You are on page 1of 2

Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan

(Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)

Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang
humanap ng manggagawa para sa kanyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang
salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapupunta niya sa kanyang ubasan.
Lumabas siyang muli nang mag- ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang
sa palengke. Sinabi niya sa kanila, ‘ Pumunta din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko
kayo ng karampatang upa. At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-ikalabindalawa
ng tanghali at nang mag-ikatlo ng hapon, at sa ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-ikalima na ng
hapon, siya’y lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “
Bakit tatayu- tayo lang kayo dito sa buong maghapon?” Kasi po’y walang magbigay sa amin ng
trabaho,’ sagot nila. Kaya’t sinabi niya, ‘ Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho kayo sa aking
ubasan.’

Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, “Tawagin mo na ang mga
manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho. Ang mga
nagsimula nang mag-ikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak.” Nang lumapit
ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa’y binayaran din
ng tig- iisang salaping pilak. Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila,
“Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho
at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?”

Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, “Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t
nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung
ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo?”

“Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan. Kayo ba’y naiinggit dahil
ako’y nagmagandang-loob sa iba?”

Ayon nga kay Hesus, “ Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”

Ang Parabula ng Banga


“Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” ang tagubilin ng Inang BAnga sa
kanyang anak. “Tandaan mo ito sa buong buhay mo.” “Bakit madalas mong inuulit ang mga salitang
ito, Ina?” ang tanong ng anak na banga na may pagtataka.

“Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga
kauring banga.” Kaya’t sa buong panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa kanyang isipan na
siya ay isang banga na gawa sa lupa. Hanggang sa makakita siya ng ibang uri ng banga. Nakita niya
ang eleganteng bangang porselana, sa isang makintab na bangang metal, at maging ang iba pang
babasaging banga.Tinanggap niya na sila ay magkakaiba. Ngunit hindi niya lubos na maunawaan
kung bakit hindi siya maaaring makisalamuha sa ibang banga. Marahil, gawa sila mula sa iba’t ibang
materyal at iba-iba rin ang kanilang kulay. May puti, may itim, may kulay tsokolate, at may dilaw.
Sila ay may kani-kaniyang kahalagahan. Hinulma sila nang pantay-pantay. Lahat sila ay ginawa
upang maging sisidlan o dekarasyon.

Isang araw, isang napakakisig na porselanang banga ang nag-imbita sa kaniya na maligo sa lawa.
Noong una, siya’y tumanggi. Nang lumaon, nanaig sa kaniya ang paniniwalang ang lahat ng banga
ay pantay-pantay. Naakit siya sa makisig na porselanang banga. Napapalamutian ito ng
magagandang disenyo at matitingkad ang kulay ng pintura. May palauting gintong dahon ang gilid
nito. Kakaiba ang kaniyang hugis at mukhang kagalang-galang sa kanyang tindig.

“Bakit wala namang masama sa paliligo sa lawa kasama ng ibang uri ng banga. Wala naman kaming
gagawing hindi tama,” bulong niya sa sarili. At sumunod siya sa porselanang banga at sinabing,
“Oo, maliligo ako sa lawa kasama mo. Ngunit saglit lamang, nais ko lang na mapreskuhan.”

“Tayo na,” sigaw ng porselanang banga na tuwang-tuwa. Sabay silang lumundag sa lawa at
nasarapan sa malamig na tubig. Nakadama sila ng kaginhawahan sa mainit na panahon nang araw
na iyon. Nang sila’y lumundag sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang porselanang banga ay
tinangay papalapit sa kanya. Kahit hindi nila gusto, bigla silang nagbanggaan nang malakas. Isang
malaking alon ang humampas mula sa gilid ng lawa. Lumikha ito ng napakalakas na tunog.

Ang porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari. Ngunit ang bangang gawa sa
lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na banggaan nila. Habang siya’y nabibitak at unti-unting
lumulubog sa ilalim ng tubig, naalala ng bangang lupa ang kaniyang ina.

You might also like