You are on page 1of 5

Movie Review: Bayaning Third World

Ang penikulang Bayaning Third World sa direksyon ni Mike De Leon ay isang pelikula
na nagpapakita ng pagiging kritikal at hindi basta basta pagtanggap ng mga bagay na
nakasanayan. Bukod sa ang Pilipinas ay kabilang sa Third World, o dun sa mga bansang
nasakop ng mga kanluranin noong panahon ng merkantilismo at ngayon ay napag-iiwanan ng
mga kabilang sa First World, ang ibig sabihin din ng penikulang ito, si Rizal bilang Third World
ay marupok. Ito ay ipinakita ng mabasag ang figurine na nasa imahe ni Rizal.

Hindi ordinaryo ang pelikulang ito. Dito ipinakita ang mga kahinaan ni Rizal at na wala
siyang ipinagka-iba sa mga iba pang bayani. Hindi ito tulad ng mga ibang penikula ni Rizal na
puro papuri at puro mga magagandang bagay ang ipinapakita. Dito rin kinuwestiyon ang
relasyon ni Josephine Bracken at Rizal. Sinasabing napakamalas ni Josephine Bracken na
nagging ka-relasyon niya si Rizal dahil naman kasi sa kung sino ang mga taong nakakahalubilo
ni Rizala ay nasasama sa historya at ganun din kay Josephine Bracken na naugat pa ang
kanyang pagkatao. Pati ang relasyon nila ay kinuwestiyon at pinaghihinalaan siyang espiya
lamang ng mga prayle kay Rizal. Masakit ito para kay Rizal. Ano man ang katotohanan si
Jopsephine Bracken lang ang may alam. Katotohanan? Sinasabi nga rin palang sinungaling
daw itong si Josephine Bracken dahil sa hindi magkaktugma ang mga pahayag nitong si
Josephine Bracken. Tulad na lamang ng pagsabi niya na ikinasal sila nguinit wala naman
siyang mailabas na dokumento. Wala talaga siyang habol sa mga naiwan ni Rizal dahil hindi
talaga sila kasal at nagsama lamang ang dalawa. Ipinapakita sa ibang pelikula na ikinasal nila
ang kanilang sarili sa ilalim lamang ng puno dahil na rin ayaw silang ikasal ng simbahan dahil si
Rizal ay isang Filibustero.

Sa pamamagitan ng pagsasadula ng pagpunta nila Ricky Davao at Cris Villanueva sa
kapanahunan ng pagkabuhay ni Rizal, naipakita ng malinaw ang mga saloobin ng mga tauhan
at ang gusting ipakita ng director.
May mga katatawanan din na tulad ng paggamit ng mga patalastas. Sinasabi kasing si Rizal ay
ipinangalan na sa lahat ng mga pwedeng ipangalan. Nakakatawa lang ang paggawa ng
patalastas na deodorant.
Nagpakita din sila ng mga alternatibong pangyayari bago ang pagkamatay ni Rizal sa mga
nakakatawang eksena.
Naging maganda ang kabuuan ng pelikula. Naging malaman ito at edukasyonal pa rin ang
dating nito.

Naniniwala ako na hindi maganda na puro na lamang mga magagandang bagay ang
naririnig at nalalaman kay Rizal dahil ito ang nagdudulot sa ilang mga Pilipino na sambahin siya
at gawing santo. Mainam na balanse ang mga bagay na nalalaman natin tungkol sa buhay ng
isang pambansang bayani dahil kahit na siya ang pambansang bayani ay simpleng tao pa rin
siya. At kapag nalaman at naiintindihan natin na simpleng tao rin siya, maiisip natin na kaya rin
nating gawin ang mga nagawa niya at na hindi siya mahirap abutin.

RIZAL: BAYANING THIRD WORLD-a Film Review
Ang pelikula ay umiikot lamang sa isang layunin. Ang makagawa ang mga tauhan
(Ricky Davao at Cris Villanueva) ng isang pelikula o dokumentaryo na nagpapakita ng
akma o yung mismong-mismong nangyari sa buhay ni Rizal.

Ang mga tauhan, sa umpisa ay namroblema sa kung ano ang tamang maging highlight
ng kanilang pelikula. Ipinakita rin sa pelikula na ang buhay ni Rizal ay unang
isinapelikula ng mga banyagang director. Sa pagkakaintindi ko sa pelikula, dalwang
banyagang director ang sabay na lumikha ng pelikula para sa buhay ni Rizal at ang
unang nakatapos ay si Yearsley. Ang ipinakita lamang sa pelikula ni Yearsley ay
paglilitis kay Rizal at ang aktwal na pagbaril dito sa Bagumbayan noon ika-30 ng
Disyembre, 1896.

