You are on page 1of 17

YUNIT 1

PASALAMATAN NATIN ANG LUMIKHA


(Illustration: Imahe ng Diyos kasama ang ating daigdig na kanyang nilikha)
Ang ating Diyos ay ang ating Ama na siyang nagkaloob ng
kasaganahan sa bawat nilalang na nananahan sa mundong kanyang
nilikha. Nang likhain niya ang lahat ng nanahan sa mundong
ibabaw, ipinagkaloob din niya ang buhay sa bawat nilalang bilang
isang maringal na regalo sa ating lahat. Ang bawat tao sa mundo
ay biniyayaan niya ng katalinuhang higit pa sa ipinagkaloob niya
sa iba pang nilalang na kanyang nilikha. Ang tao ang kawangis ng
Diyos, angat sa lahat ng biniyayaan ng buhay dito sa mundo. Ang
Pag-ibig ng Diyos sa ating lahat ay di magmamaliw kailanman. Kung
kaya Pasalamatan natin ang sa atin ay lumikha. Sa yunit na ito
ay matatagpuan ang mga akdang nagpapaalala sa atin na
magpasalamat sa Diyos at nagtuturo sa ating tungkuling
pahalagahan ang ating kalikasan.
Kung kaya bukod sa pag-aaral ng wikang Filipino ay
inaasahang ang Yunit ay magpapayabong sa pagpapahalaga sa Diyos
at magtuturo sa mga mag-aaral ng pangangalaga sa ating
kapaligiran.
ARALIN 1
MAHALIN ANG KALIKASAN
SIMULAN
Lahat nang bagay na narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos kahit noong tayoy wala pa
Ingatan natin at huwag nang sirain pa
Pagkat pag Kanyang binawi tayoy mawawala na!
-Cesar Banares r!
Narinig mo na ba ang awiting iyan! Ang grupong AS"N ang
lumikha ng awit noon pang #$%. Sa kasalukuyan ba ay napapanahon
pa rin ang mensahe ng awit! &akit! Ano nga ba ang tungkulin
nating mga tao sa pangangalaga ng daigdig! Kung makapagsasalita
ang "nang Kalikasan, ano kaya ang kanyang sasabihin sa patuloy na
pagkasira ng kapaligiran dahil sa mga tao!
BASAHIN
Climate Change ang isa sa pangunahing suliranin ng mundo sa
kasalukuyan. &iglaang pagpatak ng ulan sa panahon ng tag-init at
kung minsan naman ay biglang napakainit ng panahon sa panahon na
dapat sana ay tag-ulan ang nagaganap. "to ang patunay na ang
pagkasira ng kalikasan ay nagdudulot ng pabagu-bago ring klima na
nakakapinsala sa mga tao, hayop, at mga halaman.
Kumbinasyon ng tula at awit ang matutunghayan na tumatalakay
sa mahalagang papel ng tao sa pangangalaga ng ating kalikasan.
Tao at Kalikasan
'(ulawit nina )oel *osta +alabanan, )ulius De,uina at -amon.ito
Paulin/
(Illustration: Ipakita ang pagkasira ng kalikasan dahil sa
pang-aabuso ng mga tao: pagputol ng puno, paggamit ng dinamita sa pangingisda, pagtatapon
ng basura atbp)
(Unang Bahagi: Awit)
Nang likhain ng +aykapal ang daigdig
Nilikha Niya ito nang may kulay at pag-ibig
+ay kapayapaan at walang ligalig
0imig ng pag-asa1y maririnig
Nilikha niya ang karagatan
Na sagana sa iba1t ibang likas-yaman
Dapat na dakilain at pasalamatan
Ang Kanyang kabutihan
Nilikha Niya ang kagubatan
Punung-puno ng hayop at mga halaman
Dapat na dakilain at pasalamatan
Ang Kanyang kabutihan
Nilikha Niya ang sangkatauhan
Na siyang mamamahala nitong kalikasan
Dapat na dakilain at pasalamatan
Ang Kanyang kabutihan
(Ikalawang Bahagi: Tla)
"nang
Kalikasan2 Ako itong kalikasan, bundok, gubat, karagatan
Sa lahat nang nagnanais, may biyayang nakalaan
Pakiusap na ingatan, para sa sangkatauhan
&awat taong nagsisikap ay handa kong paglingkuran
(ao2 Ay3 sa lahat nang nilikha, nasa akin ang
talino
Kaya ikaw kalikasan, sa dunong ko ay aamo
"pagkaloob mo sa akin lahat nang nanaisin ko
Pagkat ako, bilang tao, panginoon nitong mundo
"nang Kalikasan2 Kalikasan ay igalang, mahalin at pag-ingatan
At huwag salaulain sa ngalan ng kasakiman3
(ao2 "ka1y walang magagawa, 4wag mo akong hahadlangan
Aangkinin ko nang lubos ang lahat nang magustuhan
Pagkat ako bilang tao, sa taglay kong karunungan
Ang siyang haring dapat sundin dito sa sandaigdigan
(Hling Bahagi: Awit at Tla)

