You are on page 1of 5

3/2/2019 PAGSUSURI NG TULANG PILIPINO

PAGSUSURI NG TULANG PILIPINO

March 26, 2017

PAGSUSURING PAMPANITIKAN

Talambuhay ni Amado V. Hernandez

Si Amado Vera Hernandez ay isinilang


noong ika-13 ng Setyembre taong 1903.
Ipinanganak siya sa Sagrada familia sa
Hagonoy , Bulacan subalit siya ay lumaki sa
Tondo, Manila kung saan nakapag-aral siya sa
Mataas na Paaralan ng Maynila at sa
Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan
(American Correspndence School).

Si Amado V. Hernandez ay tinaguriang


“Makata ng mga Manggagawa” sa ating
panitikan sa kadahilanang sinasalamin ng
kanyang mga tula ang marubdob na pagmamahal sa mga dukhang manggagawa. Siya ay naging
isang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa. Pinuna niya at sinuri ang kawalan ng katarungang
naganap sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng amerikano. Nakipag-ugnayan siya sa mga
komunista na siyang naging sanhi ng kanyang pagkakakulong.

Noong 1932, napangasawa niya ang Pilipinong aktres na si Atang de la Rama. Siya ay batang
ama at nagka anak sa maagang edad. Ang mag-asawa ay kapwa binigyan ng pagkilala. Kinilala
bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan si Amado V. Hernandez, samantalang si Atang de
la Rama naman ay kinilala para sa Tanghalan, Sayaw at Tugtugin.
Si Amado V. Hernandez ay naging tagapagsulat sa babasahing Watawat. Nang lumaon ay
nagsulat siya ng para sa mga Pagkakaisa at naging patnugot ng Mabuhay. Napukaw ng kaniyang
mga sulatin ang pansin ng mga dalubhasa sa wikang Tagalog at ilan sa kaniyang mga salaysayin at
tula ay napabilang sa mga antolohiya, katulad ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at ng
Talaang Bughaw ni Alejandro Abadilla.

Noong 1922, naging kabahagi si Hernandez ng samahan pampanitikan na Aklatang Bayan na


kinabibilang ng mga kilalang manunulat sa Tagalog na sina Lope K. Santos at Jose Corazon de
Jesus. Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga
http://narvasakj.blogspot.com/2017/03/pagsusuring-pampanitikan-talambuhay-ni.html 1/5
3/2/2019 PAGSUSURI NG TULANG PILIPINO
y y y g g gp p g p p g g
manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang nasa loob ng
kulungan, naisulat niya ang "Isang Dipang Langit", ang isa sa mga mahahalaga niyang tula .Nakilala
rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit", at "Luha ng Buwaya".
Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang tomo na pinamagatang "Langaw sa
Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento".

Ang Panday
Tula ni Amado V. Hernandez

Kaputol na bakal na galing sa bundok,


Sa dila ng apoy, kanyang pinapalambot;
Sa isang pandaya’y matyagang pinukpok
At pinagkahugis sa nasa ng loob.

Walang anu-ano’y naging kagamitan


Araro na pala ang bakal na iyan;
Ang mga bukiri’y payapang binubungkal,
Nang magtaniman na’y masayang tinamnan.

Ngunit isang araw’y nagkaroon ng gulo


At ang buong bayan ay bulkang sumubo,
Tanang mamamaya’y nagtayo ng hukbo
Pagka’t may laban nang nang aalimpuyo!

At lumang araro’y pinagbagang muli


At saka pinanday nang nagdudumali.
Naging tabak namang tila humihingi
Ng paghihiganti ng lahing sinawi;

Kaputol na bakal na kislap ma’y wala,


Ang kahalagahan ay di matangkala,
Ginawang araro, pambuhay ng madla;
Ginawang sandata, pananggol ng bansa!

Pagmasdan ang panday, na sa isang tabi,


Bakal na hindi man makapagmalaki;
Subalit sa kanyang kamay na marumi,
Nariyan ang buhay  at pagsasarili!

