You are on page 1of 29

RIZAL IN DAPITAN (1997)

LOVE STORY OF
DR. JOSE RIZAL
(SHORT DOCU-FILM)
LOVELY ESCALORA
JOCELYN GABITAN
JOHN OWEN TATEL
ERIKA IRA TOLENTINO
RIZAL IN DAPITAN
(1997)
RIZAL IN DAPITAN (1997)

Year: Ginawa noong 1997 at natapos ng Hunyo 1997

Director: Tikoy Aguiluz

Haba ng Pelikula: 1 oras at 37 minuto

Lokasyon kung saan ginanap.: Mismong sa Dapitan, Zamboanga del norte


nila ginanap ang pelikula.
MGA TAUHAN:

• Albert Martinez as Dr. José Rizal


• Amanda Page as Josephine Bracken
• Roy Alvarez as Captain. Ricardo Carnicero
• Jaime Fabregas as Fr. Franciso Paula de Sanchez
• Candy Pangilinan as Maria Rizal
• Tess Dumpit as Narcisa Rizal
• Rustica Carpio as Teodora Alonso Realonda
• Noni Buencamino as Pío Valenzuela
SYPNOSIS
Ang pelikulang “Rizal sa Dapitan 1997” ay nagpakita ng
buhay ni Rizal sa loob ng apat na taon sa Dapitan,
Zamboanga del Norte nang siya ay ipatapon dahil sa
pagbatikos niya sa pamamalakad ng mga prayle at ng
Espanya sa Pilipinas. Siya ay tinawag na erehe at filibustero
ng mga prayle.
Sa mga unang araw ni Rizal sa Dapitan, siya ay makailang ulit na
pinilit ni Fr. Obach na magbalik-loob sa simbahan, maging ng
kanyang dating gurong si Fr. Sanchez.
Naging makulay ang pananatili ni Rizal sa Dapitan. Kahit siya ay
isang preso malaya siyang gawin ang kanyang gusto. Gamit ang
perang napanalunan sa lotto, bumili sya ng 16 na ektaryang lupa,
nagtayo ng klinika, naging negosyante at naging guro sa kanyang
itinayong paaralan.
Natupad ang kahilingan ni Rizal na makapiling ang kanyang pamilya. Si
Doña Toedora Alonzo ay dumating sa Dapitan kasama ang mga kapatid ni
Rizal na sina Maria, Narsisa at Trining. Sa kanila nalaman ni Rizal ang balitang
patay na si Leornor Rivera.
Nakilala niya si Josephine Bracken nang dumayo at komunsulta ang
tumayong ama nitong si George Taufer kay Rizal. Hindi man niya nagamot si
Mr. Taufer, umibig naman sina Josephine at Jose Rizal sa isa’t isa na naging
dahilan ng pagbalik ng dalaga sa Dapitan nang ito ay tutungo na sa Hongkong.
Hiniling nilang mabasbasan ng kasal ang kanilang pagsasama ngunit hindi
sila pinayagan hangga’t hindi nagbabalik loob si Rizal sa Iglesya katolika. Pero
hindi natinag si Rizal at pinakasalan niya si Josephine kahit wala ang
presensiya ng prayle at sila’y nagsama sa iisang bubong.
Payak ang naging pamumuhay nina Rizal subalit dahil sa kontrobersyal
nilang pagsasama, naapektuhan ang kaniyang pamilya. Hangang sa tumutol
ang mga kapatid ni Rizal sa kanilang pagsasama at binalaan si Rizal na
maaaring espiya si Josephine ng mga prayle.
Nagkaroon ng pagtatalo sina Rizal at asawang si Josephine na
naging dahilan ng biglaang pagkasilang ng kanilang anak at
pagkamatay nito.
Ipinahayag din ni Rizal ang kanyang pagtutol sa pag-aalsa ng
kilusang tinatag ni Andres Bonifacio sa pamamagitan ni Pio
Valenzuela.
Nagtapos ang pelikula sa pamamaalam ng mamamayan ng
Dapitan kay Rizal nang ito ay tutungo na sa Cuba upang
magsilbing doctor doon.
CRITIQUE
TAUHAN:
Mahusay na nagampanan nina Albert Martinez at Amanda Page
ang karakter ni Rizal at Josephine, sa pagkilos at paraan ng
pananalita.
May mga eksena kung saan gumagamit sila ng mga tao para
magsilbing “side character” na hindi masyadong propesyonal ang
dating dahil sa hindi naman talagang aktor ang mga ito.
TAGPO (SETTING):
Napakahusay ng Direktor dahil sa mismong sa Dapitan talaga nila
ginanap ang pelikula na nagbigay ng dagdag na panlasa at dating sa buong
pelikula.

