You are on page 1of 14

TEORYANG

HISTORIKAL-BAYOGRAPIKAL

Ipinasa nina:

Joreyna May S. Maala

April Mae Ortiz

Angel Rose Pascual

Ipinasa kay:

Sir Jomer Alcaide Tangonan

Guro sa Panunuring Pampanitikan

Oktubre 2019
ANG TEORYANG HISTORIKAL-BAYOGRAPIKAL

 Ito ay nakatuon sa lantad na pagbubunyag ng ilang bahagi ng buhay ng manunulat


na nakadaragdag sa ilang bahagi at kaisipan nito;
 Sinasalamin ng akda ang katauhan ng manunulat;
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kaniyang pagkahubog. Nais din nitong
ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo (academia.edu).
 Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng
may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay
ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at
lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa
kanyang karanasan sa mundo.

AKDANG PAMPANITIKANG BATAY SA TEORYANG HISTORIKAL-


BAYOGRAPIKAL

ISANG DIPANG LANGIT

Amado V. Hernandez

Ako’y ipiniit ng linsil na puno

hangad palibhasang diwa ko’y piitin,

katawang marupok, aniya’y pagsuko,

damdami’y supil na’t mithiin ay supil.


Ikinulong ako sa kutang malupit:

bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;

lubos na tiwalag sa buong daigdig

at inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas

ay sandipang langit na puno ng luha,

maramot na birang ng pusong may sugat,

watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,

sa pintong may susi’t walang makalapit;

sigaw ng bilanggo sa katabing moog,

anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo’y tila isang tanikala

na kala-kaladkad ng paang madugo

ang buong magdamag ay kulambong luksa

ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,

kawil ng kadena ang kumakalanding;


sa maputlang araw saglit ibibilad,

sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang

sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;

kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,

sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon –

bilangguang mandi’y libingan ng buhay;

sampu, dalawampu, at lahat ng taon

ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap

at batis pa rin itong aking puso:

piita’y bahagi ng pakikilamas,

mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao’t Bathala ay di natutulog

at di habang araw ang api ay api,

tanang paniniil ay may pagtutuos,

habang may Bastilya’y may bayang gaganti.


At bukas, diyan din, aking matatanaw

sa sandipang langit na wala nang luha,

sisikat ang gintong araw ng tagumpay…

layang sasalubong ako sa paglaya!

ANG TULANG “ISANG DIPANG LANGIT”

Ang tulang ito ay isang mahalagang akda na isinulat ni Amado V. Hernandez


noong siya ay nakapiit sa Bartolina ng Muntinlupa noong Abril 22, 1952. Isinulat niya ang
tulang ito batay sa kaniyang totoong karanasan.

Isinasalaysay ng persona ang mga kaganapang kaniyang nasaksihan noong siya


ay ipiniit sa bilanguan. Ikinulong siya doon kahit na wala naman siyang kasalanan at
siya’y napagbintangan lamang sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Sabi pa niya ay
kahit buhay pa ay mistulan na siyang patay dahil sa kalagayan sa bilangguan. Padungaw-
dungaw lamang siya sa maliit na munting butas sa kulungan na tanaw ang dipang langit.
Wala siya ibang nararamdaman kundi lungkot dahil ang bayan na kaniyang ipinaglalaban
at pinakaiingatan ay ito mismo ang nag-udyok sa kaniya sa kulungan. Napakalupit din ng
mga bantay sa mga selda. Sintalim ng kidlat ang sila’y makatingin at ni hindi ka makalapit
sa pintuan ng rehas. Ang mga kapwa niya bilanggo ay nasa malupit ding sitwasyon. Sa
mga paa’y may nakagapos na tanikala na hila-hila sa magkahapon at saglit ding ibinibilad
sa maputlang araw. Kahit na napuno ng lungkot at pighati ang puso ng persona ay hindi
pa rin siya nawalan ng pag-asa na darating ang araw na siya ay makakalaya sa
malungkot na piitang kaniyang kinalalagyan. Ayon sa dalawang huling saknong ay hindi
natutulog ang Bathala at ang mga api ay mananatling api. At umaasa siyang bukas din
ay matatanaw niya ang sandipang langit ng malaya.
ANG MAY-AKDA

Si Amado V. Hernandez ay isang makata, nobelista, mandudula, peryodista at


itinanghal na Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng panitikan.
Nagsulat din siya sa ilalim ng mga pangalang Herminia dela Riva, Amante Hermani at
Julio Abril.

