You are on page 1of 17

Ang Mabuting Samaritano

Mula sa  Lucas 10:25-37


Isang dalubhasa sa Kautusan ang lumapit kay Jesus upang siya’y subukin. “Guro,
ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?”
tanong niya.

Sumagot si Jesus, “Ano ba ang nakasulat sa Kautusan? Ano ba ang nababasa mo


roon?”

Sumagot ang lalaki, “‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso
mo, buong kaluluwa mo, buong lakas mo, at buong pag-iisip mo;’ at ‘Ibigin mo
ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.'”

Sabi ni Jesus, “Tama ang sagot mo. Gawin mo iyan at magkakamit ka ng buhay
na walang hanggan.”

Upang huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, nagtanong pa ang lalaki, “Sino


naman ang aking kapwa?”

Sumagot si Jesus, “May isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang


Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay
na.

Nagkataong dumaan doon ang isang paring Judio. Nang makita ang taong
nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglakad.

Dumaan din ang isang Levita, ngunit nang makita niya ang taong binugbog,
lumihis din ito at nagpatuloy sa kanyang paglakad.

Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nang makita


niya ang biktima, siya’y naawa. Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang
mga sugat at binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno
at dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan siya doon.
Kinabukasan, binigyan niya ng dalawang salaping pilak ang namamahala ng
bahay-panuluyan, at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung higit pa riyan ang iyong
magagastos, babayaran kita pagbalik ko.'”

At nagtanong si Jesus, “Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na
kapwa ng taong hinarang ng mga tulisan?”

“Ang taong tumulong sa kanya,” tugon ng dalubhasa sa kautusan. Kaya’t sinabi


sa kanya ni Jesus, “Kung gayon, humayo ka at ganoon din ang gawin mo.”

Aral:

 Ang nagmamahal sa Diyos ay minamahal din ang kanyang kapwa. Kahit


ano pa ang kanyang paniniwala, magkaiba man kayo ng kulay o ng
lahing pinagmulan, kahit pa kayo ay minsang nagkagalit, ang ating
kapwa ay kailangan nating mahalin. Hindi natin pwedeng sabihin na
mahal natin ang Diyos ngunit napopoot naman sa ating kapwa. Kung
mahal natin ang Diyos, mahalin din natin ang ating kapwa.

Ang Talinghaga tungkol sa Lingkod na Di


Marunong Magpatawad
Mula sa  Mateo 18:21-35
Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang
patatawarin ang aking kapatid na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?”

Sinagot siya ni Jesus, “Hindi pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.

Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari na hingan
ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa kanilang mga utang. Nang simulan
niyang magkwenta, dinala sa kanya ang isang lingkod na may utang na milyun-
milyong piso.
Dahil sa siya’y walang maibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang
asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya’y makabayad.

Lumuhod ang lingkod sa harapan ng hari at nagmakaawa, ‘Bigyan pa po ninyo


ako ng panahon at babayaran ko sa inyo ang lahat.’Naawa sa kanya ang hari
kaya’t pinatawad siya sa kanyang pagkakautang at pinalaya.

“Ngunit pagkaalis roon ay nakita niya ang isa niyang kapwa lingkod na may
utang sa kanya na ilang daang piso. Sinakal niya ito, sabay sabi, ‘Magbayad ka ng
utang mo!’

Lumuhod ito at nagmakaawa sa kanya, ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at


babayaran kita.’

Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, ito’y ipinabilanggo niya hanggang sa


makabayad.

“Sumama ang loob ng ibang mga lingkod ng hari sa pangyayaring iyon, kaya’t
pumunta sila sa hari at nagsumbong. Ipinatawag ng hari ang lingkod na iyon.
‘Napakasama mo!’ sabi niya.

‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Naawa ako sa iyo.


Hindi ba’t dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo?’

At sa galit ng hari, siya’y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran nang buo ang


kanyang utang.

Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo
taos pusong patatawarin ang inyong kapatid.”

