You are on page 1of 2

Ang pagsulat ng tula ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat dito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng

mga salita, pagbilang ng mga pantig, at paghahanap ng makakatugmang mga salita upang maipadama ang isang
damdamin o kaisaping nais ipahayag ng isang manunulat. Bagama’t sa kasalukuyan ay unti-unti nang nawawala ang
sukat at tugma ng isang tula, lalo’t ang makabagong manunulat ay naniniwala sa kaisipang malayang taludturan.

Ang mga akdang patula ay may apat na uri: tulang pasalaysay, tulang paawit o liriko, tulang padula o pantanghalan, at
tulang patnigan.

1. Tulang pasalaysay – ang uring ito ay naglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay; katulad
ng kabiguan sa pag-ibig, ang mga suliranin at painganib sa pakikidigma, o kagitingan ng mga bayani
• Epiko – Ito’y isang alamat o kasaysayan na naging matagumpay laban sa mga panganib at kagipitan.
o Ang Indarapatra at Sulayman na (Epiko ng mga Muslim) Isinatula ni Bartolome del Valle
▪ Ito’y tungkol sa dalawang magkakapatid na magiting na lumaban sa apat na mga
mababangis na halimaw na gumugulo sa bayan ng Mindanaw. Sa huli, pagkatapos buhayin
muli ni Haring Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman mula sa kamatayan ay
napatay niya ang panghuling halimaw at dahil doon, naghari muli ang kapayapaan sa
sangkatauhan.

o Biag ni Lam-ang isang epikong tula ng mga Ilokano na isinulat ng bulag na si Pedro Bucaneg
▪ Ito'y tumutukoy ng kaniyang mga pakikipagsapalaran, kanyang paglalakbay, at kanyang
paglalaban laban sa mga kaaway upang maipagtanggol ang kanyang pamilya at bayan. Ito
ay nagpapakita ng mga tradisyonal na kaugalian at paniniwala ng sinaunang kultura ng
Ilokano.
• Awit- salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan ay walang sangkap na
kababalaghan.


▪ Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang matira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip
• Korido- salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-puno
ngkababalaghan
▪ Ibong Adarna
▪ 1,172 na saknong
▪ pangyayaring hindi kapani-paniwala ngunit napapalooban ng mga aral sa totoong buhay.
2. Tulang Padamdamin o Liriko- Karaniwang maikli, likas at madaling maunawaan ang mga ito.
• Awiting Bayan- tungkol sa pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa, at
kalungkutan.
• Soneto- SONETO NG BUHAY ni Fernando B. Monleo na tungkol sa saloobin at karanasan ng isang tao sa
pagtahak sa buhay.
• Elehiya – AWIT SA ISANG BANGKAY ni Bienvenido A. Ramos na tungkol sa paglalarawan ng lungkot at sakit
sa pagharap sa realidad ng kamatayan at paglisan ng minamahal
• Dalit- Nagtataglay ito ng kaunting pilosopiya sa buhay.
• Pastoral- BAYANI NG BUKID ni Al Perez na tungkol sa buhay sa bukid at ang pakikipagsapalaran ng isang
simpleng magsasaka na nagiging bayani sa pamamagitan ng kanyang tapang, determinasyon, at
pagmamahal sa kanyang lupang sinilangan.
• Oda- walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong. Ode to Nightingale ni
ohn Keats na nagpapahayag ng labis na paghanga at pagmamahal sa kalikasan, lalo na sa pag-awit ng isang
ibon na nightingale.
3. Tulang Padula o Dramatiko- La India Elegante y El Negrito Amante in Francisco Baltazar na tungkol sa
pagmamahalan ng isang magandang dalagang Indian at isang guwapong Negrito.
• Komedya - layong pukawin ang kawilihang manonood
• Melodrama - malungkot ngunit nagiging kasiya-siya ang katapusan
• Trahedya- nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak
• Parsa- magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga pangyayaring nakakatawa
• Saynete- mga karaniwang pag- uugali ng tao o pook.
4. Tulang Patnigan
• Karagatan- tinatawag na dulang pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos sa loob ng bahay o bakuran ng
namatay. Nagiging parangal din ito sa namatay
• Duplo – pangngatwiran ay hango sa Bibliya, sa mga sawikain, at mga kasabihan. Karaniwang nilalaro upang
aliwin ang mga namatayan.
• Balagtasan- tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangngatwiran sa isang paksang pagtatalunan

Ang Impluwensya ng Panitikan

Ang panitikan ay may malaking impluwensya sa daigdig. Sa iba't ibang panig nito, may matutukoy na isa o lang tanging
akda na naghatid ng malaking impluwensya sa kultura, tradisyon, paniniwala, pamumuhay at kabihasnan ng tao.

➢ Ang panitikan ay nagpapaliwanag ng kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng akda.


➢ Dahil sa panitikan nagkakalapit ang damdamin ng mga tao sa sandaigdigan. Nagkakahiraman sila ng ugali at
palakad at nagkakatulungan.

You might also like