You are on page 1of 12

Mga Kasintahan ni Rizal

Tuesday, August 13, 2013

Mga Kababaihan ni  Jose Rizal

JULIA
Noon ay buwan ng abril, 1877. Nagtungo si Rizal sa Ilog Dampalit sa Los Baños,
Laguna upang maligo. Doon nya nakita ang isang magandang babae na
nagngangalang Julia. Mula noon ay larawan na ni Julia ang nakakintal sa isipan ni
Rizal subali't tulad ng iba pang kabataan, ang paghanga ring nalimutan nang
makakilala siya ng isang dalagita ring taga-Lipa Batangas.

SEGUNDA KATIGBAK
Sinasabing unang pag-ibig ni Rizal si Segunda, ang dalagitang taga-Lipa,
Batangas. nakilala ni Rizal ang dalagang ito sa Troso, maynila sa bahay ng
kanyang lola noong buwan ng disyembre 1877, sampung buwan matapos makilala
nya si Julia. Inilarawan ni Rizal si Segunda na may mahabang buhok, matang
nangungusap na maapoy kung minsan at mapanglaw naman sa ibang pagkakataon,
malarosas na kutis na may kasamang nakatutuksong ngiti, magagandang ngipin at
may kilos na malanimpa. Unang pagtatagpo nila ay nahilingan ni Rizal na iguhit
niya ang larawan ni Segunda na kanya namang pinaunlakan. Iyon ang simula ng
kanilang matamis na pag-iibigan. Pinigilan ni Rizal ang sarili na tuluyang mahalin
si Segunda dahil batid niya na naipangako na ito sa ibang lalaki, si Manuel Luz,
subali't nagpatuloy pa rin siya sa pagdalaw dito. 

VICENTA YBARDALOZA
Ang sakit na nadama ni Rizal sa paghihiwalay na iyon ay pinilit niyang pinawi sa
pagdalaw sa dalagang naninirahan sa Pakil, Laguna na tinatawag niyang binibining
L. Sinabi ni Rizal na mas matanda ito sa kanya, maputiat nagtataglay ng mga
matang kaakit-akit. Pinaniniwalaan na ang babaing ito ay ang gurong si Vicenta
Ybardaloza. Madalas na dalawin ni Rizal si binibining L bagamat ang puso niya ay
patuoloy na nagungulila kay Segunda. nahinto lamang ang pagdalaw niya kay Bb.
L nang pagbawalan siya ng kanyang ama.
 

LEONOR VALENZUELA
Nang ikalawang taon niya sa UST ay nakilala niya si Leonor na kapit-bahay ng
may-ari ng bahay na tinutuluyan ni Rizal na si Doña Concha Leyva.Si Leonor ay
anak nina Kapitan Juan at ni kapitana Sanday Valenzuela. Sila ay nagpalitan ng
sulat, at upang hindi malaman na sila'y may kaugnayan, tinuruan ni Rizal si Leonor
sa pagsulat na ang tintang ginagamit ay tubig at asin. Subalit hindi nagtagal ang
kanilang pag-iibigan at nagkasundo na lamang silang magturingan bilang
magkaibigan.

LEONOR RIVERA
Ang pangalawang Leonor sa buhay ni Rizal. nagtagpo ang landas ni Rizal at ni
Leonor Rivera nang ipagsama ni Paciano ang kanyang kapatid sa bahay ng
kanyang tiyo na si Antonio Rivera na siyang ama ni Leonor. Ang pagmamahalan
sa isa't isa ay naramdaman nila nang masugatan si RIzal sa isang pag-aaway ng
mga estudyante sa UST at ito'y ginamot ni Leonor. Siya ay inilarawan na may
maputing balat, alon-along buhok na mamula-mula, may maliit na bibig, may
kalakihan at maitim na mata at mahahabang pilikmata, iong na may katamtamang
tangos, ngiting binabagayan ng dalawang biloy sa mala-rosas na mga pisng,
matamis na tinig na binabagayan ng kahali-halinang halakhak. Matagal
nagkawalay ang dalawa nang nagtungo si rizal sa Madrid. Ikinasal kay Henry
Kipping si leonor Rivera noong June, 17, 1891 dahil sa kagustuhan ng ina.
Namatay sa panganganak si Leonor Rivera noong Agosto, 28, 1893 ngunit may
sinasabing namatay din siya dahil sa kalungkutan.