Aral:

 Matuto tayong magpatawad. Kung paanong pinatatawad tayo ng Diyos


sa ating mga kasalanan, maliit man o malaki itong kasalanan, ganun din
natin patawarin ang ating kapwa kung sila ay nagsisisi sa kanilang
nagawang kasalanan at humihingi ng kapatawaran.
Talinghaga tungkol sa Sampung Dalaga
Mula sa  Mateo 25:1-13
“Ang kaharian ng langit ay maitutulad dito. May sampung dalagang lumabas
upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa’y may dalang ilawan. Ang lima
sa kanila’y hangal at ang lima nama’y matatalino.

Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng
langis. Ang matatalino nama’y nagbaon ng langis, bukod pa sa nasa kanilang
mga ilawan. Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya’t inantok at
nakatulog sila sa paghihintay.

“Ngunit nang hatinggabi na’y may sumigaw, ‘Narito na ang lalaking ikakasal!
Lumabas na kayo upang salubungin siya!’

Agad bumangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng
mga hangal sa matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami kahit kaunting langis.
Aandap-andap na ang aming mga ilawan.’

“‘Baka hindi ito magkasya sa ating lahat. Mabuti pa’y pumunta muna kayo sa
tindahan at bumili ng para sa inyo,’ tugon naman ng matatalino.

Kaya’t lumakad ang limang dalagang iyon upang bumili ng langis. Habang wala
sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang
pumasok sa kasalan, at isinara ang pinto.

“Pagkatapos, dumating naman ang iba pang dalaga. ‘Panginoon, panginoon,


papasukin po ninyo kami!’ pakiusap nila.

“Ngunit tumugon siya, ‘Sino ba kayo? Hindi ko kayo kilala.'”

Pagkatapos nito’y sinabi ni Jesus, “Kaya’t magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo
alam ang araw o ang oras man.”
Aral:

 Palaging maging handa sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesus.

Ang Nawala at Natagpuang Tupa


Mula sa  Lucas 15:1-7
Isang araw, ang mga maniningil ng buwis at ang mga makasalanan ay lumapit
kay Jesus upang makinig.

Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan. Sabi


nila, “Ang taong ito’y nakikisama at nakikisalo sa mga makasalanan.”

Dahil dito, sinabi sa kanila ni Jesus ang talinghagang ito.

“Kung ang sinuman sa inyo ay may isandaang tupa at mawalan ng isa, ano ang
gagawin niya? Hindi ba’t iiwan niya ang siyamnapu’t siyam sa pastulan at
hahanapin ang nawawala hanggang sa ito’y matagpuan?

Kapag nakita na niya ang tupa ay masaya niya itong papasanin. Pagdating sa
bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay at
sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin dahil nakita ko na ang tupa kong
nawawala!’

Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang


makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa sa siyamnapu’t siyam na matuwid
na di nangangailangang magsisi.”

Aral:

 Ang Diyos ay nagagalak sa pagbabalik-loob ng taong makasalanan.


Magsisi at talikuran ang iyong mga kasalanan habang may panahon pa.
Ang Alibughang Anak
Mula sa  Lucas 15:11-32
Sinabi pa ni Jesus, “May isang tao na may dalawang anak na lalaki.

Sinabi sa kanya ng bunso, ‘Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.’
At hinati nga ng ama ang kanyang ari-arian.

Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang bahagi at nagpunta sa


malayong lupain. Nilustay niya roon sa mga bisyo ang lahat niyang kayamanan.

Nang maubos na ito, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, kaya’t


siya’y nagsimulang maghirap.

Namasukan siya sa isang tagaroon, at siya’y pinagtrabaho nito sa isang babuyan.


Sa tindi ng kanyang gutom, at dahil sa wala namang nagbibigay sa kanya ng
pagkain, halos kainin na niya ang mga pinagbalatan ng mga bungangkahoy na
pinapakain sa mga baboy.

Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa at nasabi niya sa sarili, ‘Labis-
labis ang pagkain ng mga alila ng aking ama, samantalang ako’y namamatay dito
sa gutom! Babalik ako sa aking ama at sasabihin ko sa kanya, “Ama, nagkasala po
ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo;
ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.”‘ At siya’y nagpasyang
umuwi sa kanila.

“Malayo pa’y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay


patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan.

Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako


karapat-dapat na tawaging anak ninyo.’

Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, ‘Dali! Kunin ninyo ang
pinakamagandang damit at bihisan ninyo siya! Suotan ninyo siya ng singsing at
ng sandalyas. Katayin ninyo ang pinatabang guya at tayo’y kumain at
magdiwang. Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit siya ay nabuhay;
nawala, ngunit muling natagpuan.’ At sila nga’y nagdiwang.

“Nasa bukid noon ang anak na panganay. Nang umuwi siya at malapit na sa
bahay, narinig niya ang tugtugan at sayawan.

Tinawag niya ang isang utusan at tinanong, ‘Bakit? Ano’ng mayroon sa atin?’

‘Dumating po ang inyong kapatid!’ sagot ng alila. ‘Ipinapatay po ng inyong ama


ang pinatabang guya dahil ang inyong kapatid ay nakabalik nang buháy at
walang sakit.’

Nagalit ang panganay at ayaw niyang pumasok sa bahay. Pinuntahan siya ng


kanyang ama at pinakiusapan.

Ngunit sumagot siya, ‘Pinaglingkuran ko kayo sa loob ng maraming taon at


kailanma’y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa’y hindi ninyo ako binigyan ng
kahit isang maliit na kambing para magkasayahan kami ng aking mga kaibigan.
Subalit nang dumating ang anak ninyong ito, na lumustay ng inyong kayamanan
sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo siya ng pinatabang guya!’

Sumagot ang ama, ‘Anak, lagi kitang kapiling at ang lahat ng aking ari-arian ay sa
iyo. Nararapat lang na tayo’y magsaya at magdiwang, sapagkat namatay na ang
kapatid mo, ngunit nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.'”

Aral:

 Laging handa at naghihintay ang Panginoon sa pagbabalik ng mga


taong makasalanan. Labis Niyang ikinatutuwa ang pagbabalik nila. Kaya
habang may panahon pa, magbalik-loob ka sa Diyos at talikuran ang
lahat ng iyong kasalanan.
Ang Mayamang Hangal
Mula sa  Lucas 12:13-21
Sinabi kay Jesus ng isa sa karamihan, “Guro, sabihin nga po ninyo sa kapatid ko
na ibigay niya sa akin ang bahagi ko sa mana namin.”

Sumagot si Jesus, “Kaibigan, tagahatol ba ako o tagahati ng pag-aari ninyo?”

Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman,


dahil ang buhay ng tao ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang pag-aari.”

At ikinuwento niya ang talinghaga na ito: “May isang mayamang may bukirin na
umani nang sagana.

Sinabi niya sa kanyang sarili, ‘Ano kaya ang gagawin ko? Wala na akong
mapaglagyan ng ani ko.

Alam ko na! Gigibain ko ang mga bodega ko at magpapagawa ako ng mas


malaki, at doon ko ilalagay ang ani at mga ari-arian ko. At dahil marami na akong
naipon para sa maraming taon, magpapahinga na lang ako, kakain, iinom at
magpapakaligaya!’

Ngunit sinabi sa kanya ng Dios, ‘Hangal! Ngayong gabi ay babawiin ko sa iyo ang
buhay mo. Kanino ngayon mapupunta ang lahat ng inipon mo para sa iyong
sarili?’

Ganyan ang mangyayari sa taong nagpapayaman sa sarili ngunit mahirap sa


paningin ng Dios.”

