You are on page 1of 8

AKADEMIKONG PAMPANITIKAN

BALANGKAS NG PAGSUSURI NG
TULA NI
JOSÉ CORAZÓN DE JESÚS
NA
“KAHIT SAAN”

Ipinasa kay,
Bb. Arramae Maestrocampo

Ipinasa ni,
Alcaraz, Queenie Laine V.
BSECE 1-A
I. PANIMULA
a. Pamagat ng Akda: “Kahit Saan”

Kung sa mga daang nilalakaran mo,


May puting bulaklak ang nagyukong damo
na nang dumaan ka ay biglang tumungo
tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .
Irog, iya'y ako!

Kung may isang ibong tuwing takipsilim,


nilalapitan ka at titingin-tingin,
Kung sa iyong silid masok na magiliw
At ika'y awitan sa gabing malalim. . .
Ako iyan, Giliw!

Kung tumingala ka sa gabing payapa


At sa langit nama'y may ulilang tala
na sinasabugan ikaw sa bintana
Ng kanyang malungkot na sinag ng luha
Iya'y ako, Mutya!

Kung ikaw'y magising sa dapit-umaga,


isang paruparo ang iyong nakita
na sa masetas mong didiligin sana
ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . .
Iya'y ako, Sinta!

Kung nagdarasal ka't sa matang luhaan


Ng Kristo'y may isang luhang nakasungaw,
kundi mo mapahid sa panghihinayang
At nalulungkot ka sa kapighatian. . .
Yao'y ako, Hirang!

Ngunit kung ibig mong makita pa ako,


akong totohanang nagmahal sa iyo;
hindi kalayuan, ikaw ay tumungo
sa lumang libinga't doon, asahan mong. . .
magkikita tayo!
b. May – akda: José Corazón de Jesús
Kilala bilang “Huseng Batute” na tinawag ring “Pepito”, isang Pilipinong
makata na manunulat ng tulang Tagalog upang maiparating ang pagnanasa
ng bawat Pilipino ang pagiging malayang bansa noong panahon ng pananakop
ng Estados Unidos sa Pilipinas. Isa sa mga kilalang manunulat sa Tagalog na
nagpulong sa Instituto de Mujeres sa Tondo, Manila noonh Marso 28, 1924
upang ipagdiriwang ang kaarawan ng makatang Tagalog na si Fracisco
Balagtas sa Abril 2.
Hinangaan si Batute bilang makisig at mahusay na mambibigkas. Siya ang
itinanghal na unang Hari ng Balagtasan. Pinakapaborito ng taumbayan ang
mga tulang “Ang Manok Kong Bulik” (1919), “Ang Pagbabalik” (1924), “Ang
Pamana” (1925), “Pag-ibig” (1926), “Manggagawa” (1929), at “Isang
Punongkahoy” (1932).
Siya ay lumikha ng mga titik para sa mga kanta at inakapopular sa mga ito
ang “Bayan Ko” na naging pangunahing kantang tagapagpahayag ng
pagmamahal sa bayan at sa kalayaan hanggang sa kasalukuyan. Sumulat din
siya ng mga tulang pasalaysay, pinakakilala sa mga ito ang Sa Dakong
Silangan (1928), isang alegorikong pagtuligsa sa pananakop ng mga
Amerikano.
Sikat na siya bilang Huseng Batute sa buong Pilipinas noong siya ay umarte
sa pelikulang Oriental Blood. Kasama niya ang mga bantog na aktres na sina
Atang dela Rama at Maria Santos. Kasama rin sa kast ang kanyang anak na
si Juliano de Jesus, na naging aktor sa ilang mga pelikulang Pilipino. Nang
mamatay siya noong 26 Mayo 1932 ay nagluksa ang bayan at isa sa
pinakamahabàng libing sa kasaysayan ang paghahatid sa kaniyang bangkay
sa Cementerio del Norte.

c. Kasaysayan ng akda:

