
nakikita na naman niya ang ABS nito!
"MASTEEEER!" Sigaw ni Tamtam sa tila roller coaster na pinagdaanan niya bago nila
mapasok ang kalaliman ng kumunoy. Tila naman nagising ang nahihimbing na ahas na
nakaupo sa isang bato.
" Seventh Sanctum," ani Elfhora ng makilala ang paborito ng Demon Lord. Nasa loob
sila ng isang kuweba na may mga torch of light sa bawat kanto bilang ilaw at dinig
na dinig ang mga sigawan doon ng mga nasa itaas.
"Anong pakiramdam sa purgatoryo? Alam mong buhay na ang ama mo hindi ba? Alam mo
namimiss ko pa rin ang pagpapahirap ko sa kanya, napakakisig niya at talaga namang
parang nabubusog ako ng paghiyaw niya. Gustong-gusto ko na siyang muling makuha,
iyong akin lang siya at pahihirapan ko siya at gagawing alipin, hanggang ngayon
naman nakasanla pa rin ang kaluluwa niya," mahabang wika ni Elfhora. Marami silang
nagpahirap kay Crescent at marami rin silang nag-aabang na makain ng tuluyan ang
kaluluwa nito. Isa 'to sa pinakamasarap na pagkaing kinatatakaman nilang mga demon,
dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan may lasang anghel ang dugo ni Crescent na
tila hinaluan pa ng kakaibang droga ng pagiging DEMON-wolf nito.
" Ang haba ng sinabi mo," naningkti ang mata ni Seventh. Naiinsulto ang pakiramdam
niya, isama pa na hindi niya gusto ang salitaan bago ang labanan.
"Seventh, sabihin mo, ikaw ang tumubos sa ama mo kaya siya nabubuhay ngayon hindi
ba? Ikaw lang naman ang may alam kung nasaan siya sa loob ng sampung taon, ano ang
inialay mo para pagbigyan kang palayain siya? Ang buhay mo ba?! " Tila nanunubok
ito kaya lalong nagpula ang isang mata ni Seventh. Nilalabis nito ang galit niya sa
mga walang kuwentang pasakalye nito.
"Hindi ako, " wika ni Seventh na mabilis na sumugod habang si Tamtam ay napaisip sa
isang sulok. Si Crescent ang totoong Master niya pero si Seventh ang pinaalagaan
nito sa kanya. Pero hindi nga kaya si Seventh ang nagpalaya kay Crescent? Minasdan
niya lang kung paano ito makipaglaban ang mabilis na pagkilos nito at sapat na ang
kuko ng bawat isa para magkasagutan sila. Hindi madaling kalaban si Elfhora dahil
mabilis rin ito at makamandag ang bawat kuko nito.
"Nagagalit ka na naman, ang initin ng ulo mo," malakas ang tawang pinakawalan ni
Elfhora na nagbubuga ng mga nakalulusaw na kumunoy na bawat matamaan nito sa loob
ng kuweba ay nagsisimulang malusaw.
"Wala naman siyang kuwentang ama sa'yo Seventh, tama ba? Hindi naman ikaw ang gusto
niya, kinamumuhian ka niya, kaya anong ginagawa mo sa huwad na mundong ito?!
Nakakatawa ka, " talagang iniinsulto niya si Seventh dahil napakabilis nga nitong
galitin.
"Hindi mo siya makakain, papatayin ko kayong lahat, hindi n'yo na siya maibabalik
sa lugar na 'yon dahil wawasakin ko lahat-lahat. Sampung taon n'yo siyang
sinasaktan ng salitan, "Nakuyom ni Seventh ang kamao niya.
Natutop ni Tamtam ang bibig niya at pinipigilan ang mga luhang umpisa pa lang
tinraydor na siya. " Master ... "
"Galit ka sa kanya pero hindi mo siya gustong saktan ng iba? Ano bang plano mo -"
Bago pa maituloy ni Elfhora ang sasabihin niya nakita na niya pulang mata ni
Seventh na nakapagpatigil ng mundo niya. Tila hindi niya maigalaw ang katawan niya
at sa isang iglap nakalapit ito sa kanya at sinakal siya ng walang ingat pasadsad
sa may matulis na batong tumusok sa katawan ni Elfhora ng isadsad niya roon ni
Seventh. Lumabas ang berdeng dugo sa bibig niya sa pagkabigla. Paanong tinablan
siya ng kapangyarihan nito? Sa mismong lungga niya.
" Ako ang papatay sa kanya, hindi na siya masasaktan ng iba, sa 'kin lang siya may
kasalanan pero sainyo wala! " Nanlilisik ang mga mata ni Seventh nakadama ng
pagkatakot si Elfhora, ngayon nauunawaan niya kung bakit ito ang gustong-gusto ng
Demon Lord. Pahigpit ng pahigpit ang hawak nito sa leeg niya at kahit maging ang
pagsasalita nito tila lason na nagkakalat ng takot sa bawat himaymay ng dugo niya.
" Wala kayong karapatang saktan siya, papatayin ko kayong lahat nasisiguro kong
uubusin ko kayo, kayo na nananakit at nagpahirap sa kanya, "
Nanlaki ang mata ni Elfhora ng makita ang malaking anino ni Seventh na ngumanga
tila isa iyong halimaw , kahit ito ay hindi nagbubuka ng bibig gumagalaw ang anino
nito na nagawa siyang hawakan nginuya pinira-piraso ang katawan niya. Parang
pagkain na hiniwalay-hiwalay ang paa at kamay niya kahit hindi ito kumikilos parang
may sariling buhay ang anino nito.
"Master, 'wag kang magpapadala sa mga sinasabi nila." Umiiyak na niyakap ni Tamtam
ang leeg ni Seventh na naupo sa isang gilid. Para bang nanghina pa ito sa pagbaha
ng mga emosyong hindi niya gustong nararamdaman. Walang natira kay Elfhora maliban
sa mga kumunoy na inilabas nito sa bibig kangina.
Isinubsob niya ang mukha sa isang kamay. Bakit kahit anong muhi niya sa papa niya,
hindi na niya 'to gustong muling makulong pa sa lugar na 'yon. " Mamamatay na lang
siya ng matiwasay, 'wag lang siyang bumalik sa lugar na 'yon, " wika ni Seventh. "
Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako sa tuwing sinasabi nila na ako ang nagpalaya
sa kanya, siguro dahil naiinis ako na hindi koi yon nagawa sa loob ng sampung taon,
sampung taon ko siyang pinakikinggan sa sakit na nararamdaman niya, at isang
kasinungalingan ang angkinin ko na ako ang nagpalaya sa kanya kahit alam ko kung
sino ang nakapagpalaya sa kanya sa lugar na 'yon. Pero hindi pa siya ganap na
malaya, " tumayo na si Seventh at sinundan lang ito ni Tamtam. " Mas mabuti ng
mamatay siya sa mga kamay ko kesa bawiin ng Demon Lord ang kalayaan niya at ikulong
muli ang kaluluwa niya, hindi ko na siya gustong mahirapan pa ng ganoon para lang
kay Shin,"

READ. VOTE. COMMENT


95 next chapter, medyo busy talaga ko ngayon sa schedule! *u*

Sino-sino ang lalaking readers ko dito? Hahaha sa TF at ST lang kasi ako


nakakaencounter talaga ng maraming lalaking readers lalo dito sa TF kahit yung iba
hindi naman dinaanan ang RBW still nasusundan nila hahaha! So dedicated 'to sainyo.
S2
TF 20: SHIN

+Dedicated sa'yo kasi lagi mo binabasa mga stories ko kahit iba iba genre hihi! *u*

TORMENTED FATE
CHAPTER 20
" SHIN "

IILAN na lang ba sila? Nabigla sila ng bumukas ang ika-pitong tarangkahan ng hindi
lumalabas si Elfhora. Nagkalat ang dugo sa paligid at iilan na lamang silang
nakatayo.
"Bakit bumubukas na agad siya?" Takang tanong ni Serene ang isa sa mga natirang
babae na may kulay gintong buhok.
"Patay na siya, may isa sa atin ang pumatay sa kanya, " wika ng isang lalaking may
matikas na pangangatawan na nakamasid sa naglalahong kumunoy at nagiging lupa na
lamang iyon.
"Sino? Paano niya natagpuan si Elfhora?" Takang-tanong ni Elvira ang isa pa sa
natira na bumaba na mula sa pagkakalipad.
Tinignan nila ang screen bago lisanin ang stage ni Elfhora ang bilang na lamang
nila ay 31 ibig sabihin labing siyam ang namatay sa kanila. Ngayon na kakaunti na
lamang sila nararamdaman nila na ang ika-pitong pintuan ang sasala sa kanila.
Pagpasok nila sumalubong sa kanila ang malaking Arena at napakaraming nanonood na
hindi pangkaraniwan ang mga itsura. May ilang mukhang tao ngunit halatang may
halong halimaw ang mga ito, ang karamihan naman ay mga halimaw at hayop talaga.
Maingay ang mga ito na tila pinagpupustahan sila sa sariling lengguwahe ng mga ito.
Pagbukas nila ng pintuan nasa loob na agad sila ng malaking Arena na may paikot na
mga manonood sa ikalawang palapag. Napakalaki ng arena.

"FINALLY! Nakarating na ang pinakahihintay natin!" Wika ng isang babae na may kulay
pink na handle ng mic habang gumigiling ito sa isang mesa. Ito marahil ang
announcer, kulot ang buhok nitong asul na hanggang balikat. Balingkinitan ang
maputi nitong katawan, habang ang kasuotan nito ay strapless at naghuhumiyaw ang
dibdib nito, na tila nais kumawala at ang ibabang parte ng suot nito ay hapit na
hapit ring kulay balat na short na nagpabakat ng V sa bandang ibaba nito. Mayroong
itong matang pusa na kulay asul. " Ang mga natitirang kalahok! " Malakas at
masiglang wika nito na itinuro sila kaya naman iba-iba ang reaksyon nila.
Naghiyawan naman ang mga nanonood na akala mo kilala sila at kung makasigaw, kung
sana nauunawaan lang nila ang mga sinabi ng mga ito.
"Hindi ba muna nila tayo pagpapahingahin," ani Crestia kay Crescentine nasa west
side ng mga tao sila nakaharap. Hindi nila alam na sa likuran nila ay naroon sila
Jasmine na sa ibang parte naman nakaharap.
May bumulong na isang babaeng naka long sleeve white polo shirt a may kahabaan at
wala na itong pang ibabang pants ang bumulong sa babaeng masiglang nagsasalita.
Tumangu-tango naman ang babae.
" Maari na kayong mag grupo sa anim na grupo! Tatanggap kami ng anim na miyembro
at lahat ay lima na dahil sobra kayo ng isa. Ngunit pagpapahingahin muna kayo para
naman masarap pa rin kayong kainin kapag relax ang mga muscles n'yo, kapag may nais
kayong sabihin pindutin n'yo na lang ang red button sa kuwarto at didirekta iyon sa
council! " sinundan ng hagikgik ng babae.
Bigla na lamang lumubog ang tinutuntungan nilang stage na tila pababang elevator.
Kitang-kita nila ang bawat gilid mga preso na nakahawak sa rehas, mainit ang
pakiramdam sa loob, sampung layer siguro ang mga preso na 'yon na paikot at tila
gusto silang abutin. Nanlilisik ang mga mata nito pero hindi nila makita ang mga
mukha nito. Ngunit may ilang tila tuyot na ang mga kamay na umaabot sa kanila na
tila mabangong pagkain sila na gustong dakmain ng mga ito.
Hanggang sa makarating sila sa kailaliman at isang walang kalaman-laman na lugar.
Nagpapakiramdam sila at nagkanya-kanya ng pwesto paupo. Kailangan magkaroon sila ng
miyembro, pero mukha bang katiwa-tiwala ang isa't isa?
"Sa kanila na lang tayo sumama, " ani Crestia na tinuturo si Jasmine at Shin maging
si Khiel na magkakasama sa isang sulok. Nag-uusap si Shin at Jasmine na tila ba may
kinukumbinsi si Shin at nahihirapan pakiusapan ang dalaga.
"Siya ba ang sinasabi mo, " ani Crescentine.
"Oo, anak rin daw siya ni Crescent, mas mabuti ng malapit tayo sa kanila para naman
sabay-sabay nating matuklasan ang katotohanan," ani Crestia.
"Kung bakit din nagkahiwalay sila ni Inang Rozen, at kung tama ang kutob ko na may
mga hindi naman kabilang sa larong ito.
Paano pa ba mabibigla si Crescentine? Alam niya na may isa pang nagpapanggap na
anak ng papa niya. Ito ang nakasama nito at ito ang nagbibigay ng pagkamuhi sa
kanya na pilit niyang iwinawaksi, dahil dito hindi niya nakasama ng maayos ang papa
niya. Tama nga sigurong malaman nila ang totoo, lalo pa't hindi nga nalalayo ang
itsura nito sa kanya maari nga kayang kambal sila? Pero iisa lang siya at iyon ang
sigurado niya. Naguguluhan na talaga siya, bakit naman nagpakita pa ang kakambal ng
papa niya sa oras na kailangan na nilang magmadali patungo sa Leviathyan para
makiapgsapalaran at makarating nga ngayon sa tinutuntungan nilang Underground,
Abyss.
**
" Hindi ko malilimutan ang mukha ng batang anak ni Crescent, nasisiguro ko na siya
ang lalaking iyon," wika ng isang babaeng naka-redhood habang nakasandal sa isang
malamig na hangganan ng buong kuwarto. Nahihirapan silang mag grupo kaya
nagdedesisyon ang kaitaasan kung maaring lumaban na lamang sila ng isahan.
Hindi nila alam kung bakit maraming kumokontrol sa loob ng laro. Tila ba ng
inaasahan nilang Crescent lang na may kagagawan ng mundong iyon ay may iba pang
gumagalaw na mga galamay. At sino naman ang inatasan na mamuno at magdesisyon? Sino
ang tinatawag na council? Totoo bang mapapasakanila ang mundong iyon? Maaga pa para
isipin ang bagay na 'yon.
"Siya ba?" tanong ng isang lalaking mahihinuhang kasama nito. Si Shin ang tinutugma
ng mga mata nila.
" Hindi siya malakas, kung tutusin maraming namatay na mas malakas sa kanya ang iba
sa kasamahan natin. Nasisiguro kong nagbabalatkayo lang siya, ang kakaibang aura
niya noon naglaho man hindi ko makakalimutan ang kakaibang kulay ng mga mata niya,
" dagdag pa ni Emma.
" Hindi naman dahil malakas siya noon, magpasahanggang ngayon. Oras na makalaban
natin siya, tignan natin kung totoo ngang hanggang diyan lang siya," wika ng kasama
nitong si Adros.
**
TAHIMIK lang sa tanggapan niya ng bisita si Vlad, hinihintay ang isang panauhin.
Isang taon na ang lumilipas simula ng pumasok sa Abyss ang anak niyang si Jasmine
kasama ang anak ni Crescent na si Shin. Ngunit sa kabagalan ng oras hindi halata ng
mga naroon ang taon na lumipas, marahil araw pa lamang ang pakiramdam ng mga ito.
Depende sa bagal ng pag-uumaga at pag gagabi na kontrolado naman talaga ng kung
sino. Tama, kung sino....
Dinalaw siya ni Crescent kasama ang anak nitong si Chrysanta, isang panibagong
malaking katanungan ang mga mata nito. Bakit si Crescent nagkaroon ng mga kakaibang
anak? Ngunit may positibong enerhiya si Chrysanta at ang bumabagabag sa kanya ang
sinabi ni Crescent:
"Vlad, magbubukas ang lagusan patungo sa Abyscentine oras na matapakan ng mga nasa
loob bang ika-sampung pintuan. Sa lugar ni Neo, sa mismong ilalim ng kanyang
floating fortress na kinalulugaran noon ng pagpupula ng araw bubukas iyon. Ngayon
isa na siyang nalalapit na pagtatag ng kastilyo ni Light, sa araw na 'yon marami ng
makakapasok at makalalabas ng mga nasa loob. Isa na siyang ganap na lagusan, kung
sakaling bumukas iyon makalipas ang tatlong buwan. Papasukin mo na si Vincent para
kunin ang kapatid niya, iba na ang Abyscentine sa mundong nilikha ko labing-isang
taon na ang nakakalipas." Iyon ang sinabi ni Crescent sa kanya.
"Ibig mong sabihin may ibang kumokontrol ng laro?"
Tango lang ang isinagot niya at sinundan ng mga salitang, "Kahit anong mangyari,
tatlo silang mga anak namin ni Lyra na nasa loob. Kung sakali man na dumating ang
oras na malaman nila ang katotohanan, sana sa panahon na 'yon tapos ko ng buuin ang
sandata mula sa dugo at buhay ko para sa kanila," alam ko na tatlo ang anak niya.
Sinabi niya noon ang ginawa niya, iyon ang unang beses na nakita kong naguluhan
siya sa kinalabasan. At ang sandatang sinasabi niya ay ang pinag-uubusan niya ng
lakas ngayon, hangga't kaya pang pumatak ng mga dugo niya tatapusin niya iyon.
"Kailangan mo ba ng tulong ko?"
"Hindi, kunin mo na ang anak mo sa loob. Magagawa iyon ni Vincent, " tama, darating
ang oras na maari akong mahigitan ni Vincent. Pangkaraniwan pa ang edad ni Vincent
pero nakakaya na nitong higitan siya sa kung ano siya noon. Pagdating sa mga
lalaking anak, pareho lang sila ni Crescent. Hindi dapat palakihin ang mga ito na
idinudulot ang lahat, dapat maghirap ang mga ito pagkalapat pa lang ng muwang sa
mga isip.
Dahil kung kaaawaan nila ang mga paghihirap ng anak nilang lalaki. Paano naman
mararating ng mga ito ang narrating nila? Galit at pagkamuhi ang nagdikit sa kanila
ni Crescent. Dahilan para mas maging malakas sila higit sa kung ano sila noon.
"Paano ka nabuhay Crescent? " Tanong na gusto kong itanong noon pang malaman kong
nagbalik siya.
Ngumiti siya ng mapait, " Hindi ko alam kung bakit ako ang pinili, hindi ko alam
kung sa bagay na 'yon may kumokontrol din. Walang araw na hindi ko iniisip ang
mangyayari, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Kahit anong isip ang gawin
ko, parang walang kahit isang porsiyento na makakapagsabi na mabubuhay silang
tatlo," sabi niya, naguluhan ako ngunit ng ilahad niya ang mga kamay niya nakita ko
ang isang itim na pentagram na nag-ilaw at isang itim na paru-paro bago pa 'yon
maglaho higit pa sa bomba ang pagkagimbal ko. Kaya pala siya nakabalik sa mundo ay
dahil......
"Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang nangyayari, maging ako naguguluhan, ako pa
rin ang magiging dahilan ng kamatayan nila. Kung sakaling hindi ako tumupad sa
tungkulin ko, pareho lang silang mamamatay tatlo. Hindi sila maaring mabuhay ng
sabay, dahil kahit baliktarin ko ang mundo ako pa rin ang magiging dahilan ng
kamatayan nila,"
"Malapit ng marating ni Shin ang rurok ng tagumpay," ani Neo sa mga kasamahan
niya. Nakangiti si Neo habang nilalaro ang pinsel sa isang sketch book. Naroon sila
sa tanggapan ng Black Org.
" Well Let see, " ngiti ni Ylerys.
"Hindi ko naman siya hahayaang maagrabyado, nalalapit na ang pagbubukas ng lagusan.
Gusto ko ring malaman ang katotohanan sa kanya, kay Crescent at ang ilan pang mga
tanong sa isipan ko. Pero sa ngayon, alam ko na makakarating siya sa pinaka-umpisa
ng totoong laro, " ani Neo.
" Tama, ang totoong goal ng unang pasok nila ay magbuwis ng buhay para magbukas na
ng tuluyan ang lagusan sa mundong ito patungo sa underground world. Makakapasok na
rin tayo, " ani Lander na malapit sa bintana at tinatanaw ang papasikat na araw na
kinamumuhian nilang lahat.
"Kung saan ang mas malalakas ang tutuntong, " ani Neo na ngumisi. Scorpions,
Sanctum Brothers at ang ibang walang kinabibilangang organisasyon ay naghihintay na
sa totoong lagusan patungo sa buhay na inaasam ng bawat isa, ang pagharian ang
dalawang mundo.
" Hindi ko nalilimutan ang pagdating ni Fifth Sanctum, sinabi niya ang magaganap
tatlong buwan mula ngayon. Magbubukas ang lagusan sa mismong floating fortress na
kinabagsakan, " ani Ylerys. Dalawang buwan mula ng araw na 'yon isang sulat ang
dala ni Fifth Sanctum ayon sa pagpapakilala nito ang totoong labanan ng malalakas
ay binigyan ng imbitasynog pasukin at pagharian ang mundo ang kaibahan lang "CALIL
" na ang nakapirma.
"Bakit Malaki ang bilib mo na matatapos ni Shin ang laro? " si Zuki na naglalaro
lang ng baraha sa mga kamay niya. Ang pagbubukas ng lagusan ang pinananibikan ng
malalakas na tulad nila, ang pinakamalalakas sa iba't ibang mundo.

" Anak siya ni Crescent, dalawa ang katauhan ni Crescent the balance and the
unbalance , the good and the bad, the conscience and the evil so who would have
thought na nakakulong lang pala ang unbalance, bad and evil sa katauhan ni Shin sa
sarili niyang katawan at natutulog. I was hopng na makita ko mismo ang galit,
pagkamuhi at ang walang konsensyang katauhan niya, ang batang nagwasak at
nagpabagsak ng floating fortress ko, " ani Neo habang iniimahe ang naglalagablab na
pulang mata ni Shin ng pinahihirapan niya 'to at binabanggit ang papa nito, ang
pangmamaliit niya sa kahinaan nito, nakita mismo ng mga mata niya habang sinasanay
ito ang tinatagong katauhan nito. Pagod na pagod na ito ng oras na 'yon at halos
hindi na makagulapay, pero nabigla siya ng makatayo ito, at nginisian siya tila sa
isang iglap nagbago ang anyo nito sa pagiging mahina patungo sa isang
makapangyarihang nilalang. " Gusto kong muling marinig ang pag-awit niya ng
kamatayan, ang nilalang na 'yon ilalabas ko siya, huhugutin para muling makaharap,
gusto kong makita ang totoong Shin na itinago ng isang mahika na napakahirap
sirain, pero ako si Neo, at kakayanin ko ang pinakamahirap, " sinundan niya iyon ng
mahinang tawa.

" Pigain mo siya ng husto, hindi ko pa rin mapaniwalaan na siya ang nagpabagsak ng
floating fortress, " ani Zuki bago inimahe sa isipan ang malakas at matayog na
Imperial Floating fortress ni Neo. At isang bata pa noong Shin ang nakagawa noon?
Nalaman nila iyon sa isang manghuhula ng nakaraan. Nakikita nito ang mga naging
dahilan ng bagay-bagay sa nakaraan.

**
"SHIN, " Nabigla si Shin sa malamyos na boses na malamig sa pakiramdam ang narinig
niya. Binigyan sila ng kuwartong mapagpapahingahan habang pinag-iisipan pa sa
council ang mga request ng ibang players. Kung magiging individual na lang ba dahil
hindi nila kayang magtiwala sa isa't isa o ipagpapatuloy ang grupong unang ibinaba
ng mga ito.
Nasa loob siya ng paliguan habang bumabagsak ang tubig sa shower ng marinig ang
tinig na 'yon. Puro salamin ang paliguan na hindi niya alam ang purpose at naiilang
talaga siyang tumingin sa salamin parang nasisilaw siya na hindi niya maunawaan
kaya ipinikit niya ang mga mata ngunit dahil sa tinig na 'yon napilitan siyang
magmulat.
" We choose you, I'm your guardian, ikaw ang Thanatos, tawagin mo ako bilang
sandata mo kapag kailangan mo, " Nabigla siya ng makita ang isang itim na usok sa
likuran niya na kitang-kita niya sa salamin at naging hugis babae iyon na nakayakap
sa kanya. At hindi iyon kasing liit ni thumbelina, isa iyong babaeng maganda,
marikit, maitim ang mahabang buhok at hubad na nakangiti sa kanya ang mapupulang
labi. "I'm your blade, your sword, patayin natin ang mga mapagpanggap, nag-iisa ka
lang, wala kang kapatid, kakambal o ano pa man, ikaw si SHIN ang natatangi at nag-
iisang anak ni Crescent at kailangan tapusin ang buhay ng mga nagpapanggap. " wika
pa nito habang ang daliri ay humahalos sa pisngi niya at kitang-kita niya ang may
kahabaang kuko nito na may kulay itim na kuko. Nasa likuran niya 'to at nakatulong
ang salamin para makita niya 'to.
"Guardian?" Alam ni Shin ang tungkol sa mga guardians pero hindi ang ganitong uri
ng guardian ang alam niya. Maliliit lamang iyon na mukhang bata.
" Kapag kailangan mo 'ko sabihin mo lang ang salitang, Poisoned blade. Lagyan mo ng
feelings ha?" humagikgik ito bago naglaho sa repleksyon.

*READ. VOTE. COMMENT! <3


What do you think? :)
FB: Jobelle Rivera(MisaCrayola)
Group: MisaCrayola
ADD ME :)

TF 21: Revelation Pt.1

So, Happy B-day sa'yo ayan dedicated na sa'yo, ayan ha inupdate ko na! Hahaha! More
Bday to come and Godbless you all. :)

TORMENTED FATE
CHAPTER 21

**
"Rozen, Rozen, Rozen!" May kalakasan ang boses ni Dmitri na pumasok ng tuloy-tuloy
sa kuwarto ni Rozen. Malamlam ang mga mata nito at halatang galing sa mahabang pag-
iisip dahilan para hindi ito makapagpahinga ng maayos. Napakaganda pa rin nito
bagamat may pamumutla ang labi nito. Nakasandal ito sa headboard ng kama habang
yakap-yakap ang isang larawan.
"Anong kailangan mo?" Tanong agad niya dito, gusto niyang mapag-isa.
"Ayon sa babaylan, bu-buhay na si Crescent!" Halos isigaw nito ang salitang iyon na
tila ba gimbal pa rin ito sa nabatid.
"Ano?" Nanlaki ang mata ni Rozen. Parang bomba iyon na sumabog sa pandinig niya.
Ang lalaking mahal na mahal niya, ang ama ni Crescentine na nagtungo na sa
Underground World. Si Crescentine ang anak ni Lyra at Crescent, inalagaan niya ito
kapalit ng puri niya na ibinigay sa isang Demonyo para lamang makuha niya si
Crescentine. Noong una, nangangamba siya na wala silang mapupuntahan, ngunit dahil
napili si Crescentine nakabalik siya sa White Wings Academy. Dahil ito ang
karugtong buhay ng Eros na may dinadalang pangalang Crestia, ang pangalan na gusto
ni Crescent sa magiging anak nila - ngunit nawala iyon, kaya naniniwala siya na si
Crestia ay padala sa kanya ng langit, ang anak nilang hindi nagkaroon ng
pagkakataong isilang. Nalaman niya kasing si Lyra ang ina ni Crescentine, ngunit
may puting pakpak si Crescentine, paano nga kaya nangyari iyon? Gayong si Lyra ay
isang Bampira, at si Crescent ay isang Demon Wolf parehong nilalang ng dilim ang
dalawa kaya malaking imposible na may dugong anghel si Crescentine.
"Nasaan siya? Kailangan niyang malaman na nasa panganib si Crescentine! Nasisiguro
ko na hindi niya hahayaang naroon sa Abyss ang anak niya!" Ani Rozen na mabilis
tumayo at lumapit kay Dmitri. Nananabik siyang makita ang lalaking minamahal, kahit
minsan hindi ito nawala sa isipan niya. Si Crescent, nagbalik na siya. Hindi niya
mapigil ang mga luhang bumagsak sa pisngi niya.
"Rozen, nanganganib ka sa kanya! Namatay na ang lalaking mahal mo, sinabi na sayo
ni Light na nahati sa dalawa noon si Crescent. Itim ang aura niya, nasisiguro ng
punong babaylan natin iyon. Ibig sabihin hindi iyon ang lalaking minahal mo, 'wag
kang magpakabulag sa pagmamahal mo!" May lakip na inis ang boses ni Dmitri.
"Kailangan ko siyang makita para kay Crescentine, kahit anong sabihin mo walang
makakapigil sa 'kin! "May awtoridad na lakip sa boses ni Rozen. Kaba, saya,
kakaibang sensasyon ang dulot ng pagkakaalam na nakabalik na ang lalaking mahal
niya.
**
POISONED BLADE
I am his blade. Shin's Poisonous Blade. Nagising ako ng pormal na siyang inihayag
ng kataasang hukuman ng ilalim na mundo bilang Thanatos. Ang aming sugo, ako ang
unang nagising sa 'min. Oo, sa amin, hindi ako nag-iisa, pero ang bilang namin ay
nakadepende kung ilan ang kakayanin ng kalakasan niya.
Poprotektahan ko siya hangga't kaya ng talim ko. Ngunit siya pa rin ang masusunod,
kung hindi niya 'ko tatawagin at gagamitin mananatili lamang akong nilalang sa
salamin na umaasang gamitin niya 'ko.
Kapag ganap na ang katawan ko, kapag malakas na malakas na siya higit sa ngayon,
nasisiguro kong mas magiging madali ang lahat sa 'ming dalawa para makipaglaban.
Kahit ako lang, kaya ko siyang gawing Emperador ng sangkatauhan, sangkalupaan
maging ang mundong ito. Isinilang ako para sa kanya, para maging isang sandata
niya.
Naalala ko pa ng nakakulong ako sa nagyeyelong parisukat na kulungan. Isa akong
makasalanang kalahating halimaw, isa sa pinakamalakas noon, kaedaran ko ang ama ni
Shin na si Crescent. Siya ang pumaslang sa 'kin. Pero natalo man niya 'ko naroon
ang paghanga ko sa kanya. Dahil nalaman ko at natutunan ko na naging hambog ako,
may ilalakas pa 'ko at biniyayaan na nga ako ng kalayaan ng isilang ang isang
sanggol na Thanatos.
Siya ang anak ni Crescent. Si Shin, napakalakas niya noon. Pero isinara
kapangyarihan niya dahilan para abutin ng ganito katagal bago ko siya nakausap.
Dahil lumalakas siya, at sa palagay ko nasisira na ang kadena ng kapangyarihang
ikunulong sa kanya kaya nagsisimula na siyang maging malakas muli.
Nagsisimula pa lamang ang lahat. Unang pagsubok pa lamang ang pinagdaraanan niya
may mas malaki pa siyang kahaharapin. Ang sitwasyon niya bilang Thanatos, mga
kalabang anghel, pagpuksa sa mga kapatid at ang pinakamalalakas na sukab sa
kapangyarihan, pinalalakas sila upang kainin ng buong-buo.
Dahil ako ang Powered Blade ni Shin, alam ko kung sino ang karugtong buhay niya.
Bawat impormasyon sa Thanatos ay awtomatiko ng ipinapasok sa isipan namin. Mas
malakas na 'ko higit noon, kapangyarihan, kalakasan at pagiging isang masunuring
power blade ay buong puso kong gagampanan. Sabay naming tutuklasin ang
pinakamalakas pa na mararating namin.
Alam kong kating-kati na kayong malaman kung paano siya nagbalik? Tama ba? Si
Crescent, simple lang naman .... Dahil siya ang...
....
....
karugtong buhay ng Thanatos.
Ang napipino, nadudurog, at nagiging abong puso niya na tuluyan ng mawawasak oras
na maramdaman nila an huling ikot ng orasan.
Nakakatuwang isipin na binabaan siya ng tungkulin, binuhay siya at naligtas dahil
siya ang pinili ng itim na paru-paro bilang tagapagligtas ng Thanatos samantalang
ang isang anak niya ang tagapagligtas ng Eros. Dalawang anak niya ang kailangan
niyang hayaang mamatay, o kung nanaisin niya mismong mga kamay niya ang gamitin
niya para naman makasaysayan ang gagawin niya.
Kung hindi siya kikilos, kung hahayaan niya ang lahat, masasawi si Shin kasama
niya. Ang buhay niya at si Shin o ang buhay ng dalawa niyang anak? Hindi maaring
maging dalawa o tatlo sila sa mundo. 7 Tyrant Superiors, sila ang nagsisilbing
Diyos ng ilalim, lima sa kanila ang nagparusa kay Crescent. Sila ang may kasalanan
sa mga sumpa at paghihirap na dinaranas niya.
Siya ang pinakamalakas, at isang pagkakamali na nagbuwis siya ng buhay noon. Dahil
mas lalo lamang napalala niyon ang sitwasyon. Kaya naman, bilang isang ama, paano
niya pipiliin ang mga anak niya? Kasama ang kamay niya sa lalaban o hahayaan niyang
ang mga ito ang magdesisyon para sa buhay nila? Pero hahayaan ba ni Crescent ang
babaeng pinakamamahal niya?
Kahinaan. Ang pag-ibig ang sumira kay Crescent. Noon, walang bahid kahit kaunting
pagmamahal si Crescent. Malupit, mapangwasak, mapang-uyam, isang larawan ng
kalakasan at kapangyarihan. Ngunit nagkamali siya ng umibig, malakas man siya
nagkaroon siya ng damdamin, poprotektahan, pagsasakripisyuhan at naging dahilan ng
kahinaan niya. Dahil doon, nakita ng Superiors ang kahinaan ni Crescent. Dahil si
Crescent ay isang immortal, hindi kakayanin ng tatlong superiors ang pagbibigay sa
kanya ng hatol gamit ang mga anak niya. Kaya naman ng talikuran si Crescent ng
dalawa pang Superiors na dating kabalikat niya, doon na rin siya nahawakan ng mga
ito sa leeg. Bilang Pitong Diyos, kapag apat o higit pa sa kanila ang sumang-ayon
doon lang nagkakabisa ang pagsusumpa nila at dahil apat laban sa tatlo ang laban
naibaba ang sumpa sa mga anak niya.
Wala akong alam sa kanila. Kusa lamang iyon pumasok sa isipan ko. Pito sila, may
dalawa pang sumusupota kay Crescent. Kung sakaling talikuran siya ng dalawa pang
tumataya sa kanyang pagtatagumpay sa sumpang nagaganap, baka mas masakit ang abutin
niya at baka maging ang asawa niya at ang bagong silang na anak ay madamay na sa
nagaganap na mapait na kapalaran niya.
Bakit siya kinamumuhian? Dahil kakaiba siya. Ibang-iba siya. Bakit nanatili siyang
buo? Hindi nila alam kung gusto nila siyang kainin, si Crescent ang pinaka-
paborito, pinakamasarap na pagkaing nakakatakam sa kanila.Pero iniisip nila palagi
na kapag kinain ng isa sa kanila si Crescent ay hindi na sila mapapasaya nito.
Ngunit alam ko na lahat sila ay nagnanais na namnamin ang kakaibang kaluluwa ni
Crescent na may kabanalan at kasalanan.
Kabanalan at Kasalanan. Hindi ko rin maunawaan kung bakit tinatawag nila siyang
mayroong banal na dugo sa kabila ng pagiging makasalanan niya. Malalaman ko lang
ang lahat ng ito kapag natapos na ang laro ng buhay nila. At hindi ko pababayaan si
Shin na mawasak, kaya sa labang ito si Shin at Crescent ang kailangang matirang
buhay.

**
CRESCENT
Habang minamasdan ko si Lyra na nahihimbing kasama si Chrysanta, hindi ko mapigilan
ang mapait na ngiti sa labi ko. Hindi ko sila kayang bigyan ng masaya at
pangkaraniwang buhay.

Hindi ako naging mahina. Pero kapag pinapasok na 'ko ng mga alalahanin ko, parang
nakakaramdam na 'ko ng panghihina, hindi ko pa rin alam kung paano ko sila
ililigtas maliban sa isang paraan.

Hinawakan ko ang maliit na kamay ni Chrysanta. Siya lang naman ang makakatulong sa
'kin, ang biyayang hiningi ko sa kabilang lahi ko. Binigay nga siya kasama ang mga
matang Althea, sana lang magamit niya 'to sa maayos na paraan. Ngunit natatagalan
ako sa paglaki niya, pakiramdam ko mabilis na magbubukas ang pintuan ng underground
ngayon. Malapit na ang ika-sampung pintuan, pero wala pa siya sa tamang gulang sa
mundong ito. Sampung taon dapat siya bago maging isang taga-pagligtas pero
dadalawang taon pa lamang siya sa pangkaraniwang mundo.
Habang tumatagal lalo lang bumibigat ang damdamin ko. Hindi ko man lang masabi kay
Lyra ang sitwasyon, natatakot akong iwanan niya, mawala siya sa 'kin sa puntong ito
ngayon ko siya mas kailangan. Makita ko lang siya sa paligid ko, nabibigyan niya
'ko ng lakas na magpatuloy.

Ako ang tagapagligtas ni Shin. Mabuhay man o mawakasan ang buhay ko, mawawasak pa
rin ang damdamin ko dahil hindi ko sila nagawang iligtas tatlo. Tumayo na 'ko at
lumabas ng kuwarto, nagtungo ako sa pribadong kuwarto ko kung saan na hindi ako
pinupuntahan ni Lyra.

Alam ni Lyra na pribadong kuwarto ko 'to at binibigyan niya 'ko ng pribadong oras
para manatili dito, at masasabi ko na may mga nagbago na kay Lyra, alam na niya
kung kailan dapat siyang tumahimik at hindi na magtanong. Kung kaya ko lang sabihin
sa kanya ang lahat, kung kaya ko lang silang makuhang lahat .... Kung kaya ko lang.

Isa lang naman ang tanging paraan. Ang mamatay silang superiors at ang lahat ng
kumokontrol sa ilalim at Diyos ng kasamaan sa mortal na mundo. Pero hindi ko
kakayanin iyon, marami sila at malalakas kaya nga inilaan ko na lamang ang lakas ko
at pagsasalin ng kapangyarihan ko sa tatlong sandata para sa kanila. Kung silang
tatlo ang lalaban, may pag-asa pa siguro at hindi ko sigurado na mabubuhay silang
sabay kung sakaling mapaslang na ang Superiors. Pero iyon lang ang nakikita kong
paraan.

Mawasak man sila ang mahalaga hindi nila tinanggap ang kapalaran nila at mas
mabuting mamatay ng lumalaban at hindi nakatayo lang at naghihintay ng kamatayang
itinakda. Kahinaan, wala sa blood line ko ang salitang iyon. Lahat ng anak ko ay
espesyal, lahat sila ay anak namin ni Lyra anuman ang sabihin ng iba, husgahan man
nila ang pagiging magkaibang nilalang nila. Ipaglalaban ko na magkakaiba sila,
magkakaiba silang lumaki sa mundo kung saan sila nararapat, hindi na sila iisa at
pare-pareho na silang may buhay na hindi dapat malimitahan ng paghihiwa-hiwalay
nila bilang iisang nilalang.

Sakali man na wala ng paraan, hindi ko hahayaan na lahat sila maglaho. Kailangan
kong pumili, kahit isa man sa kanila makaligtas. Pero iyon ang Malabo sa lahat ng
desisyon ko dahil gagawin ko ang lahat para mabuhay silang tatlo.

Nagtungo ako sa terasa matapos kong ibuhos ang asul na likido sa kanilang mga
espada. Ako ang ama nila, mas nakikilala ko sila higit kaninuman. Sabihin pang
hindi mahaba ang mga pinagsamahan namin.

" Lyra, " tawag ko sa kanya ng makita ko siyang nagsasalin ng tea sa cup ko, hindi
siya umiinom ng tea kaya matagal siyang matunawan. Pero biro lang.

"Nagising ako na wala ka na, kaya naman alam ko na mag tsa-tsa'a ka na naman kaya
heto na, tadaaa!" Aniya sabay yakap sa 'kin kaya tinungo ko siya para halikan sa
noo.

"Wag mo na 'kong iiwanan ha, Crescent?" paghingi ni Lyra ng kasiguraduhan sa 'kin.


Kahit kailan hindi ko siya ginustong iwan, kahit kailan hindi ko siya ginustong
mawala sa paningin ko. Siya ang nagpausbong ng puso sa walang halagang buhay ko, at
siya rin ang naging dahilan ng takot ko, at masaya ako na naramdaman kong matakot
ng makilala ko siya. Simula ng katakutan kong mawala siya sa 'kin noon, nalaman ko
na agad na siya ang gusto kong maging natatanging babaeng mamahalin ko.
Walang naging pinakamagandang babae sa paningin ko maliban sa kanya. Siya lang ang
nagbigay sa 'kin ng dahilan para ngumiti ng totoo, siya ang rason at pinagmulan ng
lahat bakit ginusto kong magsimula ng panibagong buhay kasama siya. Alam ko na
hindi na mabubura niyong ang mga kasalanan ko, kaya gusto ko ng ibang mundo para sa
kanya at mga anak namin.
" Ikaw ang rason kung bakit hindi ko magawang lisanin ang mundong 'to, ikaw ang
dahilan bakit lumalaban ako, hangga't nandiyan ka sa tabi ko, hangga't hindi mo 'ko
iniiwan Lyra gagawin ko ang lahat para mabuhay, pakiusap, 'wag mo 'kong iiwan
Lyra," Kahit kailan hindi ako nakiusap, kahit na pinahihirapan ako ng labis hindi
ako nakiusap na tigilan na nila 'ko, kahit kailan hindi ko hiningi ang awa ng iba
maliban kay Lyra sa pagkakataong ito, siya lang ang katinuan ko.

Totoong hindi ko kayang tumayo at mabuhay ng wala si Lyra, ang babae nga siguro
talaga ang kahinaan ng isang lalaki. Pinakamasakit na hindi ka magustuhan ng sarili
mong ina, sila ang mag-aalaga sa'yo sakaling masugatan ka, masaktan dahil mas
madali silang kausap. Kaya nga nagpapasalamat ako na mabilis natanggap ni Lyra na
tatlo ang anak namin, magiging mabuti siyang Ina.

" You're the brightest star I've known Crescent, okay Moon na! " Natatawang sabi
niya bago ako kinabig sa batok at dinampian ng halik sa labi. " Ewan ko ba anong
meron sa pangalan mo, isa 'yan sa pinakaminahal ko. You're so unique, ikaw pa lang
ang nakilala kong may ganyang pangalan honey ko, ako may mga kapangalan na 'kong
nakilala," ani Lyra na ikinangiti ko.

" But you're the most perfect woman among those Lyra, " sabi ko kaya nangiti siya
lalo. Wala na, kinikilig na naman siya at alam ko na ang susunod.

"Tara sa Bed! Sa kabila, bibigyan kita ng masarap na gift," aniya sabay hagikgik.
Hindi naman niya iniiwan si Chrysanta mag-isa dahil tinatawag niya si Tomo si Leo
kapag aalis siya.

" Lyra, ilang kuwarto ba ang balak nating sirain?" Tanong ko nang nakangiti.
Nahihilig siya sa Super ability namin, gusto niya palaging ganoon. Naapektuhan ang
isipan kong walang bahid ng kamunduhan.

" Umm, ayusin ko na lang, tara na dali, ikaw kunwari ka pa! Gusto mo rin naman,
remember you said please gabi-gabi!" Ayan na naman siya sa pang-asar sa 'kin kaya
kinutusan ko na, dadaldal pa.

"Namumula si Honey ko, halika na, namimiss ko na ang pag-please mo para lang.... "
inangkin ko ang labi niya, dadaldal pa baka matunaw ako sa kahihiyan. Tss.

READ. VOTE and Comment!


Napaaga lang, *u* So is this chapter helpful para medyo malinawan na kayo? :) Sana
kahit paano may nasolved ng puzzle sa mga katanungan n'yo. Comment kayo, para naman
ganahan ako ditey haha! <3
#MisaCrayola
FB: Jobelle Rivera(MisaCrayola)
Group: MisaCrayola
TF 23: Seventh's Blade

DEDICATED sa'yo, maraming-maraming salamat sa pagbabasa ng TF mula pa sa RBW'S


Lovelots. :)

So, please, vote and comment, doon kasi nagbabase kung ano ang iuupdate ko. Five
stories ang on-going ko kaya naman nakadepende rin sa mga kamay ninyo ang bilis ng
update ng bawat chapter, medyo busy rin ako so isa lang ang natatapos ko in two
days kasi saglitan lang ako mag type sa dami ng lesson plans.

TORMENTED FATE
CHAPTER 23

CRESCENTINE
" Keep your enemy closer," sagot ko kay Crestia. Kamukha ko siya. Pero alam kong
impostor si Shin at kung sino pang lalabas na may katulad kong mukha. Pumayag akong
makigrupo kay Shin kasama si Jasmine, somehow, I want her to be closer, palaging
hinahanap ng paningin ko ang presensiya niya, kung nakaligtas ba siya, kaya kapag
nakita ko siya lahat ng negatibong pakiramdam ko nahuhugasan ng kapayapaan.
"Kahit siya siguro may tanong tungkol sa katauhan niya, mas mabuti na tayo ang
matira sa huli, mas kailangan nating lahat ng kaliwanagan," sagot ni Crestia. Ano
bang tanong ko? Bakit may mga umaako rin na iba bilang anak niya? Alam kong ako ang
totoo at hindi ko na gustuhing aksayahin ang oras ko para lang sa kanila, para lang
alamin bakit magkakamukha kami o ano pa.
Gusto ko lang bigyan ng maayos na libing si Papa. Sa maayos, malawak at magandang
lugar. Maybe, iyon rin ang kailangan ni Ina para hindi na siya manatili sa sakit ng
nakaraan. But there's a little hope, na kung may paraan pa ba para maibalik ko
siya, nagsisisi pa rin ako na hindi ko siya nagawang iligtas noon, nagsisisi ako na
nabigla siya ng makita ako na parang sinasabi na bakit ngayon lang kami nagkita.
Nang isilang ako wala akong kinamulatang ina. May nag-aalaga sa 'kin, mula sa isang
lugar na hindi natatanawan ng liwanag, mag-asawa sila at gusto nila 'kong iligtas
sa kamay ng mga humahabol sa 'kin at hindi ko maintindihan bakit kailangan kong
tumakbo ng paulit-ulit.. Tila ba naka-programa na sa isipan ko na hanapin si papa,
kailangan ko si papa, dapat makita ko siya.
Ilang beses kaming nagpalipat-lipat, maraming daungan akong tinayuan para lamang
hintayin na dumating si papa pero madalas nabibigo ako. Sabi nila, may banal akong
dugo, pero bakit sa tuwina nakikita ko ang mga palad ko na puno ng dugo? Pilit kong
hinuhugasan ang mga dugong 'yon kahit wala naman talaga ang sabi nila, pero sa
paningin ko dumadaloy at tumutulo ang dugo sa mga palad ko. May pagkakataon rin na
naghuhukay ako, nakakairnig ako ng mga salitang bubuo ng kastilyo, kailangan ng
malaking hukay, na sila ang piliin ko. Sa totoo lang, I have my angels and Demons,
totoong nakakarinig ako ng mga bulong. Ang pagdurugo ng mga kamay ko,
nangangahulugan na nabuhay akong anak ni Crescent at mamatay akong anak ni
Crescent, ang mga dugong iyon ay panahon kung saan dumadaing sa labis na sakit si
papa. Kaya simula ng malaman ko iyon sa isang babaylan nagsimula na 'kong mangamba,
matakot sa tuwing may lalabas na dugo sa mga palad ko. Tumigil iyon ng mamatay si
papa sa mismong harapan ko.
Kung ano si papa, iyon rin ako. Hindi ko kailangang mamili sa lahing meron ako,
dahil kung nasaan siya, naroon rin ako. I respect him, siya ang tinitingala ko,
walang kahit na anong bagay ang makakapagpatalikod sa 'kin sa kanya. Nabuhay ako
dahil sa kanya.
"Crescent, ang batang 'yan ay wala ng pag-asang mabuhay!" Nakapikit ng mariin ang
mga mata ko. Hindi ko maigalaw ang mga maliliit ko pa noong kamay, pero nakaririnig
ako, nakakaramdam pero kahit kaunting pag -galaw hindi ko magawa. BUhay ang isip
ko, ngunit patay ang katawan ko.

" Kailangan namin siya! Bakit siya mamamatay! Anak namin siya, bakit hindi na lang
ako, bakit kailangan nilang idamay ang anak ko!" Anak, anak niya 'ko. Narinig ko,
nanginginig ang boses niya senyales ng pag-iyak. Kung maigagalaw ko lang kahit
isang daliri ko para sabihin sa kanya na kakayanin ko lahat ng apg eeksperimento
para mabuhay, para hindi na siya umiyak, para hindi na siya masaktan pa.
"Crescent, isuko mo na siya, pagpahingahin mo na ang katawan ng bata. Kung
nakakapagsalita lang siya alam ko na hihilingin na lang rin niyang mamatay dahil sa
paghihirap na tinatamasa ng katawan niya," wika ng isang babae na kanina pa niya
kausap.
Kung nakakapagsalita ako, sasabihin ko na kakayanin ko pa, para mabuhay, lahat ng
sakit titikisin ko mamulatan ko lang siya na umiiyak at nasasaktan sa 'kin, siya
ang unang pagmamahal na natuklasan ko. Palagi niya 'kong kinakausap na nauuwi sa
pag-iyak niya may pinagsisihan siya. At nang tuluyan niya 'kong isuko....
" Magpahinga ka na, lalayuan ko na rin ang mama mo, " puno ng sakit na wika niya
bago may ilagay na kuwintas sa 'kin. Gusto ko siyang habulin, gusto kong sabihin na
hindi ko kailangan magpahinga, kakayanin ko pa, bakit niya lalayuan si mama? Dahil
ba sa 'kin? Palagi niya sinasabing hinihintay ako ni mama 'di ba? Bakit niya ako
iniiwanan?
Naigalaw ko ang isang daliri ko, pero hindi na niya 'yon nakita. Dahil tumaikod na
siya at umalis. Naramdaman ko ang pagkuha sa 'kin ng dalawang kamay, mas maliit,
mas manipis, kumpara sa braso ni papa na kahit yata isang kamay kaya akong buhatin.
Kastilyo. Ipaggagawa ko ng kastilyo si mama, kasama ang puntod ni papa. Iyon ang
laging pumapasok sa isipan ko. Pero Ina ang ipinapatawag ni Rozen sa kanya pero
siya ang aking ina, naniniwala ako sa bagay na 'yon. At madalas niyang hinahanap si
papa, hinihintay, at kahit na nasasaktan siya nananatili siyang matibay.
Hinawakan ko ang kwintas ko, naging dalawa na sila, ang isa ay mula pa rin sa kanya
na ipinabibigay raw ni papa. Isang crystal pendulum, ito ang dahilan bakit may
piping dalangin ako na sana nga buhay siya -
Kulay pilak ang pakpak ko bilang totoong anyong pandigma nito. Ngunit maari itong
maging itim oras na lamunin ako ng isa kong katauhan, ang lahi ni papa oras na
madaig nito ang pagiging anghel ko. At wala akong pakialam, kahit saan, kahit anong
mangyari sasamahan ko siya. Walang kahit anong pagkamuhi akong mararamdaman para sa
kanya, nasaktan lang ako ng pagbalik ko may iba na siyang kinikilalang anak, ako
dapat 'yon at hindi siya.
Wala akong lugar sa mundo ni Inang Rozen, dahil ang mundo ko ay narito, kung saan
ang mga at tinapakan ni papa ang tatapakan ko rin. Kahit kailan hindi ko pagsisihan
na siya ang naging ama ko. Naririnig ko noon na kung maaring ang buhay niya ang
kapalit, mailigtas lang ako, gagawin niya. At naririnig ko rin ang mga salita niya
noon sa boses na madalas niyang kausap na nagdesisyon siyang makipagkasundo,
kapalit ng pagkabuhay ko, pero paulit-ulit na sinasabi ng babae na nililinlang lang
siya ng mga kasundo niya at balak lang ng mga itong maangkin ang kaluluwa ni papa.
Pero hindi iyon naging hadlang para subukan niya, para pilitin niyang gawin ang
lahat kahit siguro mahirap at sobrang bagsak na ng pakiramdam niya, namumuhi ako
kay mama, siya dapat ang karamay ni papa pero bakit ang naririnig ko kay papa
parang galit na galit lang ito sa kanya? Kaya nga minsan si Ina ang sinisisi ko,
pero kapag nakikita ko naman na nagdurusa siya, hindi ko magawang tuluyang magalit
sa kanya, mahal niya si papa.
"May iniisip ka na naman?" si Crestia na nakita ko sa repleksyon ng glass wall.
Patuloy ang pagbagsak ng yebe, may kanya-kanya kaming kuwarto ngayon. Kadarating
niya lang at hinihintay ko ang sasabihin niya tungkol sa pagpunta niya kay Shin at
Jasmine kung pumayag baa ng mga ito na maging kagrupo niya.
"Tatlong beses niya 'kong natawag na Kana simula ng magkita kami, pero pumayag
naman siya, siya lang naman ang nakausap ko. Sinabi ko naman na maaring sa palapag
lang naman na 'to tayo magkakampi, walang string attach gano'n," malungkot na saad
niya kaya nilingon ko siya. " Sabi ko magkamukha kayo, my gusto ka ring malaman
bakit ganoon, sabi niya siya lang ang anak .... Hindi na 'ko nakipagtalo, " ngiwi
ni Crestia.
"Do you like him?"
" HA? Grabe ka! Hindi no! " Mabilis niyang sagot tss.
" Bakit siya ang pinili mo? Bakit sila? Kalaban ko siya, at mas lalong impostor
siya, wala naman kailangang malaman dahil alam ko ang totoo. Natatakot ka bang
makalaban natin sila at masaktan?" Tanong ko sa kanya.
" Edi wag na! Dami mo sinasabi!" Irap niya sa 'kin sabay halukipip.
She's in that group too, Jasmine. Tss. So if it wasn't for her, I'll never team-up
with that Impostor.
"Defensive, " asar ko sa kanya.
"Tumigil ka! Pati last na tayo no! Lahat may group na, speaking of it, 'di ba dapat
may anim na members? May Solo kasing lalaban, nakita ko sa list na siya ang unang-
unang nagpa-list. He only used S.S. as code name.Napansin ko 'yung isang lalaki na
palaging nakahood at mag-isa pero bihira ko nga siyang makita kapag labanan,
malakas ang kutob ko na siya 'yon kagaya ng malakas na aura niya, kulay pulang
halos nagliliyab," ani Crestia, noon lang sa arena ko napansin ang lalaking 'yon.
Tama si Crestia, bihira ko rin siyang makita, para ngang nawawala siya na parang
bula at tuwing magbubukas lang ang panibagong stage siya nagpapakita, I never saw
his face, mukha naman lalaki siya.
"May laban na mamaya, manood tayo," Pambabalewala ko sa sinabi niya, that man,
siguradong nagtatago siya pag may laban, suwerte lang siyang nakarating dito. Pero
it will be his last stage, ang tikas naman niya para mag-isa.
"Yep, at dahil nasa unang list ang soloist na 'yon siya ang mauuna, at kapag nanalo
sa laban mauuna na sa next stage na dito pa rin raw sa arena mangyayari, tingin ko
nga dito na rin magaganap hanggang ika-sampung stage,"
**
"Master Seventh!" Mabilis na sumunod si Tamtam kay Seventh patungo sa pintuan na
patungo sa malaking arena. Ang unang kalaban nito ay ang Magnifica, ang mga babaeng
lumilipad na magkakasama talagang pumasok sa loob ng Abyss.
Kinuha ni Seventh si Tamtam at inilagay sa loob ng bulsa ng hood jacket niya. "
Hinihintay na 'ko ni Lucylle, " bulong ni Seventh.
Pagpasok sa Arena napakalakas agad ng ingay. May barrier na para hindi sagaran sa
mga manonood. Nakaupo sa pinakagitna at tuktok ang limang lalaking naka suit and
tie sa anyong tao at nakamaskara. Ang limang superiors, may dalawa pang upuan na
hindi nauupuan.
Nagbobotohan ang mga ito sa mananalo. Pero Malaki ang pagkabigla nang mga naroon na
wala nang ibang kasama si Seventh.
" Kaya ko na siyang magisa. Isang babaeng may mahaba at asul na buhok ang tumuntong
para kalabanin si Seventh. Tatlo sa mga ito ang dapat mapaslang niya bago siya
Manalo.
" Magsabay-sabay na kayo, ayokong nasasayang ang oras ko, " insulto niya sa mga
babae na matalim agad ang mga tingin sa kanya. Umakyat nga ang lima, walang
rule,depende sa usapan ng players, ang mahalaga tatlo ang mapabagsak bago ideklara
ang pagkapanalo ng isang grupo.
Wala siyang pakialam sa mga nasa paligid niya. Isa lang ang nararapat, makalabas
siya para sa kaarawan ni Lucylle. Kaya niyang umalis-alis sa lugar na 'yon, isa
iyon sa dahilan kung bakit minsan nawawala siya. Ang iba naman sa panahon na
nawawala siya ay nagpapahinga lang siya sa kung saan-saan.
Pinalibutan siya ng lima na nagsimula ng magliparan. Tinanggal niya ang hood niya
at alam niya kung sino ang tatamaan ng mata niya at mapang-uyam na ngiti si Shin,
nanonood ito at kita niya ang pagkabigla sa mukha nito. Napakasarap na reaksyon sa
kanyang kinamumuhian. Si Crescentine na nasa ibang direksyon ay nabigla pa rin
samantalang nagkita na sila nito, ano bang nakakagulat sa mukha niya?
Nasa tuktok niya ang mga babae at tila gumagawa ng hugis bituin gamit ang
kapangyarihan ng lima. Ang mga ito ang tumatayo sa bawat sulok ng bituin.
"Gusto nilang ipaktia agad sa mga kalaban nila ang kakayanan nilang mga babae. Para
katakutan ng mga ito, isa sa final blow nila ang pagbuo ng bituin na liliit ng liit
hanggat maikulong ang kalaban nilang pinalilibutan.
" IRON PENTAGRAM!" Sabay-sabay na sigaw ng mga babae para ikulong si Seventh na
tumingala at nangunot ang noo.
" Mukhang masakit 'yan, " aniya dahil nagliliyab ang bawat linya ng bituin.
Bumagsak iyon sa kanya. Sakto sa pinakagitna niyon na mabilis na humigpit at
humapit sa katawan niya. Masakit nga, mainit nga, pero wala naman silbi iyon sa
pinakamasakit na napagdaanan niya.
"Sumuko ka na!"
" Tama! Mayabang ka para mag-isa!"
" Mamatay ka na!"
SEVENTH
"Napakahihina n'yong lahat, nakakairita na kayong lahat sa paningin ko, " wika ko,
alam kong maririnig nilang lahat 'yon dahil sa speaker na umaalingawngaw sa lahat
ng panig. Kay Shin ako nakatingin dahil mahina siya, wala siyang kwenta at hindi ko
matanggap na siya ang pinili ni papa.
Kahit anong putak pa ang sabihin ng mga babaeng 'to wala akong pakialam sa kanila.
Ipapakita ko sa'yo Shin, kung anong hindi mo kayang gawin at kung gaano ka kahina.
"BURN!!!" Sigaw ng mga babae kasunod ng pagliliyab ko. Teka, hindi nila alam na
galing na 'ko sa impiyerno? Doon ako nabuhay. Pinagliyab ko pa nga ng husto para
,hanggang sa kanila umabot ang init na gusto nilang ipalasap sa 'kin.
"Bakit nadadamay tayo ng apoy natin!" Sigaw ng isang tanga. Apoy nila? Apoy ko
'yon.
Naiinip na ko kaya pinagliyab ko pa ng husto hanggang humagis silang lahat sa iba't
ibang parte ng arena. Lahat sila sumlpok sa barrier. "Tamtam, alam mong ayokong
nasasaktan ka, mahina lang naman sila," sabi ko kay Tamtam.
"Yehhey gagamitin na 'ko ni Master!"
"Be my Blade Tam!"
Mabilis naman na sumunod si Tamtam at lumabas sa bulsa ko. Pumunta siya sa harapan
ko at nabalutan ng pulang enerhiya, ang maliit at batang katawan niya ay naging
isang dalaga at mabilis na naglaho at nabalutan ng kasuotan ang katawan niya.
Nakalutang siya habang bumabagsak ang mahaba niyang buhok na hanggang talampakan.
She's the prettiest guardian of all.
Natahimik sila, namangha sila kay Tamtam. Pasikat din 'to, naiinis ako kapag
matagal siyang tinitignan. " Over-soul blade form three!" Wika ko bago naging isang
matalas na Espada si Tamtam. This is his third form kung saan nababalot siya ng
apoy, ayoko siyang nagagasgasan kaya ito ang paborito kong gamitin sa kanya.
Sumusugod na naman yung mga babae kaya mabilis kong iwinasiwas si Tamtam " Blazing
Slash!" Lahat ng apoy na bumabalot sa espada ko lumabas at naging mala-kidlat na
horizontal na tumamama sa limang babae na pinalilibutan ako. Blazing slash, is one
of the movement kung saan hindi ko kinakailangang gamitin si Tamtam bilang
panangga, panlaban, kundi para lang maglabas ng mala-kidlat na epekto ng apoy
kasunod ang pagliliyab ng mga tinamaan niyon. Naamoy ko ang nasusunog nilang laman.

"You're really great, Tam," ngiti ko sa kanya. Hindi siya magsasalita pag isa
siyang espada pero naririnig niya 'yon. Natalo na sila, wala pa yon sa lakas na
meron kami. " Go back, Tam, " sabi ko sa kanya kaya unti-unti na siyang naglaho sa
kamay ko naging isang dalaga na ulit siya having those expressive hazel eyes and
dimples. Nag peace sign siya sa 'kin sabay ngiti bago naglaho sa paningin ko,
maya-maya lang naramdaman ko na siya bilang maliit na nilalang sa bulsa ko.
She's my precious. I don't want anyone to hurt her, kaya hindi ko siya ginagamit sa
labanan. Blazing slash lang kung saan hindi ko siya kinakailangan idikit at dumihan
ng dugo. Nagtatampo na siya na hindi ko ginagamit kaya nga ginamit ko na sa mga
walang kuwenta.
Narinig ko ang hiyawan nila. Pagkabigla ang nakita ko sa mukha ni Shin at ng mga
kasama niya. Nginitian ko siya. I opened my mouth, muttering the word " Hihintayin
kita," sa kanya ako labis na namumuhi.
"Master call me your blade again please," sabi ni Tamtam ng nasa kuwarto na kami.
"Be my blade Tam, " sabi ko, iyon ang word para ma activate ang kapangyarihan niya
at maging isang dalaga siya. Matagal ko na siyang hindi nakikita sa ganitong anyo.
Her golden hair flows and bouncing, perfect nose, pink lips. Nginitian niya 'ko
habang nakatayo ako malapit sa bintana. She wear white look-like night gown. Ganyan
talaga suot niya pag 'yan ang anyo niya.
" I missed you," Mabilis siyang lumapit sa 'kin at niyakap ako. " Hindi ko nagagawa
'to kapag maliit ako, ilang minuto lang ang kaya kong itagal sa ganitong anyo,
hindi mo naman ako gagamitin 'di ba? Kaya hayaan mo na lang na maubos ang enerhiya
ko na nakayakap sa'yo," bulong niya, even her voice, nagbabago.
" Bakit ang drama mo?" Ngiti ko sa kanya ng bahagya ko siyang inilayo. Sinimangutan
niya 'ko kaya ako na ang yumakap sa kanya. It's true, I will never used her again,
nagtatampo lang siya kaya ko siya ginamit. Pero kaya ko naman patayin ang mga
babaeng 'yon without using her. She's not a thing to be used.
"Master, used me, I'm yours, I'll be with you until the end of time, I will never
betray you, ayos lang kahit masaktan ako, ayos lang Master basta gusto ko kasama
kang lumaban, if you will not calling me as your blade, hindi ko kayang magpalit
anyo," mahinang wika niya.
"Just stay with me, It will be enough, umiyak ka pa kapag nasaktan ka, baka kahit
sa impiyerno balikan ko yung nanakita sa'yo at patayin ko ng paulit-ulit, " sagot
ko ng nakangiti kaya tumingala siya at nginitian ako.

READ. VOTE. COMMENT! <3


FB: Jobelle Rivera(MisaCrayola)
Group: MisaCrayola

TF 24: Sacrificial daughter

TORMENTED FATE 24
SACRIFICIAL DAUGHTER

" Bumubukas na ang lagusan, " ani Light habang minamasdan ang paunti-unting ilaw na
nagmumula sa tila nahahating bughaw na kalangitan sa mismong ibabaw ng floating
fortress. Naroon sila sa labas sampu ng kasamahan ni Crescent noon. Ang mga
nananatiling matuwid na tagasunod ni Crescent at handang makpaglaban sa Abyss para
lamang iligtas sa kapahamakan si Shin.
" Kapag nagbukas ang Abyss, maari nang pumasok ang mga nagnanais. Ngunit ang
makalabas ang hindi natin masisiguro. Ngunit kailangan nating gawin ang lahat para
matunton si Crescent dahil ang Abyss ang lalamon sa mundong tinatapakan natin
ngayon," dugtong ni Light.
" Naniniwala ako sa kakayahan ng mga Pureblood, ang gusto ko lang malaman ay kung
bakit handang-handa sila sa pag gunaw ng daigdig. Para bang alam na agad nila ang
mangyayari simula nang mamatay si Crescent, " wika ni Aya na kasama rin sa mga
naroon. Plano nilang mag usap-usap.
**
Tyrant Superiors ( 7 Gods of the Underworld. Wala silang mortal na katawan katulad
ng Demon Master. Mas mataas silang higit sa Demon Master na si Lilac sa mortal na
mundo at Kairus ang totoong ngalan. Siya ang pinili nang limang Tyrant Superiors
na noon ay nasa panig ni Crescent. Sa ngayon dalawa na lamang ang natitira . )
"Bakit nanatili ka sa panig ni Crescent! Lima na kami dadalawa na lamang kayong
nagbibigay sa kanya ng basbas ng kailaliman. " Wika nang isa sa Tyrant Superior.
Agamenon Veluz.
"Bakit mo ba 'ko pinakikialamanan? Sa gusto ko pa rin si Crescent? " Natatawang
wika ng isang lalaking nagpupusod nang buhok sa harapan ng salamin. Kulay ginto ang
buhok niya samantalang ang kasuotan niya ay puting-puti. Nakaupo siya sa trono niya
habang hawak ng isang Furias na babae ang salamin na pinagsasalaminan niya. Nasa
tabi nito halos si Agamenon na malaki ang suporta kay Kairus o ang Demon Master.
" Matatalo siya, at alam natin ang diperensiya ng kapangyarihan ni Kairus sa kanya!
"
" Kayo na nga ang panalo, naipataw n'yo kay Crescent ang kamatayan. Naging Thanatos
ang supling niya, bakit kailangan pati ang pagkagiliw ko sa kanya ay alisin ninyo?"
Sumeryoso ang anyo nito. " Bakit hindi si Zandro ang kumbinsihin mo? " umarko ang
kilay ni Catalyst.
Napipi si Agamenon. Si Zandro ang isa pa sa nanatiling nakasuporta kay Crescent.
Hindi ito masalita at nakakapangilabot ang tingin nito at talaga naman wala itong
kasundo sa kanilang lahat.
" Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Zandro. Ngunit, subalit, datapwat
naniniwala ako na si Crescent ay higit na malakas kay Kairus, " ani Catalyst na
itinuloy na ang pagtitirintas sa buhok. Sa likod nang isipan niya ay naalala niya
ang mukha ni Crescent noong isilang ito. Isang sumpa ang pagkakaroon nito nang
pulang mata.
" Namumuhi ako sa kanya noon pa, hindi dapat kinagigiliwan ang tulad niya, iba siya
sa 'tin kaya nararapat lamang na talikuran natin siya! Hindi natin siya dapat
tinatanggap bilang isa sa parte nang salinlahi natin!" hirit pa ni Agamenon.
" Tumigil ka na, " Isang seryosong tingin ang ibinigay ni Catalyst dito. " Kung ano
ang desisyon ko hindi mo 'ko nararapat pangunahan at diktahan. Hindi ako
makikialam sa laban na nagaganap, mananatili lamang ako sa puwesto ko maging si
Zandro ay ganoon rin. Ngunit oras na makialam kayo sa laban ni Crescent at Kairus,
makikialam rin kami. " pinal na sabi ni Catalyst bago tumayo. Agad naman sumunod
ang tatlo pang Furias na bahagyang nakalutang sa lupa. Ang mga Furias ay mga
kababaihang may matapang na itsura at kulutang buhok, matatalas rin ang mga ngipin
at kuko.
" Ipadala mo kay Zandro ang liham ko," ani Catalyst makalipas ang ilang oras na
nakaalis na si Agamenon. Sila ay nasa ibang dimension o mundo. At may pitong
kaharian sa mundong iyon kung saan hindi nasisinagan nang sikat nang araw. Sila ang
7 tyrant superiors. Mga Diyos sila nang Underworld, nagpaparusa at nagbibigay nang
takdang oras sa mga kalahi nila.
Sumunod naman ang furias na lumipad palabas nang malaking bintana patungo sa
pinakadulong kaharian. Ang kaharian ni Zandro. Naabutan niya sa ibaba ang kaharian
ang mga nagdurusang katawan nang makasalanan. Mga hiyaw at paghingi nang tulong sa
tila malaking pool na puno ng dugo at nagliliyab na apoy. Si Zandro ang
tagapagparusa. Si Catalyst ang taga-sala, kumbaga ito ang nagdedesisyon kung
nararapat bang pahirapan pa o hindi na ang mga kaluluwa ng mga nilalang na
makasalanan.
Nakarating ang nautusang Furias kay Zandro na abala naman sa paghigop nang tea sa
kanya tasa. Mahaba ang itim at makinang na buhok nito. Kung si Catalyst a may mala-
anghel na mukha si Vertigo ay hindi kababakasan nang kabaitan ngunit talaga namang
nangingibabaw rin ang taglay na kakisigan nito.
Hindi nagsasalita ang mga Furias kaya naman agad na inilapag nang babae ang liham
na dinampot ni Zandro at binasa. Nang tumango siya ay agad nang umalis ang furias.
Nagtungo siya sa loob ng kuwarto niya at nangiti nang makita ang naglalarong
sanggol.
" Iwan mo muna siya, " ani Zandro sa lalaking may pilak na buhok.
" Hahanapin siya ni Lyra," matigas ang anyo ni Crescent.
" Kung pinalabas mo na lang na namatay siya, " ani Zandro na naupo sa kama at
hinawakan ang buhok ni Chrysanta kasunod nang ngiti. " Ako ang nagbasbas para
isilang siya, ako ang nagnais na sa lahi mo siya ipanganak, ako ang humingi nang
anak na babae mula sa 'yo kaya naman wala kang kahit na anong karapatan sa kanya.
Kapalit nang pananatili nang tatlong anak mo sa mundo ng mga mortal at pangakong
tutulungan ko sila, ang anak mo ang kapalit nang lahat-lahat. " ani Zandro. " Siya
ang tagapagmana ko, tama ba Chrysanta?" ani Zandro na ikinatiim-bagang ni Crescent.
" Aalis na kami, " kinuha na ni Crescent si Chrysanta.
" Hindi pa siya isinisilang ibinenta mo na siya, Crescent. Para sa kaligtasan nang
tatlo mong anak ibenenta mo na sa 'kin ang batang 'yan, akin na siya, bawat
paghinga niya ay para sa 'kin at hindi para sa inyo," ani Zandro na ngumisi bago
naglaho sa harapan niya ang nanlilisik na mga mata ni Crescent.
Ang mga mata ni Chrysanta ay nagkakaroon nang kakaibang hugis nang pentagrama.
Nangangahulugan na may marka na ito ni Zandro. Kaya niyang patayin sa isang kisap-
mata ang batang babae. Kailangan niyang maglahi sa mundo at gagamitin niya si
Chrysanta, ang lahing magiging pinakamalakas. Matagal na niyang ninanais na
mapamunuan ang mortal na mundo, ang mundo ng mga anghel at ang sangkalawakan ng
impiyerno.
" Pinatatagal pa niya sa kamay niya ang bata, mas masakit lang kung may nabubuo na
silang pagmamahal kay Chrysanta, " wika nang isang boses nang babae na nabungaran
ni Zandro sa labas ng kuwarto.
" Kahit nasaan si Chrysanta malalaman ko, dahil bawat paghinga niya ay naririnig
ko," ani Zandro na nagkaroon nang pulang pentagrama ang kulay abong mga mata.
" Kung mabubuhay pa siya," sa isip-isip ni Alvira. Mabuti na lamang at ibang Diyos
ang may kakayahang makabasa nang isipan niya dahil baka pinapatay na siya ngayon pa
lamang ni Zandro. Pagpaparusa at walang awa ang pagkakakilala nang lahat kay
Zandro.
Naaliw si ALvirang titigan ang mahabang buhok nang binata na kaunti na lamang ay
aabutin na ang talampakan nito. Si Zandro ang isa sa patunay na may perpektong anyo
ang Diyos na katulad nito.
**
"May problema ba Crescent?" nilapitan ni Lyra ang asawa na nakatayo lang malapit sa
bintanang bahagyang bukas.
" Bakit gising ka pa?" Masuyo ngunit kababahiran nang lungkot ang boses ni Crescent
na hindi nakaligtas sa pandinig ni Lyra. Inaya niya si Crescent na maupo sa gilid
ng kama sa tabi niya na ginawa naman nito.Nasa kabilang kuwarto si Chrysanta at
binabantayan ni Leo at Tomo.
Bahagya siang nabigla nang yakapin siya ni Crescent. Ipinatong nito ang ulo sa
balikat niya. Pakiwari ni Lyra may malaki itong problema at naiisip pa lamang niya
na mahirap ang dinadala nito ay nanunubig na agad ang mata niya.
" Crescent! 'Wag kang iiyak! Hindi ako sanay!" Umiiyak nang sabi ni Lyra. Niyakap
niya 'to nang masmahigpit. " Basta kahit anong pagdaanan nating dalawa, mananatili
ako sa tabi mo, hinding-hindi kita iiwanan. Kaya 'wag mong iisipin na nag-iisa ka,
'wag mo ring pababayaan ang sarili mo, paano na kami nang mga anak mo? Mahal na
mahal kita, peksman!" pinipilit pasayahin ni Lyra ang boses niya.
" Paano na 'ko kung wala ka," ang seryoso nang pagkakabitiw ni Crescent nang mga
salitang 'yon bago lumayo sa kanya at titigan siya. Pinahid ni Crescent nang likod
ng palad ang luhang umagos sa mga mata ni Lyra.
" Nakilala kita na malakas, hindi nagkakaproblema kung meron man kaya mo na mag-
isa. Ngayon nalulungkot ka na, pakiramdam ko tuloy malaki ang problema mo, hindi
man lang ba kita matutulungan?" ani Lyra na hinaplos ang mukha ni Crescent.
"Yung manatili ka sa tabi ko, kahit anong mangyari, iyon ang kailangan ko. Hindi ko
naman kakayanin lahat ng 'to kapag ikaw 'yung nawala sa 'kin. Ikaw ang liwanag ko
Lyra, kung mawawala ka, hindi na 'ko makapag-iisip pa nang kahit na anong matino,"
sagot ni Crescent na ikina-agos pa lalo nang luha ni Lyra.
"Mahal na mahal kita Crescent," ngumiti na si Lyra.
" Ikaw ang buhay ko Lyra," sagot ni Crescent bago naglapat ang mga labi nila.
Samantalang sa lugar ng Abyss nag-uusap na si Shin at Crestia para sa pag-iisa nang
grupo nila. Bagama't malaking pagkalito ang nararamdaman ni Shin, hindi niya rin
maunawaan at masagot ang dahilan bakit pare-pareho sila nang mukha at nag-aangkin
ng pangalan. Paano nga kung magkapatid sila? Pero possible ba 'yon? Paano naman
sila magkakalayo? Kailangan niyang tanggapin ang pakikigrupo nang mga ito para
pare-pareho silang magkaliwanagan. Kung sakali man na hindi anak ni Crescent ang
dalawa sa kanilang tatlo. Nasisiguro ni Shin na siya ang tunay na anak dahil
inaruga siya ni Crescent at kinilalang anak nito hanggang sa magwakas ang buhay
nito.

READ. VOTE. COMMENT!