CINEMATOGRAPH:
Maganda ang pag kakakuha ng bawat mga eksena o Cinematography.
Ngunit, dapat sana ay ginamitan ng ilaw sa mga madidilim na mga eksena
lalo na kung gabi dahil hindi gaanong nakikita ang mga karakter. Ngunit, sa
pangkalahatan, napakahusay pa rin ng dating ng bawat eksena.
NILALAMAN (CONTENT)
-Naipakita kung papaano linangin ni Rizal ang bayan ng Dapitan sa pamamagitan ng
pagtututuro, pagnenegosyo, pagtayo ng klinika at paggawa ng patubig.
-Epektibong naipakita ng pelikula ang pagmamahal ni Rizal sa kanyang bayan.
-Napanindigan din ng pelikula ang pagpalabas ng mga eksena na nagpapakita ng
kahusayan ni Rizal sa iba’t ibang larangan
-Kapansin-pansin din sa kabuuan ng pelikula ang galit ng mga prayle kay Rizal
-At higit sa lahat kapupulutan ng aral kung papaanong naging tapat si Rizal sa kanyang
mga salita at paniniwala.
LOVE STORY OF
DR. JOSE RIZAL
(SHORT DOCU-FILM)
LOVE STORY OF DR. JOSE RIZAL

Director or Artist: N/A

Haba ng docu-film: 14 minuto

Taon: 2020
ASSESSMENT: PANGUNAHING IDEYA

Tinatalakay ng docu-film na ito ang kwento ng buhay pag-


ibig ni Rizal simula kay Segunda Katigbak hanggang kay
Josephine Bracken. Kapansin-pansin din dito kung gaano
kalungkot sa pangkalahatan ang kaniyang buhay pag-ibig dahil
na rin sa kaniyang pagkalaban sa estado.
SYPNOSIS
Isang tunay na romantiko si Rizal at ang sining ang pinakamahusay na paraan nya
upang mapalapit sa puso ng kanyang sinisinta.
Ang kanyang unang pag-ibig ay si Segunda Katigbak, isang kolehiyanang kasama so
dormitoryo ng kanyang kapatid na si Olympia.
Kaibigan ito ng kanyang kapatid na sumasama sa bahay nila, dahil dito nagkaroon ng
crush o pagtingin si Rizal kay Segunda.
Nakatakda ng ikasal si Segunda kaya noong natapos ang klase ay nagwakas na rin
ang pag-ibig ni Rizal.
Habang sya ay nag-aaral sa Maynila, naramdaman niya muli ang pagkaligalig sa
pag-ibig.
Dalawang Leonor ang niligawan ni Rizal. Si Leonor Rivera, na naging kasinatahan
at nagkaroon ng engagement kay Rizal at si Leonor Valenzuela.

