Modern Influence Lecturer | BERNARDO O. AGUAY JR. Teacher II, Cavite National High School
Technical Hosting By: Froy P. Beraña
(L-R) Me, Januar Yap and Bien Lumbera during the 58th UP National Writers Workshop Pagkacollect ng Railway Express sa aking things (Deretso na iyon sa barko while I take the plane.) Inakyat kong muli ang N-311, at dahil dead of winter, Nakatopcoat at galoshes akong Nagright-turn sa N wing ng mahabang dilim (Tunnel yatang aabot hanggang Tundo.) Kinapa ko ang switch sa hall. Sa isang pitik, nagshrink ang imaginary tunnel, Nagparang ataol. Or catacomb. Strangely absolute ang impression Ng hilera ng mga pintong nagpuprusisyon: Individual identification, parang mummy cases, De-nameplate, de-numero, de-hometown address. Antiseptic ang atmosphere, streamlined yet. Kung hindi catacomb, at least E filing cabinet. Filing, hindi naman deaths, ha. Remembrances, oo. Yung medyo malapot Dahil alam mo na, I’m quitting the place After two and a half years. After two and a half years, Di man nagkatiyempong mag-ugat, ika nga, Siyempre’y nagging attached, parang morning glory’ng Mahirap mapaknit sa alambreng trellis. At pagkabukas ko sa kuwarto, Hubo’t hubad na ang mattresses, Wala nang kutson sa easy chair, Mga drawer ng bureau’y nakanganga, Sabay-sabay nag-ooration, Nagkahiyaan, nabara. Of course, tuloy ang radiator sa paggaralgal: Nasa New York na si Bob and the two Allans, Yung mga quarterbacks across the hall Pihadong panay ang display sa Des Moines. Don ang Cosntance aren’t coming back at all. Gusto ko nang magpaalam– to whom? The drapes? The washbowl? Sa double-decker Na pinaikot-ikot naming ni Kandaswamy To create space, hopeless, talagang impossible. Of course, tuloy ang radiator sa paglagutok. (And the stone silence, nakakaiyak kung sumagot.) Bueno, let’s get it over with. It’s a long walk to the depot. Tama na ang sophistication-sophistication. Sa steep incline, pababa sa highway Where all things level, sabi nga, There’s a flurry, ang gentle-gentle. Pagwhoosh-whoosh ng paa ko, The snow melts right under: Nagtutubig parang asukal, Humuhulas, nagsesentimental. Kung Tuyo Na ang Luha Mo Aking Bayan Ni Amado V. Hernandez Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa: Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila, Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika, Ganito ring araw nang agawan ka ng laya, Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila, Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang, Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libangan; Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang, Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan; Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban, Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan! Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog: Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos, Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos; Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod, Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot! Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon, Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon, Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong, Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol, Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon, Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol. May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo, May araw ding di na luha sa mata mong namumugto Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo, Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo; Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo! Gintong maituturing ang nobelang Ang Ginto Sa Makiling; isinulat sa wikang Pilipino at isinaysay ng may pambihirang kahusayan. Nagsimula ang kwento sa pagtatakda sa isang mamahayag na alamin ang pagkawala ng isang matandang dalaga sa paraang di maipaliwanag. Ang naatasan ay matagal nang nadinig ang kwento na itinuturing palang isang kwento ng pag-ibig sa lugar. Agad nitong pinuntahan ang tiyuhin na si Doro na nakasaksi sa kaganapan na ito mula pa nang pagkabata. Si Edong ay isang binatang umiibig sa dalagang si Sanang nang habang nangunguha ng bulaklak na Dapong sa isang napakarikit na hampas ay nakapinsala sa pugad ng ibon. Sa kagandahang loob ni Edong at pagnanais sagipin ang inakay na nawalay, ay nahulog ito sa mataas na bangin. Hinanap ng mga kasamahan nito si Edong o ang bangkay nito, ngunit wala silang nakuha at pinagpalagay nang patay ito. Nagdulot ito ng labis na kalungkutan kay Sanang. Sa ikalawang linggo ng pagluluksa ni Sanang na kinasaksihan ng buong baryo, sa unang pagkakataon ay nagpasya siya muling lumabas ng tahanan. Bigla sa araw ding iyon lumitaw si Edong, maayos ang kalagayan liban sa kaunting pag ika- ika ng paglakad. Ito ay ikinagulat ng lahat maging ni Sanang. Dito pinagtapat ni Edong kay Sanang ang pangyayaring sumagip sa buhay nito at babago sa kanilang buhay. Kinailangang bumalik ni Edong sa Makiling at sa pagkakataong ito ay isinama nya ang musmos na si Doro sa mahiwagang bayan na tanging musmos lang at mga karapat dapat ang makatutuntong. Dito nananahan si Maria Makiling kasama ang iba pang kinapal na nakaambag sa kabutihan ng lahi. Ito’y mundong di nalalayo sa panahong iyon liban sa ang mga suliraning binubunga ng kasakiman ng tao ay di umiiral. Dito na mananahan si Edong na kung tutuusin ay kinuha na ng kamatayan ngunit dahil sa kagandahang loob ay nabigyan ng pagkakataong mabuhay muli sa mahiwagang bayang ito. Dito pumapasok ang suliranin ng kwento pagkat ang hinahayaan lang mamuhay dito ay ang piniling ilan at natapos na ang buhay sa natural na mundo. Gaano man kamahal ni Edong si Sanang at gaano man ang kabutihan nito ay di maaaring manahan sa bayan ng Makiling, liban sa kung malalampasam nito ang pagsubok na itinakda ni Maria Makiling. Bumalik si Edong at Doro dala ang regalo nila Maria Makiling at ng isa pang mahiwagang babae na si Urduha para kay Sanang, regalong babago sa buhay di lamang ng buhay ni Sanang kundi kasabay ng pamilya nito(isang bayong ng ginto). Dito nasubok ang katatagan at karupukan ng mga tauhan sa kwento, naglitawan ang mga suliraning hindi gumambala noong payak pa ang pamumuhay ng pamilya. Mula rin nito ay di na makikita ni Sanang ang kasintahan hanggang malampasan ang pagsubok na itinakda.
Bumalik si Edong at Doro dala ang regalo nila Maria Makiling at ng isa pang mahiwagang babae na si Urduha para kay Sanang, regalong babago sa buhay di lamang ng buhay ni Sanang kundi kasabay ng pamilya nito(isang bayong ng ginto). Dito nasubok ang katatagan at karupukan ng mga tauhan sa kwento, naglitawan ang mga suliraning hindi gumambala noong payak pa ang pamumuhay ng pamilya. Mula rin nito ay di na makikita ni Sanang ang kasintahan hanggang malampasan ang pagsubok na itinakda. Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1003058#readmore
Lumuha ka Aking Bayan
Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha
Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa: Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila, Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika, Ganito ring araw nang agawan ka ng laya, Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila, Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang, Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libingan; Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang, Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan; Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban, Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan! Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog: Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos, Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos; Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod, Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot! Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon, Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon, Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong, Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol, Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon, Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol. May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo, May araw ding di na luha sa mata mong namumugto Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo, Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo; Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!