You are on page 1of 6

Ang Lamesa ng Mayaman

Kung nakikita niyo lang na nakaupo kami dito sa luma, gasgas-gasgas na gawang bahay na lamesa sa

aming kusina, malalaman niyong hindi kami mayaman.

Pero ang tatay ko, pilit na sinasabi sa akin na mayaman daw kami.

Hindi ba niya napapansin ang lumang sapatos ko na tagpi-tagpi? O kaya ang pantalon na may butas

ng kapatid kong nasa unang baitang sa elementarya? At bakit iniisip pa niya na may nakaparadang

sasakyan sa harap ng aming tahanan?

“Hindi niyo ko maloloko,” sabi ko. “Mahirap tayo! Ang mga mayayaman ba eh uupo sa ganitong klase

ng lamesa?”

Hinipo ng aking nanay ang parte ng lamesa at sinabing, “Aba, mayaman tayo at umuupo tayo dito

araw-araw.”

Minsan inisip ko na ako na lang ang bukod tangi sa pamilya na may ‘sense’ ang sinasabi.

Siguro dapat kong sabihin sa kanila na kinuha lang nila ang gamit ng paggawa ng lamesang ito sa

mga tinapon na bagay ng iba. Tapos nagdiwang pa sila nang natapos ito.

Naiintindihan ko naman, gusto ko naman ang lamesang ito. Ang sinasabi ko lang eh, hindi naman

siguro galing yan sa bilihan ng mga magagandang kagamitan. Hindi lang kasi talaga iyan tulad ng

mga lamesa kung saan umuupo ang mga mayayaman.

Pero ang iniisip ng nanay ko na kung ang lahat ng mga namumuno sa buong mundo ay magsasamasama
sa isang palakaibigan na lamesang kahoy sa isang kusina, maaari nilang ma-solve ang kanilang

mga

PAGSASALING PAMPANITIKAN

Pagsasalin ng Kwentong Piksyon 7

Course Module

problema wala pang isang oras ang makakalipas.

Ngunit ngayong gabi, ito ay aming kusina at aming pagtatalo at aming pamilyang pagpupulong at

ang aming tinapay na nakahain sa ginta ng aming lamesa.

Ako ang nagpatawag ng pagpupulong at ang pag-uusapan namin ay tungkol sa pera sapagkat hindi

na ito sapat sa amin.

Ang sabi ko sa aking mga magulang ay dapat magkaroon na silang pareho ng mas magandang
trabaho para makabili kami ng maraming magagandang bagong gamit. At sinabi ko ding mukha

akong kawawa sa aming paaralan.

“Ayoko ng ganoon,” ang sabi ko, “pero makakatulong kung magkakaroon po kayong pareho ng konte

pang ambisyon.”

Nagulat sila. Makikita mong hindi nila iniisip ang mga bagay na kailangan namin.

Mula dito, masasabi kong ang mga magulang ko ay may kakaibang pag-iisip tungkol sa

pagtratrabaho.

Ang iniisip nilang trabaho na karapat dapat sa kanila ay ang mga trabaho sa labas lamang.

Gusto nila ng disyerto, bundok, bulkan, gubat kapag sila ay nagtratrabaho. Gusto din nila na nakikita

ang magandang kulay ng kalangitan.

Palagi silang magkasamang nagtratrabaho, at ang paborito nilang ginagawa ay ang pagsasala ng

ginto.

Gustong gusto nilang naglalakad sa malawak na butas ng bulkas, tuyong daanan ng ilog, kung saan

ang maliliit na butil ng ginto ay natatagpuan.

Palagi nilang sinasabi na may truck daw na may alam kung saan ang daan para mahanap ang mga

ginto – pero hindi ako naniniwala.

Pagkatapos ng ilang buwan, palagi silang may ibinibentang maliliit na ginto, pero masasabi mong

hindi sila nito napapayaman.

Sa nakikita ko, isa na naman nila itong palusot para makapag-kampo sa isang maganda’t malawak

na lugar sa kagubatan.

Nagtatanim sila ng mga sweet corns. Kumukuha sila ng mga sili, kamatis, kalabasa. Nagtatayo ng

matibay

na bakod o kaya’y tinuturuan ang mga batang kabayo.

Sinasabi nilang hindi nila kayang matutunan ang mga bagay o trabaho sa looban.

Ngayon, siyempre, tanong ng tatay ko, “ilang tao ang mapagpalang katulad natin?”

Pero pinatawag ko itong pagpupulong at sabi kong, “kung makakakuha ka ng pera kapag

nagtrabaho ka sa isang malaking gusali sa bayan.”

“Tandaan mo ang ating unang rule,” ang sabi niya. “Kailangan nating makita ang kalangitan.”