Isinilang siya noong ika-13 ng Setyembre 1903 sa Tondo, Maynila, at supling nina
Juan Hernandez at Clara Vera. Napangasawa niya si Honorata “Atang” de la Rama na
tinaguriang “Reyna ng Kundiman” na napabilang sa Orden ng Pambansang Alagad ng
Sining.

Nakilala ang husay ni Amado Hernandez noong panahon ng Amerikano. Si


Amado Vera Hernández ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya
bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong
manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang
naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipag-
ugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-
tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas. Sinalaysay ni
Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga
manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang nasa
loob ng kulungan, naisulat niya ang "Isang Dipang Langit", ang isa sa mga mahahalaga
niyang tula. Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong
Mandaragit", at "Luha ng Buwaya". Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa
isang tomo na pinamagatang "Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento".
Nagturo din siya sa Pamantasan ng Pilipinas. Kakikitaan ng diwang makabayan ang
marami niyang tula at nobela: lantad sa mga ito ang makatarungang poot sa pagiging tila
isang kolonya ng Estados Unidos ang kaniyang bansang Pilipinas. Naipakulong siya ni
Elpidio Quirino dahil sa bintang na pagiging mapanghimagsik. Siya’y nanatili sa bartolina
mula noong Enero 1951 hanggang Hulyo 1956.

Naging instrumento ang kanyang pagkakakulong para maisulat niya ang Isang
Dipang langit, Bayang Malaya, at Mga Ibong Mandaragit. Napawalang-sala lamang siya
noong 1964.
Tumanggap siya ng tinatayang 20 gawat at parangal noong bago sumiklab ang
digmaan, at kabilang na dito ang “Ang Makata ng Ilaw at Panitik” (1925), nagwagi rin siya
ng Republic Cultural Heritage Award para sa “Isang Dipang Langit” (1962); Don Carlos
Palanca Memorial Awards for Literature (1958, 1961), at marami pang iba. Noong 1970
ay kinilala siyang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan.

PAGSUSURI

A. PERSONA

Ang Bilanggo - ang pangunahing persona ng tulang ito. Siya ang tagapagsalaysay
sa kaniyang karanasan sa piitan. Dahil sa hindi makatarungang pagkulong sa kaniya ay
naranasan niya ang malupit na buhay sa loob ng piitan bilang isang bilanggo.

B. URING PAMPANITIKAN

Ang uri panitikang ito ay isang Tula. May lalabindalawahing pantig ang sukat at
may katinig at patinig ang mga tugma. Ang uri ng tulang ito ay isang Tulang Sanaysay
dahil ang may-akda ay nagsasalaysay ng pangyayari na anyong patula. Ang tono ng
tulang ito ay pagdurusa.

C. BISANG PAMPANITIKAN

A. BISA SA ISIP

Ako’y ipiniit ng linsil na puno Ikinulong ako sa kutang malupit:

hangad palibhasang diwa ko’y piitin, bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;

katawang marupok, aniya’y pagsuko, lubos na tiwalag sa buong daigdig

damdami’y supil na’t mithiin ay supil. at inaring kahit buhay man ay patay.
Dahil ang akdang ito ay nagpapakita ng kahirapan ng pagiging bilanggo,
ipinapahiwatig lamang nito na dapat ay ayusin ng tao ang kaniyang kilos at ugali upang
hindi makulong sa kwadradong silid na nagnanakaw ng kalayaan. Ipinapahiwatig na
dapat tayo ay gumawa ng mabuting asal para sa mga mahal natin sa buhay at sa mga
bagay-bagay na nais pa nating gawin sa buhay.

