Professional Documents
Culture Documents
Ito ang kanyang lakas at pag-asa: ang mga lantsa ni Don Cesar at ang punduhan nina
Fides. Ang mga bagay na ito ang nagsilang sa kanyang mithiin. Hindi nawawaglit sa
kanyang diwa saglit man. Ang kanyang mithiing binuo ng mga lantsa at ng punduhan
ay lalong kinulayan ng mga pangyayaring lumiligid sa kanyang buhay. Katulad ng
pangyayaring nakaraan.
Kanina, nang pakargahan niya ng gasolina ang kanyang motor sa punduhan nina
Fides, ay naulit na naman ang kanyang pinakaiiwasan: ang pangungutang kina Fides.
“Kung maaari sana’y idagdag mo muna sa dati kong utang, ha, Fides?”
Tiningan lamang siya ni Fides. Ni hindi ito kumibo. Ngunit sumulat sa talaan ng mga
pautang.
“E, ano ang magagawa natin kung di ka nanghuli,” ang wikang payamot ng in ni
Fides.
“Minalas ho ako,” nasabi na lamang niya. “Baka sakaling swertihin ako mamayang
gabi.”
Sinabi niya ito upang magpaliwanag; upang humingi ng muling kaluwagan: upang
kahit paano’y hugasan ng pakiusap ang kanyang kahihiyan.
Hindi niya nagawang isipin ang pagbabayd kina Fides. Inunahan siya ng pagsasabi ng
kanyang ina kanginang umaga ng “Magdiskargo ka muna sa punduhan anak.”
Nababatid niyang wala silang ibabayad kung sa bagay.
Nalalaman niyang sinundan siya ng tingin ni Fides at ng ina nito nang siya’y
magpaalam. Hindi niya narinig na sinabi sa kanya ang katulad ng naririnig niya sa ina
ni Fides kapag hindi nakababayad ang mga mangingisdang mangungutang sa
punduhan: “Aba, e Pa’no naman kaya kami kung ganyan nang ganyan? Pare-pareho
tayong nakukumpromiso…”
Malaki ang kanyang pag-asa ngayon. Nagtitiwala siya sa kanyang sarili at sa dagat.
“Bukas hoy tinitiyak kong makababayad na ako.”
Gabi na nang umalis siya sa Tangos.
Nakagapos siya sa dagat. Ngunit kailanma’y hindi sumagi sa kanyang muni ang
umalpas- ang lumaya. Ipinasya lamang niya ang mabuhay sa dagat, ang maging