“Pwede ka namang tumingin sa bintana,” sabi ko.


Pero hindi nila iniisip ang ganoong bagay.

Nakita mo ba ang ibing kong sabihin tungkol sa pagiging may ‘sense’?

Sa wakas, nagsalita na ang nanay ko, “O sige, Mountain Girl. Ipapaliwanag na namin sa iyo kung

papaano natin kinukuha an gating pera. Kayo ang taga-lista ngayong gabi.”

Binigyan niya kami ng tig-isang lapis at ilang pirasong papel.

Binigyan din niya ang aking bunsong kapatid, kahit na uupo lang siya doon at magkukunwaring

nagsusulat kapag kami ay magsusulat, o magguguhit ng mga taong nagsasayaw sa ilalim ng

kalangitan.

Ah, oo nga pala, hindi Mountain Girl ang pangalan ko.

Yun lang ang tawag nila sa akin kasi pinanganak ako sa kubo sa gilid ng bundok kung saan ay

naghahanap sila ng ginto minsan sa Arizona.

Sabi nila, iyon daw ay isang mahiwagang lugar, ang pinakamagandang bundok na kanilang inakyat.

Siguro nga, pero alam mo naman kung gaano kakaiba ang pag-iisip nung dalawa.

Gusto nilang ang una kong masilayan ay ang gilid ng bundok na iyon kaya binuhat nila ako ng

nakataas ang kanilang kamay sa labas nang papasikat ang araw kung saan ay walong minuto pa

lamang ako.

Ang totoo niyan, gustong gusto ko pa rin ang pagsikat ng araw.

At ang kapatid ko, ang tawag nila sa kanya ay Ocean Boy. Sabi nila, dahil nasa akin na ang

pinakamagandang bundok para sa una kong sulyap sa mundo, inisip nilang maghanap ng

pinakamagandang karagatan para sa bunso kong kapatid. Sa pagkakaalam ko, inikot nila ang buong

Mexico para maghanap ng karagatan na may kagubatan. At kailangan nilang hanapin ang may kulay

ube-asul na kalangitan at ang eksaktong kulay berdeng alon na gusto nila.

Itinaas din nila siya para makita ang mga alon na iyon para sa kanyang unang tingin.

Balang araw kaming lahat ay babalik sa berdeng karagatan ng aking kapatid at sa aking mataas ng

bundok. Pero sa ngayon (kahit na sinasabi nilang napakayaman namin) hindi nila kami madala kahit

PAGSASALING PAMPANITIKAN

Pagsasalin ng Kwentong Piksyon 9

Course Module

saan man lang.


Hindi nga katakataka ang pagtawag ko sa pulong na ito tungkol sa pera.

Naniniwala ka bang ang tatay ko ay nakaupo dito at tinitignan ako diretso sa mata at sinasabing,

“pero, Mountain Girl, akala ko alam mo kung gaano tayo kayaman.”

Ang sabi ko, “hindi naman tayo lalayo sa usapan kung hindi niyo aaminin na mahirap lamang tayo.”

“Papatunayan ko sa’yo ngayon din,” ang sabi niya. “Gumawa tayo ng listahan ng mga perang

nagagastos natin sa isang taon.”

“Magkano ba?” ang tanong ko. “Isusulat ko na.”

Pero ang sabi niya, “huwag masyadong mabilis. Maraming bagay pa ang iisipin natin bago

pagsasama-samahin.”

“Anong klaseng mga bagay?”

Ang sabi ng nanay, “hindi lang naman natin pinangbabayad ang pera, anak. Meron tayong espesyal

na plano kung kaya’t nakakabayad din tayo sa paglubog ng araw at sa oras ng paglalakbay sa mga

bundok at paghahanap ng mga pugad ng ibon.”

Ang sabi ko, “pwede niyo ba akong bigyan muna ng numero na isusulat sa papel?”

Nagsimula kami sa one million pesos.

Ganyan ang presyo na sinabi ni tatay sa pagtratrabaho niya sa labas, kung saan nakikita niya ang

kalangitan maghapon at nararamdaman ang hangin at naaamoy ang ulan isang oras bago pa tumulo

ang mga patak nito.

Sabi niya na ganoon daw ang halaga kung saan (kapag gusto niyang kumanta) maaari siyang

kumanta ng malakas na malakas, walang pipigil sa’yo.

Kasusulat ko pa lamang ng one million pesos ngunit ang sabi ni nanay, “Dapat pala one million and

five hundred thousand pesos kasi mga five hundred thousand ang halaga ng naririnig mong pagiyak ng
coyote pabalik sa burol.”

Kaya sinulat ko one million five hundred thousand pesos.

At naalala di niya na gusto niyang makita ang malalayong bundok na nagbabago ang kulay mga

sampung beses sa isang araw.

