You are on page 1of 3

SURVEY OF PHILIPPINE LITERATURE IN ENGLISH

Instructions: Give your personal reflection on these given poems. (What particular
issue is tackled in each of the poems?)

ANG DAPAT PANIWALAAN


Jose F. Lacaba

Siya’y pinalaki ng lolang palakuwento,


kaya sa pagtulog ay lagging kasiping
ang kapre, tikbalang multo at maligno,
sanlibo’t isang panggabing pangitain.
Itinuro sa kanya ng butihing lola
(kasabay ng katon) ang lahat ng dasal,
antanda sa Latin, senyas at pangontra
sa kapangyarihan ng aswang at kulam.
Subalit pagpasok sa unibersidad,
nang ang kanyang lola’y matagal nang patay,
natutuhan din niya kung ano ang dapat
paniwalaang ng isang edukado:
na ang dapat niyang katakutan ay tao,
at sa tao’y hindi dasal ang panlaban.

"Isang Dipang Langit,"


Amado V. Hernandez

Ako'y ipiniit ng linsil na puno


hangad palibhasang diwa ko'y piitin,
katawang marupok, aniya'y pagsuko,
damdami'y supil na't mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:


bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas


ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,


sa pintong may susi't walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki'y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo'y tila isang tanikala


na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag,


kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang


sa hudyat - may takas! - at asod ng punlo;
kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon -


bilangguang mandi'y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko'y dito mapipigtal.

Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap


at batis pa rin itong aking puso:
piita'y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao't Bathala ay di natutulog


at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya'y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw


sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay...
layang sasalubong ako sa paglaya!

SA GABI NG ISANG PIYON


by Lamberto E. Antonio

Paano ka makakatulog?
Iniwan man ng mga palad mo ang pala,
Martilyo, tubo’t kawad at iba pang kasangkapan,
Alas-singko’y hindi naging hudyat upang
Umibis ang graba’t semento sa iyong hininga.
Sa karimlan mo nga lamang maaaring ihabilin
Ang kirot at silakbo ng iyong himaymay:
Mga lintos, galos, hiwa ng daliri braso’t utak
Kapag binabanig na ang kapirasong playwud,
Mga kusot o supot-semento sa ulilang
Sulok ng gusaling nakatirik.
Binabalisa ka ng paggawa —
(Hindi ka maidlip kahit sagad-buto ang pagod mo)
Dugo’t pawis pang lalangkap
Sa buhangin at sementong hinahalo na kalamnang
Itatapal mo sa bakal na mga tadyang:
Kalansay na nabubuong dambuhala mula
Sa pagdurugo mo bawat saglit; kapalit
Ang kitang di-maipantawid-gutom ng pamilya,
Pag-asam sa bagong kontrata at dalanging paos.
Paano ka matutulog kung sa bawat paghiga mo’y
Unti-unting nilalagom ng bubungang sakdal-tayog
Ang mga bituin? Maaari ka nga lamang
Mag-usisa sa dilim kung bakit di umiibis
Ang graba’t ‘semento sa iyong hininga…
Kung nabubuo sa guniguni mo maya’t maya
Na ikaw ay mistulang bahagi ng iskapold
Na kinabukasa’y babaklasin mo rin.
ANOTHER INVITATION TO THE POPE TO VISIT TONDO
Emmanuel Torres

Next time your Holiness slums through our lives,


we will try to make our poverty exemplary.
The best is a typhoon month. It never fails
To find us, like charity, knocking on
all sides of the rough arrangements we thrive in.
Mud shall be plenty for the feet of the pious.

We will show uoi how we pull things together


from nowhere, life after life,
prosper with children, whom you love. To be sure,
we shall have more for you to love.

We will show you where the sun leaks on


our sleep,
on the dailiness of piece meals and wages
with their habit of slipping away
from fists that have holes for pockets.

We will show you our latest child with a sore


that never sleeps. When he cries,
the dogs of the afternoon bark without stopping,
and evening darkens early on the mats.

Stay for supper of turnips on our table


since 1946 swollen with the same hard tears.
The buntings over our one and only window
shall welcome a short breeze.

And lead prayers for the family that starves


and stays together. If we wear roasries round
our nexks
it is not because they never bruise our fingers,
(Pardon if we doze on a dream of Amen.)

But remember to remember to reward us


with something . . . more lush, greener than all
the lawns of memorial parks singing together.
Our eyes shall belss the liveliness of dollars.

Shed no tears, please, for the brown multitudes


who thicken on chance and feast on leftovers
as the burning garbage smuts the sky of Manila
pile after pile after pile.

Fear not. Now there are only surreal assassins


about who dream of your death in the shape
of a flowering kris.

You might also like