You are on page 1of 4

Ang Alibughang Anak

May isang mayamang ama na may dalawang anak na kapwa lalaki.


Hiniling ng bunsong anak na ang manang kanya sa kayamanan ng
kanyang ama ay ibigay na sa kanya. Nang makuha na ng bunso ang
kanyang mana ay ipinagbili niya agad ito makalipas lamang ang ilang araw.
Matapos ito ay umalis siya at nagtungo sa malayong bayan. Dito niya
walang habas na nilustay ang kabuhayang ipinagkaloob ng ama.Hindi
nagtagal, naubos na lahat ang kanyang salapi. Nang dumating ang
taggutom sa bansang iyon ay isa na siyang pulubi. Namasukan siya bilang
tagapag-alaga ng mga baboy. Dahil sa gutom, nais na niyang kainin pati
pagkain ng mga baboy na alaga niya. Ngunit maging ito ay ipinagkakait din
sa kanya ng kanyang amo.Sa ganitong kalagayan, naisip niya ang kanyang
ama. Ang mga manggagawa nito ay kumakain nang maayos habang heto
siya na nagugutom at walang makain. Agad siyang nagpasyang bumalik sa
dating tahanan.Gayon na lamang ang galak ng kanyang ama. Sinalubong
nito ng yakap at halik ang nagbalik na anak. "Ama, nagkasala ako sa Diyos
at sa iyo. Hindi na ako karapat-dapat na maging anak mo. Ituring mo na
lang akong isa sa iyong mga alila," sabi ng anak sa ama. Ngunit inutusan
ng ama ang mga alila na linisan at bigyan ang anak ng pinakamagarang
kasuotan. Ipinasuot din niya rito ang isang mamahaling singsing, at
binigyan ng sapatos para sa kanyang mga paa. Ipinagpatay din siya ng
isang matabang baka at sa ngalan niya ay nagkaroon ng isang
pagdiriwang. "Ang anak ko ay nawala at ngayon ay nagbalik. Ipagdiriwang
natin ang kanyang pagbabalik," ang sabi ng nagagalak na ama. Namangha
ang nakatatandang kapatid nang dumating siya sa kanilang tahanan.
Itinanong niya sa isang katulong kung ano ang sanhi ng pagdiriwang. Nang
malaman niya ang sanhi ng kasayahan ay gayon na lamang ang kanyang
galit kaya't di napigilan ang kanyang sarili at sinumbatan ang ama. "Akong
masunurin ninyong anak na buong katapatang naglilingkod sa inyo ay hindi
ninyo naipagpatay kahit isang guya man lamang. Ngayong dumating ang
alibugha ninyong anak na lumustay ng inyong kayamanan ay gugugol kayo
nang malaki at magdiriwang!"
Sumagot nang marahan ang ama, "Anak ko, ikaw ay lagi kong kapiling.
Ang lahat ng akin ay iyo. Tayo'y nagsasaya ngayon sapagkat ang kapatid
mong namatay ay muling nabuhay. Siya ay nawala at muli nating nakita."
Team
Dilaw Iskor:
Grade 9-Acacia Petsa: November 29,
2019
ANG TALINGHAGA TUNGKOL SA MAY-ARI NG UBASAN

(PARABULA GALING SA BANSANG

TURKEY)
ANG TALINGHAGA TUNGKOL SA MAY-ARI NG UBASAN
Ang Talinhaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
(Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)
1 "Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong
lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng manggagawa
para sa kanyang ubasan. 2 Nang magkasundo na sila sa upa na
isang salaping pilak a sa maghapon, ang mga manggagawa ay
pinapunta niya sa kanyang ubasan. 3 Lumabas siyang muli nang
mag-aalas nuwebe ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo
lamang sa palengke. 4 Sinabi niya sa kanila, 'Pumunta din kayo at
magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang
upa.' 5 At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-aalas
dose ng tanghali at nang mag-aalas tres ng hapon, at ganoon din ang
ginawa niya. 6 Nang mag-aalas singko na ng hapon, siya'y lumabas
muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa
kanila, 'Bakit tatayu-tayo lang kayo dito sa buong maghapon?' 7 'Kasi
po'y walang magbigay sa amin ng trabaho,' sagot nila. Kaya't sinabi
niya, 'Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho sa aking ubasan.'
8 "Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang
katiwala, 'Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila
magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.' 9Ang mga
nagsimula nang mag-aalas singko ng hapon ay tumanggap ng tig-
iisang salaping pilak. 10 Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang
tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa'y binayaran din
ng tig-iisang salaping pilak. 11 Nang magkagayo'y nagreklamo sila sa
may-ari ng ubasan. 12 Sinabi nila, 'Isang oras lamang gumawa ang
mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at
nagtiis sa nakakapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho
ninyo ang aming upa?' 13 Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa
kanila, 'Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba't nagkasundo tayo sa
isang salaping pilak? 14 Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na.
Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad
ko sa iyo? 15 Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang
aking maibigan? Kayo ba'y naiinggit dahil ako'y nagmagandang-loob
sa iba?"
16 "At sinabi ni Jesus, "Ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay
mahuhuli."

You might also like