You are on page 1of 2

IMPLUWENSYA NG BATAS MILITAR

Duguang Plakard at Rebolusnaryong Panitikan


Ang panahong ito ay masasabing paghihimagsik ng kabataan na
pinangungunahan ng mga estudyante. Naging mapusok din ang panitik na
samutsari ang pinapaksa ngunit pawang humihingi ng radikal na pagbabago sa
pamahalaan at mga pinuno sa iba’t ibang sangay ng ahensiya mapubliko o
pribado man. Hindi nasiyahan sa makinilya, ang mga kabataang lider ay
nagpasimunong humawak ng mga plakard sa mga bangketa, iiwasan at lalo pa sa
daang Mendiola na ilang hakbang na lang ay matatagpuan na ang palasyo ng
Malakanyang.
Sanhi ng mga kilusang kabataang palagi nang hawak ang mga plakard
na humihiyaw sa pagbabago, hustisya at tunay na Kalayaan, dumami rin ang mga
kaso ng krimen na hinihinalang isang uri ng pananakop upang itigil ng masang
kabataan ang lantarang pagtutol sa umiiral na pamahalaan. Ito ang dahilan kung
bakit duguang plakard ang sagisag ng panahong ito bago ang pagdedeklara ng
pag-iral ng batas militar noong Setyembre 21, 1972.
Sa kabilang dako, nauso rin ang panitikang repormista o rebolusyonaryo
sa pamamagitan nina Efren R. Abueg, Rogelio G. Mangahas, Virgilio Almario
(Rio Alma). Rolando S. Tinio at iba pa. Sa mga pangungunsap ni Abueg aniya,
“humihingi rin ang panitikan ng progresibong manunulat tungo sa pakikipag-
ugnayan nito sa mambabasang masa.” Tinutukoy niya nag katuturang binanggit
ni Tolstoy sa sining na mayroong tiyak na layuning panlahat at hindi pansarili
lamang.

ESTREMELENGGOLES
ni Virgilio S. Almario

Puro langaw sa palengke


Puro daga sa bodega
Dumarami ang rebelde
Humahaba’ng mga pila
Estremelenggoles
Aalsa ang masa.
Kaya hari’y nagpatawag
Ng pulong ng gabinete;
Nagpapayo, nagpaulat,
Pagkatapos ang sinabi:
“Estremelenggoles,
Bombahin ang peste!”

Hari’y galit na nagmiting,


Ang Ministro’y kinastigo.
At nang halos naduduling
Ay sumabad ang Payaso:
“Estremelenggoles Pugutan ng Ulo.”

Nang maubos ang opisyal,


Heneral at tagapayo
At wala nang mapugutang
Ni anino sa Palasyo …
Estremelenggoles
Bitay si Payaso.

Pobreng hari’y nagkasakit


Di maihi, di madumi;
Sa problemang hanggang leeg,
Isang gabi ay nabigti.
Estremelenggoles!
Nawala ang peste.

You might also like