Sorry natagalan naging busy dahil graduating! :) Malapit na naman ang vacation
March 18 so bibilis rin ang takbo ng mga updates ko, pakiunawa na lang muna
salamat!
ADD ME: Jobelle Rivera ( MisaCrayola)
FB group: MisaCrayola

TF 25: Potion

TORMENTED FATE
" POTION "

"Papa, kamusta ka na ba?" Inilahad ni Shin ang kamay niya. Bumabagsak ang mga yebe.
" Kailangan kita, nasisiraan na yata ako, palagi kong naririnig ang mga bilin mo.
Pero hindi ko maiwasang magtanong. Paano ko nagkaroon ng mga kamukha? Paano na
naging tatlo kami? Ako lang hindi ba? Alam mo naman na ayoko ng may kahati, isang
beses lang akong pumayag, papa. Ako lang ang anak mo, " Maraming yebe sa paligid.
Kung iisa-isahin niya ang nangyari. Biglaan silang nakalabas sa Abyss, nagising
sila sa sari-sariling bahay at agad siyang tinawagan ni Jasmine kung panaginip lang
daw ba ang lahat ng 'yon. HINDI dahil naroon pa rin sa balikat niya ang sugat na
nilikha ng biglaang pagsugod ng mga asong lobong kulay itim at pula ang nanlilisik
na mga mata. Ang kaibahan ng mga ito ay mayroong mga pakpak.
Ngunit nang makagat siya sa braso ay agad nagkaroon ng liwanag na sumilaw
sa kanya kasunod na niyon ang pagbangon niya sa sariling kama sa Rainsworth
Mansion. Wala ang kanyang ina, marahil nasa sacred Island ito. Ngayon ay umuulan ng
yebe, at sa tuwing may nyebe parang ipinaalala nito palagi ang ama. Si Crescent,
bakit ba napakahirap nitong abutin?
"Gusto mo bang mas maging malakas? Higit sa lahat? "
Boses na 'yon ang pumutol sa pag-alala ni Shin sa kanyang nakaraan. Lumingon siya
sa likuran niya at nakita niya ang isang lalaking naka-itim na raincoat at
nakatungo. Agaw pansin ang suot nitong trianggulong kuwintas na tila rubix cube.
Tatanungin niya sana ito kung sino ito pero pagbuka ng bibig niya naglaho na ito
kasabay ng malakas na hampas ng hangin.
"Shin, nandito ka lang pala," nginitian siya ni Jasmine na tinatangay ng
hangin ang buhok. " Ipinagdala kita ng cookies, si mama ang may gawa nito. Ako na
rin ang mag timpla ng tea, " anito na nakangiti.
" Bakit pumunta ka pa dito?" Tanong niya habang nilalapitan ito. Sabay
silang pumasok sa mansion ng mga Rainsworth.
" Gusto ko kasing pag-usapan natin 'yung nangyari, naguguluhan ako. Abala
rin si daddy kaya hindi pa niya alam na nakabalik na 'ko. Akalain mo bang may New
World na silang ilulunsad?" ani Jasmine na inilapag sa glass table ng kitchen ang
hawak na basket. " Wala bang ibang nilalang dito ngayon?" takang tanong ni Jasmine.
"Naabutan ko rin na wala sila dito. Baka may pinuntahan," sagot ni Shin.
"May pinuntahan? Maids and Butlers kasama? " Napapataas ang kilay na
tanong ni Jasmine bago nagsimulang humanap sa mataas na bahagi na pa cabinet ng
gagamitin sa kanilang tea ni Shin.
"Anong sinasabi mo about new world?" Inabot ni Shin ang maliit na
disenyadong takure kay Jasmine dahil tumitingkayad pa ito maabot lang ang
babasaging gamit.
" Maglulunsad sila daddy. Doon, wala ng kakaiba tulad natin, mga pure
humans na lang. Ngayon kasi nanganganib na ang mga tao, mukhang nauubos na talaga
sila. Kaya ang New world ay para sa kanila na. " ani Jasmine.
"Imposible, paniguradong nandoon kayong mga vampires,"
"Yep, actually pinagbabalakan rin kasi ng mga Nightray Clan na doon
manirahan. Matagal na silang nakikipanirahan sa mga tao at iyon ata ang hindi
mawawala sa kanila, " sagot ni Jasmine na tapos ng gumawa ng tea at naupo sa tapat
ni Shin. Ang mga Nightray ang ikatlong pamilya ng mga pureblood.
" Werewolves, hindi ba kami kasama? " Sarkastikong tanong ni Shin. Hindi
naman nakakibo si Jasmine. Hindi niya naisip na maaring itanong iyon ni Shin. Lalo
pa't sa ngayon, napag-alaman niyang nagkakaroon na naman ng iringan ang Vampire
Senates sa Kastilyo ng mga Wolveus.
Hanggang sa makauwi si jasmine ay hindi niya magawang tignan si Shin. May
iba rito ngayon, hindi ito nang-aasar at masyadong seryoso at malayo ang tingin
nito na tila may bumabagabag dito. Si Seventh pa rin kaya?
Samantala si Shin ay nagtungo sa likurang bahagi ng bahay nila. Doon niya
natagpuan ang mga tanim na puting rosas ng kanyang Ina. Vampires never like roses.
But her mom loves them because it's his father favourite.
Kamusta na kaya ang mama niya? Ganoon pa rin ba ito? Hindi malimutan ang kanyang
ama? Umiiyak at gusto nang magwakas ang buhay?
Mapait ang pakiramdam na hinawakan niya ang rosas na pilit iyong
inihiwalay sa iba pang mga rosas kahit pa nagdugo ang mga kamay niya kasunod ng
pagpatak niyon sa paanan na puro yebe.
" Sabi mo,hindi maganda ang mundong ito, lilikha tayo ng para 'sa tin,
umalis tayo, magsimula. ... Pero nasa'n ka, iniwan mo kami, sinaktan, pinaasa.
Anong dahilan mo bakit mo kami iniwan!" Puno ng galit na wika niya kasabay ng
pagdiin ng kamay sa mga rosas ay ang pagbagsak ng mga luha niya.
" Tama na ang pagmumukmok mo diyan. Si Crescent ay nagbalik at buhay na,"

Boses ng babae naman ang nagpalingon sa kanya sa likuran niya. Si Aleissa Akariah.
Ang babaeng Misfortune na kakilala ng kanyang ama.
"Ano?" Nabiglang tanong niya.
"Narinig mo ang sinabi ko, bumalik na siya, sa katunayan kasama siya ni
Lyra," anito pa. " Nandito ako para sabihin sa'yo na kailangan mo ng matapos ang
misyon mo, ang makamit ng buo ang Abyss, ang mundo ng iyong ama na inaangkin ng iba
pa. " dugtong nito habang papalapit sa kanya.
" Hindi ka man maniwalang buhay siya, siguro maraming magpapatunay sa'yo
niyan oras na magtungo ka sa kastilyo ng mga Wolveus, Shin, gumising ka na, ito na
ang tamang panahon para gamitin mo ang lakas mo bilang Thanatos. Patayin mo ang
Eros dahil siya ang magiging mitsa ng kamatayan mo," puno ng katotohanan at apoy ng
damdamin ang boses at ekspresyon ng mga mata ni Aleissa.
Tulad ng sinabi nito mabilis siyang nagtungo sa lugar ng mga werewolves. Sa edad
niya hindi pa siya nakakapagpalit anyo bilang lobo katulad ng iba. Hindi niya
binibigyan ng malaking agam-agam ang sarili dahil ganito rin ang kanyang ama noon
ayon dito.
Hindi niya lubos maisip kung ano ang dapat maramdaman. Kailangan niyang makita ang
ama, kung totoong buhay ito, hahanapin siya nito. Kahit imposible gustong-gusto
niyang maniwalang nagbalik na ito. Nagbalik na si Crescent, nagbalik na ang papa
niya.
Dapat patungo sa kastilyo ang tungo niya. Ngunit nang maalala ang Kastilyo ng mga
yebe doon niya naisip na naroon ang mga ito, naghihintay sa kanya.
"SHIN!" Isang malakas na hangin ang nakapagpatalsik sa kanya at nagpasadsad sa
malaking batuhan na agad nabasag.
" Hindi ka alerto, " ani Neo na itinapak ang paa sa lupa at kusang naglaho ang itim
na pakpak.
Pinunasan naman ni Shin ang gilid ng labi at tumayo ng marahan bago tinignan si
Neo. " Wala akong oras, kailangan kong puntahan si papa, " inis na wika ni Shin.
" Si Crescent? Pupuntahan mo? Kung ako sa'yo gawin mo muna ang ninanais niya bago
mo siya harapin. Malakas ka, pero may kakayanan ka bang talunin si Seventh?" tanong
nito sabay labas ng espada na biglaan lang na lumabas sa kamay nito.
Hindi umimik si Shin. Tinignan niya lang 'to ng walang buhay. " Ako, kaya ba niyang
talunin?" ngisi ang isinunod niya na tila nagpabago ng hangin. Nanibago si Neo sa
Shin na nasa harapan niya. Sa isang pangungusap lamang, nakaramdam siya ng kakaiba.
"Ako, Si Shin Crescentine Wolveus, nag-iisa, natatangi at dugo't laman na mula kay
Crescent, " anito kasabay ng pag ngiti. " Kung may makakamana man ng lakas niya,
ako 'yon, tapos na ang paghihintay ko ng tamang panahon, " tumalim ang tingin ni
Shin. Lumakas ang hangin sa paligid nito at bumuo ng malaking ipo-ipo na tila
nasasaluhan ng nanlilisik na apoy.
Iniangat niya ang palad at tinitigan kasunod ng nakakalokong pagngiti. "
Salamat,sa pagtuturo mo nakamit kong muli 'to, " aniya kay Neo na hindi masukat ang
kapangyarihan ni Shin.
**
" Nauubos na ang produksyon ng blood tablet, lumalakas ang virus na kumakalat sa
mga mababang vampires, kapag nagpatuloy kailangan nating kitlin ang buhay nila,"
wika ng babaeng heneral na Bampira kay Vlad na nakaupo lang swivel chair nito at
minamasdan ang babasaging pulang bato na nasa ibabaw ng mesa nito.
Ang Blood stone na iyon na may hugis hourglass ay ang katunayan na naka-sealed pa
rin ang kapangyarihan ni Shin. Papalabas n asana ang sekretarya ng mabigla ito sa
tila pagsabog maging si Vlad nabigla sa pagkabasag ng batong pula na nagdikitan sa
iba't ibang direksyon ang bawat bubog niyon.
"Si Shin, nagbalik na," puno ng pagkabiglang wika ni Vlad na agad napatayo.
" Master Vlad,"
"Buksan mo ang tarangkahan ng sagradong pintuan! Iprepara ang Ablution, aabutin ng
ilang buwan bago mabuo iyon. Kailangang malaman ni Crescent na nagbalik na ang
kapangyarihan ni Shin! " Puno ng pangambang wika ni Vlad. Si Shin ang katapusan ng
mundo, si Shin ang kamatayan .... Ang sugo ng kamatayan. Kung ngayon pa lang
naibalik na nito ang kapangyarihan, kailangan ng buksan agad ang New World na hindi
pa ganoon kahanda para maging panibagong mundo.
Ablution ang kailangan para hindi tuluyang lamunin ng kadiliman si Shin. Kahit
hindi ito naging malapit sa kanya, itinuring niya' tong anak. Kaya nga dinala niya
'to sa Vampire's community at inalagaan dahil maraming magtatangkaang kitlin ang
buhay nito. Lalo pa't ito ang nahirang na Thanatos.
" Kung ibabase natin ang kalakasan niya noong bata siya, at ngayon pa na mas may
isip siya, nakakatakot, " ani Emerald nang nasa pulong sila ng Draven's Castle.
" Napabagsak niya ang floating fortress ni Neo, nakakasira siya at nakakapagpagalaw
ng mga bagay kahit hindi siya kumilos noon, isa siyang larawan ng inosente at
mapanganib na nilalang. Ano pang magagawa niya ngayon?" Wika ni Drifher.
**
" May posibilidad kayang makabalik tayo doon? Parang panaginip lang ang lahat,
gusto ko tuloy isipin na ilusyon lang natin si SS at Shin. Pero kahit anong isip ko
no'n, totoong-totoo talaga sila sa gunita ko," ani Crestia kay Crescentine na
nakasandal lang sa puno at bukas na naman ang dalawang unang butones nito.
Nakasaksak sa tenga nito ang isang headphone, hindi niya alam kung nakikinig ito.
" Hindi ko alam. Pero mas dama kong malapit na ang katapusan ng mundong ito," sagot
ni Crescentine na bagama't may headphone ay walang tugtog. " Every inch of this
place smells blood. " iminulat ni Crescentine ang mga mata. Maganda pa rin ang
huwad na Heaven's place ng mga anghel.
" Hindi 'yun mangyayari. Ang propesiya sa mundong ito ay Thanatos ang makakasira,
ang kailangan lang mapatay natin siya, iyon lang naman. Kaya 'hwag kang maging
negatibo, " inis na lumabi si Crestia.
" Hindi ako nag-iisip ng negatibo, iyon lang ang natatanaw ko, " Muling ipinikit ni
Crescentine ang sarili.
Ipinikit na lang rin ni Crestia ang mga mata at isinandal ang sarili sa puno.
" Pangit! Kasing pangit mo 'to!" Ipinakita ng isang batang may itim na buhok ang
drawing nito at ang pangit nga. Hindi niya alam kung paano siya nagkaroon ng
ganoong alaala.
Sa pagkakaalala niya nabuhay siya labing-walong taong gulang na agad.
Paano ba siya maniniwala sa mga ganoong pangitain? Iminulat niya ang mga mata, alam
niya ang kasunod niyon. Itatago niya sa isang box ang drawing nito at imbis na
magalit ay tuwang-tuwa siya sa pag guhit nito sa kanya. Nakakaramdam siya ng
pagkamiss dito. Kahit na hindi niya alam kung bakit.
Isang lugar kung saan puro salamin ang lugar. Malamig ang buong bahay at
nagyeyebe palagi ang labas sa tuwing naiimahe niya ang lugar ganoon lang palagi.
May ganoon bang lugar? Puro snowflakes, puro white as in, siyempre sa imagination
at panaginip niya lang 'yon makikita.
" Pupunta ako sa Black Market, doon marami akong malalaman na balita
tungkol sa nangyari sa Abysscentine," - Crescentine
"Bago ka magdesisyon, sumama ka muna sa 'kin, anak," boses iyon ni Rozen
na papalapit sa kanila. Napakaganda pa rin nito at mukha pa ring manika katulad
noon. " May pag-uusapan tayo, tungkol sa iyong ama, " dagdag pa ni Rozen. Sa
pagkakarinig ni Crescentine na tungkol kay Crecent agad siyang tumalima.
Nagtungo sila ng Ina sa loob ng kuwarto nito. Hindi na ito nagpatumpik-
tumpik pa at hinarap ang anak.
"Nagbalik na si papa, ibalik mo siya sa 'kin ha? Sa 'tin, buhay na siya,"
hindi mawala ang ngiti at kasabikan kay Rozen. Hinawakan nito ang dalawang palad
ni Crescentine na bumakas ang pagkabigla.
" H'wag kang maniniwala sa iba, maraming maninira, lalo pa't maraming may
ayaw sa 'kin para sa 'yong ama. Pero pag nakita mo siya, ipainom mo 'to sa kanya,"
ibinigay nito ang isang magic potion na may likidong mangasul-ngasul.
Pinagkatitigan ni Crescentine ang potion. "Para saan 'to?" Tanong niya
kay Rozen na tila saglit nag-isip ng sasabihin.
"Para maalala niya tayo, ikaw rin, " wika ni Rozen na binigyan ng
umaasang tingin si Crescentine. " Maari ba?" Ang epekto niyon ay iba sa sinabi
niya. Aangkinin niya si Crescent. Ilang taon na siyang naghirap na wala ito sa
piling niya. Si Crescentine ang maari niyang gamitin, ito ang orihinal na anak ni
Crescent.

READ. VOTE. COMMENT! <3


** Please? :) Graduate na 'ko tuloy-tuloy na 'to! Lovelots <3
#MisaCrayola

TF 26: Wings

TORMENTED FATE
" WINGS "

**
" CRESTIA, nalalapit na ang itinakdang araw. Kailangan mo nang paslangin ang
Thanatos, " wika ni Rozen sa dalagang agad namang tumango. Silang dalawa lamang ang
magkausap sa loob ng kuwarto ni Rozen. Hinahaplos ng ina-inahan ang mukha ng
dalaga. " Hindi ka pababayaan ni Crescentine, siya'y katulad ng kanyang ama, habang
tumatagal mas lalong lumalakas at gumagaling," dagdag pa nito.
" Inang Rozen, salamat sa 'yong patnubay. Siguro nga ang mga pangitaing nakikita
ko'y para guluhin lamang ng mga demonyo ang isipan ko. Tayong mga anghel ang
magliligtas sa sangkatauhan, hindi tayo gahaman at masama, tayo'y taga-puksa ng
masasama." Niyakap niya si Rozen. " Ina, napakabuti mo. Kahit anong sama ng ama ni
Crescentine, handa ka pa ring linisin siya't bigyan ng ikalawang pagkakataon, 'wag
kang mag-alala hindi kami magpapalinlang, " nginitian ng dalaga ang ina-inahan.
"Ganoon ang pag-ibig, h'wag kang mag-alala ituturing ka namin na isang
tunay na anak, malalampasan rin natin 'tong lahat," - Rozen
Lumabas si Crestia ng tinitirhan ni Rozen. Naroon na sa labas agad si
Crescentine. Patungo na sila sa Black Market. Hindi rin tamang manatili silang
walang ginagawa. Ang mundo ay unti-unti nang nasisira kailangan nila iyong pigilin.
Kinawayan sila ni Rozen ng makalayo na sila.
" Sana tuluyan ng maging masaya ang buhay niya, maibabalik rin natin sa
kanya ang lalaking mahal niya, " ani Crestia.
**
" Crescent, palagi kang natutulog ngayon, honey ko, " malambing na wika ni Lyra
habang hinahawakan ang malantik na pilik-mata ng natutulog na si Crescent. Nakaupo
siya sa gilid ng kama at minamasdan ito. " Bakit ba kasi sobrang guwapo mo? "
nangingiting hinalikan niya 'to sa buong mukha kaya nagising ito.
Namulatan nito si Lyra na gulo-gulo ang pagkakaipit ng buhok pero cute na
cute itong tignan. Ngiting-ngiti agad ito. " 'Wag kang masyadong magulo, matutulog
pa 'ko, " sabi ni Crescent na agad tumagilid sa kabila kaya sumimangot si Lyra.
"HONEEEEEEEEY! Gumising ka na, o rereypin kita!" Malakas na wika niya
kaya binalikan siya ng tingin ni Crescent at marahang naupo. Kahit saang anggulo
tignan, papasa talagang prinsipe ng fairytale si Crescent niya!
Ang puti-puti nito, ang guwapo-guwapo, malantik ang pilik mata, matangos
ang ilong, manipis at mapula ang labi, at ang pilak nitong buhok. Waaaah! Duduguin
siya sa kapapantasya dito!
Tapos bukas pa ang butones nitong dalawa sa taas ng polo nito kaya lalo
siyang namumula, nag-iinit ang pisngi niya dahil natatanaw niya ang kinababaliwan
niyang katawan nito hihi.
" Tingin pa lang, ginagahasa mo na 'ko," natatawang niyakap siya ni
Crescent at hinalikan sa noo. " Mas makulit ka pa kay Chrysanta," iniangat niya ang
ulo ni Lyra sa pamamagitan ng paghawak sa baba nito. " Hindi ko kakayanin kapag
iniwan mo 'ko Lyra," anito. As if naman iiwan niya 'to? Siya nga 'tong patay na
patay kay Crescent since child.
"Crescent bakit?" Nag-aalalang tanong ni Lyra ng bigla na lang itong
napahawak sa isang mata nito. Ang kaliwa. "Crescent?!" Mas lalo siyang
naalarma ng makita ang dugong dumadaloy sa mga daliri nito mula sa matang
tinatakpan nito.
Kumuha ng pamunas si Lyra sa loob ng cabinet. Nagmamadali siya. Hindi
niya alam kung bakit!
" Wala 'to Lyra, may pupuntahan tayo. " Ngumiti si Crescent kay Lyra
bago ito tumayo at hawak pa rin nito ang kaliwang mata na nagtungo sa paliguan.
"Ayos ka lang ba? Bakit 'yan nagdudugo?" Hindi pa rin mapigil ni Lyra na
hindi mag-alala dito.
"Oo, ayusin mo na si Chrysanta, " sagot naman ni Crescent. Kagabi pa nito
sinabing aalis na sila ng Kastilyong Salamin. Marami na itong kailangang gawin,
mabuti nga at isinasama sila nito hindi katulad noon.
" Kamusta na kaya si Shin?" sa isip-isip ni Lyra habang sinusuklayan ang
dalawang taong gulang na si Chrysanta. Napakatagal nawala ng anak niya, pero kung
sa lugar naman ng mga ito na napuntahan, parang wala pa ngang isang buwan ang
pakiramdam ng mga ito.
Napakaganda ni Chrysanta. Lahat ay humahanga sa kakaibang mga kulay ng
mata nito. Palagi itong nakangiti at madaldal. Noon akala niya, hindi rin siya
magiging malapit dito dahil umpisa pa lang ng pagbubuntis niya rito hanggang
isilang ito ay palaging si Crescent ang gusto nito. Pero ngayon, naiiwanan na ito
ni Crescent sa kanya, nakakatuwa na ang pangkaraniwan na ng pamilya niya, kulang
man sila pero sana matapos na lahat ng gulo at masagot na ang mga katanungan sa
isip niya.
Kung tutuusin, hindi niya alam kung ilan talaga ang anak niyang
isinilang. Kung may tatlo nga silang anak na magkakaedad, marahil kambal ang mga
ito, hindi ipinakita sa kanya ang namatay na sanggol. Pero nabuhay nga ito,
inalagaan at minahal nila ang kinilalang anak na si Shin.
" Mama, daddy loves you so much!" ani Chrysanta ng patayuin niya 'to para
tignan kung ayos na ang itsura nito. Nangiti naman siya sa sinabi nito.
" And I love him so so so much!" aniya sabay buhat sa anak niya.
Humagikgik naman ito. " Don't hurt him, I'll be hurt too, " anito na tinitigan siya
na akala mo hindi na ito bata.
" Promise! Hindi ko sasaktan si daddy, kasi mahal na mahal ko siya. At
lahat gagawin namin para mabuo tayong pamilya, kaya dapat lahat tayo strong,
united!" aniya sa anak na ngumiti naman.
**
" Ito na siguro ang mga isa sa huling araw na maayos ang mundong minulatan nating
lahat," ani Drifher kay Vlad, Vincent at Gerald. Naroon sila sa ika-limang palapag
ng Vampire senate na nakabase sa mundo ng mga tao.
Nakikita nila ang maganda pang buhay ng mga tao na maaring masira at maglaho sa
isang iglap dahil sa magaganap na propesiya ng pagkawasak.
" Hindi ko pa makuha ang sagot ni Crescent para sa blood tablet, kung hindi siya
magbibigay ng dugo, hindi natin malalabanan ang dumaraming epidemya. " wika ni Vlad
ng mauna itong maupo sa mahabang sofa. Dinampot nito sa glass table ang kopitang
may lamang wine.
" Marami namang werewolves, bakit sila pa ang kinukuhanan natin? " si
Vincent na nanatiling nakatayo at nakahalukipkip habang ang dalawa pa'y nag-upuan
na rin.
" Iba si Crescent ang mga anak niya," - Vlad
"Anong ikinaiba nila? " Iritableng tanong ni Vincent.
" Here, " inihagis ni Vlad sa kanya ang isang maliit na tablet.
" Inumin mo, isa 'yan sa blood tablet na nagawa bago mamatay si Crescent
noon. Ikaw na ang bahalang humusga," dagdag ni Vlad sa anak na si Vincent.
Ito ang unang beses na titikim siya ng mula sa dugo ni Crescent. Pero
ginawa ni Vincent iyon, sa una, wala namang epektong kakaiba. Pero 'yung gutom na
nararamdaman niya, 'yung uhaw na unti-unti nang nabubuo kanina ay pinawi ng maliit
na tableta na 'yon. Mabilis ang epekto, may mainit na dumadaloy sa ugat niya,
nakakabuhay ng dugo.
" Ang epekto ng tableta, parang 'yung sinasabi sa lumang libro na banal
na dugo mula sa magkaibang lahi. Binuo at pinagsama sa iisang nilalang. Pero ang
tinutukoy roon ay itim at puti, anghel at demonyo," si Vincent na hindi pa rin
mapaniwalaan ang tila kakaibang init na dulot ng tabletang iyon.
" Tama ka, naalala ko rin 'yan ng minsan kong malasahan ang dugo niya
mula sa tableta. Pero alam naman natin na itim lang ang pinanggalingan ni Crescent,
imposible rin na magkaroon sila ng dugong anghel dahil katulad ng dugo niya ang
lasa ng sa anak niyang si Shin. Isa ring Vampire si Lyra, isa rin siya sa mga itim
na lahi," wika ni Gerald. Ang dugo ni Shin ay nalasahan nila dahil ang nasa
babasaging boteng iniwan nitong dugo kay Lyra pamatid uhaw ay ibinigay ni Lyra sa
Vampire Association para gawing blood tablet. Bawat patak niyon ay mabisa na para
makagawa ng maraming tableta. Ano pa kung iinumin nila ito ng direkta?
" Ang kaibahan ni Crescent, ang dahilan bakit hindi siya pangkaraniwan sa
ibang mga taong lobo, " si Vlad, marahil panahon na para tuluyan ng ibunyag ang
dahilan bakit si Crescent ay kinamumuhian, kinagigiliwan, kinaiinggitan ng
karamihan.
**
Sa loob ng paliguan naroon si Crescent winasak niya ang mga salamin sa paligid niya
at nagkaroon ang mga iyon ng bitak-bitak. Tumigil ang pagdurugo ng mga mata niya at
sa pagsiwalat niyon ay ang mata ng misfortune, ang kapangyarihang niyakap niya.
Nanlilisik ang mga mata niya. Kasunod niyon ang malakas na lindol sa
iba't ibang panig na mundo wari ba'y may malakas na kapangyarihang nagbabadyang
gumunaw ng mundo.
Pinigil niya ang sakit na nararamdaman mula sa likuran niya. Hindi niya
ipaparinig kay Lyra ang pinagdaraanan niya. Pero agad bumukas ang pintuan at
pumasok ang nag-aalalang si Lyra.
Narinig niya ang pagkabasag ng mga salamin. Iniwan niya kay Tomo si Chrysanta dahil
kinakabahan siya.
"Lyra," nabigla si Crescent maging si Lyra sa nasaksihan niya.
"Ang likuran mo, " si Lyra na hindi makapaniwala sa papalaking-papalaki na nasa
likuran nito. Bumaling sa ibang direksyon si Crescent.
"Hintayin mo 'ko sa labas," aniya kay Lyra.
"Pero bakit ka ... " Nakagat ni Lyra ang ibabang labi niya. Si Crescent .... Naging
puti at busilak ang buhok nitong humaba, at ... at .... may pakpak si Crescent ng
isang Anghel!

READ. VOTE. COMMENT! :)


ADD ME: Jobelle Rivera (MisaCrayola)
Group for teaser and spoilers

TF 27: THE Beginning of the END

Thank you for always commenting and voting tormented Fate :) <3

**
" Light, ito ang ipinagmamalaki ko sa 'yong mga imbensyon ko!" wika ng baliw na
scientist kay Light bago nito binuksan ang ilaw ng laboratoryo.
Nabigla si Light ng makita si Monique sa isangcapsule na may mangasul-ngasul na
tubig habang panay ang ilaw ng mga buton sa paligid nito.
" Monique, " wika ni Light na hindi makapaniwala.
Pero isa sa ikinagulat niya ang iba pang capsule. Si Crescent, napakaraming kamukha
nila ni Crescent.... Anong klaseng kalokohan iyon!
" Sila rin, " sabi nito na ang itinuturo ay ang nasa kabilang bahagi na ikinabigla
rin ni Light. Ang anak niyang si Lacie, si Greece at ang kapatid niyang si Xerxes.
"Kambal kayo ni Crescent. Alam mo ang kahinaan niya, ang buhay nila o ibibigay mo
si Crescent sa 'kin para buhayin ang isang daang replica niya? Dugo niya nag
kailangan ko, Light, kapalit ng mga nilalang na 'to. Isa, apat ang kapalit hindi mo
ba gusto iyon?" Tumawa ito ng malakas. " Kung papatayin mo 'ko, sinisiguro kong
mamatay rin sila, sayang naman, " anito pa na nakapagpagalit kay Light ng husto.
Anong binabalak nito? !
BLACK MARKET
" Nabalitaan ko nga ang nangyari sa patimpalak. Ayon sa mga piratang naligaw rito
noong nakaraan, nagpupuntahan ang ilang nakaligtas sa kuta ng mga Scorpions," wika
ng isang magandang kulutang babae na pribadong bahagi lang ng dibdib nito ang halos
natatakpan at nakasuot ng maiksing short. Ang ICE HOPE ay isang bagong BAR sa Black
Market na puntahan ng mga matataas na uri ng manlalakbay. Dito kasi matatagpuan ang
pinakamahal na alak at mga naiibang pagkain na hinuhuli pa sa Death Sea na tahanan
ng mga hindi pa nakikilalang mga uri ng pagkaing dagat.
" Kung ganoon doon namin kailangan pumunta?" tanong ni Jasmine na hindi
mawala ang pagkairita sa mga babaeng nasa paligid na halos hubad na sa pagseserve
sa mga naroon.
"Bakit survivor ba kayo?" Tila hindi ito makapaniwala. Matapos nitong
ilapag ang mga inorder nila ay kinipkip nito ang tray sa harapan.
" Yes! What do you expect? I'm Vlad Zordick's daughter, nothing more,
nothing less! I'm a Vampire Princess! " eksaheradang wika ni Jasmine sa tila nang-
uuyam na babaeng puro Boobs!
Napasinghap ang mga naroon sa narinig. Sino ba namang hindi nakakakilala
kay Vlad doon? Vlad is the from the first batch of pureblood vampire resurrected
and knowned as one of the most strongest immortal living.
Natawa naman ang babae at abala sa pagsiyasat sa tahimik na tahimik na si
Shin. Ito ang nagtanong tungkol sa kung may balita ba tungkol sa biglaang paglalaho
nilang mga natitira sa loob ng Abysscentine.
"Maligayang pagdating sa ICE HOPE!" Masiglang bati ng lahat ng babaeng
naninilbihan nang marnig ang pag-iingay ng wind chimes na nagpapahiwatig na may
pumasok. May exit kasi roon sa ikalawang pintuan kaya puro papasok lamang ang
dadaan doon.
Isang lalaki na may maitim na buhok at matapang na mga mata ang pumasok.
Kung titignan ay hindi nalalayo ang edad nito sa kanila. Bagama't ganoon man ang
tingin nila, hindi na lingid sa kanila ang kaalamang marami ng mahika para
magmukhang bata ang tao. But there's something about that man, may nakasuksok na
espada sa likuran ito at nakangiti agad na pumasok.
" Meron ba sa inyong nakakaalam kung nasaan si Crescent?" anito na
lumapad ang ngiti at may ibinagsak na isang maliit na sakong nakabukas at lumitaw
ang mga kumikinang na ginto.
Namangha ang mga naroon at agad ding nagulat nang isaksak ng lalaki ang
espada sa mesa. Wari namang walang pakialam ang mga naninilbihan at nakatingin lang
sa pagpapakitang-gilas ng lalaki.
" Sa impiyerno, naroon siya, doon kami nagtagpo," biro ng isang lalaki na
nakapagpakulo ng dugo ni Shin. Hinanap niya ito at naroon ang katamtamang katawan
ng lalaki na nasa bar counter at doon umiinom ng alak. May kulay berde itong buhok
kapares ng kasuotan nitong parang elfo.
" Tinatarantado mo ba 'ko?! Hindi mo ba alam kung sino ako?!" Malakas at
dumadagundong na wika ng lalaki na sinira ang damit sa itaas at ipinakita ang
marka. Mula ito sa Black Assasination na kinatatakutan dahil pili ang mga ito at
malalakas na mula pa sa iba't ibang panig ng mundo.
" Hindi. " Lumingon ang lalaki at may inihagis na baraha sa lalaking
nakatayo na lalong bumagsik ang mukha na handa ng sumugod pero ang barahang humagis
dito ay dumikit sa katawan nito at parang espadang humiwa sa katawan ng lalaki ng
kung ilang beses. Kinokontrol ng lalaki ang baraha at sa isang iglap nagkalat ang
dugo nito at naputulan ng ulo sa huling galaw ng baraha.
" Ang gintong 'yan na lamang ang kabayaran sa pag-iingay ng mahinang
lalaking 'yan," wika pa ng lalaki na tumuloy na at lumabas.
" Huminto ka, " si Shin sa lalaking sinundan niya hanggang labas. Huminto
naman ito at lumingon.
" I am one of the Demon Lord's messenger, Avoc, " anito kasunod ng
pagladlad ng itim na pakpak at pag-iiba ng kulay ng mga mata na sa isang iglap
nawala rin ang pakpak nito at pagpupula ng mga mata. " Kilala kita, at ikaw talaga
ang ipinunta ko rito, gusto ko lang sabihin sa 'yo na ang totoong laban ay
magsisimula na. Kusang lalapit sa 'yo ang kamatayan hindi mo na kailangang hanapin
pa," anito bago tuluyang nawala.
"Kakaiba siya ..... SHIN!" Bulalas ni Jasmine ng makitang nakaluhod na
ito at may iniindang masakit. "Ang sakiiiiiiit!" anito na tila sinusunog ang laman
niya at nanakit tagos hanggang buto niya, nararamdaman niya ang tila umuuka na
naman sa likuran niya. Ang ikalawang pag-galaw ng marka ng kamatayan!
Samantala ganoon rin ang dinaranas ni Seventh na nakaupo habang
minamasdan ni Nicole ang nabubuong marka sa likuran nito. Hindi siya maaring
magkamali na iyon ang simbolo ng kamatayan, hindi iyon matatakasan ng kahit na
anong mahika. Mabilis siyang umusal ng ilang spell para kahit paano ay pawiin ang
sakit niyon sa hindi umiindang si Seventh. Pero base sa pagkakuyom ng kamay nito,
tinitiis lamang nito.
Si Crescentine naman ay sa barko inabutan ng pagbubuo ng marka. Agad
siyang inalalayan ni Crestia at hinaplos ang mukha niya. Itinanim niya sa isipan
nito na hindi iyon masakit, pero tila mas matindi pa sa mahika niya ang karamdamang
dinadala nito ng mga oras na 'yon. Isang sumpa ang nakasalin rito, pero paano ito
napasailalim sa ganoong kalalang sumpa? Ang sumpang iyon ay pagsasanla ng kaluluwa.
"Kailangang mapatay ang Thanatos, oras na mamatay siya makukuha ko ang
kapangyarihan niya," galit na wika ni Crescentine habang pilit itong tumatayo sa
pagkakalugmok.
"Crescentine, " hindi mapigil ni Crestia ang pag-aalalang nararamdaman
para dito.
**
" Panginoon! Asahan mong dadalhin ko ang mga sandatang 'to sa iyong mga anak. H'wag
mong pababayaan ang sarili mo, kumain kang mabuti ha? " Inarte ni Tomo habang
iniaabot ang tila punyal lamang ang laking mga sandata. Lumalaki iyon kapag ginamit
na.
" Dalhin mo 'yan o ikaw ang kakainin ko, " asik ni Crescent dito na
nangiwi. Hindi naman mukhang masarap kainin si Tomo.
" Panginoon! Hindi ka man lang bumait kahit kaunti? Kahit anghel na ang
itsura mo? Looks can be deceiving!" ani Tomo na namamangha sa nakapusod na buhok ni
Crescent na tila busilak.
Naningkit ang mata ni Crescent at malakas na sinipa si Tomo na tumagos sa
glass wall palabas ng kastilyong salamin hanggang umabot ito sa pinaka-boundary
niyon na ikinakuryente nito.
"Napakalupit mo talaga Panginoon!" Sigaw ni Tomo na pakisay-kisay pa.
" Tomo, asan si Tomo? "Si Lyra na may dalang mga pagkain para sa
paglalakbay nito.
" Nauna na, masyado talagang masunurin at maasahan si Tomo. " Ngiti ni
Crescent na hinila si Lyra at kinintalan ng halik sa noo.
" Hmp! Paano na ang buhok mo?" Tanong ni Lyra kay Crescent dahil aalis
nga sila. Hindi kaila na buhok iyon ng isang anghel.Iba nag pagkaputi niyon
busilak.
Sumimangot naman si Crescent. " Magpapakalbo ako," anito kaya bumunghalit
ng tawa si Lyra.
"Anong nakakatawa Lyra?" Tumaas ang isang kilay ni Crescent dahilan para
lalong maging kaakit-akit ito kay Lyra.
" Wala ako ng bahala, natutunan ko 'to sa eskuwelahan, " ani Lyra na
hinaplos ang buhok ni Crescent hanggang sa maging kulay itim ito. " 'Yan lang na
kulay kaya ko," ani Lyra sabay ngiti.
" Pinabibilib mo talaga 'ko," pinisil ni Crescent ang baba ni Lyra.
Ilang sandal pa'y lumisan na sila at nagtungo sa Black Market.
Tuwang-tuwa si Lyra habang minamasdan ang naka-braid na buhok ni Crescent
na lalong nagpamukha ritong Greek God. Buhat nito si Chrysanta habang siya naman ay
nakabalot ng tela ang buhok upang hindi makilala lalo pa't kilalang-kilala siya
bilang asawa ni Crescent. Nakahawak naman sa kanya si Crescent.
" Papa!" Turo ni Chrysanta sa mga itim na lobong nagliliparan sa
mapanglaw na kalangitan. Tuwang-tuwa ito.
" Lyra, tumabi muna kayo. " si Crescent na ibinaba si Chrysanta na agad
kumapit ka Lyra na umatras naman. Doon niya napansin na napapaligiran sila. Hindi
pa man sila nakakapasok ng tuluyan sa black market ay napapalibutan na sila sa
antayan ng mga barko. Mapupulang mga mata, mga matatalas na ngipin, halimaw na
nakalulusaw ang laway na nakikita ni Lyra na tumutulo sa mga bibig nito dahilan
para mabutas ang mga daanan.
"Crescent," nangamba si Lyra para kay Chrysanta dahil talaga palang kahit
saang bahagi ay naroon ang mga ito. Mayroon pang lumilipad sa itaas na tila mga
ibong may katawang tao pero iba ang kulay ng katawan at nakakadiring tignan ang mga
ito.
"Napakabangong dugo! "
"Nakakabaliw ang amoy ng dugo nila!"
Nagsuguran ang mga ito kaya napasigaw si Lyra ng "CRESCENT!" dahilan para
maghintuan ang mga ito at mapatingin sa lalaking tinawag nitong Crescent at dahan-
dahang napaatras.
"SI CRESCENT!" sigaw ng isang nasa himpapawid na tila nahintatakutan.
"Hala ka Lyra, anong ginawa mo?" Natatawang tanong ni Crescent dahil nag-
alisan ang ibang natakot sa pangalan nito. Pero may ibang nanatili na tila hayok na
hayok sa dugo at hindi naman naniniwalang si Crescent iyon.
"CRESCENT tumingin ka naman!" Iritang wika ni Lyra dahil sa kanila ito
nakatingin samantalang sinusugod na ito ng dose-dosenang halimaw.
" Bakit?" inosenteng tanong ni Crescent. Si Lyra sana ang susugod pero sa
isang iglap may linyang gumuhit sa likuran ni Crescent na bigla na lamang nagliyab,
ibang kulay ng apoy, maitim at mangasul-ngasul na tumupok sa mga halimaw at sa
isang iglap naglaho ang mga ito at natira ang mga itim na paru-paro na nagdapuan sa
balikat ni Crescent na naglaho rin naman.
"Mahihina sila Lyra, hindi ko kayo pababayaan kaya alisin mo ang pangamba
mo, magtiwala ka sa 'kin, papatayin ko lahat ng magtatangkang lumapit sa inyo ni
Chrysanta," ngumiti si Crescent kasunod ng pagpisil sa baba niya. Ang mga tingin
nito, oo nga't naging anghel ito kani-kanina lang pero ang mga mata nito, ang
pagnanais sa mga mata nito, madugo, marahas at mapaghiganti. It was him, no other
than Crescent. Ang lalaking kinatatakutan at minamahal niya.
__
Sa isang malaking mansion sila tumuloy ni Crescent. Isang manghuhula raw ang
pupuntahan nito na nasa ibang kuwarto. Agad naman na nilinis ni Lyra ang sarili
kasabay si Chrysanta. Mabango ang buong lugar, hindi niya akalain na may mansion
rin palang nakatayo sa black market.
Ipinipilig niya ang ulo sa tuwing maalala ang tingin ni Crescent at ngiti
kanina. Nagbalik na naman ito sa pagiging misteryoso. Huminga siya ng malalim at
ngumiti.Sabagay hindi ito magiging si Crescent kung hindi ito ganoon.
Pinatulog niya si Chrysanta. Pero hindi siya makaidlip kaya lumabas siya
matapos ihabilin ang anak sa nagbabantay na dalawang dalagang naninilbihan ang
anak. Malaki ang mansion, pero malalayo ang pagitan ng mga pintuan. Ganoon siguro
talaga kalaki ang bawat kuwarto katulad ng kinalalagyan nila ni Chrysanta na pwede
ng bulwagan ng kasiyahan.
Nasaan kaya si Crescent? Naglakad siya ng naglakad. Kumakatok siya sa
ibang pintuan pero pag iniikot niya ang seradura ay naka-lock. Kaya naglalakad ulit
siya para sa ibang pintuan naman hanggang makarating siya sa isang pintuan. Kitang-
kita niya ang spell sa pintuan na 'yon. Mapula ang enerhiya na hindi makikita ng
pangkaraniwang mata.
Hindi niya alam kung bakit tumatahip ang dibdib niya. Wari ba'y may
masasaksihan siyang hindi niya dapat masaksihan. Pero sumilip siya sa nakaawang na
pintuan at agad ring inalis ang pagkakasilip dahil agad siyang napahawak sa dibdib.
Nakatitig sa kanya si Crescent ng masama ng sumilip siya at alam na alam
nito na may panauhin ito. Nanghihina siyang napasandal sa wall, malakas ang tibok
ng puso niya, masakit sa pakiramdam, parang kabog na kabog. Nabigla pa siya ng nasa
harapan na agad niya 'to at hinalikan siya sa noo.
"Natakot ba kita Lyra?" Nag-aalalang tanong ni Crescent dahilan para
bumalong ang luha ni Lyra at napayakap siya rito. Natakot talaga siya, walang biro.
" Ikaw kasi, hindi ka marunong kumatok, " natatawang inikot-ikot ni
Crescent ang buhok niya pero tuloy pa rin siya sa pag-iyak.
Hinila na siya nito sa loob ng kuwarto at may ipinakita itong maliit na
bato sa kamay nito. " Hindi ka nila masasaktan Lyra," kakaiba ang ngiti ni Crescent
ng kagatin nito ang bato at sa pagkabigla ni Lyra ay hinalikan siya nito. Itinulak
nito papasok sa bibig niya ang bato at agad naman niyang nalunok iyon.
"Cre - " Nag-iinit ang pakiramdam niya dala ng batong iyon. Kumakalat
iyon sa bawat ugat niya. Pero ilang minuto lang nawala na 'yon.
"Ginawa ko ang lahat para matapos 'yan, para sa 'yo, para sa babaeng
kinababaliwan ko, " ngiti nito na nakapagpangiti kay Lyra kasunod ng pagkintal nito
sa noo niya ng halik.
" Ano ba ang epekto no'n?" Tanong ni Lyra ng nakahiga na sila at nasa
tabi ni Lyra si Chrysanta.
"Hindi ko sigurado kung iyon nga, isa lang kasi 'yan, " sabi ni Crescent
kaya hinampas 'to ni Lyra.
"Ginawa mo kong guinea pig?" Natatawa pa talaga siya sa ginawa nito.
Nangiti rin ito bilang pagsang-ayon sa ginawa nito.
"Matulog ka na, mahaba ang araw bukas, " anito kaya nga sumiksik siya
dito para makatulog na. Maging siya naamoy ang kakaibang dugo nito ngayon,
masyadong amoy na amoy ang bango. Pero nakakapagtakang hindi siya nababaliw tikman
iyon, siguro dahil iyon sa batong nasa katawan niya?
" Langit pa rin ang gusto ko para sa' yo kahit pa impiyerno na ang bawat
paligid ko Lyra, "
**
" Papa, " tawag pansin ni Seventh sa lalaking nasa labas ng malaking mansion. Hindi
naman siya nito nilingon at nakatitig lang sa buwan na nababahiran ng maitim na
ulap." Kamusta ka na?" Dugtong niya ng hindi ito sumagot.
" Mas lalo kang naging malakas," ani Crescent dahilan para titigan rin ni
Seventh ang buwan na tinitignan nito. Nasasaktan siya sa isiping hanggang ngayon,
hindi siya nito matitigan, hindi siya kaaya-aya sa paningin nito. Kahit anong gawin
niya, si Shin pa rin ang nakalalamang para dito. Kumbaga sa isang eksperimento, isa
siyang malaking pagkakamali. Ang sakit na 'yon ang dahilan bakit siya nagiging
malakas, mas masakit ang emosyonal na nararamdaman niya kesa sa nararamdaman ng
pisikal na katawan niya. Nakakuyom ang mga palad niya pero nanatili siyang walang
imik.
" Bakit kailangan mong tahakin ang daang tinahak ko noon? Gusto mo ba 'kong
higitan?" walang emosyong tanong ni Crescent.
" Higitan? Mahihigitan ba kita?" Mapaklang sagot niya. Kahit ang totoo sa
ibang paraan ang gusto niyang sabihin rito, gusto niyang HIGITAN pero hindi ito,
ang pagtatangi nito kay Shin, gusto niyang higitan ang damdaming ibinibigay nito
para kay Shin.
" From 700 rank bilang Angel Knights, naging pampito ako, dahil iyon ang
ninanais ko. Ang maging mas malakas, ang higitan ang lahat, kailangang maging
pinakamalakas ako. Pero sa ikapito hindi na 'ko umakyat pa, ibinagsak na 'ko at
muling isinilang. At sa ikalawang pagkakataon, sumpa ng pagiging misfortune naman
ang dinala ko. Pitong beses akong nakaranas ng pinakamasasakit na pagtatakwil
hanggang sa hindi ko na iniinda ang mga iyon. Namanhid na 'ko o sadyang wala na
'kong pakialam, gusto ko na lang ng mundong maituturing kong akin. Kahit pa kumitil
ako ng maraming buhay, makamit ko lang ang kagustuhan ko, wala akong pakialam kung
may inaapakan ako, tinutuntungan, ginagamit. Hindi ako nagtitiwala kahit kanino,
maliban sa sarili ko. "
"Kaya iyon ang pangalan ko," mapait na wika ni Seventh. Ang
pinakamasasakit at kinamumuhian nitong bahagi ng buhay nito ay nakapangalan sa
kanya. Kaya alam na alam niya na hindi siya nito tanggap.
Hindi na kumibo si Crescent. Gusto niya rin sanang idugtong na sa
ikapitong araw ng ikapitong buwan, nakilala niya ang babaeng nagpabago ng buhay
niya. Ang batang nagsilbing kasiyahan at ilaw niya.
Naglaho na si Seventh. Alam niyang nasasaktan ito, hindi siya manhid para
hindi maramdaman iyon. Kung sana kaya niyang sagipin lahat ng mga anak niya, kung
sana sapat ang buhay niya para mabuhay ang mga ito. Kung sana lumaki ang mga itong
malalapit sa isa't isa baka sakaling magawan nila ng paraan. Ang Trinity Blood, ang
nag-iisang paraan. Pero hindi niya rin sigurado kung kakayanin ng mga ito lalo pa't
magkakalaban ang tingin nito sa isa't isa.

65 votes next chapter! More comments to come to! :)


* MisaCrayola

TF 28: Mistake
TORMENTED FATE
CHAPTER 28
" MISTAKE "

" Crescent, " bulong ni Lyra sa isipan niya. Pinuntahan niya 'to sa isang kuwarto
pero sabi nito huwag siyang mag-iingay. Natutulog si Chrysanta kaya sinundan niya
'to. Manatili raw siya roon pero huwag gagawa ng kahit na anong ingay.
Minasdan niya ang paligid. Isa ba 'yong laboratoryo? Kailan pa kaya nabuo
'yon? Tila bawat parte niyon ay kabisado ni Crescent. Mga kakaibang kulay ng
likido na nasa iba't ibang bote ang maayos na nakahanay sa isang pahabang bakal na
nakakorteng puso. May mga simbolo iyon na hindi niya maunawaan. Kaya ba sinasabing
napakatalino ng asawa niya? Dahil sa mga kaya nitong gawin?
Naroon siya sa isang gilid. Nakaupo sa malambot na upuan. Nasa kadiliman
dahil madilim naman ang kuwarto, medyo maliwanag lang sa pwesto ni Crescent dahil
may binuksan itong monitor sa harapan nito at ilang saglit pa may lumabas na isang
babaeng balot ang mukha ng itim na tela.
"Panginoon, may ipag-uutos ba kayo?"
Panginoon? Kailan pa nagkaroon ng iba't ibang tagasilbi si Crescent?

LYRA
May tatlo pang lalaki ang pawang lumabas sa monitor na tila nagmamadali. Tumungo
ang mga ito saglit bilang paggalang siguro. Napansin ko ang markang pula sa noo ng
isang lalaki. Scorpion ang itsura.
" Panginoon, hindi namin mapasok ang Blue Sea. Naroon si Vincent Zordick, sabi n'yo
iwasan namin ang mga Pureblood. Ang tanging daanan na lamang ay ang Red Sea at
Black Sea. Sinusubukan naming ibaba ang sandatahan ng Red Sea, " wika ng isang
lalaki. At marahil hindi natin sila naiintindihan! Ako din, tss.
Sa pagkakaalam ko Krus ang itsura ng mga daanan sa karagatan. Diretso ang Blue sea,
iyon ang pinakaligtas na daanan ng mga barko. Pero nalaman ko nga na bumaba na nag
mga pureblood para gawin iyong teritoryo ng mga ililigtas na sangkatauhan patungo
sa panibagong mundo.Kaya naman seguridad kaya naroon ang mga pureblood. Sa
pagkakaalam ko rin naroon na ang panibagong Vampire Senate.
Ang RED SEA naman, literal na pula ang tubig. Ngunit iyong mamula-mula lang.
Pakanan iyon at pagkakaalam ko naroon naman ang iba't ibang eskuwelahan ng mga
sorcerers. Doon din nag-aaral ng mga mahika. Ibig sabihin malakas rin ang depensa
roon.
Ang BLACK SEA naman ay ang kasalungat ng Blue Sea. Iyon ang bagsakan ng
pinakamalalakas na nilalang na binabalot ng mahika kaya napabagsak. Iyon ang
nagsisilbing kulungan. Mayroong harang doon kaya hindi basta-basta mapapasok
ninuman. Ayon sa historya, naroon ang Pitong Mandirigma mula sa iba't ibang lahi na
natutulog roon. Hindi ko alam kung may katotohanan. Ang totoo lamang ay walang
barkong nagpunta roon na nakabalik pa.
Ang nasa kaliwa naman ay walang iba kundi ang Black Market. Ang gitnang parte ay
ang siyudad ng mga tao. Naroon rin ang mga lobo at iba pa. At sa paligid noon ang
iba't ibang isla. Ang tatlong dagat na nabanggit ay nasa duluhang bahagi pa ng
mundo naroroon.
Siyempre, alam n'yo na 'yung kung nasaan ang angel and demons 'di ba? Langit, lupa,
im.. im... impiyerno! :D
" Magtungo kayo sa 'kin. Tigilan n'yo ang Red Sea. Papasukin ninyo ang Black Sea,"
sabi ni Crescent kaya napaawang ang labi ko. Papatayin na ba niya ang mga 'to?
" Sabi ko sa inyo, Black sea! "
Parang may kaboses 'yung nagsalita. Lalaking malandi? Maya-maya pa lumabas na siya
sa monitor at ngiting-ngiti. Naroon pa rin ang isang mata niya at nakakapit ito sa
brao ng isang guwang binata! Oh, gosh. Si Vishnu?!
" May ire-report lang kami ni Winter mylove! " anito na galaw ng galaw ang bunny
ears.
" Panginoon, binubuksan ni Light Wolveus ang lagusan patungo sa ABYSS. Kapag
nabuksan iyon, magsisimula na ang huling digmaan. Hihigupin na ang mga
partisipante. " sabi noong Winter na pilit lumalayo kay Vishnu na napakaharot!
" Masyadong maagap, siguro nakadroga si Light. Ano naman ang gagawin niya sa loob?
Kailangan daw ba ng Demon Lord ng reperi?" sabi ni Crescent, ewan ba natawa ko
pinigil ko lang lakasan hahahaha. Pati rin naman sila natawa! Komedyante 'tong si
Crescent.

**
" Crescent, pwede bang alisin mo na ang mga tanong sa isipan ko?" sabi ko sa kanya
ng wala na siyang kausap. Narito pa rin kami pero nakalapit na 'ko sa kanya.
Pinaupo niya 'ko sa kandungan niya at ipinulot ko ang braso ko sa katawan niya
habang minamasdan ko ang guwapo niyang mukha at ang bawat kibot ng mapupula niyang
labi.
"Ano bang gusto mong malaman?" Tanong niya matapos akong ngitian. Kyaaaaa!
" Sino ba ang Demon Lord? "
Tinitigan niya 'ko bago inayos ang buhok ko. " Sa kanya ako bumagsak noon ng
mamatay ako. Siya ang pinakamataas sa ilalim. Pero mayroong mas mataas sa kanya,
kumbaga sa mundong ito ang katumbas niya ay Hari at ang mas mataas sa kanya ay ang
mga Diyos. Hindi nasusukat ang kapangyarihan niya kaya sinusukat ko na, marami
naman akong ruler dito," ngiti niya. Pero naintindihan ko infairness! " Ako ang
totoong may-ari ng Abyscentine. Pero dahil napasailalim niya 'ko nagawa niyang
sakupin iyon at maging kanya. Siya ang nagsisilbing may-ari ng laro. Siya ang
pinakakalaban natin ngayon, Lyra. Hindi ko na ninanais ang mundong iyon, bagama't
kailangan ko siyang tapusin sampu ng mga kasamahan niya dahil siya ang magiging
dahilan ng pagkawasak ng mundong ito. At hindi n'ya ko titigilan, wala sa lahi
natin ang sumusuko hindi ba?" aniya kaya nangiti ako. Naliwanagan na 'ko. Akala ko
sinasadya niyang ipahamak ang mga anak namin. Itatanong ko sana ang tungkol sa mga
anak namin pero narinig ko ang boses ni Chrysanta.
"Ma, Pa, " aniya na pupungas-pungas. Nakakapagtaka na nabukas niya 'yung
pintuan. O.O Maliit pa siya. Anak nga pala siya ni Crescent! *u*

__
TOMO
" Nako naman! Ito na ang Black Market, ayon sa akin radar nandito si Crescentine
at Shin pati si Seventh! Pati ang Panginoon! Reunion na ba 'to? Kaso malaki ang
black market.
Ang Blue sa radar ko, na hiniram ko pa kay Bulma at Gohan dahil kaibigan ko naman
si Goku, ay si Crescentine. Ang red naman ay si Shin. At ang paiba-iba ng pwesto na
kulay puti ay si Seventh!
. Kailangan ko pa talagang maibigay ang mga sandatang ito. Pwede naman kasi ang
Panginoon ko na ang magbigay nito 'di ba? Tamad din e, pigilan n'yo ko!
Baka.....nako!
Una kong pinuntahan si Crescentine na natagpuan ko sa isang Jet-Black-Hotel.
Actually, ito lang naman ang pinakamalaki at malapit na hotel sa bukana ng black
market.
" CRESCENTINE!" Sigaw ko kaya napabuga siya ng iniinom niyang kape. Saklap men!
Binugahan niya 'ko sa mukha! Tea pala 'yon, nagmana kay Panginoon! Nakita ko sila
sa groundfloor na coffee shop pero tea ang ibinebenta, ipapasara ko 'to!
Umakyat ako sa mesa. " Heto na! Ipinabibigay ng Panginoon! Gamitin mo 'yan ha?!"
sabi ko.
"Sino?" Ang angas, pag nasapak ko 'to, hospital bagsak nito!
" Waaaa! Isang maliit na halimaw," sabi noong babae, masasampal ko 'to e. Sinong
halimaw? Sa gandang lalaki kong 'to?!
"Hoy! Sinong halimaw!" Talak ko sa kanya nang lingunin ko siya. Nangunot ang nook
o, parang pamilyar ang mukha niya. Sino nga ba 'to? Nako! Baka ex-girlfriend ko 'to
na naghahabol!
" Crescentine, inaasahan ni Panginoong Crescent na gagamitin mo 'yan. Dahil mabilis
ang oras, sanayin mo na ang sarili mo gamit 'yan. Bawat detalye niyan ay siya ang
gumawa!" sabi ko kaya tila nabigla siya.
"Si papa? Nasaan siya?Totoo bang buhay siya?" Sumigla ang loko.
"Magkikita na rin kayo, mas mabuting bihasa ka na gamit 'yan bago mo siya harapin!"
sabi ko. "Osige na, paalam!" sabi ko sabay talon pababa at takbo. Si Shin naman!
Medyo malayo siya!
Sabi ng Panginoon ko, h'wag kong sasabihin na lahat sila ay binigyan niya. H'wag na
'kong bumanggit ng kahit na ano, kndi iyon ay mula sa kanya.
Sa ICE HOPE ko natagpuan si Shin at Jasmine na nagbabangayan na naman.
" Tumahimik nga kayo!" sabi ko sabay talon sa mesa. Ambango naman ng kinakain nila!
"SHIN Namiss kita!" Inakap ko pa siya tapos hihilahin niya lang ako sa leeg at
ilalayo sa kanya. Napakasama!
"O' Tomol?" sabi niya, sasapakin ko 'to e.
"Hahaha Tomol," si Jasmine na pinindot ang noo ko. "Bakit nandito ka ha?" aniya,
nagawa pang mag lipstick no?
" Ipinabibigay ng Panginoon, malapit na raw kayong magkita. Bihasain mo itong
pamana niya!" sabi ko sabay lapag.
"Si papa? Alam mo kung nasaan siya?" napalakas na sabi niya. Parang papatay 'yung
mga usisero tumingin.
"Oo naman! Ako pa ba? Basta, magkikita na kayo. Ang sandatang iyan ay pamana niya
sa 'yo! Iyan ay para sa 'yo lamang!" sabi ko pa,
"Babush!" sabi ko pa sabay takbo palabas. Waaaaaaaaaah! Huhuhuhuhuhu nakakaiyak
naman! Namiss ko si Shin kahit magaspang ang ugali niya at mapangasar!
SHIIIIIIIIIN! Huhuhuhuhuhuhu!
Mabilis ang pagtakbo ko. 'Yung mala-hangin lang ako. Isa na lang, huli na siya,
kinikilabutan na agad ako. Siya lang ang hindi ko pa talaga nakikita ng personal.
Pero magkakamukha naman sila! Pero sikat si Seventh, may fansclub 'to sa underworld
e. Pero mas sikat ako dito!
Malapit lang siya sa Panginoon. Nasa iisang bayan lamang sila sa duluhang parte ng
Black Market. Nakita ko naman siya sa parteng burol, mag-isa at natutulog ng
patagilid. Wala bang pera ang batang ito?!
" I am not afraid to keep on living, I am not afraid to walk this world alone.
Honey if you'll stay, I'll be forgiven, " isang maliit na boses ang kumakanta. At
natagpuan ko siya sa baba ng damo, isang guardian na nilalaro ang pilik mata ni
Seventh.
Pero bago pa 'ko makapagsalita umupo na siya at tinignan ako. Indian seat. Lumipad
naman 'yung guardian at naupo sa balikat ni Seventh. Nabigla pa siya nang makilala
ako, ganoon ba 'ko kaguwapo para magulat siya?!
Kilala niya' ko dahil ... basta, 'di ako sigurado kung kilala niya 'ko hahahahaha!
Pero mas nabigla ako nang makita ko na dalawa na ang pula niyang mata. Pinagpawisan
ako. The real beast misfortune. Kakailanganin pa ba niya ang sandata?!
" Anong kailangan mo?" Tanong niya.
"Oo nga! Anong kailangan mo!" ulit noong maliit na babae.
"Epal ka, siya ang kailangan ko!" turo ko kay Seventh.
"Master!" Nag-iyak-iyakan 'yung tiyanak!
" Patayin ko na ba?" sabi niya.
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah " H'wag! Ipinabibigay lang ng Panginoon ang sandata na 'to
sa 'yo. Gamitin mo, ayon sa kanya kailangan mong maging bihasa rito," hinugot ko sa
bulsa ko na hiniram ko pa kay Doraemon ang maliit pang sandata.
Hindi na siya umimik pero tinanggap niya. " Salamat," sabi niya! O.O waaaah sa
lahat, siya lang ang nagpasalamat! Siya pa lang ang pinakamabuti sa lahat,
huhuhuhu! Don't judge the book by it's cover, pero hindi siya book!
Ngayon tapos na ang misyon ko nagtungo na 'ko kay Panginoon! Pasalamat ako na
magkakalapit lang halos sila.
" Panginoon!" Masiglang-masiglang sigaw ko ng makita ko siyang nasa laboratoryo
niya at natutulog ng nakaupo. Nagmulat naman siya at sinamaan ako ng tingin!
"Naibigay ko na sa kanila! " Hinampas ko ang dibdib ko. " Isa talaga
akong maasahan!" pagmamalaki ko pa.
" Hindi ka naman nagkamali ng pagbibigay? "Aniya na humikab. Lumabas si
Lyra mula sa kabilang pinto at may dalang pagkain kasama nito ang magandang-
magandang si Chrysanta na nakahawak sa laylayan ng damit ni Lyra
"Nagkamali? Bakit naman ako magkakamali Panginoon?" tanong ko. E basta
tig-iisa sila!

**
" Paano mo gagamitin 'yan? Subukan mo kaya, "sabi ni Crestia habang minamasdan ang
maliit na punyal. Tinanggal niya 'to sa sa kaha nitong may diamanteng disenyo at
ilang simbolismo. Napakatalas, tanaw na tanaw niya ang mukha niya. Sa hawakan niyon
ay may simbolismo na hindi niya akalaing mababasa niya - Crescentine. Ipinakita
niya ito rito.
"May pangalan mo mismo, " nangingiting sabi ni Crestia kay Crescentine. Alam niya
na tuwang-tuwa ito bagama't hindi ito nagsasalita ay naroon ang saya sa mga mata
nito nang abutin ang naturang punyal.
Lumabas sila at sa likurang bahagi ay iwinasiwas ni Crescentine ang punyal na agad
namang naging malaki, naging isang ganap na espada na kumikinang ang talim sa
katalasan. Pero agad din nitong nabitiwan dahil tila bumigat iyon kaya agad
bumagsak at sa pagbagsak niyon sa lupa ay lumika iyon ng malaking butos na tila
isang malaking balon.
Mabigat, mainit sa hawakan, napakalakas na sandata. Nagkatinginan silang dalawa. "
Paano mo gagamitin 'yan kung ganyan?" nag-aalalang tanong ni Crestia ng makitang
umuusok ang espadang naging punyal.
Tinignan ni Crescentine ang kamay. Naroon ang pamumula dulot ng tila nag-aalab na
hawakan ng espada. Pero iyon ay bigay ng kanyang ama, gagamitin niya iyon ano man
ang mangyari.

SAMANTALA si Shin naman ay hindi alam kung paano ba gagamitin iyon. Pangkaraniwang
punyal lang ba 'yon? Ilang beses na niyang iwinasiwas pero wala namang nagaganap.
" Bakit ayaw?" si Jasmine na kinuha ang naturang punyal sa kamay ni Shin.
Pangkaraniwan lang ba 'yon? Minasdan niya bawat bahagi at nabigla siya sa nabasang
pangalan ..... " Seventh " naumid ang dila niya kaya agad niyang kinuha ang kaha
niyon at ibinalik roon ang punyal. Hindi dapat makita ni Shin ang pangalang iyon.
" Ako na ang magtatago nito," sabi niya.
Ipinagpasalamat pa nga niya na may mga pumalibot sa kanilang mga galing rin sa ICE
HOPE. Malamang na narinig ng mga ito na ang sandata ay mula kay Crescent, ibig
sabihin malakas iyon, at wala namang hindi magsasabi na anak nito si Shin dahil
kamukha nito.
"Maari kayang kaya hindi niya magamit dahil hindi naman para sa kanya ang sandata?
Nagkamali ba si Tomo? Si Seventh ang isa sa kamukha ni Shin, pero bakit nandito
nakapangalan ang punyal? Hindi ba si Shin ang totoong anak ni Crescent? Nanakit na
ang ulo niya kakaisip. Ano ba talaga ang totoo?
**
"MASTER!" Sigaw ni Tamtam kay Seventh. Nahintatakutan siya sa naging pagkagalit
nito ng malamang hindi naman para dito ang sandata. Nagkamali lang si Tomo, SHIN ,
kahit kailan hindi siya tinawag ni Crescent na SHIN simula ng pangalanan siya
nitong Seventh!
" Siya pa rin ang kinakampihan mo, gusto mo talagang mamatay kaming dalawa
mailigtas mo lang ang hayop mong anak! Hinding-hindi ko ibibigay sa kanya ang
sandatang 'to, papatayin ko siya, dudurugin!" Galit at madiin ang pagkakabigkas ni
Seventh ng bawat kataga. Nagliliyab na ang buong burol sa galit niya, nagsisimula
na rin iyong magbitak-bitak at mawalan ng buhay ang mga naroong puno, halaman at
damuhan.
Lalo lang nagtumindi ang galit niya nang makitang hindi man lamang nagagasgasan ang
punyal na ibinigay ng ama na para pala kay Shin. Ang kasiyahan niya kanina ay
naging mahapdi at mas makirot pa sa nakaraan dahil sa ginawa nito.
Sinundan iyon ng sunod-sunod na kulog at kidlat kasunod ng malakas na pa-ulan ng
huminahon ito at mawala ang apoy nito. " Tam, be my blade, " ani Seventh na
ikinabigla ni Tamtam. Naging sandata siya nito pero agad din naman siyang
nagkatawang tao at niyakap ito.
" Master," aniya na hinawakan ito sa mukha at ikinulong ito sa mga palad niya. "
Tandaan mo, hindi kita iiwan. Mananatili ako sa 'yo,
" Wala siyang puso, " ani Seventh, kulang sa galit na aniya. Dahil humupa na,
kalungkutan at hinagpis na ang sumasapuso niya.
" Lalo kang magiging malakas, 'di ba sabi mo kahit mag-isa ka sa mundong ito,
hinding-hindi ka susuko? Hinding-hindi natin kailangan ng ibang kasama dahil sapat
na ang isa't isa, sana kahit paano nakakatulong ako sa 'yo Master," ani Tamtam,
alam niya na sa kanya lang 'to nagiging mabuti. Palagi siya nitong inaalala,
natatakot itong iwanan niya kaya nga hindi niya 'to iniiwan. Masakit man, alam
niya na bilang guardian nito ay hindi niya 'to pwedeng ibigin. Isa pa, magkaiba
sila nito, hindi niya natatagalan ang ganoong anyo, marahil ang babae talagang
nararapat dito ay ang Pureblood Vampire Princess na anak ni Vincent Zordick at ng
matalik nitong kaybigan na si Nicole. Si Lucylle.
Unti-unti niyang tinawid ang pagitan ng mga labi nila ni Seventh. Kinabig
niya ang batok nito at inangkin ang labi nito. Alam nila pareho ang limitasyon
nila, at handa naman siyang ipagparaya ito sa iba. Hindi niya 'to mabibigyan ng
pamilya kaya naman masaya na siyang ibigin lang ito at pagsilbihan hanggang sa
huling hininga niya bilang Guardian.

READ. VOTE. COMMENT! <3


75 VOTES next chapter.
Add me : Jobelle Rivera MisaCrayola WP
Group: MisaCrayola

TF 29: Red
CHAPTER 29

" RED "

" Si Elisha at Demin, " pakilala ni Crescent kay Lyra nang makarating sila sa Tore
kung nasaan ang mga Scorpions. Dalawang babaeng magiging tagapagmasid nila ni
Chrysanta ang dalawa.
" Ikinagagalak namin kayong makilala," sabay na wika ng dalawa kaya
nangiti naman si Lyra. Mukhang mababait ang mga ito.
Lahat nang Scorpions ay nakahanda na sa pagpasok sa Abyss. Maging ang
iba't ibang grupo kabilang si Vincent Zordick, ang anak ni Vlad na isang pureblood
Vampire. Ang grupo ni Neo na handang-handa na rin mula sa Black Organization.
Si Light ang nagbukas nang tarangkahan nang mahika sa mundo nang Abyss.
Maaga pa ngunit hindi iyon dahilan para hindi sumunod ang iba't ibang grupo paloob
na may iba't ibang layunin.
Sa loob lamang ng tatlong buwan natutunan ni Crescentine gamitin ang sandata mula
kay Crescent. Sa totoo lang napakahirap ngunit sa tulong nang pakikipag-isa niya
kay Crestia kinaya niya kaya sa labang magaganap dalawa sila. Napakalakas nang
sandata, kakaiba. Ngayon buong-buo na ang paniniwala niya na ang ama ang
pinakamalakas na nabubuhay sa mundo. Dinaig nito ang ibang mga scientist sa galing
nitong tumuklas ng mga bagay. Gustong-gusto niyang makilala ito at ang pagkapanalo
niya ang magiging pinaka-magandang regalo para dito.
Samantala si Jasmine ang nag-ingat nang punyal na mula kay Crescent.
Hindi niya ipinabatid kay Shin ang pagkakamaling naroon. Hindi niya hinayaang
magulo ang isipan nito. Ngunit ang ikinapagtataka niya ay palagi lamang itong
nakaupo sa isang tabi at naglalaro nang kung anu-ano sa mga diniscover niyang laro
at hindi nagsasanay. Naghihintay lamang sila nang tamang oras. Marahil inirereserba
nito ang lakas.
**
" Susuko ka rin naman pala, Seventh," nangingiting wika ng Demon Lord kay Seventh.
" H'wag kang mag-alala ikaw ang aking panlaban, alam ko kung gaano ka kalakas.
Tandaan mo, ikaw ang pinakagusto kong maging anak, at bilang anak ikaw ang magiging
pinakamalakas sa mundo ng mga mortal hanggang Abyss, " anito na nilapitan si
Seventh at hinawakan sa balikat.
Itim ang buhok ngayon ng Demon Lord. Hindi nalalayo ang edad kay Crescent. Hindi
mahaba ang buhok nito at matatalim ang kulay asul na mga mata nito. Matangos ang
ilong at manipis ang labi. Mamula-mula ang kutis at may marka sa leeg na tila
tattoo na umabot sa kamay nito na mahahalata kahit mahaba ang suot nitong damit.
Nasa loob ito nang Abyss, at sa totoo lang si Seventh ang may kayang maypabalik-
balik sa Abyss noon pa man. Kaya nakakalabas ito kapag gustuhin nito noon.
Kasalungat nang Orihinal na kastilyong salamin ang natatakpan nang makapal na usok
na itim na hindi nakikita nang iba noon ang itim na kastilyo na kinalulugaran ng
Demon Lord at nang mga tagapagsilbi nito. Sa kuwarto nito sila nag-uusap.
" Pareho lang naman tayo nang gusto," ani Seventh matapos abutin ang
iniaabot nitong krysal na may lamang kakaibang mahikal na pulang likido. Hindi niya
matanggap ang ginawa ng kanyang ama.
" Kung mamamatay si Shin, mamamatay rin si Crescent. Hindi mo siya
pinapaslang dahil ayaw mong mamatay ang iyong ama, tama ba? Gusto ko nang buong
loob, bilang aking ika-pitong anak, Seventh Sanctum patunayan mo ang sarili mo at
igagawad ko sa 'yo ang kalakasang hinding-hindi mo makukuha sa iyong ama," ngisi
nito.
Tama. Si Crescent ang karugtong buhay ni Shin , nang Thanatos. Ang
Panlaban ng mga Diyos ng sangkailaliman na maging ang mga ito ay mas pinapanigan si
Shin na mabuhay. Tama ang Demon Lord, sa huli, sila ang mamamatay, sila ang
itinakdang mamatay at si Shin ang mabubuhay. Kung mananatili siya sa panig nang
ama, alam niyang kamatayan ang kahahantungan niya. Pero kapag muli niyang binalikan
ang pwesto niya bilang Seventh Sanctum, bilang anak nang Demon Lord makakamit niya
ang buhay - buhay na hinihintay ni Lucylle at Tamtam na tanging nagnanais na
mabuhay siya.
" Mas malakas ako sa iyong ama, alam mo 'yan hindi ba? Ang trinity
Blood ang magbibigay sa kanya nang higit sa inaasam niyang kalakasan, gamit kayong
mga anak niya, gamit ang buhay n'yo bibigyan n'yo siya nang higit at ang kapalit
no'n kamatayan n'yo. Ngunit kung hindi ka tatayo sa panig nila, walang magaganap na
Trinity Blood spell. Nasa 'yo ang desisyon sa likidong 'yan, kapag ipinasok mo 'yan
sa katawan mo, asahan mo ang mga pagbabago at ang hihingin ko lang na kapalit. Ikaw
mismo ang tumapos sa buhay ni Crescent, " anito kasunod nang nakakalokong ngiti.
Tinalikuran na ni Seventh ito. Bakit ba niya hahayaan ang ama na
mabuhay? Bakit mas mahapdi, makirot, umaantak ang sakit nang hindi nito pagtanggap
sa kanya nang mabuhay ito? Kung gaano kasakit ang marinig niyang nasasaktan ito
noon sa selda ay ganoon pa rin ang itinatarak nito sa kanya ngayon? Bakit hindi
siya maging katanggap-tanggap? Hindi man niya aminin, natatakot siya. Natatakot
siyang magkita ito at si Shin, sa loob nang sampung taon na magkasama sila wala
itong ipinakitang pagkakagusto sa kanya.
Higit pa sa isang libong punyal ang isinaksak nito sa kanya sa tuwing
hindi siya nito tinitignan. Hindi kinikibo at mas lalong sa tuwing nilalapitan niya
ito ay hindi niya magawang sabihin rito ang mga gusto niyang sabihin.
Buo na ang desisyon niyang paslangin si Shin. Kailangan na niyang
tanggalin ang mga nagdudulot nang sakit sa kanya.
"Master," Lumilipad si Tamtam na sumunod kay Seventh sa isang bundok na
malakas ang hangin. Minamasdan nito ang buong Abyss, ang perpektong mundo nang mga
kampon nang kasamaan. Ang mundong nilikha nang kanyang ama, ang mundong
nagbabadyang magunaw sa digmaang magaganap. Ang huling digmaan.
" Hindi ka dapat nagpapalinlang sa kanya, Master. Ama mo pa rin si
Master Crescent, " pigil ni Tamtam dito na masagana ang mga luhang bumabalisbis.
" Ama? Hindi siya naging ama sa 'kin," mapait na sagot niya rito nang
hindi ito tinitignan.
" Makasasama sa 'yo ang bagay na 'yan. Sisirain niyan at paguguluhin
ang isipan mo, Master, pakiusap. " Puno nang takot si Tamtam. Ang likidong iyon ang
ibigay noon nang Demon Lord kay First to Sixth Sanctum na nilimot na ang mga
nakaraan at tinakbuhan nang galit ang mga ugat, nabubuhay ang mga ito sa pagkamuhi
na sinasabing dahilan bakit nagiging napakalakas nang isang nilalang. Kapag galit
lamang ang nasa puso nang mga ito magiging sandata iyon para hindi sinuhin ang mga
kalaban.
Ibig sabihin lang mapapasailalim nang husto si Seventh dito. Magiging
alipin nang sariling galit at maging ang ama nito ay papaslangin nito. Ngunit hindi
niya maikakailang may kakaibang lakas na nakapaloob sa likidong iyon. Kaya nga ang
Sanctum Brothers ang kinatatakutan nang labis.
" Bakit Tamtam, kapag ba nabuhay siya, mabubuhay ako?" May pait na
tanong ni Seventh kay Tamtam na hindi nakakibo.
" Alam natin pareho na ito na ang huling mga oras namin, ang huling
digmaan ang magwawakas sa 'min. Iyon ang hangganan nang buhay namin, isa lang ang
mabubuhay o pare-pareho kaming mamamatay, " ani Seventh.
"Pero master -" hindi na alam ni Tamtam ang sasabihin. Kaya hinayaan na
lang niya ang maraming luhang bumagsak sa mga mata niya.
Sinaksihan niya ang pagsuko nito sa Demon Lord. Gamit ang itim na
hangin na naging solidong espadang itim, binuhusan iyon ni Seventh nang lahat nang
laman ng nasa bote. Sinipsip iyon nang naturang espada at napapikit si Tamtam nang
isaksak ni Seventh iyon sa sarili. Narinig niya ang pag-igik nito nang imulat niya
ang mga mata nakita niya ang walang tigil na pagdaloy ng mga dugo nito sa ibaba.
"Master," tinakpan ni Tamtam ang bibig niya sa nagbabadyang paglakas
nang pag-iyak. Hindi niya alam kung anong tama, kung ano ba talaga ang dapat niyang
panigan. Nalala niya ang nakaraan:
"Master, aalagaan ko siyang mabuti! 'Wag kang mag-alala!" Pagyayabang
niya noon kay Crescent nang ibilin nito ang isang anak na nasa loob ng isang selda,
madilim at nag-iisa.
Nang Makita siya nito agad itong natuwa sa kakaibang liwanag niya.
Nasilayan niya ang pagiging misfortune nito at ng dating bagot na bagot niyang
buhay sa lupain ng mga guardians ay napalitan nang kakaibang katuwaan. Si Seventh,
napakasaya nitong makita siya, natutuwa siya kapag hinahanap siya nito at paiiyakin
niya 'to bago siya lumabas pero ngayon siya na ang laging pinaiiyak nito.
Pero nang tumagal ay hindi niya na 'to pinagtataguan. Dahil tila palagi
lang itong nasasaktan kapag iniiwan niya. Wala itong ibang kausap maliban sa kanya
kapag nasa selda ito. Pero may dumadalaw rito na ikinatutuwa nito, isang babaeng
tagapag-alaga nito roon at nagbibigay nang makakain nito. Si Mathilda ang naging
Ina ni Seventh doon. Palagi ring umiiyak si Mathilda kapag hindi nakaharap si
Seventh. Narinig niya minsan na masyadong hindi patas ang tinatamasa ni Seventh sa
ibang mga anak ni Crescent kaya naman nang sinundan niya si Crescent matapos nitong
puntahan si Seventh ay may nakita siyang isa pang kamukha ni Seventh.
" Master sino siya?" Hindi niya napigil itanong noon kay Crescent.
Nakahiga ito nang mas maayos at maraming nagbabantay ritong babae na giliw na giliw
rito.
"Si Shin," sagot ni Crescent na nilapitan ang sinabi nitong Shin.
Natutulog iyon nang mahimbing. Nakita niyang sumilay ang ngiti sa labi ni Crescent
nang makita ang batang Shin, simula no'n nasaktan siya para kay Seventh. Hindi ito
ngumingiti kay Seventh, hindi ito nagpapakita nang kahit na anong damdamin, bakit
ganoon? Akala niya ganoon lang talaga si Crescent, pero nang makita niya si Shin,
kung paano nito tignan, ibang-iba ....
Simula noon hindi na niya iniwan si Seventh. Palagi niya 'tong
pinapangiti kahit gusto niyang umiyak kapag hinahanap nito si Crescent at kung
paano ito matuwa kapag nalaman nito na darating ang ama na sa katunayan saglit lang
naman daraan. Mas matagal pa 'yung paghihintay ni Seventh dito. Natatakot siyang
magtanong kay Crescent dahil baka magalit ito at ilayo siya kay Seventh, paano na
ito? Nangako siya kay Mathilda na aalagaan ito at hindi hahayaang mag-isa.
Pero dumating rin noon ang pagkakataon na nalaman ni Seventh na may
SHIN pa. Sinabi nito sa kanya na noon iyon ang pangalan nito. Kitang-kita niya ang
kirot sa mga mata nito. Iyon ang unang beses na hindi niya napigil ang mga luha
niya sa mismong harapan nito.
Bakit hindi ito nakakalabas sa kadiliman? Ang pagiging misfortune ba
ang dahilan o may iba pa? Kahit na anong mangyari hinding-hindi niya 'to iiwan.
Nangako siyang kahit anong desisyon ang naisin nito, hinding-hindi siya aalis sa
tabi nito.
Mahal na mahal nito ang ama, sa kabila nang lahat. Sa kabila nang
sakit, naroon pa rin ito. Pilitin man nitong sabihing wala itong pakialam na, alam
niyang hindi iyon totoo. Pagtanggap, iyon lang naman ang nais nito pero bakit
napakahirap kay Crescent na tanggapin ito bilang anak!
**
" Sabihin mo, ano bang klaseng bata si Seventh?" tanong ni Lyra kay Crescent nang
magkatabi na sila sa kama. Si Chrysanta naman ay naglalaro sa likuran ni Lyra nang
puzzle na ikinahahagikgik nito mag-isa.
" Bakit?" Tanong ni Crescent habang iniaayos ang buhok ni Lyra na
tumatabon sa pisngi nito.
"Gusto ko lang malaman, katulad rin ba siya ni Shin?" Tanong pa ni
Lyra.
"Hindi sila magkatulad," ngiti ni Crescent.
"Napakatipid mo naman! Haba-habaan mo naman!"
Natawa si Crescent sa pagsimangot ni Lyra, " Hindi sila magkatulad.
Mas kaya ni Seventh na kontrolin ang emosyon niya kumpara kay Shin. Mas madaling
masaktan si Seventh, mas madaling magalit si Shin. Mas madaling pagsabihan si
Seventh kesa kay Shin, " natatawang sabi ni Crescent.
" Mas matagal mong nakasama si Seventh, higit sa 'kin. Sana naalagaan
mo siya Crescent, kapag naalala ko kung paano siya tumingin sa 'kin noon, kung
paano niya iniiwas ang mga tingin niya. Para kasing ang lalim nang kalungkutan
niya," nalulungkot na sabi ni Lyra. Napipi naman si Crescent at niyakap na lang si
Lyra.
Nagkatinginan sila ni Chysanta at ngumiti naman ito sa kanya. Nang
makatulog si Lyra ay agad na lumabas si Crescent sa rooftop buhat si Chrysanta.
"Papa, h'wag ka nang malungkot," pilit na nginingitian ni Chrysanta si
Crescent na tipid namang ngumiti. " Pangako, tutulungan kita. Hinding-hindi kita
iiwan," anito pa kaya lalo siyang nangiti.
" Mahal na mahal kita papa, si mama pa, sila kuya Shin, Seventh at
Crescentine pa!" Ngiti nito na unti-unting nagpawala nang ngiti sa labi ni
Crescent. Wala siyang naalalang binanggit rito na may mga kapatid ito. Si Lyra
siguro, pero paano nito nakilala si Crescentine? Maging si Lyra hindi pa ito
nakikilala.
Bigla itong yumakap sa kanya. " Papatayin ko lahat nang mananakit sa
'yo papa, maniwala ka, susunugin ko maging mga kaluluwa nila, hihihi, " lalong
ikinagulat ni Crescent ang sinabi nito kaya tinitigan niya 'to nang matiim. Pero
ang inosente na nang ngiti nito. Iba sa boses nito kanina.
" Naiisip ko na agad kung ano ka paglaki," nangingiting hinalikan ni
Crescent sa noo si Chrysanta. " Pero nasisiguro kong hindi mo na kailangang
lumaban, dahil lahat kami, ipagtatanggol ka, at hindi hahayaang masaktan nang iba,"
ani Crescent kay Chrysanta.
Ito na marahil ang huling oras sa ngayon na maayos siyang hihinga dahil
ang susunod na mga araw ang magiging pinakamahirap sa kanya. Sisiklab na ang
digmaan.Iba't ibang layunin, iba't ibang dahilan bakit nagpunta roon pero ang isang
sigurado dadanak ang dugo at kamatayan.

READ. VOTE. COMMENT! <3 :)


#MisaCrayola
Nasa votes at comments n'yo talaga ang bilis ng pag uupdate ko hahaha!
Kaya 'wag tamad o

TF 30: Beg me first!

