Nakapagbibigay halaga sa mga panitikang Sebuano.
Kaligirang Pangkasaysayan
Unti-unti ang kamalayang pampanitikan ay sumisigla sa ibat ibang rehiyon ng bansa sa
siglong ito. Marahil malaking impluwensya dito ang pagtatag ng mga Rehiyonal na Sentro ng Wikang Filipino mula Batanes hanggang Jolo. Sunud-sunod ang pagpapalimbag ng Komisyon ng Wikang Filipino ng mga aklat katipunan ng panitikang katutubo na naglalaman ng mga alamat,tula,maikling kwento, atb na nasa orihinal nitong wika at salin sa Filipino. Bukod pa rito, nagbukas ng patimpalak ang Palanca at KWF sa iba-ibang uri ng panitikang katutubo.
Samakatwid ang daluyan ng panitikan ay lumawak. Kalimitan ang paksa ay hinggil sa
kalikasan, pang araw-araw na suliranin, pag-aabrod, kulturang Pinoy at karapatang pantao. Matutunghayan sa mga sumusunod na pahina ang ilan sa pinakamahusay na akdang nalathala o nagwagi sa bawat taon mula 2000 hanggang 2007 sa iba-ibang wikang katutubo.
Isang Tala ng Sakuna
Joseph Rosmon Tuazon (Nagkamit ng Unang Gantimpala sa Palanca 2005)
May sumisipol-sipol sa tahimik na pasilyo Sinisiklot-siklot niya sa palad
ang isangkahel.
Bawat silid na kaniyang lampasan ay may abalang pumapanaw, buo ang
konsentrasyon
Sa mangkok ng mga prutas na hindi na matiyak ng mga mata kung
tunay o plastic o pinta
Ngunit sa sulok na iyon ay unti-unting nalulusaw, lumiligwak sa
lamesitang wari ding nalulusaw. Umaabot ang ulirat sa mapipiga, makakatasan ngunit lalo lamang lumalapot ang lagkit sa lalamunan
Hindi nagmamadali ang sumisipol-sipol sa pasilyo. Kay-lamig ng kahel
nang sa palad ay mapirmi
No Parking
Isinandal niya ang bisikleta sa tukod ng senyal para
bumuntunghininga. Hindi iyon pagkakataon:
Ang kadena ay hindi minsang pumalyang madiskaril. Baka
ditto rin gumarahe
Nang mariin ang isang trak na susuray-suray. Oo, ditto mismo.
Masyadong planado?
Hindi ko sinasabing hindi. Na may tuluyang
nakalas.Kunsabagay, baka bagay na masusuway
Ang mas hanap niya, hindi aksidente.
Anuman, kailangan na niyang magsimula agad,
Pagspasan ang pagkukumpuni. Pansamantala, wala akong ibang iisipin
kundi ang siya ay naghihintay. Ensayo
Siya nga. Ang anak. Kanina pa siya nag-eensayong magtimpi sa
pagngawa kapag nirolyo palabras
Ang inang nakataklob ng putit bagong-labang kumot. hindi siya
pipikit, hindi bibitaw ang luha sa pilik.
Kung pagbibigyan (puwede?), siya pay makikitulak hanggat may
aawat sa kaniyang tumapak sa exit
Kung saan ilan nang tinalukbungang bangkay ang naihatid.
Malapit na niyang maperpekto Ang pagpigil. Ipaubaya sa kaniya ang kaniyang sandali. Heto na, ang hilam bago ang pagbulanghit,
Ang pag-iling nang kagat-labi. Bumukas ang pinto at nangamba
siyang baka may mag-abot ng panyo.
Minsan Wala ni Usok
Pero gabi-gabing nagpapasugod ang bombero, iginigiit na lahat ng
maaaring matupok, matutupok
Anumang Segundo. Kapag disoras, ang magkakapit- bahay ay
niyuyugyog sa kama ng sirena
At sinisilaw ng duguang liwanag mula sa bintana.
Sinisikaran niya ang bomba, kinakalag ang mga hose,
Tarantang binubugahan ang bawat bahay at bawat madapuan ng tingin.
Hindi magkandatuto
Ang mga tao kung aalalayan ba o itataboy ang bomber na sunod silang tinututukan. Tumitilapon silang
Basing-basat namamagang parang mga espongha. napakapayapa ng mga
umaga pagkaraan ng bagyo.
Tulang Cebuano
Patay na Toud si Maria Clara
ni Linda Alburo (Nagkamit ng Gantimpala sa Palanca 2005)
Ah, kadto bang naglupad nga hiniguma sa linuiban nga
si Crisostomo Ibarra? Matud pa ni Mama kadto siya sulondon magsigeg kablit sa arpa, manggiulawon laming mo timplag hamonada, hinayon moamin kada humag nobena, matinahuron ug unga pa dihang uban nga mga –un-on nga karon maglisod na natong ispilingon. Wala na tingali nahibilin rong arpa Ug labihan kamahal; maglutog hamonada Ug unsa to, kalaay ba anang magsigeg nobena? Si kinsay lay gusting santosong kay atong paantuson. Ang kinahanglan sa babaye karon Maalam molalik sa awit nga iyang tukaron, Maabtik mangitag idalit nga sud-anon, Molihok bisag wala pay bendisyon. Kon naa pa ron si Mama unsay kahay iyang ikasulti? Nga labaw pang na –anghing si Maria Clara, mirisi.