Aral:

 Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa araw ng bukas. Maaaring
malakas ka ngayon at maraming naipong kayamanan, ngunit bukas-
makalawa ay maaaring bawiin na ng Diyos ang ipinahiram Niyang buhay
sa’yo. Kaya kung paanong pinaghahandaan natin ang araw ng bukas,
higit nating paghandaan ang araw ng ating kamatayan. Siguraduhin
nating sa langit ang ating punta at hindi sa impyerno.

Talinghaga tungkol sa mga Damo sa


Triguhan
Mula sa  Mateo 13:24-30
Nagsalaysay muli si Jesus sa kanila ng isa pang talinghaga.

Sinabi niya, “Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong naghasik ng


mabuting binhi sa kanyang bukid.

Isang gabi, habang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway,
naghasik ng mapanirang damo sa triguhan at saka umalis. Nang tumubo at
magbunga ang trigo, lumitaw din ang mapanirang damo.

Kaya’t pumunta ang mga utusan sa may-ari ng bukid at nagtanong, ‘Hindi po ba


mabuting binhi lamang ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo
ngayon?’

Sumagot siya, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’

Tinanong siya ng mga utusan, ‘Bubunutin po ba namin ang mga damo?’

‘Huwag, baka mabunot pati ang mga trigo,’ sagot niya. ‘Hayaan na lamang
ninyong lumago kapwa ang damo at ang trigo hanggang sa anihan.

Sa pag-aani’y sasabihin ko sa mga tagapag-ani, ipunin muna ninyo ang mga


damo at inyong pagbigkis-bigkisin at saka sunugin. Pagkatapos, ipunin naman
ninyo ang trigo sa aking kamalig.'”

Aral:
 Bagamat ang lahat ng tao ay nais ng Diyos na maligtas, sa araw ng
paghuhukom ay pipiliin lamang ng Diyos ang tunay na sa Kanya. Ang
mga taong hindi nagsisi, hindi tinalikdan ang kanilang mga kasalanan, at
hindi nanampalataya kay Hesu-Kristo bilang Panginoon at tagapagligtas
ay hindi magkakamit ng buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos.
Sa halip, sila’y itatapon sa dagat-dagatang apoy o impyerno.

Ang Talinghaga tungkol sa Kasalan


Mula sa  Mateo 22:1-14
Muling nagsalita sa kanila si Jesus sa pamamagitan ng talinghaga.

Sinabi niya, “Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang haring nagdaos ng isang
handaan para sa kasal ng kanyang anak na lalaki.

Isinugo niya ang kanyang mga lingkod upang tawagin ang mga inanyayahan,
ngunit ayaw nilang dumalo.

Muli siyang nagsugo ng ibang mga lingkod at kanyang pinagbilinan ng ganito:


‘Sabihin ninyo sa mga inanyayahan na nakahanda na ang mga pagkain, kinatay
na ang aking mga baka at mga pinatabang guya, at handa na ang lahat. Halina
kayo!’

Ngunit hindi ito pinansin ng mga inanyayahan. Sa halip, pumunta sila sa kani-
kanilang lakad. May nagpunta sa kanyang bukid at mayroon namang nag-asikaso
ng kanyang negosyo. Sinunggaban naman ng iba ang mga lingkod, hinamak at
pinatay.

Galit na galit ang hari kaya’t pinapunta niya ang kanyang mga kawal upang
puksain ang mga mamamatay-taong iyon at sunugin ang kanilang lungsod.

Pagkatapos, sinabi niya sa kanyang mga lingkod, ‘Nakahanda na ang mga


pagkain ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan. Pumunta kayo sa mga
pangunahing lansangan at inyong anyayahan sa kasalan ang lahat ng makita
ninyo.’

Pumunta nga sa mga lansangan ang mga lingkod at isinama nila ang lahat ng
kanilang natagpuan, masasama’t mabubuti, at napuno ng mga panauhin ang
bulwagang pangkasalan.

“Pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin. Nakita niya ang isang
taong hindi nakadamit pangkasalan.