B. BISA SA DAMDAMIN

At ito ang tanging daigdig ko ngayon –

bilangguang mandi’y libingan ng buhay;

sampu, dalawampu, at lahat ng taon

ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Ang damdaming nananaig sa tulang ito ay ang “Kalungkutan” at “Awa”. Batay sa


mga salita sa tula ay ipinararating ng persona ang matinding kalungkutan na nadarama
dahil sa pagnakaw sa kaniya ng kaniyang kalayaan, na walang kasiguraduhan kung
kailan niya mababawi. Nakakaawa ang kalagayan ng persona at ng mga kapwa pa
niyang bilanggo. Matinding hirap ang dinaranas nilang lahat sa kamay ng mga malulupit
na bantay at sakunang hatid sa kanila ng bilangguan.

C. BISA SA KAASALAN

Ang tao’t Bathala ay di natutulog At bukas, diyan din, aking matatanaw

at di habang araw ang api ay api, sa sandipang langit na wala nang luha,

tanang paniniil ay may pagtutuos, sisikat ang gintong araw ng tagumpay…

habang may Bastilya’y may bayang gaganti. layang sasalubong ako sa paglaya!
Sa mga saknong na ito ay ipinapakita na sa kabila ng masamang karanasan
ng persona sa bilangguan ay hindi ito nawalan ng pag-asa na makamtam muli ang
inaasam na kalayaan. Dahil sa pananalig niya at paniniwala na hindi siya pababayaan ng
Diyos ay naging positibo ang kaniyang pananaw sa buhay.

Ang ating buhay ay hindi tayo nawawala ng hamon at problema. Sinasabi na ang
mga ito’y kaloob ng ating Panginoon at ipinagkakaloob niya ang mga ito sa atin dahil
alam niya na kaya nating lampasan ang mga ito. Sa pamamagitan ng mga ito ay nagiging
mas magiging malakas tayong humarap sa mga darating pang pagsubok sa ating buhay.
Mas lalawak din ang ating kaisipan at pag-unawa at lalong titibay ang ating tiwala at
pananampalataya sa ating Poong Maykapal.

D. PAGLALAPAT NG TEORYANG HISTORIKAL-BAYOGRAPIKAL SA


AKDANG “ISANG DIPANG LANGIT”

 Ang tulang ito ay repleksyon ng totoong karanasan ng may-akda. Ipinahayag niya


ang masalimuot na pangyayari sa kaniyang buhay gamit ang Panitikan.
 Nakulong siya dahil sa pakikipag-ugnayan niya sa mga kilusang makakomunista.
 Sa kulungan ay nasaksihan niya kung paano pinaparusahan ang mga kapwa niya
Pilipino. Marami talaga sa mga Pilipino noon ang naparusahan dahil sa paglaban sa
pamumuno ng mga Amerikano sa Pilipinas.
 Isa si Hernandez sa mga Pilipinong naparusahan dahil sa paghihimagsik sa mga
dayuhang nagmamanipula ng pamahalaan ng Pilipinas.
 Ito ay parte ng kasaysayan dahil naisulat noong panahon ng pananakop ng
Amerikano.
E. KONGKLUSYON

Napaka-makapangyarihan ng Panitikan. Hindi lamang ito nililikha upang mang-


aliw ng mga mambabasa kundi ito din ay isang paraan upang maipahayag ng mga
manunulat ang kanilang tunay na saloobin at karanasan sa buhay. Naging susi nila ito
upang maipadama sa kanilang mga mambasa na minsan sila’y nakaranas din ng malupit
na kapalaran dahil sa sobrang pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan.