TORMENTED FATE
CHAPTER 30

" MAGSISIMULA NA ANG HULING PARTE NG LABAN!" Masiglang wika nang babaeng nasa gitna
na nang arena. Nagbalik na ang mga natitirang kalahok sa Abyss at naroon sa Arena
kasama ng babaeng announcer na tila sila mga manok na paglalabananin nito.
Napakaraming halimaw na nanonood naroon ang mga itsurang tao at itsurang hayop,
nagwawala ang mga ito na mukhang pinagpustahan sila.
" Labing lima na lamang sila! Sa huling parte ng laban, kailangang
magkamatayan na! Ang huling parte ay sabay-sabay na labanan at ang kailangan lang
ay anim na matitira! " anito pa na umiirita kay Shin, nakapakaingay nito at hindi
pa rin matapos. " Bilang ating espesyal na manonood, narito ang kanyang mga
nagguguwapuhang anak! " tila kinikilig na wika nito at ipinakita sa screen ang ang
isang lalaking hindi nalalayo ang edad sa anim na nakatayo sa likuran nito. "
Ikinalulugod kong ipakilala sa inyo ang tunay na may-ari ng mundong ito! Ang
nakatalo at pumatay kay Crescent!" dugtong nito na nakapagpasingkit ng mata ni Shin
at Crescentine.
" Akala ko 'yung papa mo may-ari nito? Sinanla ba niya?" ani Khiel
dahilan para sikuhin 'to ni Jasmine.
"Ingay mo, " ani Jasmine na nakakadama nang kakaiba kay Crestia at
Crescentine. Napakabilis ng panahon pero bakit parang may nagbago sa lagay ng
kapangyarihan ng mga ito. Crestia, may aura pa rin siya nang pagiging mabait at si
Crescentine na napatingin sa kanya at nginitian siya -Fck, ang guwapo talaga!
Inilibot niya ang paningin. Siya si Jasmine, Shin, Khiel, Crestia,
Crescentine at nawawala si Seventh! Hindi niya naalala na natalo ito sa laban, as
in wala siyang maalala. Binilang niya lahat nang partisipante bago may nagsalita.
" Nasaan si Seventh? " Isang babaeng walang pakialam ang nagtanong
niyon. Abala ito sa paglalagay ng lipstick, at totoong malalakas ang natitira. #3
ito at binigyan talaga sila ng numero nang abnormal na announcer.
" Tumakas na, " hagikgik nang isa namang fifty-fifty na lalaki na
kanina pa nababagot at tila trumping sasayaw sayaw ang mga paa sa tugtugin ng kung
ano sa headset nito. #9 ito.
"Nandiyan siya!" Tila tuwang-tuwa naman 'yung #3. Oo nga nandoon na ito
at may kakaiba rin dito. Kasama na naman nito ang maliit na nilalang na lilipad-
lipad na masarap ipang-display sa ibabaw ng cupcake. Naroon lang pala ito sa
likuran. #7 natawa naman siya sa numero nito, oo na pangalan na nito!
Napatingin ito sa kanya pero as in saglit lang. Wow ha? Choosy pa 'to
sa titignan talaga!
" Pumpkin, 'wag kang mawawala sa tabi ko, " sabi ni Shin, kikiligin na
sana siya pero dinugtungan pa nang impakto! " Tatanga-tanga ka pa naman, " anito sa
kanya kaya napasimangot siya pero bakit 'to biglang ngumiti? Waaaa! Namumula na
yata siya.
" Kaya ko sarili ko! Pureblood Princess ako!" aniya na pulang-pula na.
Kinikilig? Pinagalitan niya ang sarili sa pagiging feeling teenager, remember six
years ang age gap nila 6 and half to be exact!
" Shin, mag-iingat ka," ani Crestia na nakapagpasimangot kay Jasmine.
MAEPAL talaga.
#1 si Crestia. #2 si Shin. #6 si Crescentine. # 10 si Jasmine #12.
" Bubuksan na natin ang huling stage! " wika nang paepal na announcer na itinuro
ang isang malaking pintuan na dahan-dahang bumukas ...... " Pumasok na kayo! Oras
na nasa loob na kayo magkakaroon kami nang track gamit ang mga numero ninyo na
magsasabi kung ilan pa kayong natitirang buhay! Oras na bumaba kayo sa anim saka
lamang bubukas muli ang pintuan!" anito.
"Daldal, " inis na bulong nang isang babaeng nagdadala ng numerong 4.
Kanina bago dumaldal nang dumaldal ang announcer napansin na nila na may mga
nakaguhit sa likuran nang palad nila na numero na tila nga tattoo.
Ang nagdadala nang numerong 5, 6, 8, 9,11 ay isang buong grupo. Noon pa
nila napapansin na isang grupo ang mga 'tong magkakasama. Apat na lalaki at isang
babae. Ang 13, 14,15 naman ay iyong tatlong tila wala man lang kausap kahit isa.
Stand alone player? O namatay na lahat nang kasama ng mga ito?
Pumasok na nga sila at talagang mabilis na nagsara ang tarangkahan.
Parte pa ba iyon nang Abyss? Bakit maganda ang lugar? Maliwanag, mapuno, may
lagaslas ng tubig silang naririnig. Mapayapa ang pakiramdam at halos manlaki ang
ulo ni Crestia nang marinig ang tawanan ng mga bata na tila naglalaro.
"Ang mundo sa labas, anong isla 'to mapapahamak ang mga nakatira dito!"
hindi mapigil ni Crestia na ibulaslas iyon.
"Marami pa lang pagkain dito," tila natatakam na wika ni # 6 na
ikinahagikgik nang tanging babae ng grupo na si #11.
"Job well done, Our Lord, " ani #6 na kinagat ang labi. Tila natatakam
ito.
"May mga tao rito Shin, " ani Jasmine na kinakabahan. Kung magiging
labanan ang lugar malaking tiyansa na mamatay ang mga naroon.
" Wag mong sabihing iipunin mo muna sila bago ang laban?" Natatawang
wika nang babaeng si #3 na umangat na sa lupa at nakangisi ang iba naman'y
nagpulasan na at nagpakiramdaman naman ang lima. Nagtatagis ang mga bagang nang
tatlong anak ni Crescent na nsakto pang magkakatalikuran at nakahugis trianggulo.
Tila may gustong sabihin sa isa't isa pero walang makapagsalita.
"Magkakamukha pala sila?" ani Khiel sabay takip nang bibig.
"Seriously? Khiel, seriously?" ani Jasmine na hindi maimagine na hindi
nito iyon napansin samantalang nagsusumigaw ang katotohanan na magkakamukha ang mga
ito!
"Mag-iingat kayong lahat, " ani Crestia.
"Pabebe," humalukipkip si Jasmine, nakakairita talaga ang mahinhing
boses nito at ang pabebeng pagsasalita!
" 'Wag muna kayong mamamatay -" sabay-sabay na wika nito na ikinagulat
rin ng tatlong nakikiramdam sa kambal ba o magkakapatid o nagkamukha lang talaga.
Isang lumilipad at nagbabagang palakol ang papalapit sa kanila kya
kanya-kanya silang direksyon sa pagpulasan.
**
"Paano ang mga tao?" ani Jasmine habang minamasdan ang buong lugar sa tuktok nang
bundok. Isa iyong payapang isla.
"Pumpkin, hindi ganoon kalinaw ang mata ko. Pero ano ba ang toreng
'yon?" tanong ni Shin na tila bumibilis ang tibok nang puso nang makita ang isang
mataas na tore na tila pinagmumulan ng kuryente o kung ano pa man nang buong lugar.
Napakalayo niyon.
" May nakaharang na kapangyarihang itim at kidlat kaya hindi siya
mapapasok. Baka iyon ang tracking nila sa 'tin?" ani Jasmine na pinaliit ang mga
mata para mas matanaw iyon nang malapitan. " May pula siyang tatak, may buntot?"
natatawang napakamot sa ulo si Jasmine kaya napatingin dito si Shin.
"Seriously?" tila nang-iinis na gaya ni Shin sa madalas pambasag ni
Jasmine sa mga kausap nito.
"Oo nga! Akala mo niloloko ka no? "
"Nasaan kaya siya, " ani Shin
"Wow? So hinahanap mo agad si Pabebe girl?" ani Jasmine na inatake na
naman nang inis kay Crestia.
"Pabebe girl?" kumunot ang noo ni Shin na humarap sa kanya.
"'Wag kang mag-alala pag-uwi natin mag-aasawa na 'ko nang iba para
talagang hindi tayo makakasal!" Galit na wika ni Jasmine, kinakain na naman ng
selos ang puso niya! Oo na siya na may one sided love, ang saklap mainlove sa mas
bata sa 'yo! "May Damien naman ako, " ismid pa ni Jasmine nang maalala ang isa sa
guwapong heneral nang kuya niya. Nabigla siya nang hawakan ni Shin ang baba biya
para iangat ang mukha niya rito, ilang beses siyang napalunok nang makita ang
matiim nitong titig. Hindi lang 'yon papalapit ... papalapit talaga! Literal na
nanlaki ang mata niya nang tawirin nito ang pagitan nang mga labi nila napaigtad pa
siya nang kagatin nito nang marahan pero masakit ang malambot niyang labi,
nalasahan nga rin niya ang sariling dugo.
" Isa pang banggit mo sa DAMN na 'yan, aanakan kita mismo rito, " anito
nang ilayo nang bahagya ang labi sa kanya but it feels like he was speaking into
her mouth - malapit na malapit 'to.
Aanakan habang may digmaang nagaganap? Pulang-pula ang pakiramdam niya
kaya pinagalitan niya ang sarili sa sobrang pagkatakam na muling tawirin nito ang
pagitan ng mga labi nila. Bakit ba tila pabitin 'to? He caressed her lower lip with
his thumb --gusto na niyang magmura sa ginagawa nito sa kanya na nagbibigay sa
kanya nang kakaibang init na nagsasabog yata sa buong katawan niya -sinisilaban ang
pakiramdam niya. - he sucked his lower lip and let it go, without ten seconds for
pete's sake!
"Shin .. " bulong niya nang makita niyang kagatin nito ang sariling ibabang labi.
Ang pula nang labi nito, totoo talagang mga babaeng bampira ang madalas
nabibikitima ng mga lalaking lobo sa sobrang HOT ng mga 'to!
"Beg me to do it to you, now, " sabi nito sabay ngiti na parang
nakakademonyo lang kaya itinulak niya 'to.
"Beg your face!" aniya sabay halukipkip at harap sa tore na ma buntot
na markang pula! Narinig niya ang pagtawa nito kaya nilingon niya 'to, tumatawa na
'to? May sanib kaya si Shin ngayon? Hindi 'to nagsusungit ngayon.
" Beg me first, pumpkin, kahit nasa katapusan na ang mundong 'to,
paliligayahin kita, maniwala ka, " anito pa sabay tumawa na kanina pa nito
pinipigil mapalakas.
"Wew! Baka mamaya ikaw ang magmakaawa, beg me first! Marami kayang
nagpapantasya sa 'kin, isa ka lang doon alam mo 'yon?" aniya kay Shin na hinarap
siya.
"Please, let's do it, " anito sa seryosong tono kaya ilang beses siyang
napalunok.
"Ha? Dito sa bundok? Sa kuweba? Makati pag sa damuhan inalagaan ko kaya
'tong kutis ko! "aniya na pulang-pula. Pero tumawa lang 'to nang malakas at sa
sobrang tawa gusto niya 'tong tadyakan at namimilipit pa sa katatawa sa kanya.
"I'm just joking pumpkin," anito na talagang pinilit diretsuhin ang
pagsasalita dahil tawa nang tawa kaya gusto niyang maglabas ng espada at isaksak
dito nang makasampung beses sa sobrang panggigigil na nararamdaman niya! " Beg me
first, c'mon, "anito kaya inirapan niya 'to. " Galit na siya, " anito na tinusok
ang pisngi niya nang index finger nito kaya tinabig niya ang kamay nito at
humalukipkip, nakakainis talaga 'to!
Nabigla si Jasmine nang bigla siya nitong hinapit sa baywang at mabilis
pa sa kidlat na nadala siya nito sa sanga nang isang malaking puno na. Kasunod nang
pagkahati ng bundok na kanina'y tinutungtungan nila. May sumusugod na sa kanila!
Malakas 'yon, dahil nahati ang ibabaw ng bundok.
" Just beg, " ani Shin pa! Loko ba 'to at iyon pa rin ang
ipinaglalaban?!
"Mamamatay na tayo, beg, beg ka pa diyan!" aniya rito pero kahit ata
mamamatay na sila, mukhang totoo na ang SEPTEMBER ang pagsisimula nang oras ng mga
Werewolves sa pag-aanak! Biglang naging mainit si Shin sa kanya, at siyang malandi
ay gustong patulan ito kahit kanina pa siya nito pinagloloko!
Para slang ewan na may tinatakbuhan at hinahabol sila nang kung ano
mang ginagamit na sandata nang kung sino man! Hindi na niya mapansin dahil buhat na
siya ni Shin at nakahawak na siya sa batok nito at humihinga siya nang malalim
dahil talagang pinakatitigan siya nito.
ANO BA SASABIHIN NA BA NIYA NA -- PLEASE DO IT TO ME SHIN! DAMN! He's so
irresistible! WHY SO DAMN SEXY and HOT SHINNNNN?!

READ. VOTE.COMMENT! <3


fb:Jobelle Rivera MisaCrayola WP

TF 31: Reunited (SevCylle)

Last 10 chapters.
* 85 votes next chapter *

TORMENTED FATE
" REUNITED"

Isang grupo nang manlalaro ang pumalibot kay Seventh. Ito ang nagdadala ng numerong
5,3,8,9 at 11. Naroon sila sa isang open field at nasisiguro niyang sinundan siya
nang mga ito.
Wala siyang panahon para sa mga ito dahil nalalabi na ang oras nila sa
mundo kaya naman walang awa niyang pinatay ang mga ito. Hinaklit niya si #5 at
buong lakas na tinagpas ang ulo nito gamit ang talas lamang ng mga itim at mahahaba
niyang kuko. Sinunod niya ang lumilipas na si #8 na pasugod sa kanya mula sa
himpapawid pababa. "Lightning blade," ani Seventh kasunod nang paglabas ng isang
sibat sa kamay niya na nabuo mula sa itim na hanging naging solidong espada -iyon
ang inihagis niya pasalubong sa lumilipad na kalaban na halata ang pagkabigla. Agad
itong tatakas ngunit mas mabilis ang sibat ni Seventh dulot nang pwersang kaakibat
niyon mula sa kamay niya. Sumaksak iyon sa bibig nito hanggang sumabog ito kasama
ng sibat sa ere -bagsakan sa lupa ang dugo nito na tila dumilig sa paligid ni
Seventh.
" Tamtam, eliminate them, " ani Seventh sa lumilipad na si Tamtam sa
tabi nito. " Be my blade, " ani Seventh kasunod nang pagiging isang espada ni
Tamtam na ngayon ay kulay pula na may itim na hawakan. Mabilis sa kidlat na kumilos
si Seventh na ikinatakot nang tatlo -kakaiba ito.
Inilabas ni #11 ang malaking palakol niya at hindi niya mapigil ang
ngisi dahil nakikita niya ang pag galaw ni Seventh kaya nagkrus ang espada nito at
ang talim ng palakol niya. Isa siyang malaking nilalang kumpara kay Seventh, walong
talampakan na may namumutok na muscle ang katawan niya at talagang naiatras niya si
Seventh pero ang mga mata nito ay tila walang emosyon.
Napatitig siya sa mga mata nitong mapula. Dalawang pulang mata ni
Seventh na nagpahinto sa kanya kasunod nang pagbagsak niya sa palakol niya. Para
siyang na exorsismong umikot ang itim na mga mata, naglabasan ang mga ugat sa
walang buhok na ulo at tila may dahilan kung bakit nagngangalit ang mga ugat nito
na halatang puputok na.
Tinignan ni Seventh ang dalawa pang natitira si #9 at #3. Kapwa takot
ang mga ito lalo na nang magsimulang magdugo ang tenga, ilong at maging pagluha
nang dugo ng kasamahan nila ay nasaksihan nila bago ito tuluyang sumabog. Naglasug-
lasog ang laman nito na bahagya pang gumagalaw-galaw maging ang utak nito'y sa
mismong harapan nila sumabog.
Tatakasan na nila si Seventh ngunit sa pagtalikdo nila ay naroon na rin
ito nakangisi at walang hirap na hinati silang dalawa ng saba sa ulo at hindi pa
'to nakuntento sa pagtagpas ng ulo nila at sinundan pa nito nang pagputol sa mga
paa nito. Tumalsik ang mga dugo nito maging sa pisngi niya ngunit naglalaro ang
ngiti sa labi niya.
Nakapagaling nito, tila ba mahihina lang ang nakalaban nito. Samantalang malalakas
ang mga ito kaya natira. Duguan, lasug-lasug at ang mga pugot na ulo ay nakatingala
sa mapanglaw na kalangitan.
"Papatayin ko ang lahat at kaming tatlo ang matitira para magkaalaman.
"ani Seventh kasunod nang paghampas nito sa hangin ng espadang si Tamtam at
humiwalay ang dugo ng mga pinatay niya sa patalim nito. Nang magbalik si Tamtam sa
dati ay agad siyang naupo sa balikat ni Seventh.
"Sasamahan kita, Master," ani Tamtam na buong loob na susuportahan si
Seventh sa lahat nang naisin nito.
Plano nitong patayin lahat at ihuli ang mga kamukha nito. Walang saysay ang naging
laban lalo pa't isa lamang iyong kalokohang binuo sa loob ng Abyss. Oras na matalo
niya ang lahat nang naroon at matira sila makakalabas na sila sa huling stage na
'yon at magsisimula ang inaasam niyang tunay na digmaan nang pinakamalalakas.
"Ang kamukha mong anghel master!" Napatayo si Tamtam sa balikat ni
Seventh nang makita si Crescentine na nasa himpapawid at panay ang pagaspas ng
puting-puting pakpak nitong makinang. May kalaban ito sa himpapawid na isang
babaeng tila ma lahing bampira sa itim ng lipstick at kasuotan nitong halos lumuwa
na ang dibdib.
#4 -Ang babaeng may tatak sa likuran ng palad nito. Mabilis itong kumilos at dual-
wielder ito. Dalawang espada ang hawak nito at bilang panangga ay pinagku-krus
niyon. Mabilis ang pagkilos nito at nakangit habang buong artistiko ang pag galaw
ng katawang bumabaling parang isang ballet dancer. Ilang beses nitong nasangga ang
pagsugod ni Crescentine na halatang naiinis na at higit ngang malakas ang babae
dahil nagawa nitong sipain si Crescentine ng malakas dahilan para bumagsak ito sa
isang bundok na nagkaroon ng malaking uka at pagkakabiyak ng mga bato. SInundan
ito nang mismong babae at inundayan ng saksak. Pero laking gulat nila nang nasa
likuran nito ang babaeng may pakpak na si Crestia.
"IHATOL ANG PAGHUHUSGA!" Sigaw nang babae kausnod ang ingay na
nakakangilo sa mga may lahing demonyo/halimaw. Ang tunog ng pagbubukas ng
kalangitan. Nagliliparan ang buhok nito at nababalot ito ng asul na liwanag.
Nagulat naman ang babae nang hindi siya makagalaw kasunod nang paglabas
ng isang libo't isang daang espada mula sa kalangitan. " ELIMATE THE
EVIL, JUDGMENT SWORDS!" sigaw ni Crestia kasunod nang mbilis na pagliliaprang tila
ulan ng mga espada.
"Hangal ka papatayin mo ba ang kakampi mo!" sigaw ng babaeng si #4
dahil alam nitong kasama niya si Crescentine sa loob ng ukang pinagbagsakan ni
Crescentine.
"SHIELD!" anito na lumikha ng shield para harangan ang sarili kahit pa
napoprotektahan niya rin si Crescentine. Ngunit malakas ang mga espada at talagang
binabasag nito ang nasabing shield niya kaya naman wala siyang nagawa kundi
iharang ang mga kamay sa kakaibang liwanag na sumalubong sa kanya dulot ng mga
espadang makikinang na mula sa babaeng anghel. Pareho naman silang mamamatay ng
kasama nito.
Ilang beses siyang nasaksak nang espadang hindi siya pinaligtas. Nang
tignan niya sa huling pagkakataon ang lalaking anghel ay nakaupo lang ito at tila
wala naman kahit anong pakialam. Ilang beses itong nilapitan ng mga espada ngunit
nagbagsakan lang iyon sa harap nito.
Samantala ilang beses pinalis ni Seventh ang mga sumugod rin sa kanyang patalim
mula sa anghel na si Crestia. Eliminate the evil? Ibig sabihin alam ng espadang
iyon na mula siya sa itim na lahi, ngunit ang ipinagtataka niya bakit si
Crescentine ay isang anghel? Ito rin ang sinasabing anak nang kanyang ama. Ngunit
malinaw niyang nakikita na hindi ito tinamaan ng mga espada samantalang kalapit
lang nito ang babaeng naglaho na sa hangin nang mamatay. Lumipad si Crescentine
palapit kay Crestia.
"Master, may sugat ka!" ani Tamtam ng makitang nasugatan ito sa leeg.
Hindi iyon naghilom katulad nang dapat mangyari. Pero hindi iyon ang gumambala kay
Seventh kundi ang presensiya ni Vincent Zordick. Wala ito sa mismong laro ngayon
ngunit nakapasok na ito sa Abyss - Pureblood Vampire King -totoo nga ang propesiya
nang Huling digmaan nang kamatayan, ang pinakamalalakas ay magtitipon sa iisang
lugar.
Naglaho si Seventh na ikinapagtaka ni Tamtam. Gayunman muli niyang
binalikan ang naglalakad nang si Crescentine at Crestia na hindi naman sila
napansin. Lumipad siya sa ibang direksyon at doon niya nakita si Shin kasama ang
Pureblood princess , may labanan ring nagaganap sa pagitan nito at nang
misteryosong nilalang na tila hinahanap ng dalawa sa paligid.
**
" Lucylle, " ngiti ang bati ni Seventh sa kamumulat lang na batang si Lucylle na
bahagyang kumurap-kurap.
"Seventh!" Bulalas nito kasunod ang pagyakap sa kanya. Nakasuot pa ito
nang puting pantulog. Nang humiwalay ito sa kanya ay agad niyang sinapo ang maliit
na mukha nito.
"Si daddy, pumunta siya kung nasaan ka. Sana hindi kayo maging
magkalaban, " ani Lucylle na hinaplos ang mukha ng lalaking unang tinangi ng batang
puso niya. "Mag-iingat ka, o kaya dito ka na lang sa 'min ni mama. Matagal na
kitang hindi nakita at sabi mo babalikan mo 'ko, tandaan mo 'yang mga pangako mong
'yan kapag naging dalaga na 'ko ..... " pinutol ni Lucylle ang ibang sasabihin at
niyakap si Seventh. Malakas ang naging pag-iyak nito. " Palagi kong
napapanaginipang nagpapaalam ka, palagi mong sinasabi na hindi ka na magtatagal, na
gusto mo lang akong makita sa huling pagkakataon - " walang pagsidlan ang sakit na
nararamdaman ni Lucylle sa isiping maaring magkatotoo iyon.
"Sabihin mo na hindi ito ang huling pagkakataon na magkikita tayo, na
babalik ka ..... " buong pag-asam na tinitigan ni Lucylle ang dalawang pulang mata
ni Seventh. Iyon ang mata niyang kinuha nito sa kanya at pinalitan upang hindi na
siya mahusgahan sa pagiging misfortune niya. Noon pareho silang may isang mata
bilang children of misfortune ngunit inako nito ang sumpa sa kanya.
"Babalikan kita, " hinalikan ni Seventh ang noo ni Lucylle na panay pa
rin ang pagpatak ng mga luha. Hindi na iyon naampat dahil ilang araw niya ring
iniyakan ang pag-alis ni Vincent na kanyang ama, mapanganib iyon ngunit bilang
Pureblood Vampire King hindi nila ito napigilan nang ina -maging ang ina niya ay
puno nang paghihinagpis sa loob ng tatlong araw.
Nakita ni Seventh ang kuwintas na ibinigay niya dito. Ang crystal
pendulum ang bigay ni Crescent sa kanya na ipinabot nito sa isang katulad ni
Tamtam. Isa iyong proteksyon na pumoprotekta kay Lucylle -hindi niya alam kung
bakit nangamba siya sa kaligtasan nito.
"Bakit nandito lang kayo sa mundo ng mga tao?" Tanong niya kay Lucylle
nang maampat na ang luha nito at pinilit siya nitong magsulat sa isang makapal na
diary nitong wala pang laman.
Ang nakaupo sa gilid nang kamang si Lucylle ay agad naman ngumiti. "
Dahil gusto namin dito, at alam ko na dito mo lang naman ako mapupuntahan, " ani
Lucylle na totoo naman, hindi siya makakapasok sa balwarte ng mga pureblood
vampire.
"Pero mapanganib na dito dahil sa pagyanig at kabilaang sakuna --- "
" Kasama ko si mama. Hindi niya 'ko pababayaan at hindi rin kami
pababayaan ng mga Vampire Generals ni daddy kaya 'wag mo 'kong alalahanin ha? Mag-
iingat ka, tandaan mo na paniniwalaan mo 'yung sinabi kong Mahal kita kapag nag
nasa legal age na 'ko!" ani Lucylle na ngiting-ngiti. Ikinangiti rin iyon ni
Seventh na ginulo ang buhok ng batang si Lucylle.
" At anong sasabihin mo sa daddy mo kapag gusto mo pa rin ako sa
panahon na 'yon?" tanong ni Seventh matapos isara ang sinulatang kuwaderno ni
Lucylle, hinarap niya 'to.
" Kahit anong mangyari tandaan mo ipaglalaban kita, cross my heart hope
to die!" ani Lucylle kasunod nang pagkuha niya sa kamay ni Seventh at pinagkrus
niya ang hinliliit nila.
Si Seventh ang isa sa kilalang berdugo at isa sa planong patayin ng mga Vampires.
Ito ang sinasabing magdudulot nang kamatayan. Pumapatay ito nang walang awa at noon
pa may kilala na ito sa ngalang "Seventh Sanctum " ang lahat ng miyembro ng Sanctum
Brothers ay paglalahuin sa mundo sa huling digmaan at isa si Seventh doon.
Napakasakit isipin na ang lalaking tinatangi niya ay nakatakdang patayin nang
kanyang minamahal na ama. Kalaban si Seventh para sa lahat ngunit sa kanilang mag-
ina, ito ang tumulong sa kanilang makabangon at mabuhay. Kung wala si Seventh
marahil siya si Lucylle Zordick ay isa na sa mga pinag eeksperimentuhan dahil sa
pulang mga mata niya o isa na siya sa pinatay dahil sa pagiging sinumpa niya.
Hindi iyon mauunawaan nang ama dahil hindi nito alam na dati siyang
Children of Misfortune. Bago pa niya makilala ang ama, pinalitan na ni Seventh ang
mga pulang mata niya at natatanaw niya nga rito ang pulang mata nilang dalawa.
"Bumalik ka, 'wag mo 'kong bibiguin dahil hihintayin kita hanggang sa
mamatay ako!" ani Lucylle na pumatak na naman ang mga luha. Hindi niya mapigil
isipin ang pangitaing nagpapaalam si Seventh sa kanya habang naroon ito sa loob ng
isang blood circle at tila mayroon itong isang desisyong ginawa -at ang desisyong
iyon ay isakripisyo ang pangako nito sa kanyang magbabalik.
"Kapag hindi ako nagbalik sa pagdating nang iyong ama, 'wag mo na 'kong
hintayin. Isa pa, marami ka pang makikilala kaya naman hindi mo dapat ikulong ang
sarili mo sa 'kin, "
Ang mga salitang iyon ang dahilan bakit nasampal ni Lucylle si Seventh
na nabigla at nagtatakang napatingin sa luhaang mata nito.
" Hindi! Hindi! Sabay kayong babalik ni daddy! Nangako kayo pareho sa
'kin na babalik kayo, " napalakas ang paghagulgol ni Lucylle kaya nayakap ito ni
Seventh.
" Pangako, babalikan kita, " ani Seventh bago hinalikan ito sa noo.
Hindi niya kailanman sinira ang pangako rito. Kailangan niyang mabuhay kahit ilang
araw, ilang saglit muli lang itong makita at makapagpaalam sakaling wasakin siya
nang sariling kapangyarihan.
Ang realidad nang buhay niya -nakatutok ang espada niya kay Shin.
Ngunit lahat nang naroon sa Abyss ay sa kanya nakatutok ang mga patalim para
paslangin siya. Kung hihingin nang pagkakataon, kahit pagapang babalik siya makita
lang si Lucylle at masabing nagawa niya ang pangako rito kahit pa kasunod niyon ang
paglalaho niya.

85 votes next chapter


READ. VOTE. COMMENT! <3
ADD MY GROUP : MisaCrayola
My FB: Jobelle Rivera MisaCrayola Wp

TF 32: Truth

TO BE SELF-PUBLISHED na ang RBW 1. On June pa naman, dahil ineedit ko na at


jeje days ko pa 'yon hahaha! Kung interested ka, message me on facebook kung paano
ka makakabili. May other parts na bago n'yo lang mababasa. And pulido na siya. :)
Thank you! Once ko lang 'to gagawin dahil gusto ko nga lang talagang magkaroon ng
sarili kong copy, so if ever na hindi na 'ko into wattpad, maalala ko ang
kasaysayan ni Crescent! <3 Pag 'di n'yo ko mahanap sa FB kahit sa message na lang
here in watty. Last week of May ko kukunin ang sure orders. <3

TORMENTED FATE

" TRUTH "


Matapos ang pakikipaglaban nang bawat grupo ay tuluyan nang nagbukas ang lagusan
patungo sa ABYSS. Sapat na ang mga buhay na nasawi upang maging alay.
Sa paligid ng Demon Lord na naghihintay sa kanyang kastilyo ay si First
to Sixth Sanctum. Ang magigiting niyang mga anak na may mga pamanang kapangyarihang
natatangi. Ito ang mga kakalaban sa tinaguriang The Scorpions na mga alagad ni
Crescent.
Sa kabilang dako naman ay nagtagpo ang grupo ni Neo at Vincent Zordick
nang tumapak sa loob ng Abyss. Habang ang mga dating kasamahan ni Crescent ay nasa
mortal na mga mundo upang pigilin ang mga delubyong paparating dahil sa pagyanig na
lilikhain dulot ng digmaan sa dimension ng Abyss.
Ang mga Pureblood Vampires ay naglilikas na nang mga tao para sa
paglulunsad ng New World. Malaki ang tiyansa na magunaw na ang mundo.
" Lyra," hinaplos ni Crescent ang tulog na si Lyra sa mukha nito. Noon
para lang 'tong manika na gusto niyang nakaupo at nagsasalita pero ngayon, binigyan
na siya nito ng mga anak. Mga anak na sana hindi na lang naging sa kanya sapagkat
naging malupit ang mundo sa isang tulad niya. " Tatanggapin ko ang desisyon mong
iwanan ako, pagdating ng oras na 'yon," hinalikan niya 'to sa noo kasunod nang
mariing pagpikit. Kumawala ang ilang butil ng luha sa mga mata niya. Tapos na ang
paghihintay, ito na ang huling digmaang kababakahin niya. Ang digmaang maaring
magwakas na nang tuluyan sa kanya. Hindi ito nagigising dahil umeepekto na rito ang
gamot na ibinigay niya. Gamot na poprotekta rito sa mga pisikal na sakit na maari
itong maranasan. Wala na siyang sapat na lakas para muling makagawa niyon.
"Papa, " kumapit si Chrysanta sa binti ni Crescent nang lalabas na 'to
nang kuwarto. Tumungo naman si Crescent at lumuhod para makapantay ito. Nginitian
niya 'to at hinalikan sa noo.
"Sa kanya ka magiging ligtas sa ngayon, " bulong niya rito. Tila naman
ito matandang tumango kasunod nang paghikbi. Ipapaubaya na niya kay Zandro si
Chrysanta.
"Balikan mo 'ko papa, sila kuya, babalikan n'yo ko ha? Pati si mama, "
anito na niyakap si Crescent.
Inihatid niya 'to sa bukana nang tore kung saan naghihintay si Zandro.
Umiiyak si Chrysanta habang buhat ito ni Zandro at kasunod niyon ang paglalaho ng
dalawa. Wala siyang nagign tamang desisyon, kung saan ang pagiging matalino niya'y
naging isang hadlang sa kanyang pag-angat. Ang labis niyang paghahangad ang
nagpapabagsak sa kanya ngayon. Ngunit isa ang sisiguraduhin niya, hihilahin niya
lahat pababa kasama niya sa impiyerno ang mga naglalaro sa buhay nilang mag-aama.
Ngayon na bukas na ang Abyss, bukas na rin ang harang ng toreng
kinalulugaran niya. Isa sa mga oras na daraan alam niyang isa sa mga anak niya ang
tatapak roon para komprontahin siya.
Nagtungo siya sa kanyang base at ginawa ang huling pagpapalakas niya
nang kapangyarihan.
**
"Napakagaling na natira nga talaga kayong lahat!" wika nang boses na umalingawngaw
sa buong paligid ng naging labanan ng lahat-lahat. "Sa darating na mga oras
magsisimula na ang tunay na digmaan. Ngunit bago ko sila papasukin sa kinalalagyan
n'yo, hayaan n'yong ipakilala ko sa inyo ang lalaking nais n'yong pagbuwisan ng
buhay.," may kasamang panunuya ang boses nito. Ito ang Demon Lord, bagama't alam ni
Seventh ang mga sasabihin nito, hiniling niya na sana hindi na 'yon umabot sa
pandinig niya. Naroon siya sa likuran ng isang malaking puno at nakaupo habang
minmasdan ang mamula-mulang kalangitan. Ang itsura ng impiyerno na pinagdalhan sa
kanya ng ama para makipaglaban at maging ampong anak ng Demon Lord.
"Ano bang sinasabi niya?" iritang tanong ni Jasmine kay Shin na abala
naman sa paghahanap kay Khiel. Namatay na kaya ito? Nagpahinga sila sa malaking
sanga ng mataas na puno at naupo upang pakinggan ang sinasabi ng nagsasalita,
barito at malamig ang boses niyon.
Samantala si Crestia at Crescentine ay nakatayo lamang sa isang bahagi
ng kabundukan nang marinig ang boses na 'yon.
Maging si Crescent ay nadirinig iyon sa kanyang isipan.
" Naging tatlo kayo dahil sa kagagawan nang inyong ama. Ang isang
sanggol ay walang kasalanang matatawag para ipadala sa imiyerno, kasalanang mana ay
isa lamang antolohiyang walang katotohanan. Ngunit dahil sa kanyang kabaliwan at
paghahangad nang mas malakas na anak na lalaki ay isinanla niya ang buhay nang
sanggol na iyon sa kadiliman. Ipinakain niya ang kaluluwa nang sanggol sa
kadiliman. Isa siyang sinungaling na hindi n'yo dapat pag-alalayan ng buhay at
kakayahan n'yo. Sabagay, ang kalakasan n'yo ay hindi n'yo naman sa kanya nakuha
kundi sa iba't ibang nilalang na tumayong tagapag-gabay ninyong tatlo. Sakim siya
sa kapangyarihan kaya pinaghiwa-hiwalay niya ang katauhan ng anak niya sa tatlo at
makamit nang bawat isa sainyo ang kalakasan ng bawat isang lahi. Gaano n'yo ba
kakilala ang inyong ama? Nalaman n'yo bang isa siyang anghel na sakim sa
kapangyarihan at dahil doon pinarusahan siyang isilang muli sa ibang lahi, ang mga
lobo kasama ang sumpa nang pulang mga mata. Ngunit isa 'yong malaking pagkakamali
dahil mas naging malakas siya at naghangad pa nang panibagong mundo kung saan siya
ang mag-aari at ito ang pagsakop sa kapangyarihan ng Abyss.
Ang sumpang kinabibilangan n'yo ay mula sa kanya. Mamamatay ang dalawa
sa inyo at mabubuhay ang iisa. Ang Eros ay nararapat tapusin ng Thanatos, ganoon
rin ang Thanatos sa Eros. Kung mamamatay ang Eros, kasama nitong mamatay ang
karugtong buhay nito.
Ang babaeng anghel ang Eros, ang lalaki ay ang anak na karugtong buhay
ng Eros. At si Shin ang Thanatos na nagkamit nang pagkilala ni Crescent ay ang
karugtong buhay ni Crescent. Kapag namatay si Shin, mamamatay rin si Crescent. Kaya
naman ito ang minahal niya at hindi ang dalawa sa mga anak niya. Kaya nasisiguro
kong hindi pagmamahal ang nagpapatibay nang relasyon nila, kundi ang takot ni
Crescent sa totoong kamatayan. Hindi siya namatay noon, isa lamang iyong palabas
niya para takasan ang mga tanong at pagkalito nang mga anak niya. Kapag nabuhay si
Shin, makakamit ni Crescent ang kalakasang ipinangako sa kanya nang pinakamalalakas
na Diyos nang kailaliman. Ginagamit niya lang kayong lahat, at ang pagtatagpo n'yo
rito ay isa ring palabas niya upang madaling makitil n'yo ang buhay nang isa't isa
at ang trono ay isang pakunwaring premyo niya bilang kanyang tagapagmana. At ang
toreng nakikita n'yong matayog ay ang kinalulugaran niya. Nasisiguro kong wala
kayong silbi sa kanya dahil kapangyarihan lang ang nais niya, ang buhay na walang
hanggan at ang bagong mundo kung saan siya ang maghahari. Pero kung sakaling gusto
n'yo siyang talikuran, nandirito ako at handa ko kayong isunod sa 'king mga anak,
tama ba anak ko, Seventh Sanctum? " kasunod niyon ang tawa nito. " Si Crescentine
ay mula sa lahi ng mga anghel na kinabilangan ni Crescent noon bilang
pinakamagaling at pinakabatang mandirigmang anghel na nagnais nang labis-labis na
palitan ang Diyos. Si Shin, ay mula sa kanyang ikalawang lahi ang mga lobo at ang
sumpa ng pagiging makasalanan niya. At si Seventh, ay mula sa impiyerno kung saan
ang huling lahi niya ay naroon. Bago kayo isilang si Crescent ay sumailalim sa
konbersyon ng lobo patungo sa demonyo. At ang isa pa, Shin, walang halaga kay
Crescent ang mga walang pakinabang, kaya niyang iligtas si Kana noon pero hinayaan
niya. Wala namang silbi, wala siyang mapapala sa isang bata lalo na't babae ito. Sa
mga lobo ang mga babae ay isang Ina at tagapag-alaga lamang, mababang uri"
paliwanag pa nito.
Nakita ni Jasmine ang labis na pagkabigla kay Shin. Hindi pa nga nito
tinatapos ang sinasabi nang nagsasalita ay nagtungo na ito sa tore nang marinig ang
tungkol sa kinalalagyan ni Crescent. Alam niya ang sipang ginawa sa dibdib ni Shin
nang sinabi nang lalaking iyon. Nabalisa ito at tila ba nagkaroon ito nang
kakaibang pagkalito.
Samantala si Crescentine naman ang tinignan ni Crestia. Nagulat siya sa
nalaman, oo hindi naman tamang maniwala sila kaagad pero malaki ang kalinawan sa
paliwanag niyon.
" Mananatili ako kay papa, hindi ko siya bibiguin. Hindi ako maniniwala
sa mga salita niya, alam ko na minahal niya 'ko, narinig ko siyang pinipilit akong
mabuhay. Hindi ako lilinlangin nang sarili kong alaala. Siya ang aking ama, siya
ang dahilan bakit ako nabuhay. Siya ang pinangagalingan nang lakas ko at ang
mailibing ko nang maayos ang labi niya ang tanging gusto ko. Pero ngayon na buhay
siya, Crestia, gusto ko siyang makita at sabihin sa kanyang nabuhay ako. Nabuhay
ako dahil ninais niyang magmulat ako nang mga mata, " bumalong ang mga luha nito
habang hawak ang magkabilang balikat ng dalagang anghel na wala ring patid ang mga
luha.
"Oo, walang amang naghangad nang masama sa kanyang anak. Naniniwala ako
sa 'yo, " ani Crestia na hindi mapigil ang mga luhang kumawala. Hindi ito naging
bukas kahit kay Rozen. Palagi lang itong tumitingin sa malayo at iniisip na sana
makita nito ang ama na nalaman na pumanaw na bago pa nito masabing siya ang anak
nito.
"Nakita ko siya noon nang mamatay, sinungaling ang nagsasalitang 'yan.
Sinubukan ko siyang iligtas at nakita niya' ko, nginitian niya 'ko at sinabi niyang
buhay ako.... nakita ko ang mga luha niya bago siya ngumiti at maglaho sa harapan
ko. Masaya siyang nakita ako, wala sa mukha niya na naghangad siya nang
kapangyarihan sa 'kin, " napapalakas ang boses nito kaya niyakap ito ni Crestia.
" Kung ano ang paniniwala mo ay siyang paniniwalaan ko. Tandaan mo,
mahal kita, mahal ka ni Ina, at mahal ka nang iyong ama. Minamahal ka naming lahat
at nasisiguro kong may eksplanasyon na siya ang mas makakapagpaliwanag, " pang-aalo
ni Crestia.
"Kahit ulitin niya ang sinabi nang lalaking 'yon, hindi pa rin ako
mawawala sa tabi ni papa. "
"Crescentine, si papa mo ang karugtong buhay ni Shin, ang thanatos,
mamamatay tayong dalawa kung hindi tayo lalaban, " humihikbing wika ni Crestia.
Ewan niya kung bakit napakasakit na tanggapin na ang dalawa ang makakalaban nila.
Ang buhay ba nila o ang buhay nang iba?
Hindi kumibo si Crescentine.
"H'wag kang mag-alala, nasisiguro ko na darating si Ina para gumawa ng
paraan, " ani Crescentine kaya tumango si Crestia. Si Rozen, kailangan nitong
magmadali. Isa 'tong malakas na anghel baka sakaling may magawa ito. Maraming
nagsasabi na ito ang katumbas ni Crescent na babae sa talino.
**
"SHIN ano ba!" Bulyaw ni Jasmine nang mahawakan sa braso si Shin pero tinabig siya
nito. Hilam 'to ng mga luha. May galit na nanunulay sa mga mata nito, nakakapaso
at tila ba hindi ito matatahimik. " Naniniwala ka sa iba?! Mas pinaniniwalaan mo
ang sinabi ng iba kesa sa pagkilala mo sa iyong ama?! " galit na bulyaw niya kay
Shin.
"Namatay si Kana gawa ng mga anghel, tapos malalaman ko anghel rin
siya?! Palagi kong itinatanong sa sarili ko, bakit galit sa 'ming ang mga anghel,
hindi ba dapat sila ang mabuti? Bakit sila ang nagiging masama? Napakabata ni Kana
noon, ako dapat ang mamamatay. Pero siya ang namatay nang gabing 'yon, si papa,
huli siyang dumating. " kirot, sakit at umisidhing pagdaramdam ang dumudurog sa
puso ni Shin. Hindi nawaglit sa isipan niya ang pagkamatay nito na sinundan pa nang
pagkamatay nang ama na lumalabas ngayon na isang palabas lamang.
"Wala siyang puso! Kung totoong buhay siya, dapat bumalik siya! Si
mama, halos mamatay siya araw-araw kahahanap sa kanya. At ang pinakamasakit doon sa
'kin siya hinahanap ni mama, kaya kahit gusto ko siyang kausapin hindi ko ginagawa
dahil hindi ko alam ang isasagot. Sampung taon, sampung taon kong pinilit ang
sarili kong lampasan ang limitasyon ko para makuha ko ang ninanais niyang trono.
Pinaniwala niya' ko na iisa lang akong anak niya! Kung hindi siya nagsisinungaling
bakit hindi niya sinabi sa 'kin ang tungkol kay Seventh at Crescentine! Nang
isilang ako si Lolo Adra ang nag-alaga sa 'kin, bihira niya 'ko puntahan pero agad
rin naman niya 'kong kinuha at ipinakilala kay Ina. Ang ibig bang sabihin no'n ,
namili pa siya sa 'ming tatlo kung sino ang nararapat niyang ipakilala? Dapat ba
akong matuwa na ako 'yon at hindi sila? Na ang buhay ko at buhay niya ngayon ay
iisa! Sana totoo na lang na namatay siya, sana totoo na lang ang mga pinaniwalaan
ko dahil kapag lahat nang 'to nagkatotoo madudurog ako nang husto. Mas maayos pa
pala noong naniniwala akong namatay siya at hinangaan ko pa siya. Pero ngayon na
buhay siya, sobrang pagkagalit ang nararamdaman ko, " ani Shin na ikinabagsak ng
mga luha nito sa tindi ng emosyong nagpapabigat sa damdamin nito.
Hindi nakakibo si Jasmine at pumatak lang ang mga luha. Gusto niyang
yakapin 'to pero parang ang layo-layo nito ngayon. Para bang gusto na lamang niyang
bumalik kasama ito sa nakaraan dahil hindi niya magawang harapin rin ang
katotohanan na nagagalit ito sa amang hinangaan at minahal nito sa buong buhay
nito.

READ. VOTE. COMMENT!


95 votes next chapter.
- Jobelle Rivera MisaCrayola wp
Group: MisaCrayola

TF 33: Dark is Back

90 votes next chapter.


TORMENTED FATE
DARK is BACK
( Kung mapapapansin n'yo naiba ang pangalan ni Demon Lord, may istorya kasi ako na
ginagawa na, wala pa sa watty na iyan ang pangalan niya. I-eedit ko na lamang ang
pangalan niya sa ibang kabanata. Isa pa, mas kilala n'yo naman siya bilang "Demon
Lord " di ba? Salamat! :) **
**
" Ama, bakit kailangan naming lumabas ng Abyss?" tanong ni sixth sa Demon Lord na
ang tunay na ngalan ay Gremory. Nilalaro niya ang isang voodoo doll na black, siya
ang pinakabunso at kung titignan ay nasa disi-sais lamang siya. Pero ang
pagkakasunod-sunod nila ay hindi sae dad, kundi sa kung kalian sila kinuha at
inampon ni Gremory.
"Dahil masyadong mapanganib sa inyo ni Fifth dito," nakangiting wika ni
Gremory na ginulo ang buhok ni Sixth.
"Paano ka dito ama? Ayoko naman masaktan ka, mag-aalala ko, "anito, ito
ang pinakamalambing sa mga anak niya. Maging si Fifth ay ganito rin, iyon lamang ay
mas malapit sa kanya si Sixth dahil ito talaga ang pinaka pumukaw ng atensyon niya
noon sa pakikipagsapalaran sa impiyerno. Hindi ito katulad ng mga kapatid na may
kakaibang determinasyon, lakas, ito ay isang pangkaraniwan ngunit ang mga mata
nitong kulay lila ang pumukaw ng atensiyon niya.
"Kung magsalita ka, parang isang mahinang nilalang si ama,
" si Second na palaging seryoso ang mukha. May ginto itong kulay ng buhok at
madalas na may suot na salamin dahil sa mas madalas itong naglalaro ng computer
games kapag walang ipinagagawa ang ama. Naroon sila sa bulwagan kung nasaan ang
trono ng kanyang ama sa kastilyong inagaw nit okay Crescent ang kilalang Kastilyo
ng salamin at ang replica nito ay nasa mundo ng mga mortal na tinitirhan ni
Crescent noon at lugar na kinamatayan nito. Maliit nga lamang iyon kumpara sa
orihinal.
" Gusto kong mag-ingat kayo, sa mundong ito, kayo ang pinakamahalaga sa
'kin. Hindi ko hahayaan may isang mawala sa inyo, " wika ng Demon Lord na si
Gremory.
"Gusto naming makipaglaban kasama ka, mas gugustuhin naming unang
mamatay bago ka nila malapitan," si Fourth na may mahabang buhok at isa ito sa
madalas mapagkamalang babae, kulay abo ang buhok nito at madalas na nakapusod
pataas ang buhok.
" Sundin n'yo si ama, malakas siya at alam naman natin na walang
makahihigit sa kanya, " ani First na naroon at ito ang pinaka-babaero slash
eksperto sa mga sandata.
"Isa pa, hindi ko kayo ilalaban kung kakayanin ko naman sila, hindi ko
gugustuhing masaktan kayo dahil dugo ko ang bumuhay sa inyo at hindi ko maatim na
mamatay kayong muli, hindi ko na magagawang ibalik kayo, " anito kaya natahimik
silang lahat.
"Malakas kaming binuo mo, ngunit hindi mo kami gustong isama sa digmaan
kapiling mo," malungkot na saad ni Sixth kaya nangiti si Gremory.
"Protektahan n'yo siya hangga't kaya ninyo, " ani Gremory, alam nila na
si Sixth ang pinaka-mahina sa kanila. Kaya palaging sinasamahan nila ito.
" Paano si Seventh? " tanong ni Third nang magkalapit-lapit na silang
magkapatid.
"Hindi siya makakalabas dito, may marka siya ng Abyss," tugon ni
Gremory. "Silang tatlo ang buwis sa mundong ito kaya naman wala silang kakayahang
makaalis ditto hanggang sa itinakdang araw, ngunit h'wag kayong mag-alala,
makaliligtas siya kung pipiliin niya kayo bilang kapatid niya at ako bilang ama
niya," ngiti niya sa mga anak na tumango naman. Hindi man nila gusto ang ugali ni
Seventh, nakasama nila ito nang ilang beses, mas malakas ito sa kanila at aminado
sila na kakaiba ito. Ipinaliwang nang kanilang ama na silang anim ay mula sa isang
tao na sinalinan lamang ng kapangyarihan, samantalang si Seventh ay isinilang na
walang laman at dugo ng isang tao.
"Babalikan ka namin ama, " ani Second kaya tumango lang siya bilang
pagsang-ayon. Kung mayroon man siyang isasama sa digmaan si First, Second at Fourth
iyon. Ang tatlo ang may pinakamalakas na kakayahan sa mga anak niya sa ngayon. At
si Seventh na hindi pa niya nasisiguro ang pagsuko bilang anak niya. Nagtungo sila
sa balkonahe para doon gawin ang blood circle.
Umusal na sila ng mahika at lumabas ang iba't ibang kulay ng blood
circle sa mga paanan nila at nang sabay-sabay nilang binigkas ang salitang "
Vaisor " na ang ibig sabihin sa salita nila sa ilalim ay mortal na mundo ang nais
nilang puntahan ay agad na binalot sila ng liwanag . Naroon lamang ang kanilang ama
at pinanonood ang anim niyang anak, hindi niya napigil ang sinserong ngiti, hindi
sa hinagap inakala niyang mamahalin niya nang labis ang mga ampon niya, ang mga ito
na niluhod siya paa pagtiwalaan niya, ilang beses nagkasala sa kanya ngunit hindi
kinaya nang puso niya na basta na lamang pabayaan ang mga itong mamatay. Isa siyang
ama, isa man siyang Panginoon ng mga Demonyo, ang mga anak niya rin ang
pinakamahalaga sa kanya.
" Ama," sabay-sabay na tawag nang mga ito sa kanya na ikinagulat niya.
Gulat rin ang mga mukha nito.
"Hindi kami naglaho," ani Third.
"Ama, susubukan namin uli," si Second na muling umusal kasabay ng mga
kapatid ng mga salita at muling nawala ang mga liwanag ng bloos circle nila at
muli'y nagbalik nang tingin sa ama na nabigla rin.
Kasunod no'n ang tore ni Crescent ay tila umaangat at ang ingay niyon
ay nakabibingi. Lahat sila'y napatingin sa toreng tumataas at ang ilalim niyon na
nakalubog sa luap ay puno ng mga canyon at iba't ibang uri ng pampasabog. Umangat
iyon katulad ng floating fortress ni Neo at ang nakakagulat pa'y ng pagsasabog ng
pulang liwanag sa kalangitan na tila iyon dugo. Isang spell ang nadarama ni
Gremory, may gumawa ng spell para ikulong ang lahat nang naroon sa loob. Si
Crescent, may iba pa rin itong naisip na taktika panlaban sa kanya.
Maging ang mga bagong dating na makikipagdigma sa loob ay nagulat kung
ano ang naganap sa toreng iyon na katapat ng Kastilyo. Isang Toreng pandigma na
umangat at nagkaroon nang katakut-takot na iba't ibang pwesto nang pampasabog.
"Anong gusto mong palabasin?" nang-uuyam na kausap ni Gremory kay
Crescent sa pamamagitan nang isipan niya, nainsulto siya nang tumawa ito na tila
mas inuuyam siya.
"Kamatayan, iyon ang gusto ko. Kung ito ang kaparusahan ko bilang isang
ama, hindi lang kami ang maglalaho sa mundong ito, ako at ang mga anak mo sakaling
hindi ka mamamatay. Papatayin ko silang lahat gamit ang mga kamay ko, pahihirapan,
dudurugin, pipinuhin at ipakikita ko sa 'yo kung paano sila mawalan ng buhay,"
anito, ang boses nito ay nagpapakita na ito si Dark Crescent, nasaklaw na naman ang
katauhan nito ni Dark.
"Sinong may sabi sa 'yong kakayanin mo 'ko? Hindi ka pinagtitiwalaan ng
mga anak mo, isa kang hibang para asahan ang kooperasyon nila sa 'yo para kalabanin
ako," aniya habang minamasdan ang mga anak na walang malay na kausap na niya si
Crescent, ito ang may gawa kung bakit hindi makalabas ang anim niyang anak. Kaya
nang mga ito ang makipaglaban ngunit bakit naroon ang kaba, si Crescent, lumalaban
pa rin ito. Para bang may iba pa ring tumatakbo sa baliw na utak ni Crescent.
Gayunpaman, napangiti siya nito. Hindi talaga siya nabigong piliin
kasagupain ang Demonyo ng lupa ng mga mortal. Ito ang usap-usapan noon pa man, ito
ang batayan nang pinakamalakas, pinakamatalino at higit sa lahat ang lalim at rurok
nang kapangyarihan nitong hindi maarok nang sino man ay isang malaking katanungan
sa lahat. Ang bawat ginagawa nito'y mula sa malalim na pag-iisip nito. Kilala niya
ang kahinaan nito, alam niya ang dahilan nang ikasusuko nito at higit sa lahat mas
marami ang bilang nang mga alagad niya sa alagad nitong Scorpions.

**
" Panginoon, asahan mo ang pagbubuwis namin ng buhay para sa 'yo, ikaw ang aming
Panginoon. Gamitin mo kami bilang sandata't kasangkapan mo at kami'y lubos na
mabibigyang karangalan na nakapagsilbi kami sa 'yo, " wika ng isang babae na nasa
likuran ni Crescent sampu ng mga kasamahan nitong nasa sampu ang bilang sa
nakaupong si Crescent habang minamasdan sa malaking screen ang bawat kaganapan sa
paligid. Napakagaling nito, maging sila'y humahanga sa takbo nang isip nito. Tila
ba anumang maisipan nito'y magagawa nitong realidad kahit ang pinaka-imposible.
" Dalhin n'yo ang mga anak ko sa lugar na 'to, nasisiguro kong ninanais
nila 'kong kausapin," wika ni Crescent habang nilalaro sa daliri nito ang isang
maliit na hamster na kanina pa dahilan nang pagngiti nito.
"Masusunod Panginoon," sabay-sabay na wika ng mga ito bago lumisan.
Naiwanan siyang mag isa at sinulyapan ang salamin na nasa kanan niya na pabilog at
limang talampakan ang laki. Nginitian niya ang repleksyon niya na hindi naman
ngumiti.
" Anong binabalak mo Dark?" tanong ng repkeksyon niya.
"Ha? Wala, uupo lang, mamasdan si Lyra at kung saka-sakaling sipagin
ako, papaslangin ko lahat nang nakakainsulto sa paningin ko, " sagot ni Dark.
"Hinayaan mo 'kong mangibabaw sa 'ting dalawa kaya naman 'wag mo na 'kong
pakialamanan dahil nakikita ko sa'yo ang nakaiinis na itsura ni Light, " ani Dark.
"Si Rozen, ang itinuring na ina nang isa sa mga anak natin, nasisiguro
kong nandito siya, paano mo sasabihin kay Lyra ang lahat-lahat? Nagtatanong na siya
sa 'tin,"
" Hindi naman niya kailangan malaman ang lahat, sapat na ang iilan,
hindi ko siya gustong lumuha. At 'wag mong problemahin si Rozen, nasisiguro ko
naman na dito na siya ililibing, " ani Dark na ngumiti at tumayo para tunguhin si
Lyra. " Ngayon na ako ang kasama niya, walang sino man ang makalalapit sa kanya
nang walang pahintulot ko, minamahal ko siya nang labis, higit sa pagmamahal mo sa
kanya. Kung minamahal mo ang ating si Lyra, hindi ka mangangambang mawala siya,
hindi mo iisiping hahayaan mo siyang umalis. Tandaan mo 'to, wawasakin kita oras na
pigilan mo 'kong saktan ang mga nakakapanakit sa kanya, " anito na ikinatungo nang
isa pang Crescent.
Si Dark, sakim, walang puso, ang ninanais lamang nito ang gusto nito.
Hindi na naman sila balanse, bakit ba sa palagay niya ito talaga ang katauhan na
kayang pumantay sa Demon Lord? Muli niyang ipinasakop ang katawan nila nang tanging
ito lang ang nagdedesisyon, nag-iisip at kailangan maging pipi siya. Sapagkat
maging siya'y wawasakin nito oras na magkamali siya. Nangangamba lamang siya para
kay Light, kinamumuhian 'to ni Dark, baka patayin nito si Light na nadama niyang
naroroon na rin sa loob.
" Crescent, nakadama ako nang pagkahilo, nasaan si Chrysanta?" tanong ni Lyra na
sumandal sa headboard ng kama nila. Nginitian niya ito pero ganoon na lamang ang
panlalamig niya. Bakit parang nakadama na naman siya nang takot at labis na bugso
ng damdamin sa kaharap niya.
"Nasa ligtas na lugar na siya, " ani Crescent na hinaplos ang buhok ni
Lyra nang marahan at nginitian ito. " Hindi mo na kailangang isipin siya,
nasisiguro ko sa 'yong mabuti ang kalagayan nang ating anak, babalikan natin siya
kapag may isang magandang mundo na siyang mumulatan, Lyra," anito, gustuhin man ni
Lyra na magtanong tila napipi siya. Nagbalik ang takot niyang magtanong dito,
magsalita at higit sa lahat ang tutulan ito. Bakit ganoon? Pero ganoon na rin ang
pagpatak nang mga luha niya, nagagalak ang pakiramdam niya, nagagalak sa
kadahilanang hindi niya na makita ang panghihina rito.
"Nagbalik ka na, " aniya rito maging si Dark ay nagulat sa sinabi ni
Lyra. Niyakap siya ni Lyra nang mahigpit kasunod no'n ang pagbagsak ng luha niya
katulad nito. " Akala ko pinanghihinaan ka na, ayokong nakikitang nahihirapan ka,
ayokong makitang nasasaktan ka, palagi ka na lamang malalim ang iniisip. Nagbalik
ka na sa dati, iyong lalaking sa isang salita kayang pahintuin ang mundo ko, ang
pinagmumulan ng takot ko, ang dahilan bakit kailangan maging malakas ako, Crescent,
ano man ang mangyari tandaan mo na hinding-hindi kita iiwan, " ani Lyra nang
humiwalay rito hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at nginitian.
"Lyra, kung sakaling magwawakas ang buhay ko, maari ko na bang hingin
ang kamay mo kasama ko?" tanong ni Crescent na nakapagpatigil halos nang paghinga
ni Lyra.
" Basta magiging ligtas ang mga anak natin, kung kinakailangan na buhay
natin ang isakripisyo para sa kanila, " nginitian ito ni Lyra at marahang
kinintalan ng halik sa matangos nitong ilong.
" Iyan ang dahilan kung bakit hindi ko maatim na mabuhay kung ang mga
anak natin ang mamamatay, " ani Crescent na kinuha ang isang palad ni Lyra at
hinalikan iyon bago siya tinitigan nang matiim ni Crescent, tumatagos iyon
hanggang kaluluwa niya. " Dahil ikaw ang kanilang ina, ikaw ang nagbigay buhay sa
kanila, tandaan mo, anak mo silang lahat. Walang sino man ang may karapatang
sabihing hindi sa'yo ang isa man sa kanila, anak natin sila, at hanggang kamatayan
ipaglalaban ko ang buhay nila, " anito kaya bumagsak nang mabilis ang mga luha ni
Lyra. Ito na si Crescent niya, ang malakas, ang walang salitang binali, ang matiim
tumitig, ang walang bahid nang takot at higit sa lahat ang sakim na pagmamahal
nitong handing wasakin ang lahat iligtas lamang sila.
" Naniniwala ako sa bawat bitiwan mong salita, hindi ako magtatanong,
anak natin sila, ikaw ang kanilang ama, panigurado na matitigan ko lamang sila alam
ko na kung saan sila nagmula, " ani Lyra bago ito kabigin ni Crescent at halikan
nang marahan sa labi.
Ang huling araw na tatanaw si Crescent sa bintana nang kuwarto ni Lyra sa tuktok ng
tore. Ang araw kung saan ang mundong ipinangako niya para sa pamilya ay
nagbabadyang mawasak. Ang mundong pinaglaanan niya nang pitumpung taon para mabuo
ay isasakripisyo niya para iligtas ang mga anak niya sa gahaman na mundong
kinainggitan siya. Ang mga gahaman na malalakas na nilalang na natakot sa
presensiya niya, sabihin pang Diyos ang mga ito nang kailaliman. Siya, si Crescent,
at walang kasaysayan ang kakalimot sa kanya. Sa susunod na araw, muli siyang
gigimbal at gugulo sa kasaysayang itinalaga na nang mga ito ang kaganapan, walang
sino man ang magdidikta sa buhay niya, ng mga anak niya at lalo na si Lyra na
pinagmumulan nang buhay nilang lahat -Ang kanyang bituin, ang kahinaan at kalakasan
niya.
"Tanggapin mo na ang pagkatalo mo, maging ang mga anak mo at sino man sa pamilya mo
sy hindi kailanman gugustuhin ang isang tulad mo," wika nang isang boses sa isipan
niya kaya nangisi siya. Nasa harapan niya ang malayo ma'y malaki pa rin tignang
Kastilyo na para sa pamilya niya hindi para sa magnakakaw na katulad nito. Alam
niya at nadarama niyang nakamasid ito sa kanya.
" Pinatatawa mo ba 'ko? Ako si Crescent, ay hindi kailanman tumanggap nang
pagkatalo. Ang mga anak ko ay hindi ako bibiguin, dugo ko ang dumadaloy sa bawat
himaymay ng ugat nila. Ikaw ba? Ano bang dumadaloy sa mga anak mo? Kasinungalingan?
Hindi nga nila alam ang tunay nilang ngalan, tandaan mo. Kapag nasaktan ang isa sa
mga anak ko, papatayin ko ang anim mong anak at kahit sa impiyerno hindi mo sila
matatagpuan, kakainin ko ang kaluluwa nila at tutunawin ko hanggang maglaho sila. "
Walang takot at pangambang wika niya, nakakapangilabot at higit sa lahat tuso ang
paraan nang pagbigkas niya. Hindi ito nakasagot sa sinabi niya kaya iniwanan na
niya ang bintana at binalikan si Lyra.
Kung walang awa ang langit maging ang impiyerno sa mga anak niya, bakit
kailangan niyang magbigay nang awa sa iba? Hindi kailanman mapapabagsak ninuman si
Crescent, hindi kailanman naging bayani si Crescent para mamatay, dahil bago siya
bumagsak sa kailaliman sisiguraduhin niyang mas marami ang hinila niya pababa,
winasak at pinaslang.
" Hindi ka nila maiaalis sa tabi ko, " bulong niya sa isipan habang
minamasdan si Lyra na nahihimbing, epekto nang gamot ang madalas nitong pagtulog.
Kailangan nito iyon paa hindi ito gaanong mag-isip. Hinalikan niya 'to sa noo at
umusal nang mga salitang : "Minamahal kita, gagawin ko ang lahat para makita mo
sila sa paraang hindi ka na masasaktan. Sa ngayon, kailangan mong magpahinga.
Kailangan kita, hindi ako magiging balanse kapag nawala ka, magugunaw ang lugar na
'to, ang lugar na para sa 'yo, sa mga anak natin. Ikaw ang unang magiging
Emperatris nang Kastilyo, Lyra Scarlett Wolveus, " naglaro ang ngiti sa labi niya.

*READ. VOTE. COMMENT! *


#FB: Jobelle Rivera MisaCrayola Wp
Hope you'll take time to post on my timeline in FB ,para sabihin sa 'kin ano ang
dahilan bakit binabasa n'yo ang TORMENTED FATE? - sa FB ha? <3 Loveyaaaa!

TF 34: CATALYST

Sabi ko magpapahinga ako, pero nang makita ko ang votes dito, gravity di na 'ko
nakapag-angal at gumawa ako ng update hahaha! Dami rin comments kaya kakakilig! :3

TORMENTED FATE
CHAPTER 34
" CATALYST "
Nakatayo si Crescent sa isang kuwartong walang kalaman-laman. Malamlam ang liwanag
dahil sa apoy na nagsisilbing ilaw niyon. Hinihintay niya ang pagdating, isa-isa ng
mga anak niya. Ang komprontasyon, at ang kinakailangan niyang kooperasyon ng mga
ito. Nakatanaw lamang siya sa bintanang yari sa salamin at tinitignan ang sariling
repleksyon. Ito na ang huling digmaan, kung saan dugo't laman niya ang kailangan
niyang iligtas. Maging si Lyra na siyang puso niya'y kailangan niya sa tabi niya.
Siya si Dark - ay hindi kailanman makakapag-isip ng maayos sakaling iwanan siya ni
Lyra, iba ang epekto nito sa kanya. Tila isa itong drogang kailangang palaging nasa
tabi niya dahil kung hindi, ikababaliw niya.
Ito na ang huling araw na mapayapa pa ang lugar. Ang mga Diyos ang
nagtakda ng panahon nang labanan at digmaan. Hindi makikialam ang mga ito sa araw
na 'yon hanggang sa panahon na matapos ang digmaan. Isang larong nakahain ang
labanan, at bilang isang nilalang na may buhay silang lalaban.
" Hindi ko hahayaan na may mawala isa man sa kanila. Lahat sila ay
nararapat mabuhay, nasisiguro kong kakayanin nilang lumaban, " ipinikit niya ang
mga mata at ngumiti. Isang pagbati mula sa kanya para sa kastilyo ang ibibigay
niya.
Isang mabilisan at malakas na kidlat ang mabilis na bumagsak sa kastilyo na hindi
naman nagasgasan ngunit ikinapukaw ng atensyon ni Gremory. Nasa harapan niya ang
anim niyang mga anak na wala na siyang nagawa kung 'di palabanin maliban sa
kanilang si Sixth.
"Malalakas kayong lahat, hindi ko man gustong masugatan kayo sa digmaan
ay nasisiguro kong mapapalaban pa rin kayo. Kaya naman hayaan n'yong bigyan kayo
nang inyong ama nang higit pang kalakasan," aniya sa mga ito na agad namang natuwa.
Ang mga anak niya ay higit na malakas sa mga anak ni Crescent.
"Ama, hindi ka naming bibiguin, " wika ni First na siguradong-sigurado.
Lahat sila'y inirerespeto ang ama-amahan at handa nilang ibuwis ang buhay para
rito.
Iyon ang gusto niyang ipamukha kay Crescent. Ang kanyang mga anak ay
tunay na inirerespeto siya. Pero ito? Totoo mang mga anak nito ang tatlo,
mananatili na galit ang mga ito sa amang katulad ni Crescent.
Si Shin ang unang papasok sa tore. Ito ang unang anak ni Crescent na natagpuan ng
mga Scorpion. Tahimik lamang ito at sumusunod. Galit ang nadarama niya, parang
gusto niyang sumbatan ang kanyang ama. Pero hindi niya alam kung paano ito
haharapin. Kung tama ba isipin niyang patay na lamang ito kesa buhay nga ay labis
na sakit naman ang idinudulot sa damdamin niya.
Si Jasmine naman ay hindi rin umiimik habang kasama ang dalawang
babaeng Scorpion sa isang kuwarto. Hindi daw siya maaaring sumama kay Shin,
nangangamba siya gayunman, tama namang magkaroon nag sarilinang pag-uusap si
Crescent at Shin.
Kanina namangha siya sa kakaibang disenyo ng tore at nakalilipad ang
mga Scorpion na nagdala sa kanila sa floating fortress na tila handa na sa digmaan.
Sa himpapawid namasdan niya ang malaking kastilyong salamin at kung ang floating
fortress rin ay wala pa itong kalahati ng kastilyo. Napakalaki, maging siya ay
namamagha sa itsura nang buong lugar. Paano nagawa ni Crescent ang ganoon? Isa ba
'tong Diyos? Pero aaminin niya na lubha nga talagang nakakaangat ang galing at
talino nito. Dahil ang naturang pag buo nito sa mundong ngayon ay kinalalagyan nila
ay siya ring prosesong ginawa ng mga pureblood. Ang kanyang ama ay malapit na
kaibigan ni Crescent.

**
"Catalyst, hinihingi niyang maging isang dalaga na," tila problemadong wika ni
Zandro kay Catalyst na humagikgik naman at tinakpan ang bibig ng pamaypay.
"At ano namang gusto mong gawin sakaling payagan kitang pumasok sa
pintuan ng panahon?" mahinahong wika ni Catalyst na naroon ang pagkamangha lalo
pa't dinala ni Zandro sa kanya ang batang si Chrysanta. Sa hardin siya natagpuan ng
mga ito habang inaalagaan niya ang mga rosas.
"Papa," ani Chrysanta na nakatingin kay Catalyst na nabigla at nang
makabawi ay ngumiti at niluhod si Chrysanta.
" Anong ibig mong sabihin na papa, munting binibini?" ngiti ni Catalyst
sa musmos na si Chrysanta.
"Para kang si papa, " ani Chrysanta na hinaplos ang pisngi ni Catalyst
na nagulumihanan rin. Tumingin si Catalyst kay Zandro na nakakunot ang noo. Nang
balikan niya nang tingin si Chrysanta ay nakapikit na ito at nakahawak pa rin ang
maliit na kamay sa pisngi niya. " Kasing hinahon mo siyang magsalita na tila isang
karagatang tahimik, ngunit kapag siya'y nagalit nagiging isang mabagsik na
karagatan siyang dapat iwasan. Mahilig rin siya sa mga bulaklak katulad mo, at
hindi ko rin alam kung totoo ang mga ngiti mo," nagmulat si Chrysanta at
nakangiting si Catalyst ang nasumpungan niya.
" Munting binibini, ayokong ibigin ka sapagkat si Zandro ang nagmamay-
ari sa 'yo, kaya naman huwag mong hayaang magustuhan kita, baka magkaroon ng
labanan sa pagitan naming Diyos ng Underground, " ngiti ni Catalyst kay Chrysanta
bago ito tumayo at inayos ang kasuotang puting-puti. Sinulyapan niya si Zandro na
sa puntong iyon ay kasangga niya, silang dalawa ang natatanging Diyos na
sumusuporta kay Crescent.
" Pagbibigyan ko ba siyang maging ganap na dalaga? Sa pintuan ng
panahon, bawat araw ay isang taon ang magaganap," ani Catalyst kay Zandro na
tumingin muna kay Chrysanta.
"Hindi ko matutulungan si papa sa ganitong kaliit na kaha," ani
Chrysanta na tila isang dalagang nakulong sa maliit na katawan.
" Napakaganda pala talaga ng anak ni Crescent, " wika ni Catalyst na kapantay si
Zandro sa paglalakad patungo sa tuktok ng kanyang palasyo na dinayo pa ng dalawa.
Ibinigay niya sa dalawang taga-silbi si Chrysanta para damitan ng puti para sa
pagpasok sa pintuan ng panahon.
"Hindi ko ituturing na isang kalaban ka sa 'kin pagdating sa kanya,
wala man tayong kasarian alam ko na lalaki rin ang nais mo," ani Zandro na
ikinatawa ni Catalyst. Totoo na walang anuman ang kasarian sa kanilang mga Diyos,
kung nanaisin nila ng anak ay kaya nilang magkaroon niyon. Totoo rin na lalaki ang
mga gusto ni Catalyst pero hindi niya ninanais na maging isang babae na maari naman
niyang magawa kung gugustuhin niya. Sa loob ng limang daang taon niya bilang isang
Diyos ay talaga namang wala siyang sineryosong bagay sa mundo. Bumababa siya sa
lupa kung nanaisin niya at mamumuhay na parang isang tao. Ngunit mas gusto niyang
manipulahin ang lahat-lahat.
Isang Kastilyong gawa sa yelo ng Ice hell ang kastilyo niya. Maging ang
mga nadaraanan nilang inukit na mga rebulto ay yari sa yelo, ang mga iyon ay mula
sa artiskong kamay ni Catalyst. Ang ikinapagtataka lamang ni Zandro ay bakit mga
kababaihan ang rebulto nito, gayong hindi naman nito nais ang babae at hindi rin
nito nais maging isang babae.
" Kung itatanong mo ang mga rebulto, kung may kasing perpekto nila,
siguro babae na ang nanaisin ko," ani Catalyst na humagikgik kaya naman sumeryoso
si Zandro. Si Catalyst ang isa sa Pitong Diyos, siya si Zandro ang kilalang pinaka-
malakas samantalang si Catalyst nama'y hindi mahilig sa digmaan at mahilig lamang
itong makisali sa palarong nagaganap katulad nang pagtatayang nagaganap sa pagitan
ni Crescent at Gremory na Demon Lord. Pero si Catalyst ay hindi basta-basta,
kinatatakutan ang hagupit nito, iba raw ito kapag seryoso at dahil hindi siya
madalas makilahok sa pulong ng mga Diyos hindi niya alam ang sinasabi ng mga itong
nakakatakot na pag-uugali nito.
Ibinukas ni Catalyst ang isang pintuan at naroon ang mga yari sa yelo
pa ring upuan, mesa nito, isa iyong gawaan nang mga rebultong yari sa yelo. Malaki
ang lugar at maliban sa pang-ukit nito'y wala nang ibang matalas na bagay roon.
Tinungo ni Catalyst ang isang pintuan at kinatok iyon nang tatlong
beses bago nito inilagay ang palad nito sa naturang pintuan at isang pulang blood
circle ang nabuo sa naturang pintuan kasunod nang tunog na tila bumukas na pintuan.
Si Catalyst ang nag-aari nang naturang pintuan ng panahon. Ang lugar
kung saan maaring maging posible ang imposible. Ang itsura nito'y isang makisig
bagama't binatang may angking katawan at kutis na maaring mapagkamalang babae oras
na magsuot ito ng kasuotang pambabae. Madalas itong nakangiti at palaging
dumadaldal sa tuwing dadalawin siya.
" Papasukin mo siya oras na dumating siya, hindi ka maaari rito, "
anito na nakangiti nang harapin siya kaya naman tumango si Zandro. Paglabas niya ay
naroon na si Chrysanta kasama ang dalawang babaeng taga-silbi ni Catalyst na naka-
puti rin. Si Catalyst ang pinakamahilig sa puting kulay.
"Pumasok ka na roon, hihintayin kita," wika niya kay Chrysanta na agad
namang tumango. Siya ang nagbukas nang pintuan para dito at nagsara rin nang
makapasok na ito.
Nabungaran ni Chrysanta si Catalyst na nagtatanggal ng roba nito kaya
nakita niya ang likuran nito. Nasa harapan ang mahabang buhok nito. Tumambad sa
kanya ang perpektong pagkakalilok niyon. Kumuha rin naman ito nang kapalit na puti
rin at isinuot iyon bago siya nilingon at nginitian. Isang ngiti na nagpakaba sa
kanya.
Lumapit ito sa kanya at tumungo. " Sasamahan kita sa loob, siguraduhin
mo lamang na hindi ka gaanong magsasalita dahil mabilis akong mairita. Pero maganda
naman ang tinig mo, kumanta ka na lang habang pinalilipas natin ang labing limang
araw na magkasama, " ani Catalyst na nginitian siya. Damang-dama ni Chrysanta ang
lamig ng boses nito, ang haplos niyon ay kakaiba, si Catalyst -naroon ang imahe ng
kanyang ama. Bakit nadarama niya na may pagkakatulad ang dalawa?
" Nakapanig ako sa iyong ama, sapagkat nakikita ko sa kanya ang imahe
ko. Nasa kanya ang katangian ng susunod na Diyos, " itinaas ni Catalyst ang baba ni
Chrysanta at tinitigan ito. " Nadarama ko na mas kaya niyang dalhin ang emosyon at
sarili niya sa digmaan higit kay Gremory. Ang pag-iisip niya ay katulad ko, ang
pagdedesisyon niya ay dinaig pa ang manipulasyon ko dahil kusa niyang ginagawa ang
sa tingin ko'y nararapat. At kung ako ang nasa kalagayan niya, magiging katulad na
katulad niya 'ko, kaya naman nang sabihin mong may pagkakatulad kami -" kinuha nito
ang maliit na kamay ng natatakot na si Chrysanta. " Dahil sa sinabi mo
sisiguraduhin kong magiging akin ka, " hinalikan nito ang kamay ni Chrysanta na
agad pinamulahan.
" Para kang isang anghel, " bulong ni Chrysanta sa sariling isipan
patungkol kay Catalyst. Puting-puti ang kasuotan nito at kulang na lamang ay puting
pakpak para rito. Kinamumuhian niya ang mga anghel, ngunit ibang klaseng kaba ang
dulot ng mukhang anghel na si Catalyst sa batang puso niya.
Ginto ang kulay ng buhok nito at mahahaba ang pilik-mata. Maging ang
labi nito'y manipis lang at mapula, matangos ang ilong at higit sa lahat tila isang
malalim na karagatan ang kulay ng mga mata nito. Maputi rin ang kutis nito tulad
niya at tila puno nang misteryo ang mga mata nitong nakatitig sa kanya, maging ang
ngiti nito'y kakaiba.
"Bakit gusto mong maging isang ganap na dalaga?" tanong pa nito, maging
ang pagbuka ng bibig nito ay tila sinusundan ng mga mata niya.
" Hindi nila 'ko pakikinggan kung maliit ako at bata, kailangan kong
ipaalam sa mga kapatid ko ang katotohanan, " ani Chrysanta na nag-iwas ng tingin
kay Catalyst. Ngunit kinuha nito ang mukha niya at muling nakipagtitigan sa kanya.

" Tila ka isang maliit na manikang perpektong ginawa ng isang magaling


na kamay na hindi magagawang pantayan ninuman ang kagandahan, " seryosong wika nito
na ikinaawang ng labi ni Chrysanta. May nagbalik sa alaala niya ang sinabi ng mama
niya:
" Alam mo bang sinabi ng papa mo na tila ako isang manika kaya niya 'ko
nagustuhan. Gusto niya na iupo lang ako sa isang gilid at tititigan niya lang raw
ako," kuwento ng mama niya habang sabay silang naliligo noon at tawa ito nang tawa
sa tuwing ikukuwento nito sa kanya ang nakaraan nito.
"Si -si -Zandro ang nagmamay-ari sa manikang nasa harapan mo, " hindi
makatinging wika ni Chrysanta kay Catalyst. Ayon kay Zandro, ito ang dahilan bakit
siya isinilang, at ito ang pumili ng mga magulang niya kaya naman bilang
pasasalamat at magiging pagtulong nito ay siya ang kapalit.
" Siya ang nagmamay-ari sa 'yo," ani Catalyst na sinusukat ang tapang
niya pakikipagtitigan rito, " Ngunit hihilingin mong ako ang mag may-ari sa 'yo, sa
darating na panahon, Chrysanta - " ang mga huling salita nito ang nagbigay sa puso
niya nang mabilisang pagtibok.

* READ. VOTE. COMMENT! <3


Add me: Jobelle Rivera MisaCrayola Wp
What do you think about CATALYST? :)
100 votes next chapter.

READERS

Paumanhin kung hindi update. Sana'y bigyang pansin ninyo ang aking mga istorya na
lumalaban sa READERS CHOICE AWARD at BEST IN ROMANCE STORY at FANTASY STORY.
BEST IN ROMANCE STORY
SHOTGUN MARRIAGE ( BLUE and ADAM)
https://www.facebook.com/NovelistasOfficial/photos/a.1102201289821593.1073741832.10
34384393269950/1102201989821523/?type=3&theater
MY DEVIL CRUSH ( YUKI and CLAUDE )
https://www.facebook.com/NovelistasOfficial/photos/a.1102201289821593.1073741832.10
34384393269950/1102201913154864/?type=3&theater

( LIKE is equal to 1 vote/ Then kung nabasa nyo naman mag leave na rin kayo ng
comment, ano 'yung masasabi n'yo sa story kasi counted din ang feedbacks)

BEST IN FANTASY STORY


SLAVE TRADE ( Sebastian my loves )
https://www.facebook.com/NovelistasOfficial/photos/a.1102203509821371.1073741833.10
34384393269950/1102203799821342/?type=3&theater

Ganoon din 'to, LIKE as VOTE and Comment kung anong masasabi n'yo sa story. :) Kung
ano ang maganda sa kanya.

ITO NAMAN PARA SA READERS CHOICE AWARD LINKS


#NOVELISTAS65 / MY DEVIL CRUSH
https://www.facebook.com/NovelistasOfficial/photos/a.1102188653156190.1073741831.10
34384393269950/1102192516489137/?type=3&theater

#NOVELISTAS67 / SHOTGUN MARRIAGE


https://www.facebook.com/NovelistasOfficial/photos/a.1102188653156190.1073741831.10
34384393269950/1102192586489130/?type=3&theater

#NOVELISTAS17 / SLAVE TRADE


https://www.facebook.com/NovelistasOfficial/photos/a.1102188653156190.1073741831.10
34384393269950/1102189849822737/?type=3&theater

Dito naman sa award na 'to, I like n'yo lang as vote then share n'yo siya with the
hashtag #NOVELISTAS67 kung Shotgun Marriage, kailangan may hashtag para mabilang
nila.