“Nagkakahalaga iyon ng two hundred fifty thousand pesos para sa akin,” ang sabi niya.

Hindi ako nagtaka kasi sinasabi ni nanay na mahusay siya sa mga anino ng bundok sa desyerto. Sabi

niya masasabi niya ang oras sa pagpapalit ng iyon ng kulay mula sa madaling araw hanggang sa
magdilim.

Pinagsama ko ang sinulat ko at ang kinalabasan ay one million seven hundred fifty thousand pesos.

Nag-isip pa si tatay ng iba. “Kapag namukadkad ang cactus, dapat nandoon ka at pinapanood mo

sapagkat maaaring iyon ang kulay na hindi mo na makikita muli sa mga susunod na araw ng iyong

buhay. Magkano sa tingin mo ang halaga ng kulay na iyon?”

“Bente pesos?” ang hirit ng kapatid ko.

Pero napagdesisyunan nila iyon ng isa pang two hundred fifty thousand pesos.

Kaya ngayon ang isinulat ko ay two million pesos.

Nakalimutan ko pa pala na gusto ni tatay gayahin ang mga huni ng ibon. Kaya niyang gayahin kahit

anong uri ng ibon, pero ang pinakamaganda ay ang paggaya niya sa mga puting kalapati, raven, sa

mga pulang buntot ng hawks at quails. Magaling din siya sa tunog ng agila at ng kuwago. Siyempre,

kailangang pagsamahin ang pang-umagang ibon at pang-gabing ibon na nagkakahalaga ng

kalahating milyon.

Pinagsama-sama ko muli ang lahat at ang sinulat ko ay two million five hundred thousand pesos.

Ngayon ang sabi ni nanay, “Tignan natin kung magkano ang total ni Mountain Girl.”

Nagsisimula na akong mahuli ng malalim nilang pag-iisip kung kaya’t isinuggest ko na five hundred

thousand ang halaga ko kahit na nagsisimula ng tumawa ang kapatid ko.

“Huwag mong minamaliit ang sarili mo,” ang sabi ni tatay. “ Tandaan mo ang lahat ng magagandang

bagay na inilista mo para sa atin.”

Tama siya. Ginawa ko. Gumawa ako ng listahan ng pinakamagandang libro na nabasa na natin at

listahan ng mga librong gusto nating basahin muli. Gumawa din ako ng listahan ng mga hayop na

nakita na natin at ng mga hayop na gusto pa nating makita sa kagubatan – hindi sa zoo o kulungan.

Ang akin ay ang Mountain Lion. Napapanaginipan ko siya apat na beses, at nakikita ko ang mga

yapak niya. Ang pinili ni tatay ay ang mabangis na oso. Si nanay naman ay pinili ang wolf at gusto

niyang marinig ang tawag nito. At ang kapatid ko naman ay hindi malaman kung ano ang pipiliin sa

dolphin at whale. Natandaan ko ang lahat dahil isinulat ko sa listahan.

Napagdesisyunan nila na ako ay nagkakahalaga ng isang bilyung piso.

Sabi ko sa isip ko na hindi siguro pero isinulat ko na rin.

PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng Kwentong Piksyon 11

Course Module

Lumalabas na ang bawat isa sa amin ay nagkakahalaga ng isang bilyung piso.

Ngayon ay meron nang four billion, two million and five hundred thousand pesos.

Sa huli, sabi ng kapatid ko na dapat may isang daang piso pa para sa pagtulog namin sa labas sa

ilalim ng mga bituin.

Sabi ng lahat na hindi sapat ang isang daan. Kinausap naming siya na gawin na lang twenty five

thousand pesos.

Ngayon, ang papel ko ay may four billion, two million and five hundred twenty five thousand pesos

– at hindi pa kami nagsisimulang magbilang ng totoong pera.

Sa totoo lang, ang parte ng salapi ay hindi na ganoon kahalaga.

Sinuggest ko na hindi naman na iyon kailangan ilagay sa listahan ng aming kayamanan.

Kung kaya’t dito na nagtatapos ang aming pagpupulong.

Sila ay lumabas ng bahay para makita ang maliwanag na buwan. Pero ako ay nakaupo pa rin sa

aming maganda’t gawang bahay na lamesang pangkusina na may isang tinapay na lamang ang

natira, at isinusulat ko ang kuwentong ito tungkol sa amin.

Hinipo ko ang lamesa at natutuwa ako dahil sa amin ito.

Tingin ko, ang magiging pamagat ng kuwento kong ito ay Ang Lamesa ng Mayaman.

Abigail Faith Cawili

Ang Lamesa ng Mayaman

Hango sa "The Table Where Rich People Sit"

ni "Byrd Baylor"

You might also like