Sa pamamagitan mga karanasang ito ng mga manunulat ay nakalilikha sila ng mga


akdang talaga namang nag-iiwan ng malaking impak sa mga mambabasa. At si Amado
Hernandez ay nakalikha nga ng mga akdang naging inspirasyon ng lahat ng mga Pilipino
noong kaniyang panahon. Mga akdang naging malaking ambag sa Kasaysayan at sa
Panitikan ng Pilipinas na hanggang sa panahong ito ay kinikilala nating mga Pilipino.

PAGLALAYAG SA PUSO NG ISANG BATA

ni Genoveva Edroza Matute

Buod:

Maaaring binata o ama na siya ngayon, kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan.
Sa akin ay hindi siya binata, ama o isang alaala ng Bataan. Siya'y mananatiling walong
taong gulang na bata. Ilang taon man ang dumaan, lagi ko pa rin siyang naaalala
sapagkat isang araw siya ay aking naging guro.

Naiiba siya sa aming klase, pangit, maliit, bilog at pipis ang ilong, at mayroon siyang
nakakatawang tono sa pagsasalita. Ngunit mayroong bagay na kaibig-ibig sa kanya
sapagkat matulungin siya. Nagtataka pa nga ako sa kanyang pagiging mahiyain.
Nalaman ko naman ang katotohanang siya'y isang munting ulilang bata na lumuwas sa
lungsod para maging utusan.

Nadama ko ang kakaibang kalungkutan. Nais kong maging katulad siya ng ibang
bata na masayang naglalaro.

Pinagagawa ko siya ng maraming bagay para sa akin. Ang tahimik na


pakikipagkaibigan ang nag-uugnay sa amin ng pangit na ito. Lagi ko siyang naaasahan.
Unti-unti ko namang nararamdaman ang kanyang kasiyahan sa pag-aakalang
nagmamalasakit ako at may gusto sa kanya.

Nakikita ko na siyang nakikipaglaro at nakikipaghabulan tulad ng isang normal na


bata. Kinakausap ko pa siya at sumasagot siya ng pagaril sa Tagalog. Masigla na rin siya
kung sumagot ng "Goodbye Teacher". Ngayon ay tiyak ko na hindi na siya totoong napag-
iisa at hindi na siya nalulumbay.

Ang paraan na pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na siya'y mahalaga at sa


kanya'y may nagmamahal. Maligaya na siya.

Isang araw, sa paglingon ko sa mga dumadaang tao'y na amin ko sa aking sarili na


kasalanan ko ang nangyari. Mainit noon ang aking ulo at nagawa ko ang hindi dapat
gawin. Matindi ang galit ko sa kanya. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa't kalumbayan,
ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanya siya'y mahalaga at minamahal.
Nang hapong iyon ay bumalik siya sa dating siya. Hindi niya ako pinapansin ni minsan
lamang. Naisip kong galit siya sa akin. Sa munti niyang puso'y kinapopootan ako, at
nasantabi ang pagmamahal niya sa akin.

Tila may binubulong kapasiyahan sa kanyang loob.

Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito itinatanong kong paulit-ulit
sa aking sarili. Napopoot siya sa akin.

Ang mga mata niya'y nakipagsalubungan sa akin at nagsabing "Goodbye Teacher".


At umalis na siya.

Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.


Nagunita ko ang pagpapakumbaba sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon.
Nang sandaling yaon, siya ang aking guro.

II. Talambuhay ng May-akda

Si Genoveva Edroza-Matute o Aling Bebang ay isang magiting na kuwentista sa


Wikang Filipino at tagapagtaguyod ng wika at panitikan ng Pilipinas. Isinilang siya noong
13 Enero 1915. Iginagalang siyang guro sa elementarya, sekondarya at hanggang sa
kolehiyo. Nagretiro siya bilang Dekana sa Philippine Normal College (na kilala ngayon
bilang Philippine Normal University). Marami na siyang parangal na inani at ilan dito ang
Gantimpalang Palanca at Cultural Center of the Philippines ng Gawad CCP Para sa
Sining (Panitikan) noong Pebrero, 1992.