'TIL JUNE 1, ONLY 10pm only


Ngayon lang ako sumali sa ganito sana naman inyong mapagbigyan. :)
Ilalagay ko rin sa commentbox ang mga links para click nyo na lang! :)

FB: Jobelle Rivera MisaCrayola Wp

TF 35: OVER

Maraming salamat sa inyong pagsuporta sa mga istorya ko. Hindi ko man talaga kayo
nakita at nadama, wala naman akong magagawa kung ayaw n'yo. :) Kung nahihirapan
naman kayo sumunod kahit post n'yo na lang sa wall post n'yo sa facebook ang
#NOVELISTAS17 <3 Para sa 'king asawa na si Sebastian. Ise-search ko 'yan. <3
Dedicated sa 'yo sa sobrang effort mo! I love you na, salamat sa suporta sa stories
ko! Nakakataba ng puso. <3

**

" Papa," tawag ni Shin kay Crescent nang maabutan niya 'to sa isang malaking
kuwarto. Nakatanaw ito sa bintana na gawain nito madalas kahit noon pa mang bata
siya.
Narinig niya ang pagsara nang pinto, hudyat na sila na lamang dalawa
ang makakarinig sa usapan na mamamagitan sa kanila. Sa kawalan ng laman ng kuwarto,
nag echo ang bukas niya roon. Malamig rin ang kuwarto na tila may dumadamping
mumunting nyebe sa labat ni Shin.
"Papa," ulit ni Shin na pagtawag dito. Tila ba hinang-hina siya sa 'di
niya malamang dahilan. Mas malakas pa ang kabog ng dibdib niya at naroon ang
pangamba at takot na marahil sa matutuklasan niyang katotohanan ay makasisira ng
imahe nitong nabuo sa isipan niya.
"Shin," wika nito na nakapagpabigla kay Shin na agad ring nakabawi at
lumakad palapit dito. Sampung hakbang na lang ang pagitan nila at nanatili itong
nakatalikod sa kanya. " Lumaki ka na nang tuluyan," anito pa, kaya naman hindi
umimik si Shin. Naipikit niya nang mariin ang mga mata.
"Ano ang totoo, papa," kulang sa lakas na tanong niya rito.
"Totoo na isang anak na lalaki lamang ang isinilang ni Lyra," pasimula
nito. " Totoong iisa lang si Shin Crescentine, at hindi tatlong lalaki na ngayon ay
haharap sa 'kin sa magkakaibang oras,"
"Diretsuhin mo na! Totoo bang anak mo 'ko?!" napalakas na sigaw niya
rito. Pakiramdam niya masisiraan siya ng ulo sa bawat segundong lumilipas na
nabibitin siya sa mga pananalita nito na gigimbal sa kanya.
"Walang buhay ang isinilang ni Lyra, " anito,
"Ibig sabihin wala kang totoong anak?" pagak na tumawa si Shin,
naihilamos niya ang dalawang palad sa mukha.
" Kung sasabihin ko sa 'yo ang totoo, maniniwala ka ba?"hinarap ni
Crescent si Shin na hindi makatingin ng diretso sa kanya. " Namatay siya sa mismong
araw na isinilang siya, dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Lyra na
tinubos ang anak namin dahil sa mga kasalanang nagawa ko noon ay gumawa ako nang
ibang paraan. Isa akong tunay na anghel sa unang buhay ko," ang mga salitang 'yon
ang gumimbal kay Shin.
Anghel? Anghel na kalaban nila? Mga anghel na pumatay kay Kana? Ang mga
anghel na kinamumuhian niya?!
"Isa kang sinungaling na Anghel, " aniya sa ama, galit ang nanalaytay
sa mga mata niya. Ang mga ngiti ni Kana, ang mga mata nito na sinumpa man ay
napakainosente, si Kana na itinangi niya ay pinatay ng mga anghel. " Kung
isa kang anghel bakit gusto ka nilang patayin lahat?! Bakit kahit saan ko ibaling
ang mga mata ko palaging masama ka sa kanila!" aniya pa.
" Dahil masama naman talaga ako," walang gatol na wika ni Crescent na
hindi kinakitaan ni Shin nang damdamin. " Itinakwil na 'ko bilang anghel,
isinilang sa ibang lahi ng mga lobo at naging kakambal ni Light, binigyan ng sumpa
ng kamatayan ang bawat mapapalapit sa 'kin at sa ikatlong bahagi ng buhay ko,
isinanla ko ang kaluluwa ko sa demonyo para ibalik ang anak ko, para kay Lyra, para
hindi siya mahirapan at masaktan, " anito pa.
"Para kay mama? Para kay mama kaya mo lang binuhay hindi dahil mahal
mo?" mapang-insulto siyang ngumiti kahit pa ang totoo parang nawawasak na ang puso
niya sa naririnig sa labi nito.
" Para kay Lyra, " tugon nito na lalong nagpaantak sa sugat sa puso ni
Shin.
" Si Crescentine ang anak kong pumanaw," ani Crescent na tila bombang
sumabog sa pandinig ni Shin. " Kayo ni Seventh ay ---"
"Ano?! Ano kami ni Seventh?!" Ibig sabihin ang anghel na 'yon ang
totoong anak mo at hindi ako? Hindi ako na nagligtas sa 'yo, hindi ako na pinalaki
mo, hindi ako na binuhay mo?! " bumagsak na ang mga luha niya at sa panghihina ng
tuhod niya'y para siyang batang napaluhod. Hindi siya nito anak, hindi siya ang
totoo, isa siya sa mga huwad.
"Nang mga panahon na 'yon inakala kong hindi na talaga siya
magbabalik," anito pa. Tumayo siya at tinitigan ito.
" Shin, anak ka namin ni Lyra -"
"Tama na! Sa 'yo na nagmula hindi mo kami anak ni Seventh! Siguro isa
lang kami sa mga kaluluwa na nilinis ang alaala at binuhay sa ganitong anyo para
sa 'yo, umasa ako papa na anak mo 'ko, umasa ako na kakampi kita hanggang huli,
nagsikap akong makarating dito dahil iyon ang pangako ko sa 'yo -ang makamit ang
mundong inilaan mo sa 'kin. Pero ano? Ipinangako mo pala sa 'ming tatlo, para ano?
Magkagulo kami? Magpatayan kami? Papa, hinahangaan kita -" pumiyok si Shin, ang
galit sa boses niya'y naging mapanumbat hanggang sa unti-unti iyong maging
kalungkutan.
"Bakit papa? Kung alam ko lang na mas madudurog ako sa malalaman ko
sana hindi na kita pinuntahan dito. Sana mas nanatili na lang 'yung galit na
nararamdaman ko kesa 'tong kalungkutan na 'to na pinapatay na 'ko ngayon dito,"
turo niya sa tapat ng puso, masakit na masakit ang pakiramdam na naniwala siyang
anak ni Crescent Wolveus. Wala itong reaksyon, wala na itong sinabi pa, at mas
masakit na wala siyang damdaming matanaw sa mga mata nito.
Kahit ganoon ang nararamdaman ni Shin, hindi niya batid na masakit ang
mga katagang inilalabas ng bibig niya. Nadarama ni Crescent ang galit nito, ngunit
karapatan nitong malaman ang simula ng mga pangyayari upang hindi ito malito pa.
" Minahal kita at itinuring na tunay na anak, mula ka pa rin sa 'kin,
sa 'min ni Lyra -" balak hawakan ni Crescent si Shin pero tinabig nito ang kamay
niya.
"Tama na, tama na, masakit na masakit na, totoo nga sigurong ginagamit
mo kami para a sairli mong interes, para sa lahat nang ikabubuti mo at
kapangyarihang makakamit mo. Wala kang damdamin, makasarili ka, tandaan mo ang araw
na 'to dahil ito na ang huling araw na ituturing kita bilang ama ko, " ani Shin na
tinalikuran na si Crescent at umalis. Dala niya ang galit at pagdaramdam lalo na
nang buksan niya ang pintuan at mabigla kung sino ang naroon.
"Mama," halos ibulong ni Shin ang mga salitang 'yon.
"Shin, anak kita, anak ka namin, ano bang nangyayari?" tigmak ng luha
ang mga mata ni Lyra nang hawakan nito ang mukha ni Shin.
"Mama, babawiin kita sa kanya," hinalikan niya ang noo ni Lyra, " Hindi
niya alam ang pagmamahal, makasarili siya at mapaghangad. Hindi mo man ako tunay na
anak, babawiin kita," ani Shin na umalis na.
"Halika na, Lady Scarlett," si Yen ang nagdala sa kanya roon. Pinakuha
niya 'to sa isang Scorpion para maging personal na naninilbihan sa kanya dahil mas
sanay siya rito kesa sa dalawang babae na pinagbantay ni Crescent sa kanya.
"Kakausapin ko siya!" tumigas ang itsura ni Lyra at tinulak ang
pintuan. Kung hindi siya bampira baka sakaling di niya marinig ang mga ito. Pero
iyon ang isa sa naging abilidad niya nang tuluyan na siyang maging bampira.
"Lady Scarlett!" ani Yen na hindi na nakaumang dahil sumara na ang
pinto.
"Crescent, ano ang mga narinig ko, si Shin, si Shin natin," ani Lyra na
tila natutuliro. Si Crescent ma'y nabigla sa pagdating nito. Sa lalim nang iniisip
niya hindi niya nadama ang presensiya nito.
"Palipasin mo muna ang mga mangyayari Lyra," wika ni Crescent na balak
hawakan si Lyra. Ngunit tinabig lang din nito katulad nang ginawa ni Shin.
"Crescent, hindi na ako bata, may sapat na 'kong isip para maunawaan
ka. Hindi naman ako sobrang tanga o hindi naman ako ganoon kabobo para palaging
hindi ka maunawaan," mapait na wika ni Lyra rito. Panay ang patak ng mga luha niya
dahil sa sakit na nararamdaman sa nakitang dulot ng konbersasyon ni Crescent at
Shin. Kung 'di pa sinabi ni Yen na nakita nito si Shin ay hindi niya pipiliting
akyatin ang taas ng tore kung nasaan pala ang mag-ama at nag-uusap.
"Anak natin sila, hindi ito ang panahon para pag-usapan 'yan Lyra," ani
Crescent.
"Anak natin sila, hindi ko sila itatakwil, oo pero bakit ganoon nga,
paano sila magiging tatlo? Ikaw na ang nagsabi na isa lang ang isinilang ko at wala
pang buhay, at 'yung si Crescentine siya ang tanging hindi ko pa nakikita, siya
pala ang anak na isinilang ko noon. Bakit ba puro na lang lihim ang ginawa mo sa
'kin? Bakit ba ganyan ka Crescent? Mahal mo ba talaga kami? Crescent, minsan ba
hindi mo naisip na ipaliwanag sa 'kin? Para matulungan kitang magpaliwanag sa
kanila, tama nga sila, wala akong lakas para sa isang tulad mo. Ang kakayahan mo ay
walang-wala ang kakayahan ko. Ito ba ang gusto mo? Ang 'wag kang magtanong at
mangliit ako sa sarili ko?"
"Lyra, tumigil ka na, hindi 'to ang oras para diyan, may iba pang
pagkakataon," hinaplos ni Crescent ang luhaang pisngi nito. Hindi niya gustong
nasasaktan ito at mas lalong mahihirapan siyang makalaban kung manghihina ang
emosyonal niya na ang sentro ay na kay Lyra. Marahil ang obsesyong iyon ang
magpapabagsak sa kanya.
" Kailan ang pagkakataon na 'yon? Crescent naman, kailangan ko nang
paliwanag, kailangan kong malinawan. Tanggap ko silang lahat pero bakit kailangan
na nandito tayo, bakit kailangan malagay ang buhay nila sa panganib, kaya mo naman
kaming ilayong lahat. Bakit pakiramdam ko, hindi ko na sila buong makakasama
pagdating ng panahon na gusto mo, " malakas ang naging pag-iyak ni Lyra. Tama si
Yen, ang balitang nakuha nito ay maaaring totoo. Paglalaban-labanin ni Crescent ang
mga anak nila, at iisa lang ang matitira sa mga ito.
"Ayokong maniwala Crescent, pero ngayon hindi ko na alam kung paano
naman ako maniniwala sa 'yo," tinanggal niya ang kamay nito sa mukha niya at
tinitigan ang nag-aalalang itsura nito.
" Bakit mo pinaglalaban-laban ang mga anak natin?"
Halatang nabigla si Crescent sa rebelasyon niya.
"Crescent, bakit mo ipinangako sa kanilang lahat ang pagiging Emperador
nang lupaing ito?" galit na ang nanunulay sa mga mata ni Lyra kasabay nang mapapait
na pagbagsak ng luha. " Hindi mo kami minamahal, habang tumatagal mas lumalaki ang
pagbabago mo, hindi na kita nakikilala, binabago ka na nang kasakiman mo!" unang
beses na nagsalita si Lyra nang ganoon kaya naman triple ang sakit niyon kay
Crescent, na hindi magagawang magalit dito.
"Mahal ko kayong lahat," malungkot na saad ni Crescent.
"Hindi na pagmamahal 'yan! Sakim ka na! Hindi na ikaw 'yung lalaking
minahal ko! Mas mabuti pa nga na maglaho ka na lang uli, ako lang ang nasasaktan
nang labis hindi ngayon na lahat sila nasasaktan nang dahil sa 'yo! Napakasakit
nang pinagdaraanan nila dahil sa ginawa mo! Kesa mga anak natin ang maglaho, ikaw
na lang! Hindi ka naging ama sa kanila, kaya anak ko lang silang lahat at hindi sa
'yo," galit na tinalikuran ni Lyra si Crescent pero yumakap ito sa kanya. Ngunit
matatag na ang tigas ng puso ni Lyra, hindi na siya isang dalagitang napanghihinaan
at nagpapatawad sa ganoon lamang nito.
"Mahal na mahal kita Lyra, hindi ko kakayanin 'to kung wala ka, ikaw
ang kailangan ko," ani Crescent, ito ang kahinaan niya, si Lyra ang magpapabagsak
sa kanya higit kaninuman.
"Aalis na 'ko, ayoko nang makasama ka, kung gusto mo 'kong ikulong o
irehas gawin mo. Pero maghiwalay na tayo, mas kakayanin ko na namang wala ka, ang
saya nga, ang saya na hindi ko na ikalulungkot ang magiging kamatayan mo, " ani
Lyra na tinanggal ang kamay ni Crescent at lumisan na. Kung paanong nadurog si
Crescent sa patalim na itinarak ng mga salita ni Lyra'y kasama na rin ang
pagkamatay nang puso nito.
Si Lyra na mismo ang nagsabing wala na siyang karapatang mabuhay.
Mananatili na lamang siyang nakatayo hanggang matapos ang laro, at ang kahilingan
nito'y mangyayari sa katapusan ng laro.

** READ. VOTE. COMMENT!


110 votes next Chapter --
FB: Jobelle Rivera MisaCrayola Wp
About the first book to be printed -ang book ay hahatiin ang book 1. Dahil may
papasok na bagong karakter at nasisiguro ko na ang bagong twist no'n ay
magugustuhan n'yo. Para naman may bago kayong mabasa at maexcite kayo sa unang
book. :) Loveyouuu!

TF 36: Letting Go

TF 36: LETTING GO

__ LYRA __
" Lyra ano bang pinagsasabi mo! Hindi ka maaaring umalis dito sa tore dahil
mapanganib!" halos manggalaiti si Tomo sa 'kin habang tinutulungan ako ni Yen na
magbalot ng mga gamit ko.
"Ayoko nang makasama si Crescent," walang damdaming wika ko. Kung
ganito niya 'ko ituturing na parang batang walang alam palagi, hindi ko na
matatanggap. This is not just about the two of us -nandito na ang mga anak namin.
At sa lahat nang kasakiman niya ang hindi ko matatanggap ay 'yung kasama pa ang mga
anak namin sa ganitong laro.
" Lyra! 'Wag kang magpadalos-dalos!" si Tomo na tumuntong sa kamang
kinauupuan ko pero 'di ko siya pinansin.
" 'Wag mo na 'kong pigilan! Ayoko na kay Crescent, hindi ko na siya
gustong makasama! Sakim siya, walang puso at higit sa lahat hindi siya isang ama!"
hindi ko napigilang isigaw 'yon at nakita kong nabigla rin siya na parang 'di
makapaniwalang sinabi ko 'yon.
" Nasabi mo talaga 'yan?" pagak siyang tumawa, there's a line of
disappointment in his eyes. " Sa lahat ng nagawa niya para sa 'yo? Lyra, 'wag mo
sanang pagsisihan na tinalikuran mo ang Panginoon ko, " aniya na bumaba na sa kama
at patakbong umalis.
" Lady Lyra halika na, baka maabutan pa niya tayo," ani Yen na
nakapagpapigil nang mga luha kong nagbabadyang magbagsakan. Tama ako, bakit
kailangan kong masaktan sa sinabi niya? Ano bang aasahan ko kay Tomo? Wala naman sa
'kin ang loyalty niya.
Lumabas kami ng kuwarto na hindi ko na muling binalikan ng tingin.
Nakita ko si Leo na naroon sa labas ng pintuan at sa anyong tao nakatingin siya sa
'kin pero agad nagtungo.
" Mag-iingat ka, " halos bulong lang niya 'yon.
" Sumama ka na sa 'kin, " sabi ko sa kanya pero tinignan niya 'ko at
ngumiti ng mapait. Umiling siya.
" Kahit maging ano pa ang Panginoon namin, mananatili kami sa kanya,
naniniwala kami na ang tagumpay niya'y tagumpay namin. Alam ko na kahit umalis ka
rito, hindi ka niya pababayaan kaya naman hindi mo na 'ko kakailanganin pang isama.
Patawad, pero mananatili ako sa kanya, " aniya na hinawakan ako sa balikat at
tinapik bago ako iniwan.
" Salamat, " sagot ko, pinigil kong lumuha dahil baka hindi ko kayanin
at panghinaan ako ng loob. Kailangan kong makita ang mga anak ko, kailangan kong
lumabas sa tore at kailangan kong kalimutan na si Crescent ang lalaking minamahal
ko.
Naglakad kami sa pasilyo at lahat nang kabilang sa scorpion na nakikita
ako ay nag-iiwas ng tingin sa 'kin. Taas noo akong lumakad, maaaring pagsisihan ko
'to, dahil alam ko naman sa sarili ko na siya lang ang lalaking itinangi ko. Pero
alam ko na bilang isang Ina, kailangan kong isakripisyo ang sarili kong kaligayahan
kay Crescent para sa mga anak ko.
" Lyra, "
Idiniretso ko ang tingin ko, nakita ko si Vishnu na naroon malapit sa malaking
tarangkahan ng tore. Seryoso siya at walang ngiti, alam ko na lahat sila alam ang
naganap na tagpo sa 'min ni Crescent. Kinausap ako ni Crescent at hindi ko siya
pinakinggan, sinabihan ko siyang sinungaling at walang puso sa harapan ng mga
Scorpions sa sobrang galit ko. Pero sa loob ng buong araw na sinubukan niya 'kong
panatilihin sa tabi niya, naging matigas ako, kahit natatakot ako sa maaari niyang
gawin sa 'kin. Pero hindi niya 'ko hinawakan sa pagtatalo namin, kaya hindi niya
'ko nasaktan, sinubukan niya 'kong hawakan pero hindi niya itinuloy at sa pader
siya na kinadidikitan ko humawak na ikinawasak niyon at alam ko na galit siya.
Alam ko na sarado ang isipan at puso ko para tanggapin ang mga salita
niya.
" Aalis na 'ko," wika ko sa kanya.
" Ang paglisan mo ba'y pang habang buhay sa piling niya?" seryosong
tanong niya nang magkalapit kami.
"Siguro, " sagot ko.
"Hindi mo ba pagsisisihan 'yan?" tanong niya.
"Hindi lalo kung alam ko naman na mas may kahihinatnan ang pagkawala ko
sa tabi niya," madiin kong wika. Hindi na 'ko mahina at mas lalong hinding-hindi ko
ipapakita na nanghihina ako sa sakit ng pakikipagkalas kay Crescent.
" Hindi ka ba nabibigla?" tanong pa niya.
" Nabibigla? Ito ang gusto ko, ang umalis sa lugar na 'to, mawala ang
maitim hangin na nasasagap ko, at higit sa lahat para tumakas sa pagkokontrol niya
sa buhay ko," sagot ko, at natawa siya pero halatang nanunuya.
"Ibang klase ka rin, sa tagal nang panahon sinasabi mo na kinokontrol
ka niya? " alam kong galit siya, aasahan ko ba na kakampihan niya 'ko? Hindi.
"Hindi mo 'ko naiintindihan, anak namin ang isyu rito! Ang mga
ginagawa niya sa anak namin, ang mga pagsisikreto niya at higit sa lahat ang
paglala ng kasakiman niya!" galit na sigaw ko kaya hinawakan ako ni Yen sa braso.
" Ginawa niya 'yon para 'di ka masaktan! Akala mo ba madali na dinadala
niya lahat 'yon at ipakita sa lahat na kinakaya niya?! Lyra, hindi ko alam kung
anong may'ron ka para manatili siya sa 'yo, ano bang espesyal sa 'yo? Ano bang
kaibahan mo sa mga nag gagandahang babaeng ninais maging parte ng buhay niya? Ikaw
ang nagpasok sa sarili mo sa buhay ni Crescent! Hindi ko mapapayagan na sasabihin
mo na ikaw lang ang nasasaktan at hindi siya isang ama sa mga anak ninyo, alam
naming mga Scorpions ang isinasakripisyo niya, ang pagkabigo niya at ang pagpipilit
na ibangon ang sarili niya dahil kailangan mo siya at kailangan siya ng mga anak
mo! " galit na galit siya, hindi ko siya nakakausap ng ganito, madalas lang kaming
mag-asaran, nasasaktan ako na ipinamumukha niya sa 'kin na pangkaraniwan lang ako,
walang espesyal sa 'kin.
"Wala akong alam dahil wala siyang gustong ibahagi sa 'kin! Kaya
mananatili ako sa pinaniniwalaan ko! Halika na Yen, " wika ko.
" Nasa labas ng tarangkahan si Winter, siya ang magbababa sa 'yo," ani
Vishnu na nilagpasan na 'ko. Si Winter ang lalaking lagi niyang kasama.
Lumabas na 'ko, gusto ko nang umiyak pero pinigil ko. Kakayanin ko pa
hanggang makababa ako sa Tore. Kailangan ko ang sarili ko, hindi ako dapat manghina
pero gusto ko nang bumagsak ng makita ko siya sa tarangkahan. 'Di ko alam kung
bakit nahihirapan akong makita na tinitignan niya 'ko nang ganoon, he looks so
hopeless. Sobra ko siyang nasasaktan at hindi ko 'yon ikinasasaya, pero kailangan
niya ring pagdaanan 'yon kagaya ng sakit na nararamdaman ko.
"Iwan mo muna kami saglit, " sabi k okay Yen na tumango naman at lumayo
sa 'min sapat para magkaroon kami ng pribadong pag-uusap.
"Aalis na 'ko, " mahinang wika ko nang makalapit kami sa mismong
tarangkahan. Nabigla ako nang yakapin niya 'ko at halikan ako sa noo. Kahit
hanggang ngayon, amoy bulaklak pa rin siya. I missed how this smell calms me
whenever he's with me.
" Kung nais mo talagang mapalayo sa 'kin, hindi na kita pipigilan.
Mahal na mahal kita Lyra, palagi akong nandito, maghihintay sa pagbabalik mo,"
mahinahong wika niya, parang nilulumukos ang puso ko. Gusto ko siyang yakapin pero
nanatili lang akong nakatayo at hindi siya ginantihan ng yakap, hindi ko na rin
napigil ang mga luha kong nagbagsaksan.
" Patawad kung hindi na kita gustong makasama, " gumaralgal ang boses
ko, at totoo na iyon ang nararamdaman ko, ayoko na siyang makasama kahit na mahal
na mahal na mahal ko siya.
" Mahal kita pero hindi na sapat 'yon para gustuhin kitang makasama, "
dugtong ko pa. Naramdaman ko na hinaplos niya ang likuran ko.
"Naiintindihan ko, " wika niya at ang sakit-sakit na ganito siya sa
'kin. Nararamdaman ko na inuunawa niya 'ko. Gusto ko na magalit siya, dahil
nasasaktan ako kapag ganito siya.
" Uunawain kita, hanggang sa huling sandali Lyra. Kung sakali na
makahanap ka nang iba, hindi ako makikialam sa desisyon mo, hindi kita guguluhin
kaya papalayain na kita. Patawad kung ikinulong kita sa mundo ko, salamat sa
pagmamahal mo, patawad kung hindi ako naging karapat-dapat para mahalin mo. Hindi
ko pinagsisihan na dumating ka sa buhay ko, ikaw ang nagbigay sa 'kin nang
kasiyahan na hindi ko naranasan saan man, "aniya, alam ko na umiiyak siya, ang
sakit nang mga sinasabi niya sa 'kin. Hindi ko naman sinabing gusto ko nang iba,
hindi ko naman sinabing ikunulong niya 'ko sa mundo niya na pinilit niya 'ko,
pinilit ko rin na pasukin siya lalo na ang mundo niya. Hindi ko naman pinagsisihan
na nakilala ko siya, bakit ganito, bakit ko siya sinasaktan? Sabi ko na hinding-
hindi ko siya isusuko 'di ba? Kasi iyon lang 'yung kaya kong gawin para sa kanya?
Sabi niya sa' kin mananatili lang ako sa tabi niya kasi 'di niya
kakayanin lumaban kapag wala ako, pero iiwanan ko na siya, at pinalalaya niya
'ko.Nang bumitiw siya sa 'kin hinawakan niya 'ko sa balikat at hindi ko na siya
nakita dahil umalis na siya pabalik sa tore. Naiwanan akong umiiyak pero hindi rin
ako lumingon sa kanya.
Bakit ngayon pa nagbabalik sa isipan ko lahat nang pinagdaanan namin?
Lalo na 'yung mga ngiti niya sa 'kin, 'yung pagkain niya sa mga niluluto ko kahit
na hindi naman masarap, kahit ganito si Crescent kasama, siya pa rin 'yung the
best. Ayaw niya' kong nasasaktan kaya kahit nasasaktan siya pinalaya niya 'ko,
hindi ko naman siya ipagpapalit sa iba, hinding-hindi ko naman gagawin 'yon.
Hinawakan ko 'yung dibdib ko kasi hindi na 'ko makahinga sa sobrang
pagpipigil kong lumakas ang pag-iyak ko.
Si Winter ang nagbaba sa 'min sa nakalutang na tore. Sumakay kami sa
isang buwitre pababa. Wala pa rin akong tigil pag-iyak kaya hinahaplos ni Yen ang
likuran ko.

**
CRESCENT
Sa pagbalik ko sa kuwarto namin wala na si Lyra, tanging mga larawan na lang niya
ang nakikita ko. The real new moon drop, hindi ang mundong ito, at ang paglulunsad
ng bagong mundo. Ang New moon drop ay para sa 'kin na hindi na 'ko mamamatay kahit
kailan. Ipinainom ko na 'yon kay Lyra para sakaling mawala ako sa mundong 'to may
Ina pa rin na makakasama ang mga anak namin. Lyra is more than a pureblood now,
hindi na siya mamamatay at hindi na kailanman masasaktan ng sandata. Napakahirap
gawin no'n at daang taon halos bago makagawa ng isa, at alam ko na si Lyra ang mas
nararapat na uminom niyon.
Alam ko naman na wala akong kakayahang maging ama, kaya tinanggap ko
lahat ng masasakit na salitang sasabihin ng mga anak ko sa 'kin. Hindi ito ang
panahon para manghina ako, pero hindi ko akalain na makakayanan kong palayain siya.
Kay Lyra lang talaga bumabagsak madalas ang luha ko. Kakayanin ko pa, hanggang kaya
ko, susubukan ko silang iligtas lahat, kailangan ko lang matanggal ang pagiging mag
karugtong buhay namin ni Shin.
Lyra, sana mas maging masaya ka sa kalayaan mo. Nang sabihin mo sa 'kin
na magiging masaya ka nang 'di ka masasaktan kapag nawala ako, nasaktan ako nang
labis. Naisip ko rin naman na mas maganda 'yon, hindi ko na katatakutan na maglaho
bigla sakaling tuluyan na 'kong maging abo at maglaho.
Ikaw ang kahinaan at kalakasan ko, ngayon na wala ka na sa tabi ko,
kailangan kong iimahe na lang na kasama pa rin kita. Lalo na ang mga ngiti at pag
tawa mo. Hindi ko pagsisisihan na ikaw ang babaeng minahal ko, ikaw ang nagbigay ng
kasiyahan sa mundo kong sirang-sira.
Akala ko noon, ang kasiyahan na hinahanap ko ay matatamo ko kapag
napantayan ko na ang kalakasan ng mga Diyos. Pero sa puntong 'to, isa lang ang alam
kong magiging kasiyahan ko na hinahangad ko noon pa, ang makitang buo ang pamilya,
kahit pa hindi na 'ko kasama sa panahon na 'yon.
Noon pa man, nasa kategorya na 'ko ng Diablo, wala akong nararamdamang
kakaiba sa salitang 'yon. Ngayon lang ako nasaktan nang magmula sa labi mo na
napakasama kong nilalang, lahat nang lumabas sa bibig mo dahil sa galit mo 'yung
dumurog sa puso ko. Akala ko kasi Lyra, hindi mo 'ko iiwanan, akala ko mananatili
ka sa 'kin sa kabila nang pagiging ganito ko, akala ko kakayanin ko dahil kasama
kita para pangitiin ako. Patawad kung naikulong kita sa madilim kong mundo,
idinamay kita sa miserable kong mundo, patawad kung ako ang naging ama ng mga anak
mo, kung iba siguro baka masayang masaya na kayong lahat.
Ngayong araw na 'to umalis ka na sa buhay ko, nagpaalam ka na, pinalaya
kita kahit gusto kong luhurin ka para manatili ka sa tabi ko. Pero hindi ko ginawa
dahil alam ko na tama na 'yung makalaya ka sa rehas ko, magiging miserable ka lang
sa tabi ko. Hindi ko pala kayang ibigay sa 'yo ang kasiyahan nang mundo na
ipinangako ko sa 'yo. Darating 'yung oras na makakahanap ka nang ibang karapat-
dapat sa pagmamahal mo, hindi ako magiging hadlang.
Hindi ako mamamatay nang kinaaawaan ng mundo, mamamatay akong
kinamumuhian para hind imaging karapat-dapat ang buhay ko para pag-aksayan kahit
isang butil ng luhang pandilig sa labi ko.
Lyra, ang maliit mong kamay na humaplos sa 'kin noon ang naging simula
ng totoong ngiti sa labi ko. Ang boses mo at maging ang ugali mo paglaki ang
kinagiliwan ko. Ikaw lang ang tanging babaeng mamahalin ko, maging masama man ako
sa paningin mo at maging pagsisi man ako para sa 'yo.

READ. VOTE. COMMENT! <3


Anong maipapayo n'yo kay Lyra at Crescent?

FB: Jobelle Rivera MisaCrayola wp

120 votes next chapter!

TF 37: Crescent!

Nakakatuwa na ang aactive na naman ng readers sa pag vote at comment! :) More


sharing of your thoughts, para naman alam ko ano ang gagawin in every chapter.
Hahaha <3
TORMENTED FATE
CHAPTER 37
"CRESCENT!"

**
" Panginoon! " Patakbong sumunod si Tomo kay Crescent at mabilis namang paglakad
ang nasa taong anyong si Leo na nahuhuli sa mga ito. Kalalabas lamang nito sa
kuwarto nito at nangangamba sila sa damdamin nito sa mga oras na ito. Nagtungo si
Crescent sa kuwarto kung nasaan ang mga teknikal na gawain na nakaatang sa dalawang
scorpion na si Ice at Alexis. Si Alexis ang cookie lover kasama si Ice na isang
nerd man tignan pero may iba itong katauhan kapag labanan na ang usapan. Pero dahil
parehong bihasa sa computer at technology ito ang inaatasan ni Crescent sa bagay na
'yon ang kapitan nang mga ito ay si Loreto na siyang nakatayo lamang madalas sa
likuran ng dalawang nakaupo. Sa ngayon sila ang nakaatas sa pagpapaangat ng tore,
gayunman iyon ay turo lang din ni Crescent sa kanila.
" Panginoon!" Nabigla pa si Loreto nang dumating ito. Alam nila na may
pinagdaraanan ito pero hindi nila mapag-usapan kahit nag-aalala sila lalo pa't dito
nakasalalay ang ginagawa nilang lahat.
" Tawagin n'yo ang lahat, magsisimula ang digmaan," buong-buo ang kilala nilang
Crescent ni Leo, iyon ang tumatak sa isipan ni Tomo. Hindi kababakasan nang
kahinaan at kalungkutan kaya napakuha si Tomo ng panyo at pinunasan ang mga luha.
"I'm so proud of you, Panginoon. Isa kang tunay na kabalyero na hindi hinahayaang
makasira ang pansarili mong damdamin," ani Tomo.
Hindi naman umimik si Leo at minamasdan lang si Crescent. Alam niya na hindi sa 'di
na dinidibdib ni Crescent ang pag lisan ni Lyra - imposible 'yon dahil si Lyra ang
nagsisilbing liwanag nito. Ngayon na wala na si Lyra, magiging madilim na muli ang
mundo nito. Marahil kaya ito nakatayo at tila wala lang ang naganap na humaharap sa
kanila dahil sa kadahilanang isa sa hindi nito gusto ang kinaaawaan, hindi nito
gusto nang simpatya ---ang kanilang Panginoon ay magaling magtago nang damdamin
nito.
" Panginoon, kakausapin pa kayo ng dalawa sa mga anak mo, at sa tingin
ko, paparating na rin sila," wika ni Alexis na abala pa rin sa pag pipindot sa
hologram keyboard nito.
"Sige, magpapahinga lang ako. Hangga't hindi sila nagbibigay nang
hudyat nang pagsugod manatili kayong wala ring ginagawa, " ani Crescent na umalis
na sa loob ng kuwartong iyon. Sumunod naman si Tomo at Leo pero napigil na ito ni
Crescent.
"Balikan n'yo si Lyra, kailangan niya kayo. At h'wag n'yo nang
banggitin sa kanya ang tungkol sa 'min, ang pangalan ko, o ano mang dahilan para
sumama ang loob niya. Alagaan n'yo siya, aasahan ko na mailalabas n'yo siya sa
mundong ito," wika ni Crescent bago maglakad patungo sa kuwarto nito.
Nagkatinginan naman si Tomo at Leo.
"Galit ako kay Lyra!" inis na bulong ni Tomo na humalukipkip pa.
"Kapag nasaktan siya masasaktan din naman tayo, mahal rin natin si
Lyra, at ang Panginoon ang nagtiwala na mailalabas natin si Lyra sa mundong ito,
ang ipaubaya niya sa 'tin ang babaeng mahal niya ay isang pribilehiyo na tayo ang
pinagkakatiwalaan niya," wika ni Leo habang umiiyak at pinapahid sa braso ang mata
nito na walang patid ang pagluha.
" Magpaalam muna tayo kay Panginoon, "ani Tomo na natuwa sa isiping
totoo naman na sila ang pinagkakatiwalaan ni Crescent. Tumakbo siya patungo sa
kuwarto nitong bahagyang nakabukas. Nasilip na niya ito bago pa niya ilapat ang
maliit na kamao sa pintuan. Lumakas ang kabog nang dibdib niya. Bumaha ang mga luha
niya sa nasaksihan.
Ginupit ni Crescent ang mga larawan nito at ni Lyra dahil nakita niya
ang mga sira-sirang larawan ni Crescent na nasa paanan nito habang nakaupo ito sa
gilid nang kama. Larawan lang ni Lyra ang idinidikit nito sa isang kulay gintong
scrap book. Paanong 'di babaha ang luha niya? Pinapalaya na nito nang totoo si
Lyra, ang bawat larawan ay katumbas nang mga alaala nang dalawa. Hindi pumapatak
ang luha nito pero puno nang kalungkutan ang mga mata nito habang nangingiting
inililipat-lipat nito ang pahina kung saan puro larawan lang ni Lyra. Hindi umaabot
sa mga mata nito ang ngiti nito kaya naman nasasaktan siya para dito.
" Panginoon, aalis na kami, " ani Tomo na pinigil ang panginginig nang
boses. Pinatatag niya ang sarili.
" Mag iingat kayo," ani Crescent na dahilan pa para bmagsak ang mga
luha nila ni Leo. Iniabot nito ang scrapbook kay Tomo. " Ililigtas ko ang mga anak
ko, " dugtong nito kaya puro tango na lamang si Tomo. Ang kanyang Panginoon ang
nasasaktan nang labis, bakit walang makakita niyon sa pamilya nito? Bakit ito na
lamang ang palaging mali? Ginusto rin naman nitong maging masaya, ang mga kalaban
nito ang ayaw magpatahimik dito! Gusto nito nang hiwalay na mundo hindi para maging
Diyos kung 'di para ihiwalay ang pamilya nito sa diskrimasyon ng mundo. Kung sino
pa ang dapat kasama nitong lumalaban ay siya pang tumalikod rito pero nananatili
itong lumalaban para iligtas ang mga ito sa kabila nang pagtalikod nang mga ito.
" Paano kami lalabas sa lugar na 'to Panginoon?" si Leo na tinuyo ang
mga luha gamit ang palad nito bago matapang na hinarap si Crescent.
"Kapag naging asul bago mag pula ang buwan tutunog ang kadena nang
kailaliman. Magbubukas ang lagusan sa ibaba ng tore at sa pagkakataong iyon lalabas
ang asul na blood contract -sa pagtapak n'yo roon maglalaho na kayo sa lugar na 'to
at makakabalik sa mortal na mundo. Iyon na ang huling pagbubukas ng lagusan, kaya
naman sana makaalis na kayo sa takdang oras. " sagot ni Crescent.

**
"Crescent, " nakagat ni Lyra ang ibabang labi nang umangat nang mas mataas ang
tore. Malakas na hangin ang nadama niya na nagpalipad ng buhok niya. Bumagsak ang
mga luha niya pero nagawa inyang tumalikod. Kailangan niyang magpakatatag.
"Nawala na siya minsan, kakayanin n'yo rin ngayon, " wika ni Yen sa kanya.
" Hindi 'yan totoo," bulong ni Lyra " Kahit kailan hindi ko kinayang wala si
Crescent," sa sarili na lang niya sinabi 'yon dahil naglakad na silang dalawa. Ayon
kay Winter na nanghatid sila, matatagpuan nila si Shin sa bundok na mababa kasama
si Jasmine. Malapit-lapit lang iyon.
Samantala si Chrysanta na naroon san a sa pintuan ay biglang tumigil sa pagpasok at
pumatak ang mga luha. Pakiramdam niya kailangan siya nang papa niya kaya naman
nakagat niya ang ibabang labi para pigilin ang mga luha -labing limang araw lang.
" Bakit ka umiiyak munting binibini?" nakangiting tanong ni Catalyst na bumaba ang
lebel para titigan ang magandang mukha ni Chrysanta.
" Si papa, nararamdaman ko na kailangan niya 'ko. Hindi ko na gustong tumuloy,
pakiramdam ko tinatawag niya 'ko para manatili sa tabi niya, hindi naman siya
masama sa 'kin, mabuti siya at mahal na mahal niya kaming lahat, " napapalakas ang
pag-iyak niya kaya naman nag-alala si Catalyst dito kaya pinahid niya ang luha
nito.
" Napakasuwerte niya na sa kabila nang mga nagawa niya, may isang tulad mo na
nakakaunawa sa kanya. Pero sa kalagayan mo ngayon, kulang ka sa kakayahan para
iligtas siya, kausapin ang mga kapatid mo na nakatatanda sa 'yo. Kaya naman gawin
mo ang lahat para maging malakas katulad nang naaayon sa dugong nananalaytay sa
'yo," tinitigan nito ang mga mata niya at ganoon na lamang ang katotohanang
natatanaw ni Chrysanta ang mga mata nito. " Pahirin mo ang mga luha mo, maging
matatag ka, dahil pare-pareho lang naman kayong lumalaban, " hinalikan nito ang noo
ni Chrysanta na napapikit. Pakiramdam niya ito ang papa niya kaya napayapa ang
kalooban niya.
**
" Crescentine!" Malakas na sigaw ni Rozen nang makita ang anak. Nilapitan niya 'to
at agad na niyakap. Ang isa sa mga scorpion na babae ay nakamasid lang, bababain na
pa naman niya ito sa ibaba nang punong tinutuntungan niya nang makita niya ang
isang magandang babaeng tila nagniningning ang kagandahan.
"Ina," nangiti naman si Crescentine nang makita ito. Agad nitong niyakap ang Ina-
inahan. Pagkabitiw nito ay naiiyak ring niyakap ni Rozen si Crestia na umiiyak ring
tulad nito.
" Anak, akala ko hindi na kita mapupuntahan sa lugar na 'to, " panay ang pagluha ni
Rozen. " Nakita mo na ba ang papa mo?" hinawakan niya ang palad ni Crescentine at
tinitigan ito sa mga mata.
" Hindi ko alam kung paano ako makakarating sa tore niya Ina, may harang ang mga
iyon, " ani Crescentine na pilit ang ngiti. " Ina, nakarinig ako nang kung ano-ano
tungkol kay papa -tungkol sa 'kin at sa mga iba pa niyang anak na hindi ko lubos na
maunawaan. Kaya nga gusto ko siyang makausap para malinawan na 'ko," ani
Crescentine na halata naman ni Rozen ang pagkakagulo nang isip. Si Crestia ay
tahimik lang dahil wala rin naman siyang alam na suhestiyon.
Hinawakan ni Rozen ang magkabilang pisngi ni Crescentine at hinuli ang tingin nito.
" Hindi ka mabubuhay sa mundong ito kung 'di dahil sa kanya, ilang beses ka nang
kinutya nang iba pero kahit kailan hindi ko nakita sa 'yo na ikinahiya mo na siya
ang ama mo, at lalong mas kilala kita na kahit anong mangyari ay mananatili kang
anak niya na nagmamahal at sumusuporta sa kanya. Kaya naman ano man ang marinig mo,
katotohanan man o kasinungalingan alam ko na ikaw pa rin ang masusunod kung saang
daan ka magpapatuloy," ani Rozen na ikinangiti ni Crestia. Napakalumanay ng boses
nito at sa totoo lamang ito ang pinakamabuting Ina na nakilala niya kahit pa
sabihing nadungisan na ito at patuloy na sumasailalim sa taon-taon na ablution
nito. Isa sa mga sikreto ni Rozen ay ang pakikipagtalik nito sa isang Demon para sa
ikaliligtas ni Crescentine noon - kaya dumaraan ito sa paglilinis ng kaluluwa.
Rozen is no longer maiden but a great mother of two.
" Mananatili ako sa panig niya, maging kalaban ko man ang lahat, gusto ko na siyang
makita Ina, gusto kong marinig ang boses niya at gusto kong malaman kung totoo na
nakakapagpanginig siya nang tuhod," natatawang wika ni Crescentine.
Naluluhang nangingiti naman si Rozen. Ito ang ninanais ni Crescentine, hindi man
niya makuha si Crescent, ang tanggapin nitong anak si Crescentine at ang makita
lang itong muli na buhay ay makapagpapasaya na sa kanya. Si Light ang unang
lalaking nagpatibok ng puso niya, pero si Crescent ang nagparamdam sa kanya nang
kagustuhan niyang magkaroon nang isang pangkaraniwang buhay, kahit pa isang
dalagang may limitasyon ang buhay kagaya ng tao ay tatanggapin niya basta kapiling
ito. Pero huli na siya, si Crescent ay pag-aari na nang iba.
"Crescentine," bumaba na ang isang babaeng Scorpion. Nabigla naman ang
mga ito sa pag aakalang kalaban ay humanda para sa labananan si Crescentine.
"Kakausapin ka nang iyong ama, ikaw lamang, Isa ako sa Scorpion, "
anito na ipinakita ang tatak nang red scorpion sa kaliwang pulso nito.
"Pero gugustuhin niya ring makita si Ina," ani Crescentine na tinignan
si Rozen.
"Sasabihin niya sa 'yo ang mga nararapat mong malaman, sasamahan ko
rito si Crestia, " nginitian ni Rozen si Crescentine. Marahil sa muli nilang
paghaharap ni Crescentine alam na nito na hindi siya ang totoong Ina nito, at
naihanda na niya ang sarili roon.
" Wala ka bang ipapasabi ina?" tanong pa ni Crescentine.
"Ha?" Pinamulahan si Rozen, " Ahm, ano --maa -ah basta! Maaasahan niya
'ko na tutulong sa kanya, at magmamahal na rin, " bulong ni Rozen na ikinangiti ni
Crescentine at Crestia.
" Ina, sumama ka na, " hindi magawang iwanan ni Crescentine ang dalawa.
"Ngunit -" Rozen
Isang malakas na pagsabog malapit sa kanila ang nagpatigil nang usapan
nila. Ilang beses sa iba't ibang bahagi kaya naman napilitan na ang isa sa Red
Scorpion na bitbitin ang tatlo matapos nitong pumito at lumapit ang isang malaking
buwitre na sinakyan nilang lahat papasok sa mahikang nakapalibot sa buong tore.
Nagsisimula na ang pag-aalok nang labanan ng Kastilyo may paunti-unti na itong
pagpaparamdam.
" Sa tingin ko magsisimula na ang digmaan, nagbibigay na sila nang hudyat kaya
naman kailangan na natin madaliin lahat, " wika ng Scorpion na kasama nila
Crescentine.
Ang tatlo ay namamangha sa malaking toreng papasukin nila. Ito na ang kinalulugaran
ni Crescent at bawat isa sa kanila ay may kakaibang kasabikang nadarama na makita
at makilala si Crescent Wolveus -wala atang libro nang kasaysayan na hindi naitala
ang pangalan nito.
**
"Leo nakita mo ba 'yon!" turo ni Tomo nang nasa ibaba na sila ng tore at makita ang
buwitreng lumilipad pataas ng tore.
"Si-Rozen Maiden!" ani Leo nang makita ang magandang dilag na si Rozen.
"Anong ginagawa niya dito!" ani Tomo
"Halika na Tomo! Kailangan na nating puntahan si Lyra, tignan mo 'yon!" turo ni Leo
sa mga nagliliparang pasabog na halata namang nagpapadama lamang dahil wala iyong
gaanong pinsala pero dahil nagpapaulan iyon nang mga pasabog sa buong lugar ay
maaaring matamaan nito si Lyra. Saglit na nalimot nila si Rozen. Sabay silang
nagpalit anyo bilang lobo at mabilis na tinakbo ang bakas nang amoy ni Lyra na tila
isang matamis na prutas.
**
" LYRA!" Puno ng hinagpis na sigaw ni Dark na nasa loob nang isang kuwartong
walang laman na puno ng rehas. Iniwan sila ni Lyra at hindi niya matanggap na
bumaba si Lyra sa tore. " Kailangan ko si Lyra! Bakit niya tayo iniwan!" anito nang
mahigpit na hinawakan ang rehas na tila nais nitong durugin -kadiliman ang
natatanaw niya sa labas ng rehas. Hindi siya makokontrol kaya sinadya nang isang
Crescent na pansamantala siyang ikandado at hindi ito mapangibabawan. Dahil sa
pagwawala niya naghihirap si Crescent - sa pagkakataong iyon hindi sila maaaring
magkahiwalay dahil iisa na sila. Pero sa pagkawala ni Lyra baka mahati na naman
sila at ikamamatay na nila 'yon, lalo na si Dark iba na naman ito -ito ang
makasariling personalidad niya at ito ang matinding kalaban niya dahil kapag hindi
'to makontrol nahihirapan na rin siyang mag-isip dahil nagdudulot iyon nang tila
pagdudurog ng buto't laman niya sa sakit.
"Tama na, Dark, magiging ligtas si Lyra, " kausap niya rito. Nasa loob lang 'to
nang katawan niya.
" Ibalik n'yo sa 'kin si Lyra! Papatayin ko kayong lahat! Siya lang ang kasiyahan
ko, bakit palagi n'yong pinagkakait sa 'kin 'yon! " humigpit ang kapit nito sa
malamig na rehas. Naalala niya ang nakaraan -ang pagpili sa kanya na mamamatay
imbis na si Light na mahina at walang pakinabang! Ang pagtalikod sa kanya nang
mismong Ina at lahat nang sakit na pinagdaraanan niyang emosyonal noon, bago
dumating si Lyra sa buhay niya. Ito ang dahilan bakit naging balanse sila, bakit
hindi nangibabaw nang labis ang kasakiman niya at ang muling pagbalik niya sa
dating siya. Pero maging ito ay iniwan siya -iiwanan rin pala siya ni Lyra.
" Bakit mo hinayaang umalis si Lyra, bakit ipinagkakait mo sa sarili mo na maging
masaya, bakit sa kabila nang lahat nang isinakripisyo natin para makabalik iniwan
niya rin tayo. Bakit ginawa ni Lyra 'to na parang wala lang halaga ang lahat? Siya
ang huling naisip ko na aabandona sa 'tin, nagtiwala ako, naniwala ako na hindi
isang mababaw na salita lang ang pagmamahal niya. Nangako siya na kahit maging ano
tayo, kahit maging ano man si Crescent -hinding-hindi niya iiwanan. Sinungaling rin
si Lyra, katulad ni Ina, sinungaling siya, sinasabi nilang mahal nila tayo pero
iniiwanan nila tayo," tila pinipira-piraso ang puso ni Crescent, pisikal at
emosyonal. Naghihinagpis si Dark sa loob niya, ang mga salita nito'y tila patalim
na sumusugat sa damdamin nilang pareho. Ang sabay na pagbalisbis nang mga luha na
ang tanging nakasaksi lamang ay ang tuktok na kuwarto ng tore na 'yon.
"Galit lang si Lyra, "
"Magiging masaya siya sa kamatayan natin, tayo na nagmahal at nag-aruga sa kanya!
Tayo na nagsakripisyo para sa kanya! Tayo na nakipaglaban at nagbigay sa kanya ng
lahat-lahat! " pagdaramdam na ang nanaig dito, " Wala namang may gustong mawalan ng
anak, pisikal na panghihina na ang pinagdaraanan natin, pero wala ni isa ang
umuunawa sa 'tin, siya na lang ang pinagkukunan natin ng lakas para maisalba ang
sakit na pinagdaraanan natin sa emosyonal dahil sa 'di natin alam paano
sosolusyunan ang pagkuha ng dalawa sa mga anak natin -pero iniwanan niya tayo at
napakasama nang tingin niya, para bang walang mabuting bagay na naidulot sa kanya -
puro kamalian na lang ang nakikita niya," bumaba na ang timbre ng boses nito. Puro
pagpatak ng luha nito sa madilim at malamig na rehas na 'yon habang ang totoong
Crescent ay nakaupo sa gilid ng kama at sapo ang mukha. Pinakikinggan niya si Dark
at masakit talaga ang idinulot nang pagpapalaya niya kay Lyra. Pero hindi niya
gustong makita 'tong galit sa kanya.
" Mahal na mahal natin siya hindi ba? Hayaan na natin siyang maging masaya,"
gumagaralgal na boses ni Crescent na umalingawngaw sa puwesto nang nakasandal na sa
rehas na si Dark. Naaalala niya ang unang pagdadaop palad nila ng batang si Lyra at
ang paghihiwalay ng mga palad nila ngayon na nagdesisyon na itong lumaya sa
kadiliman sa piling niya.
"Crescent - " nang ipikit niya ang mga mata. Ilang anyo ni Lyra mula pagkabata,
pagdadalagita, pagdadalaga at ngayon na isa na 'tong ganap na Ina ng mga anak niya.
Masakit isipin na dito nagwakas ang lahat, mahina ang emosyonal nila ngayon.
Limampung porsyento nang kalakasan nila ang binitbit ni Lyra at limampung posyento
ang dahilan bakit nailalakad pa nila ang mga paa --para sa mga anak nila.

**
"Crescent," naiiyak na binalikan ni Lyra nang tingin ang tore. Nasa malayo na sila
dahil napabilis sila dulot ng mga pagsabog.
"Lady Lyra, " pinigilan ni Yen ang kamay ni Lyra nang balakin nitong bumalik.
"Kailangan ako ni Crescent, nasaktan ko siya, mahal na mahal ko naman siya galit
lang talaga ko sa kanya," nanginginig ang mga labi ni Lyra habang panay ang pagluha
niya. " Nag-iisa na siya, para sa 'min naman 'to 'di ba? Gusto ko siyang sagipin,
palagi kong naiisip na masyado siyang malakas kaya hindi ko naiisip na nasasaktan
siya. Palaging ako lang, pero hindi naman niya 'ko hinusgahan dahil mahina ako para
sa kanya. Sinaktan ko 'yung lalaking mahal na mahal ko,"
" Lady Lyra!" sigaw ni Yen nang tumakbo ito pabalik sa daang binagtas nila. Isang
malaking pagsabog ang naganap kaya 'di niya 'to agad nasundan dahil sa mga buhangin
na nagpalabo ng paningin niya.

READ. VOTE. COMMENT! <3


150 VOTES next Chapter <3
FB: Jobelle Rivera MisaCrayola Wp

TF 38: CLEOFAS

BASAHIN: Si CLEOFAS ay lalabas sa edited version ng BOOK 1 ng RBW. :) Kapag


nabalik na lahat ng chapters pag may time kayo basahin n'yo uli para ms makilala
natin siya.

DEDICATED sa mga active facebook friends/ readers ng TF , Judy Ann B, Gianna,


Vergil,Jessa, Dawn,Lynjhen, Maria Cristina, Caithlin <3, Camille, Imelda, Melche
anitsirc, Numer, Marylyn, Jlander, Zeny, Nelrose, Florenda, Jmar at MARIVEL. <3 :)
Marami pa hahaha next naman I love you all!

TORMENTED FATE
CHAPTER 38
" CLEOFAS "

ASTRAL ISLAND ( RED ISLAND )


" Lady Cleofas, gumising na rin kayo," bulalas ni Blade ang magiting at matapat na
butler ni Cleofas sa kamumulat lang na dalagang may asul na kulay ng mga mata. Itim
na itim ang buhok nito at sa kabila nang sampung taong pagkakahimbing nito'y naroon
pa rin ang kagandahan nito. Nakahiga ito sa malambot na kama sa loob ng malaking
mansion na pag-aari ng dalagang nahimbing dahil sa pagkabigong makuha ang pag-ibig
ni Crescent.
"Tumatangis ang iniibig ko," malumanay na wika nito bago hinaplos ang dibdib kung
saan naroon ang isang blood contract na nagpupula at may malamlam na liwanag. Agad
namang napipi si Blade sa tinuran ng dalagang pinaglilingkuran. Ayon kay Cleofas
noon, maglalakbay ang kaluluwa nito sa kailaliman at doon isasapalaran ang mga oras
nito para makalimutan si Crescent at pag mulat nito'y tapos na ang pag ibig nito sa
lobo -ngunit ang kinapanabikan niyang pag gising nito'y hindi pala magiging maganda
ang kalalabasan para sa kanya na nagmamahal dito ng lihim.
Si Cleofas ang isa sa unang babaeng naging parte ng buhay ni Crescent, ang
pagbabalik nito'y hindi naging maganda dahil si Crescent ay mas pinili ang
inalagaan at pinalaki nito na isang magandang dalaga na si "Lyra" ang pag ibig
nito kay Lyra ay hindi matatawaran na tila ba walang sino mang napakagandang
nilalang ang makapagpapa-akit rito nang ganoon.
Si Cleofas ang katumbas ni Crescent. Madilim ang mundo, puno nang pait at
kapighatian na nagpapalakas rito, nabuhay sa kadiliman at kasakiman nang mundo. May
malakas na kapangyarihan dahil isa 'to sa nilikha ng Diyos na si Catalyst -ang
mapaglarong diyos ng underground world. Isang laruan para kay Catalyst si Cleofas
bagaman ito ang biniyayaan nito nang malakas na kapangyarihan at binuhay na rin sa
mortal na mundo at inilapit kay Crescent. Nagising siya sa boses ni Catalyst at sa
pagmulat niya ng mga mata naramdaman niya ang tila inuuka ang dibdib niya sa sakit
dulot ng blood contract na sa tuwing tumatangis si Crescent ay nadarama niya.
Ginising ni Catalyst si Cleofas dahil may maitutulong ito kay Crescent, katulad
nang pangako niya kay Chrysanta na hindi nito pababayaan ang ama nito sa pag pasok
nito sa pintuan ng panahon.
Noon, inaasahan ni Catalyst na kapag naging mag asawa ang dalawa ito ang bubuo nang
pinakamalalakas na anak at pamilya maging teritoryo. Pero mas pinili ni Crescent
ang isang mahina at kalabang lahi nitong si Lyra. Natuwa rin si Calatalyst sa
kinahantungan dahil higit sa inaasahan niya ang kakayanan ni Crescent -nagawa
nitong bumuo nang ibang mundo para sa babaeng minamahal nito kaya itinapon niya sa
koleksiyon niya si Cleofas na ngayon ay isa na naman sa mga gagamitin niya para
tuparin ang pangakong hindi mapapaslang si Crescent sa digmaan hangga't hindi sila
nakakalabas sa pintuan ng panahon ni Chrysanta.
" Nasa floating fortress ang lagusan, " ani Cleofas na ngumiti nang makahulugan
bago nito iniabot ang kamay kay Blade. " Ito ang hinihintay ko, ang kasaysayang
bubuuin namin ni Crescent, sinabi ko naman sa kanya na babawiin ko ang akin at sa
panahon na 'yon na bigyan niya 'ko nang pagkakataon hinding-hindi na siya
makakabalik kay Crescent ng buhay. Ang malakas ay para sa malakas, ang mahihina ay
para sa kamatayan ganoon ka simple," ani Cleofas matapos nitong masdan ang sarili
sa salamin kung saan naimahe niya ang lalaking nagpabaliw sa kanya nang husto higit
sa pagkabaliw niya kay Zandro na isang underground God.
**
Sa paglipad nang buwitre patungo sa tore napatigil ito at nagbalik nang tingin sa
likurang bahagi nang marinig ang mas malalakas na pag sabog. May mga naglalaban na
sa paligid at ang mga pagsabog at tunog nang pagkawasak at walang tigil na lindol
ay dulot nang malalakas na pwersang nagtatagisan ng lakas. Ang digmaan ay hindi
lang sa pagitan ng Demon Lord at ni Crescent kung 'di sa lahat nang nilalang na may
iba't ibang mithiin. May mithiing was akin ang mundong nilikha ni Crescent at may
mithiing pigilin ang mga ma gusto niyon dahil isang Imperyo at katuparan nang
paghahari kapag napasakanila ang mundong iyon.
Sa kabilang banda si Seventh ay sinusuklay ng kamay ang malambot na buhok ni
Lucylle na hindi na niya ginising. Naroon siya sa mundo ng mga mortal para
palikasin na ang mag ina lalo pa't nakini-kinita niya na mawawasak rin ang mortal
na mundo sa pagkawasak ng Abyscentine.
"Hindi mo ba siya gigisingin?" tanong ni Nicole kay Seventh. " Namimiss na niya
kayo ng papa niya. Nalulungkot siya madalas pero kapag nakikita niya ang ibinigay
mo sa kanyang kuwintas na pendulum pinanlalakasan siya ng loob. Seventh, balikan mo
si Lucylle, umaasa siya sa mga pangako mo," ani ni Nicole sa nakaupong si Seventh
na minamasdan lang si Lucylle.
" Gusto ko siyang balikan, marinig sa labi niya na ganito pa rin ang nararamdaman
niya sa 'kin sa pagdadalaga niya. Pero nangangamba ako dahil hindi ko matanaw ang
sarili kong nagbabalik sa piling niya. Patawad kung inibig ko ang anak ninyo sa
ganitong edad niya, " malumanay ang boses ni Seventh. Hindi na kumibo si Nicole
dahil nasabi na iyon ni Seventh na ikinabigla rin niya pero hindi siya nagkaroon ng
bayolenteng reaksyon.
" Ito na ang huling pag punta mo rito ayon sa 'yo, Seventh, gisingin mo na siya.
Hindi mo ba gustong marinig ang cute niyang boses dahil panigurado pagbalik mo
dalagita na siya at iba na ang timbre ng boses niya," naiiyak na wika ni Nicole.
Naalala niya nang magpaalam si Vincent sa mga anak nito -ganoon rin ang sinabi
nito,gusto nito ng mga videos ng anak nito para sa pagbabalik nito na dalaga o
dalagita na ang mga anak ay may alaala ito na hindi man ito parte ay masasaksihan
nito sa tulong ng mga videos.
Nag-aalala siya kay Vincent gayunpaman nakakampante siya dahil imortal na si
Vincent at hindi niya nakikita ang pag-aalala sa ama at pamilya nito kaya naman
alam niya na makakabalik si Vincent. Si Seventh ang hindi niya sigurado dahil sa
sanga-sangang problema at komplikasyon ng pamilya nito.
" Princess," bulong ni Seventh malapit sa tenga nito. Lumayo siya nang bahagya at
minasdan ang paunti-unting pagmulat nito at nang makita siya nito ay muli itong
pumikit at nagmulat. Nginitian niya 'to at hinalikan sa noo.
" Good morning, princess," malumanay at malambing na wika niya rito kaya agad itong
nangiti at napayakap sa kanya. Lumaki na naman ito. Narinig niyang sumara ang
pintuan at alam niyang lumabas si Nicole na nag-aayos na rin ng mga gamit nito.
Malakas na ang ulan sa labas -kulog at kidlat ang nagpapalitan sa kalangitan kaya
kahit umaga na'y tila mag gagabi na uli.
" Magsalita ka," nangingiting sabi ni Seventh na pinahid ang luha nitong naglandas
sa mga pisngi nito. " Dali na gusto kong marinig ang boses mo," ani Seventh na
ikinasimangot ni Lucylle.
"Sandali lang, magsasalita din ako nang marami, tititigan muna kita," ani Lucylle
na ikinatawa ni Seventh kaya mahina niya 'tong pinitik sa noo.
"Child abuse 'yan!" ani Lucylle sa pamimitik ni Seventh.
" Matagal na 'kong nawala maliit pa rin ang kamay mo," ani Seventh na inilagay ang
kamay ni Lucylle sa palad nito at pinagpantay.
"Kahit maliit 'yan malakas 'yan pag nanampal!" sagot ni Lucylle na damang-dama ang
mainit na kamay ni Seventh.
" Nagiging bayolente ka na, saan ka natuto niyan?" nangunot ang noo ni Seventh na
ikinangiti naman ni Lucylle.
Kinuha ni Seventh ang kanang kamay ni Lucylle at inilagay sa kaliwang pisngi nito
mismo.
"Balikan mo 'ko ha? Mag-aaral na 'ko sa paaralan kapag maayos na ang lahat,
pagbubutihan ko ang pagiging pianista at pagagandahin ko pa ang boses ko, someday
sisikat ako sa larangan ng music at gusto ko isa ka sa mga nasa unahan para
palakasin ang loob ko. Ikaw kasi ang dahilan bakit naging matapang na 'ko, ikaw ang
dahilan bakit ayoko nang inaapi ako, ikaw ang dahilan bakit gusto kong maging
malakas, matatag at positibo. Kaya balikan mo 'ko ha? Marunong na 'ko magluto no'n,
pero hindi pa rin ako marunong sumayaw no'n, i hate dancing talaga! At hindi na 'ko
cute kasi... " namula si Lucylle na ikinangiti pa lalo ni Seventh, madaldal talaga
'to at tama si Nicole, time will come, ang boses nito ay magbabago at maging ang
pagtingin nito sa kanya.
"Babalikan kita kahit hindi mo na 'ko kilala, hindi mo naman kailangang mangamba.
Your existence gives me hope and will to survive. Kaya paano kitang makakalimutan?
Ikaw bata ka pa, like your playmates time will come you'll forget about me," hindi
pinakita ni Seventh ang pag guhit ng kirot sa sarili niya. Isa rin 'yon sa iniisip
niya -maaaring bumalik siya. Pero ang tanong, may babalikan pa ba siya?
Nabigla si Seventh nang may dumapo sa kanang pisngi niya na sampal.
"Hindi ka ba nagtitiwala sa 'kin? Hindi na 'ko bata at hihintayin kita dahil
uulitin ko pang sabihin sa 'yo na mahal kita! At sa panahon na 'yon paniniwalaan mo
na 'ko," naiiyak na wika nito kaya niyakap niya 'to.
" Mahal naman talaga kita, bakit kasi ang tagal-tagal kong maging dalaga! Hindi
kita kakalimutan kasi ikaw ang nagbigay sa 'kin ng lakas na lumaban, maging matatag
at higit sa lahat ikaw ang nag-alaga sa 'min noong wala si daddy. Kahit kami ni
mommy, ituring mo kaming nagmamahal sa 'yo, kasi masasaktan kami kapag nawala ka,
hindi naman totoong walang nagmamahal sa 'yo kasi nandito ako -naghihintay na
makita ka uli, " papalakas ng papalakas ang pag-iyak nito.
" Tahan na, ang iyakin mo pa rin, "biro niya dito kahit pinawi niya rin ang sailing
luha nang 'di nito napapansin dahil nakasubsob ito sa katawan niya at umiiyak. "
Kapag umiyak ka nang ganyan isipin pa nang mga pureblood na sinasaktan kita, lalo
lang nila kong 'di gugustuhin para sa 'yo," ani Seventh na ikinatigil nito nang
pag-iyak na ikinapagtaka naman ni Seventh dahil biglaan. Lumayo ito sa kanya at
ngumiti with her teary eyes.
" Ibig sabihin ba may gusto ka sa 'kin?Waa, child abuse ka, "nangingiting wika ni
Lucylle na hindi mapigil ilabas nag dalawang dimples na lalong nagpacute dito.
" You'll always be my princess, my queen, my empress and my everything," seryosong
turan ni Seventh na nagpapula kay Lucylle ng husto kaya nangiti lalo ang una sa
itsura ng dalagita.
**
" Dalian na natin!" wika ng babaeng Scorpion na sinunod naman ng buwitre na
papataas na muli. Ngunit biglang isang malakas na hagupit na hangin ang tumama sa
kanila na nakapagpahati sa dalawa sa buwitre kasunod nang isa pang malakas na
hagupit nang hangin na ikinabagsak nila pare-pareho malayo sa isa't isa. Isang itim
na dambuhalang ibon ang nakita nila sa itaas at isang babaeng may itim na itim na
buhok ang nakangiti at kasunod niyon ang pag sigaw nang ibong kinatutuktukan ng
babae na nakapagpabingi sa kanila na tla gustong was akin ang pandinig nila maging
si Rozen na humagis na sa malayo ay tila winawasak pa ang pandinig sa tili nang
ibon na sa kabutihang palad ay tumigil rin.
Si Lyra na mas nangibabaw sa pandinig ang tili nang ibong 'yon ay isang alaaala ang
nagbalik sa alaala niya. Si Copernia ang ibong iyon! Hindi siya maaaring magkamali
na iyon ang ibon ni Cleofas ang babaeng pinagbantaan siyang kukunin sa kanya noon
si Crescent!
Pagtingin niya sa ituktok ay nakita niya ito pero hindi siguro siya nito napansin
dahil lumipad na ito pataas ng tore na ikinabigla niya nang husto. Naroon si
Crescent! Lalo niyang binilisan ang pagtakbo sa labis na kaba. Hindi niya
namalayang pumapatak ang luha niya sa takot na mahawakan nito si Crescent.
"Lyra!" si Tomo iyon kasama nito si Leo.
"Si Cleofas!" aniya sa dalawa na halatang nabigla rin.
**
Mabilis na nakarating si Cleofas sa kuwarto ni Crescent dahil sa tulong ng blood
contract kaya niyang magtungo sa mismong lugar nito. Nagpakita lang talaga siya kay
Lyra para pasakitan ang damdamin nito. Si Blade ay iniwan niya sa baba para
magmatyag sa labanan. Kailangan maging malinis ang pagiging Emperatris niya.
Naabutan niya si Crescent na may karamdaman. Namumula 'to ng bahagya at nakapikit.
Ganito ba talaga 'to kapag nasasaktan ni Lyra? Dinidibdib nito nang husto? Kahinaan
talaga ang walang kuwentang babaeng 'yon.
Nang lapitan niya ito ay agad tumibok ng mabilis ang puso niya. Napakaguwapo pa rin
nito, ang pilak nitong buhok, ang mapula at tila kay lambot na labi at ang matangos
nitong ilong.
Inilapit niya ang labi sa nakapikit na si Crescent na malalim ang paghinga dulot
ng karamdaman. Ipinikit niya ang mga mata at nang ilalapat na niya ang labi dito'y
agad siyang nagmulat at nangiti siya nang palad nito ang nahalikan niya dahil
iniharang nito ang kamay. Umayos ito nang upo.
"Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin gustong magpahalik sa iba? Bibigyan na ba kita
ng loyalty award?" natatawa ma'y naiinis na tanong niya rito.
"Bakit ka nandito?" walang ganang tanong ni Crescent.
" Para pasayahin ka, mas magaling ako kay Lyra, namiss rin kita!" aniya rito na
sumama sa kama sa tabi ni Crescent. Itinulak niya 'to sa magkabilang balikat at
ibinalik sa pagkakahiga.
" Hindi mo 'ko mapapasaya, umalis ka dahil hindi tamang nasa iisang kama tayo,"
nanghihina'y may itinulak 'to ni Crescent na kapagdakay umalis sa kama. Sumimangot
naman si Cleofas na nahiga sa malambot na kama.
"Dito ba kayo natutulog ni Lyra?" inikot ni Cleofas ang paningin sa paligid.
"Hindi, kung dito pinatay na kita sa paghiga mo sa puwesto niya," sumandal si
Crescent malapit sa bintana.
"Ang lupit mo naman sa 'kin! Samantalang mas mahal kita kesa kay Lyra, si Lyra na
walang kuwenta! " inirapan niya 'to nang makatayo rin siya. Matalim na tingin ang
ibinigay ni Crescent sa kanya.
" Umalis ka na, baka hindi ka na makalabas ng buhay dito. Walang kasalanan si Lyra
kaya 'wag mo siyang pagsasalitaan ng masama. Ako ang may kasalanan ng lahat,"
malamig na wika ni Crescent na nakapag-paawang ng labi ni Cleofas.
"Ganyan ka kabaliw sa kanya? Ano bang naitutulong ng maarteng babaeng 'yon? Ano
bang nagustuhan mo doon? 'Yung lambing niya? 'Yung pagiging tanga niya na
sinasayang ka niya? " sunod-sunod na pagkakabasag ng mga salamin sa loob ng kuwarto
ang nangyari sa masamang tingin lang ni Crescent pero hindi nagbaba nang tingin si
Cleofas.
"Crescent, kamuhian mo na siya, ang malalakas ang nagsasama hindi ang mahina at
malakas. Siya ang rason nang paghihirap mo, inakala mong siya ang gamot mo pero ang
totoo isa lamang siyang huwad na gamot na mas masakit pa ang idudulot sa 'yo.
Iniwan ka niya kahit paulit-ulit mong isinasakripisyo ang sarili mo para sa kanya,
iyon ang masakit na masakit sa parte ko. Hindi mo makita na ikaw ang dapat
magkaroon nang galit sa kanya, palagi mong sinasabi na kasalanan mo ang lahat,
hanggang kailan mo ba kasalanan ang lahat? Nang minahal ka niya, umpisa pa lang
kilala ka na niya. Hindi na tamang paulit-ulit mong sisihin ang sarili mo, bumalik
ka na sa dati, ang lalaking iniibig ko na hindi kailanman naapektuhan nang sino
man. Gamitin mo ko, alam mo na mas malakas ka, may mas ilalakas ka pa dahil kahit
ang mga Diyos ay hindi ka masukat -iniisip nila na ikaw ay ipinanganak para maging
ika-walong Diyos ng Underground, nakalikha ka na nang mundo na hindi nila nagawa.
Kaya Crescent, 'wag mo nang limitahan ang sarili mo. Alisin mo ang takot dahil kay
Lyra, noon pa man alam mo na iniibig kita, ako ang unang babaeng tinitigan mo at
nginitian - hindi na kita muling iiwanan pa. Patunayan mo na ikaw ang ika-walong
Diyos!" aniya rito kasama ng pagpatak ng mga luha niya. Ang lalaking iniibig at
pinahahalagahan niya'y sinira lamang ng ganito ni Lyra. Pinahina at iniwanan sino
ang matutuwang ipagkatiwala rito ang lalaking inibig niya?! Sinong matinong babae
ang hahayaan ang lalaking mahal niya sa babaeng sinasaktan lang 'to?
"Umalis ka na," ani Crescent kaya tila winawasak ang puso niya.
"Tutulungan kitang iligtas ang mga anak mo, basta ipangako mo sa 'kin nakapag
ginamit ko ang buong lakas ko, ang kapangyarihan ko, at paghihirapan kong kunin ang
pag-ibig mo kahit buhay ko ang maging kapalit ---magiging akin ka na, kakayanin
kong iligtas ang anak mo, alam mo ang kakayahan ko, at may isa 'kong salita at
hindi 'yon masisira Crescent," hinawakan niya ang mukha nito at ikinulong sa mga
palad niya. "Paghihilumin kita, hindi ko ninanais ang katulad nang pag-ibig mo kay
Lyra, gusto kong manatili sa talampakan mo, gamitin mo 'ko at ikasisiya ko na ang
ideyang akin ka, at pag-aari kita, " nang bumuka ang labi ni Crescent inaasam ni
Cleofas ang pagsang-ayon nito.

*READ. VOTE. COMMENT


140 VOTES NEXT CHAPTER --
Every saturday lang ako nag update dahil busy. Kapag hindi 140 'yan sa saturday,
hahahaha! Nextweek ulit antayin n'yo.
FB: Jobelle Rivera MisaCrayola wp
GROUP: MisaCrayola

TF 39: Father & Son

Sa mga bibili ng RBW book pa message naman # n'yo para macontact ko na lang kayo.
Salamat! :) 'Yung sure po ha? Para po 'di ako magkamali nang bilang salamat po! :)
Wala pa pong price dahil pino-format pa. :) Don't forget na mag picture pag may
book na and send it to me salamats ng madaming-madami! <3

TORMENTED FATE 39
" FATHER & SON "

**
"Anong nangyari!" Gulilat na tanong ni Leo nang makitang naglalaho sa kawalan ang
tore ni Crescent. Maging si Lyra ay nabahala at si Tomo ma'y puno nang pagtatanong
ang mga mata. Lahat nang nakakatanaw katulad ni Shin sa kalayuan ay nagtataka rin
kung bakit tila naglalaho ang tore na kinalulugaran ng kanyang ama.
"Crescent!" malakas na sigaw ni Lyra na hindi pansin ang malakas na hangin na
nakakapagpalipad ng buhok niya. Takot ang nararamdaman niya lalo pa't kasama nito
ang tusong babaeng si Cleofas. Si Cleofas na higit pa sa baliw na gustong kunin sa
kanya si Crescent.
" Tomo, anong gagawin ko!" naiiyak na tanong ni Lyra pero bago pa niya malingon si
Tomo ay may kumapit sa braso niya na malalaking kamay na ikinapagkamali niya. Paa
iyon ng ibon na inilipad siya pero hindi patungo sa tore kung 'di palayo.
"Lyra!" sigaw ni Tomo na gagamit ng mahika pero mabilis ang pagkakadagit ng ibon na
'yon na kulay itim at kasing laki ng buwitre nila. Patungo iyon sa palasyo.
Nakita ni Shin ang malaking ibon na mabilis ang paglipad at nakita niya ang mama
niyang dala-dala niyon kaya mula sa kinalulugaran niya'y tinawag niya ang kasangga
at power blade na si "ELFHORA!" May pulang aura na bumalot kay Shin kasunod nang
mabilis na pagtakas ng pulang aura na naging hugis sibat na mabilis na tinungo ang
malaking ibon at tagus-tagusan iyon doon kaya bumagsak na sugatan ang ibon habang
sa itaas ay nakalutang si Elfhora na natatakpan ng bakal na baluti na kulay pilak
ang dibdib maging ang ibabang bahagi nito. Mahaba ang buhok nito atm may pakpak ng
isang itim na paru-paro. Bumaba it okay Shin na hawak si Lyra na hindi makilala ang
sumagip sa kanya.
"Tinawag mo rin ako," inis na wika ni Elfhora na nagkaroon ng mas maayos na damit
na kulay itim kakulay ng labi nito. Tinignan nito sa kalayuan ang tore. " Hindi
naglalaho ang tore, kapangyarihan lamang 'yan ng isang wizard. Isang malakas na
wizard, wika ni Elfhora.
"Shin," mabilis na niyakap ni Lyra ang anak at doon siya umiyak sa tabi nito.
"Tita Lyra, paano ka nakababa sa tore?" tanong agad ni Jasmine dito.
"Umalis ako ng kusa," ani Lyra nang hawakan ni Shin ang mukha niya para
pakatitigan. Katulad na katulad ito ni Crescent tumingin.
" Mabuti naman at umalis ka na sa kanya mama, sa kanya naman nagsimula lahat ng
'to, aalis tayo rito, ililigtas kita pangako," puno ng suyong wika ni Shin. Alam ni
Lyra na may galit ito sa ama kaya ganoon ito.
Si Seventh na naroon sa balkon naman ng kastilyo hindi nagustuhan ang pakikialam ni
Shin sa pagkuha niya sa Ina. Akala niya'y makakasama na niya ito lalo pa't nangako
sa kanya ang ama-amahan na Demon Lord na ilalabas ang ina sa lugar na 'yon na hindi
niya kayang gawin. Sarili lamang niya ang kaya niyang ilabas.
"Anong nagaganap sa tore? Sana hindi na magkaroon ng labanan pa," wika ni Third
Sanctum na naroon pala sa tabi ni Seventh. Among the Sanctum Brothers ito lang ang
nakakausap niya nang matagal. He's not that young compare to him pero ang isip nito
parang bata pa rin at ito ang masasabi niyang inaalagaan ng Sanctum Brother -ang
pinakamahina ngunit pinakamamahal ng bawat isa maliban sa kanya na hindi naman
nagustuhan ang binuong pamilya ni Gremory (Demon Lord).
"Ayaw ni ama na lumaban tayo, pero kailangan dahil sa hindi na tayo makalabas sa
lugar na 'to. Nakakalungkot isipin na darating ang oras na kailangan pa ring may
mapaslang para may makaligtas, kung 'di sabay-sabay tayong maglalaho sa lugar na
'to oras na dumating na ang limitasyon ng mundong 'to,"mahinahon pa ring wika nito.

Iniwan niya 'to at hindi na kinibo. Alam niya na hindi naglalaho ang tore -isa
lamang iyong huwad na pangyayari. Kakausapin niya ang ama para ipaalam dito na
itinakwil na niya 'to bilang ama. Kung kumilos sila sa Kastilyo ay parang wala pang
nagaganap na digmaan pero nagsisimula na iyon sa iba't ibang lugar sa mundong iyon.
Nakikipaglaban na si Vincent sa mga halimaw na mula sa kastilyo na higit na
malalakas sa pangkaraniwan dahil iyon ay nabuhay at napalakas na ni Gremory. Maging
ang iba pa katulad ng iba'y sinusugod rin nang mga iyon ---hindi kabilang ang mga
ito sa paghahatol kaya naman pinipigilan ni Gremory na makisali ang mga ito sa
digmaan lang sa pagitan nito at ni Crescent - Scorpions at Sanctum Brothers.
Hindi rin malaman nang mga nakikipaglaban na dating kagrupo ni Crescent kung bakit
nahuhuyag lamang ang mga halimaw ngunit maya-maya ay mabubuo uli na nakakapagod.
Iisa lang ang naiisip nila, masira ang kumokontrol sa paulit-ulit na pagkakabuo ng
mga ito o baka may kung anong parte ng mga halimaw na naglalakihan na kalahi pa
yata ng tsonggo ang p'wedeng wasakin para tumigil na ang pagkakabuo ng mga ito.
Ilang beses na nilang pinapatay ang mga ito at ang nakakapagod roon ay sa tuwing
mahahati ang mga ito ay dumodoble ang bilang nito. Ibig sabihin parami lamang ito
ng parami. Lahat sila'y hinaharang ng mga ito.
" Mag-iingat ka," ang pahabol na wika ni Third sa kanya. Itinaas na lamang niya ang
isang kamay para hindi naman nito masabing hindi niya 'to pinansin. Nakita niya si
First na pasalubong sa kanya at katulad noong una ay hindi sila nagpansinan.
Kung may maganda man siyang katangian bilang si Seventh iyon ay ang kaya niyang
mapuntahan ang ama kahit nasaan ito. Nararamdaman niya 'to at walang kahirap-hirap
na mararating niya 'to kahit pa saang lupalop ito naroon. Maliban na lamang kung
mapapaslang na 'to ngayon at magiging isang alamat na lamang dahil kahit ang
impiyerno'y hindi na 'to masasalo sapagkat maglalaho na 'to kasabay ng paghampas ng
hangin sa magiging krystal nitong katawan.
Nakuyom niya ang palad nang maalala ang madilim na selda na pinaglagyan nito sa
kanya. Ang pagtawag niya dito pero madalas na iniiwasan nito ang tingin niya. Ang
ngiti nitong naging maramot sa kanya. Ang pagkilala nito sa kanya lang naman ang
hinihingi niya pero hindi nito ibinigay sa kanya. Dahil una pa lamang si Shin na
ang pinapaboran nito -si Shin ang gusto nitong makaligtas kaya ang kilalanin siya'y
'di nito gagawin dahil kaagaw siya ni Shin para mabuhay.
"Ito na ang huling beses na kikilalanin niya 'tong ama, sa huling pag-uusap nila
iiwanan na niya 'to at ituturing na kalaban. Baka sa Demon Lord, maramdaman niya
ang pagmamahal ng isang ama at hindi ang huwad na pagmamahal ni Crescent at
totoong dinudurog ang puso niya dahil sa kabila nang pagiging ganoon ni Crescent ay
isa siyang anak na nagmamahal rito na tutuldukan na rin niya ngayon.
Mabibigat ang mga paa niya na lumabas ng kastilyo. Naroon pa ang tore sa kalayuan
katapat ng kastilyo. bagama't tila na lamang iyon anino. Marahil ay nasa depensa
ngayon ang tore. Hindi niya alam kung bakit ibinaba nito ang Ina -mapanganib ang
ibaba kumpara sa itaas pero sa ngayon hahayaan niya muna sa kamay ni Shin ang Ina
lalo pa't kailangan niyang itakwil ang ama sa araw na 'yon.
"Master Seventh," ani Tamtam na lumabas mula sa loob ng polo ni Seventh. Naunawaan
na niya ang gusto nito. Aakyat sila sa tore. Kitang-kita ni Tamtam ang galit na
bumalatay sa mga mata ni Seventh nang kunin nito sa bulsa ang punyal na para kay
Shin at hindi para kay Seventh.
"Halika na, " ani Seventh kasunod nang paglabas ng tila anino lang na itim na
pakpak nito na tila isang itim na anghel. Mabilis ang pagkakalipad nilang dalawa
patungo sa tore marahil dulot nang galit na nararamdaman ni Seventh ay mabilis ang
paglipad nito. Ang pakpak na 'yon ay isa sa bagong kapangyarihan na natanggap nito
kay Gremory. Tutol man si Tamtam hindi siya kumikibo sapagkat hindi niya gustong
magkaroon sila nang pagtatalo. Mananatili siya sa tabi nito hanggang dumating siya
sa limitasyon niya.
**
"Bitiwan mo ko," malamig ang boses ni Crescent nang tanggalin nang nanlalamig rin
niyang kamay ang palad ni Cleofas. Iniwan niya 'to kasama ang mga salitang, " Hindi
ako magtataksil kay Lyra. Lapatan lang ako nang labi mo'y isa nang malaking
kasalanan na magagawa ko sa kanya," ani Crescent na nakapagpagalit kay Cleofas.
"Hangal! Gusto mo pa yatang lumuluhod sa 'kin para lamang tulungan kita!
Kakailanganin mo rin ang tulong ko! Napakahangal mo!" Singhal niya kay Crescent na
naglakad na palabas na pabagtas sa tuktok ng tore. Kung nasaan ang pribado niyang
kuwarto na 'di napapasok ninuman. Kailangan na niyang magpahinga dahil nanghihina
na ang pakiramdam niya. Oras na magkaroon nang malakas na pag-ulan, kidlat at mga
kalabog ng mga kulog ay magsisimula na siyang lumaban katulad nang napag-usapan.
Sinira man ni Lyra ang pangako nito sa kanya ay mananatiling ito ang babaeng gusto
niyang maging una't huling babae na mamahalin niya.
Naroon ang mga larawan nito maliit man na kuwadro hanggang malaki sa loob ng
kuwartong may apat na babasaging pader. Naupo siya sa kamang nasa sentro at
minasdan ang mga larawan ni Lyra at ang tatlong hourglass na nagsisilbing panahon
na natitira sa mga anak niya.
Naalala niya si Chrysanta, kung sana naroon ito at kahit paano may isang anak
siyang nagtitiwala sa kanya baka sakaling maging malakas siya.
"Mangibabaw ka na," aniya at lumabas sa harapan niya si Dark na may mahabang pilak
na buhok. " Paslangin mo na 'ko, ako na nagdudulot nang paghihirap sa 'yo, ang
kahinaan ko ang nagpapahina sa katawan natin, " aniya rito na blangko lang ang
ekspresyon.
"Kambal tayo kaya naman hindi ko magagawang paslangin ka," anito na tila napapasong
titigan ang mga larawan ni Lyra. Puno ito nang pagdaramdam at kung negatibong
damdamin ay ito naman ang pinagmumulan.
"Hindi tayo kambal," nangiti naman siya kay Dark, " si Light ang kakambal natin
dahil iisa lang naman tayo," aniya rito pero hindi 'to kumibo.
" Ikaw ang kakambal ko, magkaiba tayo kaya hindi tayo iisa," anito na lalong
nakapagpangiti sa kanya.
"Tanggapin mo na si Light, kalimutan mo na ang nakaraan. Matagal na 'yon, dumating
na sa 'tin si Lyra at -"
"Iniwan niya rin tayo," puno nang hinanakit na wika nito. "Sinungaling si Lyra,
katulad rin siya ni Ina, kasama pa ng mga anak natin na hindi rin naman tayo
gustong kilalanin. Bakit kailangan pa natin silang iligtas --"anito. Ito ang
dahilan bakit hindi niya 'to magawang mangibabaw sa kanilang dalawa. Pero malakas
ito kumpara sa kanya, iyon nga lamang ay baka sukuan nito ang mga ipinaglalaban
nila dahil lalaban itong mag isa na ang mga ipinaglalaban naman nito'y itinakwil na
sila.
Napansin ni Dark na ang kalahati niya'y tila malalim ang iniisip. Paano niya
tatanggapin si Light kung ito ang gustong paslangin siya bilang Dark? Pero nadarama
na niya ang pagod at paghihirap na dinaranas ng kalahati niya. Iisa sila pero
itinuturing niya 'tong kapatid at kakambal sa kabila nang maling mga pagdedesisyon
nito. Ito ang tanging kausap niya sa kadiliman, ito ang tanging nakahawak sa mga
kamay niya sa kabila nang madilim niyang mundo. Ang sarili niya ang tanging karamay
niya. Ito ang hindi ginustong maglaho siya sa kabila nang kasakiman niya at
pagpaslang noon.
"Magiging kulang si Crescent kung mawawala ka," aniya na ikinabalik nito sa
realidad at napatitig ito sa kanya. Nakatayo siya sa harapan nito at nang ngumiti
ito ay nginitian niya rin ito. " Magpahinga ka lang, babalikan kita," ani Dark
dito kaya tumango ito. Siguro nga kahinaan nang pagkatao niya ang kalahati niya
pero silang dalawa ang bumubuo kay Crescent. Kapag nawala ang isa sa kanila -hindi
na magiging buo si Crescent. Iyon na ang huling ngiti nito dahil nang humiga ito ay
napawi na rin ang ngiti ni Dark. Binuhat niya 'to at inilagay sa isang glass coffin
at isinara ito sa loob at may ibinukas na isa pang pintuang nahaharangan ng
malaking kuwadro ni Lyra at doon ito inilagak. Kinuha niya ang gunting sa closet
nang makalabas siya sa pinaglagakan niya rito at pinutol ang buhok niya sa harapan
ng isang salamin. Tinanggal niya ang singsing na suot niya at inilagay sa loob ng
maliit na box at lumabas ng kuwartong 'yon matapos magbihis ng kasuotan. Kitang-
kita ang pulang kaliwang mata niya at ang walang ngiting labi niya ang
nakapagpangilag sa mga naroon.
"Panginoon nariyan si Seventh," wika ng isang lalaking Scorpion na napalunok dahil
iba ang aura ngaon ni Crescent. Tila ito isang Tyrant Emperor na kinakausap niya na
dapat niyang katakutan.
"Nasaan siya?" malamig na wika nito.
"Sa -sa bulwagan," kabadong sagot nito. Hindi na kumibo si Crescent at tinungo ang
bulwagan na nasa dulong bahagi.
Si Seventh na nakatingin sa binta ang naabutan niya. Sumara nang kusa ang pintuan.
Lumingon ito sa kanya at hindi na nagpaligoy-ligoy pa.
"Disappointed to see me? " mapang-uyam na wika ni Seventh, " Nasasalamin mo ba sa
'kin kung sino ka? Alam mo kung bakit namumuhi ka sa 'kin? Dahil namumuhi ka sa
sarili mo! All this time, I tried to be your perfect and ideal son, sampung taon
kong hiningi na mahalin mo 'ko bilang anak mo. Pero kahit ang ngitian ako hindi mo
ginawa!" aniya pa lalo't hindi ito kumikibo pero nakatitig sa kanya at alam niyang
may galit na nagbabadya sa mga mata nito.
"Hindi ito ang oras para umakto ka nang ganyan," ani Crescent sa malamig na tono at
tinalikuran si Seventh upang iwasan na makapagsalita pa rito.
"Mas matagal mo 'kong nakasama sa kanya! Pero iniwan mo 'ko at ako na mas higit at
pilit na inuuwa ka, hindi mo man lang magawang tignan na para bang isa 'kong
nakakarimarim na bagay sa harapan mo! I am no longer your son now, and you are no
longer my father Crescent, si mama lang naman rin ang totoong minamahal mo at si
Shin kaya hindi ako magiging kawalan sa buhay nang isang katulad mo." Madiing wika
ni Seventh na ikinabalik nang tingin ni Crescent sa kanya.
"Mas pinili kitang samahan higit kay Lyra, tiniis ko ang paghihirap para masamahan
kita dahil hindi kita mailabas hangga't 'di ko pinagbabayaran ang lahat. Ilang
beses kong pinigil ang sarili kong balikan siya, tiniis ko ang pagtawag at
pagtangis niya para sa 'yo. Sa inyong tatlo mas pinili kita at tama ka na hindi
kita matitigan dahil naaalala ko ang sarili ko sa 'yo! Natatakot ako na ikaw ang
magbayad nang lahat-lahat kaya hindi kita maiwanan! Kung kaya ko lang alisin ka sa
dilim nang mundo gagawin ko 'yon para hindi maulit sa 'yo ang mga pangyayari kaya
ako naging ganito! Walang sino man sa inyo ang maaring husgahan ako, dahil kahit
ganito ako kasama pagdating sa bawat isa sa inyo pinilit kong maging ama, patawad
kung hindi ako naging sapat para tawagin ninyong ama, nakadarama rin ako nang takot
lalo na ang makuha ka nila sa 'kin kaya kung nasaan ka sinamahan kita at hindi ako
lumabas sa lugar na 'yon hangga't nakasanla ka sa mundong 'yon," ani Crescent na
tumalikod na rin. Naroon ang sakit sa mga salita nito. Hindi nakapagsalita si
Seventh dahil nabigla siya sa mga salitang binitiwan nito.