Ilang kantang naisulat, pelikulang naibahagi, mga kwentong isinadula at


mga tulang ipinanglaban sa mga taong may taglay na kasamaan. Ang tulang
patungkol sa pag ibig ay isa sa mga kilalang akda ni José Corazón de Jesús,
ang akdang “Kahit Saan” ay isang tulang pag ibig na ating kakaumayan pero
binigya ng kakaibang dating ang bawat salita at talutod na nakapaloob sa akda.
II. PAGSUSURI
a. Teoryang Pampanitikan:
Teoryang Romantisismong Tradisyunal ang pinamalas ng akdang
“Kahit Saan” kung saan ang bawat pag alala ng may akda sa kanyang
iniibig ay nagpapakita ng pag alalay sa bawat pantig. Kanyang iniisip ang
bawat salitang binabanggit sa tulang punong puno ng pag ibig.
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng
tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa,
bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at
gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang
pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

b. Pagsusuri gamit ng Teoryang napili:

Ito’y pagpapahiwatig ng isang wagas na pag ibig, magkalayo man o


malapit, laging pinaaalalahanan na ang bawat paghihirap ng kanyang iniibig
sa pagkakaulila sa kanya ay mabibigyang saya sa araw na sila’y magkita.
Sa malikhaing pamamaraan ang pagpapahiwatig ng pag ibig, may bagay
na hindi magsisimulang maganda ngunit sa huli ay binigyang ikot ang akda.

c. Pagsusuri sa Titulo ng Akda:

“Kahit Saan”, ang titulo ng tulang ipinahiwatig. Simpleng panimula


na kung saan may mabigat na dalang estorya sa loob ng pagsasagawa ng
tulang nalabahagi sa pagsusuri na ito. Ang akda ay may 6 na saknong at 5
talutod.

III. LAMAN NG AKDA

a. Mga Tauhan

May Akda – siyang nagsulat ng akda na nagnanais makasama ang


kanyang sinta.
Irog – nangungulila sa presensya ng kanya iniibig at naghihintay sa
kanyang pagbabalik kahit alam niyang huli na.
b. Buod

Isang daang tinatakhak ng kanyang irog kung saan may mga


bulaklak na naglanta sa lungkot na kanyang dinadala. Na sa umaga at gabi
may ibon at paruparo na sa kanya ay lumalapit upang ipahiwatig na siya’y
nandyan parin at nagmamasid. Sa gabi na maliwanag at buwan at mga tala
na umaaninag sa kanyang mukha kung saan bakas ang lungkot at mga
luha.
Nananalangin na siya’y magbalik sa may kapal at sa bandang huli
sa libingan ng kanyang mahal sila’y muling magkikita na isang patunay na
sa bandang huli ang pag iibigan sa isa’t isa ay hindi magiging bula kahit ang
isa’y wala na.

c. Tagpuan

Isang araw sa tahanan at libingan.

IV. BAHAGI NG AKDA

a. Panimula
Kung sa mga daang nilalakaran mo,
May puting bulaklak ang nagyukong damo
na nang dumaan ka ay biglang tumungo
tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .
Irog, iya'y ako!
b. Saglit na Kasiglahan
Kung may isang ibong tuwing takipsilim,
nilalapitan ka at titingin-tingin,
Kung sa iyong silid masok na magiliw
At ika'y awitan sa gabing malalim. . .
Ako iyan, Giliw!

Kung tumingala ka sa gabing payapa


At sa langit nama'y may ulilang tala
na sinasabugan ikaw sa bintana
Ng kanyang malungkot na sinag ng luha
Iya'y ako, Mutya!
c. Kasukdulan

Kung ikaw'y magising sa dapit-umaga,


isang paruparo ang iyong nakita
na sa masetas mong didiligin sana
ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . .
Iya'y ako, Sinta!

d. Kakalasan
Kung nagdarasal ka't sa matang luhaan
Ng Kristo'y may isang luhang nakasungaw,
kundi mo mapahid sa panghihinayang
At nalulungkot ka sa kapighatian. . .
Yao'y ako, Hirang!

e. Wakas
Ngunit kung ibig mong makita pa ako,
akong totohanang nagmahal sa iyo;
hindi kalayuan, ikaw ay tumungo
sa lumang libinga't doon, asahan mong. . .
magkikita tayo!