Ilan sa kanyang mga akda tulad ng Kuwento ni Mabuti, Paglalayag sa Puso ng Isang
Bata, Parusa, Maganda Ang Ninang Ko at Pagbabalik ang laging itinatampok sa mga
textbook at iba pang publikasyon.Si Aling Bebang ay maybahay ng manunulat na si
Epifanio Matute. Pumanaw si Aling Bebang noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.

III. PAGSUSURI

A. Uri ng Akda

Ang uri ng akdang pampanitikan na “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” ay Maikling


Kuwento.

B. SARILING REAKSYON

1. Mga Pansin at Puna

a. Mga Tauhan
Bata – pinakamaliit sa klase, pinakapangit, mayroong bilog at pipis na ilong, may
punto ang pagsasalita. Isa rin siyang munting ulilang lumuwas sa lungsod upang maging
utusan.

Guro – siya ang patuloy na gumugunita sa kanilang pinagsamahan ng mabuting


estudyante kahit namatagal na panahon na ang lumipas.

b. Tagpuan

Umiikot lamang ang buong pangyayari sa kwento sa loob ng isang silid aralan. Nagsimula
at nagwakas ang kwento sa loob pa rin ng klasrum na sa paggugunita ng guro sa buong
pangyayari noon ay hindi na niya namalayan kung gaano siya katagal na nakaupo sa
silid-aralang iyon.

c. Istilo ng awtor

Isang maikling kwento ang akdang sinuri at ito’y nakasulat sa Wikang Filipino.
Mapapansin lamang na payak ang pagkakasulat ng kwento. Inilarawan ng may akda ang
pang-araw-araw na gawain o mga pangyayari sa pagitan ng isang guro at kanyang mga
mag-aaral sa isang klasrum at kung paano ang isang mag-aaral ay nagsilbing
tagapagturo sa kanyang mismong guro.

d. Galaw ng mga pangyayari

Ang akda ay umiikot sa pagkakaibigan ng dalawang tao sa kabila ng malaking agwat sa


buhay. Kung paano ang isang guro ay nakahanap ng isang tunay na kaibigan sa isang
batang ulila at bukas na ang isipan sa buhay na kinalakhan sa murang edad pa lamang.

2. BISANG PAMPANITIKAN

a. Bisa sa Isip

Para sa bisa sa isip, mapupuna mo sa maikling kwentong “Paglalayag sa Puso ng


Isang Bata” ang hindi pantay-pantay na estado ng tao sa lipunan na mayroong mahirap
at mayaman. Subalit sa kabila ng pamumuhay ng bata ay naging isang mabuting tao siya
at hindi nakakalimot sa kanyang tinuturing na responsibilidad. Na kung uugnay sa
kasalukayan ay bihira na lamang.

b. Bisa sa Damdamin

Ang damdaming mas nanguna para sa akin ay Awa. Awa para sa bata na walong
taon pa lamang ay kailangan ng mag-trabaho para sa kanyang sarili. Na sana tulad ng
mga batang kaedad niya ay nag-eenjoy lamang at naglalaro kasama ng mga batang
kagaya niya.

c. Bisa sa Kaasalan

Sa kabila ng kanyang kalungkutan ay hindi nagawang magtanim ng sama ng loob


ang bata para sa kanyang guro. Bagkus ay pinagpatuloy niya kung ano kanyang
nakasanayan sa loob ng klasrum.

3. PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN

Ang maikling kwentong ito ay repleksyon ng karanasan ng siyang may akda.

Ang batang nasabi ay dating mag-aaral ni Gng. Matute na siyang may-akda ng


maikling kwentong “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata”.

Si Genoveva Endrosa Matute ay isang guro sa pampublikong paaralan.

Ilan sa kanyang mga akda ay karamihan ang mga pangunahing tauhan ay mga
batang walong taong gulang.

You might also like