You are on page 1of 9

Elehiya sa Sundalo

Sundalo ng kapayapaan
Sundalo ng kagitingan
Sundlo ng pagkapantay-pantay
Sundalong subok na ang tibay
Sa gitna ng laban humahanay
Ang mabuhay o sa mamatay.
Sa pamilya'y nagawang tumalikod
Sukdulang lisanin sariling bakod
Upang ikaw lang ay makapaglingkod
Bagama't maliit lang ang sahod
Sa laot ng digma ay gumaod.
Sumulong, matapang na mandirigma
Barilin silang mga libugha
Kaaway ng bayan dapat mapuksa
Dugo'y dumanak sa sariling lupa
Mapa-kalahi man o 'sang banyaga.
Ah, sundalong buhat sa anak-pawis
ng dugo mo ang laging natitigis
Habang mataas na puno'y bungisngis
Nas harap ka at nagigiyagis
Sa mga kalabang ubod ng bangis.
Ngunit kanino ka nga ba nakikipaglaban
'Di ba't sa tulad mong iniluwal sa

kahirapan?
Na adhika'y baguhin ang patakaran
Anila'y sistema ng kabulukan
Na nagpapalugmok sa sambayanan.
Ngunit ikaw adika mo ay kanino?
Para ba sa bayan o sa iilang tao?
Ano'ng itataga mo sa bato?
Mga adobe't tigas ng prinsipyo
Dumudurog sa bayag n'ya't bayag mo.
Sa bayan ano ang tanging pangarap?
Para sa ngayon at sa hinaharap
Niyayakap mo an glambong ng ulap
Sa digmaan na wala ng sasaklap
Na likha ng pagkakawatak-wtak.
Salamat, sundalong taga-pagtanggol
Habang natutulog kaming tila sanggol
Habang unti-unti kang nasusukol
Kawal na palaging napaparool
Sa digmaang malaon ng sumibol.
Ngayong ganap ng nasalanta ikaw
Lupang uhaw dugo mong titighaw
Dinig pa balang umaalingawngaw
Digmaan ay sadyang 'di huhulaw
Hangga't kapangyariha'y 'di naaagaw.

Isang Punongkahoy
Tula ni
Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


akoy tila isang nakadipang kurus,
sa napakatagal na pagkakaluhod,
parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
Organong sa loob ng isang simbahan
ay nananalangin sa kapighatian
habang ang kandila ng sariling buhay,
magdamag na tanod sa aking libingan
Sa aking paanan ay may isang batis,
maghapot magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay nangakasabit
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo riy agos ng luhang nunukal;
at saka ang buwang tila nagdarasal,
akoy binabati ng ngiting malamlam.
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,

ibon sa sanga koy may tabing nang dahon,


batis sa paa koy may luha nang daloy.

Rahima Jamal, 19

(Tula)
kalansay na nakatingala sa langit
ang punong kabalyero
wala ang naglalagablab na mga
bulaklak
berde pa iyon noong enero
pero ngayoy tinakasan ng mga dahon
hinipan at itinaboy sa naninilaw na
damuhan
ng nilalagnat na marso at abril
di na makikita ni rahima jamal
muling paghihilamos ng dugo
ng punong kabalyero
di na maririnig musika ng dasal
sa bawat takipsilim
sa lupang binaog ng pambubusabos
di na malalasap lamukot ng durian
at tamis-asim ng pinyat dalandan.
tatlong buwan nang nasa morge
sa ospital ng saif obaidullah
sa ras al-khaimah
ang bangkay ni rahima jamal
labing-siyam na taong gulang
nang lagutan ng buhay
matapos alilain ni mohammad sala
sultan
labis na napinsala ang ulo
namuo ang dugo sa nabasag na bungo
di malaman kung binambo ng amo

o ilang ulit na iniuntog sa semento


dahil tumangging maging kabayo.
tatlong buwan nang nasa morge
sa ospital ng saif obaidullah
sa ras al-khaimah
ang bangkay ni rahima jamal
di maiuwi sa mindanaw
maiyakap man lamang
sa kalansay ng punong kabalyero
mabenditahan man lamang
ng sampagitat ilang-ilang
maalayan man lamang
ng galyetas at biskotso
bago ihatid sa huling hantungan
sa gubat ng amarillot cadena de amor
ng makahiya, kugon at damong-ligaw.
nakahimlay pa rin sa morge si rahima
mahimbing namang natutulog
buratserong konsul na pilipino
katalik sa pangarap birhen ng antipolo
sa palasyo naman ng mga indio
ngiting-aso ang unano
nilalaro sa isip pagkapit-tuko sa puwesto
sino ba si rahima jamal?
alila lamang mula sa mindanaw
di naman anak ng dugong bughaw
o apo man lamang ng mararangal sa
gobyerno
bakit pasasakitin ang bumbunan
di man maiuwi ang kanyang bangkay?
bumulwak sana ang habag sa puso ng
emir

ni sheik saqr bin mohammad al-qassimi


baka siya na lamang ang pag-asa
upang makauwi sa wakas si rahima
sa la tierra pobreza.
ilan na ba ang rahima jamal
na ikinalat na parang layak
ng buhawi ng dalitat inhustisya
nandayuhan saanmang sulok ng
planeta
makatakas lamang sa bartolina
ng mga pangarap sa tierra pobreza?
nagdurugo tuloy ang utak ko
tuwing lumalangoy sa mga ugat nito
lahat ng rahima jamal sa mundo
nag-aalimpuyo tuloy sirit ng dugo
tulad nang agasang walang humpay
at mamatay si elham mahdi shuee
ang dose anyos na dalagitang yemeni
na sapilitang ipinakasal kahit bubot pa
katawan at puri
tatlong araw lamang, tatlong araw
lamang
makaraan marahas na pulot-gata
sumabog ang kanyang bahay-bata
inulila ng hininga sa ospital ng hajja
mapalad si elham mahdi shuee
kaysa banyagang mga rahima jamal
di na kailangang iuwi pa sa yemen
parang yelo niyang bangkay
kailan naman iuuwi
ang embalsamadong mga rahima
sa la tierra pobreza?

You might also like