V. ARAL

a. Repleksiyon

Sa pag ibig base sa akdang ito ay hindi pala kayang alisin ng kahit
anong bagay na dumaan sa dalawang taong nagmamahalan. Hindi sapat
ang dahilang malayo ang distansya kaya ika’y nanlamig na sa kanya. Dahil
kung tunay kang nagmamahal hindi mo magagawang tumingin sa iba o
kahit nasan ka man ang mahalaga siya ang nasa iyong isipan at wala nang
iba.

b. Kahinaan at Kalakasan

Sa tulang ito, “Kahit Saan”, makikita natin sa una pala ay isang pag
ibig na itinutuon ang pangungulila sa isa’t isa. Alam na agad ng mambabasa
na ang kanilang mababasa ay may halong masasakit na binibitawang salita.
Sa bawat talutod ng tula ya masusulyapan ang bawat kalungkutan kaya sa
bandang huli sakit ang tumatatak sa mambabasa na naging dahilan ng
Kahinaan ng akda.
Ngunit wag nating lingain ang bawat salitang may mabibigat na
kahulugan kung saan ang tula ay nadadala ang emosyon na nagawa ng
senaryo sa isip ng mga mambabasa na nakakatulong sa paglawak ng tula.
Isang simpleng titulo ang nakapaloob sa akda kung saan nakakahikayat
kung anong klaseng tulang pag ibig ang mababasa. At isa sa kalakasan ng
tulang ito ang huling parte o wakas kung saan umaasa ang bawat tauhan
sa akda na sila ay magkikita. Binigyan saya ang isang matrahedyang akda
na hindi karaniwang mababasa.

c. Aral

Sa larangan ng pag ibig masusukat ang bawat pagmamahal na


inaalay mo sa isang tao. Sa panahong magkalayo ang isa’t isa kung ang
pag ibig ng bawat isa ang nangingibabaw ay hindi ito maglalaho o
magbabago sa tagal man o sa layo ng agwat niyo sa mundo hindi ito
maaaring masukat sa mga salita kundi ito’y madadala sa kilos at mga tapat
na panagakong hindi nalilingaang mawala. Sa puso at isip natitiyak na ito’y
mahalaga.

d. Suhestiyon

Sa aking pananaw, ang akdang ito ay dapat binigyan ng isang


trahedya ng manunulat kung saan mawawala lahat ng pag asa ng mga
manunulat sa pag ibig na ipinapakita. Maaring bigyan ng manunulat na may
nangyaring masama sa isa o may iba na magbibigay kaba at takot ngunit
sa dulo ay malalaman nila na ang isa’t isa ay tapat na nagmamahal at
tutuparin ang pangakong sila’y muling magkikita at hindi biglang wala na
ang isa.

e. Tunggalian

Makikita ang tunggalian sa kasukdulang parte ng akda na


binibigyang diin ang pagkawala ng pag asa na sila’y muling magkikita.
Mararamdaman ng mambabasa ang sakit ng bawat salita na nanghihina na
ang tauhan sa eksena na pilit niyang inaalala ang mga sinasabi niya.

f. Simbolismo
 “puting bulaklak ang nagyukong damo..” – Nilarawan niya na siya
hindi makaharap sa kanyang sinta upang sabihin ang ninanais
niyang mapadama.
 “malungkot na sinag ng luha” – ipinapahiwatig ng manunulat na ang
bawat tauhan ay nakikita at nararanasan ang lungkot ng
pangungulila.
 “may isang ibong tuwing takipsilim”, “may ulilang tala”, at “isang
paruparo” – Nialarawan ng manunulat ay na siya’y nagmamasid
lamang nang malayo at ipinapadama niya ang pagmamahal at pag
aalala sa iniibig niya.
 Ibon, paruparo, at tala – simbolo kung saan siya ay nagpapahiwatig
na nandyan lamang at alalahanin ang lahat ng gawi nung sila ay
magkasama.
 “sa lumang libinga't doon, asahan mong magkikita tayo!” – simbolo
ng pagkamatay ng isa sa tauhan at huling hantungan na sa kabilang
buhay ang muli nilang pagkikita.

g. Sanggunian
https://tl.wikipedia.org/wiki/Jose_Corazon_de_Jesus
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18419671266
https://www.tagaloglang.com/tagalog-love-poem/
https://www.slideshare.net/GinoongGood/teoryang-
pampanitikan-36790003

You might also like