You are on page 1of 3

Pagsulat Reviewer

Pagsulat
★ May limang makrong kasanayang pangwika
★ Tinuturing isang komplikadong kasanayan
★ Anyo ng komunikasyon
★ Isang pisikal at mental na gawain
★ Badayos: ang kakayahan sa pagsulat ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa
atin maging ito’y sa pagsulat sa unang wika o pangalawang man (ibig sabihin hindi basta-basta
natututuhan ng tao ang pagsulat)
★ Bernales: - ang pagsulat ay layuning maipahayag ang kaisipan sa pamamagitan ng nabuong
salita, simbolo, at ilustrasyon; nangangailangan ng puspusang mental at konsiderableng antas
ng kaalamang teknikal at pagkamalikhain
- isang aktibong gawain subalit hindi basta-basta kayang kinakailangang
kasangkutan ito ng intens na partisipasyon at imersyon sa proseso
- ang imersyong ito sa pagsulat ay ang mga sumusunod:
a.) solitari at kolaboratibo - mag-isa; grupo
b.) pisikal at mental - kamay; utak at isipan
c.) konsyus at sabkonsyus - malay; writer’s block

- layunin ng pagsulat: impomatibo na pagsulat → na naghahangad na makapagbigay ng


impormasyon at mga paliwanag,
mapanghikayat na pagsulat → makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang
katuwiran, opinyon, o paniniwala, at
malikhaing pagsulat → makapagpahayag ng mga kathang-isip, imahinasyon, ideya, at
damdamin o kumbinasyon
★ Emery: isang epektibong larangan, isang kasanayang humuhubog sa kadalubhasaan ng
manunulat na nagtatangkang ilabas ang kaniyang kaisipan, paniniwala, at layunin
★ Mabilin: gumamit nang wastong pag-iisip at ibayong damdamin at karanasan, paraan ng
pakikipag-unawaan, pakikipag diskurso ng isang tao sa kaniyang kapwa (letra, salita, parirala, at
mga pangungusap)
★ Isang kasanayan ng humuhubog at nangangailangan nang mas mataas na antas pag-iisip upang
maisagawa nang maayos sa loob ng itinakdang panahon
★ W. Rose Winteroud: ipinaliwanag sa sinabi ni Bernales na ang pagsulat ay kinasasangkutan ng
ilang level ng gawain at maaaring kaugnay o kasalungat ng bawat isa
★ Donald Murray: ipinaliwanag sa sinabi ni Bernakes na ang pagsulat ay isang eksplorasyon 一
pagtuklas sa kahulugan, porma, at ang manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-balik +
“Writing is rewriting.”→ matapos magsulat ay magsisimula na naman ang panibagong
pagsulat
★ Kalikasan ng Pagsulat mula sa artikulo “Ang Pagsulat bilang Kasanayang Pangkomunikasyon”
ni A. Mayor Asuncion: ang pagsusulat ay nagsisimula sa pagsasamid, madalas na ang sulat
ginagamitan ng paglalarawan, mahalaga sa pagsulat ang pagpapaliwanag, pagpapakita ng
kaugnayan ng mga bagay-bagay at naipapaliliwanag ang halaga ng mga kaugnayan, at ang
pagpili ng mga angkop na detalye upang mailahad ang kaniyang mensahe
★ American Heritage Dictionary: Ang pagsusulat ay pag-iisip, natatangi, proseso, at
kinakailangang basahin
★ Isinasagawa na maaaring personal o ‘di personal 一 maaaring kagustuhan o pangangailangan
★ Mabilin, Mendillo, at Cruz:isang personal at sosyal na gawain kaya ito ay nahahati sa dalawang
layunin:
a.) personal o ekspresib→ layuning ilahad ang ating nararamdaman o iniisip
b.) panlipunan o sosyal→ layuning nagsasangkot sa tao at sa lipunang ginagawalan nito
(layuning transaksyonal)

Pamamaraan sa Pagsulat
★ Pamamaraang Impormatib - layuning magbigay ng impomasyon o kabatiran sa mga
mambabasa
★ Pamamaraang Ekspresib - naglalayong maghayag ng sariling opinyon, paniniwala, ideya at iba
pa hinggil sa isang tiyak na paksa mula sa karanasan o pag-aaral
★ Pamamaraang Argumentatib - layuning mapanghikayat o makapangumbinsi; kadalasang
naglalahad ito ng argumento at proposisyon
★ Pamamaraang Naratib - layunin nito ang magkuwento o magsalaysay ng mga kaganapan
★ Pamamaraang Deskriptib - layunin na maglarawan o magbigay hugis, katangian, at anyo