READ. VOTE. COMMENT! <3


How do you feel?
FB: Jobelle Rivera MisaCrayola Wp.

TF 40: Fallen

TF 40
" FALLEN "

"Lyra, halika na! Bumalik ka na sa mundo ng mga tao! " sigaw ni Tomo na pilit
hinihila si Lyra na makita na magbubukas na ang lagusan.
"Halika Shin, sumama ka!" hinihila ni Lyra si Shin.
"Hindi siya makakaalis dito, hangga't 'di natatapos ang digmaan," wika ni Leo na
malungkot ang saad.
"Anong hindi maaari! Hindi ako aalis nang 'di kasama ang anak ko, isa pa nandito si
Crescent, nandito ang pamilya ko!" emosyonal na wika ni Lyra.
"Ang Panginoon ang may gustong lumisan ka na rito. "sigaw ni Tomo, nangangamba siya
na mabigo samantalang pinagtiwalaan sila ni Crescent na ililigtas si Lyra.
"Bakit! Bakit hindi ko maaaring isama si Shin!" galit na sigaw ni Lyra, " Bakit ang
pamilya ko? Bakit sila ang nandito! Maraming mas higit na masama bakit ang mga anak
ko!" naghihisterikal na sa pag-iyak si Lyra na pilit hinihila si Shin na nauunawaan
at gusto ngang pabayaan na ito.
"Lahat sila! Lahat sila ay wala nang buhay Lyra! Ang buong pamilya mo ay nasa after
life na! Ang Abyss, ang mundong 'to ang magdedesisyon kung sino sa kanila ang
nararapat makabalikat magkaroon nang panibagong buhay! Iyon ang totoo, katulad ng
mga Sanctum Brothers, lahat sila ay wala nang babalikang mortal na mundo hangga't
di natatapos ang pakikipagsapalaran nila!" sigaw ni Tomo na ikinabigla ng lahat
maging si Leo.
"Tomo -" maging si Leo ay hindi alam na iyon ang nasa likod nang pagkukulong sa mga
ito sa Abyss.
"Pakiusap lumabas ka na, babalik sila at iyon ay magaganap. Magtiwala tayo, "
tigmak na sa luha si Tomo na ikinabagsak ng mga luha ni Lyra. Hindi na nagbiga nang
reaksyon si Shin.
"Isama mo si Jasmine," wika ni Shin na ikinabigla ni Jasmine.
"Dito lang ako sa tabi mo," tila natutulirong wika ni Jasmine.
"Sumama ka na, panatilihin mong ligtas si mama pakiusap," ani Shin kay Jasmine na
hindi matanggap ang nalaman kay Tomo at ang isa pa na pagpapaalis sa kanya ni Shin.
"Hindi totoo 'yan, hindi totoo ang sinasabi mo Tomo! Sinungaling ka! Hindi pa sila
patay lahat, buhay sila, pinalaki ko si Shin, " tila masisiraan na nang ulo si Lyra
sa dami nang magugulong impormasyon na pumapasok sa isipan niya.
"Iyon ang totoo, aksidente kong nalaman na hindi na isang buhay na nilalang ang
Panginoon nang makita ko ang mga itim na paru-paro na nagbibigay lakas sa kanya.
Ang mga kaluluwang iyon ang nagsisilbing lakas niya. Siguro hindi sila kaluluwa
pero Lyra, wala silang tatakasan kundi ipaglaban ang mga buhay nila dito," ani
Tomo.
Hinawakan ni Leo sa ulo si Lyra at pinawi ang malay nito at binuhat.
"Ayokong umalis sa tabi mo!" galit na wika ni Jasmine.
"Pakiusap," nasa mata ni Shin ang katapatan nang hawakan ang magkabilang balikat
niya.
"Shin," panay ang pagpatak ng luha ni Jasmine.
"Iligtas mo ang sarili mo, hindi mo rin kailangang mag-alala dahil babalik ako, "
ngumiti si Shin na lalong ikinabagsak ng mga luha ni Jasmine. "Kailangan ko ring
makagalaw ng maayos, ayokong makitang nasa panganib ka kaya aluin mo na lang si
mama sa mortal na mundo," kinintalan ng halik ni Shin ang noo ni Jasmine na hindi
pa rin kumbinsido. Hinalikan rin ni Shin ang noo ni Lyra na nakapasan na kay Leo.
"Mag-iingat kayo," si Shin na ang lumayo at naglaho sa harapan nila.
"Halika na, magmadali tayo baka magsara na ang lagusan!" sigaw ni Tomo, mabigat man
ang loob ay sumama si Jasmine. Kailangan niyang bantayan si Lyra katulad nang gusto
ni Shin, maniniwala siyang magbabalik ito.
**
" Magbabalik ka sa mundo ng mga mortal? Sasama ako," ani Cleofas kay Crescent nang
makitang gumagawa ito nang isang kakaibang spell. H'wag mo nang sayangin ang lakas
mo, kakayanin ko namang dalhin ka sa mundong 'yon. Pero bakit? Bakit ka magbabalik
gayong nandito ang digmaan?"
" May kailangan akong balikan sa lugar na 'yon," ani Crescent na itinigil ang
ginagawa. Tama naman ito, masasayang ang lakas niya sa gagawin.
"Balikan?" tanong pa ni Cleofas, " Pero 'di ba ikahihina mo pag naroon ka sa mundo
ng mga mortal? Kakailanganin mo ng suporta ng mga itim na paru-paro sa lugar na
'yon, bakit hindi na lamang ako ang utusan mong balikan 'yon?" sinserong alok ni
Cleofas.
"Mahalaga ang bagay na 'yon para hawakan nang iba, pero tatanggapin ko ang alok
mong samahan ako para makaalis dito. Dahil totoong manghihina ako sa mundong 'yon,"
ani Crescent sa malamig na tono. Bakit ba tila kakaiba ito ngayon? Hindi ito
nagpumilit tumanggi at higit sa lahat mas malamig ang boses nito kumpara noon.
Gumawa ng spell si Cleofas para ibalik si Crescent sa mundo ng mga mortal. Nagtungo
sila sa kastilyo ng mga Wolveus na matayog pa rin. Malamig ang simoy ng hangin at
totoong nag-iiba na ang mundo ng mga mortal -nalalapit na ang pagkawasak. Ngunit
talafgang protektado ng spell ang kastilyo ng mga lobo. Hinuha ni Cleofas na ang
mahikang iyon ay kay Light. Malakas rin ito katulad ni Crescent bagaman si Light ay
may pabago-bagong personalidad na hindi mo alam kung kakampi ba o isa sa mga
kalabang dapat iwasan.
Dumiretso agad sila sa mismong underground library ni Crescent. Naroon na agad ang
panghihina nito pero hindi iyon nahahalata ni Cleofas. Naniniwala si Crescent na
makakayanan ng mga anak niyang lumaban pa at makipagdigma bago siya makabalik.
Hindi siya ginulo ni Cleofas na tahimik na nagmamasid. Napakatalino nito na
nakagawa ito ng maraming libro katulad ng mga naroon. Kung ganoon, ito ang
hinahanap ng mga siyentipiko para pag-aralan. Ang aklatan ni Crescent ayon sa
babaylan ay ninanais ng marami dahil sa mga nakatagong pagtuturo ng kakayanan. Nasa
loob kaya ng aklatan na 'to ang huling alas niya?
Minasdan ni Cleofas ang pagbabasa ni Crescent na akala mo nagpapalipas lamang ng
oras sa isang tabi. Pakiramdam niya hindi pa 'to talunan sa labanan, tila ba may
itinatago pa 'tong huling baraha. Isa sa hinahangaan niya dito ay ang 'di nito
pagkatuliro sa kabila ng mga babangga ritong pader.
Dahil sa aklatan kaya marahil maraming sorcerer ang nadarama niya sa paligid ng
kastilyo. Walang may alam na naroon sila sa aklatan maliban na lamang kung may
kakayanan ang mga itong maramdaman na naroon si Crescent.
" Crescent, may malalakas na puwersang parating, hindi mo ba talaga kakailanganin
ang tulong ko?" ani Cleofas na nananatiling inaalok ang lakas niya para dito. Pero
siyempre hindi niya iyon ibibigay ng libre dito.
Hindi kumibo si Crescent kaya naman nanatiling nakatayo si Cleofas at dinama ang
malaking grupong paparating. Ang puwersa niyon ay may kalakasan. Isang grupo ng mga
sorcerer at nasisiguro niya 'yon. " Ang gipit sa patalim kumakapit, at ako ang
patalim na 'yon Crescent," natatawang wika ni Cleofas pero agad napipi nang
masamang tingin ang ibinigay sa kanya ni Crescent.
Isinara ni Crescent ang libro at alam na ni Cleofas na alam na nitong mayroong
nakapaligid sa buong kastilyo ng mga ito.
" Hindi mo sila lalabanan dahil manghihina ka, mas kailangan mo ang lakas mo sa
Abyss hindi ba? Kung kakailanganin mo ang tulong ko --" nagtungo si Cleofas sa
nakaupong si Crescent at iniangat ng kaliwang palad ang baba nito. " Nandito lang
ako, baliw na baliw sa 'yo, ako ang Emperatris na kailangan mo. Malakas, matapang,
hindi ka iiwan sa panahon ng kagipitan at handang unang mamatay sa 'yo," ani
Cleofas na pinakatitigan ang mga mata nito. Alam niya na dumaranas ito ng
karamdaman dulot ng pagkawala ni Lyra at nakikita niya ang hinanakit at pagdurusa
sa mga mata nito na gagamitin niya para angkinin 'to. Poot at pagkamuhi ang bumubuo
sa Crescent na nasa harapan niya.
"Hindi ko pa ba napapatunayan sa 'yo ang pag-ibig ko? Ikaw lang rin ang lalaking
inibig ko, " hinawakan niya ang labi nitong mapupula, " Crescent tanggapin mo na
'ko, ipinapangako ko sa 'yo na ibibigay ko ang buong sarili ko para pagsilbihan ka,
alipinin mo man ako, ang ideyang sa 'kin ka -" puno nang pang-aakit at pagsuyo ang
boses ni Cleofas na hindi nakapagtimpi at hinalikan si Crescent. Nagtaasan ang
balahibo niya nang tugunin nito ang halik niya -malambot na labi, mainit na halik,
puno nang hinanakit ang nasasalamin niya sa puso nito na suwerteng kakayahan niya
-ang maramdaman ang himig ng puso ng sino man ang biyayang ibinigay sa kanya ni
Catalyst.
"Crescent," puno nang kasiyahang wika ni Cleoas pero umiwas 'to nang tingin sa
kanya at tumayo.
" Gagamitin lang kita para maging malakas ako, para kayanin ko pa, para hindi ako
ibagsak nang nadarama ko kay Lyra. Pero hindi mo makukuha ang puso ko," ani
Crescent na marahil isang sampal para sa ikalawang babae pero ang malamang nagbaba
na ito ng depensa sa kanya ang nagpapasabik kay Cleofas na mas kunin ito. Sila ang
nababagay ang malakas ay para sa malakas.
**
"Crescent! Crescent!"
" Wala siya rito! Mapanganib bumalik na lamang tayo kay ama doon magiging ligtas
ka!" naiiyak na wika ni Jasmine na sinusundan ang tumatakbong si Lyra.
"Nasisiguro kong nandito si Crescent, narinig ko siyang tinatawag ako, baka sa
kastilyo may daan pabalik sa mundong 'yon! Hindi ko matatagalan isa mang araw na
malayo sa pamilya ko!" ani Lyra na tinawid ang maulan at malakas na hangin
makarating lang sa kastilyo ng mga lobo. Naalala niya ang kabataan niya -sa mismong
lugar na 'yon tumatakbo siya, tinapakan na niya minsan ang lupang iyon, sa parting
iyon niya natagpuan si Crescent at baka dumating ito bigla sa parteng iyon.
May sumugod sa kanilang ibang-ibang itsura ng mga lobo na may simblong kidlat sa
ulo at mga kulay itim. Balak na ni Jasmine gamitin ang kapangyarihan niya pero
nabigla siya nang sumugod lahat 'yon kay Lyra na akala mo ay may sariling mga isip
na si Lyra lamang ang paslangin. Gusto niyang gamitan nang kapangyarihan pero baka
tamaan si Lyra kaya naman tumakbo siya palapit sa mga ito at isa-isang pinatay
gamit ang matatalas niyang kuko ang mga lobo na ikinabigla niya ng sumasabog sa
tuwing tatamaan niya. Mga robot iyon at hindi hayop.
Bakit nga ba malapit sa kastilyo sila nagising? Nasaan si Tomo?Nasaan si Leo? Bakit
sila lang dalawa?
Parami nang parami ang mga sumusugod sa kanila at nahihirapan si Jasmine. Samantala
si Lyra na nakikipaglaban rin ay nakadarama nang panghihina dahil nadaplisan siya
nang ngipin nang isa kanina sa balikat na sumira ng manggas ng bestida niya. Kaya
nang sumadsad siya sa putikang lupa ay napapikit na lamang siya dahil sa papalapit
na pagdamba sa kanya nang isang malaking lobo na nalaman nga nilang de-makina.
Naalala niya na palaging naroon si Crescent para sa kanya. Palagi siyang mahina,
palagi na lamang siyang ibinababa ng mga malalakas na nilalang dahil hindi siya
nababagay kay Crescent. Hindi siya karapat-dapat dito dahil mahina siya at walang
silbing nilalang.
Hindi habang buhay mahina siya! May magagawa rin siya para kay Crescent para sa mga
anak niya. Nang magmulat siya nagpula ang mga mata niya at sa tingin niyang 'yon
nalusaw ang mga pasugod sa kanya kasabay ng pagpupula ng Crescent moon na kuwintas
na ibinigay noon sa kanya ni Crescent bago niya mabatid na isa siyang bampira.
Nang mapabagsak niya ang lahat nang iyon sa pamamagitan ng ipo-ipo na
ipinagbalibagan ang mga ito kasunod nang pagsabog sa kataasan na pinagdalhan rito
nang ipo-ipo. Pupuntahan niya sana si Jasmine na namangha sa ginawa niya ay hindi
niya na nagawa pa dahil nanghina ang tuhod niya at nakadama siya nang panghihina.
Putikan na ang kasuotan niya at walang tigil ang pag-ulan - hindi niya alam kung
bakit puno ng luha ang mga mata niya. Pakiramdam niya mawawala na sa kanya ang
lahat -maiiwanan siyang mag-isa at hindi niya 'yon kakayanin kaya para siyang
batang umiyak nang mapasalampak siya sa lapag.
"Bakit... bakit ganito, " tanong niya sa sarili.
"Lyra, "
Tila natauhan siya sa boses na 'yon at nang mag-angat siya nang tingin ay nakita
niya si Crescent na lalong nagpabalisbis ng mga luha niya. Nakalahad ang kamay nito
sa kanya at hindi nakangiti pero naroon ang pag-aaalala para sa kanya. Imahinasyon
niya ba 'to? Pero bakit? Bakit parang hindi? Nang bumaba ito para buhatin siya ay
agad niya 'tong niyakap at umiyak siya sa mga bisig nito.
Sa lugar na 'to una silang nagtagpo. Sa lugar na 'to nakilala niya si Crescent. Sa
paglalaho ng alaala niya ito ang kauna-unahang nasumpungan niya. Ito ang lalaking
itinadhana sa kanya. Ito ang tanging mamahalin niya sa kabila ng lahat, mas
pagsisisihan niya na isuko ito kesa ipaglaban.
"Mahal mo pa rin ba 'ko? Mahal mo pa rin ako hindi ba?" naghihisterikal na tanong
ni Lyra nang hawakan niya ang mukha nito at iharap sa kanya. May gumuhit na sakit
sa mga mata nito samantalang may ilang karayom na tila tumusok sa puso ni Lyra sa
'di nito pagsagot.
"Nagdesisyon na 'kong tapusin ang ugnayan natin. Pero hindi ko gugustuhing mawala
ka, ikaw ang nagbigay sa 'kin nang kasiyahan at hindi ko inakala na ikaw rin ang
magdudulot ng sakit sa 'kin, pinatatawad na kita, " anito na dumurog sa puso niya
nang kung ilang ulit.
"Crescent -" bumagsak nang walang patid ang mga luha niya. Tahimik lang si Jasmine
na lumuluha.
"Patawad Lyra, kung nakadarama ako ng galit sa 'yo, maglalaho rin 'to, at hindi 'to
magiging dahilan para saktan kita, galusan ka man ay hindi ko gagawin, " hinalikan
siya nito sa noo.
"Anong ibig mong sabihin, tinatapos mo na -"
"Pinapahintulutan na kitang tapusin ang lahat-lahat sa 'tin, sa ngayon mahalaga na
mailigtas natin ang mga anak natin, " tila 'yon mga salita ng kamatayan, tila
sinabihan siya ng doctor na anumang oras maaari siyang mamatay.
"Mahal mo 'ko hindi ba? Mahal mo 'ko? Sorry, hindi ko naman sinasadya nadala lang
ako nang bugso ng galit ko Crescent, Mahal mo 'ko 'di ba?" masisiraan yata siya
nang ulo sa naririnig. "Sabihin mo sa 'kin na hindi mo na 'ko mahal Crescent!"
aniya rito at nasasaktan siya, nadudurog at mas lalong tumahip ang sakit na
nararamdaman niya nang makita si Cleofas na nakatayo sa likuran ni Crescent walong
hakbang mula sa kanila. Nakangiti ito sa kanya.
"Mahal kita ngunit hindi na 'yon sapat para gustuhin kong manatili ka sa tabi ko,"
tila iyon patalim na tumarak sa puso niya. " Umalis ka na, sa ibang lugar at
panibagong mundo ng mga pureblood magiging ligtas ka," tumayo na 'to at hindi nag-
abalang itayo siya nang talikuran siya nito parang gusto na lang niyang mamatay.
Bakit kasama nito si Cleofas? Bakit bumabalik sa alaala niya na ipinamukha ng babae
na 'to sa kanya na makukuha nito si Crescent sa kanya at hindi nababagay ang
mahinang katulad niya kay Crescent. Hindi siya kailanman ipinagtabuyan ni Crescent,
hindi tinalikuran at hindi niya kailanman matatanggap na sa ibang babae na 'to
ngingiti at bubuo nang panibagong pamilya. Paano siya? Paano ang mga anak nila?
Paano ang buhay niya?
" 'Wag mo 'kong iwanan, " hinawakan niya ang binti nito para pigilan 'tong umalis.
"Ako lang ang mahal mo, ako lang ang espesyal sa 'yo, ako lang ang ngingitian mo,
'di ba kahit naman burara ako, masungit, mahal mo 'ko? Kahit hindi ako malakas,
kahit mahina ako. Kahit anong kapintasan ko, nandiyan ka sa tabi ko, patawarin mo
na 'ko, " bumalik sa alaala niya ang nakaraan nila. Bakit sila nauwi sa ganoon?
Bakit naging mahina siya, bakit hinayaan niya 'tong mamuhi sa kanya? Naninikip
nang husto ang dibdib niya sa pag-iyak lalo na nang nakabitiw siya rito dahil
naglakad na ito palayo sa kanya patungo sa ibang babae. Nawalan siya nang malay sa
labis na panghihina at paghihirap sa paghinga.
"Lyra!"

READ.VOTE.COMMENT! <3
130 VOTES next CHAPTER <3
FB: Jobelle Rivera Misarayola Wp

THE END IS NEAR:

TORMENTED FATE II: FAMOUS LAST WORDS

SPOILER LINES FOR THE UPCOMING PART TWO!

" Hangal! Mahina ka, kaming malalakas ang nasa tuktok! Kayong mahihina ay para
lamang kasangkapang aanudin ng tubig! Si Crescent, at bago pa niya maisipang
balikan kang mahina ka, papatayin na kita at isa ka na lamang bangkay na
paglalamayan!"
- CLEOFAS

" Sinong nagsabi sa 'yo na ibibigay ko sa 'yo si Crescent? Kung noon nagawa mo
'kong linlangin hindi na ngayon. Kami ni Crescent ang itinadhana at walang kayo!
Hindi ko ba nasabi sa 'yo na binigyan niya 'ko ng imortalidad? Ganoon niya 'ko
kamahal, at ang imortalidad na 'to ang pinanghahawakan ko at ang lakas ko, ang
sarili kong kakayahan ang papatay sa 'yo at hinding-hindi ko kailanman ibibigay sa
'yo ang karapatan na maging ina nang mga anak ko!"
- LYRA SCARLET
" Dito ka na magtatapos, what would be your last words? Nagsisimula ka na bang
magdasal? Mahina ka na, wala ka nang kapangyarihan. Bagsak na bagsak ka na, at 'wag
na 'wag mo 'kong bibiguin at hihingi nang awa sa 'kin dahil ikakainsulto ko na
ninanais kitang maging katunggali sa kabila ng walang kuwentang kalakasan mo, "
- DEMON LORD

" Handa akong ibigin ka, gamitin mo 'ko, maging anghel ka at ako ang magiging
pakpak mo. Be my contractor Crescent, hinding-hindi kita bibiguin.
-ROZEN MAIDEN

" Papa, mananatili ako sa 'yo, hinding-hindi ko pinagsisihan na ikaw ang ama ko.
Kung tutuusin sobrang tuwa ko na ikaw ang naging ama ko, napakalakas mo at higit sa
lahat isa kang tunay na ama para magsakripisyo sa kabila ng di nila pagkilala sa
lahat nang ginawa mo.
-CRESCENTINE

" Papa, ito na ang huling beses. May aasahan pa ba 'kong katotohanan sa mga salita
mo?
- SHIN

Papa, napakasakit na nang dinanas natin. Gusto ko nang magpahinga, magsasakripisyo


ako para mabuhay sila. Basta sumama ka sa 'kin at sabay tayong maglaho sa mundong
'to. Kung hindi papatayin ko sila, patawad hindi ako naging at magiging mabuti.
- SEVENTH

"Hindi ako mahina at kailanman naging mahina. Hindi ako mamamatay sa isang tulad
mo, ako si Dark Crescent ang pinakamalakas. Maglalaho ako para sa pamilya ko hindi
dahil nanalo ka sa laban. Higit na mahalaga ang dugo't laman ko higit sa kaluluwang
iniingatan ko. Simula nang makilala ko siya, siya na ang naging buhay at kamatayan
ko. Higit kong pipiliin ang kamatayan higit sa Trinity Blood para isakripisyo ang
mga anak ko!
- CRESCENT

ANG MGA NALALABING HULING KABANATA. SABAY-SABAY NATING SIMULAN AT TAPUSIN ANG
PAMILYA WOLVEUS at wala nang susunod pa. Maraming-maraming salamat! SOON BOOK 1
PUBLISHED na pero naroon pa rin ang magiging new version. Weekly update . May mga
pagbabago at dagdag na kaganapan. MARAMING-MARAMING salamat ngayon pa lang dahil
lubos akong natutuwa na naging bahagi si CRESCENT at ang buong pamilya niya ng mga
oras na inilaan n'yo dito. Maraming salamat sana hindi n'yo sila makalimutan
kaagad. :)

TF II: Dark Love

Sino uli ang magpapa-dedicate? :) Paki-comment! Nalimot ko, alam n'yo na tumatanda
na hahahaha charot.
HUMANDA NA: Lumuha, masaktan, masiyahan, mabaliw at ma-excite sa the last remaining
chapters! Kakabahan ka na tila nasa Mystery/Thriller Genre ka, at Horror -- Sino
nga ba ang kakampi at mga kalaban? Siyempre Fantasy dahil sa twist and fiction na
pagkakagawa. Kung alam mo na at masasabi mo na ang magaganap, isipin mo uli? Alam
mo ba ang magiging katapusan nito? :) Tissue gals! :)

TF II
DARK LOVE

" Tulungan mo 'ko, hindi na siya si Crescent! Pakiusap, " mabilis ang naging
pagsasalita ni Jasmine sa harapan ni Hunter. Kung noon may pakialam siya sa ayos ng
buhok niya at kung paano ipresenta ang sarili sa iba, hindi na ngayon.
"Huminahon ka, paano ka nakalabas sa Abyss?" hinawakan ni Hunter ang magkabilang
balikat ng dalaga ng makapasok sila sa loob ng sala ng mansion ni Hunter na siyang
isa sa pinakamalapit na mapupuntahan niya malapit sa lupain ng mga Wolveus.
"Hindi 'yon mahalaga sa ngayon, si Crescent nandito rin siya naaalala ko na may
pinag-usapan kayo ni daddy Vlad noon na aksidente kong narinig sa Vampire Senate,"
ani Jasmine na ikinabigla ni Hunter. "Narinig ko nang sabihin mo na aalis at
magbabalik si Crescent sa mundong 'to para was akin ang lahat dahil sa poot at
pagkamuhi niya, hindi ko gustong paniwalaan pero lahat ay umaayon sa mga magaganap.
Kasama ni Crescent ang Black Sorcerrer na si Cleofas at hiniwalayan niya si Lyra, "
bumalong ang mga luha ni Jasmine. Bakit ito ang nilapitan niya? May gusto si Hunter
noon pa kay Lyra.
"Hiniwalayan niya si Lyra?" bumadha ang pagkabigla ni Hunter, si Crescent
hihiwalayan si Lyra? Paano pa naging posible 'yon?
Ilang ulit na tumango si Jasmine, " Kailangan ka niya, kinuha siya ni Crescent nang
mawala ang malay niya. Natatakot ako sa kaligtasan niya, natatakot ako dahil si
Shin umaasa siya na maililigtas ko ang mama niya," naghihisterikal na si Jasmine sa
pag-iyak kaya niyakap 'to ni Hunter.
" Hindi ko alam kung ano ang mas mapanganib, ang mortal na mundo ang Abyss na
kinalalagyan nila. Sa ngayon, itinuturing ng kalaban ang mga Wolveus ng buong
mundo. Kailangang mapatay si Light, Xerxes at Crescent dahil tatlong magakapatid na
lobo ang magiging mitsa ng pagkawasak ng mundo. Dahil walang Seventh, Crescentine
at Shin sa mundong 'to sila lang tatlo ang maaaring tinutukoy sa propesiya," ani
Hunter na tiwala ng ibigay ang impormasyon kay Jasmine.
"Namatay na si Xerxes hindi ba?" kumalas si Jasmine dito. " Isa pa, apat sila may
Laxus pa - "gulong-gulo na siya sa mga nalalaman sa araw-araw.
" Tatlong may pilak na buhok, kaya hindi kasama si Laxus doon. Si Light, nitong mga
nakaraan nag-iiba ang Imperial City na siya nang nagpapatakbo. At kahapon, naglaho
ang Isla kung nasaan ang Imperial City. Hindi man namin gusto, isa na si Crescent
sa patatahimikin at gagawing isa na lamang Chain na kinokontrol dahil sa pangambang
wala siyang kamatayan," ani Hunter.
" H'wag paniwalaan kapag sinabi ni Crescent na nanghihina siya, tandaan mo -"
biglang dating ni Aya. "Mayroon siya nito -" turo nito sa sentido, " si Crescent,
bagaman hindi kasing lakas noon, may isa siyang katauhang pang depensa. Ang
katauhan na nagdadala ng galit at pagkamuhi, ang katauhan na puno ng karahasan.
Kung nagbalik si Crescent dito, may ibig siyang gawin at naniniwala ako na kahit
minsan hindi tumapak si Crescent ng hindi niya pinag-iisipan. Ang isipan niya ang
mapanganib, tila ba kapag naisip niya ang isang bagay kahit pa imposible magagawa
niya. Ang New Moon Drop talagang nagawa niya at ano naman ang tinatawag nilang The
Explosion of Crimson Moon? Sa tingin ko si Light at Crescent ay nagsasanib puwersa,
magka-sanggang dikit, ang kambal na 'yon ay hindi nagsasama tila ba ang bawat gawin
nila ay nakapagtataka. Nang lumabas ang hula sa tatlong may pilak na buhok,
napagtanto namin na maaaring si Xerxes ay nabubuhay ngunit hindi lamang
nagpapadama."
"Explosion of Crimson Moon?" tanong ni Jasmine na salitang tinitignan ang dalawa.
Isang red circle na may tatlong bilog na tila magiging triangulo ang pinalabas ni
Hunter sa wall.
"Trinity Blood ang solusyon sa tatlong anak niya ayon sa ama mo. Ang tatlong bilog
na 'yan ang magpapalabas ng pinakamalakas niyang kapangyarihan. Pero ayon sa 'yong
ama, ang tatlong 'yan na Trinity Blood ay mukhang hindi sa mga anak niya totoong
nagaganap kundi sa tatlong magkakapatid na Wolveus. Hinala namin na buhay si Xerxes
at kasama ni Light si Crescent silang tatlo ang bubuo ng Trinity Blood para
mapalabas ang pinakamalakas na sandata ng mga Wolveus," ani Hunter na halos
magpasait na sa ulo ni Jasmine.
"Pinakamalakas na sandata -" ani Jasmine.
"Tama, may malakas silang sandata. Kaya naghihiwa-hiwalay sila para hindi sila
matapos sa iisang bahagi at hindi malaman ang plano nila. " sagot ni Hunter.
"Pero magkikita-kita rin kapag ilulunsad na nila ang Explosion of Crimson Moon,
kaya hangga't maaari nasusundan ang isa sa kanila. " ani Aya, " Hindi ko man
gustong mapaslang sila kung iyon ang hinihingi ng pagkakataon para iligtas ang
mundo, kailangan ng isakripisyo ng tatlong 'yon," dugtong ni Aya na tumalikod na
rin.
"Magkakapatid sila, hindi imposible na maaaring totoo ang mga sapantaha ng Vampire
Council ukol dito, " dagdag pa ni Hunter.
**
" Lyra, matigas pa rin ang ulo mo," nangingiting wika ni Crescent habang hinahaplos
ang mukha ng walang malay na si Lyra. Nakaupo siya sa gilid ng kama at minamasdan
ito.
"Nahirapan akong paalisin ka, bigla ka namang nawalan ng malay. Paano kita
pababayaan? Makita ko lang na narurumihan ka ng mga putik awang-awa na 'ko sa 'yo,
kahit paulit-ulit akong masaktan sa 'yo, ikaw lang ang pag-aalayan ko ng lahat-
lahat. Para rin sa 'yo 'to," kausap niya rito.
Nakasuot na si Lyra ng maputing-maputi na damit pang tulog na kasuotan
pa nito noon labing anim pa lamang ito. Natutuwa si Crescent na tumangkad pala si
Lyra dahil noon lagpas tuhod iyon pero ngayon nasa kalahati na 'yon ng hita nito.
"Ako ang nagbihis sa 'yo, alam mo naman na kahit pa babae hindi ko
hahayaan ang sino man na makita ang katawan mo. Bakit nga kaya napakaganda mo sa
paningin ko? Kahit pa nakasabog ang buhok mo, kahit umiiyak ka, kahit anong gawin
mo sa sarili mo. Natatawa ko sa sarili ko, hindi ko magawang magalit sa 'yo ng
matagal kahit pa nasaktan mo 'ko ng husto. 'Wag mo na uli sasabihin 'yon, nawawalan
ng halaga ang buhay ko kapag ang pagkamuhi ay mula sa 'yo. " malungkot na saad ni
Crescent.
"Masikip na dito sa kuwarto mo, doon ka na lang sa kuwarto ko," binuhat
niya si Lyra at inilabas sa kuwarto nito noon.
"Ano bang plano? Alisin mo na siya dito! " nagngingitngit na wika ni
Cleofas na nakita niya sa pasilyo. Hindi niya 'to pinansin. "Saan mo siya
dadalhin?" nakabadha ang pagkainis ni Cleofas, nagseselos siya sa pag-aalaga nito
kanina pa kay Lyra maging marahan na paglalapat ng lunas nito sa mga gasgas lang
naman ni Lyra na lalong nagpapagigil sa kanya.
"Dadalhin ko siya sa mas malaking higaan, malikot siyang matulog. Hindi
ko gustong mahulog siya," walang emosyong wika ni Crescent.
" Crescent, baliw ka na ba talaga?!" hindi mapigil lakasan ni Cleofas
ang pagbigkas niyon.
"Matagal na, ngayon mo lang nabalitaan?" tanong ni Crescent na nauuna
at bahagyang nilingon si Cleofas at nginitian ng makamandag bago nagpatuloy
paglalakad.
" Bahala ka sa buhay mo. Ang babaeng 'yan ang magpapahamak sa 'yo!"
inis na tumalikod si Cleofas.
"Siya rin ang nagliligtas sa 'kin," tugon ni Crescent. "H'wag mo siyang
sasaktan, dahil ako mismo ang dudurog at pipino sa 'yo," seryosong-seryoso ang
boses nito na nagpakilabot kay Cleofas. Nang lingunin niya 'to para tignan ay wala
na ito.
Marahang inilapag ni Crescent si Lyra at hinalikan 'to sa noo bago umayos ng upo.
Nasa higaan na niya 'to at dahil hindi pa rin 'to nagigising ay tinirintas niya ang
mahabang buhok nito katulad ng ginagawa nito sa kanya noon at inilagay sa gilid ng
kaliwang balikat nito. " Malapit ng magtapos ang lahat, Lyra. Ang makasalanan at
kinamumuhiang lalaking 'to ay minamahal mo pa rin. Kung kaya lang kitang isama sa
lahat ng pupuntahan ko noon ginawa ko na. Kung kaya ko lang isaboses lahat ng
pinagdaraanan ko. Pero hindi ako ganoon, hindi ko alam paano ako magsisimula. Hindi
kagaya ng ibang kuwento, hindi ako magtatapos na isang mabuting nilalang. Pero sana
magtapos ako bilang isang tinanggap ng ama ng mga anak natin at ikaw bilang babaeng
nagmahal sa 'kin sa kabila ng lahat," tumayo na siya dahil paggising nito hindi na
siya magsasalita at hahayaan na itong umalis.
Tumalikod na siya ngunit may palad na humawak sa mga palad niya.
"Kakayanin natin 'to, pagsubok lang 'to. Hindi ka magwawakas ng 'di ako kasama,"
nangangaral ang boses ni Lyra bago pa lumingon si Crescent ay nakabangon na siya
niyakap 'to mula sa likuran. "Patawad, patawarin mo 'ko kahit pa ikaw ang
pinakamasama sa paningin nang nakararami, mananatiling ikaw ang pinakamabuti sa
'kin. Hindi ko sinasadya, isipin mo nadala lang ako ng galit ko, nagsisisi na 'ko,
'wag kang lumingon sa ibang babae kaya naman kitang paghilumin kahit pa ako ang
gumawa ng sugat sa puso mo, hayaan mo na ako pa rin ang magpahilom no'n Crescent at
hindi iba. Ikamamatay ko kapag may iba ka nang tinitignan, may iba ka nang
minamahal at ayokong makita na may iba kang anak sa ibang babae. Ako at ang mga
anak lang natin ang pamilya mo, " lumalakas ang pag-iyak ni Lyra. Bago magwakas ang
lahat, gusto niyang sa huling yugto ng buhay ng bawat isa sa kanila batid at
naramdaman ng bawat isa ang pagmamahal na hindi man hinayaang magtagal hinayaan
namang mabatid at maramdaman.
At katulad pa rin noon, ang kanyang si Lyra pa rin ang naging dahilan
ng pagpatak ng luha ni Crescent. Kung sana may kaya siyang gawin para ibukod ang
pamilya niya sa bawat lugar na hindi huhusgahan at mapagkakaisahan gagawin niya.
Lalong sumidhi ang kagustuhan ni Crescent na kamtin at kunin ang puwesto ng ika-
walong Diyos. Handa na siyang ipakita sa mundo ang kasakiman at pagkamuhi na
ibinibintang sa kanya -ngayon niya ipapakita ang kalakasan niya -ang tunay na mukha
ni Crescent bilang isang kinatatakutang Demon Wolf -the nine tailed Demon Dark
Crescent; hindi na mapipigilan ninuman. Ang dalawang mundong hinusgahan at
pinagkaisahan siya at kahit noong sumuko siya ganoon pa rin, walang pagbabago kaya
bakit hindi na lang siya lumaban kesa alipinin. Bakit hindi niya makakamtan ang
ika-walong Diyos sa Underground -sa mundong 'yon magiging ligtas ang pamilya niya.
Kamatayan o Isang Diyos lamang ang tatanggapin niyang kapalaran sa katapusan ng
laro ng mga buhay nila.

READ. VOTE. COMMENT!


130 votes Next Chapter <3
#MisaCrayola
Jobelle Rivera MisaCrayola Wp (FB)
Comment in every link sa fb! Mas una ko kasing nababasa doon ang comment n'yo pag
sa FB doblehin n'yo na lang dito at doon. :)

TF II: Promise

TORMENTED FATE II:


" PROMISE "
**
Sa pagitan ng pagpapalitan ng mga putukan at mga nilalang na alagad ng Demon Lord
na nakikipaglaban sa bawat matiyempuhan ng mga itong target. Nababagot siya na
walang nagaganap na maganda sa laban kaya tinitigan niya ang tore ni Crescent.
Naroon pa kaya ito? At kung naroon ano bang nagpapatagal dito? Pareho ba nilang
hinihintay na ang isa sa kanila ang lumabas? O katulad ng pangkaraniwang labanan
ang namumuno ang magwawakas sa digmaan. Kung gayon, ipapatikim niya rito ang lupit
niya -ang kagalingan niya lalong-lalo na ang katotohanan na siya ang Demon Lord na
isa rin sa umaasam na maging isa sa pitong Diyos ng Underground at ang kagustuhan
niya rin na paslangin ang pito at maging siya ang natatangi. Isipin pa lamang niya
ang natatago niyang kalakasan ay nangingisi na siya.
Nang pasukin niya ang kanyang laboratoryo bawat parte ng pader niyon ay gawa na sa
screen kung saan nakikita niya sa magkakaibang parte ang tatlong anak ni Crescent
na sila Shin, Crescentine at Seventh na nananatiling hindi gumagalaw at
nagpapahinga lang na tila walang digmaang nagaganap. Siguro sapat na ang mga oras
na pinalipas niya, kailangan na niyang pabagsakin ang tore at ang hangganan na
apat napung porsiyento lamang ang gagamitin niyang lakas para wasakin at pabagsakin
si Crescent.

***

" Panginoon, nakahanda na ang Ablution para kay Dark Crescent. Tama ang desisyon
n'yo at sumasangayon sa 'yo ang pagkakataon dahil magkahiwalay na silang dalawa ng
isa pa," wika ng babaeng nakaputing roba na puno ng kolorete ang mukha sa isang
higaan na may tabing na kurtinang puti na ma mga palawit na iba't ibang uri ng
mamahaling diamante. Isang malaking kuwarto iyon na ang paligid ay tadtad ng libro
na hindi mo paniniwalaang nabasa na nito lahat.
" Dahil kilala ko siya higit kaninuman," inilabas nito ang binti at
malamig ang paraan nito ng pagsasalita. " Hindi ko na gusto ang nagiging tagpo,
nasasaktan na 'ko para sa kanya. " anito na minasdan ang malaking bituing bilog na
may iba't ibang imahe ng elemento. Matagal ng panahon nang huli niyang mamasdan ang
batang may pilak na buhok na doon napiling maupo at iikot ang paningin sa paligid.
Kitang-kita ang left-eye-crimson eye nito. Hindi ito nagsasalita ni ang magutom ay
'di ito nakaramdam. Hinihintay niya 'tong magbuka ng bibig.
"Lumaki siyang mag-isa at walang kinakapitan. Kung kalakasan ng loob
alam ko na siya ang magwawagi sa larangan na 'yon. Hindi siya sumuko sa kahit na
anong paghihirap, pero sa huli kinukulang siya sa pagtanggap. Sa huli, ako pa rin
ang magrerehas sa kanya sa kadiliman, " ipinikit nito ng mariin ang mga mata.
"Lumagpas na siya sa limitasyon Panginoon, at mas masakit para sa inyo
na makitang maglaho siya kesa makulong sa kadiliman. Ano man ang piliin n'yo
mananatili na si Crescent ay walang puwang --'wag mo nang Pilitin dahil masasaktan
ka lang Panginoon," marahan ang pagbigkas ng salita ng mga babae.
Lumabas ang nilalang sa kanyang nakasarang kurtina at lumabas roon ang
tila Diyosang babae na may pilak na buhok na lagpas hanggang hita nito. Tila 'to
nyebe sa kaputian at tila maging ang lamok ay mahihiyang dapuan man lamang ang
mabango at makinis na kutis nito.
Sa isang bituin na disenyo sa sahig na tila babasagin napatingin ang
babae at sa isipan nito natanaw nito ang isang batang walang kasali-salita.
Nakatitig lamang ito sa paligid na wari'y namamangha sa dami ng mga libro. Nangiti
siya ng mapait.
" I rejected him, before anyone else; ako ang nauna sa lahat. I wanted
him to rule the world but his appearance of an angel made me hated him for so long.
Mula sa isang buhay na walang patutunguhan sinalo ko siya nang ibagsak siya mula sa
langit -yes, burado na ang alaala niya. Again, I created him; pero ang 'di 'ko
matanggap bakit hindi ko mabago ang itsura niya. Lifeless, formless ko siyang
nakuha na tila liwanag lang na katulad ng iba na itinatapon sa itaas at suwerte
kung may katulad kong Demon God ang sasalo sa kanya para muling bigyang buhay ang
kaluluwa niya. Si Catalyst ang nagtakda na mabuhay siya sa lahi namin mula sa
underground Gods, pito silang mas mataas kaya naman ang utos nila'y kailangan
sundin. At ilan lang kami sa nakapila bilang kapalit nila gayunpaman kami ang
lumilikha ng mga katulad namin na may limitasyon dahil mga rejected soul lang ang
hinihintay namin. Naging tanyag ang pangalan niyang "Crescent " dahil sa itsura
niya na hindi akma at sa kasamaang palad binigyan pa siya ng pulang mata. Kung
tutuusin itinuring siyang laruan ng lahat-lahat at tila isang bagay na sinubok,
dinurog at pinino bago ibaba na isilang na siya sa pamilya ng mga lobo kung saan
ang itsura niya'y nahahawig. Ang Wolveus ang pamilyang isang daang porsiyento na
nababagay sa kanya. Pero hanggang sa panahon na 'yon naging isang sumpa sa kanya
ang pagkakaisa sa kanya ng mga Demons, dahil nalaman na mula talaga siya sa mataas
na uri ng anghel na ibinagsak. Hanggang sa kusang lumikha ang isipan niya ng isang
mas malakas at mas walang puso at puno nang galit na pinangalanan naming Dark
Crescent -ikinulong siya, inirehas at pinasakitan sa malayong lupain bagaman may
pagkakataon na nakalalabas siya at makilala nila na may dalawa silang katauhan. Ang
mahirap, hindi sila naghiwalay na tulad ng kambal may iisang puso sila at diwa
bagaman ang desisyon nila'y minsan salungat. Iyon ang dahilan bakit naging paborito
siya mula sa pinagkakaisahan, naiiba siya, naging malakas, naging tanyag at ngayon
kinatatakutan na piliin siya ng Imperyo bilang Unang Diyos na may dugong anghel na
hindi mapapayagan. At bilang lumikha sa kanya, bilang kanyang Ina, nasasaktan ako
sa mga nagaganap sa kanya. Bakit siya sinusubok ng ganito? Bakit sa huli wala pa
ring lugar na tatanggap sa kanya, kahit anong tingin ko sa lahat-lahat mananatili
na walang puwang siya maliban sa rehas na 'yon kung saan mababantayan ko siya at
maililigtas sa mga gustong magwasak sa kanya," bumagsak ang mga luha niya at
totoong pag-ibig nang isang ina ang nadarama niya dito. Kung noong una isa rin siya
sa nagtatwa dito, hindi na, dahil ang talino at pagiging matatag nito ang nagbigay
sa kanya ng dahilan na hangaan ito."
"Maaari ba 'kong magtanong Panginoon? Kung iyo lamang mamarapatin,
irerespeto ko kung sakaling hindi kayo sasagot sa 'king katanungan,"
"Ituloy mo," aniya tinignan ang magandang itsura sa salamin. Libo man
ang taong lumipas, wala lang 'yon sa kanila lalo pa't mga imortal sila. Nasa mga
kamay nila ang sariling buhay at kamatayan. Depende na lang kung silang mga Diyos
ng Underground ang magkakalaban-laban -mapapatay lamang sila ng kapwa nila Diyos.
" Si Light, sino ba siyang talaga? Hindi nabago ang anyo ni Crescent at
hindi naman talaga siya mula sa lipi ng mga lobo. Si Light ba ay kabilang sa
ibinabang kaluluwa kasama niya kaya sila naging kambal? Si Light ba ay isa sa mga
formless soul, at nagawang palitan ang mukha niya hindi katulad kay Crescent? Ang
ibig bang sabihin si Light ang imitasyon ni Crescent at hindi si Crescent ang
imitasyon ni Light?" anito dahilan para matahimik ang Diyosa.
" Hindi ko kilala sino si Light, hindi ako ang lumikha sa kanya, hindi
ko rin alam bakit magkamukha sila at isinilang silang kambal. Iyan ang
pinagtatalunan ngayon ng 7 Gods, bakit lumabas silang dalawa at saan nagmula ang
isa gayong walang umaako sa kahit na sino sa upper at lower case ng mga Gods ang
lumikha kay Light," anito. Sino nga ba si Light? Isinilang siya na katumbas ni
Crescent at lumaking kambal ang dalawa na marahil maging sa mga paniniwala ng mga
ito. Ngayon, nadarama niya na ang pagiging kakaiba ni Crescent at kalakasan nito na
tila pabugso-bugso ay isang nakakaalarmang bagay. Maaari nga kayang maging isang
Diyos ang isang nilalang na may dugong anghel sa underground? Pero isang misteryo
si Light, kung kasaysayang ang pagbabasehan wala itong nagawa.
**
"Light Wolveus," bati ni Akariah sa lalaking kamukhang-kamukha ni Crescent bagaman
ngiti ang ibinati nito kaagad. Isang totoong ngiti na hindi mo pag-iisipan ng
masama. At iyon ang bagay na hindi niya gustong paniwalaan dito.
Nakahawak si Light sa metal sa dulong bahagi mansion na mukhang naluma
na nang panahon bagaman may tikas at tindig pa rin 'yon. Pero kanino ba ang lupain
na 'yon? Simula nang maglaho ang Imperial City naglaho ito at isang mensahe na may
kaakibat na mapa ang tumawag sa kanya. Hindi niya alam kung bakit siya pumunta at
tinugon ang paanyaya nito gayong si Crescent ang pinagbibigyan niya ng katapatan
niya.
"Nadarama mo na ba ang katapusan ng lahat?" nakangiti ito at tumingala
sa madilim na kalangitan na may bilog na bilog na buwan na tila kulay kahel na.
"Gusto kong malaman kung bakit ka nagtatago, at ano ba ang dahilan
bakit mo 'ko pinapunta rito? Ano ang mahalagang mensahe mo?" mataray na tanong niya
rito. May pula silang mata ni Light at natatanaw nila ang isa't isa na parehong
kanan bagaman tinatago nila 'yon sa paningin ng iba.
" Sa mundong ito iilan lang tayong may pulang mata, iilan lang tayong
isinumpa at bawat sumpa ay may katotohanan na pangako ng kalakasan. Naniniwala ka
ba na kaya nila tayo gustong paslangin dahil natatakot silang masakop natin ang
mundo? Kung darami ang bilang natin na buhay na may mga crimson eye -demon eyed
rather, at magiging magkakampi tayong lahat katatakutan nila tayo. " anito, ito na
ba ang totoong Light Wolveus? Ang pagsasalita nito ay higit na mapagpaunawa at
sabihin nang malambing kumpara kay Crescent pero ang kilabot ng pagiging kambal ng
mga ito ay naroon sa tuwing kausap niya si Crescent.
"Paikliin mo ang salitaan mo at diretsuhin mo 'ko, " matapang na wika
niya rito bagaman ang layo nila sa isa't isa ay sampung hakbang.
" Sa lahat nang alagad ni Crescent ikaw ang pinakapinagkakatiwalaan
niya. Ikaw ang nagdala ng labi niya palayo sa lupain ng Abysscentine. Nang magtungo
ako roon nagsisimula na ang digmaan pero pinili nilang umalis kaya sinundan ko
siya,"
"Ano ka ba kay Crescent, Light? Kakampi ka ba o isa ka sa mapagpanggap
na kalaban niya? Hindi ko nakikita ang anino mo sa kagipitan niya, at kung tutuusin
wala kang ganap sa mundong 'to dahil labas ka sa laro. Wala kong makitang pagpanig
mo kay Crescent o sa mga kumakalaban sa kanya. " diretsahang wika niya sa ngumiti
lang na si Light.
" Ako? Ako ang nilalang na gustong tinutulungan niya at ako rin ang
nilalang na gustong magbagsak sa kanya. Ako ang kambal na iniligtas niya sa
kadiliman na siya ang naging kapalit, ako ang pumalit sa puwesto niya at kinilalang
Light Wolveus na unang ipinangalan sa kanya. Sa tingin ko, iyon naman talaga ang
pangalan niya - siya si Crescent bago pa isilang. Ako ang nagbibigay sa kanya ng
galit, pagkamuhi at lahat ng negatibong damdamin. Ako ang lumikha sa damdamin ni
Dark Crescent hanggang maging isang kalahating pagkatao siya ni Crescent. Ako ang
nagpiit sa kanya sa iba't ibang lugar dahil gusto ko siyang magalit sa mundo
maliban sa 'kin pero sa huli -" sumeryoso ang itsura ni Light at nagliwanag ng
bahagya ang pulang mata nito. " -ako rin ang kinamuhian niya at gusto ko na
tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi niya 'yon ginawa dahil ang nilalang na
nalikha ko sa katauhan niya na si Dark Crescent ang pumigil nang damdamin na dapat
mayroon siya sa 'kin bilang kakambal niya. Ako ang nilalang na namumuhi sa sarili
ko, ako ang nilalang na gustong ituring niyang tagapagtanggol at hinahangaan pero
sa huli bumaliktad pa rin ang lahat sa siya ang nasusunod, siya ang nakakakilos sa
sarili niya, siya ang nagdedesisyon at higit sa lahat siya pa rin ang hinahangaan
ko. " litanya ni Light na nakapagpataas ng kilay ni Akariah.
"Base sa sinabi mo limapung porsiyento kang kakampi niya at limampung
porsiyento na hindi," napapalatak na sabi ni Akariah na ikinatawa ni Light.
"Parang ganoon na nga, " ngiti pa ni Light. "Kaya kita pinapunta rito
para magparating ng balita sa kanya, hindi ako maaaring magpahatid sa kanya dahil
marami ang sumusubaybay sa 'min. Sabihin mo na manatili silang buhay hanggang sa
takdang oras, at kung maaari humiwalay muna siya kay Lyra dahil nasa maling puwesto
siya at maging ako ay aalis sa lugar na 'to para magtungo sa tamang puwesto. Bago
ako umalis, kailangan naming mag-usap tatlo,"
"Sino ang isa?"nagtatakang tanong ni Akariah.
"Ang nasa Abyss," ani Light na nawala ang ngiti.
"Sino ang nasa Abyss?"
**
Ipinikit ni Lyra ang mga mata nang haplusin ni Crescent ang pisngi niya. Nakaluhod
ito sa harapan niya habang nakaupo siya sa dulong bahagi ng kama.
"Mananatili ako sa 'yo, mananatili ka sa 'kin," marahang nagmulat si
Lyra at tumungo ng marahan bago tawirin ang pagitan ng labi nila ni Crescent.
Kinagat niya ang labi nito kahit hindi niya diniinan ay lumabas ang dugo roon -
addicting blood.
"Crescent, hinding-hindi ako mabubuo kung wala ka. Salamat sa pagsasabi
ng lahat-lahat. Hindi ko naman kailangang mamili sainyo hindi ba? Pareho kayo, iisa
kayo, at tanggap ko na magiging isa kayo dahil pareho ko kayong nakilala. Walang
sino man na kapangalan n'yo ang makapagbibigay ng ganitong kalaking kasaysayan sa
iba't ibang mundo, maghihintay ako sa pagbabalik mo kaya 'wag kang mangamba sa
damdamin ko, mas malakas na ako, at naniniwala ako na matatapos rin ang lahat ng
'to," wika ni Lyra nang yakapin 'to at tumumba sila sa sahig. Itinukod niya ang
dalawang palad sa balikat nito at nginitian. " Naniniwala ako na matatagpuan ni
Shin ang pagkilalang muli sa 'yo, hinahangaan ka niya, minamahal at Crescent kaya
siya lumaking matapang dahil pinanghawakan niya ang mga salita mo na kahit wala ni
isa man sa mundong 'to ang maniwala sa kanya mananatili kang naniniwala at
nakamasid sa kanya. Tulad mo, kinaya niyang mag-isa dahil ikaw ang ama niya, ikaw
ang ama nila kaya naniniwala ako na tulad mo may damdamin sila na nagtitiwala pa
rin sa 'yo, " aniya rito maaaring magtatapos na nga ang lahat pero kakayanin nila,
kakayanin nila ang huling hamon sa buhay nila.
" Ipangako mo sa 'kin na magpapatuloy ka kahit mawala na 'ko nang
tuluyan Lyra, " ani Crescent.
"Ipangako mo rin sa 'kin na magpapatuloy ka kung sakaling ako ang
mawawala sa 'ting dalawa. Babalik ako sa Abyss, babalikan ko ang mga anak natin at
magtungo ka na sa underground, Crescent mapagtatagumpayan natin 'to, " matapang na
wika ni Lyra at hindi naman siya nakarinig ng pagtanggi rito. Bumangon ito ng
marahan at kasabay ng pagyakap kay Lyra ay ang paghalik sa noo nito.
"Nandoon siya, hindi ka niya pababayaan. " Tukoy ni Dark sa isa pang
Crescent na nananatili at nagpapahinga sa loob ng tore. " Isa lang akong damdamin,
isang negatibong damdamin, " ani Dark na nakapagpakaba kay Lyra.
" Kung paano mo gustong mabuhay ang lahat-lahat sa mga anak natin,
ganoon mo rin dapat kagusto na mabuhay ka. Magbabalik ka at magiging isa kayo,
magiging kulang si Crescent kung mawawala ka, kung ang patutunguhan mo ay
magsasakripisyo ka, hinding-hindi ko 'yon papayagan, ikaw 'yung Crescent na
gustong-gusto kong alagaan, ikaw 'yung madalas na mag-alala sa 'kin, ikaw ang hindi
ako gustong humawak ng armas, ikaw 'yung una kong nakita sa kagubatan at sumagip sa
'kin, ikaw ang nagsabi na magsasama tayo hanggang kamatayan, ikaw 'yung gustong
mauna ako na mawala sa mundong 'to dahil ayaw mong maiwanan ako rito kapag nauna
ka sa 'kin, ikaw 'yung tanging naniwala at hindi bumitiw sa 'kin kahit ilang ulit
kong bali-baliktarin ang mundo alam ko sa tuwing ikaw at siya ang nangingibabaw at
pareho kong mahal ang bawat isa sa inyo, kilala kita, kilala ko siya, kilala ko
kayo! Kaya bakit ka nagsasalita ng ganyan, hindi ka naman sumuko kahit kailan, ikaw
ang kinatatakutan kong Crescent at alam ko kapag galit ka dahil nababasag ang mga
salamin, " naiiyak na natatawa si Lyra pero nabigla si Dark - tama 'to, siya ang
lahat ng binanggit nito. Ang isang Crescent ang gusto ay palaging magsakripisyo at
siya ang gahaman na bersyon. Siya ang handang sumuong kahit marami ang masagasaan
kaya nga ito ang konsensya at budhi niya.
"Hindi ka ganyan, hindi ka naman sumusuko kaya 'wag mo 'kong pahirapan
mag-isip kung sino ka!" pinahid ni Lyra ang mga luha bago niya naramdaman ang halik
nito muli sa noo niya.
" Hindi ako magsasakripisyo hangga't hindi para sa inyo. " hinawakan
niya ang mukha ni Lyra at tinitigan ang mga mata nito. " Napakaperpekto mong babae,
bawat kibot mo lalo kitang minamahal. Soon, you'll be the first Vampire Queen of
the underground world, Lyra Scarlet Wolveus, pakakasalan kitang muli sa mundo kung
saan nararapat tayo. Kung hindi mapapayagan ang ika-walong Diyos ng Underground
papatay ako ng mga Diyos makuha ko lang ang tamang lugar para sa 'tin, "
"Pakakasalan mo uli ako, magpapakasal uli tayong tatlo, " nangingiting
wika ni Lyra kaya nakatikim 'to nang mahinang batok kay Crescent.
"Subukan natin minsan maglapit tatlo ako sa gitna," nangingiti lalo si
Lyra," baka mag nosebleed ako pati mata ko dumugo dahil kahit saan ako lumingon ang
guwapo nang makikita ko," nagpupuso ang mga mata niya.
"Gusto mo sabay kami ---"
"Waaaaah! Mabubugbog ang katawan ko no'n grabe naman Crescent dalawa
kayo, sige pero minsan lang ha ---Aray!" ani Lyra nang pisilin ni Crescent ang
magkabilang pisngi niya.
"Ano bang iniisip mo?" tumataas ang kaliwang kilay ni Crescent.
" Maganda naman ideya 'yun dalawa kayo para kapag pagod ka waaaah joke
lang! Masakit na lalaki pisngi ko honey mylove so sweet," ani Lyra nang lalo nitong
pisilin ang mukha niya.
"Tigilan mo na 'yan," binuhat ni Crescent si Lyra at inilapag sa kama
at sinamahan ito.
"Pero kahit sa pakikipagniig kilala ko kayo," ani Lyra na ngingiti-
ngiti kaya nakita niyang nangungunot na naman ang noo nito.
"Siya sweet, kiss ng kiss, malambing ang hilig manyakap ang hilig
maunang matulog sa 'kin, pero iyon nga so gentle, so sweet, marahan, maingat,
---ikaw naman, " natatawa na agad si Lyra na agad tinakpan ang magkabilang pisngi.
"Ano?" may babala sa boses nito.
" Ikaw 'yung makakasira ng gamit, ikaw ang sumisira ng mga damit ko,
ikaw ang nakakarami ng rounds, nauuna ako matulog sa 'yo kasi nga marami kang
energy, ikaw rin 'yung madalas sweet pero sa tila nagbabanta ka naman ---aray!"
pinitik siya nito sa noo, " 'Yan mapanakit ka, ganyan ka!" natatawang wika ni Lyra
kaya nangiti rin si Crescent.
" Patutunayan ko 'yang mga sinasabi mo, " ani Crescent na pumuwesto na
sa ibabaw ni Lyra na ngiting-ngiti.
"Iyan naman ang gusto ko sa 'yo masipag ka, " natatawang kinabig niya
'to at hinalikan. Mahal na mahal niya ang bawat katauhan ni Crescent, dalawa man o
iisa ang mga ito. Wala siyang nadaramang pagkailang o ano pa man. Kahit ang isang
Crescent, ang pagiging malambing naman nito at maunawain ang gustong-gusto niya
kaya naman maging isa man o hindi ang dalawa parehong magmamahalan sila dalawa man
o tatlo ang kahantungan nila.

READ. VOTE. COMMENT! <3


130 votes next chapter!
FB: Jovielyn Rivera (MisaCrayola )
Group: MisaCrayola

Thank you also sa mga nagpareserved na sa books ng RBW 1. So magmumukhang RBW 1 at


itong TF ang dalawa haha! Madaming nabago, so sa 'di naman bibili 'wag kayo mag-
alala on going naman ang new version at madami-daming nabago.
Ayan na, nalalabi na ang mga kabanata. Waaaaaah! <3

TF II: Free will

TORMENTED FATE
FREE WILL

"Crescent, mag-iingat ka, " panay ang pagpatak ng luha ni Lyra ngunit nginitian
niya ang asawa. Kailangan niyang magpakatatag, kailangan nilang magsakripisyo,
kailangan sila ng mga anak nila.
"Walang mamamatay sa kanila, mabubuhay lahat ang anak natin ng may
sariling pangalan, buhay at malayang desisyon," ani Crescent na hinalikan ang noo
ni Lyra.
"Maghihintay kami sa 'yo," niyakap niya ng mahigpit si Crescent alam
niya at nararamdaman niya na nasa panganib 'to at maging ang mga anak niya. Ang
inaasahan nito sa kanya ay ang maging matatag siya kaya 'di niya 'to pahihirapang
umalis kung saan man ito patungo.
"Mahal na mahal kita Lyra, hindi matutumbasan ng kahit na anong yaman
ang pag-ibig ko sa 'yo Lyra. " ani Dark dito. Alam niya na maaaring mawala na lahat
ng pagkamuhi sa puso niya at maaaring tuluyan na silang maging isa ng katauhan niya
at dahil 'yon kay Lyra. Marahil katulad ng mga anak niya ang sitwasyon nila, ang
kaibahan lang alam nilang iisa sila at walang kaso ang pag-iisa nila lalo pa't iisa
lang si Lyra na minamahal ni Lyra. Ngunit sa kaso ng mga anak niya, may iba't iba
na 'tong buhay at ang pakikipag-isa ang kamatayan ng dalawa sa mga ito na hindi
niya gustong mangyari.
"Crescent, magpapakatatag ako, pangako," lumakas ang pag-iyak ni Lyra
bakit napakahirap tanggapin na hindi 'to masasaktan doon. Pakiramdam niya may
chansa na 'di 'to magbalik at ikinasasakit ng damdamin niya 'yon pero wala siyang
pagpipilian. " Mahal na mahal kita, walang sinoman ang makahihigit sa pagmamahal
mo. Napakasuwerte namin na sa 'yo kami. Balikan mo kami, bumalik ka dahil magagawa
natin 'to, makakaya natin 'to," aniya na nakapagpabagsak ng luha ni Crescent.
Hinalikan niya si Lyra sa labi ng marahan at buong ingat.
Nang binitiwan niya si Lyra ay may liwanag na sa paanan nito. Umiiyak
'to at inaabot siya kaya nginitian niya lang 'to. Sa Abyss muli itong makakabalik
dala ang pangako na malalaman ng mga anak niya ang susi ng mga sandata.
"Mahal na mahal kita! 'Wag kang susuko Crescent!" ang huling sigaw ni
Lyra bago 'to tuluyang maglaho kasama ng liwanag na si Crescent mismo ang gumawa at
alam niya na sa isang iglap nasa loob na 'to ng tore.
Sa pagkawala ng liwanag umusal ng patawad si Cleofas at tumalikod dala
ang kirot ng dibdib. Hindi nabakasan ng pagkabigla i Crescent ng makita niya ang
matataas na Heneral ng Underground World na nakapalibot sa kanya.
" Nagbababa na ng utos na hulihin ka at paslangin sa darating na ika-
labingtatlong araw oras sa mundo ng Underground, " wika ng isa.
"Patawad Lyra," bulong niya bago sumama sa mga ito. Naiwanan si Cleofas
na tuluyan ng napaiyak. Gabi nang dumating ang mga heneral para kunin si Crescent
dahil iyon ang utos. Hiniling ni Crescent na bago sumikat ang araw ng pagkuha dito
at 'wag sa oras na natutulog si Lyra at maiiwanan 'tong nag-iisa. Ipinadala nito sa
underground World si Lyra na walang nalalaman -dahil sa maayos na pakikipag-usap ng
mga Heneral na ang karamihan ay humahanga kay Crescent dahil sa tatag nito simula
noon ay naging maayos ring kausap si Crescent. Sumama ito ng hindi na
nakikipaglaban -marahil alam nito na wala na rin naman patutunguhan. Maaari pang
ikapahamak ng pamilya niya ang pagtutol niya.
**
Galit ang nadarama ni Shin habang minamasdan ang sandatang may pangalan ni Seventh.
Wala iyong silbi sa kanya dahil hindi niya magamit dahil espesyal iyon para kay
Seventh.
Magulong-magulo na ang looban ng Abyss. Marami ng pinsalang nagaganap,
dugong nagkalat at mga lagusang nagbukas dulot ng pagkasira. Ang butas na nalilikha
ay ang daan sa underground World kung saan ang mga ipinatapos at pinahihirapang
kaluluwa ay naroon at ngayon ay malayang nakakapasok sa Abyss at kinakalaban nila.
Parang wala ng katapusan ang digmaan, pagsabog at ang iba't ibang ilaw
ng kapangyarihang ginagamit, nauubos at ikinamamatay na ng iba. Amoy dugo at
sinusunog na laman ang nakapaligid sa kanila. Hindi nabubulok ang mga iyon dahil
malamig ang Abyss dahil iyon ang tinaguriang Ice Hell kaya naman wala pa silang
naaamoy na nakakasulasok dahil sa mga bangkay.
"Papa," humigpit ang kapit ni Shin sa sandata. Sa kahel na kalangita'y
nagdirimdim siya. Hinangaan niya 'to at tiningala pero bakit ang sakit ng
idinudulot nito sa kanya. Hindi na nga niya maunawaan bakit kailangan pa niyang
lumaban para sa mundong 'yon kung hindi naman 'yon nakalaan para sa kanya!
Nang itiningala niya ang mga mata ay nakita niya ang pumapagaspas na
pakpak ni Crestia sa harapan niya. Malungkot ang mukha nito -oo nga pala naroon ito
at kasama niya. Nahiwalay 'to kay Crescentine at ito ang nag-aalaga kay Rozen
Maiden na nasa isang kuweba na hindi niya alam kung bakit pinoprotektahan niya rin.
Ang pumapagaspas na pakpak nito ang bumuo ng shield sa kanila kaya 'di
sila natatamaan ng iba't ibang pagsabog na nagaganap sa labas.
"Matatapos rin ang lahat ng 'to, malalaman din natin ang totoo,"
papapalakas nito ng loob sa kanya. Kaya pa ba niyang hintayin ang panahon na
malaman pa ang mga katotohanan? May panahon pa ba siya para doon?
Marami ng lagusan ang nagbubukas. Lumabas siya sa shield ni Crestia at
buong lakas na ginamit ang kanyang espada na si Poison blade na humiwa sa mga ito.
Walang awa ---sino bang nagkaroon ng awa sa kanila? Larong-laro na ang buhay nila.
Bakit kailangan niya ng awa? Hinding-hindi 'yon magkakamuwang sa puso niya. Maging
ang mga nagpapanggap na batang halimaw at inosente ay 'di niya pinatawad. Patindi
na nang patindi ang galit sa puso niya. Ganitong-ganito ang mga nilalang noon na
ibinababa sila! Ganitong-ganito noon sa mundo ni Neo, lahat gustong saktan ang ama
niya. Lahat gusto 'tong kalabanin dahil ito ang pinakamalakas at dahil dito rin
natuto siyang maging malakas, hindi masaktan, maging manhid. Ito ang bumuo ng
pangarap niya. Bakit kahit anong galit ang nararamdaman niya mahal niya 'to, mahal
na mahal at iyon ang nananakit sa kanya ng husto. Wala na yatang makakagamot sa
sakit na dulot ng taong minamahal mo.
At sa pakikidigma niya ngayon ang mapait na luhang ibinabagsak niya ay
dahil gusto niya 'tong makita, makasama, makita ang ngiti ng mama niya na dinala
nito sa libingan sa loob ng sampung taon na nawala 'to! Bakit kahit sabihin ng iba
na sinungaling 'to at nililinlang sila hindi niya magawang maniwala.
"Shin, minahal tayo ni papa! Maniwala ka, hindi ka niya ginustong
masaktan kahit minsan at alam ko 'yon!" sigaw ni Crestia kaya napahinto si Shin at
nilingon 'to. Tigmak na 'to ng luha at nakaapak na sa luha.
" Masaya siya sa tuwing nakikita ka, at wala naman siyang itinurong
masama sa 'tin kundi 'yung maging malakas tayo, 'yung maprotektahan natin ang
sarili natin kasi baka hindi na niya 'yon magawa. Kaya ayaw niya tayong maiwan na
mahina!"walang palya ang luha ni Crestia, naaalala na niya ang lahat simula ng
bumagsak sila ni Rozen pababa ng tore may mga alaalang nagbalik sa kanya.
" Ito 'yung mundo kung saan gusto niyang mabukod tayo. At nasisiguro ko
na ginusto niya ring mamuhay ng pangkaraniwan, walang labanan, walang gulo. Pero
sila naman ang humahabol sa 'tin at sila ang pilit na sumisira sa katahimikan
natin. Hindi siya ang may kasalanan ng lahat, sila ang may kasalanan dahil hindi
nila gustong patahimikin si papa! Makinig ka! Nasasaktan ako kapag ganyan ka," iyak
siya nang iyak dahil naniniwala siya na malaki ang pagmamahal nito sa kanila.
Naramdaman niya 'yon sa unang beses na magtama ang paningin nila, itinuring siya
nitong anak, ito ang unang tumanggap sa kanya. Mas pinili nitong mamatay siya kesa
mabuhay muli ng may mga pulang mata, sa anghel siya nito isinuko kaya lahat ng
masama sa kanya ay naglaho kasama ang pulang mata kahit pa ang katumbas niyon ay
maging kalabanito sa paningin niya.
Sa kabila ng lahat ng kasamaan na nakapataw sa pangalan nito, ito ang
pinakamabuting ama, at alam niya na hindi nito gugustuhing masaktan ang mga anak
nito. Marahil ito ang sinasabi nito na maging malakas sila, dahil ito ang oras na
wala 'to sa tabi nila para protektahan sila, kung mahina sila paano sila mabubuhay
ng wala ito?
"Mahal ka niya, maniwala ka naman," gusto na niyang pumadyak. "Nang
maging pilk ang buhok mo nanghina ka, nagiging lobo ka na kasi sa edad mo noon.
Hindi ka niya binitiwan yakap ka lang niya no'n hanggang tumigil ang pagkakasakit
mo, tatlong araw nga siyang 'di natulog no'n! " aniya pa at ewan ba niya bakit siya
ang iyak ng iyak pero nakita ang pagkabigla at pagluha ni Shin. Salamat sa pakpak
niya na hindi 'to nasusugod ng mga impaktong kalaban at naabot 'to ng shield niya.
Mabilis ang pag-ikot ng orasan sa ika-sampung araw lumabas si Catalyst mag-isa sa
pintuan ng panahon. Sinalubong siya ng kanyang mga kawal na agad bumati nang makita
ang 'di magandang mood nito. Hindi ito nakangiti katulad ng madalas.
"Bakit biglaan?" tanong ni Catalyst habang mabilis ang paglalakad.
"Panginoon, hindi ko rin alam. Pero sa pagkakaalam ko ito ang Judgment
day kay Crescent, " wika ng punong kawal niya. Doon siya napahinto at nilingon ang
kawal na tila nabigla at kinabahan.
"Ika-sampung araw pa lamang, may pitong araw pa hindi ka ba natutong
magbilang?" hindi man 'to sumisigaw ay nakatatakot na kaya agad pinagpawisan si
Sudaprasert na punong kawal nito. Iyon talaga ang alam niya kaya lamang ay
nagagalit na ito kaya naman kailangan niyang bawiin.
"Patawad Panginoon, nagkamali ako," aniya kaya naman nakahinga siya ng
maluwag nang maglakad na ito. Ito na nga ang sinasabi niya, hindi ito dapat
dumadalo sa pulong kapag hindi maganda ang timpla nito dahil talagang magkakaroon
ng masamang sagutan sa pulong. Madalas itong nakangiti at bibihira ang 'di
magandang timpla nito na tila napakamalas ng makakasama nito kapag ganito ito. Sa
kasamaang palad siya iyon kaya naman halos 'di na niya isayad ang takong ng sapatos
upang hindi ito maingayan dahil kapag wala ito sa magandang timpla ay hindi nito
gusto ang kahit kaunting ingay.
"Panginoon, " isang humahangos na binatilyo ang dumating. May asul na
buhok ito at may tenga na tila isang elfo.
Huminto si Catalyst at tinignan lang ito kaya naman agad rin itong
pinagpawisan dahil alam na niya na ito ang mga panahon na kinatatakutan nila. Iyong
hindi ngiti ang isasalubong nito sa kanila dahil talagang tatamaan sila.
" Panginoon, lima ang sumusuporta na ipataw na ang kamatayan ni
Crescent. Nahuli na siya Panginoon!" anito na agad tumungo sa takot na salubungin
ang mga mata nito.
Nabigla si Catalyst ng malaman na nahuli 'to at kailan pa nagkaroon ng
paghuhuli rito? Hindi pa tapos ang digmaan at wala pa ang ika-labing pitong araw
simula ng umalis sila ni Chrysanta.
"Paano?" si Sudaprasert dahil alam niya na hindi magsasalita ang
Panginoon nila na paniguradong lalong tataas ang presyon.
"Sabi nila su-sumuko siya ng kusa," sagot ng binatilyo na pinilit 'di
magputol-putol ang pananalita. " Isa pa Panginoon, si Virgo ang may hawak sa kanya.
Panginoon, " nangangamba 'to dahil si Virgo ay talagang mahigpit at isa sa Diyos na
tinitingala katulad ni Catalyst at Zandro sa Underground World.
"Gusto ba niya ng maagang digmaan?" tanong ni Catalyst na ikinabigla ng
mga nakarinig na alagad niya. Nabalot ng takot ang puso nila. Hindi maaaring
magdigmaan ang mga Diyos dahil maglalaganap lang 'yon ng kamatayan at maaaring isa
sa mga ito ang mapaslang.
Naglakad na si Catalyst at sinundan ito ng binatilyong mukhang elfo at
ni Sudaprasert. Bakit ba natapat pa sa pangit na araw nito ang pulong ng mga Diyos
ng Underground.
**
"Tapos na ang pulong sa pagdating mo," komento ni Virgo ng makita si Catalyst.
Sabay namang napatingin sa ibang direksiyon ang tatlong Diyos na ilag kay Catalyst.
" Ano man ang desisyon n'yo kami ang mananaig lima kami at dalawa lang
kayo," ani Virgo na tinignan si Zandro na wala ring imik ngunit 'di rin kababakasan
ng kaba. " Pero maaari ko namang ibahin kung ibibigay n'yo ang anak niya na may
kakaibang kulay ng mga mata," ani Virgo na nakapagpatalim ng tingin ni Zandro at
Catalyst dito.
Natutuwa si Virgo sa t'wing seryoso si Catalyst dahil mabilis itong
magalit pag ganoon. Hindi tulad ng mga nakaraan na mahilig 'tong kutyain sila.
Ngumiti si Catalyst na ikinaasar na naman ni Virgo.
"Magaling ang desisyon mo, natalo kami. Siguro dahil tayo lang naman
madalas ang nagdedesisyon mas mabuti kung tayong apat na lamang ang maging Diyos sa
underground World,"ani Catalyst na ikinaupo ng maayos ng tatlong nasa harapan niya.
"Ano, hindi naman ako sangayon na patayin agad si Crescent. Kailangan
ilang araw pa, isa pa paborito siya ng ibang Diyos hindi ba,he-he-" natatawang wika
ni Wrather ang isa sa Diyos. Nakikini-kinita niya na papaslangin sila ni Zandro at
Catalyst.
" Oo nga naman, 'wag tayong magmadali," alanganing tumawa si Vermilion.
Nginitian naman ni Catalyst si Sapiro na sumagot agad ng : "Kung saan
masaya si Catalyst, "
Natawa naman si Zandro at napailing. Si Sapiro ay may pagnanasa talaga
kay Catalyst kaya naman kapag wala lang ito tutol pero kapag dumating na sunud-
sunuran din 'to, ang dalawa naman ay lubhang takot sa kanila.
"Dinaan mo na naman kami sa ngiti mo," ani Zero kay Catalyst. Isa rin
'tong tahimik at walang pakialam. Palaging ang boto ay kung saan ang nakararami.
" Sa 'kin ngayon ang boto mo," ani Catalyst kay Zero na napangisi.
"Pero mas maganda kung ang dice na 'to ang magdedesisyon kung ilang
araw pa siyang tatagal," suhestiyon ni Zero na sinusubok si Catalyst. Sa lahat ng
Diyos ito ang may paiba-ibang ugali at tila ba puno ito ng maskara na kailangan
niyang tanggalin nang kung ilang ulit para mas makilala 'to. Isang intriga sa kanya
kung saan 'to nagmula at naging isa 'tong Diyos. Ito lamang ang walang pinagmulang
lahi.
" Mas maganda rin na kung isa lang ang lalabas papatay tayo ng isang
Diyos, kapag dalawa, dalawang Diyos," ani Catalyst na ikinatakot na naman ng tatlo
at ngingiti-ngiti na naman 'to.
" Tuso ka kahit kailan, makukuha din kita," sa isip-isip ni Zero.
Kailangan niya 'tong makilala ng lubusan. Ito ang nagbibigay sa kanya ng labis na
intriga kaya naman madalas niyang alamin kung saan ang puno't dulo ni Crescent na
gustong-gusto nito noon pa man katulad ni Zandro. Baka sa buhay ni Crescent may
nasasaring na nakaraan si Catalyst ng katulad dito.
Inihagis ni Zero ang itim na dice na may mga bungong marka katulad ng
pangkaraniwan ay may bilang iyon na isa hanggang anim. Nawala ang dice dahil kinuha
'yon ni Catalyst at nang ibukas nito iyon ay anim ang lumabas.
"Hindi ko inuugali ang pagkatalo, hindi ko rin gusto na napaglalalangan
ako, mas lalong hindi ko gustong may naglilimita sa kasiyahan ko. Hayaan n'yo pa
siyang mabuhay sa loob ng anim na araw, at hindi ako mangingiming paslangin kayo
oras na mamatay siya sa pagbabalik ko sa loob ng limang araw. " ani Catalyst
kasabay ng pagsabog ng itim na crystal dice ni Zero.
" Hindi tamang nagpapakita kayo ng kahinaan sa kanya!" galit na wika ni
Virgo na ikinatakot ng tatlo ng makaalis si Catalyst, Zandro at Zero. " Mga Diyos
tayo para matakot sa kanila! Kung si Crescent walang lugar sa lupa at kahit saan
iyan ding Catalyst na 'yan walang lugar sa mundong 'to! Wala siyang pinagmulan at
wala siyang kahit na anong nakatalang nakaraan! Nagpapakain kayo sa kanila kaya
nila kayo nilalamon! 'Wag na kayong magtaka kung dumating ang panahon na sakupin
nila kayo!" galit na galit si Virgo sa mga ito. Noon pa man ay madalas kumontra si
Catalyt sa kanila, iba lang ngayon dahil may kasama itong kumokontra at isa ring
may pinakamalaking sakop na si Zandro.

