You are on page 1of 4

KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING BAYAN 

Amado V.   Hernandez

Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha


Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika,
Ganito ring araw nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,


Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libingan;
Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop


Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,


Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.

May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,


May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!
Elehiya sa Kamatayan ni Kuya
– Bhutan
Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte

Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di-mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!

Ano ang naiwan!


Mga naikuwadrong larawang guhit, poster, at larawan,
Aklat, talaarawan, at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak
At ang ligayang di-malilimutan.

Walang katapusang pagdarasal


Kasama ng lungkot, luha, at pighati
Bilang paggalang sa kaniyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala
O’ ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na nawala

Pema, ang immortal na pangalan


Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino, at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap
PARABULA NG BANGA

       “Huwag   mong   kalilimutang   ikaw   ay   isang   bangang   gawa   sa   lupa,”   ang
tagubilin ng Inang Banga sa kaniyang anak. “ Tandaan mo ito sa buong buhay mo.”        
       “Bakit madalas mong inuulit ang mga salitang ito, Ina?” ang tanong ng anak nabanga
na may pagtataka.        
         “Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na makisalamuhalamang
sa ating mga kauring banga.”           
         Kaya’t sa buong panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa kanyangisipan na
siya ay isang banga na gawa sa lupa. Hanggang sa makakita siya ng ibanguri ng banga.
Nakita niya ang eleganteng bangang porselana,  ang isang makintab nabangang metal, at
maging ang iba pang babasaging banga. Tinanggap niya na sila ay magkakaiba. Ngunit
hindi niya lubos na maunawaan kung bakit hindi siya maaaringmakisalamuha sa ibang
banga. Marahil, gawa  sila mula sa iba’t ibang materyal atiba-iba rin ang kanilang kulay.
May puti, may itim, may kulay tsokolate at may dilaw.Sila ay may kaniya-kaniyang
kahalagahan. Hinulma sila nang pantay-pantay. Lahatsila ay ginawa upang maging
sisidlan o dekorasyon.     
       Isang araw, isang napakakisig na porselanang banga ang nag-imbita sakaniya  na 
maligo  sa  lawa.  Noong una,  siya’y  tumanggi. Nang   lumaon, nanaig  sakanya   ang  
paniniwalang   ang   lahat   ng   banga   ay   pantay-pantay.   Naakit   siya   samakisig   na 
porselanang   banga.
      Napapalamutian  ito   ng   magagandang   disenyo   atmatitingkad  ang  kulay  ng  
pintura.  May   palamuting  gintong  dahon   ang   gilid  nito.Kakaiba ang kaniyang hugis at
mukhang kagalang-galang sa kaniyang tindig.     
      “Bakit wala namang masama sa paliligo sa lawa kasama ng ibang uri ngbanga. Wala
naman kaming gagawing hindi tama,” bulong niya sa sarili. At sumunod siya sa
porselanang banga at sinabing,” 
       "Oo, maliligo ako sa lawa kasama mo. Ngunit saglit lamang, nais ko lang na
mapreskuhan.”         
      ‘’Tayo na,” sigaw ng porselanang banga na tuwang-tuwa.        
                  Sabay silang lumundag sa lawa at nasarapan  sa malamig na tubig.Nakadama
sila ng kaginhawahan sa mainit na panahon nang araw na iyon.       
         Nang sila’y lumundag sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang porselanangbanga   ay  
tinangay   papalapit   sa   kaniya.
            Kahit   hindi   nila   gusto,  bigla   silangnagbanggaan nang malakas. Isang malaking
alon ang humampas mula sa gilid nglawa. Lumikha ito ng napakalakas na tunog.
            Ang porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari.Ngunit ang
bangang gawa sa lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na banggaan nila.                    
           Habang   siya’y   nabibitak at   unti-unting   lumulubog  sa   ilalalim   ngtubig,naalaala
ng bangang lupa ang kaniyang ina
Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan (Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)

Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-


maaga upang humanap ng manggagawa para sa kanyang ubasan. Nang magkasundo na
sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapupunta
niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-ikasiyam ng umaga at nakakita
siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila, ' Pumunta din kayo
at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa. At pumunta
nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo
ng hapon, at sa ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-ikalima na ng hapon, siya'y
lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, "
Bakit tatayu-tayo lang kayo dito sa buong maghapon? " Kasi po'y walang magbigay sa
amin ng trabaho,' sagot nila. Kaya't sinabi niya, ' Kung gayon, pumunta kayo at
magtrabaho kayo sa aking ubasan.'
Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, " Tawagin
mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang
nagtrabaho. Ang mga nagsimula nang mag-ikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang
salaping pilak. " Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit
doon; ngunit ang bawat isa'y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. Nagreklamo ang
mga nagtrabaho sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila, " Isang oras lamang gumawa ang mga
huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong
init ng araw, bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?
" Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, " Kaibigan, hindi kita dinadaya.
Hindi ba't nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka
na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo? "
“Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan. Kayo ba'y
naiinggit dahil ako'y nagmagandang-loob sa iba? " Ayon nga kay Hesus, " Ang nahuhuli ay
nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli. "

You might also like