Tinanong niya ito, ‘Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakasuot ng damit
pangkasalan?’ Hindi nakasagot ang tao, kaya’t sinabi ng hari sa mga lingkod,
‘Talian ninyo ang kanyang kamay at paa, at itapon siya sa kadiliman sa labas.
Doo’y mananangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin.'”

Pagkatapos nito’y sinabi ni Jesus, “Marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang
pinili.”

Aral:

 Nais ng Diyos na ang lahat ng tao ay maligtas. Kapag narinig mo ang


salita ng Diyos na ipinapangaral, makinig ka at huwag maging matigas
ang iyong ulo. Talikdan ang iyong mga kasalanan at manampalataya ka
kay Hesu-Kristo dahil Siya lang ang daan patungo sa kaligtasan. Maging
handa ka araw ng Kanyang pagbabalik upang hindi ka matulad sa mga
ihahagis sa apoy ng impyerno pagdating ng takdang panahon.

Ang Talinghaga tungkol sa Manghahasik


Mula sa  Marcos 4:1-20
Muling nagturo si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. At dahil nagkatipon sa paligid
niya ang napakaraming tao, siya’y sumakay at umupo sa isang bangkang nasa
tubig. Nanatili naman ang mga tao sa dalampasigan, at sila’y tinuruan niya ng
maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga.

Ganito ang sinabi niya: “Makinig kayo! May isang magsasakang lumabas upang
maghasik ng binhi.

Sa kanyang paghahasik ay may mga binhing nalaglag sa daan. Dumating ang


mga ibon at tinuka ang mga iyon.

May mga binhi namang nalaglag sa batuhan. Bagama’t kaunti lamang ang lupa
roon, agad sumibol ang mga binhing iyon. Ngunit nang tumindi ang sikat ng
araw, nalanta at natuyo ang mga binhing tumubo, palibhasa’y hindi ito
masyadong nag-ugat.

May mga binhi namang nalaglag sa may damuhang matinik; nang lumago ang
mga damo, sinakal nito ang mga binhing tumubo, kaya’t hindi nakapamunga ang
mga binhi.

At may mga binhi namang nalaglag sa matabang lupa. Ang mga ito ay tumubo,
lumago, at namunga nang marami, may tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tig-
iisandaan.”

Sinabi pa ni Jesus, “Makinig ang may pandinig.”

Aral:

 Ang binhing inihahasik ay ang Salita ng Diyos at ang mga binhi namang
nalaglag sa daan ay ang mga taong nakikinig sa Salita ng Diyos.
Pagkarinig nila’y dumarating si Satanas at inaalis ang salitang inihasik sa
kanila. Kung sakaling mapakinggan mo ang Salita ng Diyos, tumimo
nawa ito sa iyong puso at magbunga sa iyong buhay. Huwag ka sanang
magaya sa binhing inihasik sa batuhan na pinakinggan at tinanggap nga
ang napakinggan ngunit nang dumaan sa iba’t ibang pagsubok ay hindi
rin tumimo sa puso ang Salita ng Diyos. Nawa ito’y mamunga sa iyong
puso at buhay ng masagana.
Ang Nagpaparumi sa Tao
Mula sa  Marcos 7:14-23
Muling pinalapit ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila, “Makinig kayong lahat
at unawain ang aking sasabihin!

Hindi nagiging marumi ang isang tao dahil sa pagkaing pumapasok sa kanyang
bibig, kundi dahil sa lumalabas dito. Makinig ang may pandinig!]”

Iniwan ni Jesus ang mga tao, at nang makapasok na siya sa bahay, siya’y
tinanong ng kanyang mga alagad tungkol sa talinghaga.