READ. VOTE and COMMENT para ganahan ako hahaha! :)


#MisaCrayola
130 Votes next chapter! :)

FB: Jovielyn Rivera (MisaCrayola)

TF II: Memories

Bago tayo magpatuloy sa chapter na 'to nais kong pasalamatan lahat ng sumuporta sa
first ever self-pub ko at ito na siya ngayon! *u* Iyan na ang book 1 ng RBW.
Sobrang happy ko na mahahahawakan ko/natin na siya soon. Sa lahat ng bumili
salamat! At sa kahit 'di bumili ang suporta n'yo hanggang ngayon ay malaki ng
bahagi para sa 'kin. I love you! :)

IMPERIAL CITY
Katapusan? Nalalapit na ang pagtatapos at mangingiti ka na lamang na kahit pala ang
pagdurusa'y may hangganan. Ngunit sa kabila niyon, kailangan mong subukan ng
tanggapin na ngayon pa lamang maaaring ang katapusan ay mitsa nang paglisan ng
ibang naging bahagi ng buhay mo. Bahagi na mauuwi na lamang sa mga alaala at hindi
na muling madarama ng iyong mga kamay ang pakiramdam na hawak mo sila.
Nakabibinging pagkulog, kadilimang tila wala nang hangganan. Tila kahit
saan ka lumingon wala kang matatanaw kundi ang nalalapit na pagkawasak. Pagkawasak
ng mundong naging saksi sa kasiyahan maging sa pagdurusa at kasalo mo sa
kalungkutan.
Ipinikit ni Lucylle ang mga mata niya kasunod ng pagragasa ng luha.
Nakatanaw siya sa Imperial City at inaasam na sa muling paglabas niyon ay matatanaw
na niya ang paglabas ng lalaking minamahal niya maging ang ama na nawalay sa
kanila.
Ilang taon na ba ang lumipas? Gaano ba kabagal ang oras sa Abyss? Ano pa ba ang
kailangan niyang sabihin sa sarili niya para magawa pa niyang patatagin iyon? Ilang
taon na ang lumipas at maaaring araw lamang ang katumbas niyon sa loob ng Abyss.
Ibang-iba na ang mundo at nalalapit na ang katapusan niyon. Ang iba'y nasa panibago
ng replica ng mundo, mga walang alaala sa nakaraan at muling magsisimula ng
pamumuhay. Ngunit hindi lahat papalaring maligtas at hindi lahat may pamilya pang
mababalikan. Ang digmaan sa Abyss ay nagdudulot ng iba't ibang daluyong at unos sa
lupa.
Mas nag-aalala siya kay Seventh, ang ama niya na si Vincent Zordick ay
may koneksyon sa kanyang mga Grand kaya alam nilang nasa mabuti pa 'tong kalagayan.
Pero katulad niya, hindi nila magawang itanong rito ang kalagayan ni Seventh dahil
magtataka ito.
"Bumalik ka! Iyan ang pangako mo sa 'kin Seventh! Dalaga na 'ko,
paniniwalaan mo pa 'ko kapag sinabi kong mahal kita -mahal na mahal kita!" sigaw
niya habang walang patid ang pag-agos ng luha niya na tila baa yaw nang magpaawat.
Matatapos na, iyon ang sinabi ng kanyang daddy kaya alam niya at nangangamba siya
na hindi isa si Seventh sa lalabas ng buhay. Gusto niyang umasa at ikamamatay ng
puso niya kapag hindi 'to nakaligtas.
Naalala niya ang boses nito, ang pangaral at pag-aalaga nito sa kanya.
Ang takot na hindi 'to dumalaw sa kanya noon. Ito ang unang tumanggap sa unang
pagkakita pa lamang sa kanya, walang pagkabigla at mas lalong walang pagtatanong.
Hindi 'to masama, ganoon man ang pagtingin ng iba.
"Lucylle, hahanapin ka na," boses ni Ezekiel iyon na siyang isa ngayon
sa pinagkakatiwalaang Knight ni Vincent sa kanilang magkapatid. Inalagaan 'to ni
Vincent noong paslit pa lamang ito at pinag-aral sa Draven's Vampire University
kung saan kinukuha at sinasala ang mga pinakamalalakas para maging bahagi ng
kanilang hukbo. " 'Wag mo siyang piliting bumalik ngayon, hindi ka pa dalaga,
labing-apat ka pa lang," ani Ezekiel kaya nilingon 'to ni Lucylle at nangiti kahit
panay ang pagluha.
"Nakakainis ka!"nagpapadyak siya parang kinukurot talaga ang puso niya.
Hirap na hirap na siyang isipin kung kamusta na ito at kung buo pa ba 'to o kung
naroon pa ba ito sa loob.
" Ano man ang mangyari, nasisiguro ko na lumaban siya at sinubukan niya lahat para
balikan ka, may apat na taon pa para maging dalaga ka. " ani Ezekiel kaya napatango
si Lucylle. Tama, apat na taon pa at magiging ganap na dalaga na siya at tulad ng
pangako niya rito uulitin niya ang salitang mahal niya 'to sa punto na 'yon at
lubos ang pag-asam niya na buhay 'tong makaririnig ng mga salitang inalagaan niya
sa puso niya nang matagal na panahon.
**
ABYSS
"Master Seventh!" ani Tamtam dito nang makita niya 'to sa isang kuweba. Hawak nito
ang isang keychain na nakangiting maliit na babae na mula kay Lucylle. Malakas ang
ulan at ang pagbagsak niyon ang humuhugas sa mga dugo sa paligid kaya nagmumukha
ring bumabaha ng tubig-dugo sa paligid.
Tumayo na si Seventh at itinago sa bulsa ang keychain. At kasunod
naman ay ang pagkislap ng mata nitong pulang-pula na pareho. Ang mata nitong
orihinal at ang mata ni Lucylle bilang misfortune.
" Makakabalik ako, hindi ako mamamatay sa lugar na 'to, kailangan ko
siyang balikan dahil nangako ako sa kanya," mahina man ay narinig iyon ni Tamtam.
"Makakabalik ka! Master, kayang-kaya mo 'tong lahat!" ani Tamtam na
gusto na magmukhang masaya pero bumagsak ang mga luha niya. Isa na lang, isang ikot
na lang ng blood contract mamamatay na ito katulad ni Crescentine at Shin. Kagabi
nangyari ang mas malaking pagkalat ng marka ni Seventh at nalaman niya rin na
ganoon ang dalawa pa.
Nilagpasan siya ni Seventh kaya tinakpan niya ang bibig para 'di
mapalakas ang pag-iyak. Sinundan niya 'to ng tingin habang palutang-lutang siya
gamit ang makukulay niyang pakpak. At sa labas ng kuweba ay naroon na si Shin hawak
ang isang itim na sandatang espada at naghihintay dito. Ang laban ng dalawa ay
magaganap na -at sa oras na 'yon maaaring isa sa mga ito ang hindi na
makapagpatuloy. Pareho at walang mas mababa ang pagkamuhi sa mata ng isa't isa.
Malakas at malamig man ang bagsak ng ulan, hindi maikakailang pareho ang siklab ng
damdaming bubugso sa mga ito --galit at ang kagusutuhang malampasan nila ang isa't
isa at makalabas sa Abyss at lalong-lalo na hindi nila parehong hahayaang makitil
lamang ang buhay ng 'di lumalaban.
**
" 'Wag kang susuko, malalampasan natin 'to. Makikilala ka nila ng totoo at
makakasama natin ang isa't isa, Crescent, " tumatakbo ako at kahit maputikan ang
kasuotan ko wala akong pakialam. Iilan na lamang ba ang buhay? Marami nang
napaslang. Marami ng lagusan ang nagbubukas at mga nakapiit na halimaw na ang
nagkakalat may buhay man o wala. Gamit ang sandatang ibinigay sa 'kin ni Crescent
na espada nagagawa kong protektahan ang sarili ko. Ilang beses na ba 'kong
bumagsak? Ilang beses na ba 'kong tumayo para takbuhin ang patungo sa tore kung
nasaan ang isa pang Crescent. Kailangan ko siyang makita! Tinuyo ko ang mga luha
ko, kailangan kong maging matatag para sa kanya, para sa kanila.
Napakalayo pa ng tore at tila parami pa ng parami ang iba't ibang uri ng halimaw na
may iba't ibang anyo na sinasagupa ng grupo ni Vincent Zordick at maging sa iba't
ibang panig ay nakikipaglaban ang halos mga kakilala niya pero nilagpasan niya
lahat marating lamang ang kinalalagyan ng tore.
Ang mga ngiti ni Crescent, ang boses nito, ang mga salitang binitiwan
nito na para lamang sa kanya. Ang mga mata nitong naiiba man ngunit napakaganda,
ang walang-sawang pagmamahal nito sa kanya at ang lahat ng taon na nagtiis sila.
Hindi pa ba sapat lahat ng pagdurusa at dinidikdik pa sila? Kahit anong mangyari
kailangan nyiang tumayo sa pagkakadapa dahil lalaban sila -lalaban ang bawat isa sa
kanila para mabuhay dahil saan ba sila nagmula? Siya si Lyra Scarlet, isang royal
blood Vampire na pinalaki na tulad ng isang lobo. Kaya hindi na niya hahayaan na
umaktong tao! Lalaban siya! Lalaban sila, at bawat isa sa mga anak nila dugo at
laman ni Crescent ang bumubuo kaya nasisiguro niya na walang isa sa mga ito ang
duwag at naniniwala siya na kahit may galit walang sinoman sa anak nito ang nagnais
na maglaho na lamang ito.
" Hunter!" nabigla siya nang bigla 'tong lumabas kung saan at tila hinaharangan
siya.
" Bumalik ka na," anito na hinawakan ang braso niya.
"Ano ba! Bitiwan mo 'ko kailangan ako ni Crescent!" galit kong wika sa kanya habang
pumipiksi ako.
"Pabayaan n'yo na siyang mamatay! Iyon ang kailangan niya, kailangan n'yo at
kailangan ng mundo para matahimik na lahat!" galit na bulyaw rin niya sa 'kin.
Nagpanting ang tenga ko kaya malakas ko siyang sinampal gamit ang kanang kamay ko
na malaya.
"Hindi kita mapapatawad! Napakasama mo para sabihin 'yan! Hindi namin
siya kailangan ng patay, kailangan namin siya ng buhay. Kailangan ng mga anak ko
ang ama nila, at kailangan ko siya! Wala akong pakialam kung kalaban ang tingin
n'yo sa pamilya namin, kung kami ang masama sa paningin n'yo at kami ang kailangang
mamatay. Puro panghuhusga na ang inabot ni Crescent at isinama pa ang mga anak
namin, hindi sila laruan para gamitin nang kung sino-sino bilang kasangkapan!"
alam k nag-iigting na ang pagkakalisik at pagkapula ng mga mata ko, tinabig ko siya
at alam ko at nakita ko na nabigla siya dahil hindi na 'ko mahinay magsalita at
alam ko na nanunulay ang galit sa boses ko.
"Lyra, " aniya na nakangiti at nawala ang paglaban. " Mag-iingat ka,
magtatapos na rin ang lahat. Maniniwala ako na magagawa n'yo siyang iligtas," aniya
na tinanggal ang pagkakakapit sa braso ko. Hindi na 'ko nagsalita pa at mabilis
akong tumakbo. Hindi ako magsasalita -patutunayan namin sa inyong lahat na karapat-
dapat kaming mabuhay ng magkakasama.
UNDERGROUND WORLD
"Corrupt him," ang wika ni Virgo sa lumapit sa kanyang Heneral niya. Tila nagtaka
ito dahil ang alam niya may usapan na hindi 'to gagalawin.
" Corrupt his mind up to his soul," aniya pa. Nangiti siya dahil nasa
kanya si Crescent magagawa niya rito ang gusto niya. Hindi man 'to mamamatay
kaagad, nasisiguro naman niyang magdurusa 'to.
At katulad noon sa madilim, malamig at nakakabingi ang katahimikang
selda nakakulong si Crescent. Nakasandal rin siya sa malamig na pader habang
nakaupo at iniisip si Lyra, kung nasasaktan ba 'to o umiiyak sa mga oras na 'to o
lumalaban ito para sa kanya. Ang malaman na tinanggap siyang muli nito ay sapat na
sa kanya para maging masaya. Pero hindi naman kasiyahan niya ang gusto nang iba
kundi ang pagdurusa niya.
Ipinikit niya ang mga mata. Naaalala niya si Lyra nang pilitin nitong
pagtutunan na itirintas ang mahaba niyang buhok, ang pagsasayaw nito sa salamin,
ang pagluluto nito na nagiging dahilan para maging marumi lahat ng kagamitan sa
kusina, ang mga kalat nito at ang nakakatuwang paraan nito ng paglalambing na tila
pusang kinikiskis sa kanya ang pisngi nito. Ang anak na hiniling nito na hindi niya
noon gusto dahil nangangamba siya sa kapalaran nito na matulad sa kanya. Ang
pangalang pinili nito sa magiging anak nila. Napakarami na nilang pinagdaanan,
ngunit ano ba ang nakakatuwang parte doon? Iyon 'yung nananatili silang may iisang
damdamin sa isa't isa. Pag-ibig ang bumuo sa mga anak nila, nabuhay na ang mga ito
nang magkakaiba, hindi na dapat pag-isahin katulad nila. Kalayaan -ganito ba talaga
kahirap makamit ang kalayaan?
Naimulat niya ang mga mata ng marinig niya ang pagbagsak ng malaking
kandado. Isang pigura ang nakita niya ngunit hindi siya umimik. Nakapasok ito sa
loob at sa itsura ng pangangatawan nito isa 'tong babae. Ito ba ang unang
magbibigay ng parusa sa kanya?
Ano bang aasahan niya doon? Kalangitan? Hindi. Pagdurusa ng kaluluwa ang daranasin
niya. Hindi niya alam kung bakit ikinakandado pa siya? Mukha bang makakalabas siya
sa mundo nitong si Virgo? Bakit may bakal pa na nagbibigkis sa mga braso niya sa
likuran na tila isang pangkaraniwang preso.
Kahit pa sabihin niyang tanggap na niya ang kamatayan -hindi 'yon
totoo. Gusto niyang mabuhay -gustong-gusto niya. Kailangan niyang mabuhay dahil
nangako siya kay Lyra. Kailangan niyang makabalik dito dahil hindi sapat ang oras
na naging magkasama sila.
Narinig niya ang ilang 'di pangkaraniwang mga salita. Spell -ipinikit na lang niya
ang mga mata. Sa huling alaala niya bago niya naramdaman ang sakit ay ang ngiti ni
Lyra, ni Shin, ang mukha ni Seventh, ni Crescentine at si Leo't Tomo kaya nangiti
siya dahil napakadrama nito hanggang sa isipin niya.
Gumuhit ang kirot sa kalamnan niya patungo sa iba't ibang bahagi ng katawan niya na
tumagos hanggang sa pakiramdam na dinudurog ang buto niya. Isang malakas na
pagsaksak ang unang naramdaman niya sa parte ng balikat niya. Tila kinakayod pa
'yon pababa sa braso niya patungo sa likuran ng palad niya.
" Masakit ang pisikal, ngunit mas masakit ang daranasin mo sa
emosyonal," bulong ng babae kasunod niyon ang mahika ng pagsira sa isipan ni
Crescent. Kilala nila si Dark -alam nila ang kahinaan nito, alam nila ang
makapagpapabagsak dito. Mas malakas 'to kumpara sa isa, ngunit mas mahina ang
emosyonal nito.
Gumuguhit na kirot at tila pagkawasak ng bawat bahagi ng katawan.
Pakiramdam na dinudurog at mas mabuti pa ang kamatayan ang maramdaman. Kung iba 'to
nagsisinigaw na 'to nang kamatayan dahil hindi biro ang pagdurusang sinasapit nito
ngayon ngunit wala siyang narinig kundi ang boses na nasasaktan lang 'to. Naroon
ang katunayan na gusto pa nitong mabuhay -iyon ang natatanaw niya sa isipan nitong
nababasa niya. KAILANGAN KONG MABUHAY ang nagsisinigaw na katotohanan na nababasa
niya sa bawat pagtikis nito sa sakit. Dumurugo na rin ang kamay nito dahil sa 'di
nito mapigil na paggalaw sa sakit, ang mga saksak na inabot na nito. Dugo na
dahilan nang pagwawala ng ibang naroon na nakapiit -nakakabaliw na bango ng dugo
-temptasyon ng isang sinaunang anghel.
Nag-iingay na ang nasa ibabang mga selda at dahil iyon sa amoy at
nakakawala sa sariling dugo ni Crescent.
"Ang kagalingan minsan ay hindi nakakabuti," wika ng babae kasunod ang
pagbigkas ng mga salitang sisira sa isipan nito.
Unti-unting nagdilim ang pangalang Lyra sa isipan nito. Madilim ang
pakiramdam, nag-iisa at walang sinoman ang nakakaalala. Ipinakita niya rito ang
mundo kasama ng isang Crescent si Lyra at masaya at hindi na ito kabilang. Mga
salitang sisira dito, mga imahe nang 'di pagtanggap dito. Narinig niya ang
pagtangis nito, ang mga pangalan na walang tigil nitong tinatawag -si Lyra at ang
salitang hindi pa nito gustong mamamatay. Sa isipan nito iniwan at tinalikuran na
'to ng lahat at walang isa man dito ang makakaalala na maaari naman talagang
maganap at alam niya na ipinapakita lang niya rito ang maaaring maganap.
Iniwan niya 'to sa ganoong kalagayan. Pagbalik niya sa loob ng ilang
oras alam niya na magsisimula na 'tong mawasak. Tulad nang gusto ni Virgo mawasak
ang isipan at kaluluwa nito nang 'di ito pinapaslang. Kusang sarili nito ang
papatay sa sarili nito.
" 'Wag kang umalis Lyra! Ayokong mamatay! Magsasama pa tayo! Lyra,
hindi ko gustong mamatay!" iyon ang huling salitang narinig niya rito. Nakakulong
pa rin ito sa mga posibilidad. Naupo siya sa isang silid na katabi nito at naupo
siya sa keyboard at pinatugtog ang isang malungkot na awitin.
Siya si Ylladia, ang isa sa nagsisilbi kay Virgo. Tagapagparusa at may
kakayahang makabasa ng isipan ninoman. Si Crescent -ang pangalan nito wala na yata
sa mundong iyon ang 'di nakakakilala.
Ipinikit niya ang mga mata at tumugtog sa saliw ng piano. Binasa niya
ang mga alaala nito gamit ang tugtugin. Ginalugad niya ang nakaraan nito ngunit
hindi niya matanaw. Isa lang ang natatanaw niya ang tinatawag nitong pangalan -si
Lyra.
Namali siya ng tipa kaya nagmulat siya -may ibang nagaganap sa pagco-
corrupt niya rito. Imbis na galit at pagkamuhi ang mamayani rito sa lahat-lahat
maging kay Lyra at sa isang pang Crescent ay hindi nagaganap. Humihina ang tibok ng
puso nito at pinakiramdaman pa niya 'to at nasisiguro na niya ang ginagawa nito,
nagpapakamatay na 'tong mag-isa! Sinisira na nito ang sarili! Pero bakit? 'Di ba
dapat maghiganti ang gustuhin nito?
"Anong ginagawa mo!" galit na sigaw niya rito ng magmadali siyang
makabalik sa selda nito, malalagot siya oras na mamamatay 'to.
"Ang mahalaga magiging masaya si Lyra, hindi siya maiiwan dahil
magkakasama pa sila," anito na wala sa hilatsa nitong sasabihin. Mababaw, marahan,
may pagtanggap ang nasa boses nito. Kung kanina nagdurusa na 'to natanggap 'din
agad ng sistema nito.
" Hindi ka maaaring mamamatay dahil hindi mo pa oras!" sigaw ni Ylladia
na hinawakan 'to sa magkabilang braso. Natigilan siya ng makitang nakapikit lang
'to at bumabagsak ang luha nito. May mga nagliliparan ring itim na paru-paro sa
paligid nito na may mga dalang maliliit na liwanag.
"Hindi ako mamumuhi kay Lyra, siya ang liwanag ko, siya ang kasiyahan
ko, siya ang may gusto ng maraming anak na kamukha ko, siya ang tumanggap sa 'kin
at kahit anong gawin ng iba para sirain siya sa paningin ko ay 'di magaganap. Kung
darating ang panahon na masasaktan ko siya ipinangako ko sa sarili ko na
magpapakamatay na lamang ako, at handa na 'kong maglaho h'wag ko lang siyang
masaktan dahil hindi ko siya gustong nasasaktan nang dahil sa 'kin, labis na ang
pinagdaraanan niya, pabayaan n'yo na siyang maging masaya," mahina ang pagbigkas
nito pero rinig na rinig niya. Hayaang maging masaya? Ito ba si Crescent na ubod ng
sama? Ito na ba siya? Ito ba ang pagmamahal na handang magsakripisyo?
" H'wag kang susuko, magsasama pa tayo! Magiging iisa pa kayo,
Crescent! Mahal na mahal kita! Hintayin mo 'ko," ang mga salitang 'yon ang ilang
beses na umalingawngaw sa isipan ni Crescent. Pinaghihintay siya ni Lyra, gusto pa
siya nitong makasama, gusto nitong maging isa pa rin sila, at sinabi nitong mahal
na mahal siya nito. Hindi totoo ang mga pangitain niya na magiging masaya 'to kapag
nawala siya. Malulungkot si Lyra -masasaktan si Lyra kapag hindi siya tumupad sa
pangako niya.

READ. VOTE. COMMENT!


Next -- The fourth SON!
130 VOTES next chaps.
Jovielyn Rivera (MisaCrayola) FB

TF II: 8th God

TF II: THE 8TH SON


"Seventh, Shin, Crescentine, Chrysanta, " nangiti si Crescent ng maalala ang mga
anak niya. Isa bang kamalasan na siya ang naging ama ng mga ito? Wala na yatang
makakapagpalinis sa pangalan niya -hindi rin naman niya binalak linisin pa.
Sa madilim na selda na 'yon at mga nakabibinging pagwawala sa ibabang
selda ang naririnig niya. Ilang araw na lang at magwawakas na siya. Pero hindi siya
magwawakas nang 'di naibibigay ang pinsala na katumbas ng pagdurusang pinagdaraanan
ng pamilya niya. Ngisi ang pinawalan niya kasunod ng pagpupula ng husto ng kaliwang
mata niya.
Sa kabilang dako ang isang Crescent na nasa Abyss ay nahawakan ang
kanyang kaliwang mata at marahang bumangon kasunod ang ngiti. Ito na ang panahon.
Ang panahon para ilabas ang kanilang alas -ang totoong anyo ng New Moon Drop.
Sa mundo ng mga mortal sa gitnang silangan nakatayo si Light sa madilim
na bahagi ng kagubatan na 'yon. Maraming sumugod sa kanya ngunit lahat 'yon ay
napaslang niya. Nang tila tmibok at humapdi't manakit ang pulang mata niya ay alam
na niya na ito na ang senyales na nasa tamang puwesto na silang lahat.
Si Crescent na nasa Abyss at si Dark na nasa loob ng selda ng
Underground World at siya na nasa mortal na mundo. Ngayon kakabakahin ng mundo ang
ganti ng isinumpang kambal.
Paanong makakalimutan ni Light ang araw na pinlano nilang buuin ang New
Moon Drop -ikalawang mundo na para sa kanila. Ngunit maraming tumutol at nagwasak
ng pangarap na 'yon sapagkat ayon sa Underground World isa 'yong tampalasang
adhikain na maging Diyos.
Alam nila na maaaring mapaslang sila kaya naman may tagapagmana sila.
Ang tagapagmana na noon pa nila binuo -noong bago dumating sa buhay nila si Ceres.
Ang nasa tore ni Crescent -sa ilalim niyon ay nakatago ang tagapagmana na ngayon ay
bubuhayin na nila. Ang nilalang na maglulunsad ng New Moon Drop at bagong mundo.
Kung tutuusin hindi bagong mundo ang binuo nila kundi isang nilalang na may
kakayanang lumikha ng lubhang pagkawasak, nilalang ng eksperimento, nilalang mula
sa kanilang mga kamay, isipan, at kagalingan bilang mga nilalang. Kung paano nila
dinaya at hinuwad ang mga detalye ng New Moon Drop at inanyuan na ito na ang Abyss
kung nasaan ang digmaan ay isa lamang kasinungalingan. Dahil ang bagong mundo nila
ay ngayon pa lamang magsisimula!
Nangisi si Light. Sino ba sa kanila ang may adhikaing maging Diyos?
Walang iba kundi si Dark Crescent! Ang mapanganib na bersyon ni Crescent ang may
adhikain niyon kaya naman walang ibang makakapigil dito. Kahit kailan hindi
nagpahuli si Crescent ng walang alas. Tuso, mapanlinlang, mapangwasak at ang ganti
nila ay magsisimula na.
Nilinlang nila ang marami -dahil una pa lang magkakampi na sila. Una pa
lamang may iisa na silang mithiin. At kahit dumating sa punto noon na 'di na siya
matanggap ni Crescent ay 'di niya ibinagsak at ipinagsabi ang lihim nila. Nanatili
siyang tahimik at 'di kinukunsinti ang kasamaan nito na palagi niyang hinuhusgahan
sa mata ng iba. Ngunit ang totoo ay paraan lamang iyon para hindi isipin na may
lihim silang pinoprotektahan na ngayon ay sasambulat sa mga Diyos ng Underground.
'Di pa sila sumusuko sa laban -hindi pa.
Habang nagkakalat ng lagim ang eksperimento ng baliw na scientist na puro kamukha
ni Crescent ns pumapaslang sa mundo ng mortal ay siya namang paglikha nilang tatlo
ng pinakamalaking blood circle na aabot sa bawat panig ng kinalulugaran nila.
Wala nang matitira sa mundong 'yon kundi ang pagkawasak. Ibibigay na
nila sa mga Pureblood ang pagiging bayani sa mga tao. Tutal ang mga ito naman ay
may hiwalay na mundo. Ngunit hindi katulad ng adhikain nila ang adhikain ng mga
ito. Sapagkat gusto nilang higitan ang lahat -gusto nilang abutin at lagpasan ang
limitasyon nila, sabihin pang ang pagiging gahaman sa kapangyarihan at trono ay
katumbas ng kanilang buhay.
Isang malakas na kulog at gumuguhit at mapangwasak na kidlat ang
walang habas na bumabagsak sa iba't ibang panig ng mundo. Walang minutong may
bahagi sa mundo na hindi nayayanig at nagkakaroon ng pagkawasak.
Maraming mga bampira ang tumulong sa mga tao dahil iyon ang utos ng mga
pureblood. Marami ring buhay ang nagwakas sa iba't ibang oras dulot ang 'di na
mapigil na kalamidad. Ang mga anghel ay nagsisibabaan na mula sa pag-uutos ng mga
heneral na anghel na siyang katulong ng mga bampira sa pagsagip sa mga tao at
kalaban naman kung magkakakabanggaan sa isang lugar.
Nagbibitak ang mga batuhan kung saan man tumama ang pulang liwanag na
nagmumula sa tatlong nilalang na gumagawa ng pinakamalaking blood circle na mabubuo
sa tanang kasaysayan.
Laganap na ang pagkawasak at hindi na rin biro ang pinsalang nagagawa
ng mga likha ng scientist na puro kamukha ni Crescent na siyang naging gatilyo
upang 'di malaman nang ibang naghahanap kay Light kung nasaan ito. Maraming
Crescent ---malalakas at mapaminsala gayunpaman kung lakas ang batayan wala ring
laban ang mga it kay Vlad Zordick at Gerald Draven na siyang nakikipaglaban sa
kabilaang mga huwad na Crescent.
Sabay-sabay nilang binanggit ang wikang sila lang ang nakakaunawang tatlo. Ang wika
ng pagbuhay sa kanilang tagapagmana. Sa bawat kataga pabilis ng pabilis ang
paggalaw ng pulang liwanag na umiikot sa buong paligid -sa karagatan, kabundukan,
iba't ibang isla at sa isang iglap ang liwanag na nagtagpo ang dulo sa mundo ng mga
mortal ay lumikha ng pinakamalaking blood circle na ikinahinto ng mga anghel na
nasa himpapawid. Nagliliyab ang malaking bilog na sinakop na ang pinakasentro ng
mundo! Pagkabigla at pagkabahala ang lumarawan sa kanilang mga mata. Napakalaking
blood circle! At nang subukin nilang pumasok sa bilog ay ikinapaso nang mga nauna
at ikinasunod ng mga ito! Ibig sabihin lamang nasakop na ang buong lugar na 'yon
nang kung sino man na lumikha ng blood circle. Humagupit na rin ang hangin sa
paligid niyon na wari'y ikalawan elemento na pinoprotektahan ang nagliliyab na apoy
na sinundan pa ng pag-aanyong dragon ng tubig mula sa karagatan na umikot nang
husto sa nilingkisang malaking blood circle.
Si Light ang kumokontrol sa elemento ng hangin habang malakas naman ang
puwersang pumrotekta dito mula kay Crescent. Pareho nilang ponoprotektahan ang
nagliliyab at nagngangalit na apoy ng blood circle ni Dark. Kahit kailan 'di nila
ibabagsak ang isa't isa!
"Wala na kaming magagawa para baguhin ang mga naganap na, ngunit may
panahon at pagkakataon pa kaming paglabanan ang kapalaran bilang mga may pulang
mata. Darating ang panahon na ang pagkakaroon ng pulang mata ay isa nang biyaya at
hindi sumpa. " ani Light na 'di ininda ang kapalit na hagupit nang ginawa nilang
blood circle dahil tila may mga matatalim na sumusugat sa katawan nilang tila
pinupunit nang malakas na pinawalan nilang pinakamalakas nilang kapangyarihan na
siyang pinaglaanan nila ng buong puwersa nila.
" Saka na isipin ang konsekwensiya, gawin na muna nang walang
pagdadalawang isip," ani Light, iyon ang linya ni Dark.
Nagdidilim na ang kalangitan na tila nbabahiran ng kulay dugo.
Sa tore ni Crescent ay siya namang pagbangon mula sa kinahihimlayan ang isang
binatang puno nang kandado ang pilak na kulay ng kabaong na siyang kusang nawasak
dulot ng nakakapagpayanig na ginawa ng tatlo.
Kaliwang kamay nito ang unang kumapit at kasunod niyon ang marahang
pagbangon nito. Mala-sutla ang kulay ng balat nito, itim na itim ang kulay ng buhok
at may matang matalim kung tumingin na itim na itim rin. Ngiti agad ang unang bati
nito sa paggising. Una niyang ginalaw sa harapan niya ang kanang kamay niya na tila
batang kinatuwaan na nagsasara't bukas 'yon.
Bago pa siya magising marami nang nakapasok sa isipan niyang memorya.
Kung sino ang ituturing niyang ama at ano ang misyon niya sa mundong iyon. Iyon ang
wasakin ang lahat at maging pinakamalakas. Ang dugo ni Crescent Wolveus ang
dumadaloy sa kanya. Ang banal na dugo nito ang bumubuhay sa kanya kaya ito ang ama
niya. Ito ang bumuo sa kanya para ilunsad ang sariling mundo nila. Ang mundo nang
pinakamalalakas.
" Sa wakas, hindi na 'ko isang kaluluwa na nagmamasid sa 'yo, ama,
magkikita na tayo at hindi ka mabibigo sa 'kin," inosente ang ngiti niya nang
tumayo suot ang robang siyang kinamulatan niyang kasuotan na puting-puti. Ngunit
agad na naglaho ang inosenteng ngiti niya at napalitan nang nakakatakot na ngiting
walang buting gagawin. Nagliliwanag ang itim na mata nito na naging kulay pula ang
magkabila. Kasunod niyon ang biglaang pagguho ng tore na nagkaroon ng lamat. Bago
pa gumuho nang tuluyan ay naglaho na siya sa kinatatayuan niya.
Mabilis ang pagkilos niya at tuwang-tuwa siya na mayroon na siyang
totoong katawan. Napakalaya nang pakiramdam niya kaya naman tila siya hayok na
hayok na makipaglaban dahil sa wakas ay mahahawakan na niya ang mga ito. Ilang
halimaw nang kagubatan ang walang habas niyang pinagpapaslang. Wala siyang iniiisip
kundi ang kasiyahang pumatay. Sino man ang maabutan niya ay talagang pinapatay niya
at gamit ang mga kuko niya nang 'di humihinto sa pagtakbo. Tuwang-tuwa siya na ang
kanina'y puting-puti niyang kasuotan ay nabahiran na nang dugo at tila naliligo na
siya sa dugo dahil sa mga talsik na siyang ikinatutuwa pa niya.
" Sino ka?!" nanginginig ang isang lalaking bampira na nakasuot na tila
kawal. Pinabagsak lang sa isang iglap ng nilalang na nakangiti ngayon sa harapan
niya ang buong hukbo niya sa karumal-dumal na paraan. Maraming talsik ng dugo ang
damit nito hanggang mukha ngunit wala lang iyon dito. Pulang-pula ang mata nito at
nakakatakot ang painosenteng ngiti nito.
"Mula sa eksperimentong New Moon Drop, binuhay ng dugo't kapangyarihan
ni Crescent! " anito kasunod nang ngiti na lalong ikinanginig ng lalaki lalo pa't
humakbang ito palapit sa kanya at kada hakbang ay ngingitian siya na ikinaaatras
niya. May kakaiba sa nilalang sa harapan niya. " Ako si Blood! " ngiting-ngiti pa
talaga 'to pagpapakilala.
"Blood?"
"Bloody Sky na lang kaya?" natawa pa 'to. "Wakas na nang mundo, ano
pang ipinaglalaban mo? " nawala ang ngiti nang lalaking nagpakilalang Sky at
lumarawan ang galit sa mga mata nito.
Napalunok nang ilang ulit ang bampira at nginig na nginig na.
"Tandaan mo 'to, magiging Diyos si Angelus na ngayon ay kinikilalang si
Crescent Wolveus. Ipagkalat mo 'yon ha? " tumawa na naman ito at bigla na lamang
naglaho at tanging malamig na hangin lang ang naiwan. Napaluhod naman ang lalaking
bampira at hinang-hinang minasdan ang mga pinatay nito na 'di ata pumatak ng isang
minuto. Malapit sila sa tore ni Crescent dahil nga minamanmanan nila ang bawat
lugar na may kinalaman dito para mapigilan ang anumang balak nito. Hanggang
dumating ang lalaking tila wala sa sarili at pinagpapaslang ang mga kasama niya.
"Magiging Diyos si Angelus na kinikilalang si Crescent?" iyon ang
tumatak sa isip niya. Alam niya ang kuwento ni Angelus -ito ang isa sa suwail na
anghel na ibinagsak sa impiyerno dahil mapangangkam, maadhikain, malakas at
nabubulag ng kalakasan na maging ang maging Diyos ay ninais nitong gawin kaya
pinarusahan 'to at ibinagsak sa ilalim.
Kailangan niyang sabihin sa mga pureblood ang nalaman niya!
____
UNDERGROUND WORLD
"Anong nangyayari?!" tanong ni Virgo nang makitang tila nagwawala ang nakarehas na
malaking pintuan na nakikita niya dahil iyon ang nasa labas ng kastilyo niya. Iyon
ang isa sa namimili ng mga Diyos. Nasa pinakagitna iyon ng bawat base ng pitong
Diyos kapag nasa labas sila nang mga sari-sarili nilang mundo. May kanya-kanya
silang isla na napapaligiran iyon sa Underground World. At alam niya na lahat nang
Diyos sa Underground ay nakikita iyon maliban kay Catalyst na nasa loob pa rin ng
sarili nitong mundo kasama si Chrysanta.
"Panginoon, nangyayari talaga 'yan hindi ba? Iyong gumalaw ang pintuan
ngunit ito na yata ang pinakamalakas na pagwawala ng pintuan. Hindi kaya may
napipili na talaga? " wika ni Yzabel ang kanyang kanang kamay na kasama niyang
nakatanaw sa babasaging bintana nila.
Nagwawala ang pintuan na tila gusto nang alisin ang sariling kadenang
nakapulupot sa itim na itim na pintuan na 'yon. Namasdan nila ang pagpupula nang
tatlo sa limang bato na nasa ibabaw ng pintuan na nagsisilbing paalala na may bago
nang diyos na napipili at kailangan nilang patayin iyon sa lalo't madaling panahon
bago pa magkaroon ng limang pulang ilaw ang pintuan at magbukas. Dahil kahit kailan
hindi pinayagan ang ika-walong Diyos sa underground. Isa 'yong masamang pangitain
na kapag may ika-walong Diyos ay magsisimula ang digmaan sa loob ng underground na
magiging sanhi ng pagkapaslang ng marami sa mga Diyos.
"Panginoon! Si Crescent, sa tingin ko siya ang dahilan! Siya ang napili
nang pintuan para bigyan nang ika-walong trono sa underground world! Panginoon ang
ika-walong puwesto ay nagbabadyang mapasakanya! Ibig sabihin lamang maaari siyang
gumanti oras na mapamanahan na siya nang sinlakas nang kapangyarihan ninyo,
kailangan na siyang paslangin bago pa tumutol si Catalyst at Zandro! Patawan na
siya nang kamatayan!" wika ni Yzabel na nakabadha ang takot.
" Wala siyang laban sa sinoman sa mga Diyos hangga't 'di napapasakanya
ang itim na Dragon na nasa loob ng pintuan nang ika-walong Diyos, Panginoon bigyan
mo siya nang karangalang mamatay sa inyong mga kamay sapagkat hindi ko man aminin,
siya ang pinakamalakas na nilalang na nakilala ko. At kung hindi lang isang
masamang pangitain ang pagkakaroon nang ika-walong Diyos ay nararapat siyang
mapabilang sa inyo. Ngunit dahil iyon ay napakasamang pangitain, paslangin n'yo
siya nang may karangalan na magaganap sa kamay ng isa sa mataas na Diyos na katulad
ninyo," -Yzabel.

READ. VOTE. COMMENT!


Subaybayan n'yo na rin ang CATASTROPHE dahil may parts doon na p'wede n'yo rin
magamit rito. :) ALSO, Seventh Sanctum is available again! Add na sa library.
Magpapahinga muna ako, OCTOBER na 'ko babalik bibitinin ko muna kayo. BUSY si
Misang 'dibale kung mapapalabas n'yo ko sa mga comments and votes n'yo hahaha!
Lovelots. - Jovielyn Rivera (MisaCrayola) FB

Still available ang RBW book! :) Nagpadagdag kasi ako dahil dumami ang bumili kaya
maraming-maraming salamat pips! :)

TF II: Angels!

TF II: Angels!

Maaliwalas, maliwanag, puno nang sigla at sadyang napakaganda nang lupain ng mga
tala. Ang Lupain ng mga tala ang nagsisilbing base ng council. Isa iyong matarik
na bundok sa kalangitan na animo'y isang palasyong puting-puti ang nasa tuktok
habang ang nagsisilbing bundok niyon ay luntian na luntian. Ang bundok ay
napaliligiran ng asul na asul na karagatan. At sa paligid niyon ay naroon na ang
mga naggagandahang tanawin, kabahayan at ang panaka-nakang pagbagsak ng yebe.
Ang AG-Council (Konseho ng mga Anghel ) ay kinabibilangan ng labing-
dalawang anghel na siyang nagsisilbing tagapag-utos, tagapagbalita at tagapagbagsak
sa mga 'di karapat-dapat na anghel ayon sa kanilang pamantayan. Sila rin ang
nagtatalaga sa EROS kabilang ang kanilang Banal na Espiritu na nasa kanilang Banal
na Lupain na may daaanan sa isa sa mga kuwarto sa loob ng mala-palasyong puting-
puti nilang base patungo sa tinatawag nilang kalangitan.
" Hindi ko akalain na aabot siya sa ganitong antas," wika ni Claudette
na nagpasimula sa usapin. Naroon sila sa mahabang puting mesa habang nagpupulong
silang labing-dalawa sa isang puting-puti ring kuwarto na may mga disenyong ginto
sa paligid. Maging ang kulay tila ay tila yebe at mga balat na animo'y araw ang
magiging makasalanan sakaling mainitan ang mga iyon. Perpekto ang mga itsura nila
gayunman sa lahat ng mga anghel sila ang tinatawag na walang puso. Sila ang
nagpaparusa at nagdadala sa impiyerno -sila ang batas. Madalas ang desisyon kapag
nahahati ay kakaba-kaba sapagkat marami ang maaaring magkasalungat ng kagustuhan.
" Angelus, I mean Crescent," nangiti naman ang nagsalitang sil Haven na
nasa dulong kabisera. " Nang ibagsak siya sa Impiyerno nasa misyon ang lima sa
council, ngunit dahil mas lamang ang nandirito ipinagpatuloy ang boto sa
pagpapabagsak sa kanya,"
"Ano pang dahilan para ibalik natin ang matagal nang pangyayari? Ang
usapin dito ay mas matindi ang naidudulot niyang pinsala sa sangkatauhan!" ani
Alexander na siyang nasa punong kabisera. Isa siya sa pitong natira noon sa
pagpapabagsak kay Crescent.
" Galit agad? 'Di p'wedeng simulan natin sa umpisa dahil sa 'tin siya
nag-ugat?" nangingiti't napapailing si Haven sa naging reaksyon nito.
"Wakasan na siya iyon ang nararapat, " deklara ni Alfonso na isa rin sa
nasa pitong nagpabagsak kay Crescent sa impiyerno noon.
" Pito kayong natira, lima kaming nasa misyon. Itinuloy n'yo ang
pagpapabagsak sa kanya dahil sa palagay n'yo sapat na ang bilang n'yo para
magkaroon ng resulta. Lumabas ang limang boto na ipabagsak siya at dalawa ang
hindi," tinignan ni Haven si Savanah at Nicholas na kambal na anghel. " Lima kaming
nawawala, paano kung lima naming iboboto na hindi siya dapat paalisin sa lupain ng
mga tala? O baka magkaroon tayo ng anim sa anim, " dugtong ni Haven.
"Ano bang gusto mo? Tapos na 'yon!" hindi na napigil na Gabryl ang
sarili dahil isa siya sa bumoto na paalisin 'to sa lupain na 'yon.
"Tumigil na kayo! Tapos na 'yon at hindi na natin maibabalik pa!
Naibagsak na siya at napunta sa impiyerno, pinangalanan at muling isinilang sa
mundo ng mga mortal sa lahi ng mga lobo. Ngayon kinakalampag niya ang underground
World at maaaring dahil sa ginawa niya bumukas ang pinakamapanganib na pintuan na
dating alamat lamang na ika-walong Diyos! Mas mapanganib 'yon higit sa Abyss!"
naroon na ang pagkainis at may bahid nang pagsisisi sa mata ni Shanel. Wala siya sa
botohan at totoong dinibdib niya ang pag-alis ni Crescent - ang pagpapatapon kay
Angelus.
"Iniisip ko na lahat naman may rason, na lahat naman nang nagaganap ay
nakabubuti," sa bihirang pagkakataon ay nagsalita si Vianca. Nangiti si Haven dahil
iyon naman ang balak niya ang ibalik at pagsalitain ang mga nasa council -maybe it
was happened a long time ago, but still for those who fought the battle to defend
Angelus there will be no long years passed it will always remain as their present
until it will be answered. " He came from my League, parte ko siya dahil
nasasakupan ko siya bago ko siya ipinadala sa Knights and Angels ( Special School
for Angels na may mga potensiyal na maging Knight ng mga Anghel ) magaling,
matalino, malakas at walang sino man ang nakalinlang sa kanya. Wala siyang ibang
itinatanong sa 'kin noon kung ano ba ang hangganan nang lupain ng mga tala. "
Pumatak ang luha ni Vianca kaya natahimik ang lahat, "Kalayaan sa lupain na 'to ang
hinahangad niya at hindi ang maging Diyos, ngunit pinigil ko siyang umalis kaya
nagpatuloy siya rito. Marami ang humahanga sa kanya gayun rin ang nagagalit sa
kanya. Siya ang naging pinakamagaling. 777 ang ranggo niya nang ipasok ko,
pinakadulo. Sa isang saglit umakyat siya sa ika-pito sa loob ng isang taon
samantalang ang nasa mga ranggo ng 500 ay limang taon na halos ang ginugol
makaakyat lamang. " ani Vianca na nadarama ang kurot sa dibdib.
"Isa sa dahilan kung bakit kahit naging totoong masama siya noon at
mapanganib ay 'di ko siya ibinilang sa dapat parusahan. Magaling, malakas,
matalino, walang sinoman ang kinatatakutan niya isang katangian ng anghel na
maaaring maging pinakamatatag na pinuno. Kaya hindi ako sangayon na umalis siya sa
lupain ng mga tala, lalo na ang parusahan. Isa siyang malakas na anghel, ang tulad
niya ang magiging isa sa tagapagtanggol natin. Sana nasa panig pa rin natin siya at
kung tutuusin kung hindi siya pinaalis maaaring isa siya sa nakaupo ngayon sa
council na 'to. Malaki siyang kawalan sa lipi natin, sana'y isa siyang anghel na
tinitingala at hindi dinudusta ng mga hayop na demonyo ng underground world!" galit
na pahayag ni Samantha.
"Definitely! Hindi siya dapat magiging malaking tinik sa 'tin kung nag-
isip kayo bago n'yo siya alisin rito. Dahil kahit burahin ang alaala niya
mananatiling isinilang siya taglay ang matalinong isip, kagalingan at kalakasan. At
ngayon, masdan n'yo ang ginawa n'yo sa kanya -higit na malakas, magaling, matalino.
Wala ngang makapagsabi sa 'tin kung ano ang susunod niyang kayang gawin hindi ba?
Walang may alam kung ano pa ang tumatakbo sa isipan niya, " ngiti pang mas tagumpay
ang pinawalan ni Haven. Magsisimula na ang rurok ng kuwento.
Natapos ang pulong at bumaba mula sa lupain ng tala si Haven. Isa siyang binatang
may mahabang puting-puting buhok. Maamo ang mukha niya tulad nang ibang anghel
ngunit siya ang isa sa Stray Angel -sapagkat isa siya sa sumusuporta sa Underground
God na si Catalyst na siyang tinungo niya. Kung titignan iisipin na isa siyang
magandang dalaga dahil sa liit ng mukha niya na madalas ipagkamali ng iba. Ngunit
sa katagalan ay nakilala na rin siya nang mga tauhan ni Catalyst bilang isa sa
tinatangi nito.
Puting-puti maging ang kasuotan niyang umaabot sa talampakan.
Minamasdan niya kung may nabago ba sa mga rebulto ni Catalyst na pawang kadalagahan
ngunit wala naman siyang napansin. At hindi niya gusto ang ma rebultong iyon noon
pa man kaya naman kumuha siya nang isang hibla ng buhok niya na agad namang naging
isang matalas na sandata saka niya winasak ang mga iyon kasunod nang ngiti sa labi.

Ito ang araw nang paglabas nito kasama ang anak ni Crescent. Hihintayin
na lamang niya ito sa kuwarto nito. Walang kasarian ang tulad nila -kaya nilang
maging babae o maging lalaki. Ngunit hindi nila pinili na mapahanay sa lahi ni Eba.
Si Catalyst, ang perpektong nilalang na gusto niya kaya naman tinutulungan niya 'to
sa lahat. Maging ang naganap sa council na pag-aaway-away ay isa sa plano nila.
Kasunod niyon ang pagbaba niya sa Abyss -ngunit bago siya magtungo sa Abyss
titignan muna niya kung ano na ang itsura ng anak ni Crescent at dadalawin si
Catalyst -matagal na rin simula nang magkita sila sapagkat sunod-sunod ang mga
pulong sa council at abala rin ito.
Pumasok siya sa kuwarto nito at nabigla siya nang makitang naroon na si
Catalyst kasunod na lumawak ang ngiti niya.
"Nabigla ka ba?" sumilay ang ngiti sa labi ni Catalyst ng makita siya.
"Akala ko wala ka pa, kakamustahin lamang kita at isa pa itatanong ko
lang sa 'yo ang tungkol kay Light. Walang kakambal si Angelus nang ibagsak namin,
ginawa n'yo ba siyang may kakambal?" nilapitan niya si Catalyst na nakaupo sa
harapan ng salamin at pumuwesto siya sa likuran nito. Sa salamin sila nagtitigan.
" Hindi -" sagot ni Catalyst. " Wala siyang kakambal kaya isa rin
siyang malaking katanungan sa 'min. Kagaya ba siya ni Dark? Nang mga anak ni
Crescent? " dugtong na tanong nito.
"Hindi kaya iisa lang silang tatlo? Katulad ng mga anak niya. O' mas
tamang sabihin na sino ba sa kanilang tatlo ang totoong katauhan ni Angelus? "
pabulong na wika ni Haven na inilapit pa ang labi malapit sa tenga ni Catalyst.
"Naisip ko na rin na iisa lang silang tatlo, paano lang nangyari 'yon.
Pero kung titignang mabuti, iba si Light kay Dark at Crescent. Ibang-iba siya," ani
Catalyst na pumikit na lang ng mariin. Kay Crescent siya kung laban nit okay
Gremory ang usapan. Ngunit iba kapag ika-walong Diyos ang ipipilit nito. Lahat sila
ay magiging kalaban nito sapagkat lahat sila ay piping umaasa rin na makamit ang
kapangyarihan ng itim na Dragon sa loob niyon. Ngunit paano si Chrysanta? Kailan pa
siya nakaisip alalahanin ang kalagayan ng iba?
" Nasaan ang anak ni Crescent?" biglang naalala ni Haven si Chrysanta.
"Zandro,"
"Kinuha agad? Hindi ko man lang siya nakita. Napakamalas niya at ang
masamang impaktong 'yon ang nagmamay-ari sa kanya," naupo si Haven sa mismong mesa
na kanugnug ng salamin kaya napamulat si Catalyst.
**
Lyra
Ang haba na nang pinagdaanan natin Crescent. Heto na naman ako, tumatakbo patungo
sa 'yo. Umaasa na sana sa dulo ng lahat ng 'to makangiti ka na uli. Miss na miss ko
na kasi 'yung ngiti mo na parang wala kang problema. Noong magkakasama tayong
pamilya noon, akala ko magiging masaya na tayo -may problema minsan pero hindi
ganito na lahat ng anak natin maging ikaw baka magising ako isang araw na wala na.
Sabi ko hindi ako susuko kapag dumating sa puntong 'yon 'di ba? Pero nangako ka rin
sa 'kin na 'di ka susuko. Lalaban tayo, pagdating sa 'yo pakiramdam ko palagi akong
teenger na paiyak-iyak!
Napahinto na 'ko at katulad ng sinabi mo sinabi ko ang spell na
makakapagpaakyat sa 'kin sa tore at sa isang iglap naglaho ako sa ibaba. Namulatan
ko ang isang kuwarto kaya agad akong bumangon. Ang kuwarto nating dalawa. Bumaha na
naman ang luha ko, sabi na Lyra hindi ka na dapat iyak nang iyak! Para kang bata
palagi!
Pakiramdam ko tinutusok ang puso ko, naaamoy kita dito. Pero 'di ako
mawawalan ng pag-asa maililigtas ko kayong dalawa at magiging isa na ng tuluyan.
Ayoko na kahit isa sainyo mawala -kayong dalawa ang bumubuo sa lalaking itinatangi
at minamahal ko.
Lumabas ako para hanapin si Crescent na nandito sa tore. Pumunta ako sa
sinabing kuwarto sa tuktok ng tore at natagpuan ko siya roon na nakatayo malapit sa
bintana.
"Bakit ka nagbabalik?"
Nabigla ako sa tono ng pananalita niya lalo na nang tumingin siya sa
'kin.
"Crescent -"
" Umalis ka na hindi ba? May naiwan ka ba?" aniya na ikinaestatwa ko.
Siya ba 'tong nagsasalita? Sumandal siya sa bintana at nakahalukipkip na tinignan
ako. Pakiramdam ko kinukurot ang puso ko. May hinanakit pa ba siya sa 'kin? Hindi
ko mapigil ang mga luha ko. Gustong-gusto ko na kasi siyang yakapin.
"Lyra, kung maayos na kayo ni Dark hanggang doon na lang 'yon. Kunin mo
na kung anong nakalimutan mo at bumalik ka na sa mansion n'yo. Siguradong ililipat
ka nila sa lupain ng mga pureblood para maging ligtas. " aniya pero bago pa siya
tumalikod niyakap ko na siya. Hindi ako natitiis ni Crescent, mahal niya 'ko! Kahit
ganito ako, mahal niya 'ko.
"Wag mo na 'ko sungitan, alam mo naman na patay na patay ako sa 'yo 'di
ba?" umiiyak na sabi ko sa kanya. 'Di naman umimik! "Crescent, ikaw ang unang
humalik sa 'kin sa leeg, kumagat sa 'kin sa balikat, humalik sa labi ko. Virgin nga
ako nang makuha mo 'di ba?" tumingala ako sa kanya at namumula siya kaya hinawakan
ko ang mukha niya ng dalawang palad ko. " Panagutan mo na 'ko hanggang huli,
nagsasawa ka na ba sa 'kin? May iba na bang sexy? Nakakita ka na ba ng gusto mong
malaking boobs!" napalakas na tanong ko kaya nangiti siya sabay halik sa noo ko.
" Dito mo ba talaga gusto? Mapanganib Lyra, "naramdaman ko na ang
pagyakap niya. This is him. Sabi ko, hindi naman ako suwapang na babae. Pero hindi
man sila maging isang dalawa 'di naman siguro masamang dalawa silang Crescent na
asawa ko.
" Lyra, hindi ako maaaring umalis sa tore na 'to. Hindi ako ganoon
kalakas dahil kagagamit ko lang nang lakas ko, kung mapapaslang ako ganoon rin si
Dark," aniya na itiningala ako ng marahan ng palad niya at tinitigan.
"Alam ko naman, ako ang gagawa ng paraan sa mga anak natin. Bababa
akong muli, pumayag na siya na tulungan ko kayo kaya pumayag ka na rin. May
magagawa ako pangako," pagkukumbinsi ko sa kanya. Alam kong kaya ko, basta
magtiwala siya sa 'kin.
" Lyra," hinaplos niya ang buhok ko at nginitian ako. " May sasabihin
ako sa 'yo," anito na lumapit ang labi sa tenga ko dahilan para bahagya akong
kilabutan sa mainit na paghinga niya.
" Kahit kailan hindi mo 'ko binigo, kahit kailan hindi ka naging
pabigat sa 'kin. Ikaw lang ang minamahal namin ni Dark, ang ngiti mo ang naging
sandigan namin. Hindi ko gustong masaktan ka, wag mong kakalimutan na magwakas man
kami naging masaya na kami. Naging kuntento sa pagdating mo at nang mga anak natin,
hindi kami mamamatay na nagdurusa sapagkat sa kahuli-hulihang buhay namin alam
naming na kasama ka namin na lumaban. " Kinuha niya ang palad ko at alam ko na wala
ng patid ang pagluha ko, bakit pareho silang may pagpaparamdam ng pamamaalam sa
'kin. Tinatatagan ko ang mga tuhod ko -hindi pa tapos, kaya pa namin mabuhay.
" Noon pa man alam namin na maaaring buhay namin ang kapalit nito. Kung
sakaling isusuko namin 'to, wala ring mangyayari sapagkat papaslangin pa rin nila
kami. Lyra, mahal na mahal kita. " aniya kaya tumango ako. Ganoon din ang sinabi
niya, nasa panganib pa rin sila.
"Mabubuhay tayong lahat, hindi natin basta tatanggapin na hanggang doon
na lang tayo. Susubukan nating mabuhay at matalo sila kahit na marami sila ha?"
hinawakan ko ang kamay niya. Ang sakit kapag nagbabalik ang mga alaala. Pakiramdam
ko, ito na ang katapusan ng isang telenobela na sinubaybayan ko ng napakahabang
panahon. Iyon bang nagsimula sa umpisa at ngayon nalalapit na ang pagtatapos kaya
kailangan ng mamaalam. Pakiramdam ko rin, oras na humakbang na 'ko palayo sa kanya
sa katapusan na rin kami magtatagpo.
Hinalikan niya 'ko sa labi ng marahan at buong ingat. Kinabig ko ang
ulo niya upang palalimin ang halik. Katulad nang isa pa -puno ako nang pagmamahal
sa kanya.
At sa ikalawang pagkakataon tumakbo ako palayo sa kanya dala ang mga luha ko at
naninikip na dibdib. Alam ko na tumalikod rin siya at masakit isipin nab ago kami
maghiwalay ng tingin pumatak ang luha niya. Kailangan kong maging matatag - iyan
ang paulit-ulit kong isinasaksak sa isip at puso ko. Para kay Crescent, sa mga anak
namin at sa kalayaang hinahangad namin.
Hindi ako nagsisisi na siya ang minahal ko. Higit kaninuman, wagas ang
pag-ibig ni Crescent. Hindi siya humanap nang nakahihigit sa 'kin. Masakit man na
iwan siya aalm ko na masakit rin sa kanya na pakawalan ako.
Pero kailangan kong mapagkasundo ang tatlo dahil iyon na lang ang
tanging paraan. Kailangan ni Crescent ang Trinity Blood. Kailangan niya ang tatlong
anak namin. Kailangang matanggal ang sumpa ng Eros at Thanatos.
Ang mga sandata nila'y may mga pangalan. Maaaring nagkapalit-palit
sila, iyon ang sabi ni Crescent. Kung nagkapalit ang mga ito, maaaring isipin nila
na may pinapanigang anak si Crescent.
Isang buwitre ang kasama ko pagbaba at nang makababa ako ay tumakbo
agad ako. Sa kanlurang bahagi may malakas na puwersang naglalaban. Kinakabahan man
ako pero pakiramdam ko, malakas ang kutob ko na maaring mga anak namin 'yon.
" Hindi ka ba napapagod pagtakbo, " isang boses ang nagpahinto sa 'kin.
Paglingon ko isang nakangiting lalaki ang bumungad sa 'kin. Bigla niya 'kong
hinawakan sa braso at pinagkatitigan.
"Naiinis na 'ko, nauubos ang pagtitimpi ko kay Crescent. Hindi pa rin
siya nagpapakita sa 'kin, paano ko wawakasan ang digmaang 'to kung hindi ko pa siya
napapaslang!" aniya sa nagtatagis na bagang at galit na galit na tono.
Inalis ko ang kamay niya ngunit 'di ko magawa at nasasaktan na 'ko.
"Bumitiw ka! Sino ka ba! " galit na sigaw ko sa kanya. Kinuha ko ang
punyal na binigay ni Crescent sa 'kin at isinaksak ko 'yon sa braso ko kaya
napabitaw siya. Lumayo ako ng bahagya bago iwinasiwas ang punyal hanggang maging
espada 'yon.
"Ako ang papatay sa buong pamilya mo," aniya na nginisian ako . Bigla
siyang sumugod sa 'kin kaya agad kong hinirang ang espada ko na nahawakan niya lang
ang patalim.
"Kahit anong lakas ng sandata mo, hindi mo 'yon magagamit kung wala
kang sapat na kaalaman at pagsasanay sa paggamit niyan," aniya sabay sakal sa 'kin
kaya nabitiwan ko ang sandata ko. Hinawakan ko ang kamay niya na nagawa akong
iangat sa ere.
"Ughhh ---"
"Patayin na kita gusto mo?" aniya sa tuwang-tuwang mukha. " Kung gusto
mo naman, maaari kitang maging kasama sa kama. Maganda ka namin kahit ---"
Nabitiwan niya 'ko, 'di ko alam kung bakit. Nag-ihit ako sa ubo nang
maibagsak niya 'ko paluhod.
"Ayos ka lang ba?"
Napatingala ako sa nagsalita. Napanganga ako nang bahagya. Siya na ba?
Ang isang anak namin -siya na si Crescentine?
Hawak niya ang katulad ng sandatang binigay sa 'kin ni Crescent.
Inilahad niya ang kamay niya sa 'kin at tinanggap ko naman. Hindi niya 'ko kilala.
Nagpalinga-linga siya sa paligid. Tama, biglang nawala ang lalaking
impaktong bastos na 'yon!

*READ. VOTE.COMMENT! <3


:) Last 10 chapters!
#MisaCrayola

TF II: SEVENTH ( POV )

SEVENTH SANCTUM (POV)


TORMENTED FATE

Nadarama ko na ang katapusan. Akala ko may pagkakataon pa para baguhin ang tadhana
ngunit kahit anong pasikot-sikot ang daanan ko dito pa rin pala 'ko babagsak.
Nabatid ko na napiit na siya sa selda. Ang aking ama -na umabandona sa 'kin. Siya
ang lalaking inaabot ko ngunit madalas ibinabaling ang tingin. Ngunit nang sabihin
niya ang mga katagang " Para sa 'kin," ang lahat ng 'yon at ang mga dahilan niya
-daig pang binudburan ng asin ang puso ko. Masakit ang naging pagtibok, tila
nilalamukos ang damdamin ko at lalo lamang akong namumuhi sa paligid ko.
Nagsisisi ako na isinuko ko ang sarili ko sa kalaban. Pero paninindigan ko na rin
ang nasimulan ko. Para kanino ba 'ko lumalaban? Para sa kanya hindi ba? Para
matanggap niya! Para marinig ko na sambitin niya at tawagin akong anak!
Sa pagitan nang pakikidigma k okay Shin lalo lang akong binabalot ng galit.
Nakikita ko at nadirinig ko sa kanya ang galit niya sa 'ming ama! Hayop siya, siya
na itinuring na anak higit sa 'ming dalawa! Siya na nagtamas nang pamilya na hindi
namin dinanas ang may lakas ng loob na sabihin na mas mabuti ng mamatay si ama?!
Pakiramdam ko gusto ko siyang wasakin, pagpira-pirasuhin! Oo, isa 'kong martir na
anak! Sa kabila ng sakit at nagdurugong kalooban ko sa pagkainggit kay Shin ay
nanatili ako para makita niya na higit akong malakas! Oo, lumakas si Shin ngunit
'di maikakaila na mas bihasa ako sa kanya.
Sa bawat pagbabanggaan ng mga sandata namin at pagpapalitan ng kasuklam-suklam na
tingin at mga salita daig pang may naglalagablab na apoy sa pagitan namin! Tama,
mamatay na si ama! Tama 'yon nang hindi na niya protektahan ang isang walang silbi
at pakinabang na anak na tulad ni Shin! Tama na mamatay na siya para hindi na siya
nasasaktan at nahihirapan pa. Napapagod na 'ko sa daang tinatahak niya -ayoko man
maramdaman pero ako na ang nasasaktan para sa kanya!
" Namumuhi ako sa inyong dalawa!" galit na galit na wika ni Shin, nagngingitngit
siya habang pilit na sinasangga ng espada niya ang espada ko. Bumabaon na halos ang
paanan niya sa lupang kinatatayuan niya at marami ng wasak na 'ming paligid. Halos
nagliliyab na rin ang paligid namin na tila ba nagpapaalala sa impiyernong
kinamulatan ko.
" Hindi ko matanggap na may iba pa 'kong kapatid! Akala ko kami lang! Sinungaling
siya! Para saan ang sandata na ibinigay niya?! Para kamuhian ko pa siya?! Hindi ko
na siya mapapatawad maliban na lang kung mamamatay siya! " sigaw niya kasunod ng
isang mabilis na pagbawi at siya namang tumutulak sa 'kin.
"Hangal ka! Wala kang silbi! Lumaki ka sa pagpapala ng pamilya pero hindi mo 'yon
makita! Bulag ka! Tama, mamatay na siya! Tama nang ipaglaban niya ang pamilyang
umpisa pa lang sirang-sira na! " Galit ko ring bawi ng pagbulyaw. Ang galit na
nakalarawan sa 'kin ay agad napawi ng makita ko ang isang babae na nakatayo.
Tigmak siya ng luha at labis ang kalungkutan niya. Lyra -siya ang aming ina.Narinig
niya ang mga salitang binitiwan namin, alam kong nasaktan siya. Nakita ko ang isang
lalaki sa likuran niya. First Sanctum -may hawak siyang patalim na nakatapat sa
leeg ni ina. Pero hindi takot ang nasa mga mata niya kundi kalungkutan.
"Patayin mo na siya, o' uunahin ko ang ina ninyo?!" naroon ang pagmamadali sa boses
ni First -alam ko, dahil nalalabi na ang oras ng Abyss at ikamamatay naming lahat
ang pagkawasak nito nang hindi pa nalalaman kung sino kay Crescent at Demon Lord
ang nagwagi.
"Hindi mo siya kailangang idamay, siguraduhin mong 'di mo siya masusugatan kahit
gaano kababaw buhay mo ang magiging kapalit niyon. " galit na wika ko. " Papatayin
ko siya nang 'di kailangan ng utos ninuman!" singhal ko sa kanya at alam ko na
kahit matapang ang tingin niya'y nakadama siya ng panlalamig.
Lumayo ako kay Shin at itinaas ko ang kanang kamay ko. Kasunod ang pag-iinit ng
mata ko at alam ko na ang pagpupula niyon. Sa pagkakataong ito ay nawala ako sa
paningin niya at nakita ko pa siyang lumingon sa direksyon ni ina kaya agad ko
siyang nahawakan sa leeg. Gusto kong baliin ang leeg niya at patayin siya. Pero
tama na maghirap siya! Hinarap ko siya sa 'kin at pinagana ko ang nakalalason kong
mga mata na sisira sa sistema niya. Napatitig siya sa 'kin at alam ko na nakuha ko
na ang atensyon niya. Nginisian ko siya kasunod nang pagtarak ng patalim sa
likurang bahagi niya. Hindi niya ikamamatay 'yon, maya-maya -maaga pa naman.
"Shin! Seventh tumigil kayo!" sigaw ni ina, hindi ko siya binalingan. Nanaghoy siya
nang paulit-ulit para kunin ang atensyon ko. Pero hindi ko mapapatawad ang anak
nilang lapastangan! Wala siyang karapatang magdala ng apelyido ni ama sapagkat
mahina siya!
Hinawakan niya 'ko sa braso at plano niya pang lumaban nang mabigla siya sa
pagbagsak ng tuhod niya. Bigla siyang sumigaw dahil sa sakit kahit wala naman akong
ginawa sa kanya -oo nga pala, sinisira ko na ang sistema niya. Sa mga matang 'to,
hindi ko kailangan makipagdigma kung malalapitan ko naman ang kalaban.
Idinikta ko sa katawan niya na maranasan niya ang pasakit sa impiyerno. Ang
pakiramdam na sinusunog ang laman at binabali ang mga buto na paulit-ulit na
naranasan ni ama sa piitan. Mas malakas ang pagsigaw niya resulta ng kahinaan niya,
halos maglupasay siya habang ang mga luha niya'y walang patid. Napakasakit nang
dinaranas niya -'yan agad ang maiisip ninoman. Kaya ang boses ni ina'y hindi ko na
naalintana dahil sa mga panaghoy ni Shin.
Si papa, iilang beses ko lang siyang narinig sa loob ng sampung taon na dumaing sa
sakit. Pero si Shin, tila siya mga kaluluwang kaawa-awa sa apoy ng impiyerno sa
pagsigaw. Walang halagang nilalang!
Pinatitigil ako ni ina. Ngunit bakit? Hindi ko naman hinahawakan ang mahal nilang
anak hindi ba? Bakit ko siya pakikinggan? Wala rin siyang mabuting masabi. Narinig
na niya kung paano durugin ni Shin sa salita si ama -lalo lang akong namumuhi na
hindi nila kayang magalit sa mahinang nilalang na 'to!
" Hindi mo 'ko mapapaslang! Papaslangin ko lahat, maghahari ako, magiging emperador
ako ng sarili kong imperyo," aniya habang lumalabas na ang dugo sa bibig niya.
Hinawakan niya ang paanan ko kaya tinapakan ko ng isang paa ko ang ulo niya at
halos ingudngod ko siya sa lupa.
"Bago mo hangarin ang imperyo matuto ka munang iangat ang sarili mo sa kalugmukan!
Tama, itakwil mo siyang ama! Alam mo kung bakit? Mahina ka! Hindi siya mahina kaya
nga siya kinasusuklaman maging ng mga Diyos ng underground dahil kaya niyang
pantayan ang mga ito! At nakakahiya ang isang tulad mo na ihanay sa kanya dahil
mahina ka! Mahina ka Shin!" galit na wika ko kaya lalo kong pinatindi ang sakit na
nararamdaman niya kaya mas malakas ang naging pagsigaw niya.
"Tama na! Pakiusap! 'Wag mong ganyanin si Shin," sigaw pa ni mama. Pinilit kong
iwaksi siya at isiping wala siya sa paligid. Kailangan kong maging matatag hanggang
muli kong makaharap si papa -isasama ko na siya sa kamatayan. Doon wala siyang Lyra
na kailangang isipin at sagipin. Doon, wala siyang mga hangal na anak hindi alam
kung gaano nila dapat kailangang maging malakas dahil nakahihiya sila na tawaging
mga anak niya.
Sa kamatayan ng kaluluwa tuluyan na siyang maglalaho. Wala ng impiyerno siyang
pananatilihan at ang pangalan niya nama'y isa ng kasaysayan sa bawat mundong
kinabilangan niya. Ito lamang ang tanging paraan para masagip ko siya -ang
mapaslang ko siya na alam kong wala ng mundo o kung sino man ang gagamit sa kanya.
Alam kong pagod na siya. Alam kong nahihirapan na siya. Alam ko na gusto niya
kaming sagipin. Alam na alam ko ang paghihirap niya at miski ako'y hindi na matiis
ang dinaranas niya.
Isipin ko pa lang na may dinaranas siyang paghihirap ngayon sa piitan ay tila may
sibat ng nakatarak sa dibdib ko. Mas gugustuhin ko pang alayan siya ng bulaklak sa
puntod niya kesa sa kabatirang nahihirapan at nagdurusa siya sa piitan at
pinasasakitan. Ang kaalaman na patay na siya ay kapahingahan. Ang kabatirang nasa
paghihirap pa rin siya ay kamatayan.
" Hindi ako ang mamamatay kundi ikaw!" galit na sigaw ni Shin na pilit itinatayo
ang sarili niya. Tinitigan ko lang siya hanggang mamasdan ko ang pagbabago ng mga
mata niya. Sumunod ang sandamakmak na itim na paru-paro na may nakabibinging mga
ingay. Ang mga paru-parong itim ay nagsilbing kadiliman sa itaas ng kalangitan. May
pulang enerhiyang lumalabas sa kanya.
" Hindi mo alam ang pinagdaraanan ko! Walang nakakaunawa sa 'kin! Masakit sa 'kin
na malaman na may iba siyang mga anak! Pakiramdam ko tinraydor niya 'ko! Ang isipin
na iisa ang gusto niya sa 'kin ang dumudurog sa 'kin! Hinangaan ko siya, inirespeto
at halos maging banal na kasulatan sa 'kin ang mga salita niya! Oo alam ko na
mahina ako kumpara sa kanya! Alam ko at nahihiya ako sa t'wing maiisip kong anak
niya 'ko -hindi ko man lang siya kayang abutin, napakahina ko. Pero hindi na
ngayon, hindi na simula ng malaman ko ang mga lihim niya! " aniya kasabay ng
paglabas ng pagbubuo ng mga itim na paru-paro sa isang imahe.
"Poison blade!" sigaw pa niya na tila isang dagundong na kautusan na nagpayanig sa
kalupaan. May itinatago pa siyang kalakasan? Tss. Kung ganoon lalabanan ko na siya
nang 'di nagpipigil.
" Bakit kayo ganyan, bakit? Paano kayo naging anak niya! Tama, tama, mas mabuti na
nga na bawian siya ng buhay! Wala naman pa lang halaga para sa inyo ang
ipinaglalaban niya! " sigaw ni mama na ikinatigil ko sa tangka kong pagpapalabas sa
dragon ko. Tila ako sinikmuraan sa sinabi niya.
Maging si Shin ay napahinto. Ngunit 'di niya magawang titigan si mama.
" Hindi ko alam kung bakit ganyan kayo! Kayo na mas nakilala siya ang labis na
namumuhi sa kanya samantalang si Crescentine na hindi lumaki sa kanya ay
nakikipaglaban at halos ibuwis ang buhay mailigtas lang si Crescent! Mas mabuti
nang mamatay kami dahil wala naman pang dahilan para lumaban ako at magsakripisyo
pa siya para sa inyo! Kung alam n'yo lang na mas pinili niyang mabuhay kayo kesa
sagipin ang sarili niya sa digmaan na 'to! " iyak siya nang iyak na tila pumipiga
sa damdamin ko. Ayoko siyang nakikitang nasasaktan.
"Alam n'yo ba? Alam n'yo ba na magpapakamatay siya para sagipin ang buhay n'yo?!
Para mabuhay kayo nang 'di kailangang mamatay, gagawin niya 'yon para sa inyo! Pero
hinuhusgahan n'yo siya base sa sarili n'yong paninindigan! Hindi n'yo man lang
sinubukang alamin kung bakit! Hindi ko akalain na magagawa n'yong maging ganito sa
kanya! Hindi ko alam kung dapat na 'kong mamuhi sa inyo! Pero alam ko... alam ko...
hindi .. hindi niya gustong mamuhi ako sa inyo, dahil mahal niya kayo. Bakit hindi
n'yo maramdaman 'yon?! " puno nang hinanakit na sigaw niya at nakita ko na maging
si Shin ay tila nabigla.
Nakita ko kung paano bumagsak at mapaluhod si mama. Dinakot niya ang harapan ng
damit niya dahil tila nahihirapan siyang huminga sa labis na pag-iyak. Maging si
First Sanctum ay nag-iwas ng tingin.
Alam ko na labis siyang nasasaktan. Ang pinakamamahal niya na hindi niya na lumisan
noon ng sampung taon ay halos ikinabaliw na niya. Ano pa ngayon ang kabatirang
maaari na naman itong mawala sa kanya? Para sa mga walang kuwentang anak na katulad
namin.
"Papa, ano ba ang dapat kong piliin?"

