You are on page 1of 12

Mga Salalayang

Kaalaman sa Pagsulat
Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang


kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga
nabuong salita, simbulo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao
sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan
(Bernales, et.al, 2001).
Ito ay isang kapwa pisikal at mental na gawain na
ginawa para sa iba’t ibang layunin.
Ayon kay Emery (2004)

 Ang pagsusulat ay isang epektibong


larangan upang maipakita ang karunungan
ng isang tao gamit ang mga isinatitik na
salita. Ito ay isang kasanayang humuhubog
sa kadalubhasaan ng manunulat na
nagtatangkang ilahad ang kanyang kaisipan,
paniniwala at layunin sa tulong ng iba’t
ibang ayos ng mga pangungusap sa bawat
talata tungo sa pagbuo ng isang sulatin.
Ayon kina Peck at Buckkingham
(Rodillo,1998)
 Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang
natamo ng isang nilalang sa kanyang kasanayan sa
pakikinig, pagsasalita at pagbabasa. Samakatuwid,
ang pagsulat ay produkto ng mga kaalamang
nahinuha sa tatlong nabanggit na kasanayang
pangwika.
Ayon kay Mabilin (2010)

 Ang pagsulat ay katulad rin ng pagbasa, na kinakailangang


gamitan nang wastong pag-iisip, ibayong damdamin at
karanasan. Isa itong paraan ng pakikipag-unawaan o
pakikipagdiskurso nh isang tao sa kanyang kapwa sa
pamamagitan ng mga salita, letra, parirala at mga
pangungusap. Sa gawaing ito, nailalahad ng sinomang
nagnanais sumulat ang kanyang mga saloobin at paniniwala,
dahil ito ay repleksyon ng kaalamang nakuha ng isang tao sa
mga pang-araw-araw niyang pamumuhay sa lipunan.
Mga Layunin sa Pagsulat
Personal na gawain ang pagsulat kung ginamit ito
para sa layuning ekspresib o sa pagpapahayag ng iniisip o
nadarama. Sosyal na Gawain naman ang pagsulat kung ito
ay ginamit para sa layuning panlipunan o kung ito ay
nasasangkot ng pakikipag-ugnayan sa ibang tao sa lipunan.
Ang layuning ito ay tinawag ding transaksyunal.
Sa aklat ni Bernales (2001), ang mga pamamaraan sa
pagsulat ay nauuri sa lima:
(a) Impormatib (b) Ekspresibo (c) Argumentatib
(d) Naratibo (e) Deskriptibo
Impormatib na pagsulat (expository writing)
- naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag
- ang pokus nito at ang mismong paksa na tinalakay sa teksto
Argumentatib na pagsulat (persuasive writing)
- naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang
katwiran, opinyon o paniniwala
- ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais
maimpluwensyahan ng isang awtor
Naratibong pagsulat
- ito ay isinusulat batay sa magkaka-ugnay at tiyak na mga pangyayari
ayon sa pagkakasunod-sunod.
- layunin nitong magkwento at magsalaysay ng mga kaganapan
- ang layunin ng awtor nito ay pagpapahayag lamang ng kathang-isip,
imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito
- ang pokus nito ay ang manunulat mismo.
Ekspresibong pagsulat
- ito naman ang pagsulat na naglalayong maghayag ng sariling
opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon at kaalaman sa isang
tiyak na paksa batay sa karanasan at pag-aaral.

Deskriptibong pagsulat
- naglalayong magpakita o maglarawan ng mga katangian, anyo at
hugis ng mga bagay o mga pangyayari batay sa mga nakita,
natunghayan, naramdaman, naranasan o nasaksihan.
Malikhaing Pagsulat
ang pagsulat na punong-puno ng konsentrasyon at imahinasyon ng
mga manunulat.
ang kadalasan ng ganitong pagsulat ay ang mga akdang
pampanitikan na tinatalakay sa paraang kathang-isip lamang (fiction) o
nama’y bata’y sa tunay na pangyayari (non-fiction).
Mga Hakbang sa Pagsulat

Mga batayang katanungan na mahalagang masagot para sa


paghahanda ng isang sulatin:
a. Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?
b. Ano ang aking layunin sa pagsulat nito?
c. Saan at paano ako makakukuha ng sapat na datos kaugnay ng
aking paksa?
d. Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang higit
na makahulugan ang aking paksa?
e. Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?
f. Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko
sa aking paksa?
g. Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsusulat? Kailan ito dapat
ipasa?
h. Paano ko madedebelop o mapagbubuti ang aking teksto? Anu-
ano ang mga dapat ko pang gawin para sa layuning ito?
Proseso ng Pagsulat
(a)Pre-writing – sa hakbang na ito nagaganap ang paghahanda sa
pagsulat. Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at ang
pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat.
Ilan sa mga mungkahing Gawain sa pre-writing ay ang mga
sumusunod: pagsulat sa journal, brainstorming, questioning,
pagbabasa at pananaliksik, sounding-out friends, pag-iinterbyu,
pagsasarbey, obserbasyon, imersyon at eksperimentasyon.
(b) Actual Writing – nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o draft.
Kinapapalooban ito ng pagsisimula, pagsasaayos ng katawan at
pagwawakas ng isang talataan.
(c)Rewriting – dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng
draft batay sa wastong grammar, bokabulari at pagkasusunod-
sunod ng mga ideya o lohika. Ang isang sulatin ay hindi magiging
kumpleto at epektib kung hindi ito sa editing at rebisyon.
Nagaganap din sa prosesong ito ang proofreading na kung saan
ipinapabasa sa mas nakakaalam at may awtoridad upang makita
ang mga pagkakamaling kailangang baguhin sa ginawang
pagsulat.

You might also like