You are on page 1of 4

ARALIN 1: Ang Pagsulat bilang Kanlungan ng Kaalaman

1. Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat


PAGSULAT
✓ Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kaniyang maipahayag
sa pamamagitan ng mga simbolo. (Mabilin, 2012).
✓ Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o ano mang kasangkapang maaring gamitin na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa
layuning maipahayag ang kaniyang/kanilang kaisipan (Bernales, et al., 2001).
✓ Ang pagsulat ay kapwa isang pisikal (ginagamit dito ang kamay at mata) at mental
(ginagamit ang utak sa pagsusulat) na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layuning
(Bernales. Et al., 2002).
✓ Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit,
talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang element. Kaugnay nito ang
pakikinig, pagsasalita at pagbabasa (Xing at Jing, 1989, sa Bernales, et al., 2008).
✓ Ang pagsulat ay isang biyaya (kakayahang galing sa Diyos), isang pangangailangan (may
malaking impluwensiya upang maging ganap ang ating pagkatao) at isang kaligayahan
(maaaring maging hanguan ng satispaksyon ng sino man sa kanyang pagpapahayag ng
naiisip o nadarama) na nagsasagawa nito (Keller, 1985, sa Bernales, et al., 2008).
✓ Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa
kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa (Peck at Buckingham, n/d, sa Bernales, et al.,
2008).
SOSYO-KOGNITIBONG PANANAW SA PAGSULAT
— Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat, kung gayon, ay isang paraan ng
pagtingin sa proseso ng pagsulat.
Sosyo-Kognitibong Pananaw sa Pagsulat
— { sosyo }
• lipunan
• tao
— {kognitibo}
• pag-iisip
• kamalayan
“ Ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal na aktibiti.”
Mental na Aktibiti
- Nakapaloob sa mental na aktibiti ang pag-iisip at pagsasaayos sa isang tekstong
pasulat.
Sosyal na Aktibi
- Nakapaloob sa sosyal na aktibiti ang pagsasaalang-alang sa mga mambabasa at sa
kanilang magiging reaksyon o tugon sa teksto.
“ Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonal at interpersonal. Isa itong
proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan bago
sumulat. Isa rin itong paraan ng pakikipag- usap sa mambabasa, isang tao man o higit pa.

2. Layunin ng Pagsulat
Expresibo
✓ pagpapahayag ng iniisip o nadarama
✓ nakabatay ang layunin sa pansariling pananaw, karanasan, kaisipan, o nadarama ng
manunulat
✓ maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis
depende sa layunin ng taong sumusula

Panlipunan o Sosyal
X layuning makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan
X tinatawag ding transaksyunal one that’s that still ni the
X maaaring pagsulat ng liham, balita, korespondensiya, pananaliksik, sulating
panteknikal, tesis, disertasyon, o iba
X taglay ang isang tiyak na layunin na makipag- ugnayan sa tao o sa lipunan

3. Kahalagahan ng Pagsulat
✓ Masasanay ang kakayahang mag- organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa
pamamagitan ng obhetibong paraan.
✓ Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa
isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik.
✓ Manukubong ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng
pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na
impormasyon.
✓ Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.
✓ Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
✓ Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng
kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.
✓ Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t-ibang
batis ng kaalaman para sa akademikong pagsulat.

4. Mga Bagay o Pangangailan gan sa Pagsulat


Wika
- Ang wika ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman,
damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais
sumulat.
Paksa
- Mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat.
Layunin
- Ang layunin ang magsisilbing giya sa paghahabi ng mga datos o nilalaman ng isang
sulatin.
Pamamaraan ng Pagsulat
- Nararapat na matiyak ang pamamaraan ng pagsulat na gagamitin. Maaaring
gamitin ang mga sumusunod na pamamaraan.
✓ impormatibo – magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa
✓ ekspresibo – magbahagi ng sariling opinion, paniniwala, ideya, obserbasyon, at
kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa kaniyang sariling karanasan o pag-aaral
✓ naratibo – magkwento o magsalaysay ng mga pangyayaring batay sa magkakaugnay at
tiyak na pagkakasunod-sunod
✓ deskriptibo – maglarawan ng mga katangian ng isang bagay batay sa nakita, narinig,
natunghayan, naranasan, at nasaksihan
✓ argumentatibo – manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa

Kasanayang Pampag-iisip
- Dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag- analisa o magsuri ng mga datos
na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ang mga impormasyong dapat
isama sa akdang isusulat.
Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat
- Dapat isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at
retorika.
Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin
- Tumutukoy ito sa kakayahang maitatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang
maaayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan mula sa panimula ng
komposisyon hanggang sa wakas nito.

You might also like