You are on page 1of 4

Jasmin M.

Jabel

BSA 1-A2

KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING BAYAN


Amado V. Hernandez

Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha


Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika,
Ganito ring araw nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,


Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libingan;
Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop


Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,


Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.

May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,


May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!
KESA AT MORITO
Ryunosuke Akutagawa (Japan)

Isinalin ni Lualhati Bautista

Si Morito at si Kesa ay matagal na mag kakilala at nag iibigan. Sapagkat si Kesa


ay isang klaseng babae na talagang bagay na bagay kay morito dahil sa kanilang
pagkakatulad ngunit isang pangyayari ang naganap sa dalawa ng isinama si Morito ng
kanyang ama sa estados unidos upang doon pag aralin. Dahil doon ay naiiwang nag
iisa si Kesa lubhang ikinalungkot ni Kesa ang pag alis ni Morito. Kaya naman ay
nagkaroon si Wataru ng pagkakataon na paibigin si Kesa dahil nga sa pagibig nya rito
ay nag aral pa sya ng paggawa ng tula. at di naman nagtagal ay na pa ibig nya rin si
Kesa. Pero sa totoo ay ang laman parin ng puso ni Kesa ay para kay Morito pa rin.

Iilang taon pa lamang nakalipas nang magbalik si morito dumiretso agad ito sa
kanyang tiyahin na si Komorogawa. Muling nagkita ang dalwa sa bahay ni Komorogawa
nagkoroon ng pagkakataon na muling maka-usap niya si Kesa. Sa tulay ng Watanabe
niyang naka-usap ng ganap si Kesa di niya kasama si Wataru at ng araw na ring iyon ay
isinama siya ni kesa sa kanilang bahay. Wala pa noon si Wataru sa mga oras n iyon
nagtalik ang dalwa at iniutos ni Morito na patayin nila si wataru, nagulat na lamang ito
ng sumang-ayon si kesa. Nandiri siya at dito lamang niya nakilala ang tunay na ugali ni
kesa. Napagkasunduan nila na si morito ay darating sa bahay na iyon sa pag lubog ng
araw at siguraduhin na si wataru lamang ang nasa loob ng kwarto.

Dumilim na ang paligid nagsimula na si kesa at pinaghandaan ang mga


binabalak para sa pag-patay kay wataru. Sa mga oras na iyon lamang niya napagtanto
na mali ang kanilang binabalak at dapat pa ngang siya ang mamatay dahil sa pag
nagawang kataksilan nito sa kanyang asawa na si wataru. Narinig na niya ang mga
yapak ng paa ni morito. Pinatay niya ang lampara at nahiga sa higaan. Pagkalaoy
dumating na si morito at ingat na ingat sa mga kilos. Sinaksak niya ito ngunit ang hindi
niiya alam ay si kesa ang taong naroon sa mga sandaling iyon at aksidenteng napatay
niya si kesa.
Isang Dipang Langit

Amado V. Hernandez

Ako’y ipiniit ng linsil na puno


hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas


ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,


sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo’y tila isang tanikala


na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,


kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang


sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon –


bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap


at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao’t Bathala ay di natutulog


at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw


sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!

You might also like