“Pati ba naman kayo ay hindi pa rin makaunawa?” tanong ni Jesus. “Hindi ba


ninyo alam na hindi nagiging marumi ang isang tao dahil sa pagkaing ipinapasok
niya sa kanyang bibig, sapagkat hindi naman iyon pumapasok sa kanyang puso,
kundi sa tiyan, at pagkatapos ay idinudumi.” Sa ganitong paraan ay ipinahayag ni
Jesus na ang lahat ng pagkain ay maaaring kainin.

At sinabi rin niya, “Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa kanya sa paningin
ng Diyos. Sapagkat sa loob, sa puso ng tao, nagmumula ang masasamang
isipang nag-uudyok sa kanya upang makiapid, magnakaw, pumatay, mangalunya,
mag-imbot, gumawa ng kasamaan tulad ng pandaraya, kahalayan, pagkainggit,
paninirang-puri, pagmamayabang, at kahangalan.

Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay nanggagaling sa puso at dahil sa mga


ito ay nagiging marumi ang tao.”

Aral:

 Ang puso ng tao ay lubhang makasalanan. Dito nagmumula ang


pagnanasa ng tao na makagawa ng kasalanan tulad ng
pagsisinungaling, pagnanakaw, pagpatay, pagmumura, at marami pang
iba. Kung ano ang kinikilos at sinasabi natin ay may malaking parte ang
ating puso dito. Gayunpaman, ang Diyos ay nag-aalok ng paglilinis sa
ating mga puso. Siya lamang ang kayang makapagpabago at maglinis
sa ating pusong masuwayin. Manalangin ka sa Diyos na ikaw ay Kanyang
katagpuin upang magkaroon ka ng buhay na walang hanggan sa piling
ng Diyos pagdating ng panahon. Hilingin mo sa Kanya na bigyan ka ng
bagong puso at tulungan kang huwag makagawa ng kasalanan upang
sa Kanyang muling pagbabalik ay makasama ka sa Kanyang kaharian.

Parable
From Wikipedia, the free encyclopedia
Jump to navigationJump to search
For other uses, see Parable (disambiguation).
For a comparison of parables with other stories, see Traditional story. For a geometrical
figure with a similar name, see Parabola.

The Return of the Prodigal Son, by Rembrandt, 1660s

A parable is a succinct, didactic story, in prose or verse, that illustrates one or more


instructive lessons or principles. It differs from a fable in that fables
employ animals, plants, inanimate objects, or forces of nature as characters, whereas
parables have human characters.[1] A parable is a type of metaphorical analogy.[2]
Some scholars of the canonical gospels and the New Testament apply the term
"parable" only to the parables of Jesus,[3][need quotation to verify][4][page  needed] although that is not a
common restriction of the term. Parables such as the parable of the Prodigal Son are
important to Jesus's teaching method.
Contents

 1Etymology
 2History
 3Characteristics
 4Parables of Jesus
 5Quranic parables
 6Other figures of speech
 7Examples
 8See also
 9References
 10External links

Etymology[edit]
The word parable comes from the Greek παραβολή (parabolē), literally "throwing" (bolē)
"alongside" (para-), by extension meaning "comparison, illustration, analogy." [5][6] It was
the name given by Greek rhetoricians to an illustration in the form of a brief
fictional narrative.

History[edit]
The Bible contains numerous parables in the Gospels of the New Testament (Jesus's
parables). These are believed by some scholars (such as John P. Meier) to have been
inspired by mashalim, a form of Hebrew comparison prominent in the Talmudic
period (c. 2nd-6th centuries CE).[7] Examples of Jesus' parables include the Good
Samaritan and the Prodigal Son. Mashalim from the Old Testament include the parable
of the ewe-lamb (told by Nathan in 2 Samuel 12:1-9[8]) and the parable of the woman of
Tekoah (in 2 Samuel 14:1-13 [9]).
Parables also appear in Islam. In Sufi tradition, parables are used for imparting lessons
and values. Recent authors such as Idries Shah and Anthony de Mello have helped
popularize these stories beyond Sufi circles.
Modern parables also exist. A mid-19th-century example, the parable of the broken
window, criticises a part of economic thinking.