READ.VOTE.COMMENT! <3
Thank you for supporting TF. sobrang appreciated ko! Ngayon na malapit na silang
magtapos may kahilingan ba kayo para sa kanila? May nais pa ba kayong makita/
Suggest pa! :)

Tormented Fate pt. 1

TORMENTED FATE
Part 1

" Nagtatago na si Light! Kailangan natin silang malipol at mapuksa, kailangang


mawala na sa mundong ito ang katulad nila at 'di na muli pang maging bahagi ng
bagong mundo!" wika ng isang anghel kay Haven na abala sa sariling isipin kaya
bahagya itong napaigtad at nangiti rin kapagdaka.
Pinagsalikop niya ang mala-kandilang mga daliri sa maliit na babasaging
mesa at minasdan ang isa sa mga anghel na nasasakop niya.
"Huminahon ka, hindi mo naman kailangang maging ganyang kabalisa," ani
Haven pa na hindi alintana ang malakas na sunod sunod na pagsabog. Simula nang
matapos ang kakaibang kapangyarihang bumalot sa mundo ay 'di na natagpuan ang kahit
anino ni Light. Maging ang dahilan ng puwersang inilabas ng mga ito ay 'di rin biro
at alam nila na may iba 'yong ibig sabihin. Iyon lamang para saan nga kaya?
"Wala tayong gagawin?" tanong pa nito sa kanya. Agad namang ngumiti si
Haven at tumango. Nang makaalis ito ay wala pang isang oras na tinungo niya si
Catalyst.
Ngunit sa pasilyo pa lamang ay nakita niya na ang isang dalagang may
kulay gintong buhok. Nagkatitigan sila at namasdan niya ang mga mata nito at ang
maliit na labing minana nito sa ina. Si Chrysanta na kung ano ang amo ng mukha ng
ina ay 'di nito nakuha. Matapang at sa kabila ng kagandahan nito ay tila hindi ito
madaling kapalagayang loob. Nakasuot ito ng mangasul-ngasul na bestidang simple
lamang ngunit 'di iyon nakabawas sa kariktan nito. Gayunpaman, 'di nakatakas sa mga
mata ni Haven ang pamamaga ng mata nito na senyales na galing ito sa pag-iyak.
Hindi sila nagkasalubong dahil pumasok ito sa isang kuwarto at bago pa
siya magbigay reaksyon ay lumabas na si Catalyst kasama si Zandro na agad niyang
ikinasama ng loob. Hindi niya gusto ang itsura ni Zandro -ibang-iba 'to sa kanyang
si Catalyst na mukhang anghel.
" May problema ba?" tanong niya nang salubungin niya ng ngiti ang
dalawa.
"Anong ginagawa niya dito?" tila asar na asar agad sa kanya si Zandro
kaya naman agad siyang napasimangot.
" Anong ginagawa mo dito?" balik tanong ni Catalyst sa kanya. "Hintayin
mo na lamang ako, may mahalaga kaming pag-uusapan," ani Catalyst na ikinatango ni
Haven.
"Aalis rin naman ako, gusto ko lang alamin kung kailangan ko bang
makuha si Light para sa 'yo Catalyst. " Nginitian niya ng ubod tamis si Catalyst at
huwag lang sana mababaling kay Zandro ang paningin niya at talagang sasama ang
timpla niya.
"Kailangan si Light," ani Zandro na ikinaangat ng kilay ni Haven. Ito
ba ang tinatanong niya? Kailan pa naging magkatunog ang Zandro at Catalyst?
"Kailangan si Light, sa lalo't madaling panahon. Papatawan na ng
kamatayan si Crescent, " ani Catalyst na ikinabigla ni Haven.
"Si Light, kung sakaling matatagpuan siya maaari niyang isalba si
Crescent. Hindi nagsasalita si Crescent kung paano at kanino o kung saan nagmula
ang malakas na puwersang ginamit nila. Kahit pa paslangin siya ay hindi siya
magsasalita. Kung si Light, maaaring may mas mahina siyang damdamin na
makakapagpalabas ng lihim nila. Masyadong malakas ang pagyanig sa underground.
Dahil kay Crescent, maaaring magkaroon ng ika-walong Diyos na kahit sino ay 'di
mapapayagan." Ani Catalyst na bibihirang magsalita ng mas mahaba.
"Kung ganoon asahan mong dadalhin ko siya, para sa 'yo, " aniya na
nginitian si Catalyst na sinuklian rin siya ng isang ngiti.
**
" Sila ang mga hinihingi mo Haven, naisalba namin ang mga nilalang na 'to," wika ng
isa sa kasamahan niyang anghel sa council.
Minasdan ni Haven ang nakahiga sa magkakalapit na kamang puting-puti
ang mga walang malay na si Greece SinClair, Xerxes at Monique na alam niyang
pumanaw na kasintahan ni Light.
"Hindi namin naisalba ang isa, at sa maaaring hindi rin siya isa sa
binuhay,"
Nilapitan niya ang babaeng si Monique at nangiti. Inayos niya ang buhok
nito at nangiti. " Wake up, hinihintay ka ng Alpha mo, " bulong niya rito na tila
isang mahikang nagpagalaw sa mga daliri nito kasunod ang tila papamulat na nitong
mga mata. Ito ang gagamitin niya para lumabas si Light. Alam niya na ito mismo ang
lalapit sa dalaga na minarkahan nito noon.
Isang nakangiting lalaking tila isang anghel ang bumati kay Monique.
Isa nga ba itong lalaki o isang magandang dalaga? Bigla ang pagninilay-nilay niya'y
naging pabalikwas na pagtayo nang maalala si Light.
"Light," aniya na tila may kakaibang bilis na masakit sa pakiramdam ang
dibdib niya. Iyon ang simbolo na minarkahan siya ni Light noon -ang malakas na
tibok ng dibdib niya ay isang pahiwatig na naramdaman na ni Light na buhay siya.
" Nasaan ako?" ania na hindi naman natakot bagaman hinahanap ng mata
niya si Light sa malaking kuwartong iyon. Pero nabigo siya at nagtaka ng matagpuan
si Xerxes at Greece sa kaliwa't kanan na higaan na siya ang pinagigitnaan.
" 'Wag kang matakot, " wika ni Haven na nginitian siya na tila isang
kaibigan," Si Rozen Maiden ang nagpadala sa 'yo dito," dugtong ni Haven na isang
kasinungalingan. Pero bakit ba maghihinala pa 'to? Pareho naman silang anghel ni
Rozen.
"Si Rozen -" tila naman nawala ang pangamba nito.
"Kung maayos ka na, maaari naman kitang ibalik sa mundo. Bagaman, may
pagbabago kang makikita dahil matagal kang nakatulog ay nasisiguro ko naman na may
darating para sunduin ka. "ani Haven na isang makahulugang ngiti ang kumawala sa
labi nito.
"Si Light, maayos ba siya? Hindi ko matandaan ang ibang pangyayari -"
"Hindi mo naman maaalala kaagad ang lahat, kagigising mo lamang babalik
rin lahat 'yan. "
**
"Crescent... sumuko ka na," isang boses babae ang pilit nagpapasuko kay Crescent na
hindi naaalintana iyon. Hinang-hina ang pakiramdam niya pero hindi matatawaran ang
katotohanan na nagtagumpay sila. Nagising nila ang ika-apat na anak niya at ito ang
bubuo ng panibagong mundo para sa kanyang pamilya.
Humihinga siya ng malalim. Ngayon lamang niya nadama ang ganoong
kakapusan ng paghinga. Marahil hindi na talaga siya magtatagal at alam niya 'yon
lalo na nang bumukas na ang selda niya. Mabibigat na bakal ang nakaposas sa mga
kamay niya na kung mahinang nilalang ang lalagyan ay 'di na magagawang i-angat pa
ang mga braso.
Isang grupo ng mga alagad ni Virgo ang pumalibot sa kanya. Bakas pa sa
kanya ang paghihirap na dinanas. Napunit ang ilang parte ng puting kasuotan niya t
marami rin siyang sugat sa katawan. Maraming preso ang humawak sa kani-kanilang
selda para silipin si Crescent.
Kilala si Crescent noon pa man. Nakahahanga at lubos na tinitingala ang
kalakasan nito. Sa kanila hindi kabutihan ang sinusukat kundi kalakasan -kalakasan
ang hinahangaan nila. Pakiramdam nila'y kailangan nilang magbigay pugay rito.
Nadaraanan nito ang selda nila -darating ang panahon na masasabi nilang bago ang
huling sandali ng pinakamalakas sa lupa'y namasdan pa nila ang huling bakas nito.
"Ang paghanga nami'y na sa'yo! Nawa'y maging isa ka sa mga Diyos!" wika
ng isa sa madilim na selda na ikinangiti ng tipid ni Crescent.
Nais niyang maging Diyos. Pero hindi matatawaran ng pagiging Diyos ang
pamilyang mas gusto niyang maligtas. Isa lang naman ang hiling niya, kung
pagbibigyan ang bagay na 'yon handa niyang isuko ang buhay.
Hayaan nang buong lipi na gusto siyang paslangin na mabuhay ang mga
anak niya kasama si Lyra kahit ang kitlin ang sariling buhay ay gagawin niya.
" Crescent, mahal na mahal kita! Alam mo na wala naman talagang
lalaking hihigit sa 'yo, ako lang ang minahal mo, kahit sobra-sobrang isip bata ko
at hindi naman ako maihahanay sa malalakas mahal mo pa rin ako. Kaya hindi kita
ipagpapalit, walang ibang lalaking makahihigit sa 'yo maging ang pantayan ka. " sa
isipan niya ang isa sa mga huling usapan ni Lyra ay nagbabalik sa kanya.
"Gusto ko palaging nakayakap sa 'yo, natatakot ako na baka matagalan
muling mayakap kita. Maging matatag ka ha? Lahat naman ng istorya ma pagsubok at
siyempre magandang ending at ganoon rin tayo. Basta palagi mong tatandaan na mahal
na mahal kita kahit pa sino ka!" iyon ang huling pagbabalik-tanaw niya kay Lyra
bago niya marating ang isang malaking arena na mayroong dalawang lalaking may
malaking pangangatawan ang humarap sa kanya. May maskarang ginto ito-sila ang mga
Samsarrav ang mga tagapaslang. Walang buhay o damdamin ang mga ito at ang alam lang
ng mga ito ay makinig na tila makina sa mga lumikha rito.
"Gusto kong maging maganda ang laro natin Crescent," boses ni Virgo na
nakaupo sa trono nito sa tuktok na bahagi ng arena. Walang emosyong tinignan niya
ito. "Mas maganda na makita ng pamilya mo kung paano ka mamatay nang buong
paghihirap, "isang ngisi ang kumawala sa labi nito na ikinabigla ni Crescent.
"Ano ang mararamdaman nila habang minamasdan nila ang paghihirap mo?
Ano ang maaramdaman nila habang pinapanood ang pagpapakasakit mo para iligtas
sila?! Kailangan nilang makita kung ano ang nawala sa mundo ng magkaroon ka ng
kahinaan sa katauhan nila!" gigil na wika nito.
" Nakikiusap ako, 'wag mong gawin na ipakita sa kanila -" mga katagang
hindi inaasahan na magmumula kay Crescent. Pangamba ang nasa mga mata nito habang
iniisip ang magiging reaksyon ni Lyra.
"Bakit? Panghihinaan sila? Hindi ba't maganda iyon upang galitin sila
at mas maipakita nila ang lakas nila? Isa pa sa kamatayan din naman kayo babagsak
lahat, mauuna ka lang. Oo nga pala, imortal na ang asawa mo hindi ba? Ibig sabihin
daig pa niyang pinapatay sa araw-araw habang inaalala ang magiging kasawian mo at
ng mga anak niya. " ani Virgo na nagpakuyom at nagpatagis ng bagang ni Crescent.
"Wala kang laban sa 'kin, alam mo ang antas ko bilang Diyos Crescent. "
ani Virgo na sa paligid nito ay mga tagasunod nito.
**
ABYSS
Naudlot ang laban ni Seventh at Shin dahil sa pagpipigil ni Lyra. Habang si
Crescentine na iniligtas si Lyra ay nakatikim naman ng paghihirap sa pagitan ng mga
Sanctum Brothers.
Pinatakbo niya ang babae na ayaw siyang iwanan ngunit pinili niyang
itaboy 'to gamit ang hangin niya na inutusan niyang ilayo ito. Sana maayos lamang
ito. Parang may gusto siyang sabihin rito ngunit hindi niya alam kung ano.
Pakiramdam niya may pangungulila siya rito na hindi niya maunawaan.
" Ikaw na ba ang malakas na sinasabi nila? Higit na mas malakas si
Seventh sa 'yo," ani Second na tinapakan ang ulo ng duguang si Crescentine. " Dito
na kayo magtatapos lahat, walang laban ang mga lobong katulad n'yo sa 'ming ama!"
anito.
Hinang-hina na si Crescentine at sa pasilyo ng kastilyo na 'yon ay
pinagtutulungan siya ng apat na magkakapatid. Duguan ang mala-salaming semento mula
kay Crescentine. Mga daliri na lamang niya ang naigagalaw niya at ganoon na siya
tinakasan ng lakas.
Isang ugong ng telebisyon ang umagaw sa antensyon ng Sanctum Brothers.
Minasdan nila ang paligid para alamin kung ano iyon at sa bawat salaming
nagsisilbing pader ay lumabas ang isang imahe.
Nag-angat si Crescentine ng mukha ng madama niya na inalis ni Second
ang paa nito sa ulo niya. Pilit siyang tumatayo ngunit tila lalo siyang tinakasan
ng lakas ng makita ang ama na sinugod ng isang mala-kidlat na pagkilos ng malaking
lalaki kasunod ng pagsaksak sa katawan nito at sumadsad 'to sa dulong bahagi ng
arena.
"Papa!" sigaw niya. Pakiramdam niya nilamukos ang puso niya. Nanuot sa
bawat himaymay ng ugat niya ang galit sa nakitang tagpo. Pakiramdam niya
nagdidilim ang paningin niya at nag-iinit ang mga mata niya dahil sa kawalan ng
kalakasan para itayo ang sarili. Gusto niyang alisin ang paningin sa panonood
ngunit natatakot siyang kapag inalis rito ang paningin ay makita niya na lamang
itong wala ng buhay.
" Tuso," wika ni First na hindi kababahiran ng kasiyahan ang boses.
" 'Wag n'yo na siyang saktan, " wika ni Sixth na yakap-yakap ang isang
stuffed toy nito na lumabas sa isang kuwarto. Pakiramdam niya nasasaktan rin siya.
Hindi niya rin gustong mangyari 'yon sa kanilang ama -kahit pa gaano kasama ang
kanilang ama pagdating sa kanilang pitong anak-anakan nito ay handa itong
makipagpatayan. Nasasaktan siyang isipin na may isang Crescentine na katulad niya
na tatangis sakaling ganoon ang sapitin ng ama-amahan bilang kaparusahan.
"Sinabi ni ama na hindi ka maaaring lumabas!" pagalit na hinawakan siya
ni Second sa braso. Ito ang kayamanan nila. Ito ang pinaka-iniingatan nila -ito ang
puso nila. Si Sixth ang hindi lumalaban, at higit sa lahat hindi sila mapapatawad
ni Gremory sakaling masaktan ito.
" Labis na ang ginagawa n'yo sa kanya. Labis na ang sakit na
nararanasan niya, kahit sa 'tin mangyari 'yan," ani Sixth bilang depensa. Naroon
ang awa sa mga mata nito.
"Ginagawa ni ama 'to para sa 'tin! Kung maaawa tayo sa kanya tayo ang
babalikan! Tayo ang papatayin! Tayo ang sasaktan at paparusahan! Alam mo ba 'yon?
Hindi gusto ni ama na masaktan tayo kaya nga lumalaban tayo! Pare-pareho lang tayo,
at sa puntong 'to mas kailangan nating isipin ang ikaliligtas nating pamilya kesa
sa iba!" pagalit na wika ni Fourth kaya napipi si Sixth kasunod ng pagkagat sa
ibabang labi.
Hindi niya gusto ang pagtangis -hindi niya hinangad ang paghihirap ng
iba. Hindi niya kailanman ginustong pumaslang at hindi siya pinilit ng ama-amahan
na pumaslang bagkus ay inirespeto nito ang gusto niya. Tama naman si Fourth, ang
pamilya nila ang daranas ng kaparusahan o ang pamilya ni Crescent.
"Papa..." ani Crescentine na lalong nagpakirot sa puso ni Sixth. Nakita
niya nang pilitin nitong lapitan ang ama na nasa palabas lang naman. Duguan itong
gumapang patungo sa nakikitang ama nito.
Habang nagkakaroon ng diskusyon sa pagitan ng magkakapatid na Sanctum
ay nagtagpo na si Crescent na nasa tore at Gremory na ngising-ngisi. Wala nang
ligtas si Crescent at bago magunaw ang Abyss ay magtatagumpay siya para sa mga anak
niya at para sa paghaharing hinahangad niya. Katapusan na ni Crescent -sa
kasaysayan na lamang ito makikilala.
Inilabas niya ang espadang kikitil sa buhay nito. Alam niya na
kamatayan na rin ng isang katauhan nito. Ito ang pinagkasunduan nila ni Virgo ang
siguraduhing magiging abo ang dalawang Crescent para talagang hindi na 'to
magbabalik pa!
Sa bawat panig ay makikita ang nagaganap kay Crescent. Sisiguraduhing
paluluhain ng dugo si Lyra na masasaksihan ng dalawang mga mata ang paghihirap ng
minamahal na asawa.
READ. VOTE. COMMENT! :)
To be published ( self ) on January! I hope that you'll reserve for your copy!
Thank you so much. Magkasabay sila ng book 2 mwaaaa! <3
#MisaCrayola

Tormented Fate Pt. 2

TORMENTED FATE PT. 2


100 VOTES next Chapter!

" Blood - maaaring hindi na 'ko magtagal. Ang tahanan ninyo ay nakasalalay sa 'yo,
" isang boses ang nagpamulat sa nakapikit na si Blood na dinarama ang malamig na
hanging humahaplos sa kanyang katawan.
"Hindi man lang kita nakita," tila may panunumbat na wika ni Blood.
Ngunit alam niya na hindi ito ang may kasalanan. Nagputi ang paligid ng mata niya
at tila isang hanay na lamang ang natira roon na tila isang pusa. " Wawasakin ko
ang mundong ito na naging malupit sa 'yo ama, papaslangin ko ang bawat buhay na
masumpungan ko bilang paghihiganti sa 'yo, " nagngingitngit na wika niya.
"Hindi mo sila kailangang idamay, ang mga nilalang sa mundong 'yan ay
walang kinalaman. Umalis ka na bago pa matapos ang buhay ko, oras na magwakas ako
lahat ng atensiyon nila ay mapapasaiyo. " ani Crescent pa.
Hindi sangayon si Blood sa tinuran ni Crescent. Galit ang nananaig sa
kanya. Hindi man lang niya nakita ang tagalikha niya. Hindi man lang niya nasilayan
ang nagpamana sa kanya ng kalakasan at bumuhay sa kanya. Ang galit na iyon ay
nagresulta ng malakas na pagyanig. " Uunahin kong tuparin ang nais mo ama, ngunit
oras na matupad ko 'yon papaslangin ko lahat hanggang sa kahuli-hulihang lipi nila
lahat ng nagkaisa sa'yo," nagtatagis ang bagang na wika niya.
Tiningala niya ang madilim na kalangitan na sa paningin niya ay
nagpupula na.
**
" Tama na!" tinakpan ni Lyra ang mga mata niya. Iyak na siya nang iyak at ganoon
naman ang pagkabigla sa mukha nila Shin. Bakit naaagrabyado ng ganoon ang kanilang
ama? Bakit kailangan nilang makita? Bakit kahit saang panig sila tumingin puro
hologram nito ang nakikita nila?
Humigpit ang kapit ni Shin sa espada. Ito ang nais niya hindi ba?
Ngunit bakit parang kinukuyumos ang damdamin niya? Nagtatagis ang bagang niya at
kuyom na kuyom na ang palad niya.
Pakiramdam ni Lyra sinasakal siya at gusto niya ng mamatay sa mga oras
na 'yon. Hindi niya kailanman nakitang nasasaktan ng ganoon si Crescent. Pakiramdam
niya pinapatay siya nang paulit-ulit. Kung maaari na isakripisyo niya ang sarili
para lamang kay Crescent-kung maaari rin na siya na lamang ang masaktan kesa ito.
Wala na bang pag-asa? Nasaan na ang pag-asa para sa kanila? Wala siyang
matanaw. Pakiramdam niya napagkakaisahan sila. Hindi niya magawang isawalang bahala
ang galit na lumalamon sa puso't isipan niya. Wala namang silbi kung maging mabuti
ka -sa huli kailangan mo rin makadama ng galit dahil iyon ang kakailanganin mo para
itayo ang sarili mo sa mga taong tumatapak sa 'yo.
Nakikita niya sa balintanaw niya ang dalawang Crescent na nakangiti.
Magkaiba man ang dalawa at maaaring sabihin na dalawa ang lalaking minamahal niya
ay wala siyang pakialam. Ito ang kabuuan ng lalaking iniibig niya. Na ngayon ay
parehong naaagrabyado at ipinapakta pa sa kanila kung paano ito sinasaktan at unti-
unting pinapatay.
Tigmak na siya ng luha dahil sa panghihina ng tuhod niya na 'di na rin
niya magawang itayo pa. Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na "Tama na," durog
na durog na ang damdamin niya.
" Sa mundong para sa 'tin, wala ng iba pang makikialam pa," iyon ang
mga salita ni Dark sa kanya. Hindi rin nito gusto na mabuhay sa digmaan -hindi rin
nito gustong habang buhay na makipagsapalaran -gusto rin nito ng tahimik na buhay
na hindi nila makamtan!
Nakuyom ni Lyra ang mga palad. Wari ba'y pinipigil nito ang pagragasa
ng mga luha pa at gusto pa nitong humugot ng katatagan.
Naririnig niya ang pagsasagutan ni Shin at Seventh na nauwi na naman sa
away. Lalo niyang ipinikit ang mga mata at tinakpan ang mga tainga. Sumusuko na
siya -pakiramdam niya gusto niyng huuggot ng sandata at itarak sa dibdib niya ng
matapos na ang buhay niya. Nawawala na yata siya sa sarili niya. Marahan niyang
iminulat ang mga mata -tinitigan si Crescent na tumatayo pa kahit na ilang ulit
'tong bumagsak sa dalawang kalaban nito. Ang mga mata nito ay 'di kakikitaan ng
pagsuko -pagnanais na mabuhay -iyon ang natatanaw niya. Bumalong ang maiinit na
luha niya.
" Marami na tayong pinagdaanan, marami na tayong kinaharap. Ito ang
pinakamasakit, ikaw ang nagsisilbing ningas ng buhay ko. Pero Crescent,
paninindigan ko na mabuhay para sa 'yo, " pinahid niya ang mga luha.
Nagbabanggaang puwersa maging sandata ni Shin at Seventh ang
nangingibabaw. Galit sa isa't isa ang naroon sa mga mata nito!
"Papa!" isang sigaw ang tila nagpahinto ng lahat-lahat sa kanila. Boses
ng isang babae na wala naman sa paligid nila. Naroon ito sa mismong nagaganap na
pangyayari. Maging si Lyra ay 'di maipaliwanag kung ito na ba ang kanilang si
Chrysanta. Ngunit paano ito lumaki? May kasama itong dalawang lalaking may ginto
a itim na itim na kulay na buhok na pumipigil sa kanilang anak na puntahan ang ama
nito.
"Papa! Tignan mo 'ko, 'wag kang susuko! Papa!" malakas na sigaw nito na
umiiyak na rin. May harang kaya hindi ito makapasok. Ngunit hindi ito naririnig ni
Crescent dahil hindi ito natitinag.
SHIN
"Papa," bulong ko lang. Natigilan ako, bakit ba 'ko nakikipaglaban? Sinabi niya sa
'kin noon na maaari niya 'kong iwanan at kailangan kong gawin ang misyon na sakupin
ang Abyss dahil ito ay ibinigay niya sa 'kin. Naninibugho ako sapagkat hindi lang
ako ang anak niya -pero nakasama ko siya at naramdaman ko ang pagpapahalaga niya sa
'kin.
Gusto ko na siyang maglaho -pero alam ko na hindi na siya muling
mabubuhay pa oras mamatay siya sa Underground. At hindi ko magawang titigan siya na
nahihirapan.
Pinagtutulungan siya dahil ganoon siya kalakas. Ganoon niya nagawa ang
sarili niya dahil lang sa iyon ang gusto niyang maging. Hindi ko magawa kung ano
ang nagagawa niya. Gusto kong maging karapat-dapat na maging anak niya.
Humigpit ang kapit ko sa espada ko. Hindi ko alam kung paano ko siya
pupuntahan! Kaya ibinuhos ko kay Seventh lahat ng galit ko at hindi ko rin
inaasahan na malakas siya -higit na malakas sa 'kin kung wala si Poisoned Blade.
**
" Papa!" sabay-sabay na sigaw ng apat sa iba't ibang panig ng
maramdaman nila ang paghina at ang nagbabadyang paglalaho ng aura ng ama na
nadarama nila. Isang mabilis na pagsugod at pagtarak sa espada ang nakita nilang
tagpo.
Maging si Lyra ay tila naubusan ng hangin sa nakita. Nanginig ang mga
kamay niya ng makita ang mabilis na pagpatak ng dugo nito. Gusto man niyang ibaling
ang tingin -hindi niya magawa dahil baka iyon na ang huling beses na makikita
niyang buhay 'to.
Maging ang isang Crescent sa loob ng Tore ay nagkaroon ng ganoong
pagdurugo at kahit si Light na papalapit kay Monique ay napatigil dahil sa tila
pagtarak ng isang sandata sa katawan niya.
"Light," iyon ang naiusal ni Monique na nabahiran ng pag-aalala ang
mukha ng makita ang pagdurugo nito.
" Ngayon, kilala na kung sino ang orihinal. Hindi ikaw at hindi rin ang
Crescent na inaakala ng marami. Si Dark ang totoo n'yong katauhan. Iisa lang kayong
tatlo, at kahit ilang beses kayong mapaslang mbubuhay at mabubuhay kayo hangga't
nabubuhay si Dark. Ngunit oras na siya ang mapaslang sa laban, lahat kayo
mamamatay," ani Haven kay Light na napaluhod na. Tila inuubos ang enerhiya niya.
"Light!" sigaw ni Monique na agad 'tong dinaluhan at kahit puno ng
pagtataka ay naroon ang takot niya sa paglabas ng dugo sa bibig nito.
" Nililinlang n'yo ang marami para pagtakpan si Dark, siya ang kahinaan
ninyo kaya pilit n'yo siyang itinatago sa nakararami. Isang maling hakbang na
naglabas kayo ng malakas na p'wersa dahil kahinaan ninyo ang naging katumbas
niyon," dugtong pa ni Haven.
" Hindi maling hakbang.." pinilit ni Light na magsalita ng diretso, "
Nagawa na namin ang nais namin, " ani Light na humugot ng malalim na hininga.
Hinaplos niya ang mukha ni Monique. " Mukhang mag-iisa na kaming tatlo, sabay-sabay
na maglalaho. Nakakatuwang isipin na ikaw ang huling makikita ko, ikinagagalak kong
makita kang muli," ani Light kay Monique na napalakas ang pag-iyak lalo na ang
maramdaman niya na nanlalamig ito at unti-unting naglalaho sa paningin niya na tila
isang ilusyon lamang.
Katulad ng mga anak ni Crescent -iisa rin silang tatlo. May isang
totoong katauhan. Ngunit iba lamang ang mga ito sa kanila -dahil ginawa ni Crescent
ang lahat para hindi maging magkakarugtong ang buhay ng mga ito katulad nila.
Ngunit isa lamang ang matitira sa mga ito -o maaaring wala sakaling magwakas na ang
Abyss.
"Hindi ito ang magiging huling digmaan, sa susunod na henerasyon
tandaan n'yo may isisilang na higit kay Crescent. Sa pagkakataong 'yon, wala ng
makagagapi sa 'ming Lipi't lahi. " tumawa pa si Light bago nginitian ng matamis si
Monique.
"Ngayon lang uli tayo nagkita, Light! 'Wag mo 'kong iiwanan, sinabi ko
sa 'yo na mas gusto kong mamatay kesa -" hinalikan ni Light si Monique. Wari'y
binigyan ito ng dugo mula sa mga labi niya. May ibinulong ito sa kanya.
"Dalhin mo ang magiging supling natin, itago mo siya sa nakararami at
ilihim mong sa 'kin siya. Iiwas mo siya sa digmaan, siya lang ang kaya kong ibigay
para makasama mo, " naramdaman niya ang palad nito sa tiyan niya at ang tila mainit
na pwersang pumasok roon. Bago pa siya muling makapagsalita naglaho na ito na tila
kumuyumos sa puso niyang umaasa na makakasama na niya 'to.
" Light," hinawakan niyang dalawang palad ang tiyan niyang impis pa at
malakas ang naging pag-iyak.
Samantala si Haven ay nakadama ng kakaiba. Hindi niya nadinig ang
sinabi ni Light na imposible dahil may kakayahan siyang alamin ang buka ng bibig
nito at mga salita nitong lumabas.
**
Maging si Crescent na nasa tore ay naglaho rin. Isang ngiti lang ang iniwan niya sa
alalahanin ng buong pamilya niya. Ginawa nila ang lahat, walang dahilan para
malungkot sila. Marahil ang kalungkutan ay nasa mga taong makakaalala na lamang sa
kanila.
" Papa!" sigaw ni Seventh kasunod ng paglabas ng malaking dragon nito na tila galit
na galit rin. Pakiramdam ni Seventh winasak siya sa isang iglap sa nakita. Agad
rin naglaho ang Dragon niya dahil sa panghihinang naramdaman niya sa nasaksihan.
Sa isang iglap nawalan siya ng dahilan para makipaglaban. Pakiramdam
niya maging ang kaluluwa niya'y hinuhugot sa katawan niya habang tinatanggal ang
tila limang lapad ng espada ang katumpas sa katawan ng kanyang ama. Hindi niya alam
kung ano ang sunod na naganap dahil kusa ng nawala ang mga hologram.
" Lucylle," itinarak niya ang espada sa lupa upang kumuha ng lakas sa
pagtiin dito nang siya'y makatayo.
" Huli na 'ko, " ani Jasmine na tila winawasak ang puso sa nakitang
pagkatulala ni Shin na nagpabagsak sa hawak nitong espada na si Poisoned Blade.
Maging ang mga luha niya'y walang patid sa pagbalisbis. Tinungo niya si Seventh na
nasa dalawampung hakbang ang layo kay Shin.
Inilapag niya ang espada na nagngangalang SEVENTH na mula kay Crescent.
" Patawad, inilihim ko ang tungkol diyan kay Shin, " umiiyak na si Jasmine. "
Nalaman ko kay daddy na lahat kayo ay may ganito, nagkamali ako nang isiping ikaw
lang ang pinapaboran ng inyong ama. Patawad, kung sana nakabalik ako ng mas maaga,"
ani Jasmine dahilan para titigan ni Seventh ang maliit pang espada na may nakaukit
na pangalang Seventh na lalong nagpasikip sa damdamin niya.
Inilabas ni Seventh ang espadang may ngalan ni Shin. Kung ganoon
nagkamali lang? Natawa siya ng pagak kasunod ang mapait na luhang bumagsak. Lalo
lang siyang dinudurog sa isipin na mas namutawi sa kanya ang galit dahil sa
pagkainggit.
"Papa!" sigaw ni Shin kasunod ng malakas na pagyanig.
" Hindi ko sila mapapatawad," dinampot ni Seventh ang sandata na may
ngalan niya at ibinigay kay Jasmine ang para kay Shin.
"Papa, " ani Crescentine na lumabas at pumagaspas ang mga pakpak na
nagbabagong kulay sa itim. Mapapait ring luha sa kawalan ng nagawa ang patuloy na
bumabagsak sa kanyang mga mata.
Lumabas siya sa kastilyo gamit ang mga pakpak niya na tila kusang
nakikipaglaban sa mga sumusugod sa kanya. Tila ito may buhay na naglalabas ng mga
matatalas na yelo na nagsisilbing punyal na tumatama sa mga nakikialam.
Humawak siya ng mahigpit sa kanyang sandata na mula sa ama. Paninisi sa
sarili ang nararamdaman niya. Mahina siya! Dahil sa kahinaan niya hindi niya 'to
nagawang iligtas! Lumipad siya ng mataas at doon isinigaw ang panimdim. Wari'y
nakiramay ang kalangitan at umulan ng ubod lakas. Kasunod niyon umalingawngaw ang
boses ng tatlong anak na lalaki ni Crescent na tila sa pagsigaw matatagpuan ang
makahihilom kahit kaunti sa sugat na iniwan ng huling tagpo sa kanilang ama.
" Magbabayad kayong lahat!" sabay-sabay na sigaw nila. Isang malakas na
hangin ang humagupit kasunod ang walang patid na pagkidlat na tumatama sa kalupaan.

" Iyan ba ang Trinity Blood?" tanong ni Gremory nang nakasilip siya
mula sa tore at makita ang pagpapalit ng tubig ulan sa kulay dugong kulay habang
patuloy na niyayanig ang buong Abyss ng kapangyarihang nagsasalo sa buong lugar. "
Kinailangan pang mamatay ni Crescent bago sila kumilos," pagak na tumawa si
Gremory.

READ. VOTE. COMMENT!


Last 4 chapters to go! Thank you for Loving RBW series!
FB: Jovielyn Rivera ( MisaCrayola )

TF: Trump Card!

Dedicated to Marivel Cunanan! :) Maraming salamat sa pagiging isang mabuting


kaibigan sa 'kin, I wish you all the happiness in the world. Sana napasaya ka ng
chapter na 'to. Sobrang thankful ako na nakakilala ako ng isang tulad mo na hindi
ako iniwan. Maraming thank you! <3 I hope you'll still with me until I ended up
writing -- I hope to see you.. <3 #Misa
TORMENTED FATE
TRUMP CARD <3
"Paslangin ang mga anak ni Crescent!" ang yumayanig na tinig ni Gremory ang
gumulantang sa Abyss. Agad na kumilos ang Sanctum Brothers at ang iba pang lipi ng
mga alagad ni Gremory na 'di matawaran ang dami. Ngunit ang grupo ng Scorpion ay
bigla ring naglabasan na hindi napagkikita sa oras ng kagipitan. Maging ang mga
anino nito'y nawala sa loob ng tore sa pagitan ng sagupaan ni Gremory at ni
Crescent na nasa tore.
Si Lyra ay nanatili lang na nakasalampak habang nakasubsob ang mukha sa dalawang
palad. Tila ba ang nagaganap na kabilaang sagupaan na nagrersulta ng pagkawasak at
malalakas na kapangyarihan ay 'di nakapagpapatinag sa kanya. Higit na naging
malakas ang mga anak ni Crescent na tila ba ang mga kalalakihang Sanctum Brother's
ay nahihirapan sa lakas ng p'wersa mula sa mga espada nito. Marahil galit ang
nagpapalakas sa mga lobong kalaban nila -iba na talaga ang maitatalang kasaysayan
sa pamilyang WOLVEUS.
Si Crescentine sa kabila ng itim na mga pakpak nito ay naroon pa rin ang puso
niyang nagnanais na mailigtas ang mundo matapos ang sagupaan sa Abyss. Si Shin at
Seventh bagaman 'di nila ninais na tulungan ang isa't isa -kusang dugo't laman nila
ang nagdidikta na wala ng iba pang paraan kundi ang magtulungan sila. Paraa saan pa
ang sakripisyo ng kanilang ama? Para saan pa ang sandata!
Galit ang tumatakbo sa mga dugo nila. Hindi naging patas ang mundo kaya
naging ganoon sila, hindi sila ang lumikha ng sariling halimaw nila kundi ang mga
nilalang na pilit silang gustong abusuhin dahil sa kakayahan na meron sila. At
kahit kailan hindi gusto ni Crescent na maging alipin siya, maging ang mga anak
niya nang mga nilalang na abusado.Iyon ang dahilan bakit sila lumalaban. PARA SA
MUNDONG MATATAWAG NILANG KANILA AT WALANG KAHIT NA ANONG PANGHUHUSGA SILANG
SASAPITIN.
Hinusgahan at pinarusahan -isama pa ang mga sumpang ikinabit sa kanila
dahil sa dugong bumubuhay sa kanila. Kung tutuusin takot ang mga ito na makamit
nila ang hangganan ng lakas nila, dahil higit silang malakas. At bilang mga anak ni
Crescent, hindi nararapat masayang ang mga paghihirap nito para sa kanila. Handa na
nilang tamasahin ang kamatayan para sa kanilang minamahal na ama.
Sa bawat hagupit ng mga sandata nila ay may kaakibat na pagyanig sa mundo ng
mga mortal. Napakalakas ng mga sandata -mga sandatang nagawa nilang gamitin sa
wastong paraan dahil sa pagnanais na maghiganti at matalo ang mga nilalang na handa
silang wasakin.
Dahil sa pagkaabala ng tatlo sa kani-kaniyang mga laban dahil sa pagpipigil
ng mga ito na magawa nila ang trinity blood ay 'di nila napansin ang isang babae na
nasa likuran ni Lyra. Ang namumuhing si Cleofas na handa ng wakasan ang buhay ni
Lyra gamit ang espadang tangan niya.
" Kasalanan ng isang mahinang tulad mo kung bakit namatay si Crescent! Minana
ng anak mo ang kahinaan ng utak mo!" sigaw nito na hindi pa rin nagpatinag kay Lyra
na wari'y dinaramdam pa rin ang naganap kay Crescent.
Mabilis ang kaganapan at mabilis siyang nakalapit kay Lyra at sinaksak niya
'to mula sa likuran. Malakas ang p'wersa ang inilaan niya rito ngunit laking
pagkabigla niya ng may ibang kamay ang nakahawak sa espada niya at may galit sa mga
mata nito. Isang estranghero na sa isang iglap ay nagawang wasakin ang espada niya
sa pagkuyom lang ng palad nito sa talim niyon.
Si Blood ang estrangherong iyon na bigla na lamang lumabas sa harapan niya.
At walang pagdadalawang isip nitong dinukot ang puso ni Cleofas gamit ang matatalas
at itim na itim nitong kuko na ikinabigla ng dalaga. Dugo ang unang lumabas sa labi
niya at naramdaman niya ang pagkuyom nito sa puso niya hanggang sa sumabog iyon
kasabay ng pagsigaw niya. Ang huling alaala niya bago tuluyang pumanaw ay ang
pagtatalsikan ng dugo niya sa mukha ng binatang iyon na ngumisi pa.
Magulo na ang buong paligid. Wala ng patid ang pagpasok ng iba't ibang
halimaw mula sa underground na tila inutusan ang mga ito.
Tinignan ni Blood si Lyra at nginitian kahit pa nakatalikod ito sa kanya.
Hindi niya rin batid kung naramdaman nito ang pagdating niya. Naramdaman niya ang
malakas na p'wersa na mabilis na paparating sa kinaroroonan niya. Bago pa ito
makarating kay Lyra ay sinalubong na niya ito -marahil lumabag siya sa tungkulin
niya, ngunit alam niya na mas nararapat na tulungan niya ang mga katulad niyang may
iisang paniniwala. Ang kanilang ama ang nararapat maging ika-walong Diyos at ang
mundong lilikhain nila'y mawawalan ng silbi kung magiging talunan lamang sila sa
laban.
**
" Papa," ani Chrysanta na tila gustong mawalan ng malay sa mga oras na 'yon. Duguan
ang ama niya at tila ba wala ng buhay. Nakikita niya rin ang mga nagaganap sa Abyss
at naroon ang tila panghihina ng pakiramdam niya. Pakiwari niya'y magwawakas ang
buong pamilya niya sa isang iglap na wala siya ni kahit na anong nagawa para sa mga
ito. Panay ang bagsakan ng mga luha niya at 'di niya na magawang magsalita o kahit
manumbat lamang kay Zandro na hindi siya tinulungan. Maging si Catalyst na hinayaan
lang ang mga pangyayari gayong may kakayahan din naman ito bilang Diyos na
kontrahin ang mga desisyon ni Virgo.
Dinama ng mga Diyos kung may pagbabanta pa ba ng pagbubukas ang ika-walong
pintuan, ngunit wala na iyon kahit na kaunti kaya naman ng imulat nila ang mga mata
alam nila na tapos na si Crescent.
Umalis si Catalyst sa puwesto niya at hinayaan si Chrysanta kay Zandro.
Pakiwari niya'y hindi siya ang kailangan nito sa mga oras na'yon. Isa rin siya sa
problema ni Chrysanta at hindi tamang idagdag pa niya ang presensiya niya sa
pinagdaraanan nitong paghihinagpis.
Si Virgo naman ay tinignan ang mga nagaganap sa Abyss. Kitang-kita niya ang
pagprotekta ng mga anak ni Crescent kay Lyra at nangunot ang noo niya ng makita si
Cleofas na pinaslang ng 'di nakikilalang lalaki. Ngunit dama niya ang koneksyon ng
lalaking estranghero kay Crescent kaya naman tinignan niya si Crescent na duguan sa
sahig at wala siyang ibang naririnig kundi ang pagtangis ng anak nito na
kinagigiliwan ni Zandro.
Binalikan niya ng tingin ang nagaganap sa Abyss sa pader na nagsisilbing
telebisyon ng mga nagaganap roon. Lalo niyang kinapagtakhan si Lyra na 'di na ata
bumabago pa sa puwesto nito. Tila hindi nito alintana ang mga nagaganap kahit pa
ilang beses rin 'tong muntikan ng tamaan ng mga pag-atake na agad lang nasasalo ni
Seventh na siyang pinoprotektahan talaga ang Ina. Ngunit maaari naman na dalhin si
Lyra sa lugar kung saan malayo ang mga pag-atake? Bakit sa gitna pa ng mga
paglalabanan ito naroon? Wala silang pakialam kay Lyra sapagkat wala naman itong
nakakapanindig balahibong lakas gaya ni Crescent at ang mga anak nito na maaaring
kasinlakas rin ni Crescent sa darating pang panahon -kaya nga kailangan ng mga
paslangin bago pa makapaghasik.
Napansin rin ng iba pang mga Diyos si Lyra. Ano bang kalokohan ang
ikinatatagal nito? At ano bang isip mayroon ang mga anak nito para 'di ito ilagay
sa ligtas na lugar.
Tila may napagtanto si Virgo na napatayo sa kanyang trono.
"PASLANGIN ANG ASAWA NI CRESCENT!" malakas na sigaw ni Virgo na nakarating sa
pandinig ni Gremory.
Si Gremory na natanggap ang utos ni Virgo sa isipan niya'y 'di na nakapag-
isip pa kaagad dahil biglang may isang 'di nakikilalang lalaki ang sumugod sa kanya
na agad naman niyang naiwasan. Nakangisi ito sa kanya ng magtagpo ang mga paningin
nila.
Maging ang mga anghel ay nakapasok sa bukas ng lagusan ng Abyss. Kailangan
nilang wakasan ang kasamaan na pumapaloob sa buong lugar na nagreresulta ng
nalalapit na pagkawasak ng mortal na mundo na hindi nila mahahayaan. Halos
nagliliyab na ang malaking bahagi ng Abyss maliban sa kastilyo.
"Sino ka?" tanong ni Gremory sa lalaking estranghero. Hindi na niya
kailangang siyasatin pa 'to para malaman niyang malakas ito.
" Blood -ang ika-apat man, ay siyang unang anak ni Crescent Wolveus," ani
Blood na may ngiti sa labi.
Hindi na inalam ni Blood ang ngalan ng lalaki sa harapan niya at sinugod na
ito. Magkasabay sila sa bawat paggalaw at sa bawat pagsugod ng isa ay nakababawi
rin ang isa. Alam nila na malapit na sa limitasyon ang Abyss kaya naman ibinibigay
na ng bawat isa ang kanilang makakaya.
Kailangan niyang iligtas si Lyra -kailangan niya 'tong dalhin sa bagong mundo
bilang emperatris. At natutuwa siyang maramdaman na handa ng mamatay ang tatlong
lalaking anak ni Crescent kay Lyra. Alam niya ang tibok ng mga puso nito -alam niya
ang nilalaman ng bawat isa kaya alam niya na parteng iyon maaaring magwagi sila.
Kailangan niyang mabuhay bilang si Blood -ipagpatuloy ang lipi't lahi ni Crescent
kaya naman itatakas niya si Lyra bago ang limitasyon ng Abyss.
**
Nang marinig ni Chrysanta na papaslangin ang kanyang inaay kinabahan siya.
Kailangan niya 'tong mapuntahan kaya tinignan niya si Zandro na umiling kaya inalis
niya ang pagkakapit ng kamay nito sa braso niya pero ayaw siya nitong bitiwan.
" Hindi ka na aabot, magwawakas na ang Abyss," ani Zandro.
"Bakit pati si Ina! Wala siyang kasalanan sa inyo! Ano bang gusto n'yo!"
galit na sigaw ni Chrysanta na tila masisiraan na ng ulo sa mga nagaganap. Wala ng
patid ang mga luha niya. Ganito ba magtatapos ang buong pamilya niya?
"GREMORY! Unahin mong paslangin si Lyra!" muli pang sigaw ni Virgo na
ikinapagtaka na ni Zandro. Ano bang nais nito kay Lyra upang madaliin ang buhay
nito? Halata ang pagkagalit kay Virgo dahil hindi ito masunod ni Gremory na
sinasagupa ng isang estranghero na nagpakilala na bilang -BLOOD ang ika-apat ngunit
unang isinilang bago pa ang mga anak ni Crescent.
"Bakit kailangan kong unahin si Lyra!" ani Gremory na pasigaw ang pagsagot
kaya narinig 'yon ni Blood na ngumisi.
" Marahil alam na nila na ang aming emperatris ay ang aming trump card!" ani
Blood na 'di agad nakuha ni Gremory.
Kasabay ng pagkakabulgar ay ang pagyeyelo ng mga nag-aapoy na paligid. May
mga kulay asul na bulaklak na kahawig ng mga rosas ang tumubo sa paligid. Isang
malaking asul na magic circle ang pumalibot kay Lyra.
" Isang Healer, " ani Gremory na minasdan ang paligid. Bigla ang bangis at
kawakasan niyon ay huminto dahil sa pagyeyelo ng paligid. Lahat ay napahinto dahil
sa naganap. Kapangyarihan iyon ng isang piling HEALER.
" TRUMP CARD ang asawa ni Crescent!" ani Virgo kay Gremory sa isipan nito.
Kung ganoon kapangyarihan ni Lyra 'yon? " Nililinlang niya ang lahat, alam niyang
gamitin ang kapangyarihan niya, at ang pagkukunwari niyang pag-iyak ay isa lamang
paraan para mabanggit niya ang isang libo't isang daang spell! " galit na sigaw pa
ni Virgo.
" Tama, isa siyang Blue Blood Healer -the one who can control the four
elements. Hindi malakas na bampira ang pinagmulan ni Lyra, pero inirerespeto sila
at binilang na Royal blood dahil sa kapangyarihan nila bilang isang Healer. At alam
ng aming ama ang bagay na 'yo, " ngiti pa ni Blood.
Si Lyra na natapos na ang mga sasabihing spell ay ngumiti na ng matamis. "
Mahal ko, nagtagumpay tayong pag-isahin ang mga anak natin. Ito na ang huling laban
natin," ani Lyra sa isipan na wari'y kinakausap si Crescent na naglaho naman sa
harapan nila Virgo at tanging mantsa na lamang ng dugo nito ang naiwan.
Bago siya tumayo ay nag-angat si Lyra ng ulo at sinalubong siya ng
nakangiting si Crescent na may puting mga pakpak at mahaba ang pilak nitong buhok.
" Nagawa ko," nakagat ni Lyra ang ibabang labi kasabay ng pagdaloy ng
masasaganang luha. Agad siyang tumayo at niyakap ito.
" Ngayon ko lang nagustuhan ang pagiging anghel, dahil ikaw ang nagbigay ng
buhay sa 'kin, bumalik na 'ko sa una kong anyo. Ngunit ano man ang maging lipi ko,
mananatiling ikaw ang tanging mamahalin ko, Lyra, hindi mo 'ko binigo at kahit
kailan hindi ako nabigo sa 'yo," marahang wika ni Crescent kasunod ng marahang
halik sa noo ni Lyra.

*READ. VOTE.COMMENT! <3


#fb JOVIELYN RIVERA(MISACRAYOLA)
110 VOTES NEXT CHAP *

TF: BLACK DRAGON!

Sobrang thankful ako sa suporta n'yo last chapter grabe! I'm so happy! :) FINALE is
Near thank you so much, before it ended I hope you'll a copy of this on February
2016. But you can pay as early as you want like the others. Thank you and Godbless!

TORMENTED FATE: BLACK DRAGON


"Papa!" sabay-sabay na gulilat na wika ng tatlo ang lalaking may buhat-buhat na
babaeng nakahawak sa leeg nito. Si Lyra at Crescent na tinatangay pa ng hangin ang
mahabang pilak na buhok.
" Makipaglaban kayo hanggang kamatayan, ang lahi natin ay 'di kailanman
natakot sa kamatayan. Ikinagagalak ko na kayo ang mga anak ko, " ngiti ang isinukli
ni Crescent sa tatlong mga anak na titig na titig sa kanya. " Hindi ko malalabanan
ang sumpa sa inyo, dahil iyon ay itinakda para lutasin lamang ninyo. Hihintayin ko
sa Kastilyo ang pagbabalik n'yo, " ani Crescent nanulay ang lungkot sa mga mata
nito.
Ibinaba ni Crescent si Lyra at sabay-sabay na niyakap ang mga anak na
tinakbo niya. " Hihintayin namin kayo, hindi kami lilisan ng wala kayo. Mga anak,
'wag n'yong hahayaang maging isa kayo. Pakiusap, bumalik kayo sa 'min, " pumapatak
ang mga luha ni Lyra pero tama na hindi nila maililigtas ang mga ito.
"Ina," bakit wari ni Crescentine ito ang ina niya. Pero paano at sino
si Rozen?
Tiningala ni Crescent ang mamula-mulang kalangitan. Napakaraming anghel
na nagmamasid sa kanya.
" Hindi ako magiging ika-walong Diyos, papaslangin ko ang mga nagpataw
ng sumpa sa pamilya ko at papalitan ko ang p'westo n'yo. Mahihinang Diyos, ikahiya
n'yo ang ngalan n'yo," galit ang nanunulay sa mga mata ni Crescent at tila may
malakas na pwersang bumalot dito. Nag-pula ang mga mata nito na wari'y nagliliwanag
dahilan para umatungal ang itim na Dragon sa loob ng ika-walong pintuan ng mga
Diyos wari ba'y natagpuan na nito ang kikilalaning Diyos sa mundo nito.
Handa ang tatlo na makipaglaban, walang sinuman ang magbibigay takda sa
buhay nila. Sila ay mula sa lahi't lipi ni Crescent Wolveus. Sila man ang masama't
kalaban ng lahat, makikipaglaban sila ng buong lakas at 'di kailanman bibiguin ang
ama't ina nila.
" Lyra, hintayin mo kami, 'wag na 'wag kang hihinto kailangan mong
marating ang dulo. "ngiti ni Crescent kay Lyra nang mapagdesisyunan niyang paunahin
ito.
Tumango si Lyra, " Hindi ako mabibigo, nasisiguro kong babalik kayong
lahat sa 'kin, " ani Lyra na nagsimula ng lumakad at sa bawat tinatapakan
nito'ynagkakaroon ng asul na mga rosas at liwanag. Hindi ito lumilingon, nakita ni
Crescent si Blood sa dulo ng lalakaran ni Lyra. Maging ang mga nagpapaulan ng
palaso'y hindi umaabot kay Lyra't naglalaho na lamang.
Iyon ang dahilan kung bakit inilunsad na nila ni Light ang pagbuhay kay
Blood. Handa na ang kapangyarihan ni Lyra na hinintay niya ng matagal na panahon.
Ang kapangyarihan nito ang nagpaisa sa kanila ni Light, marahil ay parte na lamang
niya si Light na ninais naman nito sakaling isa na lamang ang tanging paraan.
Ngayon na buo na siya bilang si Crescent, kakayanin na niyang makipaglaban kahit pa
sa sinumang Diyos.
Inilahad ni Blood ang kamay kay Lyra na tinanggap naman nito. Isang
maliwanag na pintuan ang pinasukan nila na magpapabilis sa kanila patungo sa walang
galos na kastilyong ginto.
Ang bukana agad ng kastilyo ang nasipat ni Lyra ng makapasok sa pintuan
kasama si Blood na naiwan sa dulo ng tapakang carpet. Lumakad si Lyra at kung gaano
karaming sira 'yon kanina'y tila naisaayos kaagad. Wala na ang mga bakas ng dugo at
namamangha si Lyra sa natagpuan. Pero sinabi ni Crescent na anuman ang mangyari
'wag siyang hihinto at lilingon hangga't hindi niya nararating ang trono na
natatanaw niya sa kalayuan.
May mga nakaluhod sa kabilaan niya na kinilala niya bilang mga miyembro
ng Scorpions. Muntik na siyang mapahinto ng marinig niya ang sigaw na nabosesas
niyang si Shin. Nanginig ang mga kamay at tuhod niya ng palibutan siya ng mga boses
na nahihirapan ang pamilya niya at maging mga tunog ng rehas.
"Lyra, tandaan mo sinabi ni Crescent na 'wag kang lilingon. Pagsubok
lang 'to, wala 'yong katotohanan. " Wika niya sa sarili. Umagos ang mga luha niya
kaya 'di niya napansin ang pagbabagong bihis niya. Napalamutian siya ng mga gintong
pulseras na may bilang apat na pawang dragon ang disenyo kasunod ang leeg niya.
Naglalakad na rin siya sa puti't mahabang makinang na tila 'di mapapantayan ng
anumang halaga ang telang tangan-tangan niya.
Kung gaano karumi ang kasuotan niya kanina ay siya namang kinang no'n
ngayon. Ang buhok niya rin ay napalamutian ng gintong tila head-band na may tatak
rin ng isang Dragon.
Kitang-kita ni Blood na malapit na nitong marating ang dulo. Tunay nga
ang pag-ibig nito kay Crescent dahil nagawa nitong pangatawanan ang mga salita. Ito
ang seremonya na 'di magaganap kung sakaling hindi handa si Lyra lalo pa't mabilis
itong maapektuhan ng kapaligiran. Pero kahit anong daing at paghihirap mula sa
pamilya nito'y 'di ito huminto paglalakad patungo sa trono. Kahit pa sabihing huwad
ang mga boses na naririnig nito ay hindi matatawaran ang sakit na idudulot niyon sa
puso nito.
Nang makita niyang isinampa na nito ang mga paa sa unang baytang ng
hagdanan patungo sa trono nito'y lumuhod na rin siya at inilagay sa dibdib ang mga
palad.
At nang humarap si Lyra matapos nitong makasampa sa trono'y nangiti si
Blood.
" Ang unang Emperatris ay itinakda na! Magbubukas na ang lagusan sa ikalawang
mundo. Nawa'y ang trono mo'y maging singlinis ng inyong Reyno. Kami at ang aming
lipi sa darating na panahon ay nangangakong magsisilbi sa inyo aming Emperatris. "
sabay-sabay na wika ng mga Scorpions sa nakatayong si Lyra na larawan ng kagandahan
na hihigit kay Venus.
"Ang lupaing binuo ni ama para sa 'yo, ang lupain na mangingibabaw ka.
Isang matriyarkal na lipunan ang papasukin namin bilang pagpupugay sa kadakilaan mo
Lyra Scarlet Wolveus, sapagkat mas pinili ni ama na alisin ang patriyarkal na
lipunan ng mga lobo upang ibigay ang pinakamataas na tungkulin sa emparatris na
pinapangalawahan ng Emperador. " wika ni Blood. Ibinigay ni Crescent ang tungkulin
na ang babae ang maging pinakamataas ang tungkulin sa bagong mundo nila. Bilang
simbolismo, si Lyra ang itinalaga nitong umupo sa trono.
" Ako si Lyra Scarlet, ang unang babaeng itinalaga bilang Emperatris. "
kinuha niya ang gintong espada na nasa tela na iniabot ng isang babae at itinaas
iyon. " Ang nagbubukas ng lagusan sa mundo ng Cresentinium Abyszentine! " malakas
na sigaw niya kasunod ng nakasisilaw na liwanag na naging dahilan para maglaho ang
kastilyong salamin na nakita ni Crescent.
Nagtagumpay si Lyra, hindi siya nabigo kay Blood. Tunay ng nabuo ang
eksperimento ng New Moon Drop. Ngayon tatapusin na nila ang laban para wakasan ang
sumpa't ibaon sa kamatayan ang mga nilalang na pinagkaisahan sila.
Bumuo naman ng lagusan ang sugatang si Gremory na malaki ang pinsalang tinamo kay
Blood. Isa 'tong halimaw na nilalang. Nakikinikinita niya ang kadiliman ng budhi't
kaluluwa nito. Kahit ikamatay niya ililigtas niya ang mga anak niya.
" Paalam, mga anak. Marahil pagtakas ang gagawin n'yo ngunit nararapat
kayong mabuhay. " aniya bago pinakain ang kaluluwa niya sa isang spell na sumunog
sa kanya't nagsilbing lagusan para maglaho sa Abyss ang anim na anak na sugatan ni
Gremory.
Nakita 'yon ni Crescent pero hindi niya pinansin.
Hindi kumikilos ang mga anghel matapos mawala ni Lyra. Wari'y
pinanonood siya ng mga 'to.
" Papa, naglaho na sila," ani Shin.
" May darating pa para litisin tayo, " ani Crescent na tinapik ang mga
anak niya isa-isa. Magkakapantay na silang apat, nangangahulugan na lalaban sila.
Lumabas ang napakalaking Dragon mula sa kalangitan galit na galit ito
dahil sa pagkagambala. Ang pinakamabangis na Dragon ng Underground World mula sa
ika-walong pintuan. Huminto ito't minasdan sila. Napakalaki nito na ikinagulat ng
lahat maliban kay Crescent na nakipagtitigan dito.
"Walang sinuman ang makagagambala sa 'kin, ngunit ginising ako ng
kalakasan mo. Bagaman 'di ako makapaniwala sa mahihinang lipi ka kabilang. Wala ka
man lang pinagmulang Ka-Diyosan, sabihin mo paano kitang susundin kung hindi ko
mapaniwalaan na ang tulad mo ang nararapat kong pagsilbihan?" nakakatakot ang boses
nito na tila galing sa kung anong hukay.
" Higit ako sa ibang mga Diyos, " walang gatol na wika ni Crescent na
nagpatawa sa Dragon na tila iniinsulto si Crescent.
" Isa kang hangal! Ang isang tulad mo na walang pinagmulang lipi ng mga
Diyos ay walang kakayahang pantayan ang sinuman sa kanila. " dugtong pa nito.
" Walang damdaming mahina ang isang Diyos sa Underground! Kaya tignan
natin, " anito na tuluyan ng lumabas ang buong katawan sa lagusan. Napakalakas ng
Dragon na 'yon, totoo man o hindi ang alamat tungkol sa walang pusong Dragon na
pinapatay maging ang pinagsisilbihan nito'y walang pakialam si Crescent. Kailangan
niya ang kapangyarihan nito, kailangan niyang magapi ang mga humahamak sa kanya at
ang pagiging Diyos ang higit sa mga mararating niya. Napakalaki na at tila may
kuryenteng bumabalot sa katawan nito, pagkamuhi't galit ang nangingibabaw sa
dragon.
" Ahhhhh!!" sigaw ng mga anak ni Crescent na ikinabigla niya nang
humarang mga ito sa kanya at it ang mapuruhan ng paghampas ng Dragon. Duguan ang
mga ito na tagusan pa ang kuko ng Dragon sa likuran ng mga anak niya.
"Papa, tandaan mo ikaw ang nagsabi na lalaban tayo hanggang kamatayan!
'Wag na 'wag kang babali sa sarili mong salita, kahit mamatay kami wala kaming
pagsisihan! Hihintayin ka ni mama!" sigaw ni Shin kaya natauhan si Crescent. Tila
ibinigay na ni Shin ang buong lakas nito sa sigaw na 'yon.
Inihampas sila ng Dragon na 'yon sa lupa't isinadsad bago inihagis sa
malayong lugar. Mas malaki ang pinsala ni Shin dahil sa ito ang nasa gitna. Hindi
na 'to kumikilos ng bumagsak at sumadsad sa paanan ng bundok, duguan ito mula sa
likod ng uluhan, katawan at maging ang bibig nito. Samantalang si Crescentine ay
nakagalaw pa ang mga kamay bagaman duguan rin at hinang-hina. Napakalakas ng Dragon
na 'yon -may pag-asa ba para magapi 'yon?
Samantalang si Seventh na tumama sa mga puno'y nagawa pang pigilan ang
tuluyang pagtilapon. Duguan rin siya sa bahagi ng tiyan. Ngunit lalaban pa siya,
hanggang kamatayan.
"Tam, kailangan kita, " ani Seventh.
__
"Napakalupit na Dragon, kaya pala hindi nagkakaroon ng ika-walong Diyos na
pangmatagalan. " ani Zero na isa sa mga Diyos ng underground. Sumubo ng tsokolate
habang pinapanood ang nagaganap sa Abyss.

fb:JOVIELYN RIVERA ( MISACRAYOLA )


READ.VOTE.COMMENTS!
120+ Votes next Chapt! <3

The Emperor's Blood

This is not an update.


THIS IS THE NEW INCOMING STORY!

" Bakit kailangan mong maghintay sa kanya? " Nakasandal si Ezekiel sa sasakyang
itim habang minamasdan ang nililipad na hangin ni Lucylle. Naroon na naman sila at
nagmamasid sa dating p'westo ng Imperial City.
" Nangako siya sa 'kin," halos bulong lang na sagot ni Lucylle.
Paniguradong mabibigla ito oras na makita siya, dahil ganoon ang reaksyon ng
kanilang ama matapos silang makita nito pagkagaling sa Abyss. Ganoon kabagal ang
oras sa Abyss, tila ba bawat araw ay katumbas na nang isang buong taon.
" Ano pa lang sinabi sa 'yo ni daddy?" nilingon ni Lucylle si
Ezekiel, isa 'tong ampon ng kanilang ama. Umayos naman sa pagkakaharap si Ezekiel
kay Lucylle -ito pa rin ang larawan ng babaeng itinatangi niya.
"Bihagin ang puso ng prinsesa niya, " ngiti ni Ezekiel na
ikinailing at ngiti ni Lucylle. "
" Puntahan mo na si Francine, hinihintay ka na niya," ani Lucylle
na iniayos sa gilid ng tainga ang buhok na humaharang sa mukha. " Kaya gusto ni
daddy na kayo ang magkatuluyan dahil ikaw lang ang may kakayanan na kontrolin siya.
Isa pa, kapag naging mag-asawa na kayo matutupad na 'yung pangarap mo na makabilang
sa Heneral ng mga Vampire Knights. " dugtong ni Lucylle dito.
" At ikaw?" naroon ang kalungkutan sa boses ni Ezekiel.
Ngumiti naman ng matipid si Lucylle, " Maghihintay ako dahil
nangako siyang babalik sa 'kin, maghihintay ako na masabi sa kanya ang mga salitang
'di niya sineseryoso noon dahil sa bata pa ako, " aminado naman si Lucylle kay
Ezekiel sa nadarama niya para sa isa sa mga anak ni Crescent na si Seventh Wolveus
o mas kilala bilang si Seventh Sanctum.
" Hindi ka ba napapagod mahalin siya?"
"Napapagod? " nagkibit balikat si Lucylle, " Hindi kailanman
nakadarama ng pagod ang pagmamahal ko, nalulungkot lang ako dahil malayo siya at
nag-aalala dahil baka nasa panganib na siya. Mahal ko siya, at alam mo na handa
akong isuko ang pagiging Pureblood Princess ko sakaling ayain niya 'kong lumayo
kami, " nangilid ang luha ni Lucylle ngunit pinilit niyang ngumiti," Alam mo ba na
alam ko sa sarili ko na kaya kong isuko lahat sa kanya. Dahil oras na magbalik
siya, gusto ko ng manatiling kasama siya at 'di na mawalay. " pinahid ni Lucylle
ang mga butil ng luhang bumagsak sa pisngi niya.
Lumayo ang tingin ni Ezekiel, kakatwang isipin na ang babaeng mahal
na mahal niya, nagmamahal ng nilalang na hindi nito halos ganoon kakilala. Hindi
nito nakasama ng matagal at alam niya na mas matagal na niya 'tong nakasama, mas
marami na siyang alam kay Lucylle samantalang ang lalaking 'yon -ano na bang alam
nito?
**
Titig na titig si Francine sa lalaking nakatayo sa harapan niya. Napapaatras siya
dahil nagawa nitong sanggain ang pag-atake niya, ibig sabihin lamang hindi ito
pangkaraniwang nilalang.
" Sa 'ming mundo kita dadalhin, naakit ako ng kagandahan mo," ani
Blood na nakangisi bago hinaltak ito sa sa braso at halos gahibla na lang ang
pagitan ng mga mata nila. " Hindi mo 'ko matatakasan, maliban kung magsasawa akong
paglaruan ka at kinakailangan na kitang itapon," anito na tila demonyong-demonyo
kung makapagsalita.
"Bitiwan mo 'ko," iwinawaksi ni Francine ang braso niya. Nakadarama
siya ng takot dahil kanina pa siya humihingi ng tulong ngunit alinsangan lamang ng
dugo ang naaamoy niya -ibig sabihin marami ng patay sa pasilyo at tila ba siya na
lamang ang buhay kasama ang lalaking estranghero na bigla na lamang pumasok sa
dressing room niya. Kipkip niya ang tuwalyang tanging nakatapi sa kanya. Ngayon
lamang siya nakadama nang labis na takot, iba ang kalakasan ng lalaking nasa
harapan niya. Pangkaraniwan na tila mapula ang kulay ng mata nito .
" Ezekiel! " sigaw niya ng hilahin siya nito. Huli na bago niya
mapagtanto na may pulang magic circle na nagliwanag sa paanan nila at naglaho sila
sa luhar na 'yon na tila bula.
Sa isang kakaibang kuwarto siya nito dinala. Malaki ang lugar at
madilim ang kulay ng pulang kurtina nito sa naglalakihang bintana na animo'y
pintuan na. Malaki rin ang kamang nasa sentro ngunit mas malaki ang kuwarto na tila
'sing laki ng isang mansion. Pansamantalang 'di niya inabala ang sarili sa
kapaligiran dahil itinulak siya nito sa kamang nasasapinan ng mangasul-ngasul na
sapin.
"Lumayo ka sa 'kin," pilit niya 'tong itinutulak sa balikat ng
saluhan siya nito sa kama. Hinawakan nito ang mukha niya't bumulong, "Hindi ka
lalabas sa kuwartong 'to hanggat 'di ko sinasabi. Makakalaya ka lang dito sakaling
magkakaroon ako ng binhi sa sinapupunan mo. Sa lugar na 'to isa ka lang alipin ko,"
anito na tila papatayin siya sa pamamagitan ng tingin. Tila maging ang
kapangyarihan niya'y ipinagbabawal sa lugar na 'yon, may spell ang kuwarto na
dahilan para mawalan ng silbi ang kapangyarihan niya.
" Alipin mo? Ang kapal ng mukha mo, hindi ako magiging alipin
ninuman! Paniguradong papaslangin ka ni daddy oras na matagpuan niya 'ko!" aniya
kaya halos sakalin siya nito ng bumaba ang kamay nito sa leeg niya dahilan para
kapusin siya ng hangin at mapahawak ang dalawang palad niya sa kamay nitong
nakakapit sa leeg niya.
" Napakatapang mo, bukod sa kariktan mo wala na 'kong ibang gustong
gawin sa 'yo kundi gamitin ang katawan mo at ang pinakamaganda lang na magagawa mo
ay bigyan ako ng mga supling. " ani Blood na niluwagan na ang pagkakasakal dito
hanggang tuluyan niya 'tong pakawalan.
Tumayo na siya at iniwanan si Francine na naringgan pa niyang
umuubo. Lumabas siya ng pintuang siya lang din ang may kakayahang magbukas kung
saka-sakali. Naglakad siya sa pasilyo at binate ng mga lobong nakasuot ng pare-
parehang kasuotan bilang mga taga-silbi.
Kasunod ni Lyra inilipat sa mundong 'yon ang kastilyo ng mga
Wolveus na nasa kanluran. Kaya ang mga kababaihang kabataan na nais magsilbi kay
Lyra sa kastilyong ginto ay naroon nang may pagkukusa. Habang naglalakad siya'y
minamasdan niya ang ibabang bahagi ng kastilyo kung saan naroon ang hardin. Doon
niya rin natagpuan si Lyra, bukod dito lahat na ng babae sa paningin niya'y mababa.
Mahihina ito sa paningin niya, maliban kay Lyra na nagpamalas ng kalakasan sa
digmaan sa Abyss. Nakangiti 'to habang nakaupo sa damuhan at kausap ang dalawang
kababaihang lobo. Napakaganda pa rin ni Lyra, lalo itong kuminis at pumuti sa klima
sa bago nilang mundo.
" Anong pinag-uusapan n'yo?" tanong ni Blood nang makarating na
siya sa mga nag-uusap. Ginamit niya rin talaga ang kakayahan niya.
" Pinapipili nila ko ng mga kasuotan, " nangingiting sabi ni Lyra,
" ...ayaw nilang maniwala sa 'kin na hindi maaari ang mga nais nilang disenyo,"
dugtong ni Lyra na pinakita kay Blood ang mga pagguhit.
" Ganyan na ang mga kasuotan ngayon, isa pa'y mahaba naman siya,"
natatawa ring wika ng isang mananahi.
" Maayos naman," ani Blood, pakiramdam niya'y wala namang mali
roon. Simple ngunit maganda ang detalyadong mga disenyo.
" Nakikita ang dibdib ko diyan, ilang beses na. Ipasusunog ko na
nga, hindi mo ba alam na kapag nakita ni Crescent 'yon pagmumulan ng away namin
'yan! Kaya nga hindi ako nagpapinta sa kasuotan na binigay n'yo," ani Lyra na
natatawa.
"Maliit na bahagi lang naman, " wika ng isang babae pa.
" Kahit na! Magpakita nga lang ako ng batok sa pagtataas ng buhok
ko noon pinagagalitan niya na 'ko, " natatawang wika ni Lyra na ikinangiti ni
Blood at ng dalawa pang babae. "Kaya habaan n'yo na 'yang mga 'yan dahil nasisiguro
ko na pagbalik niya magagalit na agad 'yon sa mga kasuotan ko. Itago n'yo lahat ng
p'wedeng itago sa katawan ko, " hirit pa ni Lyra. Totoo naman 'yon, hindi man sa
harapan ng iba pero kapag sila na lang dalawa'y talagang pagagalitan siya nito.
Noon ngang nag-aaral siya, siya ang may pinakamahabang palda dahil lagpas tuhod ang
kanya samantalang ang mga kaklase niya'y 'di umaabot ng tuhod ang mga palda noon.
**
" Kumain ka na, " ani Blood na pinagkrus ang paa habang binabantayan si Francine na
naroon sa isang gilid at nakayakap sa sarili. Malamig nga roon, ngunit hindi siya
naaawa dito dahil ang bagsik ng mga tingin nito kaya mas gusto niya 'tong
mahirapan. May pagkain na rin 'to sa harapan nito pero tinitigan lang nito at
matalim na ibabaling ang tingin sa kanya. Nakabalot na 'to sa kumot na kinuha nito
sa kama. Maputing-maputi ito at kulay rosas ang labi.
" Ikaw ang kumain niyan! Lalasunin mo pa 'ko! Bakit hindi ako
makagamit ng kapangyarihan ko rito, anong klaseng nilalang ka ba ha?!" sigaw ni
Francine kay Blood na mabilis na nakalapit sa dalaga at hinaklit 'to sa buhok kaya
agad na nasaktan si Francine at mariing napapikit.
"Tanga ka ba? Bakit kita lalasunin ng 'di kita napapakinabangan?"
gigil na tanong ni Blood. Nauubusan siya ng pasensiya rito. Naiinis siya sa timbre
ng boses nito at maging ang paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya. "Kakain ka ba,
o masasaktan ka muna sa 'kin?" tiim-bagang na tanong ni Blood kay Francine na
nahahabag sa sarili kaya pumapatak ang mga luha. 'Di siya kailanman nasaktan ng
ganoon, pero tila nakakatakot naman talaga ang lalaking nasa harapan niya. Tila
magagawa siya nitong patayin, gustong-gusto na niyang malaman agad ng daddy niya na
nawawala siya upang hanapin siya nito kaagad.
" Kumain ka na oh gusto mong ako pa ang magpapakain sa 'yo
hanggang sa dumugo 'yang bibig mo?" lalo niyang hinigpitan ang pagkakahila sa buhok
nito kaya napaigik na 'to.
Nagmatigas pa rin si Francine kaya sa labis na galit ni Blood ay
hinawakan niya 'to sa baba at hinalikan. Mapangahas at walang kaingat-ingat na
paghalik, nalalasahan niya na rin maging ang dugo sa labi nitong kinagat niya.
Iyak lang ng iyak si Francine dahil napilitan siyang kumain matapos
nitong bitiwan siya. Natatakot siyang sa galit nito'y puwersahin nitong angkinin
ang katawan niya. Hindi maaari, malapit na siyang ikasal kay Ezekiel -malapit na
siyang maikasal sa lalaking mahal niya at nanaisin pa niyang mamatay kesa maangkin
ng estrangherong nasa harapan niya!

This is not an update. Again, 'yung last chapter 120+ before the update!
SOON ... PUREBLOOD SERIES 5: The Emperor's Blood or RBW series 5: The Emperor's
Blood!
I hope you'll buy my book ( self-pub ) Book 2 on January and Tormented Fate on
March. :)
FB acct. Jovielyn Rivera ( MisaCrayola )

TF: Unfinish

Some chapters may be added! :)


Thank you!
On march I hope you'll buy the edited version of TF.

__TF__
UNFINISH
Nakatanggap ang mga anghel ng kautusan sa mga isipan nila na panoorin lang ang mga
nagaganap. Maging ang mga matataas na anghel na nakikita ang pangyayari sa mga ulap
na nagsisilbing salamin na nagpapakita ng nagaganap sa Abyss ay namamangha sa itim
na itim na Dragon na tila likha sa diamante. Habang tila maliit na tao lamang si
Crescent sa harapan nito na tinatangay ang pilak na buhok.
" Habang abala si Crescent, papaslangin ko ang mga anak niya," ani Virgo na
nakangisi. Gaano man kagaling si Crescent, higit ang kakayahan niya rito. Ngunit
hindi ito ang gusto niyang kalaban, kundi ang mga anak nito na ikasasaya niyang
punuin ang mga kamay niya at kasuotan ng tilamsik ng mga dugo nito.
DRAGON
Matagal ng panahon ang lumipas, wala man lang nakapukaw sa 'king atensiyon. Ako si
Craxus ang Dragon na taga-bantay sa ika-walong pintuan. Ako ang natatanging
tagabantay na hindi namimili ng lahi o kasunod ng nauna kong Diyos katulad ng
ginagawa ng iba na kung sino ang Diyos ang mga anak o sa iisang lahi lamang sila
kukuha ng kasunod.
Isa ako sa unang mga tagabantay, lahat ng bilang ay dinaanan ko na.
Ngunit nitong Isang libong taon na ang nakalilipas ng mapuno ang pitong pintuan at
lahat ay may hiranging Diyos at ako ang walang naiwanan. Sa kadahilanang iyon, ako
ang itinuring na pinaka-nakakatakot na tagabantay sapagkat isang masamang pangitain
ang magkaroon ng walong Diyos -Digmaan ang katumbas.
Malupit ako at mapangwasak, hindi ko gusto ang inuutusan ako at lalong
'di ko gusto ang mahinang Diyos. Pinapatay ko ang mahihina at ako'y nahihimlay at
magigising na lamang sakaling may nadama akong kalakasan na may kakayahang maging
isang Diyos, ngunit ang pitong napili ko'y mga walang silbi! Nakakagalit sila kaya
pinapaslang ko sila! Mga paimbabaw na sa una lamang magagaling! Kaya mula noon,
hindi na 'ko gumigising sa kakaunting kalakasan lamang, gigising lamang ako
sakaling may puwersang hihigit sa inaasahan ko. P'wersang kusang magbubukas ng
lagusan at pintuan ko, hindi tulad noon na ako mismo ang lalapit sa kanila.
Ang puwersang pumukaw sa 'kin ay kakaiba, ilang beses niya 'kong
tinangkang gisingin. Ilang beses niyang halos wasakin ang aking pintuan na ni
minsa'y 'di naganap. Ngunit 'di ako kumilos, bagkus hinintay ko siyang muling gawin
ang maglabas ng higit pang kalakasan. Akala ko hindi na siya muli pang magbabalik,
hanggang sa kusa na niyang nawasak nang kapangyarihan niya ang aking pintuan. Ang
pintuan kong iyon ay naka-programa na ma detekta ang malalakas na uri ng
kapangyarihan.
" Nakahanda ka na ba?" nang-uuyam kong tanong sa kanya. Ngunit imbis na
sagutin ako'y hindi siya kumibo. Nakatitig lang siya sa 'kin, titig na unang beses
kong nakita sa tanang pagkilala ko sa mga napipili kong Diyos. Walang takot, walang
kahit ano akong makapang agam-agam sa kanya, naroon ang pakiramdam na malaki ang
paniniwala niya sa sarili niyang kalakasan.
" Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman," aniya na
ikinapagtaka ko. May inilabas siyang espada sa mga kamay niya na hindi man lang
bumubuka ang bibig niya samantalang isang spell ang nakakapagpapalabas ng mga
sandata mula sa kawalan. Isa na 'yon simbolo ng kalakasan -ngunit marami ang may
ganoong kakayahan para humanga pa 'ko.
Nakatitig siya sa 'kin na tila nakikipagsukatan pa.
" Kung sakaling matatalo kita, isang malaking dismaya ang mararamdaman
ko. Iniisip ko na napakalakas mo, at malaki ang puwersang tatanggapin ko sakaling
mapasa'kin ka, kaya kung matatalo kita ano pang nanaisin ko sa 'yo?" sumilay ang
dismayadong ngiti niya.
Nabigla ako sa sinabi niya, walang gatol, walang preno at puno ng
katotohanan. Naroon ang pagkadismaya sa kanya.
Tama siya, kung matatalo niya 'ko aanhin pa niya ang kapangyarihan ko?
Tumawa ako ng malakas, iyan ay kung may kakayahan siyang talunin ako.
" H'wag kang mag-alala at hindi magaganap na maging mas malakas ka sa
'kin. Hindi mo rin nararapat talunin ako upang isuko ko ang kapangyarihan ko sa
'yo, ang kailangan lang ay malampasan mo ang pag-atake ko!" wika ko kasabay ng
paghampas ko sa parteng dulo ng katawan ko na lumikha ng napakalakas na paglindol
na ikinaangat ng naglalakihang mga tipak ng bato. Ibang-iba ang bato sa Abyss higit
sa batuhan sa mortal na mundo. SInadya kong pa trianggulo ang mga tipak nang sa
pagsugod sa kanya'y masusugatan ng malalim.
Sa pagpula ng mga mata ko ay mabilis pa sa nakikita ng pangkaraniwang
mata ang pagsugod ng mga tipak ng baton na hindi niya agad iniwasan. Kahit saan
siya magpunta'y wala siyang kawala. Muli ko pang inihampas ang dulong bahagi ko
-mas malakas at mas mabilis kong pinasugod muli sa kanya upang wala na siyang
takas.
"Tanggapin mo lahat 'to!" sigaw ko na nakapagpasiklab sa mga nagtatalasang bato na
pasugod sa kanya.
Ngising-ngisi na 'ko ngunit agad 'yong napawi ng makita ko na
nagtigilan sa ere lahat ng papasugod sa kanyang mga matatalas na batong nagliliyab
pa ang bawat isa. Iniikot ko ang paningin ko ngunit hindi na sila nasa ilalim ng
kapangyarihan ko.
Naroon pa rin siya sa kinatatayuan niya at ang mga mata niya'y
napakaganda. Nang mga mata niya ay nagbibigay sa 'kin ng kakaibang pakiramdam.
Nakita kong gumalaw ang kamay niya gamit ang kanan na may espada na inihampas niya
sa ere na sa hinuha ko'y pa ekis niyang ginawa.
" 'Wag mo 'kong patawanin sa mahinang atake mo!" aniya na sumugod sa
'kin. Nakita kong may pakpak siyang saglit na lumabas ngunit agad ring naglaho at
sa isa pang wasiwas niya sabay-sabay na tila hiniwa ang mga bato at naglaho ang
ningas ng apo'y niyon at bumagsak na tila buhangin na sa ibaba.
Mabilis siya ngunit madali lang sa 'kin na makita siya. Sinakmal ko ang
sandata niya na patungo sa 'kin kaya natigil siya sa paggamit niyon. Anong
magagawa ng ganitong atake? Wala! Bumuga ako ng napakalakas na apoy habang kagat-
kagat ko pa rin ang sandata niya. Susunugin ko siya! Masyado niya 'kong dinadala sa
mga mata niya, hindi na 'ko magpapalinlang sa mukhang malalakas lamang na tulad
niya!
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!" sigaw ko ng may matalas na bagay ang pumasok sa mga mata ko.
"Ahhhhh!" nagwala ako sa kirot na dinulot ng tila karayom lamang na pumasok sa
'king isang mata kaya ipinagwagwagan ko siya. Sa galit ko inihampas ko ang mukha ko
sa kalupaan kung saan naroon siya sa harapan ko dahil sa sandata niyang 'di ko
binibitiwan. Ilang beses ko siyang inihampas roon hanggang mapagtanto ko na
sinasaktan ko na lamang ang sarili ko dahil wala na siya. Umungol ako sa labis na
galit!
Agad ko siyang nakita sa 'di kalayuan na hawak ang sandata niya na
hindi ko nawasak? Paano nangyari 'yon?! May gasgas lamang siya sa kamay! 'Di ko man
lang napansin na wala na siya sa mga inihahampas-hampas ko. Ang ngisi niya'y lalong
nagpapatindi ng galit ko.
" Hindi ko kailangan ng mahinang pagsubok mo, alam ko na wala pa 'yan
sa kakayahan mo ," aniya, " Dahil kung iyan lang ang kakayahan mo, sinayang mo lang
ang oras ko," pinaningkitan niya 'ko ng mga mata. Hambog siya!
Naglabas ako ng iba't ibang magic circle at sa bawat isa niyon ay puno ng mga
kadenang huhuli sa kanya. Kabilaan at nagniningas, mahina siya, mahina sila, wala
siyang kakayahan! Hindi siya kabilang sa lipi ng mga Diyos, ano ang mapapala ko sa
kanya?! Galit na galit kong pinasugod sa kanya ang mga kadena na naglalabasan sa
bawat magic circle. Sa isang iglap nahuli ko ang dalawang binti niya't kamay.
" Nakamumuhi ang mga mata mo, " wika ko. Bakit nag-aangkin siya ng mga
matang nagniningas? Mga matang nakagigiliw sa 'king paningin. " Papatayin kita!"
galit ko pang angil kasunod ng pagsunog ko sa kanya gamit ang mga kadena ko.
"Hahahahaha! Mahina ka!" uyam ko sa kanya. Natigilan ako dahil alam ko na tagos
hanggang buto ang epekto ng ilusyong apoy ko, alam ko na halos durugin niyon ang
pakiramdam ng mga buto niya. Pero hindi siya sumisigaw, hindi siya nasasaktan o
tamang sabihin na kaya niyang tiisin ang sakit na 'yon na tila ba higit pa roon ang
pinagdaanan niya.
Nakalas ang mga kadena ko ng hilahin niya ang kamay niya. Itinigil ko
ang paglalaro ng apoy at tinitigan siya. Masama ang ipinupukol niyang tingin sa
'kin. Nagliwanag at nagkulay dugo ang kabilaan niyang mga mata kasunod niyon ang
pagbabagong anyo niya. Lumabas isa-isa ang mga buntot niyang tila nagliliyab na
tila nakikibalanse sa galit na nasa mga mata niya. May linyang lumabas sa mukha
niya na kulay pulang naging marka at ang kanina'y nagliliwanag na pulang mata
niya'y mayroon na ring blood circle at kitang-kita ko 'yon.
Saan ko ba nakita ang tagpong ito? Bakit parang minsan ko na siyang
nakita? Isa - dalawa -tatlo -apat-lima ....... nanlaki ang mga mata ko ng
mapagtanto ko kung sino siya.
"Ang pinakamalakas na nilalang sa lupa'y isang lobong Diablo na
nagngangalang Crescent. Hindi ko alam kung may katotohanan ang kuwento niya sa
darating na panahon, dahil maaaring mabago ang propesiya sakaling maiba ang takbo
ng buhay niya. Mainit ang ngalan niya sa mga Diyos dahil sa kakayahan niya,
isinilang siyang pantas at maaaring magpalit ng ngalan. Ngunit makikilala siya
bilang nilalang na may siyam na buntot na nakatala sa mga tabletang bato. Kung
matatagpuan mo siya sa darating na panahon, piliin mo siyang pagsilbihan," iyon
ang mga salitang namutawi sa kanyang una't huling Diyos na pinagsilbihan ng buong
puso't kaluluwa. Namatay ito dahil sa pagsasakripisyo kaya naman simula ng maglaho
ang kanyang Diyos na si Zybeleum ay naging malupit na siyang tagabantay na
pumapatay sa mga maling Diyos na napipili niya. Napakalakas ni Zybeleum, at wala na
siyang makitang tulad nito. Pero ngayon, may isang nilalang na nasa harapan niya.
Malakas, walang takot, tama -ito ang pipiliin niya.
" Ikaw ba si Crescent?" tanong ko sa kanya. Tinitigan niya lang ako,
napakahirap niyang pasagutin. " Kung ganoon ikaw nga ang itinakda para sa 'kin,"
nagpalit ako ng anyo. Lubha akong malakas, ngunit nasa Diyos na humahawak sa 'kin
ang lakas ko. Kung hanggang saan ang kakayahan niya ay ganoon rin niya 'ko maaaring
gamitin. Naniniwala ako kay Zybeleum na si Crescent ang makapaglalabas ng
pinakamalakas kong kapangyarihan.
Nagpalit anyo ako, nabalot ako ng gintong ilaw kasunod ng pagliit ko
nang pagliit hanggang maging sukat tao ako. Inilahad ko ang mga kamay ko,
nadama ko rin agad ang lamig ng simoy ng hangin habang tinatangay sa lakas niyon
ang itim na itim kong buhok. Namasdan kong muli ang makinis at maputi kong kutis.

Nabigla ako ng may bumato sa 'kin na kung ano. Isang tela 'yon,
tinignan ko ang nasa harapan ko at nakabaling na ang tingin ng kalaban ko sa iba.
Tinignan ko ang sarili ko't nangiti na lang ako. Nakahubad pala 'ko!
Tinanggal niya ang doble ng kasuotan niya at ibinigay niya sa 'kin kaya
nakasuot na lamang siya ng puting pang-itaas. Nakita ko tuloy ang magandang hulma
ng braso niya na kanina'y tinatakpan ng kasuotang mahaba na ito ngang ibinigay niya
sa 'kin.
Isinuot ko naman 'yon habang ngiting-ngiti ako dahil naaamoy ko ang
mabango niyang amoy na tila halimuyak ng mabangong bulaklak. Halos dulo lang ng
daliri ko ang lumabas dahil sa haba niyon at umabot naman siya sa kalahati ng hita
ko. Itinali ko 'yon sa baywang ko't handa na 'kong labanan siya.
Mahirap man siyang labanan dahil sa anyo kong 'to nalalaman ko na
napaka-kisig niya. Pinunasan ko na lamang agad ang laway ko, gusto ko na siya,
gusto ko na siyang pagsilbihan ngunit kailangan ko pa siyang subukan. Sinugod ko
siya nang 'di pa siya nakakatingin at agad naman niyang nasalo ang kamay ko na
ikinangiti ko. Inilabas ko agad ang mahahaba kong kuko at idiniin ko sa kamay
niyang nakahawak sa 'kin kaya nagdugo 'yon. Lumayo ako sa kanya.
"Schyte," tawag ko sa sandata ko na agad lumabas. Tila iyon kalawit ni
Kamatayan na may mga simbolismo sa itim na hawakan. Sinugod ko agad siya ngunit 'di
nawawala ang ngiti ko! Ilang beses ko siyang sinugod at kaliwa't kanan ko na
inihampas ang matalas kong sandata na nakakapagpabaak na sa hawak niyang espada na
ginagamit niya lang na pananggalang. Bakit ba ayaw niyang sumugod! Bakit kailangan
kong makita ang ritmo ng paggalaw niya na masyadong nakakaakit sa 'kin. Ang hampas
ng buhok niya, ang seryosong reaksiyon niya, ang hugis ng mga braso niya. Dahil sa
paghangang nadarama ko sa kanya lalo ko siyang sinugod ng mas mabilis mas malakas
na nasasabayan rin naman 'yon.
" Sasama na 'ko sa 'yo, " wika ko sa kanya bago ko siya niyakap.
Nabigla siya at agad akong inilayo sa kanya kaya napasimangot ako. Pero kumalat na
sa braso niya ang marka ko. Itinaas ko ang kamay ko, "Yrania Craxus, ang ika-walong
tagabantay ay nagbibigay daan sa ika-walong Diyos! " wika ko kasunod niyon ang
pagtaas ng buhok ko at pag-iilaw ng mga mata ko. Sa mundo ko, mananatili siya, sa
mundo ko siya ang hihiranging Diyos, siya ang magkakamit ng buong kapangyarihan ko.
" Gamitin mo ko sa paraang gusto mo, susundin ko ang bawat nais mo. Gamitin mo
'kong sandata't panangga mo, sa darating na ika-isang daang araw tuluyan kong
isusuko sa 'yo ang kapangyarihan ko ng buong-buo," wika ko kasunod ng unti-unting
pagkagunaw ng Abyss.
" Nagtapos na ang oras mo, Crescent. Sa 'kin na ang mga anak mo, sa
'kin na sila bilang alipin ko, at 'wag kang mag-alala dahil maghihirap sila sa
bawat araw!" isang malakas na halakhak ang umalingawngaw kaya napatingin ako kay
Crescent. Galit ang nanunulay sa mga mata niya.
"Halika na," inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Galit rin ang nadarama
ko dahil sa unang mga minuto ng pagsisilbi ko sa kanya wala akong nagawa.
"Tutulungan kita, kaya ko silang hanapin. Isang daang araw lang ang
kailangan ko, dahil matagal bago ko mailabas ang tunay kong kapangyarihan dahil sa
naka-sealed 'yon, " naroon ang paumanhin sa boses ko. Nasisira na ang tapakan namin
at wala akong pakialam sa nagaganap sa paligid.
"Sinasabi mo bang hayaan kong maghirap ang mga anak ko ng isang daang
araw?" matalim ang tingin na ibinigay niya sa 'kin. Nakuyom ko ang palad ko, dahil
isang daang araw pa bago ko magawang buksan ang kapangyarihang itinago ko sa mundo
ko na nakalaan para sa kanya.
"Doon na tayo sa 'ting daigdig, " inilahad ko ang kamay ko sa kanya.
"Hindi ko kailangan ang daigdig mo, kapangyarihan ang kailangan ko para
sa pamilya ko," nagtatagis ang bagang niya. Galit siya sa 'kin, pero nasa kanya na
ako kaya kahit saan siya naroon pa rin ako.
" Pagbabayarin natin sila, pangako, mula sa kahli-hulihang lipi niya
papaslangin natin!" pangako ko sa kanya, pero tinalikuran niya lang ako.
" Virgo, tandaan mo ang araw na magsisimula kang saktan ang bawat isa
sa kanila. Ganyan din ang dadanasin ng mga anak mo sa 'kin, ipapalasap ko sa 'yo
bawat pagmamalupit mo sa kanila. Oras na matagpuan ko kung nasaan ka, bawat
nilalang na may kaamoy ng dugo mo'y papaslangin ko maging sanggol man 'yon sa 'king
paningin." Sumpa niya -sumpang nakakikilabot. Nagliyab na ang buong paligid,
isinusumpa ko rin na sa ika-isang daang taon hindi ako magiging basura katulad
ngayon. Ipapakita ko sa kanya na ako ang pinakamalakas, ako ang ninanais ng marami,
ako ang nararapat na maging taga-bantay niya.
**
" Bakit kailangan mong makipaglaban sa kanya? Maliit pa ang anak natin, hindi sa
wala akong tiwala sa 'yo, natatakot lang ako para kay Peace! " mangiyak-ngiyak na
wika ni Sora sa kinakasamang si Virgo. Hindi siya ang asawa nito, isa lamang siya
sa mga babae nito at paborito nito. Pero si Peace ang unang anak nito at sa kanya
nito iyon supling. " Magiging Diyos siya, magtatagpo at magtatagpo kayo. Maliit pa
si Peace, labing-limang taon lang ang anak natin at nangako ka na hindi mo siya
tuturuang makipagdigma dahil babae siya! Pakawalan mo na ang mga anak niya, alang-
alang kay Peace!"
Hindi matanggap ni Virgo ang mga sinasabi ni Sora kaya malakas niya
'tong nasampal. " Hindi ako mahina, kaya kong protektahan kayo ni Peace. Hindi mo
kailangan mangamba -"
" Kung lahat ng balik ng ginagawa mo ay sa anak natin, hindi ako
mananatili dito. Lalayo ako pansamantala sa 'yo kasama si Peace. Basbasan mo lang
siya na mawala ang amoy ng dugo mo sa kanya, mabubuhay siya ng maayos sa daigdig ng
mga mortal. 'Wag mo siyang idamay dito!" humagulgol si Sora, kasunod noon ang pag-
iyak ng kasisilip lamang na dalagitang si Peace na may kulay itim na buhok.
" Hindi aalis si Peace dito, mas magiging ligtas siya sa piling ko,"
pinal na wika ni Virgo kaya hagulgol lamang ang sukli ni Sora. Tumakbo naman si
Peace upang 'di mapansin ng ama ang pagkakarinig niya sa usapan ng mga ito.
Sa haba ng tinatakbo niya nakarating siya sa dulong pasilyo kung saan
nakita niyang dinala kanina ang walang malay na lalaki. Marahil iyon ang tinutukoy
ng kanyang ina na ibalik na sa ama nito na magiging isa ring Diyos. Mahal niya ang
ama, hindi niya gustong masaktan 'to at makipagdigma -natutuwa siya na Peace ang
pangalang ibinigay nito sa kanya.