Korus2
Ngunit ikaw, o tao
Ano ang ginawa mo!
Nilikha kang tagapangasiwa ng mundo
&akit ikaw rin ang nagwawasak nito!
"nang
Kalikasan2 Ako na nga ang nagbigay upang kayo ay mabuhay
Ako itong kalikasang unti-unting pinapatay
Kabunduka1y winawasak, karagata1y nilalason
Ang dulot ng industriya ay samu1t-saring polusyon
Kaya utos ng 5umikha, kayo ngayo1y parusahan
&agyo, lindol at taggutom, ganti nitong kalikasan
0angga1t ang tao ay sakim, patuloy ang kahirapan
+undong likha ng +aykapal, patungo sa katapusan3

Korus2
Ngunit ikaw, o tao
Ano ang ginawa mo!
Nilikha kang tagapangasiwa ng mundo
&akit ikaw rin ang nagwawasak nito!
(ao2 Patawarin nawa tayo, ng +aykapal na lumalang
0abang may pagkakataon, iwasto ang kamalian
Sa lahat nang naririto, ngayo1y aming panawagan
&ago maglaho ang lahat, iligtas ang kalikasan3
PALA!AKIN
"sulat sa patlang ang titik ng salita o pariralang kasalungat ang
kahulugan ng mga nakatalang salita sa kaliwa.
666666 . likhain A. alipin
666666 7. kapayapaan &. kulang
666666 8. sagana *. ingatan
666666 9. dakilain D. insultuhin
666666 :. salaulain ;. lumitaw
666666 <. panginoon F. kalayaan
666666 $. aamo =. wasakin
666666 %. hahadlangan 0. karahasan
666666 #. sakim ". mapagbigay
666666>. maglaho ). pahihintulutan
0. iilap
TALAKAYIN
Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.
. Ano ang isinasaad ng unang bahagi ng akda! Sumasang-ayon ka
ba! &akit!
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
7. Ano ang ipinahayag ng "nang Kalikasan sa ikalawang bahagi!
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
8. Ano ang itinugon ng tao sa pakiusap ng "nang Kalikasan!
Nangyayari ba ito sa tunay na buhay! Patunayan.
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
9. &atay sa akda, ano ang tunay na papel ng tao sa mundo!
Sumasang-ayon ka ba!
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
:. +ay kaugnayan ba ang ginagawa ng tao sa pagkakaroon ng
lindol, bagyo, at iba pang kalamidad! "paliwanag.
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
<. Ano ang pangkalahatang mensahe ng akda! "paliwanag.
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
PALALIMIN
&asahin nang malakas at may buhay ang lahat nang bahaging
patula sa akda. Pagkatapos ay pag-aralan ang bahaging awit at
iparinig sa mula sa klase. Pakinggan ito mula sa
https2??sound.loud..om?musikangrabay?tao-at-kalikasan
ALAMIN
Ang Kahalagahan ng "ili#ino Bilang A$alin
&ahagi tayong lahat ng kalikasan. (ayong mga nilikha
ay dapat magpahalaga sa kalikasang Kanyang nilikha. Sa ating mga
pang-araw-araw na buhay ay maaari tayong makatulong sa
pangangalaga ng kalinisan sa kapaligiran. Ang pagtitipid sa mga
kagamitan tulad ng lapis at papel ay makatutulong kahit papaano
sa pangangalaga sa kalikasan. Sa anong paraan pa ba makakatulong
ang isang katulad mo!
&ahagi rin ng @kalikasanA ng ating pagiging tao ang ating
wika at kultura. Kagaya rin ng kalikasan, dapat din nating
pangalagaan at paunlarin ang Bikang Filipino at ang mga bagay na
may kinalaman sa ating pagka-Pilipino. Dahil dito, ang araling
Filipino sa elementarya ay hindi lamang importante sa pag-aaral
ng ating wika at panitikan kundi instrumento rin ito upang
hubugin ang pagkamakabayan sa mga mag-aaral. Sapagkat sino pa
bang magpapahalaga sa ating wika kundi tayo!
Ang pagiging maka-kalikasan at ang pagmamahal sa sariling
wika ay mahusay na kumbinasyon ng katangian ng mga mabubuting
batang Pilipino. At ang mga mabubuting Pilipino ang kinakailangan
ng ating bansa ngayon at sa hinaharap. +abuhay ang maka-kalikasan
at makabayang Pilipino na tulad mo3
+abuhay ang Bikang Filipino3
Ang Ka%a$ian ng Salita sa !ikang "ili#ino
Kung papaanong may proseso ang pagkabuo ng ating kalikasan
ay may proseso rin ang pagkabuo ng mga salita sa ating wika.