Characteristics[edit]
Parable of the Good Samaritan, as depicted by Jan Wijnants (1670)

A parable is a short tale that illustrates a universal truth; it is a simple narrative. It


sketches a setting, describes an action, and shows the results. It may sometimes be
distinguished from similar narrative types, such as the allegory and the apologue.[10]
A parable often involves a character who faces a moral dilemma or one who makes a
bad decision and then suffers the unintended consequences. Although the meaning of a
parable is often not explicitly stated, it is not intended to be hidden or secret but to be
quite straightforward and obvious.[11]
The defining characteristic of the parable is the presence of a subtext suggesting how a
person should behave or what he should believe. Aside from providing guidance and
suggestions for proper conduct in one's life, parables frequently use metaphorical
language which allows people to more easily discuss difficult or complex ideas.
Parables express an abstract argument by means of using a concrete narrative which is
easily understood.
The allegory is a more general narrative type; it also employs metaphor. Like the
parable, the allegory makes a single, unambiguous point. An allegory may have multiple
noncontradictory interpretations and may also have implications that are ambiguous or
hard to interpret. As H.W. Fowler put it, the object of both parable and allegory "is to
enlighten the hearer by submitting to him a case in which he has apparently no direct
concern, and upon which therefore a disinterested judgment may be elicited from
him, ..."[10] The parable is more condensed than the allegory: it rests upon a
single principle and a single moral, and it is intended that the reader or listener shall
conclude that the moral applies equally well to his own concerns.

Parables of Jesus[edit]
Main article: Parables of Jesus
Medieval interpreters of the Bible often treated Jesus' parables as allegories, with
symbolic correspondences found for every element in his parables. But modern
scholars, beginning with Adolf Jülicher, regard their interpretations as incorrect.
[12]
 Jülicher viewed some of Jesus’ parables as similitudes (extended similes or
metaphors) with three parts: a picture part (Bildhälfte), a reality part (Sachhälfte), and
a tertium comparationis. Jülicher held that Jesus' parables are intended to make a
single important point, and most recent scholarship agrees. [7]
Gnostics suggested that Jesus kept some of his teachings secret within the circle of his
disciples and that he deliberately obscured their meaning by using parables. For
example, in Mark 4:11–12:
And he said to them, “To you has been given the secret of the kingdom of God, but for
those outside, everything comes in parables; in order that ‘they may indeed look, but not
perceive, and may indeed listen, but not understand; so that they may not turn again
and be forgiven.’” (NRSV)
The idea that coded meanings in parables would only become apparent when a listener
had been given additional information or initiated into a higher set of teachings is
supported by The Epistle of Barnabas, reliably dated between AD 70 to 132:
For if I should write to you concerning things immediate or future, ye would not
understand them, because they are put in parables. So much then for this. [13]
Another important component of the parables of Jesus is their participatory and
spontaneous quality. Often, but not always, Jesus creates a parable in response to a
question from his listeners or an argument between two opposing views. This style,
often associated with the Socratics, endeared Jesus to the populations where he taught.

Quranic parables[edit]
Main article: Quranic parables
The Quran's Q39:28-30 boasts "every kind of parable in the Quran". The Quranic
verses include parables of the good and evil tree (Q14:32-45), of the two men, and of
the spider's house. Q16:77 contains the parable of the slave and his master, followed
by the parable of the blind man and the sighted. [14]

Other figures of speech[edit]


The parable is related to figures of speech such as the metaphor and the simile. A
parable is like a metaphor in that it uses concrete, perceptible phenomena to illustrate
abstract ideas. It may be said that a parable is a metaphor that has been extended to
form a brief, coherent narrative. A parable also resembles a simile, i.e., a metaphorical
construction in which something is said to be "like" something else (e.g., "The just man
is like a tree planted by streams of water"). However, unlike the meaning of a simile, a
parable's meaning is implicit (although not secret).

You might also like