Isa pang problema ng mga filmmakers sa pelikula ay kung paano ang Magiging
execution ng pelikula, ito bay sa komersyal na pamamaraan na ikinumpara pa nga ni
Ricky Davao sa pagbebenta ng deodorant o sa paggawa ng pelikula na magtatampok
sa highlight o pinaka-kontobersiyal na isyu sa buhay ni Rizal.

Sa kalagitnaan ng pelikula, luminaw na ang kanilang layon na ang itampok sa
dokumentaryong gagawin ay ang tungkol sa retraksyon ni Rizal.

Maraming argumento. Naipakita nila ang pagpapaliwanag tungkol sa retraksyon sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga tauhan sa buhay ni Rizal tulad nina Doa
Lolay ( Daria Razon ), Josephine Bracken ( Lara Fabregas ), Doa Narcisa at Trining (
Rio Locsin at Cherry Pie Picache) , Paciano ( Joonie Gamboa ) at Padre Ballaguer at
Oba at siyempre kay Rizal

Ang mga tauhan ay may kanya-kanyang moment ika nga nila. Ang mga filmmakers ay
isa-isang in-interview nina Ricky Davao at Cris Villanueva. At sa mga panayam na iyon
ay ito ang mga lumitaw na punto:

Mahal ba talaga ni Josephine Bracken si Rizal at kasabwat ba talaga siya ng mga
paring Espanyol sa panghihimok kay Rizal ukol sa retraksyon?

Hindi gusto ng pamilya ni Rizal si Josephine Bracken sa itoy makire at Kulang sa
kaalamang pang-intelektwal.

Pumayag daw mag-retract si Rizal sa kadahilanang nais nitong maikasala kay
Bracken.

Isinulat daw talaga ni Rizal ang Kasulatan ng Retraksyon ngunit hindi nilalagdaan
hanggat hindi sila naikakaksal ni Bracken.

Ayon sa mga kapatid, particularly kay Paciano, hindi nagsisi si Rizal sa lahat ng
naging sakripisyo niya para sa bayan kahit.

Kung alam kaya ni Rizal na siya ay halos sambahin ng mga Pilipino, pipiliin pa kaya
niya magpabaril sa Bagumbayan?

At isa pa ay ang katanungang, kaya ba itinanggi Rizal ang tungkol sa pamumuno ng
himagsikan ay sa kadahilanang hindi siya ang magiging bida?

Naniwala ang pamilya ni Rizal na siya ay nagabalik-loob sa simbahan sa
kadahilanang inilathala ang kasulatan nito.

Lumitaw din sa pelikula kung bakit walang naging anaka si Rizal, mahal ba niya si
Bracken talaga o bakla siya?

Si Rizal, ayon kay Doa Narcisa, ya naging biktima lamang. Biktima ng akusasyong
siya ang namuno sa himagsikan.

Kung si Rizal ng ay nagbalik-loob sa Simbahan, bakit binaril pa siya sa harap ng
maraming tao, sa Bagumbayan? Poitical criminal daw kasi siya.

Bayani nga ba si Rizal? O gusto lang maging bida?


(Pasensiya sa magulong pagkakasunod ng mga kaisipan.)


Maganda ang representasyon ng pelikula, kakaiba. Relaks. May humor na
nakapagpanatili ng interes ng mga manunood sa pelikula. Hindi nagpka-tradisyunal ang
pagkakagawa. May mga makukulit na banat ang mga tauhan sa pelikula kaya naman,
enjoy panuorin.

Sa teknikal na aspeto nito, maganda ang eksekyusyon ng mga eksena. Simple, hindi
masyadong sinauna at may timpla ng makabagong panahon. Tamang-tama lamang
ang halo ng mga ideya. Spontaneous din ang ang daloy ng pelikula at madaling
sundan. Hindi magulo ang pagkakaayos ng mga eksena, yung tipong hindi na nagpaka-
deep.

Sa kalahatan, masayang panuorin ang peilkulang ito. Hindi makaluma, hindi rin naman
sadyang makabago. At kung sa tingin ninyo mababagot kayo at katulad lang din ito ng
ilan pang historical documentaries, panuorin ninyo para malamn ninyo. Sabay ang
pagakatuto at pagkatuwa sa mga bagay-bagay.