&ti'olohi%a ang tawag sa pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at
kung paano nag-iiba ang kanilang anyo at ibig sabihin sa paglipas
ng panahon. "to rin ang pag-aaral kung paano nabuo ang isang
salita at kung saan ito nagmula. Salitang(gat ang tawag sa
orihinal na anyo ng salita bago pa ito nadagdagan ng anumang
panlapi. Ang #anla#i ay ang katagang ikinakabit sa unahan, gitna
o hulihan ng salitang-ugat upang mabago ang gamit at kahulugan ng
salita.
Ang kayarian ng mga salita sa wikang Filipino ay maaaring
. Payak C kung binubuo ito ng salitang-ugat na maaaring
nagtataglay ng dalawa o tatlong pantig.
+ga 0alimbawa2
bayan, tao, langit, dagat, laya, wasto 'dalawang pantig/
kandila, sandata, lansangan, bandila 'tatlong pantig/
7. +aylapi - kung ang salitang-ugat ay nilagyan ng panlapi.
Ang apat na uri ng panlapi ay ang mga sumusunod2
a) =inamitan ng nla#i o panlapi sa unahan ng salitang-
ugat.
+ga 0alimbawa2
'atatag iasa #a'bayan nag-aral #alaro
b) =inamitan ng gitla#i o panlapi sa gitna ng salitang-
ugat.
+ga 0alimbawa2
binili t'awa sinambit g'awa
.. =inamitan ng hla#i o panlaping nasa hulihan ng
salitang-ugat.
+ga 0alimbawa2
sabihan gayahin kantahan hulihin
taguan basain lutuin gawain
d. =inamitan ng ka*ilaan o panlaping makikita sa unahan at
sa hulihan ng salitang-ugat.
+ga 0alimbawa2
kalayaan #ag-iibigan natagpuan sandaigdigan
8. "nuulit - kung ang salita ay nagtataglay ng pag-uulit ng
pantig, kataga, salitang-ugat o ng buong salitang-ugat.
+ga 0alimbawa2
a. "nuulit ang pantig2 dala-dalawa, opi-opinyon, bali-
balita, sali-salita, pala-palabas
b. "nuulit ang buong salitang-ugat2 linggu-linggo, sabi-
sabi, buwan-buwan, asam-asam, kuru-kuro
.. "nuulit ang buong salita na nilagyan ng pang-angkop2
maasim na maasim, sigaw nang sigaw, tuwang-tuwa, gulat
na gulat, hingi nang hingi
9. (ambalan C kung ang salita ay binubuo ng dalawang
magkaibang salita na pinagsama.
+ga 0alimbawa2
hampaslupa, ligaw-tingin, bantay-salakay, balat-sibuyas,
dagdag-bawas, labas-masok
Kagaya ng rin ng pagpapahalaga natin sa ating
kalikasan, dapat din nating pag-ingatan ang paggamit ng
ating mga salita upang hindi ito maglaho o mawasak. Sa
pagteteks sa .ellphone o pakikipag-.hat sa so.ial network
hindi dapat putulin ang mga salita at hindi dapat gamitin
ang estilong Jejemon. Ang salitang "Jejemon" ay sinasabing nagmula sa mga
gumagamit ng internet na nagta-type ng "hehehe" bilang "jejeje" kung saan ang sobra-
sobra ang paggamit ng mga titik na H, at ! at paghahalo ng mga numero sa
pagpapahayag" Ang salitang #mon$ ay galing sa Japanese anime na %okemon na ang
kahulugan ay halima&" 'amakatu&id, ang Jejemon ay tulad ng halima& na sumisira sa
natural na paggamit ng mga salita sa pagpapahayag na pasulat" Ang ganitong istilo ay
lumalabag sa &astong gamit ng mga titik sa pagsulat" Nakabatay sa wastong
paggamit natin ng ating wika sa kasalukuyan ang pag-unlad
nito sa hinaharap at ang pananatili nito upang
mapakinabangan pa ng susunod na henerasyon.
TAN+AAN
+ahalagang pag-aralan ang Filipino tungo sa
komunikatibong paraan sa paggamit ng wika upang
matamo ang wastong paraan ng pakikipag-usap,
pasalita man o pasulat at sa iba1t ibang larangan
tulad ng kasaysayan, sining, pulitika, ekonomiya at
iba pa. Ang pagkilala sa mga kayarian ng mga salita
ay nakatutulong upang maging epektibo at angkop ang
pagbubuo ng salita batay sa hiningi ng sitwasyon.
Ang mga wastong pag-uugali at pagpapahalaga gayundin
ang mga kasanayan sa panunuri at
pakikipagtalastasanD pakikinig, pagbabasa,
pagsusulat at pagsasalita, na naaayon sa sunud-sunod
na antas ng pagkalinang ay nabubuo sa pamamagitan ng
mga aralin sa Bika at Panitikan. =aya rin ng
kalikasan, dapat din nating pangalagaan at paunlarin
ang Bikang Filipino at ang mga bagay na may
kinalaman sa ating pagka-Pilipino.