PAGSUSURI

http://narvasakj.blogspot.com/2017/03/pagsusuring-pampanitikan-talambuhay-ni.html 2/5
3/2/2019 PAGSUSURI NG TULANG PILIPINO

May-akda: Amado V. Hernandez


Pamagat ng Tula: Ang Panday
Teoryang Pampanitikan: Teoryang Realismo
Sa tulang “Ang Panday”, masasalamin na nais ipakita ng may-akda ang mga karanasang
nasaksihan niya sa kanyang lipunan. Isinatitik niya ang mga naging kaganapan noon sa panahong
naghahanap ng kalayaan at kasarinlan ang bansang Pilipinas. Samakatuwid, ang panitikan ay hango
sa totoong buhay subalit nilapatan ng may-akda ng kasiningan upang mas maging epektibo ang
kanyang isinulat.

ELEMENTO NG TULA:
o Tugma - ang tugma ay ang pagkakapareho sa mga huling salita sa isang taludtod. Sa tulang ito ay
mayroong mga tugmang nakapaloob. Mapapansin nating may pagkakapareha sa bawat huling
pantig ng mga huling salita sa bawat taludtod.
o Sukat – ang tulang ito ay may lalabing-dalawahin (12) na pantig. Ito ay tradisyonal na anyo ng tula.
o Paksa o Kaisipang Taglay ng Tula - sa tulang ito, ipinapakita kung paano namulat ang mga Pilipino sa
katotohanan noong hawak pa ng mga banyaga ang ating bansa. Ipinapakita rin dito kung paano
natutong lumaban ang mga Pilipino para makamit ang sariling kalayaan sa kamay ng mga
mapansamantalang dayuhan.
o Aliw-iw – tradisyonal ang pagbigkas ng tulang ito, taglay ng tulang ito ang maindayog na pagbigkas.

LAYUNIN NG AKDA

Layunin ng may-akda naipakita kung paano


namulat ang mga Pilipino noong nasa
kamay pa tayo ng mga mananakop.
Mababatid iyan sa dalawang saknong ng
tulang “Ang Panday.”

At lumang araro’y pinagbagang muli


At saka pinanday nang nagdudumali.
Naging tabak namang tila humihingi
Ng paghihiganti ng lahing sinawi;

Kaputol na bakal na kislap ma’y wala,


Ang kahalagahan ay di matangkala,
Ginawang araro, pambuhay ng madla;
Ginawang sandata, pananggol ng bansa!

http://narvasakj.blogspot.com/2017/03/pagsusuring-pampanitikan-talambuhay-ni.html 3/5
3/2/2019 PAGSUSURI NG TULANG PILIPINO

Nais isiwalat ng may-akda kung paano natutong manindigan ang mga Pilipino noon upang
ipaglaban ang kasarinlan ng ating bansa. Sinasalamin ng dalawang huling taludtod kung paano nag-
iba ang paniniwala ng mga Pilipino at nagkalakas ng loob upang maghimagsik laban sa mapanuyang
pamamahala.

KASAYSAYAN
Ang tulang ito ay ang pinaka-obra
maestrang akda ni Amado v. Hernandez sa
panahon ng pananakop ng mga Amerikano.
Inilathala niya ito upang ipakita kung paano
natutong lumaban ang mga Pilipino.
Pinatutunayan lamang nito na noon poa man,
hindi kailanman naging mangmang ang mga
Pilipino.

Ang tulang “Ang Panday” ay isang patunay na may paninindigan at kadakilaang taglay ang
mga Pilipino. Maliitin man, apak-apakan man ng makailang beses, matututo itong bumangon upang
ipaglaban ang salinlahi.

Ginawang araro, pambuhay ng madla;


Ginawang sandata, pananggol ng bansa!

Sa dalawang linyang ito, sinasabi ng may-akda na mula sa simpleng pamumuhay ng mga


Pilipino, mula sa pagiging sunod-sunoran sa mga banyaga ay natuto silang lumaban para
ipagtanggol ang sariling bansa.

Enter your comment...

http://narvasakj.blogspot.com/2017/03/pagsusuring-pampanitikan-talambuhay-ni.html 4/5
3/2/2019 PAGSUSURI NG TULANG PILIPINO

Powered by Blogger

Archive

Report Abuse

http://narvasakj.blogspot.com/2017/03/pagsusuring-pampanitikan-talambuhay-ni.html 5/5

You might also like