CONSUELO ORTEGA y REY


Si RIzal ay hindi naman kagandahang lalaki ngunit nagtataglay ng maraming
talento kaya't nagustuhan siya ng magandang anak ni Don Pablo sa Madrid na si
Consuelo. may dalawang dahilan kung bakit umayaw si Rizal sa relasyon nila:
 May kasunduan na sila ni Leonor.
 Ang kanyang kaibigan at kasamahan sa propaganda na si Eduardo de Lete
ay may gusto din kay Consuelo.

SEIKO USUI


  
GERTRUDE BECKETT
Anak si Gertrude ng may-ari ng bahay na tinirhan ni Rizal nang magtungo siya sa
London. Inilarawan ni Rizal si Beckett bilang babaeng may kulay brown na buhok,
asul na mata at mapupulang pisngi. HIndi rin nagtagal at umalis siya sa London
upang makalimutan na siya ni Beckett at ipagpatuloy ang misyon a Maynila.

SUSANNE JACOBE
Isa sa dalawang dahilan kung bakit masaya si Rizal nang umalis ng Belgium.
Noong Abril, 1891 pagkatapos isulat ang El Filibusterismo ay bumalik siya sa
Belhika na ikinatuwa naman ni Susanne Jacobe.

 
 
NELLIE BOUSTED
Isang babaeng maganda, matalino, mahinahon, may mataas na moralidad at
totoong Filipina. May dalawang dahilan kung bakit hindi niyaya ni Rizal si Nellie
na magpakasal:
 Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal.
 Ayaw palipat ni Rizal sa relihiyong protestantismo na gusto naman ni Nellie
JOSEPHINE BRACKEN
Ipinanganak si Bracken noong October 3, 1876. ang kanyang mga magulang ay
sina James Bracken at Elizabeth Jane MacBride mga Irish. ngunit namatay ang ina
nya sa panganganak kaya't inalagaan siya ni Ginoong George Taufer. Inilarawan ni
Rizal si Bracken bilang isang babaeng irish na 18 taong gulang, may gintong
buhok, asul na mata at simpleng manamit pero elegante. Nagkita sila ni Rizal ng
ipagamot ni Bracken si Taufer kay Rizal sa Dapitan. pagkalipas ng isang buwan
nagpasya ang dalawa na magpakasal subalit nalaman ito ni Ginoong Taufer, dahil
sa pagaakalang iiwan ni Josephine ay nagbanta siyang magpakamatay. Nang
bumalik si Taufer sa Hong Kong, bumalik din si Bracken sa Dapitan upang
magpakasal kay rizal. Ngunit tinanggihan ito ni Padre Obach kaya't sila'y
naghawak kamay at ikinasal ang kanilang sarili. Dahil sa hindi inaasahang
pagkakataon, nahulog ang kanilang anak na walong buwan pa lamang. Ito ay
pinangalanan ni Rizal na Francisco. Bago mamatay si rizal, binigay niya muna ang
librong imitation Of Christ ni Padre Thomas Kempis. Ikinasal si Josephine 2 taon
matapos mamatay ni Rizal kay Vicente Abad.
Leonor Rivera,Maria Reyna Fuentes, Dona
Teodora Alonzo, at si Josephine Bracken
kasama naman si . Ang bawat babae ay may
papel sa buhay ni Rizal at sa kasaysayan ng
mga Pilipino. Si Leonor Rivera ay naging
importante sa mga nobela at mga sinusulat
niya. Si Dona Teodora Alonzo ay ang
mapagmahal na ina ni Rizal, at si Josephine
Bracken naman ay ang babaeng minahal at
ikinasal kay Rizal
 Ang mga babaeng ito ay
maihahalintulad sa mga gawa ni
Rizal at sa mga kwentong Pilipino.
Si Maria Reynalyn Rivera ay
makukumpara kay Maria Clara
habang si Josephine Bracken
naman ay tulad ni Salome. Si
Salome ay isang tauhan galing sa
Noli Me Tangere pero di isinama
sa publikasyon kaya kakaunti
lamang ang nakakaalam sa kanya.
Si Josephine ang may
pinakamaraming pagtutulad; siya
ay ikinukumpara kina Gabriela
Silang at Joan of Arc dahil tulad
nila, siya rin ay naglaban kasama
ng mga Katipunero kahit namatay