Bayaning 3rd world

Galulan, Mercy G. BEED4A
Isang Reaksyon patungkol sa:
Bayaning 3rd World
Ang pelikulang bayaning third world isang malikhaing pelikula na umiikot sa
dalawang film maker na naglalayong umisip kung ano ang gagawin nilang pelikula na
patungkol kay Dr. Jose Rizal, ngunit ito ay punong puno ng pagdududa ukol sa
pagiging bayani ni Rizal. Sa pamagat pa lamang ay mapapaisip ka, o napaisip ako na isa
itong pangungutsa patungkol sa ating pambansang bayani, isang pagtuligsa sa kanyang
kredibilidad at hindi nga ako nagkamali ngunit sa paraang pagiging mausisa lamang.
Tunay ngang kabilang tayo sa tinatawag na third world country, mahirap, hindi
asensado at mababa. Oo, si Rizal ay anak ng isang third world country ngunit sya nga
ba ay isang bayaning third world? Yan ang katanungang humimok sa dalawang film
maker sa pelikulang ito.
Napansin ko lang sa pelikulang ito ginawang katuwaan si Rizal, kung anu-ano
ang binintang, hininala at inilarawan sa kanya. Maging ang soundtrack na ginamit nila
ay sinadyang pampatawa. Nakakatuwang sa una pa lang kinutsa na ang taas niya na
may 5 3 na taas . Sina ricky davao at Criss Villuanueva ay ipinakilala si Rizal sa
pelikulang ito sa kakaibang paraan. Binanggit ang maraming bagay na may kaugnayan
kay Rizal. Ang pagpapangalan ng maraming produkto, lugar at sa mismong ating pera
ang piso- napatunayang kasama na atin si Rizal sa ating buhay, ang paggawa ng
maraming pelikula mula pa noon ng buhay ni Rizal, ang gawin syang santo ng
humiwalay na Bishop na si Bishop aglipay.
Isa din sa di ko malilimutan na tinalakay nila ay ang retraction at ang gawin
syang Dyos ng mga kultong sumasamba kay Rizal. Ang paggawa ng diin nila ng
konsepto ukol sa kung ano ang magiging tema ng gagawin nilang pelikula ang
nagbigay daan sa malikot nilang isip at pagbubuo ng kakatuwang mga katanungan ukol
kay Rizal, halimbawa kung bakla ba si rizal, kung may rosaryo ba sya sa oras ng
kamatayan, at iba pa. Nasiyahan din ako nung paglaruan nila ang maaring maging
reaksyon ng mga karakter sa buahy ni rizal tulad ni Josephine Bracken. Maging ang
pagbuhay at pagkausap ng mga film maker kila donya Teodora, Trinidad, Narcisa,
Paciano at kay Rizal mismo.
Nakaramdam din ako ng pagkalungkot sa ilang tagpo ng pelikula, siguro dahil
sa katotohanang kahit anong gawin ng dalawang film maker may mga tanong na hindi
na masasagot pa.
--

Higit na nabago ng pelikulang Bayaning 3rd world ang aking pananaw tungkol sa ating
pamabansang bayani na si Jose Rizal. Simula nung bata pa ako ay naniwala na akong isang napakagaling
at napakabait na tao si Rizal. Naniwala akong si Rizal ay namatay na isang Katoliko. Noong napanood ko
ang pelikulang Bayaning 3rd World ay nalaman ko ang lahat ng kontrobersiya ukol kay Rizal. Isa sa
kontrobersiya ay ang isang sulat na nagsasaad na "I retract with all my heart whatever in my words,
writings, publications and conduct has been contrary to my character as son of the Catholic Church. I
believe and I confess whatever she teaches and I submit to whatever she demands." - walang
kasiguraduahan kung ang sulat na ito ay totoo o hindi. May dalawang argumento ang nauukol sa
paglaban ni Rizal sa simbahan. Isa ay ang si Rizal ay lumaban sa mga simbahan dahil ito ang ugat ng
paghihirap ng mga tao; at pangalawa, may dahilang pampolitika - ang simabahan ay ang gobyerno at
ang gobyerno ay ang simbahan.
Ang isa sa pa sa kontrobersiya ay ang isyung 'Si Rizal ba ay lumaban sa mga Espanyol dahil gusto
niyang makamit natin ang kalayaan? O ginawa niya ito dahil gusto niyang siya ang mamumuno sa
pagmamalabis ng mga Espanyol?' Pati na ang relasyon ni Rizal kay Bracken ay ginawang kontrobersiya.
Sa kontroberisyang may ginawang sulat si Rizal na nagsasaad na binabawi niya ang lahat ng kanyang
nasabi laban sa simbahan, naniniwala kong ito ay gawa gawa lamang ng mga tao. Dahil walang
prowebang naipapakita na ang sulat ay ginawa mismo ni Rizal. Hindi maghihirap si Rizal para lang sa
wala. Kung babawiin lang di niya ang kanyang mga sinabi, para na ring walang dahilan upang gawing
pamabansang bayani si Rizal.
Sa pelikulang Bayaning 3rd world, ipinakita na ng director ng sine ay pumupunta sa nakaraan
upang kausapin si Rizal, mga kapatid niya, si Bracken, ang nanay niya, atbp.
Ito ay isang magandang stratehiya upang mas maging realistic ang pelikula.

You might also like