LET ME HEAR YOUR VOICES READERS! :)


140 votes next chapter.
Add me: Jovielyn Rivera (MisaCrayola)
Group: MisaCrayola

Si CRAXUS ay may katauhang lalaki at iyon 'yung Dragon siya. Kapag nasa taong
itsura siya kaya sinabi niyang mahirap sa kanya ang anyong 'yon dahil babae siya
which is si TYRANIA. Ang pangalan niya ay Craxus Tyrania na maipaliliwanag pa sa
mga darating na kabanata. :)

TF: MOMENTS
Thank you for reading TORMENTED FATE.
Incoming stories:
( Please, put it on your library to keep you updated! )
RBW series IV: CATASTROPHE
RBW series V: Seventh Sanctum ( Red-Eyed Demon )
RBW series VI: The Emperor's Blood!

TORMENTED FATE
" MOMENTS "

" Kailangan kong sumama sa 'yo, isa pa hindi ka pa ganap na Diyos dahil hindi pa
siya nagigising. Ang kalahating katauhan ko, si Craxus Croszeria-" paliwanag ni
Tyrania Craxus -dalawa silang taga-bantay. Ito ang kapangyarihan na makakamit ni
Crescent, ang kakambal niya. "Kahit saan ka pumunta makikita kita, dahil nasa
katawan mo na ang marka ko," anito pa na hinahabol si Crescent.
"Crescent, " si Rozen 'yon na hinang-hina na. Tila ba muling guminhawa
ang pakiramdam niya ng makita ang lalaking iniibig pa rin. Nakalapit na siya dito
habang si Tyrania ay papalit-palit ng tingin.
"Nasaan ang anak natin -ang anak mo, si Crescentine?" nag-aalalang
tanong nito. Bumalong ang luha nito, " Hindi ko siya matagpuan, " nanghihinang
napahawak si Rozen sa braso ni Crescent.
Nabigla si Rozen ng maramdaman niyang umangat siya at mapagtanto niyang
binuhat siya nito. " Ililigtas kita sa lugar na 'to, para kay Crescentine at sa
pag-aalaga mo sa kanya, " wika ni Crescent. Nagliliyab na ang buong paligid at
totoong ilang minuto na lamang ay maglalaho na ang Abyss.
"Wala na siya, ang isang katauhan ko na nagustuhan mo. Naglaho na siya
sila sa kawalan ni Light matapos kong muling makuha ang kapangyarihan nila, " ani
Crescent, pagpapaliwanag na hindi sila nagsama-sama kundi naging pagbubuo lang ng
kalakasan niya. Wala na ang dalawa, naglaho na sa kawalan na tila mga hangin.
Tumango si Rozen na kumirot ang puso. Nararamdaman niya na hindi nga
ito si Crescent na nakasama niya, ibang-iba ang pananalita nito at hindi ito
ngumingiti katulad ng isa pa. Masyado ring malamig ang boses nito. Sa ngayon, hindi
naman na niya gustong makibahagi sa pagtingin ni Crescent, gusto niya lang na
makasama si Crescentine. Ito lamang ang mayroon siyang kayamanan.
Naglaho silang tatlo sa lugar na 'yon. Ibinaba ni Crescent si Rozen ng
bumukas ang malaking tarangkahan sa mundong namulatan nila matapos ang kadiliman.
Napakaganda, sariwa ang hangin at puno ng kapunuan at isang tunay na paraiso.
Walang mga taong mapanira ng kalikasan, walang pagbabadya ng digmaan -ang mundong
nilikha niya sa tulong ng mga katauhan niya't ang kanilang likhang anak na si
Blood.
Nanunulay ang kalungkutan sa mga mata ni Crescent, pakiramdam niya
bigong-bigo siya sa 'di pagkakadala sa mga anak nila. Marahil magagalit si Lyra,
hindi niya rin alam kung paano niya gugustuhin ang bago't magandang mundo na 'yon
kung ang isipan niya'y nagugulo sa isiping nasasaktan at pinahihirapan ang mga anak
niya sa kung saan ang mga ito naroon.
"Master -" ani Tyrania ng makitang bumubukas na ang tarangkahang pilak
na may iba't ibang batong tila ruby na nakakorteng W.
Bigong-bigo ang pakiramdam ni Crescent, hindi niya alam kung paano
haharapin si Lyra. Nang tuluyang bumukas ang tarangkahan ay nakita ni Crescent ang
babaeng iniibig niya -pag-ibig na kahit kailan hindi nawala sa kanya. Nakita niya
na magkasalikop ang kamay nito at bumabalong ang luha habang nakangiti sa kanya.
"Crescent, " lakad takbo ang ginawa ni Lyra hanggang marating niya 'to.
Niyakap niya 'to ng mahigpit habang palakas nang palakas ang pag-iyak niya.
Naramdaman niya rin ang paghigpit ng yakap nito sa kanya.
"Patawad, Lyra," halos bulong lang 'yon ni Crescent na sumubsob sa
balikat niya. Lalong bumalong ang luha ni Lyra, wala siyang nakitang bakas ng mga
anak nila. Dalawang babae lang ang nakita niya ngunit hindi niya makilala dahil sa
panlalabo ng mata niya sa sobrang pag-uunahan ng mga luha. Mas nasasaktan si Lyra
dail pakiwari niya'y 'di lang siya ang umiiyak, maging si Crescent kaya hinaplos
niya 'to sa likuran.
Sa paligid nila'y naroon ang mga naninilbihan sa magkabilang panig.
Lumuluha rin ang mga ito, habang si Blood na nasa itaas pa'y tahimik lang na
nagmasid. Nagbalik ang kanyang ama na wala ang mga anak nito kay Lyra. Napaslang ba
ang mga ito?
" Buhay pa sila hindi ba?" tanong ni Lyra na nanginginig na ang boses.
" Pero bihag sila -" damang-dama ni Lyra ang paninisi nito sa sarili.
Pero sapat na sa ngayon ang malamang buhay ang mga anak niya, may pag-asa pa silang
mabuo. At hindi maaaring panghinaan siya ng loob lalo't pakiwari niya'y nasa punto
ng pagbagsak si Crescent dahil sa paninisi nito sa sarili.
Hinawakan niya ang ulo nito at marahang hinaplos. " Mga anak mo sila,
ano ka ba! Hindi sila susuko, kahit anong pagdaanan nila katulad mo tatayo sila't
lalaban. Hindi nila hahayaan na apihin sila ng iba, hindi nila hahayaan na matalo
kaya dapat na magtiwala tayo sa kanila," ani Lyra na 'di pa rin maampat ang
pagluha.
Malakas ang mga anak nila, iyon ang paniniwala niya. Nang makita niya
kung paano lumaban ang mga ito, alam niya na katulad ni Crescent hindi 'to
magpapagapi basta-basta.
Gustong tanungin ni Lyra kung bakit naroon si Rozen at sino ang
dalagitang kasama ni Crescent pero hindi na siya umimik pa. Hindi iyon ang tamang
oras para tanungin niya 'to.
"Magpahinga ka muna, babalikan kita kapag makakain ka na," aniya dito nang ibigay
niya rito ang roba. Nag-aalala siya dahil alam niya na apektado 'to pero kailangan
nilang magpakatatag. Nasa loob na sila ng okupadong kuwarto nila.
Lumabas siya ng kuwarto at nag-utos na maghanda ng makakain para kay
Crescent.
"Nasaan si Rozen?" tanong niya kay Blood na siyang nagdala sa dalawa sa
kuwarto na 'yon sa dulong pasilyo.
" Magkakilala sila ni Alunsina, ang asawa ng kapatid ni papa. At
naisipan niya na doon na lamang ito patuluyin sa kastilyo ng mga Wolveus," ani
Blood. Siguro'y alam ni Alunsina na 'di naman talaga maganda na naroon si Rozen,
nagseselos siya sa t'wing nakikita niya 'to. Hindi pa rin niya maatim na isipin na
minsan nahalikan nito si Crescent, at sa ngayon mas gusto muna niyang asikasuhin si
Crescent.
" Ikaw ng bahala sa kanya, hindi ko kinakaya ang tigas ng ulo niya,"
turo ni Blood sa babaeng hindi naman niya nakita kahit minsan. Naroon ito sa loob
ng kuwartong 'yon at parang batang namamangha sa nakikita mula sa glass wall na
matatanaw ang buong paraiso ng mundong 'yon.
Si Blood, tahimik lang 'to madalas. Hindi sila iwas sa isa't isa at
hindi rin naman sila malapit. Tila ba mas gusto nitong hindi nagsasalita. Madalas
'tong usapan ng mga kasamahan nila sa kastilyo dahil nga sa nakuha nito ang itsura
ng mga Wolveus. Ngunit tila raw namana 'to kay Laxus na kapatid ni Crescent.
Naipaliwanag na rin naman sa kanya ni Blood kung paano 'to nabuo ---hindi nila 'to
anak sa pag-iibigan. Nilikha 'to ni Crescent.
Inilagay ni Blood sa palad niya ang kasuotan para sa estrangherang
babae, bago ito lumisan. Tatawagin niya sana ang babaeng 'yon kaso nauna na 'tong
lumingon. Ngiting-ngiti niya 'tong hinarap at agad 'yon napalis ng makita niya na
kasuotan ni Crescent ang suot nito.
" Magpalit ka na, " pilit niya 'tong nginitian.
"Hindi, ayos na 'to sa 'kin. Isa pa, napakabango nitong kasuotan para
palitan ko pa," ngiting sagot ni Tyrania kay Lyra na nawala muli ang pilit na
ngiti.
" Pakiramdam ko nadarama ko ang balat niya, napakabango niya. Nasaan na
pala siya?" tila tuwang-tuwa 'to na lumapit sa kanya.
" Magbabad ka na sa tubig, sige na. Hindi maaaring sumama sa hapag ang
hindi naliligo, " nilayan ng sarkasmo ni Lyra 'yon.
"Hmm.. sige na nga! " anito na nagpahatid pa sa kanya sa paliguan.
Nakita niya nang alisin nito ang kasuotan ni Crescent at inamoy pa nitong muli na
tila kinikilig pa kaya halos magdilim ang paningin ni Lyra na napahalukipkip.
"Kukunin ko na 'tong kasuotan mo -"
" 'Wag! Isusuot ko 'yan, ayoko ng iba!" anito na lumutang sa malaking
paliguan na tila malaking balon.
" Ilalabas ko lang, mababasa 'to," ani Lyra na nginitian ng peke ang
babaeng hindi niya alam ang pangalan.
"Sige, iyan pa rin ang susuotin ko!" anito na muling lumubog.
Inis na nagmartsa si Lyra palabas ng solong paliguan sa kuwartong 'yon.
Hindi niya pinansin ang mga bumabati sa kanya dahil mas inis ang nangingibabaw sa
kanya. Bakit suot-suot ng babaeng 'yon ang kasuotan ni Crescent. Wala rin itong
ibang panloob na suot! May naganap ba dito at kay Crescent?!
Pumasok siya ng kuwarto nila at narinig pa rin niya ang lagaslas ng
tubig kaya nasa loob pa ng paliguan si Crescent. Inis na humanap siya ng gunting at
naupo sa kama. Pinag-gugupit niya sa maliliit na piraso ang kasuotan na 'yon,
naiiyak siya sa selos!
" Anong ginagawa mo, Lyra?" si Crescent 'yon na kalalabas lang at
nagtatali ng roba. Hindi niya 'to nilingon at pinahid niya ang luha niya. "Lyra,"
lumapit sa kanya si Crescent pero ibinato niya lang dito ang mga piraso ng telang
sinira niya. Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng paliguan para mahimasmasan -sabi
niya na hindi niya 'to aawayin at pasasakitin ang ulo pero heto siya't kinakain na
naman ng selos niya! Ayaw niya na ginagamit ng iba ang kasuotan ni Crescent, kanya
lang 'yon!
Nagbabad siya ng walang saplot sa dutsa ng shower. Nakatali pa ang
buhok niya ng paikot. Kinakalma niya ang sarili, kailangan hindi maging pabigat ang
pagseselos niya sa sitwasyon ngayon. Pero sino ba kasi 'yon! Hindi nga nito
ipinakilala 'yon sa kanya!
" Hindi mo isinasara ang pintuan, " si Crescent 'yon na humapit sa
katawan niya mula sa likuran. Napasinghap siya ng maramdaman ang mainit na katawan
nito, pakiramdam niya namumula siya dahil sa tumakbong init sa bawat himaymay ng
ugat niya.
"Crescent -" bumibigat ang paghinga ni Lyra dahil nararamdaman niya ang
bahagi nitong buhay na buhay na rin.
" Ayaw mo ba 'kong kasabay?" bulong nito sa punong tainga niya. Lalo
lang kumalat ang init na nadarama niya ng kagatin ng labi nito tainga niya.
Nilingon niya 'to ng marahan at ganoon rin ka-rahan na isinandal siya nito ng
malamig na salaming nagsisilbing pader at hangganan. Bahagya siyang tumingala dito
dahil nakatungo naman 'to sa kanya. Kitang-kita niya ang pagbagsak ng tubig sa
matipunong katawan nito -tila ba maging ang tubig ay suwerte na nadaanan nito ang
katawan ng lalaking nasa harapan niya. Hindi niya alam kung ano bang mayroon ito,
pero tila ito ang pinaka-makisig sa lahat ng lalaki. Ito ang perpektong hulma na
tila kahit ang kaliit-liitang detalye sa paglikha dito'y mabusisi at puno ng pag-
iingat ang pagkakalikha kaya ganito 'to kaperpekto.
Bumaba ang mukha nito sa kanya at hindi niya matagalan ang pang-aakit
nito sa kanya -inaakit nga ba siya nito? Hinawakan niya ang magkabilang mukha
nito't inangkin ang mapulang labi nito. Sa una'y marahan lang ang pagtugon nila sa
isa't isa ngunit habang lumiliit ang hangin sa pagitan nila'y lalo pa 'yong
lumalalim. Kahit ang malamig kaninang tubig sa dutsa ay naging maligamgam na yata
at 'di na maramdaman ni Lyra.
Napasinghap si Lyra ng dumapo ang labi nito sa kaliwang dibdib niya
matapos nitong ubusan siya ng hangin dahil sa kakaibang sensasyong dulot ng mga
halik nito sa leeg niya. Marahan lang rin ang pagsakop ng mga palad nito sa dibdib
nya. Nakakagat niya ang labi dahil sa pagpipigil na punuin ng ungol niya ang buong
silid. Ngunit sa bawat pagpapala nito sa katawan niya, mapalabi man nito o mga
palad at ang pagdidikit ng mga balat nila'y sapat na para 'di na niya mapigil ang
kumakawalang ingay.
Nagpupula ang mata niya dahil sa pagnanasang tumatakbo sa katawan niya.
Para bang maging ang pagiging bampira niya'y umaatake na rin para tikman ang dugo
ng asawa niyang halos baliwin siya sa mga pagpapala nito.
Ilang beses 'tong bumalik sa labi niya -bumaba sa leeg, balikat,
dibdib hanggang sa pinaka-sensitibong parte ng katawan niya. Ilang beses niyang
tinawag ang pangalan nito sa t'wing nararating niya ang glorya ng pagpapala nito.
"Crescent, " namumungay ang mata ni Lyra nang ilapag siya nito sa kama nila. Basa
pa sila ngunit walang lamig na dulot 'yon dahil sa init na nadarama nila para sa
isa't isa.
Hinaplos ni Lyra ang mukha ni Crescent, pati ba naman sa kama iiyak
siya?
" Mahal na mahal kita, Lyra. Hinding-hindi na kita iiwanan, " ani
Crescent na ikinaiyak lalo ni Lyra.
Ang una't huling lalaking iibigin niya, ang unang lalaking nagbigay ng
kakaibang ligaglig sa batang puso niya. Marami na silang pinagdaanan, marami na
silang luhang ibinuhos. " Mahal na mahal kita, Crescent. Salamat dahil hindi ka
tumingin sa iba, salamat dahil iniisip mo na ako ang pinakamaganda mong nakita,
salamat dahil sa dinami-rami ng mga babaeng nahuhumaling sa 'yo sa 'kin ka lang
ngumingiti at tumatawa. Salamat sa pagkain mo ng mga pinapakain ko sa 'yo kahit
pakiramdam ng iba nilalason na kita, " lumakas ang pag-iyak ni Lyra na ikinangiti
naman ni Crescent.
Kahit na sinasabi ng iba na ang malas mong lalaki at walang alam na
tulad ko ang napangasawa mo wala kang pakialam doon kasi nga gandang-ganda ka sa
'kin, kahit minsan tinatanong ko rin ang sarili ko kung ano bang mayroon ako na
nagustuhan mo. Pero napapagod na talaga 'ko mag-isip wala pa rin akong makitang
maganda sa 'kin maliban sa mukha ko, pero marami talagang mas maganda, mas malaki
ang boobs, mas sexy at mas mabait --" ani Lyra pa na lalong ikinangiti ni Crescent.

" 'Wag mo na uli tatanungin ang sarili mo kung anong nagustuhan ko sa


'yo, Lyra. Dahil buong-buo kitang nagustuhan, makita lang kita nangingiti na 'ko, "
pinunasan nito ng likuran ng palad ang mga luha ni Lyra na naglandas, " Malaman ko
lang na magigising ako at matutulog na kasama ka, hindi ko na 'yon kayang ipagpalit
pa sa ibang kasiyahan sa mundo. Sa t'wing maiisip ko na naghihirap ako at susuko na
'ko, naiisip ko na umiiyak ka na naman at naghihintay sa 'kin, kapag naiisip ko
'yon lalo akong lumalakas -lumalaban ako dahil gusto ko na hindi masayang ang mga
luha mo, na darating ako at babalik sa 'yo. Kung hindi dahil sa 'yo, wala namang
dahilan para hangarin ko ang iba't ibang kalakasan, dahil sa inyo alam ko kung ano
ang kayamanan ko, kung ano ang mga ipinaglalaban ko, at kung bakit kailangan kong
mabuhay. Sa 'yo sila nagmula, at hindi naman sila mabubuhay kung wala ka, ikaw ang
nagbigay ng mga supling sa 'kin. Ikaw lang ang mamahalin ko, at alam ko na kahit
saan ako magtungo handa kang samahan ako, " sa dinami-dami ng sinabi ni Crescent
lalo lang umiyak si Lyra. Bihira lang 'to magsalita ng marami!
" Talikuran man ako ng lahat, alam ko na hinding-hindi mo kayang gawin
'yon sa 'kin, Lyra, " dugtong ni Crescent bago muling angkinin ang labi ni Lyra.
Walang ibang babae siyang ninais makatabi sa kama at makasalo roon.
"Crescent!" napasinghap si Lyra.
Muli niyang nadama sa katawan niya ang maiinit na halik nito. Nagpupula lalo ang
mata ni Lyra nang simulan na siyang angkinin ni Crescent - sa pagitan ng pag-iisa
nila'y halos sugatan ni Lyra ang likuran ni Crescent. Kapag nag-iisa talaga sila
hindi niya mapigil ang pagiging bampira niya -tila laging nagigising ni Crescent
ang buong diwa niya -nakakahiya mang aminin pero labis ang pagnanasa niya kapag
ganoon. Init na init ang pakiramdam niya na si Crescent lang rin ang makakapawi.
Wala na siyang pakialam kung maingay siya -hindi naman sila maririnig at nasisiguro
niya 'yon. Nang makatapos sila'y nakipagpalit si Lyra ng p'westo at nginitian pa
niya si Crescent ng nasa ibabaw na siya nito.
Nagliliwanag na ang mapupulang mga mata ni Lyra -maging ang buhok
niya'y tumatabing na sa mukha niya.
Hinawi ni Crescent ang buhok na tumatabing sa mukha ni Lyra at
nginitian 'to. Pakiwari ni Lyra, inaakit na naman siya nito kapag ganoon ito! O'
masyado lang talagang nakakaakit ang itsura nito? Kaya lalong nanunuyo ang
lalamunan niya.
Bumaba ang mukha niya at inangkin ang labi ni Crescent halos sugatan
niya ang labi nito --kasalanan nito at ginising na naman nito ang natutulog niyang
pagiging bampira!
"Lyra -" tinakpan niya ang labi ni Crescent. Hinalikan niya ang leeg
nito bago tikman. Sinakmal niya ang leeg ni Crescent, naramdaman niyang humigpit
ang kapit nito sa balakang niya. Ngayon lang 'to nagkaroon ng reaksyon sa pagkagat
niya -damang-dama niya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya.
Napakalinamnam talaga ng dugo ni Crescent. Tila nababaliw siya sa bawat
patak niyon, kakaiba ngayon ang dugo ni Crescent dahil habang tumatagal ang
pagsipsip niya roon ay tila lalo pa 'yon nagbibigay ng kakaibang sarap sa t'wing
sasayad sa lalamunan niya. Hindi niya mapigilan ang sarili niya -nagawa pa nga
niyang tanggalin ang pangil niya at ibaon muli 'yon sa katabing parte ng kinagat
niya kanina -apat na beses siyang nagbago ng lugar ng pagkagat nito sa kanang parte
ng leeg ni Crescent. Umabot ang pagbaba niya sa balikat nito.
"Lyra - nanghihina na 'ko, " natatawa pang wika ni Crescent. Natauhan
doon si Lyra at nag-angat ng mukha at tinitigan si Crescent. Hinalikan siya nito sa
noo at totoo nga na namutla 'to at tila bumigat ang paghinga. Minasdan niya ang
parteng kinagat niya rito at nagpapasa na rin 'yon kaagad. Nasa walong palit siya
ng kagat rito.
Imbis na hihingi siya ng tawad sa nagawa ay tumalim ang paningin niya
ng madama niyang may paparating malapit sa kuwarto nila. At namumuhi na kaagad
siya. Tumayo siya at kumuha ng roba't sinuot 'yon ng mabilis. Inayos niya ang kumot
ni Crescent.
" Sandali lang," aniya rito at hinalikan 'to sa noo.
Naglakad siya patungo sa pintuan.
"Ikaw! Nasaan ang damit ko! Ninakaw mo 'yon!" nagsisinigaw na wika ng
babaeng bisita nila. Nabigla siya ng makitang wala 'tong saplot pagbukas ng
pintuan.
"Ano ba! Magbihis ka nga! Maraming makakakita sa 'yo!" aniya rito.
"Ibalik mo muna 'yung damit ko! " naglaho 'to sa harapan niya. Kaya
naalarma si Lyra.
"Nasaan na! Bakit naaamoy ko siya rito?" anito na nasa loob na ng
kuwarto nila. Kaya dali-dali niya 'tong hinablot sa braso. Nakahubad si Crescent,
baka makapatay siya oras na makita nito ang katawan ni Crescent. Pero wala naman na
sa kama si Crescent at naririnig niya ang lagaslas ng tubig sa loob ng paliguan.
"Anong ginawa mo sa Master ko! Bakit magulo ang higaan na 'to at bakit
naaamoy ko siya sa 'yo!" anito na nakahubad talagang makipagdiskusyon. Paano pag
nakita 'to ni Crescent na ganoon!
"Magbihis ka sinabi!"
"Magbibihis ako kapag damit niya ang isusuot ko, mahirap bang
intindihin 'yon ng mahinang kukote mo?" nameywang pa 'to.
" Anong sabi mo?!" nagpupula na ang mata niya sa galit dito. " Tumigil
ka ng kakaganyan, asawa ko 'yon at may mga anak kami kaya mahiya ka!" sigaw niya
rito na tila ikinabigla nito.
"Crescent 'wag kang lalabas diyan! Sinasabi ko sa 'yo!" aniya para
marinig nito. Hindi nga 'to lumabas sa paliguan.
" Napakasama mong babae!" sigaw ni Tyrania sa kanya. Nagtaasan ang
buhok nito kasabay ng malakas na paglindol sa buong kastilyo.
"Blood!" sigaw ni Lyra na narinig naman ni Blood na kakagat sana ng
mansanas na nasa tuktok ng isang mataas na puno. Napailing 'to at agad naglaho
roon. Sa isang iglap naroon na siya sa kuwarto ng ama at ng kanilang Emperatris.
"Paalisin mo 'to dito, at pagbihisin mo 'yan! " galit na wika ni Lyra.
" Ako na ang magbibihis sa kanya," ngisi ni Blood bago hinawakan ang
babaeng si Tyrania at agad silang naglaho roon. Huminga ng malalim si Lyra,
kailangan niyang hamigin ang sarili.
"Crescent -" binuksan niya ang pintuan ng paliguan para palabasin na
'to. Pero naabutan niya lang 'to na nakaupo sa isang gilid at mahimbing ng
natutulog sa pagkakaupo. Nakadama tuloy siya ng awa dito, hindi naman 'to
makakatulog basta-basta. Siguro nga marami siyang nainom na dugo dito.
" Sorry mahal ko, I love you, " hinalikan niya 'to sa noo. Nasisiguro
niya na narinig nito ang pagtatalo nila ng estrangherang kasama nito kaya hindi na
'to lumabas. Ayaw na ayaw ni Crescent na pinagseselos siya, kaya nga noon madalas
lang 'tong nakakulong kapag nasa eskuwelahan siya. Mabuti na nga lang talaga na
mahilig 'tong magbasa.

READ. VOTE. COMMENT!


FB: Jovielyn Rivera ( MisaCrayola )
Group: MisaCrayola
This is an early update! :)

TF: The Final Battle 1

LONGEST UPDATE SO FAR!


For those who still wants to order Raised by Wolves Book 1 - tell me, Batch 2 na
'to! :) May mga bago kasi.
Raised by Wolves book 2 ( The Evil Half ) payment is until December only. Same
price as the book 1. Reservation is up now! :) Kagaya po noong book 1, bayad muna
bago ma-i publish kasi kailangan agad bayaran.
Animecover by Lawrence Yap. Lower part lang 'yan. :) Iyan ang magiging book cover
ng incoming book, salamat. Sana suportahan n'yo ang book ng RBW until Tormented
Fate na March naman ang labas. <3 For more info, visit my group MisaCrayola and add
me on Facebook Jovielyn Rivera(MisaCrayola) <3

**
" Ang mahal na Emperatris ay nandirito," wika ng tagasilbi ng mga Wolveus.
Pumasok si Lyra sa isang magarang kasuotan at naabutan niya na nagsasalo-salo
sa hapag si Alunsina, Laxus at ang anak ng mga ito na si Thunder at Storm.
" Kayo lang?" tanong ni Lyra ng humila ng upuan si Laxus para paupuin siya.
Nagpasalamat naman siya rito.
" Ang mga reyna ay kasama ng Amang Hari para hanapin pa ang ibang lipi ng mga
lobo bago magwakas ang mundo ng mga mortal. Lubos silang natutuwa na may bago ng
mundo ang mga lobo, salamat sa inyo at hindi na natin kailangan pang magalit sa mga
mortal sa pagsira ng ating mga tahanan, " ani Alunsina.
" Mabuti kung ganoon, gusto ko sanang tanungin si Crescent kung maaari kong
kunin ang mga Wolfire sa mundong ito, iyon nga lang ay masama ang pakiramdam niya
kaya 'di ko maibukas ang diskusyon sa bagay na 'yon," ani Lyra na napadako ang
tingin sa dalawang magkapatid na isang taon lang ang pagitan. Ngiting-ngiti madalas
si Thunder habang si Storm naman ay tipid lang ngumiti.
" Hindi mo na siya kailangang tanungin, sa imperyo ikaw bilang Emperatris ang
pinakamataas. Ibig sabihin, ang desisyon mo ang mas mahalaga, " si Laxus ang
sumagot matapos nitong ibaba ang inumin.
" Pero maaaring taksil ang mga tulad nila, 'wag na silang papasukin rito,"
mainit ang dugong wika ni Thunder na kanina lang ay nakangiti.
" 'Wag mo ngang idamay ang lovestory ng buhay mo sa realidad. Hindi lahat ng
bampira'y ganoon marami ring katulad ang Emperatris, " depensa ni Storm.
"Magsitigil kayo, sinabi ko na hindi maaaring umibig ang isa sa inyo hangga't
hindi kayo nagiging malakas," ani Laxus animo'y isang batas 'yon.
" Ito na naman tayo, Storm, Thunder matapos n'yong kumain ay ipagpatuloy n'yo
na ang ipinagagawa ninyong ama. Wala kayong ginawa kundi magtalong dalawa!"ani
Alunsina na inaya na si Lyra na lumabas roon. Kasunod nila si Laxus patungo sa
labas ng kastilyo ng mga Wolveus.
"Anong balak n'yo sa mga anak n'yo?" si Laxus ang unang bumasag ng
katahimikan.
" Hindi ko pa naitatanong kay Cres -"
"Lyra, sinabi ko naman sa 'yo hindi ba, ikaw ang emperatris at ikaw ang dapat
mas magdesisyon kesa kay Crescent, " ani Alunsina na parang si Laxus na paulit-
ulit.
Napalabi naman si Lyra. Bakit ba? Mas gusto niya si Crescent ang magdesisyon!
" Ang plano ni Crescent ay bigyan ng iba't ibang kastilyo ang mga anak niya,
" isang boses ang nadinig ni Lyra na nagpabilog sa mga mata niya. Mabilis siyang
dumiretso ng tingin para makita si Xerxes.
"Xerxes!" Napatalon siya't napayakap dito.
Natawa naman si Xerxes. "Lyra, hindi halatang namiss mo 'ko. " ani Xerxes na
kinurot ang pisngi ni Lyra habang pumapatak ang luha nito.
" Bago ako bumalik dito, tapos ko na ang magiging paghahati ayon sa nais ni
Crescent, " may hawak si Xerxes na isang kulay kamagong na manipis na gawa sa kahoy
na tila isang blue print.
" Sa tinagal ng mga panahon na nawala ka, hindi mo pa ba maiaayos 'yan?" ani
Alunsina na humalukipkip.
" Malaki ang mundong ito at nandito lang 'to sa kastilyong salamin na nasa
pinakadulo at itong kastilyo ng mga Wolveus sa bukana. Ngunit iisang pulo lang ito
kung tutuusin. Hahatiin ni Crescent ang mundong ito ng pantay sa bilang ng kanyang
mga anak. Ngunit sobra iyon ng dalawa, ibig sabihin may balak pa siyang magkaroon
ng dalawang supling, " ngisi ni Xerxes kay Lyra na agad pinamulahan.
"Ang kanyang anak na babae ang nais niyang pinakamalapit, " dagdag pa ni
Xerxes. " Hindi naman siguro kayo magbibitiw ng maaga para naisin ng mga anak niya
na maging Emperador agad?" tanong pa ni Xerxes.
" Empress and Emperor ang pinakamataas na susundan ng kastilyo ng mga
Wolveus. Susunod ang mga King and Queens na siyang kabibilangan ng mga anak niya at
ang iba pang tungkol roon ay na kay Laxus na, " ani Xerxes at tumango lang si
Laxus.
"Bilang pagsisimula mukhang mahihirapan tayo, pero inaasahan na sa ika-
sampung taon ng Abyszentine ay malaki na rin ang naging pagbabago, " Alunsina.
" Ang tanong lang naman doon ay kung ibubukas niya ang Abyszentine para sa
kalakalan ng New World. At kung nanaisin ba ng mga Pureblood at Sorcerers at kung
ano mang lipi mayroon ang New World. " Laxus
" Ang New World ay inaasahan na iluunsad ngayong taon, hindi lang mga
pureblood ang gumawa niyon kundi maging ang iba't ibang makakapangyarihan. Ang
tanong lang talaga ay kung gugustuhin ba nilang magkaroon ng daanan sa mundong ito
-" Xerxes.
" Ano bang itsura ng New World?" maang na tanong ni Lyra.
" Parang mortal lang na mundo, ngunit sa pagkakaalam ko kung noon ang mga may
kakaibang abilidad ang nakikipanirahan, ngayon naman ang mga tao ang magmumukhang
nakikipanirahan. Magiging bukas sila sa ideya na hindi lang sila ang nabubuhay.
Hindi na rin siya kakikitaan sa umpisa ng mga gusali dahil nga bago iyong mundo
katulad nito. Iniisip ko lang kung may lugar pa ba ang black market sa New World,"
ani Xerxes sa kanila. " At sino ba ang ituturing na pinakamataas?"
**
" Alunsina, nag-aalala 'ko kay Crescent. Nagkasakit siya simula ng kagatin ko
talaga siya," ani Lyra noong nasa pasilyo na sila ng salaming kastilyo patungo sa
kuwarto nila ni Crescent. Sinama niya si Alunsina dahil kahit paano may alam 'to sa
mga karamdaman.
" Titignan ko siya, Lyra tandaan mo na kailangan may limitasyon ang pagkuha
mo ng dugo sa kanya. Hindi mo man nahahalata pero bilang isang bampira,
nakakapanghina talaga kung kakagatin n'yo ang isang nilalang malakas man siya o
hindi. Iyan ang dahilan kung bakit hindi man gustuhin ng mga bampirang pumatay ay
nagagawa nila dahil pakiwari nila'y mas sumasarap ang dugo habang tumatagal sa
kanilang panlasa. " ani Alunsina na ikinatungo lang ni Lyra, ganoon ang nadarama
niya kaya hindi siya tumigil. Ilang beses niya rin 'tong kinagat sa iba't ibang
parte.
"May lason na hatid ang pangil mo, isa pa hindi lang dugo niya ang iniinom mo
kundi maging ang lakas niya. Kung nagkasakit na siya sa ginawa mo, ibig sabihin
lang na sobra ang ginawa mo sa kanya," may paninisi ba ang boses nito? Hindi niya
mawari. Pumasok sila sa kuwarto ni Crescent at ini-locked niya 'yon upang walang
gumambala sa kanila.
Nakahiga si Crescent at nahihimbing. Lumapit si Alunsina at hinawi ang buhok
nito upang makita ang ginawa ni Lyra dito. Napailing si Alunsina sa nakitang mga
marka ng kagat ni Lyra - walong kagat sa iba't ibang parte hanggang balikat nito.
"Hindi niya ikamamatay 'to Lyra, ngunit nanghihina pa siya. " Ibinubukas ni
Alunsina ang roba ni Crescent kaya nabigla si Lyra at pinigilan 'to sa kamay.
" Bakit mo siya hinuhubaran! Nasa leeg lang naman -"
" Pakikinggan ko ang tibok ng puso niya, mamili ka titignan ko at hahawakan o
tutungo ako at idadantay ko ang tainga ko sa katawan niya?" tumataas ang kilay ni
Alunsina.
"Wala bang ibang choice?"
" Wag mong ulitin para hindi na mangyari, " ani Alunsina na mas pinili na
lang na idantay ang tainga sa dibdib ni Crescent. Habang si Lyra naman ay nagtakip
ng mata.
" Alunsina naman! Ang tagal, baka hinahalay mo na ang asawa ko!" ani Lyra
kaya sinamaan siya ng tingin ni Alunsina.
" Emperatris, ang asawa mo'y kinakailangan ng magamot. Ipatatawag ko si
Betthany, nasisiguro ko naman na madali lang 'to sa kanya, " tumayo si Alunsina at
inaya si Lyra na lumabas.
Sa likuran ng kastilyo sila nagtungo kung saan may asul na tubig ang lawa.
Mabato rin ang paligid at may mga bagong diskubreng bulaklak ang tumutubo.
" Emperatris, madaling gamutin si Crescent. Ngunit kaya mo rin siyang
pagpahingahin ng matagal kung nanaisin mo, may kapangyarihan ka para patulugin siya
ng matagal hanggang makabawi siya. "
Tinitignan lang ni Lyra si Alunsina, nalulungkot pa rin siya sa sinapit ni
Crescent sa kanya.
" Pag dumating si Betthany, kaya niyang gamutin ang dinaranas ni Crescent.
Kailangan niyang gumising kaagad at makabawi dahil sa mga anak n'yo na hinahanap
niya. Pero pagod na siya, matagal na siyang hindi nakakapagpahinga, matagal na
siyang lumalaban para sa inyo. Kailangan niyang ipahinga ang katawan niya, pero
kung gagawin niya 'yon paano ang mga anak n'yo? Nasa 'yo ang desisyon, lalaban ka
at hahanapin mo ang mga anak mo sa tulong ng mga Scorpions n'yo o siya muli ang
gagawa ng paraan para sa mga anak mo? Hindi ko minamaliit ang pagiging Emperatris
mo, naniniwala ako sa kakayanan mo. Lyra, kailangan niyang ipahinga ang sarili
niya. Nasa 'yo ang desisyon kung gagamitin mo ang kapangyarihan mo para
pagpahingahin siya. Hindi pa siya ganap na Diyos, hindi pa siya karapat-dapat
lumaban sa mga Diyos ng Underground. " litany ni Alunsina.
Isang oras matapos makaalis ni Alunsina'y naglakad na pabalik sa kuwarto si
Lyra. Namalagi pa siya sa likurang bahagi ng kastilyo mag-isa.
"Siya ang lalaban? Paano? Sapat ba ang kakayahan ng isipan niya at lakas
niya? Kaya ba niyang mamuno sa mga Scorpions? Pakikinggan ba siya ng mga ito? Pero
tama si Alunsina, pagod na si Crescent. Kahit hindi pa maganda ang pakiramdam nito,
oras na gumising 'to at makatayo na alam niya na mawawala na naman 'to sa tabi niya
para hanapin ang mga anak nila. Hindi pa 'to ganap na Diyos, isang daang araw pa
bago 'to tuluyang mabasbasan. Ibig sabihin, nasa bingit 'to ng kamatayan hangga't
wala ang takdang panahon.
"Saan ka galing?"
Iyon ang tanong na bumungad sa kanya ng makita niya si Crescent na nakaupo na
at nakasandal sa headboard ng kama nila. Maputla pa rin 'to ngunit nakangiti na,
katulad naman noon, palagi itong nakangiti sa kanya.
Pinigil niya ang mga luha niya at naupo sa gilid ng kama saka 'to niyakap ng
mahigpit. " Magpahinga ka muna, " bulong niya rito habang pinapakinggan ang tibok
ng puso nito.
"Hindi naman ako makakapagpahinga rin kung naiisip ko na kailangan nila 'ko,
" sagot nito. Pinunasan ni Lyra ang mga luha niya. " Maayos na 'ko, bukas rin
hahanapin ko na sila, " hinalikan nito ang buhok niya. " Makakasama na natin
sila," pangako nito. Kinuha nito ang kaliwang kamay niya at sinuotan ng pulseras na
ikinangiti ni Lyra dahil iba't ibang kulay 'yon ng crystal na palawit. Napakaganda!
Isang oras rin silang nag-usap at pinangiti niya 'to. Pinatulog niya rin 'to
habang itinitirintas niya ang mahabang buhok nito at ng matapos ay inilagay niya sa
kanang balikat nito para takpan ang marka ng mga kagat niya rito.
" Magpahinga ka muna, hindi ko kayang sabihin sa 'yo na handa akong magbuwis
ng buhay. Isusulat ko na lang, " panay ang patak ng luha niya bago hawakan ang ulo
nito. Nagigising 'to kaya naman inilagay niya na ang kamay sa noo nito at naglabas
'yon ng asul na liwanag.
"Lyra, bakit?" tila nabigla 'to at nakahawak sa pulso niya. Nakita nito ang
pagluha niya pero hindi niya itinigil ang ginagawa. " Lyra 'wag-"
" Magpahinga ka muna, kailangan mo 'yon. Pag gising mo, nandito na sila,
makikita mo na kami, makikita mo na lahat ng pinaghirapan mo ay may pinatunguhan,"
nanginginig ang boses niya habang umusal ng ilang spell.
"Lyra - 'wag kang aalis, dito ka lang..." iyon ang huling mga salita nito na
halatang pinipigil siya bago 'to tuluyang pumikit at makatulog ng payapa.
Tinakpan ni Lyra ang bibig niya at umiyak nang umiyak.
Hinawakan niya ang kamay nito at doon umiyak, " Mahal ko, maaaring pag gising
mo wala ako, maaaring hindi rin ako makabalik sa 'yo, maaari rin na magkita pa
tayo. Pero sana kung hindi na 'ko bumalik sa 'yo, 'wag ka ng hahanap ng iba ha?
Madami na naman tayong mga anak, kailangan mo pa ba ng babaeng makakasama? Alam mo
naman na ayoko na may ibang humahawak sa 'yo 'di ba? Pero kung wala na naman ako,
siguro hindi ko na rin dapat pakialamanan ang nanaisin mo sa buhay kaya isusulat ko
na rin na ayos lang -" lumakas ang pag-iyak niya, " ayos lang na magmahal ka ng
iba, at gawin mo 'yung dalawa pang anak na gusto mo," pakiramdam niya kinukuyumos
ang puso niya sa ideyang may mamahalin pa 'to bukod sa kanya.
" You'll be proud of me, kasi malakas na 'ko, lalaban ako para sa 'yo, sa mga
anak natin at hindi na 'ko maghihintay na lang ng balita. Hindi ako iiyak promise
huli na 'to, tatlong buwan kang magpapahinga dahil iyon ang spell ko. Tatlong
buwan kitang mami-miss, pero alam mo ang gaan ng pakiramdam ko kasi alam ko na
nagpapahinga ka, hindi nakikipaglaban. Ang hirap maghintay ng gising, kaya 'di ka
mahihirapan kasi tulog ka naman, " iyak-tawa na siya, masisiraan na ba siya?
"Crescent, mahal na mahal kita. Mula noong una kitang makita, at mas lalo
kitang minahal dahil pinatunayan mo na kahit gaano tayo katagal nagkawalay , mas
matagal pa na 'di tayo magkasama kesa magkasama --ako pa rin, ako pa rin ang mahal
mo." Hinalikan niya 'to sa labi, sa tungki ng ilong patungo sa noo nito.
" Ano man ang mangyari, 'wag na 'wag mong sisisihin ang sarili mo. Dahil
masaya ko basta para sa inyo, "
Tinungo niya ang malaking salaming aparador nila at kinuha roon ang isang
kahon. Inilabas niya ang isang mahabang kutsilyo na may mga simbolismo sa talim.
May nakaukit 'yong pangalan ni Crescent sa ibabaw. Isa 'yon sa mga sandatang ito
mismo ang gumawa. Ibinigay nito iyon sa kanya, ibig sabihin alam nito na maaaring
dumating rin sa punto na lumaban siya at sa pamamagitan no'n alam niyang kahit
nasaan siya kasama pa rin niya si Crescent.
**
Humarap si Lyra bilang Emperatris sa mga Scorpions na may tatlumpu na ang bilang.
Nakaluhod ang mga ito sa harapan ng trono niya.
" Hindi sapat ang bilang natin para makipagdigma, " panimula niya, "
Nagpadala ko ng kasulatan kay Vlad Zordick upang tulungan tayo sa paghahanap sa
'ming mga anak. Ninanais ko na sa ika-isang daang araw bago itakdang Diyos si
Crescent ay narito na ang mga anak namin. Bukas, tutulak tayo patungo sa mundo ng
mga Pureblood -"
" Mapanganib ang makipagkasundo sa mga Pureblood, Mahal na Emperatris, "
isang lalaki na may kontrol sa mga Scorpion ang unang sumalungat sa kanya.
Hindi siya nagbaba ng tingin at ipinakita niya rito na hinding-hindi siya
magpapatinag sa ano mang mga salita nito.
"Ano bang mas mapanganib? Ang sumugod tayo sa bilang n'yo o subukan ang
makipagkasundo sa kanila? Nasisiguro ko na hindi kalaban si Vlad sa lahat ng mga
Pureblood siya lang ang kaya kong asahan. Kung hindi n'yo nais sumama sa 'kin ay
malaya na kayong lumisan sa Abyszentine at tumulak sa New World," aniya sa mga ito
kaya hindi nakapagsalita ang lalaking tutol.
"Ano man ang naisin mo mahal na Emperatris ay aming susundin, ipagpaumanhin
n'yo, " hingi nito ng paumanhin.
**
"Blood, ikaw ng bahala sa kanya. Pakiusap, 'wag mo siyang pahahawakan sa iba
hangga't hindi mo nasisigurong patay na 'ko, " ani Lyra kay Blood na ngumiti naman.
"Maaari naman ako ang sumama sa 'yo," aniya kay Lyra.
" Hindi naman ibinilin ni Crescent sa 'yo na hanapin mo ang mga kapatid mo,
ibig sabihin mas kailangan ka rito. 'Wag mong palalapitin ang babaeng bold star na
'yon sa kanya!" aniya pa rito na ikinangiti lang ni Blood.
" Hindi niya ibinilin? Ibinilin niyang hanapin ko sila, pero dahil mas inuna
mong pagpahingahin si ama ay wala na 'kong intensiyong hanapin sila. Kung tutuusin
gusto ko na mapaslang na sila, mag-iingat ka aming Emperatris, " piping bulong ni
Blood habang minamasdan si Lyra na hinalikan si Crescent sa noo bago lisanin ang
kuwarto.

UNDERGROUND WORLD
" Bakit mo 'ko ginaganito, bakit gusto mo 'kong nahihirapan! Bakit kailangan na
dumagdag ka sa bigat ng nararamdaman ko, Catalyst ... " puno ng panimdim na wika ni
Chrysanta kay Catalyst na nakayakap sa likuran niya at nakatungo sa kanang balikat
niya.
" Handa akong tulungan ka," ani Catalyst na humigpit ang yakap sa kanya.
" Gagawin na ni Zandro 'yon, hindi mo na kailangan makisali pa. Lumayo ka na
lang sa 'kin, hindi maaaring ganito tayo dahil alam ng lahat na hindi ako para sa
'yo, at kung para kanino ako, " ani Chrysanta na pilit tinatanggal ang braso nito
sa katawan niya.
Lumuwag naman 'yon ng kusa at unti-unting natanggal sa kanya. Nilingon naman
niya 'to para lang mabigla sa nakitang galit na nanunulay sa mga mata nito.
Naramdaman niya ang pagyanig at pagpapatay-patay ng ilaw maging ang tunog ng
nawawasak na mga kagamitan sa paligid.
"Catalyst!" hinawakan niya 'to sa mukha. " Tumigil ka! Anong iisipin nila
kapag nalaman nilang magkasama tayo dito!" saway ni Chrysanta dito, nasa lugar sila
ng pulungan ng mga Diyos at wala lamang si Zandro dahil may kausap itong isang
heneral nito. " Patawad, hindi ko sinasadyang sabihin 'yon, " tumingkayad siya
at hinalikan 'to ng marahan sa labi bago iniwan.
Ilang minuto ang lumipas bago lumabas si Catalyst. Nakangiti ang mga tauhan
niya na agad ring napawi ng makitang pinid ang labi niya. Kinabahan na kaagad sila
dahil paniguradong lahat ay mapupuna na naman nito.
"Catalyst -" si Zandro 'yon na nahalata agad nito ang 'di magandang mood ng
kapwa Diyos.
" Maayos lang ako, may sasabihin ka ba?" tanong niya na ngumiti rito.
" May nakarating na mensahe sa 'kin mula sa mga pureblood. Hinihingi ng asawa
ni Crescent na makapasok sa Underground, hindi ko mahagilap si Crescent para
iparating sa kanya ang mensahe na 'yon. Maaari bang alamin mo kung bakit hindi ko
makausap si Crescent? Gayunpaman, sumagot ako na hindi siya maaaring pumasok sa
Underground, " ani Zandro.
" Walang problema, " nginitian ni Catalyst si Zandro bago nilagpasan.
Napansin naman ni Zandro ang mga takot na alalay nito na dahan-dahan maglakad tila
takot gumawa ng ingay.
"Hindi mo ba nakita si Chrysanta?" tanong ni Zandro bago 'to tuluyang
makalayo.
Huminto naman si Catalyst ngunit hindi lumingon. " Hinahanap ka niya kanina,
magkakasalubong rin kayo, " naglakad na siya para iwanan si Zandro. Tinignan naman
ni Zandro ang sampung alipin ni Catalyst na sabay-sabay umiling.
"Hindi ko nakita, nakita n'yo ba?" tanong ng isa.
"Hindi, abala ko sa pagtingin sa Panginoon!"
"Mas lalo na 'ko, malabo ang paningin ko!"

**
" Hindi pa 'ko nakarating sa Underground, " ani Vlad kay Lyra na nasa harapan na
niya. "Pero alam ko kung sino ang pinagbilinan ni Crescent sa anak n'yong si
Chrysanta. Isa siyang Diyos kaya nasisiguro ko na wala tayong ibang paraan para
makarating roon kung 'di tulong ng Diyos sa Underground ang magdadala sa 'tin, "
dugtong pa ni Vlad.
"Patawad, alam ko na nawawala ang anak ni Vincent pero narito ko't
gumagambala sa 'yo," ani Lyra, kanina lang niya nabatid na kaya wala ang ibang mga
pureblood dahil hinahalughog nito ang mortal na mundo na malapit ng magwakas para
hanapin si Francine.
" Anak ang turing ko kay Shin, pamilya rin ang turing ko sa inyo kaya naman
tinutulungan kita. Isa pa, papatayin ako ni Crescent sakaling hayaan kitang sumabak
sa isang lugar na lubhang mapanganib, " tumawa si Vlad kaya nangiti rin si Lyra.
Ilang saglit na ang nakakalipas ng magpadala ng mensahe si Vlad kay Zandro gamit
ang kanyang kapangyarihan na nag-anyong itim na ibon. Dumating rin ito kaakibat ng
mensaheng hindi 'to maaaring magbigay ng pahintulot na makapasok sila sa
Underground.
" Walang paraan para makapasok tayo sa mundo nila, " ani Vlad kay Lyra na
ginuhuan ng pag-asa.
"Kailangan kong makapasok roon, " tama si Vlad, paano sila makakapasok sa
mundong 'yon? Kailangan nila ng tulong ng isa sa Diyos, ito lamang ang may mga
kakayahan na bigyang daan sila.
"Inaasahan ko na talagang hindi sila papayag, Lyra kung gaano kapanganib ang
Abyss baka sampung beses na higit ang Underground. Lugar ng mga Diyos 'yon -"
paliwanag ni Vlad, talaga naman pinagbigyan lang niya 'to na iparating ang mensahe
nito. Pero alam niya na hindi 'to papasukin roon dahil naroon si Chrysanta, at
paniguradong alam ni Zandro kung gaanong pag-iingat nito kay Chrysanta ay ganoon
rin si Lyra kay Crescent. Isang maling hakbang na hayaan ito sa loob ng Underground
na paniguradong ang papasukan unang-una ang mapanganib na DUNGEON.
"Wala bang ibang paraan?" hindi niya gusto ang pakiramdam na uuwi siyang
talunan at wala man lang nagawa.
"Lyra," may sasabihin sana si Vlad ng makita ang isang pigura ng anghel sa
harapan nila. Paano 'tong nakapasok sa kanyang lupain?
" Patawad sa 'king kapangahasan, hindi rin ako magtatagal, " nawala ang
puting pak-pak nito at nakangiti ito.
" Ako si Haven, isa 'ko sa katiwala ng Diyos ng Underground na si Catalyst, "
naglahad 'to ng isang gintong palaso.
Isang anghel ang katiwala ng isang Diyos ng Underground? At binanggit ba nito
ang pinakamapanganib na Diyos? At anong ginagawa nito sa lugar na 'yon?
"Ang palasong ito ay puno ng simbolismo at kung gagamitin n'yo 'to magbubukas
ang lagusan sa Undeground World. Humanda kayo sapagkat Dungeon ang unang papasukan
n'yo, ang aking Panginoon ay lubos na umaasa na gagamitin mo 'to para makapasok sa
loob, Lyra. "
Pinigil ni Vlad ang kamay ni Lyra na aabot roon kaya tiningala 'to ni Lyra ng
may pagtataka.
"Hindi maaaring pumasok si Lyra sa loob ng Underground, " matigas na wika ni
Vlad.
"Kung gayon bakit kayo nagparating ng mensahe? " ngiti ni Haven kay Vlad.
"Hindi kay Catalyst -"
" Nakalulungkot isipin na nagmabuting loob ang aking Pinapanginoon sa inyo
ngunit babalewalain n'yo lamang, " naging mapanganib ang tingin nito.
Kinuha ni Lyra ang palaso na ikinangiti ni Haven bago 'to naglaho.
"Lyra, hindi maganda ang mga balita tungkol sa Diyos na si Catalyst,
ipapahamak ka lang niya! Paniguradong gagawin ka lang niyang laruan sa mundong
'yon!"
"Vlad, siya lang ang tanging nagpapasok sa 'kin, wala 'kong ibang aasahan.
Hindi ko sasayangin ang ibinigay niyang pagkakataon, " ani Lyra na nakatingin sa
palaso. Totoo nga na may mga simbolismo roon na nakaukit, pero ang pumukaw sa
atensiyon niya na pangalan nito sa mismong talim ng palaso -CATALYST. Sa pag-aaral
niya sa mundo ng mga lobo naalala niya ang ngalan nito bilang sumisimbolo sa
salitang MAPANLINLANG at malakas ang kabog ng dibdib niya dahil maaaring tama si
Vlad na may nais lang 'to at iyon ang paglaruan siya dahil unang-unang wala itong
koneksiyon sa kanila. Pero aanhin niya ang pag-aalinlangan kung ito lamang ang
tanging duminig ng Panalangin niya? Napahigpit ang kapit niya sa palaso. "Buo na
ang desisyon ko, gagamitin ko ang palaso para makapasok sa mundo nila. Kung
naghihirap sa daigdig nila ang mga anak ko, wala akong karapatang isipin ang
dadanasin kong hirap sa loob niyon. " ani Lyra kay Vlad na hindi kumbinsido,
nasisiguro niyang may motibo si Catalyst.
" Lyra, sasamahan kita, "

130 VOTES next Chapter <3

TF: UNDERGROUND

TORMENTED FATE
UNDERGROUND
Sinundan ni Tyrania si Blood sa kagubatan. Malayo pa lamang siya nakita niya na ang
mabilis na pagkilos nito na ikinabagsak ng mga kapunuan. Tila liwanag lang ng
sandata ang nakita niya at tumumba na ang mga 'yon.
Naliligalig ang isip ni Blood, alam 'yon ni Tyrania -damang-dama niya
na may kakaibang laman ang isipan nito dahilan para 'di ito matahimik sa ganoong
oras.
" Master -"
Isang maliit na kulay dahon ang guardian na lumapit dito. Umikot-ikot
'to at sa isang glap nabalot ng luntiang liwanag ang paligid na ikinasilaw niya
kaya nagtakip siya ng mata. Nang unti-unti ng nawala ang liwanag ay nakita niyang
nagbalik sa dati ang mga nasirang puno. RESTORATION ang kapangyarihan ng Guardian
nito.
"Master, babalik na 'ko sa kastilyo ng mga Wolveus! Magkita na lang
tayo uli, 'wag ka ng magsira dahil nagugutom ako kapag napapagod!" anang maliit na
boses. Narinig niyang tumawa ng mahina si Blood.
" Sige, balikan mo agad siya sa kuwarto namin. Panigurado na umiiyak na
naman siya at hinahanap ang daddy niya, " natatawa pa ring wika nito. Sino naman
ang kasama niya sa kuwarto? I don't care.
"Bakit nandito ka? " tanong ni Blood na nadama ang presensiya niya.
Pero naglakad na 'to kaya naman sinundan niya.
" Bakit hindi ko nadarama sa 'yo ang kalakasan?" tanong pa ni Blood kay Tyrania
habang naglalakad sila sa gitnang bahagi ng kagubatan.
" Hindi ka nalalakasan sa 'kin?" umangat ang kilay ni Tyrania.
Hinuhusgahan siya nito kahit 'di pa siya nito nakikitang lumalaban?
" Hindi ganyang lakas lang ang inaasahan ko," wika pa ni Blood kaya
minasdan lang ni Tyrania ang paglalakad nito. Nakadarama siya ng kakaiba sa
nilalang na 'to -
" Kung babasahin ko ang isipan mo, nasisiguro kong matatagpuan ko ang
isang nilalang na hindi maaaring maging Emperador ng isang imperyo. Sa 'yong
pananalita nababasa ko na nasisiyahan kang makipaglaro sa damdamin at paborito mong
kulay ang dugo na tumatalsik sa 'yong katawan mula sa ibang nilalang," ani Tyrania
para mapahinto si Blood.
Makulimlim ang oras na 'yon ng katanghalian.
" Marami akong gustong gawin, gusto kong mahirapan sa pagkamit ng
naisin ko. Hindi ko alam kung para saan ang gagawin ko, kung makukuha ko agad 'yon,
ano pang susunod na pagbubuhusan ko ng panahon?" ani Blood na nilingon ang dragon
na si Tyrania sa anyong dalaga.
" Malakas ako, ako ang nagsilbi sa lahat ng mga naging Diyos pero sa
kasamaang palad ako rin ang pumapaslang sa kanila. Pero ang kalakasan ko'y tama
lang at sapat kung ihahalintulad ko sa 'king kakambal na si Craxus Croszeria.
Mabagsik siya, nakatatakot ang kapangyarihan niya, hindi rin niya nais magsilbi
kaninuman. Pero ngayon, gusto ko na katulad ng naramdaman ko, " hinawakan nito ang
dibdib. " Madama niya na si Crescent ang karapat-dapat pagbigyan niya ng
kapangyarihan niya. Pero bago siya magising ay isang daang araw pa, iyon ang bilang
ng mga araw bago siya marating ng tinig ko bilang mensahe. Iyon din ang panahon
kung saan magiging aktibo ang kapangyarihan niya. Ngunit, mapanganib siya --" ani
Tyrania.
Nabuhay naman ang kuryosidad ni Blood sa tinuran ni Tyrania. Kung
ganoon, tama siya, tama siya na hindi ito ang DRAGON na si Croszeria. Si Croszeria
ay isang lalaki -kaya ikinabigla niya na babae ito pagdating. Si Croszeria ang
Dragon na nabasa niya sa isang libro na natagpuan niya sa aklatan ng kanyang ama
-ang mapanganib at napakalakas na Dragon na mas lumalakas kung malakas rin ang
gumagamit dito. Malakas ang kanyang ama, at pagkakataon niyang makamit ang mga aral
nito sa pagpapalakas dahil siya lang ang tanging anak na kasama nito.
" Naipamamana ba ang kalakasan ninyo sa mga anak?" tanong ni Blood na
ikinangisi ni Tyrania.
"Hindi, nasa amin ang desisyon kung gugustuhin naming ibigay sa susunod
na lipi ang kalakasan namin. Isa pa, malalakas rin ang mga hawak ng ibang Diyos. Si
Virgo -hawak niya ang Snaked-beast kontrol niya ang katubigan at kaya niyang
kumontrol at magmanipula. Ikalawa si Zandro, sa lahat ng Diyos siya ang
kinapapangilagan. Siya ang may pinakamatagal na pamumuno sa lahat, hawak niya ang
Demon Red-Eyed Raven na pinakamailap. Siya lang ang pinagsilbihan nito, kaya ganoon
rin ang kapatid kong si Croszeria -nais niyang makahanap ng katulad ng kay Zandro
na malakas ang kapangyarihan at hindi lang aasa sa 'min, at tingin ko ganoon si
Crescent sa paraan pa lamang ng pakikipaglaban niya sa 'kin sa Abyss. " ani Tyrania
sa nakikinig lang na si Blood. " Si Zero ang naghahawak kay Phoenix -pagdating sa
mga labanan hindi madalas makialam si Zero. Siya ay kilala bilang walang sariling
desisyon, kung saan ang maraming boto ay doon siya, ngunit malakas ang
kapangyarihan niya kaya naman madalas na ninanais ng mahihinang Diyos na makasama
siya. Isa pa madalas na si Zandro at Catalyst lang ang nagkakasundo sa salungat na
desisyon. "
" Ipinakikilala mo sa 'kin ang mga Diyos, may paraan ba para makuha ko
ang trono ng isa sa kanila?" - Blood
"Ngunit may isang Diyos kaming hindi nakikilala ang taga-bantay. Batid
namin na walong taga-bantay kami pero walang nakakakilala sa 'min sa hawak niya -si
Catalyst. " pambabalewala nito sa sinabi niya dahil nakatingin 'to sa malayo. "
Siya ang gustong alisan ng trono ng karamihan sa mga Diyos, siya ang minamaliit ng
mga ito. Ayon sa kanila, wala itong kahit na anong lahi ng Diyos kaya naman hindi
namin gusto na wala ring liping Diyos ang aming pipiliin. Pero naiiba si Crescent,
hindi ko siya kayang bitiwan dahil gusto ko na ring magsilbi at nadarama ko na
hihigitan niya ang ibang Diyos. "
"Kung ganoon, maaari kong palitan si Catalyst?"
Natawa si Tyrania, " Seryoso ka ba? Kahit pa si Catalyst ay walang
pinagmulang ka-Diyosan isa naman siyang malaking palaisipan. Wala siyang kahit na
anong pinagmulan, bigla na lang siyang lumitaw kasabay ng paghahayag sa pintuan na
may Diyos na ang ika-apat na pintuan. Hindi mo siya makikitang lumalaban dahil
isipan niya ang kapangyarihan niya, kayang-kaya ka niyang patayin sa isang tingin.
Iniiwasan siya dahil sa pagiging taksil niya sa kanyang salita, at madalas siyang
nakangiti ngunit kapag nawala ang ngiting 'yon kailangan mo ng maging handa dahil
papaslangin ka niya sa pinakamasakit na paraan, " litanya nito.
" Sila ba ang pinakamalalakas? Lahat ng nabanggit mo?" - Blood
Tumango si Tyrania, " Sila nga, sila ang Upper Gods sa Underground.
Kaya kung nais mong maging Diyos, maging mas malakas ka sa 'yong ama, dahil kung
paano mo 'ko minamaliit mas mamaliitin ka sa underground. Hindi sila magiging Diyos
kung mahihina sila, " ani Tyrania bago nilisan si Blood.
"Croszeria, iba ang lahing 'to. Mukhang magsisilbi tayo hanggang sa
kahuli-hulihang dugo't laman nila. " piping wika ni Tyrania, dama niya na kaiba
rin si Blood. Hindi man 'to kasing lakas ng ama nito sa ngayon, nasisiguro niya na
ang kuryosidad ang sandata nito para maabot ang mas malakas pang estado ng
kapangyarihan.
" Ang kalakasan at labis na kapangyarihan din ang bubulag sa 'yo, sana'y makontrol
mo 'yon. " aniya pa. H'wag sana nilang pahintulutan na ikaw ang itakdang
Emperador, nasisiguro ko na napakalupit mo. Wala kang puso at nadarama ko na hindi
ka maaaring pagtiwalaan ninuman, Blood "
***
Nagtungo si Blood sa kuwarto niya kung saan naroon si Francine na halatang takot na
naman sa kanya.
" 'Wag kang mag-alala, hindi ko gustong saktan ka ngayon. " nginitian
niya 'to habang nakasiksik sa headboard ng kama at balot na balot ang katawan ng
kumot.
Binuksan ni Blood ang bintana at pumasok ang isang itim na uwak na may
bitbit na isang itim na papel. Umalis rin ito kaagad kaya naman saglit lang nakita
ni Jasmine ang liwanag.
" Nasa magkakaibang lugar ang mga mahal kong kapatid, hmmm... Inaalipin
kaya sila? Ano sa tingin mo?" tanong niya kay Francine na masama agad ang tingin sa
kanya.
"Sandali, "ani Blood na hinila ng braso ni Francine at hinawakan 'to sa
baba. " Bakit may pasa ka sa gilid ng labi? Nasisira ang kagandahan mo," anito na
tila alalang-alala sa kanya.
"Baliw .... baliw ka!" gigil na wika ni Francine dito bago tinabig ang
kamay nito kaya nabitiwan siya nito. " Tinatanong mo 'ko kung bakit ako may pasa?
Dahil sinasaktan mo 'ko! Sinasaktan mo 'ko kapag naiinggit ka sa mga kapatid mo,
sinasaktan mo 'ko kapag inaatake ka ng depresyon mo dahil baliw ka!" sigaw niya
rito kaya malakas na sampal ang tinanggap niya na halos magpabingi sa kanya. Hinila
nito ang buhok niya at nakipagtitigan siya dito -hinding-hindi siya iiyak para
kaawaan nito. Napakasama nito! Pakiwari niya'y mahuhugot na lahat ng buhok niya.
Hinaklit nito ang kasuotan niyang mula rin naman dito na mukhang
pantulog na puting-puti at ibinalibag siya nito sa pader. Napaigik siya sa sakit,
kung tao siguro siya matagal na siyang patay sa mga paghahagis-hagis at pananakit
nito sa kanya.
Lumakad 'to papalapit sa kanya. Awang-awa na siya sa sarili niya,
ganoon ba siya kinarma sa mga kasamaan niya kay Lucylle? Hindi na niya napigil ang
mga luha niya.
" Wag ka ng umiyak, " lumuhod 'to sa harapan niya't pinahid ng likuran
ng palad nito ang luha niya. " Hindi ka naman masasaktan kung tahimik ka lang,
masyado kang maingay. Ang Emperatris, patungo siya sa mga Zordick hindi ba pamilya
mo 'yon? Kaya dapat kapag nakita ka nila ikaw ang magiging pinakamaganda, "
nginitian siya nito. Sumilay ang pag-asa sa kanya na malalaman na ng ama ang
sitwasyon niya.
"Ah, oo nga pala walang may alam na nandito ka sa 'kin, wala silang
alam tungkol sa kung sino ang kumuha sa 'yo," tumawa 'to ng malakas na nagpawala ng
pag-asa ni Francine. Para 'tong nababaliw, habang tumatagal lalo 'tong lumalala.
" Halika na, " binuhat siya nito at dinala sa kama.
" Dinalhan kita ng kasuotan ng Emperatris, hindi pa niya 'to nasusukat
sapagkat napakarami niyang kasuotan. Nasisiguro kong babagay sa 'yo 'to, " ngiti pa
nito sa kanya na lalong nagpatakot kay Francine.
" Kung gusto mo ikaw ang magsuot! Palagi mong binabanggit ang
Emperatris, siguro may pagnanasa ka sa asawa ng ama mo!"
"Napakaselosa mo naman, hindi ko siya gugustuhin dahil nakikita ko siya
bilang Ina. Napakalaking kasalanan ng ibinibintang mo, " anito na hinila na naman
siya. Sinira nito ang kasuotan niya kaya tinabingan niya kaagad ang dibdib niya.
" Makukuha ko naman lahat-lahat 'yan, hindi mo na kailangan pang itago
sa 'kin," hinalikan ni Blood ang balikat niya na nagdulot ng bolta-boltaheng
kuryente sa himaymay ng ugat ni Francine. Iniwan siya nitong nakatulala, akala
niya'y huhubaran na talaga siya nito. Kinuha niya ang iniwang kasuotan nito,
isusuot niya iyon kesa maisipan na naman nitong pagdiskitahan siya ng kabaliwan
nito.
Nauuhaw na siya, gusto niya na ng dugo. Nanghihina ang pakiramdam niya
lalo pa't madalas na gulay ang ipinapakain nito sa kanya -bilang bampira hindi 'yon
nakapagpapalakas sa kanila. Tinignan niya ang sariling braso - mapapawi ba ng
sarili niyang dugo ang uhaw niya?
**
Underground World
" Tignan mo, hindi ba mukha siyang isang anghel! Regalo siya sa 'kin ni Panginoong
Virgo -" wika ng isang babaeng nasa pinakamalaking selda. Isip-bata 'to ngunit
kakikitaan ng kagandahan. May puting kulay ng buhok at pulang mga mata na hindi
naman katulad ng crimson-eye.
" Minana, parang nakita ko na kanina ang lalaking 'yan, " wika ng isang
taga-bantay ni Minana. May hawak tong latigo sa kanang kamay habang ang kaliwa'y
humihimas sa baba nito na tila nag-iisip.
" Imposible, pangalawang araw niya na rito. Tingin ko kaya hindi siya
nagigising pa dahil malaki ang pinsala niya sa katawan, " humagikgik si Minana
habang nakaupo sa gilid ng kama at hinahaplos ang pisngi ng lalaking nakahiga.
" Ikalawang araw na ba siyang walang malay? Kung ganoon hindi nga siya
ang nakita ko, dahil ang nakita ko kanina na kahawig niya ay masyadong mabagsik,"
tatango-tango si Ylona.
"May kamukha siya, gustong makita ni Minana ang kamukha niya!" tumaas
na naman ang intensidad ng kasiyahan ni Minana at halos wasakin na nito ang
espesyal na rehas nito.
" Minana, hindi maaari. Dahil nakita ko ang kahawig niya sa Dungeon, at
alam ko na hindi mo gustong makita si Pearl, " ani Ylona kaya naman nagusto ang
mukha ni Minana.
"Ayaw ni Minana makita si Pearl! Salbahe si Pearl, sinasaktan niya si
Minana! " galit na wika ni Minana.
" H'wag kang mag-alala, sisiguraduhin ko kung magkahawig nga talaga
sila o' baka naman namamalikmata lang ako. Pero ang itsura nila'y naiiba kaya hindi
ko maaaring ipagkamali," ani Ylona na sinipat pa ang binata.
Naglakad na si Ylona at dinig na dinig pa ng mga preso ang pagtapak
nito dahil sa ingay ng mataas na takong nito. Nakasalamin si Ylona na nakasuot ng
itim na itim na silky dress at kakikitaan ng kakaibang mata na tila sa isang
iguana.
Nagtungo siya sa dulo ng pasilyo at sinusian ang pintuan sa Dungeon.
Pagbukas niya'y nasilayan agad niya ang mainit na lugar. Abala ang mga presong
anyong tao sa paggagawa ng mga sandata sa digmaan. Ang mga 'yon ay bumabagsak sa
Black market. Makikita na ang nagpapahirap dito ay mga halimaw na may matitigas at
baluktot na panuwag ( sungay ), mukhang toro at may brilyante asul sa mga noo,
naglalakad rin ang mga ito sa dalawang paa nito at umaabot ng labing-limang
talampakan. May hawak ang mga itong latigo. Nag-aapoy rin ang paligid.
Wala roon si Pearl -ang pinuno sa Dungeon. Hinahanap ng mata niya ang
kahawig ng kasama ni Minana. Ngunit mukhang namalikmata nga lang siya dahil hindi
niya na 'to makita.
" May hinahanap ka ba sa Dungeon?"
" Ymari, may bago ba rito? Parang may ibang mukha akong nakita kanina,"
aniya sa katulad niya ng kasuotan na pumasok rin sa Dungeon. Mapanganib ang Dungeon
kaya naman iilan lang ang nakakahawak ng susi roon.
" Oo, iyong matigas ang pagmumukha na ayaw magpakilala? Sinasaktan na
at malala na ang pinsala ng dalhin dito ay nagmamatigas pa? Naroon siya sa kastilyo
ni Pearl, "
"Saan ba sila galing?" tanong niya pa rito at tinitigan ito.
"Sila? May iba pa ba?" takang tanong ni Ymari sa kasamahan.
" May bago rin na na kay Ylona, at pakiwari ko ba magkamukha sila noong
bago na nakita ko nga rito sa Dungeon. Pero iyong kasama ni Minana ay walang
malay,"
"Alam mo, nakakapagtaka na ibigay kay Minana ang isang bagong bilanggo.
At ang isa ay kay Pearl, matitindi sila at lubhang nakakatakot kapag nagalit.
Marami namang iba na maaaring maghawak sa kanila sa ibang hawak ni Panginoong
Virgo. " -Ymari
" May isa pang bago pero nasa kastilyo siya ni Panginoong Virgo, hindi
ko pa nasisilayan ang itsura niya. Pero mukhang sabay-sabay silang dumating, " ani
Ymari.
**
" Bakit ang sama mong makatingin? Lubha ka ng napinsala pero ganyan ka pa ring
tumingin?" nginisian ni Pearl si Shin na ipinatali niya ng kadena ang mga kamay
pataas. Hindi 'to sumusunod sa mga ipinagagawa niya, ilang beses na 'tong nalatigo
pero mukhang gusto nitong lumaban pero hindi kaya ng kalagayan nito ngayon.
Wala na itong pang-itaas na kasuotan at kitang-kita na ni Pearl ang
matinding tama nito sa katawan. Malalim ang sugat nito sa tagiliran na panay ang
pagdurugo, nadaragdagan pa ang mga sugat nito ng hampas ng latigo.
" Kapag tinitignan mo 'ko ng ganyan, ginugusto kita," ngiti ni Pearl na
nagpula ang mga mata. Nginisian lang siya ni Shin.
" Ayoko naman na ikaw ang unang mamatay sa inyong magkakapatid. Sa
tingin ko mauuna ang nasa kastilyo ni Panginoong Virgo dahil tulad mo ay palaban
rin siya. Pero ang isa, tingin ko ooperahan pa lang ni Minana kapag nagising na.
Medyo sadista ang batang 'yon, " tumawa si Pearl ng nakakainsulto. Naupo ito sa
isang magandang silya -sinadya niya talaga na dalhin ito sa isang magandang kuwarto
na walang laman bagaman puro salamin para makita nito ang kahabag-habag nitong
itsura.
Kung ganoon, hindi lang siya ang naroon. Kinuha silang magkakapatid,
naramdaman niya rin na may nag-angat sa kanya noon sa Abyss. Narinig niya pa ang
boses ni Jasmine na tinatawag siya.
Tumayo si Pearl at may kinuhang kutsilyo sa garter na nasa hita nito at
sinaksak si Shin sa mismong nagdurugong sugat nito. Nahaklit ni Shin ang kadena
ngunit wala na siyang lakas para tanggalin ang kamay roon. Damang-dama niya ang
pagbaon ng matalas at malamig na bagay na 'yon sa mismong malalim pang sugat niya.
" Kahinaan ko ang mga tulad mo, kinukuha mo naman masyado ang atensiyon
ko. Napakaganda rin ng mga mata mo, " lalo pang ibinaon ni Pearl ang kutsilyo sa
katawan ni Shin na lalong nahaklit ang kamay sa kadena dahilan para dumugo na rin
ang braso nito. Hindi 'to sumisigaw at nasasabik si Pearl na marinig ang pagsigaw
nito kaya lalo niyang binabaon ang kutsilyo hanggang maging ang hawakan niyon ay
maibaon na niya.
" Napakaganda mong nilalang, hindi ko alam kung bakit kailan may
likhain na higit katulad ninyo, " tumalim ang mata ni Pearl sa binata. Kaakit-akit
si Pearl, ngunit bago niya narating ang anyong 'yon ilang magagandang nilalang ang
pinatay niya't kinain.
Sumuka na ng dugo si Shin, nanghihina lalo ang pakiramdam niya.
Nagdidilim na rin ang paningin niya hanggang maramdaman niyang tinanggal nito ang
pagkakasaksak sa kanya at bago siya mawalan ng malay nakita pa niyang dinaanan ng
matulis na dila nito ang kutsilyo at ninamnam ang dugo niya.
**
ZORDICK MANSION
" Anong gusto n'yong gawin ko? Tumanga ako dito habang nasa panganib si Shin daddy?
Naghihirap na 'yung loob ko, wala bang may balak umintindi sa 'kin!" luhaang wika
ni Jasmine.
" Jasmine, nawawala si Francine mas kailangan ka rito. Isa pa, ang
Underground ay hindi tinatablan ng imortalidad. Oras na mamatay ka sa lugar na
'yon, wala ng kahit na anong makakapagpabuhay sa 'yo. Iyan din ang pilit kong
sinasabi kay Lyra!" ani Vlad na bibihirang magtaas ng boses.
Narinig ni Lyra 'yon mula sa labas ng pintuan. Nag-uusap si Jasmine at
Vlad, naglakad siya palayo dahil matigas rin ang ulo niya't ipipilit niyang
makapunta ng Underground. Tama, sa mundong 'yon mababalewala ang imortalidad niya
pero kailangan niyang gawin ang lahat, kailangan kumilos rin siya, isa na siyang
ina at hindi isang babaeng kailangan lang manatili sa tahanan at maghintay sa
pamilya.
" Sandali po, "
Nilingon ni Lyra ang isang dalagitang papalapit sa kanya. Kinakitaan
niya 'to ng dalawang emerald green na mga mata. Nginitian niya 'to at hinintay
makalapit.
" Si Seventh, nakauwi na po ba siya?" naroon ang pag-aalala sa mga mata
nito. Nangunot ang noo niya dahil sa dinami-rami imposible na si Seventh pa ang
nakilala nito sa mga anak niya.
Iling lang ang ginawa ni Lyra at isang malungkot na ngiti. " Hayaan mo,
makakabalik siya, sila, " aniya rito kaya naman ngumiti rin ng malungkot ang
dalagita.
"Kung sakaling magkikita kayo, maaari po bang iabot n'yo 'to sa kanya?"
anito na may isang mamula-mulang sobre.
Nang mahawakan ni Lyra ang sobre ay nadama niya na may kabigatan 'yon.
Ibig sabihin may iba pang laman bukod sa sulat.
"Salamat sa pag-aalala mo sa kanya, nasisiguro ko na ikalalakas niya
ang bagay na 'to," ani Lyra na nginitian ang dalagita.
"Pakisabi po na naghihintay ako, maraming salamat. " tumungo 'to bago
nagmamadaling umalis. Sakto naman ang pag-alis nito na lumabas ang luhaang si
Jasmine na tumakbo palayo.
" Aalis na ba tayo?" tanong niya kay Vlad, nagpresinta 'tong sumama.
Hindi naman 'to nagpapahuli ng kalakasan kay Crescent. Isa 'to sa orihinal na
pinagmulan ng mga pureblood.
"Mukha namang kumpleto na tayo, "ani Vlad kay Lyra na may tinuro sa
likuran.
Lumingon naman agad si Lyra at tila nakakita ng multo sa pagkakabigla. Unti-unting
nanlaki ang mga mata niya.
"Greece?Buhay ka?" paniniguro niya.
"May iba pa bang kasing guwapo ko?" yabang nito kasabay ng malapad na
ngiti.
" Buhay pa siya, at mukhang sa Underground na ang huling hantungan,"
ani Alice na nakahalukipkip. Kasama nito ang kakambal nitong si Lacie na kimi lang
na ngumiti.
" Hindi ba kasama si Xerxes?" tanong ni Vlad ng makita si Lacie na
napatungo lang.
" Hindi n'yo ba alam na hindi na kami nakikilala ni Xerxes? Dahil 'yon
sa pagliligtas sa kanya ni Lacie noon sa bingit ng kamatayan. Isa pa, hindi rin 'to
sasama kung kasama si Xerxes kasi bitter 'to," ani Alice.
"Ang daldal mo! Ikaw na magkuwento ng talambuhay nila!" si Greece kaya
malakas na batok ang tinanggap nit okay Alice.
"Lyra, payakap nga " ani Greece na nagpapaawang para bata kaya naman
tinaasan ni Alice ng kilay si Lyra bilang babala na mukhang nakuha naman nito at
tumango ng ilang ulit.
Isang grupo pa ang dumating at ang namataan ni Lyra na unang-una ay si
Frances at Vishnu kasama si Winter. Noong huli silang nagkausap ni Vishnu galit 'to
sa kanya, pero nari ito para samahan siya.
"Hindi kita gustong samahan pero ayoko naman na kamuhian kami ni
Crescent kapag pinabayaan kita," ani Vishnu na inismiran siya. Bumalong ang luha ni
Lyra dahil marami pa rin pa lang handang samahan sila sa kabila ng mga pinsalang
naidulot ng pamilya niya sa sandaigdigan.
Sa labas ng Zordick Mansion, si Lyra ang gumamit ng palaso gamit ang pilak na pana
ng mga Zordick. Itinira niya lang 'yon sa isang malawak na burol at lahat sila
nabigla sa kakaibang pag-ikot niyon na paikot na gumagawa ng papalaking ilaw
kasunod ang napakaliwanag na nagsabog sa paningin nila. Isang lagusan ang bumukas
-sa loob niyon matatagpuan nila ang DUNGEON. Sabay-sabay nilang inihanda ang mga
sandata nila paniguradong pagpasok pa lamang nila maaaring may sumugod agad sa
kanila. Iyon ang ilalim na parte ng Underground ang DUNGEON.

READ. VOTE.COMMENT!
FB: Jovielyn River (MisaCrayola )
There'll be Untold stories(Short Novel ) about Greece and the other survivors of
Evil half. T.y

TORMENTED FATE

TORMENTED FATE : Nagtatapos na ang mga kabanata sa Underground at papasukin na


natin ang Dungeon, kung saan mabubuksan na ang mga pagmamahalang hindi nabigyang
kawakasan, gayunpaman ito ay may iilan lamang na kabanata at hindi hahaba.
Crescent & Lyra
Jasmine & Shin
Crescentine & Crestia
Lacie & Xerxes
Alice & Greece

Sila ang mga tauhan na nawala, at ngayon ay magtatapos sa ika-lawang Libro ng


Tormented FATE. Maraming salamat! Lubos akong nagpapasalamat na binasa at sa
patuloy na magbabasa ng kuwentong ito ang taos-puso kong pagmamahal sa inyo! :) Ano
ang dahilan ko bakit may inihaba pa? Ang kuwento ni Shin at Crescentine ay hindi ko
nais na wakasan sa isang kabanata lamang, ganoon rin ang sarado pa ring misteryo sa
naganap sa grupo ni Greece. Nawa'y maunawaan n'yo.

Kung may katungan kayo kindly message me on my FB: Jovielyn M. Rivera


( MisaCrayola) or add my group for some spoilers MisaCrayola.

#MisaCrayola

TORMENTED FATE 2: THE 8TH UNHOLY GOD!


Visit me on my profile so you'll find out the part 2. Kung kayo naman ay nahahabaan
na sa kuwentong ito, dito ka na tumigil. Maraming-maraming salamat!

You might also like