SURIIN
Kaya "o Ito
Ang mga sumusunod na salita ay pawang ginamit sa akda.
"sulat sa patlang ang salitang-ugat ng mga ito2
. likhain 6666666666666666666666666
7. pag-ibig 6666666666666666666666666
8. maririnig 6666666666666666666666666
9. pasalamatan 6666666666666666666666666
:. mamamahala 6666666666666666666666666
<. sangkatauhan 666666666666666666666666
$. salaulain 666666666666666666666666
%. nagwawasak 666666666666666666666666
#. tagapangasiwa 666666666666666666666666
>. pagkakataon 6666666666666666666666666
#awin "o
0alaw pa rin sa akdang @(ao at KalikasanA ang mga nakatalang
salita sa ibaba. +agtala ng tigtatatlong salita na nabuo gamit
ang nakatalang salitang-ugat at ibigay ang kahulugan ng mga ito.
0alimbawa2 kapal
+aykapal C Diyos, Panginoon o 5umikha
makapal C malaki ang sukat
kapalan C dagdagan ang sukat o dami
. asa 6666666666666666 666666666666666666666666
6666666666666666 666666666666666666666666
6666666666666666 666666666666666666666666
7. buti 6666666666666666 666666666666666666666666
6666666666666666 666666666666666666666666
6666666666666666 666666666666666666666666
8. loob 6666666666666666 666666666666666666666666
6666666666666666 666666666666666666666666
6666666666666666 666666666666666666666666
9. tapos 6666666666666666 66666666666666666666666
6666666666666666 666666666666666666666666
6666666666666666 666666666666666666666666
:. gawa 6666666666666666 666666666666666666666666
6666666666666666 666666666666666666666666
6666666666666666 666666666666666666666666
"agsanay Pa
Pagsama-samahin ang mga salita ayon sa kayarian nito at
isulat ang sagot sa wastong kolum.
kagitingan dalampasigan lakbay-diwa waging-wagi
katarungan bihis na bihis gamugamo hampas-palayok
paruparo dalagambukid kanluran alaala
sari-sari lingkod-bayan patay-gutom baybay-dagat
atras-abante luksang-luksa sambayanan siyam-siyam
Pa%ak Ma%la#i Ta'*alan Inlit

GAMITIN
A. =umawa ng isang talata na hindi bababa sa anim na
pangungusap at nagpapaliwanag sa kahalagahan ng pag-aaral ng
wikang Filipino batay sa paksang @Kahalagahan ng Bikang
Filipino sa Kasalukuyang PanahonA.
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
&. Suriin ang mga te$t messages na natatanggap mo at ang iba
pang mensaheng nakukuha mo! +ayroon ba sa mga kakilala mo na
gumagamit ng estilong %e%emon! Ano ang opinyon mo tungkol
dito! "paliwanag.
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
6666666666666666666666666666666666666666666666666666
*. Pakinggan sa https2??sound.loud..om?musikangrabay?tao-at-
kalikasan ang melodiya ng akdang @(ao at KalikasanA. &umuo
ng pangkat na binubuo ng tigsasampung kasapi at bigyan ng
interpretasyon ang awit sa pamamagitan ng kilos at sayaw.
D. Pakinggan ang alinman sa mga sumusunod na awit2
. @Ako1y PinoyA ni Florante de 5eon
7. @PinoyA ni Freddie Aguilar
8. @(ayo1y mga PinoyA ni 0eber &artolome
Sa isang malinis na papel at gamit ang mga niresaykel na mga
gamit 'pahina ng magasin, balat ng kendi, balat ng itlog at iba
pa/ ay gumawa ng &ollage tungkol sa mensahe ng pinakinggang awit.
;. +aghanap ng isang artikulo sa pahayagan o sa internet
tungkol sa wikang Filipino. =upitin o i-print ang artikulo
at lagyan ng isang talatang sariling reaksyon tungkol sa
nilalaman nito. "sulat ang reaksyon kakabit ng artikulo at
humandang basahin sa klase ang iyong reaksyon.
F. Panoorin ang Eideo tungkol sa pananalasa ng bagyong Yolanda
sa 5eyte at ipahayag ang paraang pasalita ang sariling
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin sa napanood. Pumunta
sa websayt2
http2??www.youtube..om?wat.h!EFpNh-6SGdHgA

You might also like