Sa paglalakbay ni Rizal sa ibang bansa marami pa siyang nakilalang mga babaeng


hahanga sakanya.
Si Conzuelo Ortega ang anak ng may-ari ng bahay. Niligawan sya ni Rizal ngunit
ang pinili ng dalaga ay si Eduardo de Lete na isang kastila na ipinanganak sa Pilipinas
na mula noon ay naging lihim na kaaway ni Rizal.
Sa London, nakilala nya si Gertrude Beckette. Ipinakita sa sulat ng dalaga na halos
tatlong linggo nang hindi sinasagot ni Rizal ang kanyang mga sulat.
Nahumaling si Rizal sa Japan maging sa isang haponesang si O Sei San (Usui
Seiko).
Noong si Rizal ay tumungo sa Europa, isang babae ang nasadlak sa kalungkutan.
Pinatigil ng nanay ni Leonor Rivera ang kanilang sulatan ni Rizal dahil sa takot na
madamay si Leonor kaya hinarang ng kaniyang ina ang kanilang sulatan. Matagal itong
inilihim ng ina ni Leonor at natuklasan ito noong malapit na siyang ikasal kay Kinping.
Hindi nya iniurong ang kasal sa kondisyon na dapat nyang makatabi sa simbahan ang
kanyang ina, hindi na sya kakanta habang buhay at habang panahong hindi
patutugtugin ang kanilang piano.
Kinalungkot ito ni Rizal pero isang babae ang dumating sa buhay ni Rizal sa
Pransya. Umibig siya kay Nelly Bousted na sinusuyo ng kababayang si Antonio Luna.
Kalaunan ay ipinaubaya ni Luna kay Rizal ang babae ngunit may kondisyon si Nelly na
maging protestante si Rizal at hindi ito sinang ayunan ni Rizal at umalis.
Sa Hongkong, habang ipinapamalas ni Rizal ang kanyang propesyon bilang doktor,
nabihag sya ni Josephine Bracken. Nagkita ulit sila pagkatapos ng apat na taon sa
Dapitan. Nahulog ang loob nila sa isa’t isa at sinasabing sa dalampasigan ipinagtapat ni
Rizal ang nilalaman ng kaniyang puso para kay Josephine.
Pinagkaitan si Rizal at Josephine ng kasal hangga’t hindi pormal na nagbabalik loob
si Rizal sa sinmabahang katoliko. Sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi din sang-
ayon ang pamilya ni Rizal sa relasyon nila ni Josephine Bracken dahil sa paghihinala na
espiya si Josephine ng mga prayle. Ngunit hindi naging hadlang ang mga ito, kinasal
nila ang kanilang sarili at namuhay ng payak sa Dapitan ngunit hindi rin ito nagtagal.
CRITIQUE
TAUHAN:
Walang gaanong mga diyalogo ang tauhan sa kwento ng buhay
pag-ibig ni Rizal dahil mayroong nagsasalaysay. Subalit, ang mga
kinapanayam ay nagbigay ng mahahalagang impormasyon ukol
dito. Gayunpaman, may isang kinapanayam na hindi naibigay ang
pangalan sa docu-film.
TAGPO (SETTINGS):
May mga espisikong tagpuan na hindi ipinakita sa docu-film,
ngunit ito ay nabanggit sa salaysay ng nagsasalaysay.

CINEMATOGRAPHY:
Hindi maayos ang pagkakaputol at pagkaka-edit ng ilang parte ng
docu-film. May mga pagkakataon din na mahina, o masyadong
malakas ang boses ng nagsasalaysay.
NILALAMAN (CONTENT):
Magulo ang daloy ng docu-film dahil sa kakulangan sa
mga detalye tulad ng petsa at mga sangkot na pangalan, ngunit
naiparating naman nito ang pangunahing ideya ng katha.
KRITIKAL NA PAGSUSURI:
Naiparating ng docu-film sa mga manonood ang pangunahing
ideyang nakapaloob rito, ngunit magulo ang pagkakaayos ng mga
tagpo, maging ang sinematograpiya.
Hindi nabanggit kung ilan lahat ang opisyal na naging
kasintahan ni Rizal. Sa halip, binaggit lamang ang mga babaeng
sangkot sa kaniyang buhay pag-ibig.
Ang lenggwaheng ginamit sa docu-film ay angkop sa kwento ni Rizal
dahil sa matatalinhaga, mabulaklak at malalalim na salitang ginamit na
makapagpapaalala sa mga manonood kay Rizal dahil kilala siya bilang isang
romantiko at mahusay na manunulat at makata.
Kahit na sa buhay-pag-ibig lamang ni Rizal nakaatuon ang docu-film,
kapansin-pansin na malaki ang impluwensiya ng pagkalaban ni Rizal sa
estado sa kaniyang naging buhay-pag-ibig. Isa lamang dito ang pagkakait sa
kanila ni Josephine Bracken ng simbahan ng kasal dahil sa kailangan muna
umanong magbalik-loob ni Rizal sa simbahan.

You might also like