na si Rizal. Siya ay naging isang
malaking papel sa kasaysayan ng
Pilipinas, ang partisipasyon niya
sa “Battle of Silang” at “Battle of
Dasmarinas”, hanggang sa
pagkamatay niya noong taong
1902 dahil sa AIDS.
 May pito pang babae na makikita
sa buhay ni Rizal: Segunda
Katigbak, Leonor Valenzuela,
Consuelo Ortiga, O-Sei San,
Gertrude Beckette, Nelly
Boustead, Suzanne Jacoby. Lahat
sila'y may maliit o malaking
epekto sa buhay ni Rizal.
 Si Segunda Katigbak at si Leonor
Valenzuela ang una niyang mga
pag-ibig bago siyang pumunta sa
Espanya. Nagsimula siya sa
kanyang pagsusulat ng mga letra
at tulang panliligaw sa kanila.
 Si Consuelo Ortiga, isang anak ni
Pablo Ortiga, ang pag-ibig ng
isang kaibigan ni Rizal, si
Eduardo se Lete. Dahil dito,
marahil pumunta sina Rizal at
mga kaibigan niya sa bahay
Ortiga. Dito, umibig si Consuelo
kay Rizal. Dahil sa kanyang pag-
ibig kay Leonor Rivera at dahil sa
kayang kaibigan si Eduardo, di
siya nag-ibig kay Consuelo
Ortiga.
 Si O-Sei San ay anak ng isang
Hapon na "samurai." Tiunuruan
niya si Rizal ang paraan ng
pagpipinta na tawag ay "sumie."
Tinulungan niya rin si Rizal na
gumaling sa pagsasalita ng
wikang hapon. Kung wala siyang
tungkulin na tulungin ang
kanyang bansa, nanatili sana siya
sa tabi ni O-Sei San.
 Noong nasa London si Rizal,
Nakitira siya sa bahay ng
pamilyang Beckett. Si Gertrude ay
ang panganay sa babaeng
magkakapatid at na-inlove na
inlove siya kay Rizal. Bigla na
lang umalis at pumunta sa Paris
si Rizal para makaiwas kay
Gertrude pero bago siyang
umalis, natapos niya ang
"carving" ng tatlong
magkakapatid at ibinigay niya ito
sa kanila bilang simbolo ng
kanilang pagkakakilala.
 Dahil nawala kay Rizal si Leonor
Rivera, nasa-isip niya ang
posibilidad na manligaw sa ibang
babae. Noong naging bisita siya
sa isang city resort na tawag ay
Blarittz, nakilala niya ang
dalawang babaeng anak ng may-
ari ng lugar. Tinuruan siya ng
magkapatid kung paano "mag-
fence." At si Nellie Boustead, isa
sa dalawa ay "na-inlove" kay rizal.
Hindi tumuloy ang kanilang
relasyon nila hangang kasal dahil
ayaw maging protestano si Rizal
at ayaw ng nanay ni Nellie dahil
hindi gaanong mayaman si Rizal.
 Pumunta si Rizal sa Brussels
galing Paris dahil mahal makatira
sa Paris. Dito nakitira siya sa
boarding house ng dalawang
babaeng magkapatid na apelido
ay Jacoby. Si Suzanne ay "na-
inlove" kay Rizal at umiyak siya
noong umalis si Rizal papuntang
Madrid. Sinulatan niya si Rizal
noong nakaalis na siya.
SEGUNDA KATIGBAK

Sinasabing unang pag-ibig ni Rizal si Segunda, ang dalagitang taga-Lipa, Batangas. nakilala ni
Rizal ang dalagang ito sa Troso, maynila sa bahay ng kanyang lola noong buwan ng disyembre
1877, sampung buwan matapos makilala nya si Julia. Inilarawan ni Rizal si Segunda na may
mahabang buhok, matang nangungusap na maapoy kung minsan at mapanglaw naman sa ibang
pagkakataon, malarosas na kutis na may kasamang nakatutuksong ngiti, magagandang ngipin at
may kilos na malanimpa. Unang pagtatagpo nila ay nahilingan ni Rizal na iguhit niya ang
larawan ni Segunda na kanya namang pinaunlakan. Iyon ang simula ng kanilang matamis na
pag-iibigan. Pinigilan ni Rizal ang sarili na tuluyang mahalin si Segunda dahil batid niya na
naipangako na ito sa ibang lalaki, si Manuel Luz, subali't nagpatuloy pa rin siya sa pagdalaw
dito.

You might also like