Mga Hakbang sa Pagsusulat - Bernales


★ Bago Sumulat o Prewriting - pagpaplano, pangangalap ng impomasyon, pagtukoy ng
estratehiya, at pag-oorganisa ng mga ideya at datos
- pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng mga katanungang nararapat i-konsidera bago
sumulat
- pagbuo ng balangkas o outline
- nagsisilbing kalansay ng sulatin na nagbibigay ng paunang bisyon (previewing)
★ Paggawa ng Burador o Drafting - dito sinusimulan ang pagsasalin ng mga datos at mga ideya
sa bersyong preliminari
- hinihikayat na ang pagsulat nang mabilis 一 nang hindi inaalala ang pagpili ng mga salita,
estruktura ng pangungusap, ispeling at pagbabantas upang hindi maantala ang momentum sa
pagsulat
★ Pagrerebisa o Revising - nagaganap ang pagpapakinis ng isinulat sa pamamagitan nang
paulit-ulit na pagbasa, pagsusuri sa estruktura, at pag-oorganisa
- nagagananap ang proseso ng pagdaragdag, pagbabawas, at pagpapalit ng mga ideya
★ Pag-eedit o Editing - nagaganap ang pagwawasto ng mga piniling salita, ispeling, grammar,
gamit, at bantas
★ Sa kabilang banda, ang pinal sa dokumento ay ang dokumentong handa ng ipalimbag
Mga Uri ng Pagsulat
★ Akademikong Pagsulat (Academin Writing) - higit na mahalaga kaysa sa lahat
- lahat ng kaalaman sa pagsulat ay hinuhubog, mililinang, at pinahuhusay
- pinakamataas na antas ng pagsulat
★ Teknikal na Pagsulat (Technical Writing) - nangangailangan ito ng impormasyong teknikal na
kadalasang ang layunin ay lumutas ng isang komplikadong suliranin
- pagplanuhan kung paanong ang isang bagay o ideya ay maipatutupad at magtatagumpay
★ Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing) - mga usaping pamamahayag o pag-uulat ng balita
- pangangalap ng mga datos mula sa iba’t ibang pangyayari
- masining ngunit makatotohanang pagpapahayag
★ Reperensyal na Pagsulat (Referential Writing) - magmungkahi ng iba pang mapangkukunang
kaalaman o sanggunian hinggil sa isang paksa
★ Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing) - mailalapat ang mga natutuhan sa akademya na
may kaugnayan sa iyong piniling propesyonal
★ Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) - punong-puno ng konsentrasyon at imahinasyon ng
manunulat
- layuning maghatid ng saya at aliw sa mga mambabasa sa pamamagitan ng pagpukaw sa
kanilang damdaming at isipan

Mga Bahagi ng Teksto


★ Panimula ay mistulong ulo - laging pinag-uukulan ng malaking panahon upang mapanatiling
maganda
- naglalaman ng mga ideya o karunungan ng isang tao
- nagsisilbing pang-akit sa mga mambabasa
- inilalatag ang topic na iikutan ng teksto at tesis o kaligiran ng paksa na maaaring proposisyon,
pahayag, o asersyon hinggil sa paksa o katuwirang papatunayan o pasisinungalingan
★ Nilalaman ay waring gitnang bahagi ng katawan ng tao - nagtataglay ng mahahalagang organ
- puso → pinakamahalagang bahagi ng ating katawan na tila nagbibigay buhay sa isang teksto
- nararapat na maging maganda ang nilalaman
- mahalagang isaalang-alang ang estruktura, nilalaman, at kaayusan
- pinakakaluluwa ng anomang teksto
- narito ang mga mahahalagang impormasyon at datos
★ Wakas na kapares ng mga paa at kamay - nagbibigay ng kakayang kumilos, gumalaw, o umakto
- nararapat na mag-iwan ng epekto sa mga mambabasa
- pinakahuling bahagi at pinakabuod
- maikli subalit nararapat lamang na maging katawag-pansin
- magagamit ang kasanayan sa paglalagom at pagbuo ng konklusyon

You might also like